Chapter 15 : Task Force Enigma: Rovi Yuno
Monday, December 6, 2010
By: Dalisay
E-mail: angelpaulhilary28@yahoo.com
Blog: http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I was taken by the most amazing man in the world. Kenneth Nicdao.
Nakasilip si Rovi sa high-powered lens ng binocular na gamit niya. He was about 200 meters away sa napakalaking factory ng damit na ginagamit na front para sa drug smuggling operations ng Koreanong si Park Gyul Ho. Understatement ang kwento ng hinyupak na tauhan nitong kumanta sa saliw ng awiting si Major Perse Verance pa mismo ang nag-compose.
Naka-set ang gadget na iyon sa night vision kaya naman kahit sobrang dilim sa kinatatayuan niyang sanga ng puno na nasa katabing gubat ng factory na iyon ay kitang-kita niya ang operasyon ng mga ito sa loob. Apat na oras na siyang palipat-lipat ng sanga. Good thing na magkakalapit lang ang mga puno sa bahaging iyon kaya nakakatalon-talon siya kung gusto niyang lumipat para sa ibang view.
Rovi was almost sure na ang buong factory ay nasa walong-daang metro ang haba. Mataas din ang pader at may mga naka-station na unipormadong gwardiya sa halos lahat ng sulok. May malalaki ring kable ng kuryente sa taas ng mga pader. Whoever designed the whole place has death on mind. Mukha kasing hindi ka bubuhayin ng mga high-voltage wire na nakapaligid.
Hindi rin basta-basta ang security. Double-walled na halos iyon. Parang Intramuros. Sa loob kasi ng malaking pader ay isa pa ulit malawak na pader na ang pagitan sa nauna ay mga limampung metro. So, kung mapapasok mo ang isa eh tiyak na mapapagod ka sa pagpasok ulit sa isa pang gate. Imagine ang stress nun diba? Para ka lang kumuha ng isang bato para ipukpok ng husto sa ulo mo.
Pinasadahan niya ng tingin ang gate na puntirya niya. Mas kaunti ang bantay doon kumpara sa iba. At pansin niya. Hindi nagkikibuan ang mga ito. Kung tama ang hinala niya, hindi halos magkakakilala ang mga ito. Nagtatanguan lang at never na nagusap-usap. Hindi rin nagpapalitan ng station ang mga gwardiya. Lima lang ang nakapwesto sa binibistahan niyang pasukan. Sa apat na natitirang gate ay mga pito o walo. Tingin din niya employees entrance iyon dahil sa walang sasakyan ang pumapasok sa gate na iyon.
Napahawak siya isang sanga na malapit sa kanya para lang mapa-"ewe" dahil sa dagta na nakapa niya. Yumuko siya para hugutina ng panyo sa bulsa na nasa kaliwang binti niya ng maramdaman niyang parang may mabilis na bagay na humaging o dumaan sa ulo niya. May narinig din siyang tumama na kung ano sa isang kalapit na puno. Kinapa niya ang ulo at inamoy ang basang naramdaman niya. Dugo!
Kung ganoon ay may bumabaril sa kanya. Sniper marahil iyon. Maingat siyang sumandal at nag-isip sa maaaring pinanggalingan ng bala. Nakatayo siya sa west side ng factory. Ang punong kinalalagyan niya ay may taas na pitong metro. Ang layo niya ay mga dalawang-daang metro mula sa gate na pinagmamasdan niya. Ng yumuko siya ay nabaling ang direksiyon niya sa timog-kanluran ng bahagya. Sa makatuwid, maaaring naroroon ang sniper. Punyeta! Ang mga ito ang pinaka-ayaw niyang kalaban. Mahirap manghula ng lokasyon. Lalo pa t hindi siya ipinanganak na magaling sa Math.
Mabilis siyang nag-isip. Kinuha niya ang helmet na nakalapag sa isang tabi at isinabit doon ang disguise niyang salamin sa mata. He would bait the son-of-a-bitch to come out from hiding. Sigurado siyang pupuntahan siya nito or ng mga kasamahan nito kung magpapanggap siyang natamaan nito.
Salamat sa extensive training ng TFE sa kanya at kaya niyang kumilos ng mabilis at walang ingay. Idinikit niya ng husto ang sarili sa katawan ng punong kinalalagyan at saka iyon ginapang pababa. Gamit ang night-vision goggles ay humanap siya ng patpat na maaaring magamit. Nang makakita ay mabilis na kinuha iyon at muling umakyat ng puno.
Gamit ang patpat ay isinabit niya rito ang helmet. Alam niyang kikinang iyon gawa ng ganyang salamain. Malamang na naka-night vision din ang kalaban at pupuntiryahin nito ang anumang makitang kumikinang. The man would make sure he's dead kaya naman sa ulo siya nito tiyak na patatamaan. Iyon ang purpose ng ginagawa niya.
Pagkataas na pagkataas niya ng helmet ay muli iyong bumagsak at lumikha ng kaunting ingay ng dahil sa pagkakabaril ng sniper doon. Hindi nga siya nagkamali. Mula sa goggles niya ay nakita niyang ang pinanggalingan ng bala ay ang pinaghinalaan niyang direksiyon.
Mabilis siyang lumipat ng puno at pumuwesto sa isa sa mga sanga noon at nagkubli. Kung tama ang calculation niya ay nasa mga isandaang metro ang kalaban niyang sniper base na rin sa impact ng pagkakatama sa helmet niya. Naghintay siya ng ilang minuto. Alam niyang may darating na kasamahan nito kung hindi man ang mismong bumaril sa "kanya".
Pagkalipas ng sampung minuto marahil na paghihintay ni Rovi ay nagsidatingan na rin ang mga ito. Mga nasa lima ang bilang. May dalang mga flashlights at iniilawan ang lahat ng parteng madaanan. Isang mabilis na kilos ang ginawa niya at nagkubli sa isang mataas na punong tumutumbok sa direksiyon mismo ng sniper. Mas safe iyon. Alam niya kasing ang iniisip nito ay nasa kalapit siyang puno or lumayo na kung hindi man siya napuruhan.
Nagkapaikot ang mga ito sa lugar na kinabagsakan ng helmet. Mabilis na rumadyo ang mga ito sa bumaril sa kanya at nag-report na marahil ay nakatakas na siya. Nagpalit siya ng goggles bago hinugot ang flashbomb sa kanyang utility belt na suot. Hinila niya ang pin saka initsa ito sa gitna ng mga ito. Tinalon niya ang unang taong malapit sa kanya at inikot ang ulo nito.
Inilabas niya ang special na baton at mabilis na hinataw sa ulo ang natitira pang apat na natitira. Hindi na nakuha pang umimik ng mga ito dahil sa mabilis na pagkilos niya. Bagsak ang mga ito sa lupa. As much as possible ay ayaw niyang pumatay pero siya ang papatayin ng mga ito kung hindi siya kikilos.
Narinig niya ang tunog ng radyo kaya mabilis niya itong kinuha at nagkubli. Pinindot niya ang buton para sa mensahe.
"Santos. Anong kislap yung nakita ko? Nakasagupa niyo ba yung nabaril ko?" anang sa kabilang linya.
"Santos 'to p're." Ginaya niya ng bahagya ang narinig na boses kanina.
"Nakatakas ang walang-hiya. Hinahabol na ng mga kasama natin. Nasaan ka ba? Baka pwede mong tingnan mula sa taas. Tumakbo palayo rito eh." pagpapanggap niya.
"Lumipat ako ng pwesto. Sige. Saan ang direksiyon niya?"
"Sa timog ang takbo pare. Ikaw na muna ang bahala. Sugatan ako eh."
"Diyan ka lang. Humingi ka na lang ng tulong. Malapit lang ako sa inyo. Mga limampung-metro lang."
BINGO!
Tapos ka na! Nagbubunyi ang kaloobang saabi niya. Minsan ang pag-arte natural na lang sa kanya.
Mabilis na tumakbo siya sa mga puno palihis sa naunang direksiyon ng sniper. Kung umiba ito ng pwesto, siguro ay nasa mga good 20 meters ito palayo sa nauna nitong pwesto. hininaan niya ang volume ng radyo at sinignalan ang kausap kanina ng sa tingin niya ay malapit na siya rito. Hindi nga siya nagkamali. Nasa itaas ito ng puno mga pitong metro lang ang lapit sa kanya. Nakatayo ito at nakatalikod sa kanya. Tinitingnan ang radyo at pilit na kinokontak ang radyo na ngayon ay mahina na. Naririnig niya ang static ng radyo at ang pagmumura nito.
Mabilis siyang nakalapit sa puno at dahan-dahang inakyat iyon. Like a cat preying on its victim. He silently shifted his legs to the strong branch above the unknowing man's head. He immediately reached for his combat knife and with a swift move, Rovi grabbed his victims head then quickly slashed his throat to claim his life.
How he wished he wouldn't do that. But without any justification for his acts, the only comment he would say is that, its a dog eats dog world out there. It is either you kill or be killed. Wala siyang planong mamatay ng maaga. At may misyon siyang kailangang tuparin.
Mabilis niyang binitawan ito dahilan para bumagsak ito sa lupa habang siya ay nakakapit pa rin sa puno. He silently prayed para sa kaluluwa ng mga ito. Mabilis niyang tinawagan ang mga ka-team niyang nag-aabang lang sa bukana ng gubat pero nakatago rin.
Mabilis na sumagot si Perse. "O pare, anong balita?"
"Napa-engkwentro ako 'tol. Kailangan ko ng clean-up. Mabibisto tayo kapag nagtagal pa ito. Wala pa rin bang sagot si Unabia? Kailangan natin siya dito. Duda ko kong isa lang ang sniper dito. May nakalaban ako. Punyeta. Muntikan na ako sa isang ito." parang pagod na pagod na agad na sabi niya.
Tumatanda ka na Yuno! Pang-aasar ng utak niya.
Natawa si Perse sa reklamo niya. "Hey. Relax ka lang pare. Wala pang sagot sa kumag na si Cody. Pero maghintay ka lang diyan at papunta na sila Jerick diyan kasama si Takeshi. Signal ka na lang kung nasaan ka. Si Jerick na bahala maghagilap sa'yo."
Napabugha siya ng hangin. "Sige." walang-gana niyang sabi.
Bumaba siya ng puno at binalikan ang pwesto ng mga nakasagupa niya kanina habang hila-hila ang katawan ng kanina ay sniper niya. Nagsignal siya kay Jerick at iniwan sa isang puno ang gadget para matagpuan nito iyon saka siya mabilis na tumalilis sa bahaging iyon ng gubat. Pupuntahan niya pa si Perse para i-report kung paano nila kokopyahin ang mga nakasagupa niya kanina.
"Bakit kanina ka pa tahimik, ha, Bobby?"
Napalingon si Bobby sa nagsalitang si Mandarin. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. Kanina pa niya ito kasama pero parang wala rito ang presensiya. Alam niya kung ano ang sagot doon, although naguguluhan siya kung bakit siya nagkakaganon.
Libog lang yan! gagad ng isip niya.
Naiiritang hinilot niya ang sentido na biglang sumakit dahil sa kanina pa siya nag-iisip. Waring tinangay lahat ni Rovi ang kakayahan niyang mag-isip. Dalawang araw na ang nakalipas mula ng umalis ito at ng may nangyari sa kanila pero kapag naaalala niya ang naganap ay di niya maiwasan ang panikipan ng pantalon.
Maging ang alindog ni Mandarin na sadyang inihahain nito sa harapan niya ay halos walang epekto sa kanya. Hindi nag-i-standing ovation sa loob ng shorts niya si junior. Nag-aalala na siya hindi para sa sekswalidad niya kung hindi dahil baka sa impotent na siya o kung anupaman.
"Ano bang problema mo?" kunot-noong tanong ni Mandarin.
"Wala." tipid niya sagot.
"Kung lahat ng walang problema nakasimangot gaya mo. Paano pa kaya yung napakarami ng pinoproblema?"
Hindi siya sumagot. Obvious kasi na gusto lang nitong pag-usapan nila ang bagay na gumugulo sa isipan niya.
Lumapit pa si Mandarin sa kanya. Naka-suot ito ng swimsuit na halos wala ring tinakpan. Kung sa ordinaryong pagkakataon, siguradong di niya iyon palalampasin pero parang tinakasan na siya ng libido niya. Parang normal lang ang suot nito para sa kanya.
Lang'ya!
"Andito naman ako eh. Ako na lang ang pagkaabalahan mo Bobby." malandi ang boses na sabi nito. Idinikit pa ng husto ni Mandarin ang katawan sa kanya. Nakaramdam siya ng kilabot. Hindi dahil sa naaakit siya sa ginawa nito. Nanginig siya kasi, wala siyang maramdaman at iyon ang nagbigay ng kilabot sa kanya.
"Sabi na nga ba at hinihintay mo lang na lumapit ako eh. Alisin mo na yang gumugulo sa isip mo. I'm yours, Bobby." sambit nito sa may tainga niya.
Patay na!
Naipagkamali nito ang panginginig niya. Akala siguro nito ang ganda-ganda nito sa paningin niya ngayon. Napabuntong-hininga na lang siya at disimuladong kumalas rito.
"Pagod na ako Mandarin. Babalik na ako sa bahay."
"Ano?" gulantang na tugon nito. Di makapaniwala ang hitsura.
Nagkibit-balikat lang siya at nagpatuloy sa paglakad pabalik sa bahay. Nakakailang hakbang pa lang siya ng magsalita ulit ito.
"Huwag mong sabihing si Rovi ang iniisip mo? Yung baklang iyon. Sinasabi ko na nga ba at mabilis kumilos ang isang iyon." nanggagalaiting sabi nito.
Huminto siya saglit at tinapunan ito ng masamang tingin.
"Wala siyang kinalaman dito. Pwede ba? Manahimik ka na lang?"
Nanlaki ang butas ng ilong nito lalo sa galit. "Wala? Eh bakit ang lamig-lamig mo sa akin? Bago tayo pumunta dito eh sabik na sabik ka sa akin na para bang mauubusan ka tapos nakilala mo lang ang Rovi na iyon nagbago na agad ang timpla ng hangin. Ano bang ipinakain niya sa'yo?" galit na galit na sabi ni Mandarin. Her eyes glaring while her arms akimbo.
Umiling-iling siya. Ako ang may ipinakain sa kanya! Ngali-ngali niyang isigaw dito.
"Maligo ka na sa dagat. Huwag mo akong pakialaman." aniya sa mapanganib na tono.
"Hindi ka seseryosohin ng baklang iyon. Kahit anong gawin mo, lalabas lang na kulang pa ang lahat ng gagawin mo kasi di marunong makuntento ang mga katulad niya. Laging naghahanap. Laging may kulang para sa kanila." sigaw nito.
Hindi na lang siya sumagot o lumingon pa. Kahit na tumimo sa isip niya na maaaring totoo ang lahat ng sinabi ni Mandarin. Kaya ba naging ganoon si Rovi sa kanya noong gabing may nangyari sa kanila? Nakuha na nito kasi ang gusto nito kaya naman wala na siyang halaga?
"Anong gusto mong mangyari? Magtatalon ako sa tuwa kasi may nangyari sa atin?" Naalala niyang sabi ni Rovi.
Putang ina.
Naiinis na ibinalibag niya ang pinto ng likod-bahay hustong pagkapasok niya. Hindi alintana ang nagtatakang tingin ng tiyahin at ng dalawang pulis na nakabantay sa kanila. Dire-diretso siyang pumasok sa silid at kumuha ng pahinga.
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment