Chapter 3 : Unbroken

Thursday, November 25, 2010

By:Rovi Yuno
Fb:Iheytmahex632@gmail.com
“The greatest thing you'll ever learn is just to love and be loved in return. “
-Moulin Rouge

Gulat na gulat kami ng makita naming nakatingin samin lahat ng tao sa loob ng restaurant.
May mga nakangiti. May mga halatang nagulat. May mga ibang nagpakita ng pagkadismaya.
Hindi namin sila masisi dahil mukha talaga kaming mga lalaki. Wala kang makikitang bakas ng kabaklaan sa aming porma.

“Uh-oh. They are all looking at us now hon.” Sabi ni FR.

“Yeah. They are all staring at us.” sagot ko habang magkatapat pa din ang aming mga labi.

“So,what now? Tuloy ang kiss o hindi?” nanunubok nyang sagot.

“Ohhh. We can't do it here FR. Sorry.” sabi ko habang umaatras ang mukha ko sa mukha nya.

Whew. Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Hindi ko na sinubukang tumingin sa mga tao dahil alam ko na nakatutok ang mga mata nila sa amin. Kitang kita ko sa mukha ni FR ang pagkadismaya. Mababakas sa kanyang mga mata na inaasam nya talaga na halikan ko sya in public.
But I just can't. Ramdam ko din na pinagusapan kami ng mga taong walang alam sa ganitong klaseng relationship.

Nakakabingi ang katahimikan na bumabalot sa aming dalawa. Walang gustong magsalita. Walang gustong kumibo. Tahimik si FR dala marahil ng pagkapahiya at disappointment. Di naman ako nagsasalita dahil ramdam ko pa din ang malakas na kabo ng dibdib ko ng dahil sa nangyari.
Nabibingi na ako sa katahimikan kaya ako na mismo ang bumasag nito..


“Bill out na tayo?” tanong ko sa kanya.

“Sige.” malamig nyang tugon.

“FR. Sorry na please.” pagamo ko sa kanya.

“You're saying sorry for what?” sarkastiko nyang tugon.

“For what happened a while ago. Hindi ko pa kaya. Sorry.”

“Maybe hirap ka na din sa akin. Sa pagiging demanding ko. All I want is affection”. Naiiyak nyang sabi.

“FR. I know and I get your point. Naiintindihan kita. Sorry, It's my fault. Okay? At isa pa.
Pag tayo lang naman magkasama eh I show how much I love you diba?” pagpapaliwanag ko.

“Oo.” mahina nyang tugon.

“Mas masama kung pati lambing sa private eh di ko din binibigay. Sorry na. We just have to be more careful okay? Hindi lahat naiintindihan kung bakit me mga lalaking lalaki din ang gusto.”
dagdag ko pa..

“Okay. I understand. Sorry kung mejo nagiging clingy ako or what. I just want to enjoy everything kasi magiging busy na naman tayo pagkatapos nito.”

Agad akong sumenyas sa waiter. Dali dali itong lumapit at iniabot sa amin ang bill ng aming nakain.
Dumukot ako sa wallet ko nang biglang nagabot si FR ng pera pandagdag.

“FR,it's my treat. Okay?” sabi ko.

“Hati tayo,para hindi maubos baon mong pera.” giit nya.

“Nope. Madami akong dala. No worries Bossing.” sabi ko.

At binalik ko ang perang inaabot nya sa akin. Ganyan ako sa kanya. I want to provide everything
na kaya ko. Kahit na pamasahe kahit saan kami pumunta ayaw na ayaw ko na gumagastos sya.
Hindi naman sa mapera ako pero gusto ko lang iparamdam sa kanya na I will be a good provider.
May mga panahon na lagi nyang pinipilit na sya naman ang gagastos. Pero I never allowed him.

Muling bumalik ang waiter at inabot ang sukli sa aking binayad. Nagaayos na kami palabas ng restaurant pero nasa amin pa din ang mata ng mga tao. Parang sinusuri kami mula ulo hanggang paa. Medyo naiinis na ako dahil wala naman kaming ginagawang masama. Bakit? Pumatay ba kami? May ninakaw ba kami para titigan kami ng ganito? Nakakafrustrate ang mundo. Madaming Judgmental.

Nauna akong tumayo kasunod si FR. Iniiscan pa din kami ng mga tao. Parang sasabog na ako.
Inis na inis na ako sa mga sexist na walang ginawa kundi mangmata ng mga bakla at lesbians.
Doon ko naisip ipakita kung gaano ko kamahal si FR. Dali dali kong hinawakan ang kamay nya
at sabay kaming lumabas ng restaurant. Dumaan kami sa mga taong kanina pa nakatingin
at pinakita kong magkahawak kami ng kamay ni FR. Hindi sila makapaniwala. Lalong nagsitaas ang mga kilay nila ng makita magkahawak kami ng kamay. Hanggang sa may isang nagsalita.

“Woot Cool. Pano kaya sila nagsesex?” sabay tawa ng malakas.

Biglang nagtawanan pati mga kasama nya.Kasabay nito ang titig na parang nakakaloko.
Nagpantig ang tenga ko. Parang gusto ko makipagbasag ulo. Pero nagsalita si FR.

“Wag mo na patulan. Wala tayong ginagawang masama. Mahal natin isa't isa at okay na yun.” pagalo nya sa nanginginig kong damdamin.

“Fine.” sabay buntong hininga.

Bago kami tuluyang makalabas ng Al Fresco. Tumingin ako sa grupong tumawa sa amin. Nakatitig pa din sila at nanlilibak pa din. Kaya ngumiti ako,at bigla kong tinaas ang middle finger ko sabay sabing “Fuck you!”. Lahat sila natameme pagkakita nila noon. Nagtawanan lang kami ni FR matapos ng nangyare. Sinalubong kami ng malamig na hangin at masarap na tunog ng paghampas ng alon sa dalampasigan.

Nagbitaw na kami ni FR pero nakaakbay akon sa kanya habang naglalakad kami para humanap ng upuan. Lalo humigpit ang akbay ko sa kanya dahil alam kong madali syang ginawin. Halata namang natutuwa sya sa nangyayare.

“Pano kaya kung napaaway ka dun kanina?” tanong nya.

“Eh di napaaway. Ano pa ba dapat?” pabiro kong sabi.

“So makikipagaway ka talaga?”tanong pa nito.

“Siguro oo. Kung sobrang offensive na yung mga sinasabi nila. Yung tipong di na tolerable ng utak ko.” sagot ko naman.

“Dahil sakin mapapaaway ka pa. Sorry ha?” lambing nito.

“Sus. As I know gusto mo naman din na mapaaway ako para sayo.” sabay kurot sa ilong nya.

“Hahaha. Exactly. Ang cute mo kaya pag napapaaway. Para kang bata pag naglalambing na masahiin kita.” sagot nito.

“Ang sama mo. Eh pano kung mapatay ako dun? Grrrr.” sabi ko.

“Eh di magsuicide ako.” sagot nito.

“Weehh? Di nga?” asar ko.

“Seriously. Di ko kaya mawala ka.” biglang bumaba boses nito.

“Wag ganun. Hindi hihinto mundo mo pag mawala ang isang tao. Life has to go on.”sabi ko.

“I know. Pero right now,I really can't imagine myself without you.” sagot nitong tagos sa buto.

Malamig. Nanlamig ako pagkatapos ang sinabi nya. Natameme ako bigla. Hindi ko inaasahan na maiging ganoon kalalim ang koneksyon na maeestablish ng aming 3 taong pagsasama sa kanya.
Kahit naman sa akin. Alam kong mahal na mahal ko si FR. Mahirap sa akin pag nagaaway kami.
Para akong hindi makahinga ng maayos. Tulala ako pag meron kaming tampuhan,lakad ako ng lakad. Hindi ako mapakali,nanginginig pag nagagalit sya. In short,sya ang buhay ko. Ako ang buhay nya, Pero may problema.

“Oh? Bakit natulala ka Hon?” sabi nya sa akin na nakapagpabalik sa akin sa wisyo.

“Ha? Wala. May naalala lang.” sagot ko.

“Ano yun? Tell me.” tangan nya.

“Never mind FR. It doesn't matter.”sagot ko. Confused.

“Sure? There's something wrong. I can sense it.” sagot nito. Halatang nalilito.

“Nope. Wala talaga. Maybe pagod lang ako.” at bigla akong tumahimik.

Patuloy kami sa paglalakad ng makakita kami ng isang bakanteng lugar. Wala masyadong tao at nasa tabi mismo ito ng pampang. Ito yung mga tipo naming setting. Yung kita yung dagat,mga bituin at dami namin yung white sand at ung mga alon. Napakagentle ng gabing ito. Sobrang romantiko. Sana kayanin ko after all these years. Mahirap pero dapat.

Naupo kami sa lugar na yon. Di masyado matao dahil bandang dulo na ito ng beach resort. Makalipas ng ilang segundo naramdaman ko nalang ang ulo nya sa aking balikat. Ramdam ko ang
buhok nyang nakawax na tumutusok sa aking mukha pero wala akong pakialam. Ang alam ko ay mahal ko ang lalaking nasa gilid ko. Hindi ko kayang mawala sya at di ko alam ang gagawin ko.
Kailangan kong lumayo. Para wala nang masaktan. Kailangan.

Patuloy ang aming paggunita sa nakaraang 3 taon. Ang mga araw na pula,ang mga gabing asul at ang mga dapit hapong lila. Sinasariwa ang mga araw ng kababawan. Mga LQ moments,mga hot and wild sex scenes,mga eksena sa sinehan,mga patagong hipuan,mga korning love letters,mga suntukan,asaran,basaan ng tubig sa banyo habang naliligo. Lahat lahat. Nang maramdaman kong tumutulo ang aking mga luha. Mabigat ang pakiramdam ko, Di ko kaya ang dapat king gawing desisyon.

Naramdaman kong lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Di ko maiwasan humikbi na nagdulot ng ingay at napansin ni FR.

“Hey,hon. Why are you crying?” tanong nito.

“Ha? Wala. I'm just so thankful sayo.” sabi ko.

“Me too.”. At muli syang sumandal sa aking balikat.

Parang musika sa aking tenga ang hampas ng hangin at alon sa pampang. Isa itong mapait na tinig
nagbabadya ng isang trahedya. Ang dampi ng hangin any isang sumpang magbibigay ng dalamhati sa aking pinakamamahal. Pero bago mawala ang isang napakagandang kabuuan. Kailangan muna ng isang bagay na magpapaalala kung gano naging kasaya ang pinagdaanan.

Nakapatong ang kanyang balikat sa aking balikat. Ramdam ko ang kanyang kapayapaan. Nakahawak naman ang kanyang kamay sa akin. Ramdam ko ang umaapaw na pagmamahal.
Samantalang ako ay naguguluhan,tuliro at di maintindihan. Di ko maintindihan kung paano ko sisimulan ang wakas ng aming pagmamahalan.

Tumayo ako at pinatalikod ko sya. Dali dali kong inilabas ang aking munting regalo.

“FR. I bought you something. Talikod ka. I want you to close your eyes. And feel everything.”

“Ha? Okay okay. I will.” Halatang nagulat sya sa lahat ng nangyayari.

Dahan-dahan kong sinuot sa kanya ang isang kwintas na may pendant na krusipiho. Habang dumadampi sa balat nya ang kwintas ay naririnig ko ang kanyang hikbi. Halatang sobrang saya sya sa akin munting regalo. Habang ako naman ay unti-unting nadudurog. Pinipira-piraso ang aking laman sa sobrang sakit tuwing maiisip ko na dapat ko na syang iwanan. Pero kailangan kong tatagan,para maging ayos ang lahat.

“Hon. Thanks for this. I love you so much.” sabi ni FR habang lumuluha.

“Tandaan mo,habang humihinga pa ako. Ikaw lang ang mamahalin ko. Walang mkakabago nun. Kahit mawala ako sa'yo,baunin mo ang lahat ng magandang mga ala-ala na nagawa natin.
Maging masaya ka. Wag mo kong kakalimutan.” sabi ko sa kanya habang lumuluha.

“What do you mean?” ang kanyang mga mata ay lumuluha na din.

Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Kita ko ang pagkalito at bakas sa kanya ang malaking takot.
At marahan,unti unti kong nilapit ang aking labi sa kanya. Isang halik na tatapos ng lahat. Marahan,mainit,punong puno ng pagmamahal at pasasalamat. Isang halik na puno ng kalungkutan. Isang halik ng pamamaalam.

Kumalas ako sa pagkakahalik at nakita ko nalang na kapwa na kami lumuluha. Tumitig ako sa kanya at humugot ng isang malalim na hininga. Sabay wikang:

“FR. I can't be with you anymore.”

“What?”

“I can't be with you anymore.” sagot ko, Pinipilit kong maging matatag.

At dahan dahang bumagsak ang luhang pinakaiingatan.

“Bakit Daniel?” tangan nya habang umiiyak.

“I just can't.” sagot ko.

Tumayo ako at tumalikod. Hikbi sya ng hikbi. Namamatay ako sa bawat pagluha nya.

“Daniel! Shit! 3 taon tayo! Itatapon mo ang 3 taon ng wala man lang dahilan? You're breaking up with me because you just can't be with me? Daniel!” pagtangis nya

Ngunit parang naging bingi ako. Nagsimula akong lumakad papalayo habang parang gripo ang aming mata. Lumakad ako papalayo. Habang siya ay patuloy na umiiyak at tumatangis..

“Dddddaaaaanniiieeeeeelllll!!!!!”...

ITUTULOY....

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Yummy Athletes

Indie Boys

Models

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP