Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Chapters 9&10)
Friday, November 4, 2011
Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga grammar flaws kayo na makikita, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.
Pasensiya ulit kung late na naman ako nagpost dahil nasira yung laptop ko, pero ayos na siya ngayon!!
I decided to post the two part of my novel para maintindihan ninyo ang flow ng story ko.
Salamat din sa mga:
Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)
Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, Erion, coffee prince(unang nagbasa ng first five chapters ng novel ko), anonymous(my mentor pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin.. Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) Nitro, zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!
ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!
(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)
Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.
DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.
To visit my accounts, just get me in track here:
Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: http://www.twitter.com/pINNOHy
------------------------------------------------
Part 9
"Sarap ng snickers, baby bro!! How did you know that this my favorite?" Sabi ko na may pagtataka.
"Well, I don't know!! Favorite ko kasi yan. The last time I ate this since I was a child. Ayun lang."
"Ibig sabihin, coincident lang yun?"
"Prabably, yes!"
Pagkatapos niyang kinain yung snickers na hinati ko sa kanya, agad kong itinapon pababa ang balat ng snickers sa daanan na dinadaanan namin nang bigla akong sinita ni Lei sa di malamang dahilan.
"Kuya, look what you've done! Why did you threw that away? C'mon, Pick it up and you give that one back to me!!"
Sabi ni Baby Bro nagalit na galit sa akin.
"Baby bro, basura na iyon! Why should I need to pick that up?"
"Big bro?!"
"Fine!! Fine!! Ok!"
Wala na akong choice kundi sundin ko ang baby bro ko. Kinuha ko ang balat ng snickers na kinain ko sabay lagay sa bulsa ko.
"Kuya naman eh! Akin na nga yan!"
Kinuha ni Lei ang balat ng snickers sa bulsa ko gamit ang kaliwang kamay. Habang kinukuha ay napansin kong nakasimangot siya sa akin. Hala, galit na baby bro ko!!
Pagkatapos ay inilagay niya iyon sa loob ng bag niya. Pagkasara ay tumingin siya sa akin at ngumiti. Hay naku! Bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso ko! Lalo na nang napansin ko ang maputi at mamula-nilang pisngi nito. Inilagay niya ang braso niya sa leeg ko at pagkatapos ay sabay kaming nagtungo sa bahay namin. Habang naglalakad, may napansin akong grupo ng mga bakla na nakatingin sa aming dalawa, kinindatan ko ang isa sa kanila at sila ay naghiyawang malakas.
"Kuya what's happening? Why they are yelling like crazy?" Tanong sa akin ni Lei.
"Baby bro, just pay no mind to them. Kaunti na lang at malapit na tayo sa amin."
Habang naglalakad, nakita ko si mommy sa kalye, kasama ang batang anak na babae ng kapitbahay namin.
"Mom, San ka punta?"
"Hay anak! Kanina ka pa hinihintay ng Kuya Kenneth mo, dalian ninyo na at kanina pa siya nakabihis!"
Agad kaming tumakbo na parang nagmamadali. Sakto at nang nasa gate na kami ay biglang binuksan iyon ni kuya.
"Kuya Kenneth, pasensiya po at medyo natagalan kami. Traffic eh.." Paliwanag ko sa nakasimangot kong kapatid.
"Sige.. Sige, apology accepted! Pasok kayo, bilis!!"
Pinapasok kami ni kuya. Tumayo ako at nagpunta sa kwarto ko para magbihis, nang napansin iyon ni kuya ay agad akong sinita.
"San ka pa pupunta? Diyan ka na lang, Wag na kayong mag-bihis! Bagay naman sa inyo naka-uniform eh!!" Sambit ni kuya habang nakasimangot sa amin.
Kinuha ko ang suklay ko sa bagay at pagkatapos ay inalok ko si Lei para magsuklay na rin. Kumuha si Lei ng pabango at ini-spray sa buong katawan niya. Ang bango niya! Para siyang si Patrick kung iisipin dahil iyan ang ginamit sa akin ni Patrick para pabanguhin bago kami umalis patungo sa kotse dati.
"How do I look?" Tanong ni lei.
"Good enough to swag some girls' heart out there! Haha"
"Kuya naman eh!"
Sabay kaming tumawa. Nakita kami ni kuya at agad na niyaya na niya kami umalis pagkatapos. Nang nasa labas na kami ay inutusan ako ni kuya na tumawag ng taxi para sakyan namin.
"Kuya saan tayo?"
"Sa SM Manila."
Nakakita agad ako ng taxi at sabay iniwagayway ang aking kanang kamay para makita ako. Kung sinuswerte ka nga naman, at nakahanap agad ako ng taxi. Mahirap kasing makahanap ng taxi dito lalo na at maraming tao ngayon.
"Boss, sa SM Manila tayo!"
"Sige, sakay na."
Una kaming pinasakay ni kuya sa likuran ng Taxi. Huli siyang pumasok. Pagkatapos ay binuksan ni Manong Driver ang radio at naghanap ng magandang kanta. Medyo ok naman yung tugtog kaya pinabayaan na lang namin siya sa ginagawa niya. Wala pang isang oras at nakapunta kami sa SM Manila. Mabilis si manong kasi dumaan siya sa mga short-cut ways para makaiwas sa traffic. Nang tumigil sa harapan ng mall, mabilis binuksan ni kuya ang pintuan ng taxi at sabay baba. Medyo natagalan lang kami nakababa ni Lei kasi hindi ko alam kung papaano buksan yung pintuan ng taxi. Buti na lang at nandun si Lei para tulungan ako.
Nagtungo kami ni Lei at ni kuya sa loob ng mall. Mas malamig ang loob ng mall kaysa sa loob ng taxi kaya medyo nag-shiver ako ng kaunti.
"Where do you guys want to go first?" Tanong ni kuya sa amin habang nakakipkip din siya sa sobrang lamig.
"Kuya, ikaw na bahala!"
Pumunta kami muna sa CR para umihi. Nang natapos kami ay napagdesisyunan ni kuya Kenneth na pumunta kami sa Food Court sa ground floor at nghanap ng mapu-pwestuhan para kumain. Nang nakahanap ay agad kaming umupong tatlo. Umalis si kuya para maghanap ng makakain at kaming dalawa na lang ni Baby bro ang natira.
After five minutes nang natapos si kuyang pumila. Naabutan niya kaming naghaharutan na parang bata at sabay inilapag ang mga pagkain.
"So, you must be my brother's bestfriend?" tanong ni kuya Kenneth kay Lei habang ibinibigay ang kanyang pagkain sa kanya.
"No, I'm his Baby Bro! I'm his bestfriend before but after he accepted my proposal of being his bunso to him, I started up to call him my Big Bro." Sagot ni Lei habang inaabot ang pagkain nito.
"Ah, what's your name again? It seems like you're too much familiar to me eh." sabi ni kuya.
"I'm Lei Francisco."
Hindi ko alam pero may kung anong pumasok sa isip ko na mag-CR ulit. Mukhang at this point, tinatawag na ako ni Inang Kalikasan.
"Excuse me, can I interrupt y'all for a while, magsi-CR lang ako."
Sabi ko habang nagmamadali papunta sa CR.
Mabilis akong nakapunta sa loob ng CR sa gilid ng food court. Medyo maraming tao, lalo na at karamihan sa kanila ay estudyante. Buti na lang at may lumabas kaagad sa loob kaya binilisan ko ang pagpunta. Siguro mga sampung minuto din ako naglabas ng sama ng loob at pagkatapos ay agad na pina-flush ko ang toilet bowl at lumabas sa loob. Pagkalabas ko ay hinanap ko kaagad ang mga kasama ko at hindi naman ako nabigo.
Nang nasa labas ako ay nakita ko na pinupunasan ni Lei ang mga mata nito, ganun din si Kuya Kenneth, sabay lapag ng salamin sa mata ni Lei sa mesa. Agad na niyakap ni kuya si Lei pagkatapos at kumain. Mabilis akong naglakad papunta sa kanila.
"What seems to be the problem kuya? Baby bro?"
"No, nothing, i just cry because Lei has confessed me about his life. Nakaka-iyak pala ang buhay nitong batang ito!" sabi ni kuya habang patuloy ang pagpunas sa mga mata.
Gusto kong malaman ang dahilan lahat ng pinag-usapan nila ni Lei. Bakit kapag may kausap siya ng mga kakilala ko simula pagkabata, pati relatives ko ay agad-agad niyang nagiging ka-close? Ano ang mayroon sa kanya?
Hindi ko na itinuloy ang pagtatanong sa sarili ko tungkol kay Lei dahil ayaw kong mahaluan ng kahit ano pa na ikasasama ng aming moment together. Kaya, kinuha ko ang ulo ng kinakapatid ko at sabay yakap ng mahigpit.
"Cry no more, my Baby bro! Nandito na si Big bro, so calm down!!"
Hindi pa rin siya tumigil sa kakaiyak. Mas lalo pang humagulgol si Lei habang yakap-yakap ko siya at napapansin ko din ang mga tao sa paligid namin na nakatingin na. Kinuha ko ang ulo niya habang umuupo ako at inilagay sa binti ko para doon ituloy ang paghahagulgol niya.
"Alam mo, 'cob, answerte ng iniiyakan niyan! Talagang mahal na mahal niya yung parents niya, kaya napaiyak ako ng di-oras kasi nakarelate din ako!" bulalas ni kuya habang hinihimas ko ang likod ng Baby Bro ko.
Ngumiti ako kay kuya. Nang nahimasmasan siya ay agad ko siyang tinanong. Dinepensahan niy ako ng sagot.
"I just cried because i missed my parents so much!!"
"Is that so? Or maybe you have someone who makes you cry badly aside from your parents? Sige na! Please tell anything to big bro, maybe i can help!"
"Yun lang nga talaga kuya eh!! Si mom and dad lang, wala nang iba!"
Hindi na ako kumibo. Hanggang sa niyaya kami ni kuya na magpunta sa department store. Habang naglalakad, tinititigan ko si Lei. Medyo namula siya dahil na rin siguro sa kakaiyak nito. Medyo makapal ang salamin nito sa mata at tuluyan nang nag-moist kaya pinatanggal ko sa kanya ang kanyang salamin para punasan ito. Nang ibinalik ko ang salamin sa mata nito ay ngumiti siya sa akin at sabay bumulong.
"Kuya Jacob, I LOVE YOU!!"
Biglang bumusok sa akin ang kakaibang emosyon na dati ko nang naramdaman sa kanya. Parang napaka-mysterioso nitong pakiramdam na ito.Sabay nun ay ang pagbilis ng tibok ng puso ko na huli ko lang naramdaman kay Patrick simula noong kami pa. Hindi ko ito naramdaman kay Cheney simula nang sinagot niya ako. Ambilis, parang gusto ko yakapin ng napakahigpit si Lei. Parang ayaw ko nang bumitaw sa kanya kapag nagawa ko iyon. Feeling ko, Mahal ko na yata siya!
Nagtagal ng isang oras ang paglalagi namin ni kuya sa department store. Marami siyang ibinili. Ewan ko kung bakit umabot sa limang bag ang binili niya. Siyempre at hindi rin kami nagpatalo ni Lei. Binili niya ako ng skinny pants na kulay itim, fitted body-builder t-shirt na kulay green na binili pa sa kiosk ng folded and hung sa loob, at siyempre, sapatos na Chuck Taylor na kulay puti, habang si Lei naman ay binili rin ni kuya ng mamahaling shades na talagang bumabagay sa kanya, lalong-lalo na at nae-emphasize ang katangusan ng ilong nito.
Gabi na at nang tinignan ko ang CP ko ay mag-aalas siyete na pala ng gabi. Binaba ni kuya Kenneth ang lahat ng pinamili namin at agad naglakad para maghanap ng taxi. May limang minuto na ang nakakalipas pero wala pa rin si kuya, hanggang may pumarada sa harapan namin ni Lei na taxi at nang binuksan ang salamin nito sa loob ay nakita ko si kuya at sabay anyaya sa amin na sumakay sa loob. Bumaba si kuya kenneth at kinuha niya ang mga pinamili namin at isa-isang inilagay sa likuran ng sasakyan. Bumalik si kuya kenneth sa loob ng taxi at may binigay sa aming dalawa.
"Oh, etoh, tig-isa kayo ah!!"
"Hey, Starbucks!!" sabay sigaw naming dalawa.
Venti-type ang binili ni kuya para sa amin. Medyo masarap, kasi iyon ang first time ko na uminom ng ganun, ewan ko lang kay Lei kung nakainom na siya nito. Napansin ko na mayroon ding dala si kuya sa harapan ng upuan niya.
"Kuya ano yan?"
"Saisaki, para kay mommy and daddy. Medyo napadami nga akong nabili para sa kanila eh, pero ok lang, ano? Alis na tayo?"
Sabay kaming tumango ni Lei. Habang umaandar ang taxi ay napagdesisyunan ko na inumin ang ibinigay sa akin ni kuya. Sinaksak ko ang straw sa uluhan ng venti sabay higop sa straw. Ramdam ko ang pait dulot ng purong kapeng nakahalo sa iniinom ko pero, nang habang tumatagal ay unti-unting nasasanay ang panlasa ko. Nakakapagtaka lang at parang sanay na sanay na si Lei sa pag-inom dahil naubos niya agad iyon.
Agad na ngumiwi si Lei at aabay hawak sa kanang bahagi ng ngipin nito.
"Ouch!!"
"..Antakaw kasi eh!! Yan, buti nga sa'yo."
Sabay tawanan namin na parang baliw. Tumagal ang ilang minuto at nakauwi kami sa bahay. Gabi na at nadatnan namin si daddy at mommy na kumakain sa mesa.
"Mom.. Bakit hindi ninyo kami hinintay ni Jacob? Teka, i bought something for the both of you."
Iniabot ni kuya ang saisaki na binili niya para kina mommy. Agad na nakita ko ang ngiti sa mga labi nina mommy at daddy. Medyo matanda na si mommy, 53 years old na siya, kaya ganun na lang ang pagsospresa ni kuya sa kanya.
Pauwi na si Lei nang agad ng tinawag siya ni Kuya Kenneth.
"Sandali, Lei, i want you to give this your daddy, and please tell him that I missed him.."
Iniabot niya ang naka-gift wrapped na regalo. Kulay red ito kaya ko agad ito nakita. Kinuha ni Lei ang regalo at agad na sinamahan ko siya papunta ng kanto. Habang naglalakad, naramdaman ko ang paglamig ng simoy ng hangin. Nang tumingin ako sa langit, namumula ito, parang uulan ng napakalakas na animo'y may kasamang malakas na hangin.
"This would be the most precious moments I ever have, big bro! I hope this won't be the last!!" Sabi niya habang nakatingin sa akin.
Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan sabay bugso ng malakas na hangin. Hindi ko alam kung saan kami sisilong. Hinawakan ko ang kanang pulso ni Lei sabay takbo sa isang abandonadong bahay. Doon kami sumilong ni Lei pansamantala. At nang makarating, ay kinuha ko kaagad ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ko ang aking mukha kasabay na rin ang buhok at dalawang kamay at braso ko. Napansin kong giniginaw si Lei. Ibinigay ko ang panyo ko sa kanya at agad niyang pinunasan ang mukha at pati din ang ulo niya. Nagpasalamat siya at agad niyang binalik iyon sa akin. Nang tinitigan ko ang abandonadong bahay, ay may kung pangyayari sa buhay ko ang nag-flashback, at may bigla akong naalala. Dito ko nga pala kinumpronta at inaway sina Greg noong bata pa kami ni Patrick.
Habang lumalalim ang gabi ay mas lalong lumalakas ang ulan. Mahirap para sa amin ang ganung sitwasyon dahil kanina pa nanginginig si Lei.
"C'mon here, I'll give you a hug."
Binigyan ko ng yakap si Lei. Ramdam ko sa kanya na basang-basa siya habang kayakap ko siya. Pinunasan ko ang kanyang mukha. Habang pinupunasan, naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. Tumitig siya sa akin. Naaninag ko sa kanya ang mga mata nito na nangungusap na parang may gustong ipahiwatig. Nanginginig ang buo kong katawan. Bumibilis nang napakabilis ang puso na halos parang gusto ko nang sumabog. Bahala na!! Kaagad kong kinuha ang baba niya at sabay lapit sa mga labi ko. Ang init ng labi niya ay ramdam sa mga labi ko. Dama ko ang bawat hininga niya na nagsisilbing init sa nanginginig ko na ring katawan. Napapikit ako at napaiyak.
"Mahal kita, Patrick!!"
Hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyon sa kanya. Ipinagpatuloy pa rin niya ang paghalik sa akin. Sa puntong iyon, gumanti siya sa akin ng halik na nag-aalimpuyos. Parang ramdam ko si Patrick sa kanyang katayuan habang ako ay kanyang hinahalikan. Bigla siyang napahinto.
"Kuya, andito lang ako!! I'll never leave you.."
Iyan ang narinig ko sa kanya. Pagkatapos ay agad niyang inilapit ang labi ko sa labi niya. Parang feeling ko ay napaka-secure ko sa kanya. Ang mga gabing wala sa akin ni Patrick na naipon ng ilang taon ay ngayong gabi ko lang nailabas. Malamig ang hatid ng ulan, pero ang init ng aming paghahalikan ang nagpainit sa amin para labanan ang lamig na dulot nito.
"Si Cheney, hindi pwede ito!!"
Bigla kong naisip si Cheney, sa hindi maipaliwanag na kadahilanan. Agad na itinigil ko ang paghahalik ko kay Lei. Napa atras ako ng bahagya sa kanya.
"This is not supposed to happen!! I love Cheney, at siya lang ang buhay ko!!" sabi ko kay Lei habang nakatitig siya sa akin.
Part 10
"Sorry Lei, it really wasn't my intention to do that for you. Si Cheney lang ang mahal ko at wala nang iba.." sabi ko habang guilty sa nangyari sa amin ni Lei.
"Kuya, mahal kita!! Mahal na mahal kita!! Kung si Cheney lang ang dahilan, ok lang sa akin! Kaya ko siyang kausapin!!"
"Wag mong gagawin iyan!! Hindi ko pa alam ang feelings ko sa'yo! I just did it because I reminisced someone that I have love for so many years.. Sana maintindihan mo ako!!"
"Halika na at ihatid mo na ako."
Tumigil na ang ulan. Inihatid ko si Lei sa sakayan ng jeep pauwi sa kanila.
Habang papauwi, bigla akong napatulala sa nangyari sa amin ni Lei. Hindi ko siya kayang harapin bukas. Feeling ko parang mahal ko na siya, hindi isang tunay na magbestfriend at magkapatid, kundi mahal ko siya tulad ng pagmamahal ko kay Patrick. Natatakot lang ako dahil ayaw kong masaktan si Cheney.
Nakauwi ako at sabay bukas ng gate. Nakita ko si kuya na natutulog sa baba. Bukas ang TV kaya pinatay ko na. Mag-aalas 12 na pala ng gabi. Pumunta ako ng CR at nagsimulang maghilamos. Hindi pa rin ako makapag get over dun sa nangyari sa amin ni Lei.
Natapos akong maghilamos ay pumanik ako sa taas para matulog na rin. Habang lumalalim ang gabi ay bigla akong nangulila sa pagmamahal sa akin ni Patrick. Agad kong tinungo ang cabinet at kinuha sa baba ang isang box na naglalaman ng mga sentimental things ko sa kanya, iyon ang mga kayamanang hindi-hindi ko ipagpapalit kanino man.
Agad kong binuksan iyon. Kinuha ko ang kwintas. Kwintas na nagpapaalala sa akin ng dakila at wagas na pagmamahal ko kay Patrick. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, marahan kong tinignan ang ganda at ningning na dulot ng pilak ng kwintas. Nandun pa din ang pendant. Letrang J na sa gitna nito ay nakaukit ang pangalan niya na nagpapahiwatig na ako ang nasa puso niya kahit kailan. Isinuot ko ito at hindi akong nabigo na nagkasya naman. Simula noong naging kami ni Cheney ay hindi ko na sinuot ang kwintas. Sinumpa ko sa sarili ko na hindi ko na siya mamahalin. Nguni't noong nakita at nakilala ko si Lei ay unti-unting bumabalik ang dati kong pagmamahal sa kanya. Tumingin ako sa salamin at hindi napapansing kaagad na tumutulo sa akin ang luha na naipon simula nang ako ay naka-move on sa kanya.
Nagtungo naman ako muli sa box kung saan ko nakita ang kwintas. Nakita ko ang cassette tape. Agad na kinuha iyon. Isinuri ng mabuti ang tape at napansin na medyo nagkakaalikabok na ang mga gilid nito. Agad ko iyon pinagpag. Sabay kinilatis kong maiigi ang tape, at may napansin akong isang sulat kamay ng isang bata.
September 14, 1995
Iyon lamang ang nakita ko. Sakto at malapit nang mag September. Inilapag ko sa aking dibdib ang tape at nag-umpisang balikan ang nakaraan namin ni Patrick. Para akong baliw, minsan tumatawa, at minsan ay umiiyak, hanggang sa napagdesisyonan ko na tugtugin ang tape para manariwa ang nararamdaman ko sa kaniya.
Nakita ko ang radio- cassette. Kinuha ko at inilapag sa lamesita. Kinuha ang plug, isinaksak sa saksakan at sinimulang pindutin ang on-button. Medyo luma na ang radio cassette, pero gumagana pa rin, kaso lang at garalgal na ang tunog nito. Pinidot ko ang eject button at sinimulan kong ipasok ang tape, nang magkasiya ay tsaka ko itinulak ng marahan ang gilid ng radio-cassette at pinindot ang play. Biglang tumunog ang radio. Una kong narinig ang instrumental ng kanta na "Remember me This Way." tsaka ko narinig ang mga katagang nagpaluha sa aking muli.
"Sharing moments with you would be the most precious moments I have with for all of my life. I thank God that I found a special someone who I treasure most. I finally found my missing piece to you. I will never let this next into nothingness. Your great value to my life is one that added to my inspiration not to surrender, but to stand still on my own. You have build my character into a great foundation, nobody can eradicate it. I know, in some point you're angry at me, that I'm so selfish to what I used to decide. I hope you understand me. I love you, no matter how far the distance we're apart. My decision of leaving you doesn't mean we're all ending up our fortress relationship. Life goes on, but the mere fact you're still in my heart, it will always be the same again. I don't want to say my Goodbyes to you, rather, I just want to tell you that no matter how far I'm right now, my love for you will ne'er perish as time goes by."
Sabay pindot ng stop-button. Agad na dumaloy mula sa akin ang luha mula sa mga mata ko patungo sa pisngi at pati na rin sa leeg ko. Sabay singhot ko dahil lumalabas na rin pala pati ang sipon ko. Umiyak ako ng umiyak hanggang sa napahagulgol ako.
"Putang Ina mo, Patrick! Tang ina ka! Bakit mo ako iniwan! Bakit hindi ka nagparamdam sa akin ng mahabang panahon? Sinungaling ka!! Ginawa mo akong tanga! Hindi namang masama na mahalin kita ah! Wala akong ginawang masama sa iyo na kinasaktan mo, pero bakit mo ako iniwan! Ang hangad ko lang ay ang pagmamahal mo at wala nang iba! Sana pinatay mo na lang ako. Sana hinayaan mo na lang na ilibing ko sa lupa ang mga pangyayaring iniukit mo sa buhay ko! Ayaw ko nang balikan ang lahat-lahat pero pumapasok ka pa rin sa puso ko!! Nasaan ka na ba Patrick? Nasaan ka na ba!!" Isinigaw ko habang nilalabas ko mula sa puso ko ang pangungulila kay Patrick ng maraming taon.
Nasuntok ko ng napakalakas ang dingding sa gilid ng kwarto namin ni kuya Kenneth gamit ang kaliwang kamao ko. Siguro, tatlong beses kong nagawa iyon. Medyo masakit, pero wala na akong pakialam dun. Marahan kong pinunasan ang mga mata kong buong gabi nang umiiyak dahil sa pangungulila ko sa kanya. Nandun pa din ang kirot. Despite the fact I released it, there is something in my mind that still reminds me about him.
"Kung talagang mahal mo ako, Patrick, sana bumalik ka na!! Sana magparamdam ka!! Nangungulila ako sa'yo! Ano ang silbi ng buhay ko dito sa mundo kung ang ikaw lang ang umiinog at nagpapagalaw nito! Ikakamamatay ko kung hindi ka babalik sa piling ko!"
Ano pa nga ba ang silbi ko sa buhay ko? Parang gumuho ang isa sa pagkatao ko nang hindi siya bumalik sa piling ko! Siya ang pangarap ko at ang dahilan kung bakit ko gustong mabuhay sa mundong ito. Ano pa nga ba ang silbi ko kung wala ka na?
Agad ko munang pinunasan ulit ang mga mata ko pero sa pagkakataong ito naman, gamit ang kaliwang braso ko. Gusto ko nang wakasan ang buhay ko. Oo at Desperado na ako sa puntong ito. I search for a thing, a certain thing for me to use just to deteriorate the pain inside of me. When I was about to look at my box, I accidentally saw a blade. A blade that has been too much sharp, it will kill you for as much as possible if you will slash it in your wrist. Kinuha ko iyon, at sabay titig. Nang matapos matitigan ay tsaka ko agad iyon itinapat sa kanang pulso ko. Habang tinatapat, napapansin kong nanginginig ang aking buong bisig habang ginagawa ang magpapabago sa buhay ko. Kaagad kong sinimulan ang paghiwa at,
"Ow!! Ouch!! Aaaaaarrrrrrrgggghhh....!!"
Sa sobrang sakit ay nakalahati ko lang ang paghiwa ko sa pulso ko. Agad kong tinanggal ang blade at inilagay sa sahig, unti-unting dumadami ang dugo hanggang sa bumulwak nang nakarami at hanggang sa nakaramdam ako ng hilo at nawalan ng malay pagkatapos.
"Jacob, jacob.. Ayos ka lang? Hoy kapatid ko!!" Ang boses na narinig ko noong ako ay nagkamalay.
Hindi ko muna binuksan ang aking mga mata para pag-aralan kung kaninong boses iyon, at nang nalaman ko, ay saka ko binuksan dahan-dahan ang aking mga mata.
"Kuya ko!! Kuya!! Huhuhuhu... Sorry if I done this!" Iyak ko sabay akap ng napakahigpit sa dibdib niya.
Nakita niya ako sa sahig na medyo duguan. Kwento niya, kanina pa daw niyang naririnig ang mga hiyaw ko at nang maalimpungatan daw siya ay saka niya akong pinuntahan at nakita daw niya na duguan ako, walang malay sa sahig. Agad niya daw akong binuhat sa baba ng double deck at pagkatapos ay kumuha ng first aid kit malapit sa poon namin sa may istante. Pagkatapos ay pinuntahan niya ako at ibinaba ang sugatan kong pulso at doon niya pinisil ang isang bahagi ng bisig ko para umimpis ang pagdurugo. Nang tiyempong hindi na dumudugo ay saka niya nilinis ang sugat ko gamit ang iodine solution at alcohol. Nilinis niyang mabuti iyon at tsaka kumuha sa first aid box si kuya ng gauze bandage at gumupit ng bahagya. Pagkatapos ay iniligay niya iyon sa sugatan kong pulso at saka sinikipan gamit ang surgical tape. Iniwan niya akong pansamantala para linisin ang dugo sa sahig. May nakita siyang blade at agad daw niya iyon inilagay sa box, dun sa sentimental box ko. Sinara niya iyon at inilagay kaagad sa uluhan ko. Mga mag-aalas Tres ng madaling araw niya akong nakitang walang malay at buti na lang ay naalimpungatan daw sina mommy at daddy na walang kaalam alam sa ginagawa ko.
"Lahat ng nangyayaring ito ay dahil kay Patrick ano?" Sabi ni kuya sa akin.
Bigla akong na ashtonished noong narinig ko iyon sa kanya.
"Alam ko ang lahat-lahat, Jacob, at pakiramdam ko ay mahal mo pa rin siya.."
Agad niyang tinapat ang ulo ko sa dibdib niya at umiyak ako ng sobra-sobra.
"Alam mo, Jacob, hindi naman talaga masama ang magmahal. Swerte nga tayo dahil binigyan tayo ng diyos ng utak at pag-iisip para pag-isipan ang lahat-lahat ng mga nangyayari sa buhay natin. Minsan, tulad mo, nagmahal ako. Umasa. Nasaktan. Iniwanan ko siya sa kabila ng pagmamahal ko sa kanya. Kaya sa puntong ito, nauunawaan kita."
"Kuya, paano mo nalaman ang tungkol sa amin ni Patrick?"
"Sa isang maasahang source ko. Bata pa kayo noong nahulog ang kalooban ninyo sa isa't-isa, and for me, that's a typical for a child. Naghahanap kayo ng kakalong sa inyo, bukod sa mga magulang ninyo. Parehas kayong walang nakalakihang kuya, kaya nahanap ninyo ang pagiging malapit sa isa't-isa. Nararamdaman ko sa puso mo, mahal mo siya, at siya rin naman ay mahal na mahal ka rin niya ng buong puso at ng buong pagkatao niya. Alam mo, alam din niya ang pinagdadaanan mo, at batid niya ang lahat-lahat ng nangyayari sa iyo. Maghintay ka lang! At darating siya."
Hindi ko alam kung bakit nasabi ni kuya sa akin ang mga salitang iyon, pero isa lang ang aking dahilan, at iyon ay may matatakbuhan na akong kuya na nagmamahal at nag-uunawa sa akin.
"Kuya Kenneth!! Huhuhuhu!! Salamat at bumalik ka na!! Maraming maraming salamat sa'yo, kuya kenneth!!" Sambit ko habang umiiyak sa dibdib niya.
Hinayaan akong umiyak nang umiyak sa dibdib niya. Pagkaraan ng ilang minuto at nahimasmasan ako, agad siyang bumaba at nagpunta sa baba para magtimpla ng gatas para sa akin. Alas tres y medya na pala ng madaling araw. Pumunta ako sa kwarto nina mommy at naabutan ko pa din sila natutulog sa kwarto nila.
"Jacob, eto ang gatas, at nang mahimasmasan ka naman."
Nakita ako ni kuya na nakatitig kina mommy habang natutulog nang iniabot niya ang gatas sa akin. Nang niyaya akong bumalik sa kwarto namin ni kuya ay inilis agad niya ang double deck at nagtungo naman ako sa kinahigaan ko at kinuha ang sentimental box para itago dun sa dati nitong lalagyan.
"Kuya salamat at umuwi ka ng Pilipinas!! Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka pa rin hanggang ngayon sa piling ko! I love you, kuya!!"
Ngumiti siya sa akin nang narinig niya ang sinabi ko. Tinignan niya akong mabuti at bigla siyang lumuha ng di inaasahan.
"Akala ko, ako lang ang ganito sa pamilya, pati din pala ikaw!!"
Bigla akong nagtaka sa sinabi sa akin ni kuya. Bakit niya sinabi iyon sa akin, gayong ngayon ko lang siya nakita ng ganoon? Maraming tanong tuloy sa isipan ko na nagsi-sink in sa utak ko noong sinabi niya sa akin ang mga katagang iyon.
"Kuya, what do you mean?"
Agad siyang tumabi sa akin pagkatapos niyang ayusin ang double deck niya. Agad na pinunasan niya ang mga luha niya gamit ang damit nito sa manggas ng kanyang t-shirt at pinaupo niya ako habang mukhang may sasabihin sa akin na tungkol sa kanya.
"Jacob, wag mo itong sasabihin kay daddy ah!! BISEXUAL DIN AKO!!"
Agad akong nagulat sa sinabi sa akin ni kuya kenneth.
"Kuya, bakit?"
Itutuloy....
0 comments:
Post a Comment