Hiling Chapter 14

Wednesday, November 16, 2011



Hiling Chapter 14: Desperate Moments of the Queen

-oO0Oo-

Rina Merioles

Nangyari na ang kinatatakutan ko, nabuntis ako ni byron pero di ko ito ipinaalam sa kanya bagkus ay gusto kong palabasing si DJ ang ama ng bata. Desperado na ako lahat gagawin ko para lang bumalik sa akin si DJ, mahal na mahal ko talaga siya at di ko alam kung anu ang mayayari sa akin kung mawala siya.

Simula ng may mangyari sa amin ay iyon na ang huling beses na nagpakita sa akin si Byron kaya kahit papanu ay nakampante ako at alam ko malaki na ang chances ko na magawa ang mga pinaplano ko. Agad kong pinuntahan si tita Tessa kahit papanu ay nagkataong Family Doctor namin si tita kaya pwede ko siyang kausapin tunkol sa mga plano ko.

Agad akong pumunta sa hospital na kung saan ay may clinic si tita. Pagdating na pagdating ko doon ay natsambahan kong walang pasyente si tita kaya agad ko siyang kinausap tunkol sa kaso ko. Buti na lang at pumayag siyang palabasing si DJ nga ang ama ng batang dinadala ko. 

Napag-pasyahan din naming simulan bukas ang magiging routine check up ko sa kanya para masiguro na rin ang magiging kapakanan at kaligtasan ng bata. Mejo masaya ako ngayon dahil kahit papanu everything is falling into place tanging si DJ na lang ang kulang para makumpleto ang lahat.

Pag dating ko sa bahay ay di ko alam kung anu ang gagawin ko para makumbinse si DJ na siya ang ama ng dinadala ko. Alam ko kulang pa ang pinaghahawakan ko para makumbinse ko siya kaya nag iisip pa ako ng paraan kung papanu ko sa kanya sasabihin.

Di pa ako handa ngayon pero sana makaipon ako ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat.

Kinaumagahan ay napagpasyahan kong mag open ng facebook ko para kahit papanu ay malibang naman ako habang naghihintay ng oras. Mamayang alas 4 pa kasi ng hapon ang napagusapang check up ko kay tita. Laking swerte ko naman talaga at isa si DJ sa mga taong agad kong nakita na naka online kaya agad ko siyang pinadalahan ng PM para sabihin na ang lahat.

^_^: DJ.... we need to talk....

O_O: ??

^_^: DJ......... Buntis ako......

O_O: WTF! Rina wag ka ngang magbibiro ng ganyan!

^_^: im not joking DJ! Almost 2 months na ang tiyan ko! If you need proof fine I’ll give you proof... magkita tayo sa ******* Hospital this afternoon 4pm, schedule check up ko ngayon kay Dra. Francisco!

Di na ako nag PM pang muli sa kanya, ayaw ko naman kasi siyang pilitin na pumunta sa nasabing hospital pero alam ko sa sarili ko at base sa pagkaka kilala ko sa kanya na pupunta siya lalo na sinabi kong anak niya ang batang dinadala ko.

Di na ako mapa kali sa pag hihintay ng oras, di ko kasi alam kung anu ang magiging reaction ni DJ pag nagkita kami mamyang hapon sa hospital.

Para akong isang bata dahil sa walang mapaglayan ang excitement ko para mamaya. Kahit na alam kong malaki ang posibilidad na di maniwala si DJ sa plano ko ay di ko paring maiwasang ma-excite para mamaya.

Dumating ang alas 3:30 ng hapon ay di ko na malaman kung anu ang gagawin ko. Nagkakanda ugaga na ako at di ko na alam kung anu ang una kong gagawin. Alas 3:45 agad akong natapos at umali ng bahay para makarating sa clinic ni tita on time. Eksaktong alas 4:00 ng hapon ng dumating ako sa hospital at agad akong dumiretcho sa kwarto ni tita. Bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko ang paguusap nila tita at ni DJ sa loob.

“sabi ko na nga ba... alam ko nang maghihinala siya, buti na lang at naunahan ko na si tita” ang sabi ko sa sarili ko

Agad kong binuksan ang pinto at saka nginitian si DJ sabay sabi ng “oh DJ... it’s so good na nakarating ka.... Hi.. Dra.... I hope im not late for my schedule right?”

Pagkatapos ay sabay ngiti sa kanya, ipinakita ko muli kay DJ ang dating ako. Ang mahina at talunang ako ayaw ko man gawin iyon ay kailangan kong gawin para lang makuha ko siyang muli.

“no you’re just in time....” ang agarang sagot ni Tita sa akin

Di ko alam kung anung ihip ng hangin ang na lanhap ni DJ kaya agad itong nag salita ng “im sorry po for being rude, but I have to go..... may gagawin pa po kasi akong iba.. sige po...” pagktapos ay agad na tumayo at umalis

Para sa akin di pa ako kuntento kailangan ko pang gawin ang lahat alang-alang sa magiging anak naming ni DJ.

Sa pag labas ni DJ ay agad na sinimulan ni tita ang check up ko.

“so far so good, mabuti naman ang kalagayan hija kaya huwag kang mag alala. Pero sana kahit sa akin ay huwag kang mag sinungaling. Im ready to do everything for you kaya pwede mo bang sabihin sa akin kung sino talaga ang ama ng bata?” ang agarang sabi sa akin ni tita

Di ko alam kung anu ang isasagot ko pero huli na ako ni tita kaya wala na akong magagawa pa kundi ang sabihin sa kanya ang totoo.

“Si Byron po tita ang totoong ama ng bata, pero tita si DJ po ang gusto ko saka ginahasa po niya ako kaya lang hindi niya alam na buntis ako. Kaya tita please huwag po ninyong sasabihin kay DJ ang tunkol dito. Ang lalm po kasi niya ay siya talaga ang ama ng bata.” Ang sabi ko kay tita

“naiintindihan kita Rina pero sana maintindihan mo rin na karapatan parin ni DJ at ng magiging anak mo na malaman ang totoo, pero hindi ko sasabihin sa kanya yan kasi gusto ko ikaw mismo ang magsabi sa kanya niyan. Huwag mong hayaang umabot sa punto na sa ibang taoi niya malalaman kasi sigurado ako pag yan nangyari ay sigurado akong kamumuhian ka niya at tuluyan na siyang lalayo sayo. Ayaw kong masaktan ka lang sa huli dahil sa ginagawa mo ngayon” ang malumanay na sabi sa akin ni tita. Halatang hindi talaga siya kumbnsido na plano ko pero at least siya na mismo nagsabi sa akin na hindi niya sasabihin kay DJ ang kanyang natuklasan.

Agad naman akong umalis pagkatapos ng check-up at pag uusap namin ni tita, para akong binagsakan ng langit dahil sa kanyang sinabi, bigla akong natauhan pero desisdido parin akong ituloy ang plano ko at walang kahit na sino ang pwedeng humadlang sa akin.

Lumipas pa ang mga araw ay lahat ay umayon sa plano ko walang ibang nakaka alam ng sikreto ko at si DJ naman ay alam ko namang napilitan na lang na sumunod sa lahat ng gusto ko. Wala na akong magagawa doon pero mas ok na ito kesa wala alam ko balang araw ay matututunan niya ulit akong mahalin.

Nasa ika 8 bwan na ng aking pagbubuntis at nababahala ako sa kalagayan ko dahil sa kambal ang magiging anak ko, pero bakas parin sa sarili niya ang pagiging irritable lalo na pag tunkol sa magiging mga bata ang pinag uusapan, nagdududa na ako na baka alm na niya ang totoo.

Sumapit ang ka-buwanan ko di ko na alam ang gagawin ko dahil sa masakit na at nag spotting na ako.

“DJ!!!!” ang sigaw ko dahil sa alam ko anu mang oras lalabas na ang mga bata

Pero walang DJ na lumapit sa akin pinilit kong bumaba at doon ko siya nakita na lasing at tulog sa may sala kaya muli akong sumigaw

“DJ!!!!!!!!”

“anu ba!!! putang ina naman oh.. diba ako pwedeng matulog ng di ka sumisigaw diyan!!” ang bulyaw niya sa akin

“DJ manga....nga....nak na...... ako....” tapos sabay kapit sa may upuan dahil sa panghihinang nararamdaman ko

Dahil naman sa narinig ay batid kong kahit papanu ay nataranta din siya kaya agad niya akong inakay at saka inalalayan para makasakay kami papuntang ospital.

DJ Fernandez

Diskompiyado parin ako sa mga pinagsasabi sakin ni rina na ako ang ama ng batang kanyang dinadala. Alam ko sa loob na may mali at di ko anak ang batang kanyang dinadala pero wala akong pruweba tungkol dito kaya kahit labag sa kalooban ko ay sumunod na lang ako. Isa pa pinagbantaan na rin ako ni kuya Jethro na puputulin niya ang sustentong pinapabigay sa akin nila momy pag di ko pinanagutan ang bata. Maging ang mga magulang ni rina ay pinagbantaan na rin ako ng masama kung sakaling di ko panagutan ang bata.

Lumipat ako sa flat ni rina para na rin makampante ang lahat pero labag parin sa kalooban ko ang aking ginawang paglipat dahil nga sa di ko mahal si rina at malakas ang kutob kong hindi ako ang ama ng bata.

Simula noong huling beses na nakipag chat sa akin si Lix ay hindi na siya muli pang nagparamdam sa akin, ang sakit sa kalooban na pagkaitan ka ng pagmamahal ng taong mahal mo.

Lumipas ang panahon at ang pagmamahal ko kay felix ay unti-unting napalitan ng galit dahil sa kanyang pag iwan sa akin.

Galit na ako sa lahat ng tao maging kina KM at EJ dahil sa tuwing nakikita ko sila ay naalala ko lang si Lix at ang sakit na nararamdaman ko sa pag iwan niya sa akin.

Wala nang araw na di ako umuuwi ng hindi lango sa alak, sa simula ay halos araw araw akong inuulan ng sigaw ni rina dahil na rin sa kanyang paglilihi pero pilit ko lang iyong ininda.

Sumapit ang ka-buwanan niya pero wala parin akong pakialam kung anu na ang kanyang kondisyon kahit na kaunting pagkaakmusta man lang sa kalagayan ng bata ay di ko ginawa.

Narinig ko na lang ang kanyang pag sigaw pero di ko ito pinansin akala ko kung anu nanaman ang kanyang gusto kaya di ko na siya muli pang pinansin.

Sa pangalawang pagkakataon na pagsigaw niya adoon na ako nagising at napabulyaw sa kanya dahil sa napakalakas ng kanyang pag sigaw samantalang nasa katabi na lang niya ako kaya napasigaw ako sa kanya ng malakas.

DooN ko na lamang napansin ang kanyang panghihina at pamumutla dahil sa papalabas na pala ang bata.

Kahit na labag sa kalooban ko ay di ko parin makuhang balewalaain ang kanyang sitwasyon, tutal sa kanya naman ako galit at hindi sa bata kaya kahit papanu ay inasikaso ko siya sa oras na iyon, pero hindi ko maipapangako na mamahalin ko siya pati ang bata ng buo.

Pagkarating naming sa ospital ay agad din naman kaming inasikaso ng mga nurse at doktor. Sa buong oras ng kanyang paglabor ay hindi ako pumasok ng kanyang warad bagkus ay nasa labas lang ako ng kwarto at naghihintay hanggang sa sumpit ang oras ng paglabas ng bata ay hindi parin ako pumasok sa delivery room.

Makalipas ang ilang oras ay lumabas na ng delivery room ang doktor at saka ibinalita sa akin na isang malusog at kambal ang aming naging anak at pareho itong lalaki.

Maging ako nabigla sa sinabi niya dahil na rin siguro sa hindi ko binigyan ng panahon na alamin ang lahat tunkol sa kanyang pag dadalang tao kaya di ko alam na kambal pala ang kanyang anak.

Nakita ko ang dalawang bata na magkatabi sa nursey at para akong muling nabuhay ng nakita ko ang mga inosenteng mukha ng kambal.

Napag desisyunan naming ni Rina na pangalanang Daniel Michel at Laniel John Fernandez. Labag man sa akin pero para na rin siguro sa kapakanan ng mga bata ay gagawin ko na rin ito tutal ito na lang siguro ang natitira sa akin.

_

Lumipas pa ang panahon at sumapit ang unang kaarawan ng kambal at doon ko na natutunang mahalin ang magkapatid pati na rin si rina.

Ok na sana ang lahat hanggang sa may dumating na di inaasahang bisita, siyang naging dahilan para mawala ulit ang unti-unting namumuong pagmamahal ko kay rina alang-alang sa mga bata.

Rina Merioles

Lumipas ang panahon at nararamdaman ko na rin na kahit papanu ay gumagaan na ang kalooban ni DJ sa mga anak ko pero di parin niya magawang mahalin ako ng buo.

Lumipas pa ang panahon at sumapit na rin ang unang kaarawan ng aking mga anak, nandoon si DJ sa tabi ko at pinaninindigan ang pagiging ama sa mga anak ni Byron, andoon din si kuya Jethro ang kuya ni DJ, sina momy at dady pati na lahat ng mga kaibigan kamag anak namin ay nadoon. Akala ko magiging maayos na ang lahat hanggang sa dumating ang isang hindi inaasahang bisita.

Itutuloy.....

2 comments:

Ako_si_3rd November 16, 2011 at 6:50 PM  

guys sorry kung ngayon ko lang ulit na i update ang story koapos mejo busy lanbg sa trabaho tapos mag isang buwan na ako night shift kaya wala na maxado time para makapag sulat pagod kasi pag uwi sa bahay eh.. kaya sorry po talaga ha...

Jayson November 17, 2011 at 5:53 PM  

thanks Third....we surely understands you....:)

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP