Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Chapters 9&10)

Friday, November 4, 2011

Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga grammar flaws kayo na makikita, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Pasensiya ulit kung late na naman ako nagpost dahil nasira yung laptop ko, pero ayos na siya ngayon!!

I decided to post the two part of my novel para maintindihan ninyo ang flow ng story ko.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, Erion, coffee prince(unang nagbasa ng first five chapters ng novel ko), anonymous(my mentor pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin.. Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) Nitro, zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: http://www.twitter.com/pINNOHy

------------------------------------------------

Part 9

"Sarap ng snickers, baby bro!! How did you know that this my favorite?" Sabi ko na may pagtataka.

"Well, I don't know!! Favorite ko kasi yan. The last time I ate this since I was a child. Ayun lang."

"Ibig sabihin, coincident lang yun?"

"Prabably, yes!"

Pagkatapos niyang kinain yung snickers na hinati ko sa kanya, agad kong itinapon pababa ang balat ng snickers sa daanan na dinadaanan namin nang bigla akong sinita ni Lei sa di malamang dahilan.

"Kuya, look what you've done! Why did you threw that away? C'mon, Pick it up and you give that one back to me!!"
Sabi ni Baby Bro nagalit na galit sa akin.

"Baby bro, basura na iyon! Why should I need to pick that up?"

"Big bro?!"

"Fine!! Fine!! Ok!"

Wala na akong choice kundi sundin ko ang baby bro ko. Kinuha ko ang balat ng snickers na kinain ko sabay lagay sa bulsa ko.

"Kuya naman eh! Akin na nga yan!"

Kinuha ni Lei ang balat ng snickers sa bulsa ko gamit ang kaliwang kamay. Habang kinukuha ay napansin kong nakasimangot siya sa akin. Hala, galit na baby bro ko!!

Pagkatapos ay inilagay niya iyon sa loob ng bag niya. Pagkasara ay tumingin siya sa akin at ngumiti. Hay naku! Bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko! Lalo na nang napansin ko ang maputi at mamula-nilang pisngi nito. Inilagay niya ang braso niya sa leeg ko at pagkatapos ay sabay kaming nagtungo sa bahay namin. Habang naglalakad, may napansin akong grupo ng mga bakla na nakatingin sa aming dalawa, kinindatan ko ang isa sa kanila at sila ay naghiyawang malakas.

"Kuya what's happening? Why they are yelling like crazy?" Tanong sa akin ni Lei.

"Baby bro, just pay no mind to them. Kaunti na lang at malapit na tayo sa amin."

Habang naglalakad, nakita ko si mommy sa kalye, kasama ang batang anak na babae ng kapitbahay namin.

"Mom, San ka punta?"

"Hay anak! Kanina ka pa hinihintay ng Kuya Kenneth mo, dalian ninyo na at kanina pa siya nakabihis!"

Agad kaming tumakbo na parang nagmamadali. Sakto at nang nasa gate na kami ay biglang binuksan iyon ni kuya.

"Kuya Kenneth, pasensiya po at medyo natagalan kami. Traffic eh.." Paliwanag ko sa nakasimangot kong kapatid.

"Sige.. Sige, apology accepted! Pasok kayo, bilis!!"

Pinapasok kami ni kuya. Tumayo ako at nagpunta sa kwarto ko para magbihis, nang napansin iyon ni kuya ay agad akong sinita.

"San ka pa pupunta? Diyan ka na lang, Wag na kayong mag-bihis! Bagay naman sa inyo naka-uniform eh!!" Sambit ni kuya habang nakasimangot sa amin.

Kinuha ko ang suklay ko sa bagay at pagkatapos ay inalok ko si Lei para magsuklay na rin. Kumuha si Lei ng pabango at ini-spray sa buong katawan niya. Ang bango niya! Para siyang si Patrick kung iisipin dahil iyan ang ginamit sa akin ni Patrick para pabanguhin bago kami umalis patungo sa kotse dati.

"How do I look?" Tanong ni lei.

"Good enough to swag some girls' heart out there! Haha"

"Kuya naman eh!"

Sabay kaming tumawa. Nakita kami ni kuya at agad na niyaya na niya kami umalis pagkatapos. Nang nasa labas na kami ay inutusan ako ni kuya na tumawag ng taxi para sakyan namin.

"Kuya saan tayo?"

"Sa SM Manila."

Nakakita agad ako ng taxi at sabay iniwagayway ang aking kanang kamay para makita ako. Kung sinuswerte ka nga naman, at nakahanap agad ako ng taxi. Mahirap kasing makahanap ng taxi dito lalo na at maraming tao ngayon.

"Boss, sa SM Manila tayo!"

"Sige, sakay na."

Una kaming pinasakay ni kuya sa likuran ng Taxi. Huli siyang pumasok. Pagkatapos ay binuksan ni Manong Driver ang radio at naghanap ng magandang kanta. Medyo ok naman yung tugtog kaya pinabayaan na lang namin siya sa ginagawa niya. Wala pang isang oras at nakapunta kami sa SM Manila. Mabilis si manong kasi dumaan siya sa mga short-cut ways para makaiwas sa traffic. Nang tumigil sa harapan ng mall, mabilis binuksan ni kuya ang pintuan ng taxi at sabay baba. Medyo natagalan lang kami nakababa ni Lei kasi hindi ko alam kung papaano buksan yung pintuan ng taxi. Buti na lang at nandun si Lei para tulungan ako.

Nagtungo kami ni Lei at ni kuya sa loob ng mall. Mas malamig ang loob ng mall kaysa sa loob ng taxi kaya medyo nag-shiver ako ng kaunti.

"Where do you guys want to go first?" Tanong ni kuya sa amin habang nakakipkip din siya sa sobrang lamig.

"Kuya, ikaw na bahala!"

Pumunta kami muna sa CR para umihi. Nang natapos kami ay napagdesisyunan ni kuya Kenneth na pumunta kami sa Food Court sa ground floor at nghanap ng mapu-pwestuhan para kumain. Nang nakahanap ay agad kaming umupong tatlo. Umalis si kuya para maghanap ng makakain at kaming dalawa na lang ni Baby bro ang natira.

After five minutes nang natapos si kuyang pumila. Naabutan niya kaming naghaharutan na parang bata at sabay inilapag ang mga pagkain.

"So, you must be my brother's bestfriend?" tanong ni kuya Kenneth kay Lei habang ibinibigay ang kanyang pagkain sa kanya.

"No, I'm his Baby Bro! I'm his bestfriend before but after he accepted my proposal of being his bunso to him, I started up to call him my Big Bro." Sagot ni Lei habang inaabot ang pagkain nito.

"Ah, what's your name again? It seems like you're too much familiar to me eh." sabi ni kuya.

"I'm Lei Francisco."

Hindi ko alam pero may kung anong pumasok sa isip ko na mag-CR ulit. Mukhang at this point, tinatawag na ako ni Inang Kalikasan.

"Excuse me, can I interrupt y'all for a while, magsi-CR lang ako."
Sabi ko habang nagmamadali papunta sa CR.

Mabilis akong nakapunta sa loob ng CR sa gilid ng food court. Medyo maraming tao, lalo na at karamihan sa kanila ay estudyante. Buti na lang at may lumabas kaagad sa loob kaya binilisan ko ang pagpunta. Siguro mga sampung minuto din ako naglabas ng sama ng loob at pagkatapos ay agad na pina-flush ko ang toilet bowl at lumabas sa loob. Pagkalabas ko ay hinanap ko kaagad ang mga kasama ko at hindi naman ako nabigo.

Nang nasa labas ako ay nakita ko na pinupunasan ni Lei ang mga mata nito, ganun din si Kuya Kenneth, sabay lapag ng salamin sa mata ni Lei sa mesa. Agad na niyakap ni kuya si Lei pagkatapos at kumain. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila.

"What seems to be the problem kuya? Baby bro?"

"No, nothing, i just cry because Lei has confessed me about his life. Nakaka-iyak pala ang buhay nitong batang ito!" sabi ni kuya habang patuloy ang pagpunas sa mga mata.

Gusto kong malaman ang dahilan lahat ng pinag-usapan nila ni Lei. Bakit kapag may kausap siya ng mga kakilala ko simula pagkabata, pati relatives ko ay agad-agad niyang nagiging ka-close? Ano ang mayroon sa kanya?

Hindi ko na itinuloy ang pagtatanong sa sarili ko tungkol kay Lei dahil ayaw kong mahaluan ng kahit ano pa na ikasasama ng aming moment together. Kaya, kinuha ko ang ulo ng kinakapatid ko at sabay yakap ng mahigpit.

"Cry no more, my Baby bro! Nandito na si Big bro, so calm down!!"

Hindi pa rin siya tumigil sa kakaiyak. Mas lalo pang humagulgol si Lei habang yakap-yakap ko siya at napapansin ko din ang mga tao sa paligid namin na nakatingin na. Kinuha ko ang ulo niya habang umuupo ako at inilagay sa binti ko para doon ituloy ang paghahagulgol niya.

"Alam mo, 'cob, answerte ng iniiyakan niyan! Talagang mahal na mahal niya yung parents niya, kaya napaiyak ako ng di-oras kasi nakarelate din ako!" bulalas ni kuya habang hinihimas ko ang likod ng Baby Bro ko.

Ngumiti ako kay kuya. Nang nahimasmasan siya ay agad ko siyang tinanong. Dinepensahan niy ako ng sagot.

"I just cried because i missed my parents so much!!"

"Is that so? Or maybe you have someone who makes you cry badly aside from your parents? Sige na! Please tell anything to big bro, maybe i can help!"

"Yun lang nga talaga kuya eh!! Si mom and dad lang, wala nang iba!"

Hindi na ako kumibo. Hanggang sa niyaya kami ni kuya na magpunta sa department store. Habang naglalakad, tinititigan ko si Lei. Medyo namula siya dahil na rin siguro sa kakaiyak nito. Medyo makapal ang salamin nito sa mata at tuluyan nang nag-moist kaya pinatanggal ko sa kanya ang kanyang salamin para punasan ito. Nang ibinalik ko ang salamin sa mata nito ay ngumiti siya sa akin at sabay bumulong.

"Kuya Jacob, I LOVE YOU!!"

Biglang bumusok sa akin ang kakaibang emosyon na dati ko nang naramdaman sa kanya. Parang napaka-mysterioso nitong pakiramdam na ito.Sabay nun ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko na huli ko lang naramdaman kay Patrick simula noong kami pa. Hindi ko ito naramdaman kay Cheney simula nang sinagot niya ako. Ambilis, parang gusto ko yakapin ng napakahigpit si Lei. Parang ayaw ko nang bumitaw sa kanya kapag nagawa ko iyon. Feeling ko, Mahal ko na yata siya!

Nagtagal ng isang oras ang paglalagi namin ni kuya sa department store. Marami siyang ibinili. Ewan ko kung bakit umabot sa limang bag ang binili niya. Siyempre at hindi rin kami nagpatalo ni Lei. Binili niya ako ng skinny pants na kulay itim, fitted body-builder t-shirt na kulay green na binili pa sa kiosk ng folded and hung sa loob, at siyempre, sapatos na Chuck Taylor na kulay puti, habang si Lei naman ay binili rin ni kuya ng mamahaling shades na talagang bumabagay sa kanya, lalong-lalo na at nae-emphasize ang katangusan ng ilong nito.

Gabi na at nang tinignan ko ang CP ko ay mag-aalas siyete na pala ng gabi. Binaba ni kuya Kenneth ang lahat ng pinamili namin at agad naglakad para maghanap ng taxi. May limang minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin si kuya, hanggang may pumarada sa harapan namin ni Lei na taxi at nang binuksan ang salamin nito sa loob ay nakita ko si kuya at sabay anyaya sa amin na sumakay sa loob. Bumaba si kuya kenneth at kinuha niya ang mga pinamili namin at isa-isang inilagay sa likuran ng sasakyan. Bumalik si kuya kenneth sa loob ng taxi at may binigay sa aming dalawa.

"Oh, etoh, tig-isa kayo ah!!"

"Hey, Starbucks!!" sabay sigaw naming dalawa.

Venti-type ang binili ni kuya para sa amin. Medyo masarap, kasi iyon ang first time ko na uminom ng ganun, ewan ko lang kay Lei kung nakainom na siya nito. Napansin ko na mayroon ding dala si kuya sa harapan ng upuan niya.

"Kuya ano yan?"

"Saisaki, para kay mommy and daddy. Medyo napadami nga akong nabili para sa kanila eh, pero ok lang, ano? Alis na tayo?"

Sabay kaming tumango ni Lei. Habang umaandar ang taxi ay napagdesisyunan ko na inumin ang ibinigay sa akin ni kuya. Sinaksak ko ang straw sa uluhan ng venti sabay higop sa straw. Ramdam ko ang pait dulot ng purong kapeng nakahalo sa iniinom ko pero, nang habang tumatagal ay unti-unting nasasanay ang panlasa ko. Nakakapagtaka lang at parang sanay na sanay na si Lei sa pag-inom dahil naubos niya agad iyon.
Agad na ngumiwi si Lei at aabay hawak sa kanang bahagi ng ngipin nito.

"Ouch!!"

"..Antakaw kasi eh!! Yan, buti nga sa'yo."

Sabay tawanan namin na parang baliw. Tumagal ang ilang minuto at nakauwi kami sa bahay. Gabi na at nadatnan namin si daddy at mommy na kumakain sa mesa.

"Mom.. Bakit hindi ninyo kami hinintay ni Jacob? Teka, i bought something for the both of you."

Iniabot ni kuya ang saisaki na binili niya para kina mommy. Agad na nakita ko ang ngiti sa mga labi nina mommy at daddy. Medyo matanda na si mommy, 53 years old na siya, kaya ganun na lang ang pagsospresa ni kuya sa kanya.

Pauwi na si Lei nang agad ng tinawag siya ni Kuya Kenneth.

"Sandali, Lei, i want you to give this your daddy, and please tell him that I missed him.."

Iniabot niya ang naka-gift wrapped na regalo. Kulay red ito kaya ko agad ito nakita. Kinuha ni Lei ang regalo at agad na sinamahan ko siya papunta ng kanto. Habang naglalakad, naramdaman ko ang paglamig ng simoy ng hangin. Nang tumingin ako sa langit, namumula ito, parang uulan ng napakalakas na animo'y may kasamang malakas na hangin.

"This would be the most precious moments I ever have, big bro! I hope this won't be the last!!" Sabi niya habang nakatingin sa akin.

Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan sabay bugso ng malakas na hangin. Hindi ko alam kung saan kami sisilong. Hinawakan ko ang kanang pulso ni Lei sabay takbo sa isang abandonadong bahay. Doon kami sumilong ni Lei pansamantala. At nang makarating, ay kinuha ko kaagad ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ko ang aking mukha kasabay na rin ang buhok at dalawang kamay at braso ko. Napansin kong giniginaw si Lei. Ibinigay ko ang panyo ko sa kanya at agad niyang pinunasan ang mukha at pati din ang ulo niya. Nagpasalamat siya at agad niyang binalik iyon sa akin. Nang tinitigan ko ang abandonadong bahay, ay may kung pangyayari sa buhay ko ang nag-flashback, at may bigla akong naalala. Dito ko nga pala kinumpronta at inaway sina Greg noong bata pa kami ni Patrick.

Habang lumalalim ang gabi ay mas lalong lumalakas ang ulan. Mahirap para sa amin ang ganung sitwasyon dahil kanina pa nanginginig si Lei.

"C'mon here, I'll give you a hug."

Binigyan ko ng yakap si Lei. Ramdam ko sa kanya na basang-basa siya habang kayakap ko siya. Pinunasan ko ang kanyang mukha. Habang pinupunasan, naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Tumitig siya sa akin. Naaninag ko sa kanya ang mga mata nito na nangungusap na parang may gustong ipahiwatig. Nanginginig ang buo kong katawan. Bumibilis nang napakabilis ang puso na halos parang gusto ko nang sumabog. Bahala na!! Kaagad kong kinuha ang baba niya at sabay lapit sa mga labi ko. Ang init ng labi niya ay ramdam sa mga labi ko. Dama ko ang bawat hininga niya na nagsisilbing init sa nanginginig ko na ring katawan. Napapikit ako at napaiyak.

"Mahal kita, Patrick!!"

Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon sa kanya. Ipinagpatuloy pa rin niya ang paghalik sa akin. Sa puntong iyon, gumanti siya sa akin ng halik na nag-aalimpuyos. Parang ramdam ko si Patrick sa kanyang katayuan habang ako ay kanyang hinahalikan. Bigla siyang napahinto.

"Kuya, andito lang ako!! I'll never leave you.."

Iyan ang narinig ko sa kanya. Pagkatapos ay agad niyang inilapit ang labi ko sa labi niya. Parang feeling ko ay napaka-secure ko sa kanya. Ang mga gabing wala sa akin ni Patrick na naipon ng ilang taon ay ngayong gabi ko lang nailabas. Malamig ang hatid ng ulan, pero ang init ng aming paghahalikan ang nagpainit sa amin para labanan ang lamig na dulot nito.

"Si Cheney, hindi pwede ito!!"

Bigla kong naisip si Cheney, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Agad na itinigil ko ang paghahalik ko kay Lei. Napa atras ako ng bahagya sa kanya.

"This is not supposed to happen!! I love Cheney, at siya lang ang buhay ko!!" sabi ko kay Lei habang nakatitig siya sa akin.

Part 10

"Sorry Lei, it really wasn't my intention to do that for you. Si Cheney lang ang mahal ko at wala nang iba.." sabi ko habang guilty sa nangyari sa amin ni Lei.

"Kuya, mahal kita!! Mahal na mahal kita!! Kung si Cheney lang ang dahilan, ok lang sa akin! Kaya ko siyang kausapin!!"

"Wag mong gagawin iyan!! Hindi ko pa alam ang feelings ko sa'yo! I just did it because I reminisced someone that I have love for so many years.. Sana maintindihan mo ako!!"

"Halika na at ihatid mo na ako."

Tumigil na ang ulan. Inihatid ko si Lei sa sakayan ng jeep pauwi sa kanila.

Habang papauwi, bigla akong napatulala sa nangyari sa amin ni Lei. Hindi ko siya kayang harapin bukas. Feeling ko parang mahal ko na siya, hindi isang tunay na magbestfriend at magkapatid, kundi mahal ko siya tulad ng pagmamahal ko kay Patrick. Natatakot lang ako dahil ayaw kong masaktan si Cheney.

Nakauwi ako at sabay bukas ng gate. Nakita ko si kuya na natutulog sa baba. Bukas ang TV kaya pinatay ko na. Mag-aalas 12 na pala ng gabi. Pumunta ako ng CR at nagsimulang maghilamos. Hindi pa rin ako makapag get over dun sa nangyari sa amin ni Lei.

Natapos akong maghilamos ay pumanik ako sa taas para matulog na rin. Habang lumalalim ang gabi ay bigla akong nangulila sa pagmamahal sa akin ni Patrick. Agad kong tinungo ang cabinet at kinuha sa baba ang isang box na naglalaman ng mga sentimental things ko sa kanya, iyon ang mga kayamanang hindi-hindi ko ipagpapalit kanino man.

Agad kong binuksan iyon. Kinuha ko ang kwintas. Kwintas na nagpapaalala sa akin ng dakila at wagas na pagmamahal ko kay Patrick. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, marahan kong tinignan ang ganda at ningning na dulot ng pilak ng kwintas. Nandun pa din ang pendant. Letrang J na sa gitna nito ay nakaukit ang pangalan niya na nagpapahiwatig na ako ang nasa puso niya kahit kailan. Isinuot ko ito at hindi akong nabigo na nagkasya naman. Simula noong naging kami ni Cheney ay hindi ko na sinuot ang kwintas. Sinumpa ko sa sarili ko na hindi ko na siya mamahalin. Nguni't noong nakita at nakilala ko si Lei ay unti-unting bumabalik ang dati kong pagmamahal sa kanya. Tumingin ako sa salamin at hindi napapansing kaagad na tumutulo sa akin ang luha na naipon simula nang ako ay naka-move on sa kanya.

Nagtungo naman ako muli sa box kung saan ko nakita ang kwintas. Nakita ko ang cassette tape. Agad na kinuha iyon. Isinuri ng mabuti ang tape at napansin na medyo nagkakaalikabok na ang mga gilid nito. Agad ko iyon pinagpag. Sabay kinilatis kong maiigi ang tape, at may napansin akong isang sulat kamay ng isang bata.

September 14, 1995

Iyon lamang ang nakita ko. Sakto at malapit nang mag September. Inilapag ko sa aking dibdib ang tape at nag-umpisang balikan ang nakaraan namin ni Patrick. Para akong baliw, minsan tumatawa, at minsan ay umiiyak, hanggang sa napagdesisyonan ko na tugtugin ang tape para manariwa ang nararamdaman ko sa kaniya.

Nakita ko ang radio- cassette. Kinuha ko at inilapag sa lamesita. Kinuha ang plug, isinaksak sa saksakan at sinimulang pindutin ang on-button. Medyo luma na ang radio cassette, pero gumagana pa rin, kaso lang at garalgal na ang tunog nito. Pinidot ko ang eject button at sinimulan kong ipasok ang tape, nang magkasiya ay tsaka ko itinulak ng marahan ang gilid ng radio-cassette at pinindot ang play. Biglang tumunog ang radio. Una kong narinig ang instrumental ng kanta na "Remember me This Way." tsaka ko narinig ang mga katagang nagpaluha sa aking muli.

"Sharing moments with you would be the most precious moments I have with for all of my life. I thank God that I found a special someone who I treasure most. I finally found my missing piece to you. I will never let this next into nothingness. Your great value to my life is one that added to my inspiration not to surrender, but to stand still on my own. You have build my character into a great foundation, nobody can eradicate it. I know, in some point you're angry at me, that I'm so selfish to what I used to decide. I hope you understand me. I love you, no matter how far the distance we're apart. My decision of leaving you doesn't mean we're all ending up our fortress relationship. Life goes on, but the mere fact you're still in my heart, it will always be the same again. I don't want to say my Goodbyes to you, rather, I just want to tell you that no matter how far I'm right now, my love for you will ne'er perish as time goes by."

Sabay pindot ng stop-button. Agad na dumaloy mula sa akin ang luha mula sa mga mata ko patungo sa pisngi at pati na rin sa leeg ko. Sabay singhot ko dahil lumalabas na rin pala pati ang sipon ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa napahagulgol ako.

"Putang Ina mo, Patrick! Tang ina ka! Bakit mo ako iniwan! Bakit hindi ka nagparamdam sa akin ng mahabang panahon? Sinungaling ka!! Ginawa mo akong tanga! Hindi namang masama na mahalin kita ah! Wala akong ginawang masama sa iyo na kinasaktan mo, pero bakit mo ako iniwan! Ang hangad ko lang ay ang pagmamahal mo at wala nang iba! Sana pinatay mo na lang ako. Sana hinayaan mo na lang na ilibing ko sa lupa ang mga pangyayaring iniukit mo sa buhay ko! Ayaw ko nang balikan ang lahat-lahat pero pumapasok ka pa rin sa puso ko!! Nasaan ka na ba Patrick? Nasaan ka na ba!!" Isinigaw ko habang nilalabas ko mula sa puso ko ang pangungulila kay Patrick ng maraming taon.

Nasuntok ko ng napakalakas ang dingding sa gilid ng kwarto namin ni kuya Kenneth gamit ang kaliwang kamao ko. Siguro, tatlong beses kong nagawa iyon. Medyo masakit, pero wala na akong pakialam dun. Marahan kong pinunasan ang mga mata kong buong gabi nang umiiyak dahil sa pangungulila ko sa kanya. Nandun pa din ang kirot. Despite the fact I released it, there is something in my mind that still reminds me about him.

"Kung talagang mahal mo ako, Patrick, sana bumalik ka na!! Sana magparamdam ka!! Nangungulila ako sa'yo! Ano ang silbi ng buhay ko dito sa mundo kung ang ikaw lang ang umiinog at nagpapagalaw nito! Ikakamamatay ko kung hindi ka babalik sa piling ko!"

Ano pa nga ba ang silbi ko sa buhay ko? Parang gumuho ang isa sa pagkatao ko nang hindi siya bumalik sa piling ko! Siya ang pangarap ko at ang dahilan kung bakit ko gustong mabuhay sa mundong ito. Ano pa nga ba ang silbi ko kung wala ka na?

Agad ko munang pinunasan ulit ang mga mata ko pero sa pagkakataong ito naman, gamit ang kaliwang braso ko. Gusto ko nang wakasan ang buhay ko. Oo at Desperado na ako sa puntong ito. I search for a thing, a certain thing for me to use just to deteriorate the pain inside of me. When I was about to look at my box, I accidentally saw a blade. A blade that has been too much sharp, it will kill you for as much as possible if you will slash it in your wrist. Kinuha ko iyon, at sabay titig. Nang matapos matitigan ay tsaka ko agad iyon itinapat sa kanang pulso ko. Habang tinatapat, napapansin kong nanginginig ang aking buong bisig habang ginagawa ang magpapabago sa buhay ko. Kaagad kong sinimulan ang paghiwa at,

"Ow!! Ouch!! Aaaaaarrrrrrrgggghhh....!!"

Sa sobrang sakit ay nakalahati ko lang ang paghiwa ko sa pulso ko. Agad kong tinanggal ang blade at inilagay sa sahig, unti-unting dumadami ang dugo hanggang sa bumulwak nang nakarami at hanggang sa nakaramdam ako ng hilo at nawalan ng malay pagkatapos.

"Jacob, jacob.. Ayos ka lang? Hoy kapatid ko!!" Ang boses na narinig ko noong ako ay nagkamalay.

Hindi ko muna binuksan ang aking mga mata para pag-aralan kung kaninong boses iyon, at nang nalaman ko, ay saka ko binuksan dahan-dahan ang aking mga mata.

"Kuya ko!! Kuya!! Huhuhuhu... Sorry if I done this!" Iyak ko sabay akap ng napakahigpit sa dibdib niya.

Nakita niya ako sa sahig na medyo duguan. Kwento niya, kanina pa daw niyang naririnig ang mga hiyaw ko at nang maalimpungatan daw siya ay saka niya akong pinuntahan at nakita daw niya na duguan ako, walang malay sa sahig. Agad niya daw akong binuhat sa baba ng double deck at pagkatapos ay kumuha ng first aid kit malapit sa poon namin sa may istante. Pagkatapos ay pinuntahan niya ako at ibinaba ang sugatan kong pulso at doon niya pinisil ang isang bahagi ng bisig ko para umimpis ang pagdurugo. Nang tiyempong hindi na dumudugo ay saka niya nilinis ang sugat ko gamit ang iodine solution at alcohol. Nilinis niyang mabuti iyon at tsaka kumuha sa first aid box si kuya ng gauze bandage at gumupit ng bahagya. Pagkatapos ay iniligay niya iyon sa sugatan kong pulso at saka sinikipan gamit ang surgical tape. Iniwan niya akong pansamantala para linisin ang dugo sa sahig. May nakita siyang blade at agad daw niya iyon inilagay sa box, dun sa sentimental box ko. Sinara niya iyon at inilagay kaagad sa uluhan ko. Mga mag-aalas Tres ng madaling araw niya akong nakitang walang malay at buti na lang ay naalimpungatan daw sina mommy at daddy na walang kaalam alam sa ginagawa ko.

"Lahat ng nangyayaring ito ay dahil kay Patrick ano?" Sabi ni kuya sa akin.

Bigla akong na ashtonished noong narinig ko iyon sa kanya.

"Alam ko ang lahat-lahat, Jacob, at pakiramdam ko ay mahal mo pa rin siya.."

Agad niyang tinapat ang ulo ko sa dibdib niya at umiyak ako ng sobra-sobra.

"Alam mo, Jacob, hindi naman talaga masama ang magmahal. Swerte nga tayo dahil binigyan tayo ng diyos ng utak at pag-iisip para pag-isipan ang lahat-lahat ng mga nangyayari sa buhay natin. Minsan, tulad mo, nagmahal ako. Umasa. Nasaktan. Iniwanan ko siya sa kabila ng pagmamahal ko sa kanya. Kaya sa puntong ito, nauunawaan kita."

"Kuya, paano mo nalaman ang tungkol sa amin ni Patrick?"

"Sa isang maasahang source ko. Bata pa kayo noong nahulog ang kalooban ninyo sa isa't-isa, and for me, that's a typical for a child. Naghahanap kayo ng kakalong sa inyo, bukod sa mga magulang ninyo. Parehas kayong walang nakalakihang kuya, kaya nahanap ninyo ang pagiging malapit sa isa't-isa. Nararamdaman ko sa puso mo, mahal mo siya, at siya rin naman ay mahal na mahal ka rin niya ng buong puso at ng buong pagkatao niya. Alam mo, alam din niya ang pinagdadaanan mo, at batid niya ang lahat-lahat ng nangyayari sa iyo. Maghintay ka lang! At darating siya."

Hindi ko alam kung bakit nasabi ni kuya sa akin ang mga salitang iyon, pero isa lang ang aking dahilan, at iyon ay may matatakbuhan na akong kuya na nagmamahal at nag-uunawa sa akin.

"Kuya Kenneth!! Huhuhuhu!! Salamat at bumalik ka na!! Maraming maraming salamat sa'yo, kuya kenneth!!" Sambit ko habang umiiyak sa dibdib niya.

Hinayaan akong umiyak nang umiyak sa dibdib niya. Pagkaraan ng ilang minuto at nahimasmasan ako, agad siyang bumaba at nagpunta sa baba para magtimpla ng gatas para sa akin. Alas tres y medya na pala ng madaling araw. Pumunta ako sa kwarto nina mommy at naabutan ko pa din sila natutulog sa kwarto nila.

"Jacob, eto ang gatas, at nang mahimasmasan ka naman."

Nakita ako ni kuya na nakatitig kina mommy habang natutulog nang iniabot niya ang gatas sa akin. Nang niyaya akong bumalik sa kwarto namin ni kuya ay inilis agad niya ang double deck at nagtungo naman ako sa kinahigaan ko at kinuha ang sentimental box para itago dun sa dati nitong lalagyan.

"Kuya salamat at umuwi ka ng Pilipinas!! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka pa rin hanggang ngayon sa piling ko! I love you, kuya!!"

Ngumiti siya sa akin nang narinig niya ang sinabi ko. Tinignan niya akong mabuti at bigla siyang lumuha ng di inaasahan.

"Akala ko, ako lang ang ganito sa pamilya, pati din pala ikaw!!"

Bigla akong nagtaka sa sinabi sa akin ni kuya. Bakit niya sinabi iyon sa akin, gayong ngayon ko lang siya nakita ng ganoon? Maraming tanong tuloy sa isipan ko na nagsi-sink in sa utak ko noong sinabi niya sa akin ang mga katagang iyon.

"Kuya, what do you mean?"

Agad siyang tumabi sa akin pagkatapos niyang ayusin ang double deck niya. Agad na pinunasan niya ang mga luha niya gamit ang damit nito sa manggas ng kanyang t-shirt at pinaupo niya ako habang mukhang may sasabihin sa akin na tungkol sa kanya.

"Jacob, wag mo itong sasabihin kay daddy ah!! BISEXUAL DIN AKO!!"

Agad akong nagulat sa sinabi sa akin ni kuya kenneth.

"Kuya, bakit?"

Itutuloy....

Read more...

Without You 5

Wednesday, November 2, 2011


Hello there... sorry sa mahabang paghihintay... my crappy USB got jammed and I had to re-type and re-think the whole chapter 5... at nagawa ko rin... so here you go... enjoy at pasensya na sa Typo ko gusto ko na kasing ibahagi sa inyo to matagal na.

Thank you nga pala sa lahat nang bumasa at nagsusubaybay nang Without You, at sa lahat anng tumulong sakin sa aking thesis paper... :).
Gusto niyo ba akong makilala? hehehe Soon na lang po... Discreet po kasi ako eh.

Bati portion na, Thanks to Miss D., I can't wait to read your continuations, sir Jayson , Jayfpina na parating nakaabang sa site ko, kina Russ, Rue, joseph, joed12, ramy from qatar, andrei, dark_ken at sa mga anons at sa mga nag e-mail, type ko pa ulit yung scene na yun... soon you will be updated... thanks... hi sana susubaybayan ninyo parin po ito.

Website: urikido.bogspot.com
Email: uri_kido10@yahoo.com
Facebook: Maybe next time :D

5th Installment na and more to go and don't mind to leave a comment, i would highly appreciate it even if you go Anon :)

Nanaig ba ang pagmamahalan nina Caleb at Sophie? o darting din ba sa punto na maghihiwalay sila nang landas na tatahakin?


CHAPTER 5: Treachery
“Jay” tinawag siya nang coach nila sa basketball team na nasa labas nang locker room. Dalidali naman akong umalis at baka makita ako ni Jay.

Buong araw umulong sa isip ko ang ibig sabihin ni Jay. Hindi naman mawala sa isip ko ang pwede niyang magawa dahil parati silang magkasama ni Sophie, mag bestfriends sila. Pero alam kong mahal ako ni sophie, alam kong malalim ang pagtingin niya sa akin kaya kampante ako sa kanyang pag-aasta sa akin.

Lumipas ang ilang mga buwan naramdaman ko na medyo lumalamig na si Sophie sa akin, hindi ko alam pero malakas ang pakiramdam ko na I’m just becoming boring and boring by the days end. Di ko naman siya masisisi pero ganun talaga ako ka focused sa studies nakasanayan na since my last broken relationship, hindi na alam kung panu umasta sa minamahal.

It was my 18th birthday, malungkot ako pagkagising kasi out of all the text messages on my phone wala doon si Sophie. Di ko na binasa ang lahat nang text messages na nandoon. Umayos ako at umalis nang bahay para magsimba, naisipan ko nalang na magsimba nang ganoon ka aga kasi hindi ako sanay na makipaghalubilo sa napkaraming tao sa araw nang kaarawan ko.

Maganda ang daloy nang misa, tungkol sa pag-ibig ang sermon nang pari “Magmahalan ang bawat isa hindi dahil may gusto ka sa kanya, hindi dahil may gusto siya sa iyo kundi dahil kailangan ninyo ang isa’t isa para makabuo nang isang masaganang pagsasamahan, hindi pwedeng siya nalang palagi at hindi rin pwedeng ikaw nalang palagi dapat ay kayo, ikaw at siya” sabi pa nang pari.

Matapos ang misa ay nagsindi ako nang kandila, nagmunimuni sa kung ano man ang nangyari sakin buong taon, saan ba ako nagkulang, saan nagging mapagmataas, saan nagging matapang, saan nagging duwag, saan nagmahal. Nang maalala ko si Sophie.

Tinawagan ko siya, sinagot niya agad ang tawag ko.

“Caramel, nasaan ka ngayon? Alam mo namiss kita… hindi kita matiis” maluhaluha kong sabi habang nakatitig sa kandila na aking isinindi.

“I’m here sa altar” altar? Nandito din siya sa simbahan? “Kanina pa kita hinihintay… ang tagal mo naming magdasal.” Agad ko namanng tinignan ang altar, nandoon nga siya nakatayo sa gitnang isle. Napangiti ako bigla, nasurpresa na naman ako sa birthday ko.

Chapel lang ang sinisimbahan ko, at alam niyang ditto ako palagi nagsisimba, wala nang tao noong mga panahong iyon kaya kaming dalawa lang. parang ang layo nang altar hindi ko maabot, o baka bumagal lang ang paglakad ko. Bakit ba mabigat ang feeling ko, gusting gusto ko siyang yakapin pagdating ko pero nagtinginan lang kaming dalawa.

“Happy Birthday!” tapos may binigay siya sakin galing sa kamay niya, kinuha ko naman to at tinignan, isang kwintas, pamilyar na kwintas.

“Teka, birthday gift ko ba to? E kwintas mo to ah, diba napakahalaga nito sayo?”

“I was looking for the best birthday gift para mabigay sayo pero nabigo ako and came to finding this pendant, exactly the same as mine, naisip ko maybe it was meant to be, maybe dapat kong ibigay sayo iyan para naman may maalala ka about sakin, especially pag wala ako”

I just grabbed her hand, pulled her in and hugged her so tight “Wag, wag mo naman akong iiwan, di ko kayang mawala ka”

“Nasasakal ako Caleb” sabi niya nang binitawan ko siyang bahagya, pero magkadikit parin ang katawan naming hinawakan ko ang kaliwang braso niya “di ako mawawala, di kita iiwan” niyakap ko siya ulit.

Nang makauwi ako nang bahay doon ko nalang binasa ang mga text nang mga kaibigan ko, marami din ang nagtext kasama na diyan ang super friends kong FLiCK5. Masaya talaga ako at hindi ko na namalayang parati kong hinahawakan ang kwintas na binigay ni Sophie.

Nang biglang nag ring ang telepono ko.

“Hello”

“Happy Birthday parekoy!” sabi nang lalaki sa kabilang linya na parang ang husky na bagong gising ang dating.

“Oh Enzo, Salamat naman, nag abala ka pang tumawag para lang maka greet nang happy birthday.”

“Bibigay ko kasi gift ko sayo through phone eh”

“Ha? Panu yun?”

“Nakahubad na ako ngayon. ikaw? Gusto mu bang hubaran narin kita?”

“Phone sex? Yun ang gift mo?”

“Alam ko gusto mu din yun diba?” sabi niya sa isang malamig na boses. Kinakabahan ako dahil parang kinikilabutan ako sa mga pinagagagawa niya.

“Sige na maghubad ka na” dali dali ko ding nilock ang kwarto at ginawa ang paghuhubad.

(Pasensya na sa pag udlot… email nyo nalang ako)

“Salamat sa gift parekoy, nag enjoy ako!” sabi ko sa kanya, hingal na hingal at nakakalat na ang aking katas sa katawan.

“No problem parekoy!” tinapos din niya agad ang tawag. At biglang may malakas na kumakatok sa pintuan, nakakalat ang damit ko, basang basa ako nang pawis at tamod. Di ko na alam ang gagawin bubuksan ko ba? “Buksan mo ang pinto” teka sinu yun hindi pamilyar ang boses niya.

Nag dali-dali akong magbihis at binuksan ang pinto. “SURPRISE!!!” nakita ko sina Felix, Lester, Isa at Klea na may mga party hat at party poppers at may dalang chocolate cake na paborito ko. Does this day get any better. Pumasok sila nang kwarto at pinagsaluhan namin ang buong magdamag, tawanan, kulitan, kwentuhan. Umalis din naman sila after spending lunch at my house.

Nakatulog ako buong maghapon. Nang magising ako gabi na pala, kaya lumabas ako nang kwarto at paglabas ko napansin kong madilim ang paligid, bumaba ako at nakita ko si mama na bihis na bihis nang pula, inisip ko nab aka may surprise din sila sa akin, mahilig kasi ako sa surprise. Inaayos niya ang tie ni papa na naka tuxedo noong gabing iyon.

“Qù nǎlǐ (saan kayo pupunta?)” sabi ko.

“oh anak gising ka na pala…” sabi sa akin ni mama. “pupunta kmi sa birthday party nang tito Hamilton mo” agd naman silang nagpaalam at umalis. Ni hindi man lang nila makuhang mag greet sakin nang happy birthday. Ganoon naman sila palagi mas uunahin nila ang tradition kesa sa kanilang pamilya.

Dali dali akong bumalik sa itaas nagbihis at umalis nang bahay. Di dapat ako malungkot sa birthday ko dapat Masaya ako ngayon kaya dapat umalis ako at pupunta nang party.

Pagdating ko nang club nakita ko si Jay may kasayaw na babae sa hindi kalayuan napaka sexy nang sayawan nila. I didn’t mind at first kasi hindi ko din mamukhaan ang babae. Minabuti ko nang umupo sa bar at mag order nang maiinom.

Nakadalawang bote na ako nang biglang may lumapit sa akin. Yung babaeng kasayaw ni Jay kanina.

“Hi, pwede bang makipag friends?” sabi nong babae. At dahil gentleman naman ako inabot ko ang kamay niya at sabay sabi “Uri nlng”

“I’m Alyana…” then she started blabbing about things. I brought her a drink. I am not a beer drinker making me vulnerable to get intoxicated. Then snap she started making out with me, I tried to resist but the beer was all over my head. Then snaps. Flashin lights all over the place, camera phones started snaping pictures. At nakita ko ang kumukuha nito si Jay at mga kaibigan niya.

Nilapitan niya ako at binulungan “Stay away from Sophie kung ayaw mung makarating sa kanya ito” nagulat ako sa mga sinabi niya hindi ako makapaniwala na he had that courage to blackmail me untiunti na siyang nagpapabalik sa crowd at sinamahan na siya ni Alyana sabay halik dito. Hindi to dapat nangyayari. Dalidali akong lumabas nang bar. Medyo lasing naka anim na bote na ako noon. Nasusuka natutumba.

Nang biglang may humablot sa akin, isang bisig na minsan ko nang nakita at napagtanto, Felix.

“Aya(Kuya)?” sabi ko nang mahina. “Sinundan kita, alam kong wala kang magagawang maganda ngayon dahil galit ka” nagulat ako sa sinabi niya, alam niya talaga kung kelan ko siya kailangan.

“iuuwi na kita!” he insisted. “Aya wag! Ayo ko pang umuwi, ayaw ko pang harapin ang problema, please wag sa bahay” sabi ko naman na naghihina.

“Saan mu ba gustong dalhin kita?” huling sabi niya na naintindihan ko then I passed out. Hindi ko na namalayan ang nangyayari.

Nagising nalang ako sa isang hotel room, naka kumot walang saplot kundi ang boxers kong itim. Papano ako naka punta rito?Bakit ba nandito ako? Mga tanong na gumulo sa isipan ko. Nang biglang may lumabas sa banyo, si Felix, na nakatapis lang nang tuwalya, hubot hubad naligo siguro.

“AYA! Anung ginagawa mu ditto at bakit TAYO naka…” sabi ko nang pabulalas. “Shio… relax. Wag kang magi sip nang kabaklaan sinukahan kaya damit mo kagabi, at nilinis ko yung banyo na puno nang suka mo kaya nag amoy SUKA na ako kay naligo ako… walang nangyari sa atin matakot ka naman sa sinasabi” depensa niya.

“Naknampucha naman oh, wala akong matandaan sa mga nangyari kagabi huli kong matandaan nasa bar ako… may humalik sakin… tapos marami… maraming flash annag camera… si Jay. Anaknang mapapatay ko talaga ang hayop nay un, he doesn’t play the game fair.” Galit na ang namuo sa isip ko, pagkamuhi sa isang masama ang budhi.

“Easy ka lang Shio… Wala ka nang magagawa doon either way talo ka, and that’s it” sabi niya sabay punta sa cabinet. “Teka nga nasaan ba tayo?” tanong ko.

“Sa Hotel Suite mo… Di mo naman kasi ginamit yung regalo ko sayo… Lahat nandito, Damit, Pagkain, Inumin, TV, internet pwede kang mamuhay ditto kung gusto mo, free of charge pero ilang taon din tigang kasi hindi mo ginagamit.” Sabi niya.

“Sorry talaga bro… wala lang kasi pagagamitan eh, you know how much I respect you, kung ditto ko naman dadalhin ang pinipick-up ko noon eh di parang binababoy narin kita.” Sabi ko naman sa pag depensa. “ok lang yun sa akin bro, alam mo naming kaligayahan mu din ang hangad ko diba.” Sabi niya sa akin na ikinagalak naman nang puso ko.

Doon na ako nagpalipas nang buong araw, wala namang may nag bother na humanap sa akin. Napag-isip2 ko nalang ang nagyari sa akin kagabi at sa banta sa akin ni Jay. I can’t risk na mawala ang tiwala sa akin ni Sophie. Hindi sa pagduduwag pero I have to accept his offer. At gagawin ko ang lahat para mawala sa landas ko iyang si Jay.

Pero after months nabigo ako sa plano kong mawala si Jay sa buhay naming ni Sophie. He was like the devil naagaw na siyang tuluyan ni Jay, and I was slowly getting out of the picture.

Isang araw I decided to give it my try, wala na akong pakialam kung kakalat yung pictures na yun but I had to have Sophie back, she was my life. I decided to switch sections noong semestral break ganun ako ka lakas sa kay Dean, ginawa ko ang lahat para maging magkalapit kami ni Sophie.

First Day na magkakalase kami excited akong pumasok para makita siya pero mukha yatang napaaga ako wala pang tao sa classroom ilang minute lang dumating si Jay at mga kabarkada niya, hindi ko alam na magkaklase din pala kami, ngumiti lang ako sa kanya pero hindi niya pinansin. Nakasunod pala sina Sophie at Finny sa likuran. Nang makita ako ni Sophie laking gulat niya siguro kasi napaurong siya kinatatyuan.

Tumayo ako at lumapit sa kanya “una na ako sa upuan super bessy” sabi ni Finny.

“Anong ginagawa mo rito?” sabi niya.

“Caramel naman, Hindi ka ba Masaya na magkaklase na tayo? Magiging mas close na tayo sa isa’t isa” nagsipagdatingan narin yung iba naming mga ka klase. “And besides in wnt to mak up to all those times I spent wasting everything for school, gusto ko rin namang bigyan ka nang importansya” at binigyan ko siya nang nakakalibog na ngiti.
____________________________________________________________________________________
Sophie’s POV

Yung mga ngiting yun na hindi ko mapigilan na mahulog ulit sa kanya, kay tuloy hindi ko na sabi sa kanyang may namumuo na kaming maganda ni Jay, si Jay na bestfriend ko.

Matagal tagal narin noong nagtapat si Jay sa akin at hindi ko maaiwasan na mahulog din sa kanya dahil sa absence ni Caleb. He has been thoughtful and kind at higit sa lahat sinabihan niya nkong “maghihintay ako Sophie hanggang sa ako nalang ang pipiliin mo” doon ako nahulog sa kanya.

Caleb had been inconsistent these past few months kaya akala ko sumuko na siya sa panliligaw. And now he is here in front of me asking for my forgiveness, hindi ko sukat akalain na sa ganito nalang hahantong ang lahat.

“that’s good caleb Masaya ako, teka parang tinatawag na ako ni Finny eh” pero sa totoo ay hindi naman. Umupo ako sa gitna nina Finny at Jay. At tinititigan ko lang si Caleb sa harapan walang kasama walang kaibigan. Gusto ko sana siyang samahan ngunit paano naman si Jay, siya na sumasaklaw halos kalahati nang puso ko ngayon. Ayaw ko rin naman siyang masaktan.
_____________________________________________________________________________________
Caleb’s POV

Ilang araw narin akong nalulungkot, iniwan ko ang mga kaibigan ko para makapiling ang isnag taong mahalaga sa akin pero wala din naman siya sa tabi ko, oras-oras ko nalang siya sinusulyapan sa kanyang upuan para makita kung tinititigan din niya ako. Ngunit hindi ako ang katabi niya, hindi ako ang kausap niya, hindi ako ang tinititigan niya, kung hindi si Jay.

Isang araw maaga na akong dumating sa school nang biglang may tumawag. “Hot Fudge!”

Napalingon talaga ako dahil alam kong si Sophie lang ang tumatawag sa akin nang ganun. Pero “Sabi ko na nga ba ikaw yun.” Sabi nang isa kong kakalaseng babae.

“Sayang naman talaga Caleb at hindi kayo nagkatuluyan ni Sophie, malungkot pero sana Masaya ka na para sa kanila” dugtong pa niya.

“Anu bang pinagsasabi mo? Nanliligaw pa kaya ako kay Sophie, parang hindi pa naman ako Busted ah” sabi ko na may medyo mataas na boses. Napatameme ang babae at umalis sa harap ko.

Hindi niya alam I was eavesdropping on her “Hala hindi ko alm friend na nililigawan niya pa si Sophie” “eh akala ko ba girl may Jay Ko naayun?” “Yun nga rin ang pagkakaalam ko girl. Pero ewan e parang buhay na buhay parin si Hot Fudge at Caramel paanu yun.

Naghihinala na talaga ako nagsususpetsa. Pero I still have to fight kasi hindi naman ako ang dapat magtapat dito kung hindi siya.
____________________________________________________________________________________
Sophie’s POV

Naghihinala na siguro si Caleb sa akin. I need to put an end to this.

Caramel”,): Magkita tayo sa simbahan this 4pm

HoTfUDge<3: What is this all about?

Caramel”,):Basta magkita nalang tayo doon.

HoTfUDge<3: Sige may sasabihin din naman ako sayong importante eh.

Alas quarto y media na nang dumating ako gusto ko talagang mauna siya sa akin. He was sitting on his favoritespot nung nadatnan ko siya. Looking blankly across the chapel. Tinabihan ko ito.

“Akala ko di kana dadating” sabi niya na hindi ko naman pinansin, nakatitig parin siay sa kawalan. Tahimik kaming dalawa walang may gustong mag-umpis. Kinakabahan ako sa mga nangyayari hindi ko alam kung saan maguumpisa.

“Anu nga pala yung sasabihin mo?” sabay naming nasabi. “sige ikaw na mag umpisa” sabi ni Caleb sa akin.

“Hindi ikaw na mag umpisa” I insisted. Then nagkahiyaan na naman kami, halos mga minute din ang binilang ko, puro kaba ang nasa isip ko. Uumpisahan ko na sana nang biglang.

“totoo ba?” atnong niya sa akin nang biglang tumodo ang kabog sa aking dibdib. “ang alin?” agad ko namang sinagot na para bang wala akong alam.

“Yung sa inyo ni Jay?” bigla niyang tanong habang tinitigan ako sa mga mata… aapila pa sana ako ngunit di ko na nagawa, tumango nalang ako sa pag aamin na kasalanan ko.

Lumipas din ang ilang Segundo bago siya nagsalita ulit. “kasalanan ko ang lahat” nagulat ako sa sinabi niya kaya hindi ko ito sinang-ayunan. “hindi ako ang may kaslanan, you trusted me with my yes na ligawan mo ako pero nagpaligaw din naman ako sa iba”

“no its not you! Its me… I wasn’t consistent with my thoughts and my feelings for you… kaya siguro nakahanap ka nang ibang taong makapagbibigay sa iyo noon. I was the one who pushed you away, wala kang kasalanan Sophie, ako ang nagkulang… pinaubaya ko sa iba ang dapat ay sa akin” he grabbed my hand at nangiyakngiyak.

“bago ka pa mag desisyon please give me a chance… please let me win your heart again this time gagawin ko ang lahat para mabalik ka sa akin… I won’t loose you without giving a fight!” nagulat ako sa sinabi niya, akala ko ay he will give me up that easily, yun pala ay hindi.
Caleb’s POV

“Hinding hindi ako papaya na mawala ka sa akin, ngayon pa na may namumuo nang pagmamahal sa puso ko” tinignan niya lang ako. I know ngayon palang I lost the fight. Wala na akong magagawa, pero susulong parin ako na parang tanga.

Matapos noon she went more colder than before at marami pa akong nalamang hindi maganda tungkol sa kanya, mga kissing on unexpected events, at nagsama pa sila buong gabi sa isang room sa resort kung saan nag summer party yung iba pa nilang kabarkada. I totally felt that I lost the fight at last chance to tell her how I feel was her birthday sa susunod na linggo.

I prepared a lot for today, now this is it. Sinundo ko siya sa bahay niya. Nang magkita kami hindi parin niya ako tiningnan sa mga mata, alam ko guilt yung nararamdaman niya.

“thank you!” sabi ko.

“Sa alin?” sagot niya.

“Sa pagpayag na samahan mo ako ngayong araw?”

Blanko ang emotion niya, pero parang bubuhos na ako ngayon, sa lungkot… di ko man aminin pero alam ko mahal na mahal ko na siya higit pa sa kahit ano o sino man sa mundong ito.

“halika na!” sabi niya sa akin sabay lakad papalayo. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at hinila siya pabalik.

Sinuot ko ang regalo ko sa kanya, isang singsing “Happy Birthday!” nakita ko ang namuong luha sa mga mata niya. Tinitigan niya ang singsing.

Hinawakan ko ang kanyang baba para paharapin siya sa akin.

“let’s stop pretending now, ayokong nasasaktan ka sa mga ginagawa ko, I know I lost this fight… matagal na, gusto ko lang isauli sayo ang mga nagawa mu sa aking kabutihan, at kung meron man eh pagmamahal narin”

“Caleb…” at bigla kong hininto ang pagsasalita niya nang aking mga kamay.

“Stop it… masasaktan lang ako kung anu man iyang sasabihin mo (namumuo na ang luha sa mga mata ko hindi ko na siya napigilan)… maraming salamat sa lahat lahat Sophie”

Tumalikod na ako at naglakad papalayo, marami akong nararamdaman noon mixed emotions kumbaga galit, hinagpis, pagmamahal. Tumalikod ako sa kanya “Goodbye Sophie!”

At tuluyan na akong umalis na pumapatak ang mga luha. Dumiretso ako sa bar parati kong pinupuntahan at sinundo na naman ako ni Felix, alam niya talaga kung kalian ako nandoon. Sasamahan daw niya ako buong gabi, ilalabas ko daw lahat nang galit ko sa mga panahong iyon, pero maghahapunan daw muna kami treat niya, na siya ko din sinangayunan.

Nang dumating kami sa restaurant na pinaka malapit sa bar ay agad kong nakita si Sophie sa window pane may kasama, si Jay. Hinahawakan nito ang kamay niya, hindi ko alam kung anu man ang gusto nang tadhana pero kitang-kita nang dalawang mata ko ang pag-alis nito sa singsing na binigay k okay Sophie at pinalitan nang singsing niya, at naghalikan sila.

“I didn’t just lost the fight Felix, I died because of it” Sabi ko na wala nang puwersa at lakas para sa kung anu man.

Tinuturing ko na ang sarili ko bilang isang patay.

_Abangan_

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP