Hiling Chapter 14

Wednesday, November 16, 2011



Hiling Chapter 14: Desperate Moments of the Queen

-oO0Oo-

Rina Merioles

Nangyari na ang kinatatakutan ko, nabuntis ako ni byron pero di ko ito ipinaalam sa kanya bagkus ay gusto kong palabasing si DJ ang ama ng bata. Desperado na ako lahat gagawin ko para lang bumalik sa akin si DJ, mahal na mahal ko talaga siya at di ko alam kung anu ang mayayari sa akin kung mawala siya.

Simula ng may mangyari sa amin ay iyon na ang huling beses na nagpakita sa akin si Byron kaya kahit papanu ay nakampante ako at alam ko malaki na ang chances ko na magawa ang mga pinaplano ko. Agad kong pinuntahan si tita Tessa kahit papanu ay nagkataong Family Doctor namin si tita kaya pwede ko siyang kausapin tunkol sa mga plano ko.

Agad akong pumunta sa hospital na kung saan ay may clinic si tita. Pagdating na pagdating ko doon ay natsambahan kong walang pasyente si tita kaya agad ko siyang kinausap tunkol sa kaso ko. Buti na lang at pumayag siyang palabasing si DJ nga ang ama ng batang dinadala ko. 

Napag-pasyahan din naming simulan bukas ang magiging routine check up ko sa kanya para masiguro na rin ang magiging kapakanan at kaligtasan ng bata. Mejo masaya ako ngayon dahil kahit papanu everything is falling into place tanging si DJ na lang ang kulang para makumpleto ang lahat.

Pag dating ko sa bahay ay di ko alam kung anu ang gagawin ko para makumbinse si DJ na siya ang ama ng dinadala ko. Alam ko kulang pa ang pinaghahawakan ko para makumbinse ko siya kaya nag iisip pa ako ng paraan kung papanu ko sa kanya sasabihin.

Di pa ako handa ngayon pero sana makaipon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat.

Kinaumagahan ay napagpasyahan kong mag open ng facebook ko para kahit papanu ay malibang naman ako habang naghihintay ng oras. Mamayang alas 4 pa kasi ng hapon ang napagusapang check up ko kay tita. Laking swerte ko naman talaga at isa si DJ sa mga taong agad kong nakita na naka online kaya agad ko siyang pinadalahan ng PM para sabihin na ang lahat.

^_^: DJ.... we need to talk....

O_O: ??

^_^: DJ......... Buntis ako......

O_O: WTF! Rina wag ka ngang magbibiro ng ganyan!

^_^: im not joking DJ! Almost 2 months na ang tiyan ko! If you need proof fine I’ll give you proof... magkita tayo sa ******* Hospital this afternoon 4pm, schedule check up ko ngayon kay Dra. Francisco!

Di na ako nag PM pang muli sa kanya, ayaw ko naman kasi siyang pilitin na pumunta sa nasabing hospital pero alam ko sa sarili ko at base sa pagkaka kilala ko sa kanya na pupunta siya lalo na sinabi kong anak niya ang batang dinadala ko.

Di na ako mapa kali sa pag hihintay ng oras, di ko kasi alam kung anu ang magiging reaction ni DJ pag nagkita kami mamyang hapon sa hospital.

Para akong isang bata dahil sa walang mapaglayan ang excitement ko para mamaya. Kahit na alam kong malaki ang posibilidad na di maniwala si DJ sa plano ko ay di ko paring maiwasang ma-excite para mamaya.

Dumating ang alas 3:30 ng hapon ay di ko na malaman kung anu ang gagawin ko. Nagkakanda ugaga na ako at di ko na alam kung anu ang una kong gagawin. Alas 3:45 agad akong natapos at umali ng bahay para makarating sa clinic ni tita on time. Eksaktong alas 4:00 ng hapon ng dumating ako sa hospital at agad akong dumiretcho sa kwarto ni tita. Bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko ang paguusap nila tita at ni DJ sa loob.

“sabi ko na nga ba... alam ko nang maghihinala siya, buti na lang at naunahan ko na si tita” ang sabi ko sa sarili ko

Agad kong binuksan ang pinto at saka nginitian si DJ sabay sabi ng “oh DJ... it’s so good na nakarating ka.... Hi.. Dra.... I hope im not late for my schedule right?”

Pagkatapos ay sabay ngiti sa kanya, ipinakita ko muli kay DJ ang dating ako. Ang mahina at talunang ako ayaw ko man gawin iyon ay kailangan kong gawin para lang makuha ko siyang muli.

“no you’re just in time....” ang agarang sagot ni Tita sa akin

Di ko alam kung anung ihip ng hangin ang na lanhap ni DJ kaya agad itong nag salita ng “im sorry po for being rude, but I have to go..... may gagawin pa po kasi akong iba.. sige po...” pagktapos ay agad na tumayo at umalis

Para sa akin di pa ako kuntento kailangan ko pang gawin ang lahat alang-alang sa magiging anak naming ni DJ.

Sa pag labas ni DJ ay agad na sinimulan ni tita ang check up ko.

“so far so good, mabuti naman ang kalagayan hija kaya huwag kang mag alala. Pero sana kahit sa akin ay huwag kang mag sinungaling. Im ready to do everything for you kaya pwede mo bang sabihin sa akin kung sino talaga ang ama ng bata?” ang agarang sabi sa akin ni tita

Di ko alam kung anu ang isasagot ko pero huli na ako ni tita kaya wala na akong magagawa pa kundi ang sabihin sa kanya ang totoo.

“Si Byron po tita ang totoong ama ng bata, pero tita si DJ po ang gusto ko saka ginahasa po niya ako kaya lang hindi niya alam na buntis ako. Kaya tita please huwag po ninyong sasabihin kay DJ ang tunkol dito. Ang lalm po kasi niya ay siya talaga ang ama ng bata.” Ang sabi ko kay tita

“naiintindihan kita Rina pero sana maintindihan mo rin na karapatan parin ni DJ at ng magiging anak mo na malaman ang totoo, pero hindi ko sasabihin sa kanya yan kasi gusto ko ikaw mismo ang magsabi sa kanya niyan. Huwag mong hayaang umabot sa punto na sa ibang taoi niya malalaman kasi sigurado ako pag yan nangyari ay sigurado akong kamumuhian ka niya at tuluyan na siyang lalayo sayo. Ayaw kong masaktan ka lang sa huli dahil sa ginagawa mo ngayon” ang malumanay na sabi sa akin ni tita. Halatang hindi talaga siya kumbnsido na plano ko pero at least siya na mismo nagsabi sa akin na hindi niya sasabihin kay DJ ang kanyang natuklasan.

Agad naman akong umalis pagkatapos ng check-up at pag uusap namin ni tita, para akong binagsakan ng langit dahil sa kanyang sinabi, bigla akong natauhan pero desisdido parin akong ituloy ang plano ko at walang kahit na sino ang pwedeng humadlang sa akin.

Lumipas pa ang mga araw ay lahat ay umayon sa plano ko walang ibang nakaka alam ng sikreto ko at si DJ naman ay alam ko namang napilitan na lang na sumunod sa lahat ng gusto ko. Wala na akong magagawa doon pero mas ok na ito kesa wala alam ko balang araw ay matututunan niya ulit akong mahalin.

Nasa ika 8 bwan na ng aking pagbubuntis at nababahala ako sa kalagayan ko dahil sa kambal ang magiging anak ko, pero bakas parin sa sarili niya ang pagiging irritable lalo na pag tunkol sa magiging mga bata ang pinag uusapan, nagdududa na ako na baka alm na niya ang totoo.

Sumapit ang ka-buwanan ko di ko na alam ang gagawin ko dahil sa masakit na at nag spotting na ako.

“DJ!!!!” ang sigaw ko dahil sa alam ko anu mang oras lalabas na ang mga bata

Pero walang DJ na lumapit sa akin pinilit kong bumaba at doon ko siya nakita na lasing at tulog sa may sala kaya muli akong sumigaw

“DJ!!!!!!!!”

“anu ba!!! putang ina naman oh.. diba ako pwedeng matulog ng di ka sumisigaw diyan!!” ang bulyaw niya sa akin

“DJ manga....nga....nak na...... ako....” tapos sabay kapit sa may upuan dahil sa panghihinang nararamdaman ko

Dahil naman sa narinig ay batid kong kahit papanu ay nataranta din siya kaya agad niya akong inakay at saka inalalayan para makasakay kami papuntang ospital.

DJ Fernandez

Diskompiyado parin ako sa mga pinagsasabi sakin ni rina na ako ang ama ng batang kanyang dinadala. Alam ko sa loob na may mali at di ko anak ang batang kanyang dinadala pero wala akong pruweba tungkol dito kaya kahit labag sa kalooban ko ay sumunod na lang ako. Isa pa pinagbantaan na rin ako ni kuya Jethro na puputulin niya ang sustentong pinapabigay sa akin nila momy pag di ko pinanagutan ang bata. Maging ang mga magulang ni rina ay pinagbantaan na rin ako ng masama kung sakaling di ko panagutan ang bata.

Lumipat ako sa flat ni rina para na rin makampante ang lahat pero labag parin sa kalooban ko ang aking ginawang paglipat dahil nga sa di ko mahal si rina at malakas ang kutob kong hindi ako ang ama ng bata.

Simula noong huling beses na nakipag chat sa akin si Lix ay hindi na siya muli pang nagparamdam sa akin, ang sakit sa kalooban na pagkaitan ka ng pagmamahal ng taong mahal mo.

Lumipas ang panahon at ang pagmamahal ko kay felix ay unti-unting napalitan ng galit dahil sa kanyang pag iwan sa akin.

Galit na ako sa lahat ng tao maging kina KM at EJ dahil sa tuwing nakikita ko sila ay naalala ko lang si Lix at ang sakit na nararamdaman ko sa pag iwan niya sa akin.

Wala nang araw na di ako umuuwi ng hindi lango sa alak, sa simula ay halos araw araw akong inuulan ng sigaw ni rina dahil na rin sa kanyang paglilihi pero pilit ko lang iyong ininda.

Sumapit ang ka-buwanan niya pero wala parin akong pakialam kung anu na ang kanyang kondisyon kahit na kaunting pagkaakmusta man lang sa kalagayan ng bata ay di ko ginawa.

Narinig ko na lang ang kanyang pag sigaw pero di ko ito pinansin akala ko kung anu nanaman ang kanyang gusto kaya di ko na siya muli pang pinansin.

Sa pangalawang pagkakataon na pagsigaw niya adoon na ako nagising at napabulyaw sa kanya dahil sa napakalakas ng kanyang pag sigaw samantalang nasa katabi na lang niya ako kaya napasigaw ako sa kanya ng malakas.

DooN ko na lamang napansin ang kanyang panghihina at pamumutla dahil sa papalabas na pala ang bata.

Kahit na labag sa kalooban ko ay di ko parin makuhang balewalaain ang kanyang sitwasyon, tutal sa kanya naman ako galit at hindi sa bata kaya kahit papanu ay inasikaso ko siya sa oras na iyon, pero hindi ko maipapangako na mamahalin ko siya pati ang bata ng buo.

Pagkarating naming sa ospital ay agad din naman kaming inasikaso ng mga nurse at doktor. Sa buong oras ng kanyang paglabor ay hindi ako pumasok ng kanyang warad bagkus ay nasa labas lang ako ng kwarto at naghihintay hanggang sa sumpit ang oras ng paglabas ng bata ay hindi parin ako pumasok sa delivery room.

Makalipas ang ilang oras ay lumabas na ng delivery room ang doktor at saka ibinalita sa akin na isang malusog at kambal ang aming naging anak at pareho itong lalaki.

Maging ako nabigla sa sinabi niya dahil na rin siguro sa hindi ko binigyan ng panahon na alamin ang lahat tunkol sa kanyang pag dadalang tao kaya di ko alam na kambal pala ang kanyang anak.

Nakita ko ang dalawang bata na magkatabi sa nursey at para akong muling nabuhay ng nakita ko ang mga inosenteng mukha ng kambal.

Napag desisyunan naming ni Rina na pangalanang Daniel Michel at Laniel John Fernandez. Labag man sa akin pero para na rin siguro sa kapakanan ng mga bata ay gagawin ko na rin ito tutal ito na lang siguro ang natitira sa akin.

_

Lumipas pa ang panahon at sumapit ang unang kaarawan ng kambal at doon ko na natutunang mahalin ang magkapatid pati na rin si rina.

Ok na sana ang lahat hanggang sa may dumating na di inaasahang bisita, siyang naging dahilan para mawala ulit ang unti-unting namumuong pagmamahal ko kay rina alang-alang sa mga bata.

Rina Merioles

Lumipas ang panahon at nararamdaman ko na rin na kahit papanu ay gumagaan na ang kalooban ni DJ sa mga anak ko pero di parin niya magawang mahalin ako ng buo.

Lumipas pa ang panahon at sumapit na rin ang unang kaarawan ng aking mga anak, nandoon si DJ sa tabi ko at pinaninindigan ang pagiging ama sa mga anak ni Byron, andoon din si kuya Jethro ang kuya ni DJ, sina momy at dady pati na lahat ng mga kaibigan kamag anak namin ay nadoon. Akala ko magiging maayos na ang lahat hanggang sa dumating ang isang hindi inaasahang bisita.

Itutuloy.....

Read more...

Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 16)

Tuesday, November 15, 2011

Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, Erion, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

------------------------------------------------
Part 16

24th of December, 2004. Friday. Medyo malamig ang gabing iyon kaya napagdesisyunan kong mag-jacket na kulay brown at tumambay sa water station na family business namin. Bakasyon ngayon at marahil ay busing-busi ang mga tao para sa pagsapit ng kapaskuhan. Nandun si Kuya Elmer, ang maasahang boy at helper ng family business namin. 20 years old siya noon at nakahinto ng tatlong taon after niyang grumradweyt noong high school. Nag-usap kami tungkol sa kalakaran at mga nangyayari sa negosyo namin para me idea ako kapag ako na ang namahala dito balang araw. Nang natapos ay binigyan ko siya ng regalo at binati ng Maligayang Pasko.

Nagtext si mommy sa akin at ipinag-utos na isarado ko ng maaga ang water station para makasama naman ni Elmer ang mga magulang nito ng maaga ngayon isang araw bago magpasko. Buti na lang at nandiyan si Kuya Elmer para tulungan ako. Mabilis naming nasarado ang water station at nagpasyang magpaalam siya sa akin. Hinawakan ko ang kanang balikat nito sabay ngiti na nangangahulugang sumasang-ayon ako. Hinintay ko munang umalis si Kuya Elmer sa harapan ko bago ako umalis at nagpasyang umuwi sa amin.

Pasko na nga at ramdam ko ang lamig ng simoy ng hangin. Naka-jacket na ako ha, pero parang tumatagos pa rin ang lamig sa kailaliman ng balat ko. Hindi ko maiwasan na manginig habang naglalakad. Sa kalye ng Varona sa Tundo, napansin ko ang mga bata na nangangaroling, gamit ang improvised musical instrument na paniwala kong ginawa nila. Nakakaaliw sila. Hindi kong maiwasan na maipasok sa isip ko ang mga panahong pinagsamahan namin nina Cheney at Patrick Noong mga bata pa kami. Na-missed ko tuloy sila.

Sa itaas, napansin ko ang bahay nina Cheney ang gate nila na puno ng Christmas light na naka-pormang Christmas tree. Sa second floor nila ay ang parol na napakalaki. Matagal na nila iyong ginagamit simula pa pagkabata ko. Napansin ko si Cheney na nagbabalot ng regalo sa sofa nila malapit sa bintana sa labas kaya napagdesisyunan ko na wag muna siyang abalahin.

Agad kong naisipan na kunin ang CP ko sa bulsa ko at binuksan. Nakita ko na nagtext pala si Lei at mukhang gusto niyang pumunta sa amin, kaya nagreply ako at pinapunta ko siya. Sa labas, napansin ko si Daddy at mukhang busy sa pagluluto ng lechon sa harapan ng barangay hall kasama ang mga ka-constituents niya.

"♪Sana ngayong Pasko ay maalala mo pa rin ako... Hinahanap hanap pag-ibig mo... At kahit wala ka pa, nangangarap at umaasa pa rin ako, muling makita ka, at makasama ka, sa araw ng Pasko...♪"

Iyan ang naririnig ko habang kinakanta ng mga tambay sa tindahan ni Aling Perla ang kanta. Biglang pumasok sa isip ko si Patrick. Buti na lang at hindi "Remember me this Way" ang kinanta nila kundi, nagwala ako sa harapan nila. Sa daanan, nakita ko si Joseph na kaibigan ko sa school. Niyaya niya akong pumunta sa kanila para sumalo sa darating na noche buena mamayang madaling-araw at pumayag naman ako. Pumunta ako sa kanila at nakita ang mommy nito, si Tita China.

Hindi ko na hinintay ang noche buena kaya napagdesisyunan ko na kumain ng maaga sa kanila. Pinaupo ako ni Joseph sa sofa nila at ipinaghain niya ako.

"Mukhang Masarap yan ah!!"

Nang ibinigay ni Joseph ang pagkain sa akin ay agad akong nagpasalamat. Niyaya din ako ni Joseph na mag-inuman sa kanila, pero hindi ako pumayag dahil ayaw kong malasing sa mga panahong iyon. Gusto din pala niyang iinvite si Nikol, Hiro at Lei kaso baka daw busy sila sa mga oras na ito.

Lumipas ang isa't kalahating oras at nagpasya akong umuwi na ng bahay. Hindi ko naubos ang mga kinain ko, siguro tama lang na ginawa ko iyon para makakain ako mamaya sa amin. Sinamahan ako ni Joseph pauwi sa amin at nang nasa labas na ng bahay namin ay agad na nagpaalam siya. May kailangan daw muna siyang asikasuhin at pagkatapos daw nun ay pupunta siya sa amin.

Pagkauwi, nakita ko sa loob si mommy na nagluluto ng ube halaya. Mukhang Masarap kasi habang nasa labas pa lang ako eh naaamoy ko na ang manamis-namis na panghimagas.

"Oh, jay andyan ka na pala, Teka may mga pupunta bang mga kaklase mo dito mamaya?" tanong sa akin ni mommy.

"Well, I'm not sure, probably si Lei pupunta, pero ewan ko kung pupunta si Joseph at Cheney." sagot ko kay mommy.

"Oh, I forgot to say, Cheney had told me na pupunta siya mamaya. I think I should have to buy some liquor drinks para mamaya." Sabi ni Mommy.

Umalis si mommy nang natapos niyang lutuin ang ube-halaya. At bumili ng alak para sa noche buena namin mamaya. Binuksan ko naman ang PC katabi ng ref namin sa gilid ng sofa. Nang nabuksan ay pinindot ko ang icon ng Internet Browser gamit ang mouse. Sinearch ang Friendster at binuksan ang Facebook sa kabilang Tab. As expected, andaming Christmas greetings na aking natanggap mula sa mga classmates ko, mga kaibigan, mga ka-officer ko sa booklovers club at mga officer ng Ang Baranggayette-SSG. Siyempre, di ko rin makakalimutan noong binati ako nina Joseph, Nikol, Hiro, Jayson at siyempre, ang dalawang pinakamahalaga sa akin. Sina Lei at Cheney. Agad akong nag-comment sa kanila. Pagkatapos ay inilipat ang tab sa Facebook at binati ang mga relatives ko, pati mga pinsan ko sa ibang bansa. Talagang Christmas is on the air na nga!! Habang nagta-type ay biglang me nag-pop ng instant message mula sa chatbox sa Facebook. Kenneth Joseph Cruz-Inocencio ang pangalan. Nang binuksan ko ay nagulat akong si kuya Kenneth pala.

"Merry Christmas Bro!! ☻"

Iyan ang bungad sa akin ng pop message sa chatbox ko. Nagchat kami ng ilang minuto tungkol sa buhay ko after one year na umalis siya sa amin. Ayun nga, fourth year na ako at kami pa rin ni Cheney. Sinabi ko rin ang relasyon ko kay Lei at mukhang mas nagustuhan niya pa iyon kaysa sa sinabi ko sa kanya tungkol kay Cheney. Nabanggit niya na nagkita na pala sila ng long lost boyfriend niya na hiniwalayan niya at ngayon daw di-umano ay nililigawan daw siya nito. Nagkita daw sila noong papauwi si Kuya Kenneth mula sa trabaho sa isang lugar sa Dubai malapit sa Philippine Embassy. Agad naman akong natuwa noong nalaman ko iyon at biglang nainggit sa kanya. Sana balang araw ay may magmahal din sa akin ng ganun. Natapos ang pagcha-chat namin ng biglang dumating si daddy. Agad na nagsign-off si kuya sa chatbox ng Facebook at ako naman ay biglang lumipat ng ibang tab at inilagay sa Friendster.

"Nasaan mommy mo? Hala at meron ako ditong Lechon para sa Noche Buena mamaya." sabi ni papa habang inilalapag ang dalahin niya sa lamesa.

"Sige daddy, pakilapag na lang po diyan. Umalis lang si mommy at bumili ng alak para sa amin ng mga kaibigan ko." paliwanag ko habang nagkatingin sa monitor at nagta-type.

Lumapit si daddy sa akin at umupo sa tabi ko. Inakbayan niya ako na palaging ginagawa niya sa aming magkakapatid at nagsalita sa harapan ko.

"Anak, Maligayang Pasko!! Swerte ako na may bunso pa akong love na love ni daddy.." sabi niya sa akin habang nakaakbay sa leeg ko.

"Daddy naman po eh, me kailangan ka ba? Teka at ikukuha ko po kayo ng beer sa ref." sabi ko habang nagtatype sa keyboard.

"Hindi iho, naalala ko lang kuya Kenneth mo. Alam mo ba, ilang Pasko na rin ang dumaan sa buhay natin na hindi natin siya nakakasama.(sabay tingin sa akin.) Kahit marami siyang ipinapadala sa atin. Nangungulila ako sa kanya."

"Ako din daddy, I missed kuya so much. Sana kumpleto po tayo ngayong Pasko.. Kung pwede lang."

"Teka, iho, Kamusta na pala kayo ni Cheney? Sana kayo ang lkasal, nang sa gayon ay magkaroon ako ng mga cute na apo mula sa inyo!!"

Hindi na lang ako umimik. Nagpatuloy ako sa pagti-tipa ng keyboard nang biglang dumating si mommy kasama si Cheney at Lei. Syempre, dala niya ang binili niyang alak para sa amin. Dalawang case ng San Mig light. Tumayo si daddy sabay halik sa pisngi ni mommy at kumuha ng isang beer. Biglang bumaba si Patrick (shitsu na ibinigay sa akin ni Cheney last 16th birthday ko) at lumapit kay Cheney. Samantala, itinigil ko muna pansamantala ang pagta-type sa keyboard at nagtungo kina Lei at Cheney para asikasuhin ang mga ito.

"Merry Christmas, Jacob!!" sigaw ng dalawa.

May mga dalang regalo sina Lei at Cheney noong pumunta sila sa amin. Pinapasok ko sila pagkatapos ay pinaupo ko sa sofa. Samantala, kinarga ni Cheney ang alaga kong shitsu sabay kiss sa ilong nito. Niyaya ko sila kung ano ang gusto nila kaso gusto nila na mamayang 12pm sila kakain sakto pagsapit ng Pasko, kaya't hinayaan ko na muna sila. Nagpasya akong patayin sa transformer ang PC at binaba ang kurtina. Tumabi ako sa gitna nina Lei at Cheney sabay halik sa nobya ko. Mukhang nagselos si Lei kasi halata sa kanya ang bigla nitong pagsimangot, kaya hinalikan ko din siya sa pisngi.

"Sorry big bro!! Sorry if I tried to hurt you last week. Hindi ko alam na masakit pala sa iyo yung kinakanta ko. Nakakahiya!!" sabi sa akin si Lei habang nakayuko sa akin.

"It's ok.. The damage is done, and I already forget it. Teka, bubuksan ko lang yung DVD at magbi-videoke tayo."

Tumayo ako saglit sa kanila. Binaba naman ni Cheney yung aso at sabay pumanik sa itaas. Binuksan ko ang salamin sa ibaba ng TV namin at sabay kinuha ang plug ng DVD at sinaksak. Pagkatapos ay kinuha ko ang microphone sa dulo ng DVD at inayos ang kurdon sabay saksak sa DVD. Kumuha ako ng isang CD at pinindot ang open button ng DVD. Agad na pinasok ko ang CD sa loob tapos ay pi-nlay ang aparato.

"Too love you more" ni Sarah Geronimo ang unang kanta sa DVD. nilakasan ko ang volume sa 55 at sabay bigay ng mic kay Cheney. Siya ang kumanta ng kanta. Nang kumakanta ay biglang dumating sina Jayson, Hiro, Nikol at Joseph na pareho pang naka-itim. Parang mga magkakapatid!!

"Ooop...ooopss.. Oppss.. Anong kaguluhan toh?! Sigaw ni Nikol habang pinupunasan ang sapatos sa basahan.

"Teka bro, mukhang magkakantahan sila ah!! Nakups!! Rambulan na naman toh!!" Sabi ni Hiro habang papasok sa loob ng bahay.

Kumuha ako ng makakain sa loob samantalang inaayos ni Cheney ang mga kolokoy kong mga kaibigan. Si Lei naman ay sinamahan ako tinulungan sa handang pagkain na ibibigay ko sa mga bisita ko...

"Ooops... Walang susuka sa inyo ah!! Ayokong magpapasko tapos galit ako sa inyo.." sabi ko habang naghahain sa kanila.

"Hoy, Oo nga, Joseph, wag kang ganun.. Kasi kapag nakakainom ka eh, para kang wild!!" Sabi ni Jayson kay Joseph na parang nangangasar.

"Oo nga, Joseph.. Nakakahiya kay Jacob tsaka kay Tita.. Magbago ka na!!" Tukso ni Nikol sa kawawa kong kaibigan na si Joseph.

"Oh.. Siya, siya.. Kayo na ang mabait!!" papikon ma sagot ni Joseph sa dalawa.

Biglang umeksena si Hiro sa usapan namin nina Joseph, Jayson at Nikol.

"Hoy, nga pala.. Walang kakanta ng "Remember me This Way" ah!! Puta, baka iyan ang ikanta ni Jacob sa atin pagkatapos niya tayong paslangin.. Hahahaha!!!"

Tawa kami ng malakas ng sinabi niya sa akin iyon, samantala, pansin ko na Hindi nagsasalita si Cheney sa akin. Lumapit ako para kamustahin siya.

"Ok ka lang, cakie ko?" tanong ko sa kanya.

"By the way, cakie I have something for you.."

May binigay sa akin si cakie, una ay yung pabangong binili niya sa bench, at yung pangalawa ay isang greeting card na galing pa sa ibang bansa. Hindi ko muna pinansin yung greeting card at nilagay sa lamesita sa gitna ng sofa namin.

"Bench for men... Thank you, cakie!!" sabay halik sa mga labi nito.

Tumayo si Cheney sa harapan ko at lumapit kay Lei. Bumulong si Cheney kay Lei at biglang tumungo ito sabay ngumiti sa Baby bro ko. Pagkatapos ay nagbigay sa akin si Lei ng isang paper bag na printed ang snickers na favorite namin. Nang binuksan ko iyon ay namangha ako sa nakita ko sa kanya.

"Snickers na laruan!! Nakakatuwa naman toh!! Baby bro, Salamat ah!!"

Isang snickers na laruan na galing pa sa ibang bansa ang ibinigay niya sa akin. Mukhang mamahalin at limited edition ito kaya sa sobrang saya ko ay hindi ko napansing nahalikan ko sa labi si Lei. Buti na lang at hindi nakatingin si Cheney sa akin dahil nanonood siya sa ginagawa ng apat na hunghang kong mga kaibigan.

Lumipas ang ilang oras at sumapit ang araw ng Pasko. Nagtayuan lahat kaming magbabarkada sabay batian ng "Merry Christmas" sa bawat isa. Nagyaya si Lei na mag Christmas Mass sa simbahan ng Tondo, kaya wala akong choice kundi umoo sa kanya. Ramdam ko ang init ng yakap niya sa akin nang bumati siya sa akin ng Maligayang Pasko. Niyaya ko si Cheney na sumama sa amin ni Lei kaso kailangan na daw niyang magpahinga dahil low-blood daw siya. Lumabas si Lei pagkatapos at sabay harutan sa mga kabarkada ko sa loob.

"Tangina, bro.. Ang gwapo mo!! Kayong dalawa ni Lei!! Minsan nababakla ako sa inyo!!" sigaw ni Nikol habang ini-islam ko siya sa likod.

"Well, ganun talaga!! We're meant for each other!!"

"Anong ibig mong sabihing "meant for each other?"

"Ah eh... Na gwapo.. Meant para sa amin na maging gwapo kami sa isa't-isa."

"Ah....!!"

Maya-maya ay tumunog ang CP ni Cheney. Binuksan niya agad ang bag niya sabay labas sa gate.

"Oh, who's this? It seems like your number was not already saved from my phonebook? Are you in a roaming line?!" tanong ni Cheney habang kinakausap ang tumatawag sa CP niya.

"Hi, Cheney... It's been a year since were not talked to each other, well.. I wanna talk to Jacob?! Can you give you're phone to him?" sabi ng tao na nagsasalita.

"Patrick?!........."

Agad na ibinigay sa akin ni Cheney ang CP niya sabay bulong nito sa akin ang pangalan ng minahal ko.... Si Patrick.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa puntong iyon. Huminto ang oras para sa akin. Para akong napatulala ng hindi ko alam. Kinurot ako ni Cheney sa mukha para medyo mahimasmasan ng kaunti sabay turo niya sa labas. Doon daw kami mag-usap sa labas kaya dali-dali akong lumabas ng hindi nahahalata ng mga barkada ko. Mahirap na at baka matuklasan nila, bukod kay Hiro, ang tunay kong pagkatao.

"Hello, Patrick.. It's me, Jacob.. Why did you leave me? I know that we're loving each other but why you didn't gave me any single updates of you? It was as if you were so mean to me? Why did you need to gotten up this far? I long for you... I long to see your love and adoration in your eyes. I long to feel the comfort and peace of your loving arms. I long to feel the sensual passion of your kisses... I long everything for you!!! When will you be coming back?! Promise, if you'll come back for as long as possible, I will forgive you and I will let you to love me all over again... Please answer me!!!! Hey Patrick!! I LOVE YOU!!!!"

Bigla akong napaiyak nang sinasabi ko sa kanya ang lahat-lahat ng gusto kong sabihin sa kanya simula noong naghiwalay kami. Wala akong ibang narinig sa kanya bukod sa sound background ng lugar na kinatatayuan niya. Feeling ko parang nandito lang siya sa Pilipinas. Nandito lang siya sa paligid ko, sa mga kasama ko, at higit sa lahat, sa buhay ko.

Tumagal ang dalawang minuto na hindi siya nagsasalita. Puro tunog ng Christmas Song ang naririnig ko as his background music sa kinaroroonan niya. Siguro gusto niya akong batiin ng Merry Christmas. Siguro gusto niyang malaman ang lahat ng nangyayari sa akin sa pamamagitan ng pakiramdam niya.

"Holy Crap!! Patrick please!!! Say something!! I'm already finished what I wanna say!! " sigaw ko sa kanya!!

Bigla ko siyang napamura dahil hindi siya sumasagot. Siguro dahil na rin sa tama ng nainom kong alak sa kanya kaya ko nagawa iyon. Lumipas ang ilang minuto at bigla siyang nagsalita.

"Merry Christmas, my love!! I love you!!"

Biglang bumalik sa akin ang lahat-lahat ng itinago kong emosyon sa kaniya simula noong pagkabata ko noong narinig ko, sa unang pagkakataon ang boses niya. Mukhang malaki na si Patrick at ang baba ng boses nito. Napahagulgol ako ng hindi oras at nabitawan kong bigla ang CP ni Cheney sa mga kamay ko. Hindi ako nagsalita. Lumuha ako ng lumuha. Sabi ko sa kanila na hindi ako iiyak ngayon Pasko, pero, hindi ko natupad ang pangakong iyon para sa kanila.

Napadapa ako sa kinatatayuan ko. Ang hirap pala. Bakit pa kasi tumawag si Patrick eh?! Bakit pa siya bumabalik sa buhay ko, gayong masaya na ako sa dalawang nagmamahal sa akin! Wala akong ginawa sa puntong iyon kundi umiyak ng nakadapa at nakayuko. Isa ba tong regalo sa akin ngayong Pasko? O isang pagsubok na susubok sa aking katatagan bilang tao at bilang isang lover?

"Paaaaaaaatttttrrrrrrrriiiiiicccckkk!!!!"
Sumigaw ako sa kinalalagyan ko. Ang sakit ng kahapon ay biglang dumaloy mula sa kailaliman ng kalamnan ko. Tumangis ako na parang wala na akong pakialam sa mga tao sa harap ko. Kahit ramdam ko na sumasakit at parang namamaga na ang mga mata ko sa kakaiyak at kakatangis sa kanya, pero wala na akong pakialam pa!! Walang anu-ano, biglang dumating sa harapan ko si Lei at sabay akong hinawakan. Itinayo niya ako mula sa pagkakadapa at pinaupo ako sa gilid ng gate namin. Kinuha niya ang CP ni Cheney sa ibaba at inilagay niya sa bulsa niya.

"See what I told you, Big Bro.. I'm here for you. If you want a shoulder to lean on, I will lend mine. Christmas is not just about a special day for us to spend. It remind us that everyday is just a beginning. Don't feel the emptiness without him. I'm always here beside you."

Ibinigay ni Lei ang dibdib into sa akin para makaiyak. Bumalik lahat ng sakit at pagnanasa na makita siyang muli. Para akong baliw ng gabing iyon. Feeling ko, parang yung saya at galit ay nag-collide in just a matter of second. Sa sobrang intense ng iyak ko ay napakapit ako sa mga dibdib nito ng mahigpit na mahigpit. Mukhang nasaktan siya pero ok Lang daw iyon para sa kanya. Hanggang sa nahulog ang salamin nito sa mata at biglang napayuko sa akin.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya habang bigla siyang napayuko at dinagan ang likod ko gamit ang kanyang ulo.

"Can I cry over your back?" sabi niya sa akin.

Umiyak din siya. Bigla akong napatigil sa mga sandaling iyon. Umiyak siya dahil naalala niya daw ang kanyang mga magulang, hindi dahil sa pagkapit ko sa kanya ng mahigpit. Tumangis siya na tulad ko. Nawala na ang pag-iyak ko ng dahil sa kanya. Napansin ko na habang umiiyak siya ay namumula ang kanyang mga tenga, sabagay kasi maputi siya. Ang cute kasing tignan. Naramdaman ko rin ang ilong niyang matangos na parang tumutusok sa aking likod. Nakakakiliti!! Agad na pinasan ko siya at sabay dinala sa loob. Napansin ko na basang-basa na din pala ang likod ko. Umiiyak pa din siya. Agad na tinulungan ako ni Cheney na buhatin siya. Kinuha ko ang salamin na nahulog sa mga mata nito. Kinuha din ni Cheney siya mula sa akin at nagtungo silang dalawa sa likod ng hagdan at dun nag-usap na parang me lihim na sinasabi sa isa't-isa. Nang matapos magpaliwanag ni Lei kay Cheney ay agad niya itong niyakap. Pinipilit kong magselos ng nakita ko sila na mas sweet na isa't-isa pero parang me pumasok bigla sa isipan ko na huwag na lang sila pansinin. Tumungo ako sa sofa at pansin ko na bagsak ang apat. Sina Nikol, Hiro, Joseph, at Jayson. Nakapatong ang mga ulo nito sa isa't-isa.

Ilang minuto pagkatapos ng alas dose ng hatinggabi ay agad na niyaya ako ni mommy na magsimba at umatend ng Christmas Mass. Mukhang tulog na tulog pa ang mga kolokoy. Si Lei naman ay nagpalit ng damit na picture ni batman at medyo fitted na itim ang damit nito. Gumuwapo siyang lalo at mas angat pa kesa sa akin. Samantala, nagpasiyang umuwi si Cheney sa bahay nila matapos ang pag-iyak ni Lei kanina dahil bigla siyang nahilo.

Itutuloy....

Read more...

The Last Kiss (Chapter 11)

Monday, November 14, 2011



Chapter 11

Someday

THE LAST KiSS (CHAPTER 1). <— CLiCK THiS to READ THE CHAPTER 1
The Last Kiss (Chapter 10) <— CLiCK THiS to READ THE CHAPTER 10
The last time I visited this wonderful detention room had been a year ago; me and the entire Algebra class including Kirsten and Arielle. It was because of Andra and her herd of Barbies. They’d organize a Book Drop at Algebra. At exactly 11:00 pm, all of us dropped our books while the monster Mr. Padgett was discussing. All of us except the Barbies. That got the rest of the class into detention. See? Andra’s a bitch. I can’t understand why Lance…
As I got inside, it felt like I’d stepped into a major case of déjà vu. Only now I was alone. But I can manage this!
Mrs. Stone, who was a hard woman as her last name, shot me a look from her desk, like I’m in deep trouble. And as I stared at her eyes beneath her spectacles, I swallowed hard and bit my lip. They were seemed turning into slits; just like those of her cat, Veronica, that I noticed was curled into a ball in her desk. Oh! I hate that cat. Well, I hate cats.
Maybe I am really into a big trouble. I wonder what she’ll gonnalet me do this time.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP