MY LIFE'S PLAYLIST (chap 11)

Sunday, August 14, 2011


Author's Note: Salamat po sa lahat ng readers. Sa totoo lang nung simula ng kwento eh dapat yun na yun tipong parang single entry lang. Kaya lang may nag-comment na sana may next part so I got excited and tried to follow it up. Habang gumagawa ako lalo talagang naging mas close sa akin yung pinagbasehan ko ng Rex. Sobrang natatakot ako at natutuwa at the same time. Siguro ang pinaka di ko expected eh yung sinabi nyang if ever mag decide syang di nag gf hanap nya sa ako daw ang una sa listahan nya ng gusto nyang maging bf. Ahahahah super haba ng sharing ko!

Thanks ulit sa lahat!
Kakainggit yung mga nakapunta sa GEB.
Sana kasama na ako next time!!!
Same goes for the readers, sana kasama rin kayo para makita ko kayo at mabigyan ng big hug :)


-----------







“Doc how is he?”

“He’ll be fine. Just make sure he’ll take this meds”

“Thanks doc!”

“No problemo, just doin’ my job”

Yun ang naririnig kong usapan sa labas ng pinto ng room na ‘to sa hospital. Hala anu kaya ang meron ako at kailangan ko pa ng gamot.

“Bwaaaaaaaaaaaaaaaah!”

“Ay sorry magugulatin ka pala!”

“Di naman masyado, you just caught me totally off guard.”

“Ahahaha ang kulit ng reaction mo talaga. Sobrang nakakatawa. Oh by the way I’m Arianna Denise Lopez, Yana for short.” Ang sinabi while extending her hand to help me stand up. Natumba kasi ako nung ginulat nya ko habang nakikinig ako sa usapan sa labas eh.

“Kirk, Kirk Chua. Nice to meet you.”

“Ok magkakilala na tayo. So Kirk, I was just wondering kaano-ano ka ni Ronnie. Para kasing sobrang concern sya sa ‘yo nung mawalan ka ng malay sa party.”

“Mag.. mag-bestfriend kami.”

“Hmmm ok. So ikaw pa lang ang susi para maging close kami ni Rex. From now on friends na tayo huh!”

“ah ok?!”

“Mahiga ka na nga ulit. Namumutla ka na naman oh. Kumain ka na rin. Makakasama sa ‘yo ang pag skip ng meals.”

“Alam mo ba kung anu daw ba sakit ko?”

“Ah ulcer daw.”

“ULCER!!! Meron ulit ako nun?”

“So you had before?”

“Yeah when I was about 6 years old. Busy kasi magulang ko that time. Pareho silang may trabaho. Lola ko lang nag-aalaga sa akin dati. Minsan nalilimutan akong pakainin kaya ayun nagka-ulcer ako. Dahil dun tumigil sa work si mama para maalagaan ako.”

“Hmmm ganun. So I guess nagkaroon ka now dahil sa busy college life. From now on I will be your makulit friend na mangungulit para lagi kang makakakain sa oras at makakainom ng gamot on time.”

“Salamat. I don’t mean to be rude pero bakit ka pala nandito?”

“Ako lang po yung naghatid sa inyo dito.”

“Wah sorry at super thanks!”

“No prob, ang bestfriend ng husband to be ko ay mahalaga rin sa akin.”

“Thanks.”

Ang cool namin nito ni Yana. Maganda, mayaman, mabait, I guess sila talaga ang bagay para sa isa’t isa.



Pumasok si Rex at abot langit ang ngiti nya nung makitang gising na ako.

“Thank GOD at ok ka na!” ang nasabi nya after he rushed to hug me.

“Wow ang sweet mo naman Rex sa bestfriend mo!!!” ang sabi ni Yana na parang kinikilig sa tuwa.

“Bakit nandito ka pa?” tanong ni Rex na parang galit.

“Hoy wag mo ngang awayin si Yana. Sya daw di ba ang nagdala sa akin dito.” Pagpapatigil ko kay Rex.

“Di sya ang nagdala sa ‘yo dito. Ako. Sya lang ang nagdrive ng kotse papunta dito nung binuhat kita.”

“Technically nakatulong pa rin sya”

“Sige na. Ang mahalaga your safe!” pagyakap nya ulit sa akin.

“Alam nyo kung isa sa inyo babae aakalain ko nang kayong dalawa ay may relasyon.”

“Wah! Walang ganyanan!” sabi ko kay Yana.

“Sige new friend Kirk, I’ll be leaving na! Paalam. Bye na rin fiancé” ang sinabi ni Yana while waving good bye na nasa pinto.

“Ingat!” sagot ko kay Yana.

“Hmpft! Good thing she left.” may pagkabadtrip na pagkakasabi ni Rex.

“Bat ba parang kumukulo ang dugo mo kay Yana?” tanong ko sa kanya.

“Di ba obvious? Next month officially engaged na kami. At sa tingin ko naging gamit lang ako ni Dad to get what he wanted”

“Huh? What do you mean?”

“Matagal ko nang kilala yung si Yana. Naging magkaibigan kami when I was in elementary, I think it was somewhere in grade 4 or 5. On the graduation day sinabi nya gustong gusto nya daw ako at kung pwede daw bang maging boyfriend nya na ako. I turned her down. Di ko naman kasi sya gusto na more than friends eh. Ever since nililinlang ko na sya kung san school ako mag-aaral. Tulad nung High school dapat dun ako sa province namin pag-aaral eh nalaman ko na nag-enroll agad sya dun nung nalaman nyang dun ako mag-aaral so nagpatransfer agad ako sa Pasay.”

“tapos…” parang batang nakikinig sa isang fairytale ang anticipation ko sa kwento.

“After graduation ng High school I was shocked nung bumisita sya sa dorm ko. Sabi nya bakit di ko daw sya sinabihan na dito ako sa pasay mag-aaral. Nagdahilan na lang ako na feel ko mas ok education dito sa Maynila. Tapos nitong college dapat sa Ateneo ako mag-aaral kaya lang nalaman kong nalaman din nyang balak ko dun mag-aral kaya ayun nagtake agad ako ng exam dito at nung nakapasa I enrolled without telling my parents”

“Wow grabe palang habulan moments nyo ni Yana. Pero teka di mo man lang sya tinapat na ayaw mo talaga sa kanya.”

“Well nung sinabi nya kasi dati na gusto nya ako I already told her na ayaw ko. Di naman sa tinatakbuhan ko sya kasi kahit papano naging friend ko sya at mabait naman sya pero ayoko lang talaga sa aggressive girls. I like flirting but I hate clingy people!”

“Heh! E di galit ka pala sa ‘kin?” sagot ko sa kanya kasi nagpantig ang tenga ko sa salitang clingy. Naalala ko na naman yung nakakasakal daw ako.

“Whoah di ko naman sinabing clingy ka huh! At sa totoo lang you have the right to be clingy on me if you want to. Boyfriend mo ata ako.” pagpapakalma sa akin ni Rex.

“Hmpf wag mo na ngang babanggitin yung word na yun. I hate it. Basta ang pasalamat ako dahil ganyan ka sa ‘kin” niyakap ko sya.

“ahhh!” napatigil ako sandal nung maramdaman kong sumasakit ang tyan ko.

“Hey uminom ka na nga muna ng gamot!” pagpapainom nya sa akin habang nilalagay nya na yung gamot sa spoon.

“wah yan din yun gamot ko nung bata pa ako! Ang galing!” natutuwa kong nasabi.

“Adik ka! Nagkaron ka na pala dati ng ulcer. You should know na dapat lagi kang kumakain on time. Dapat natuto ka na. Nganga!”

“ahhhummm!”

“Baet baet naman ng bata!” habang pina-pat nya ang ulo ko.

“Di ko naman akalain yung onting chest pains ko eh heart burn na pala at yung sakit pala ng tyan ko lately eh Ulcer na ulit.”

“Loko ka talaga! Mula ngayon bantay sarado ka na sa ‘kin!”

“Ok boss!”

-----------------------

Mula nga nung araw na yun naging mas maalaga sya. Napag-usapan namin di ko na sasabihin sa parents kong may Ulcer ulit ako. Nagpresinta sya na sya na lang ang magpo-provide ng gamot para sa ‘kin but I declined it. Sabi ko pag-iipunan ko na lang kaya lang napilit rin nya ako since mahirap talaga mag-ipon.

Araw araw nagtitext rin si Yana kung uminom na ako ng gamot, kung kumain na ako at minsan naman simpleng text text lang talaga. Di ko na kinwento kay Rex na nagtetext kami ni Yana baka mabadtrip lang sya eh. Nagtatanong pa rin si Yana on how she will be closer to Rex ulit pero di ko sure kung papaano mangyayari talaga yun kasi parang daga si Rex kay Yana na I think pusa para kay Rex.

Since panahon na nang gawaan ng protype para sa Project Proposal Defense nasa kanya kanyang mga grupo kami. Tawagan at text lang kami. Syempre pag may pasok super bonding kami. Mukhang nagiging ok naman ang lahat.

Si Liezel ay kahit papaano malaki ang inuusad ng project namin at nakakuha na kami ng schedule para sa defense at kasabay rin namin ang mga grupo nina Rex, Jon at Reina.

Thankfully lahat kami ay nakalusot sa Project Proposal Defence. Malapit na rin ang end ng sem. Nagdedeklara na ang mga prof ng final projects kaya busy pa rin talaga kami. Pero nangingibabaw pa rin ang saya kasi parang walang gulo talaga sa klase at syempre next sem namin ay 3 minor subject at final defence na lang. And still above all that, may love life pa rin ako bwahahahah!

----------------------

At the end of this week ay ang araw na ng Official Engagement Party ni Rex. Parang ambilis ng panahon. Di ko naramdaman na darating na pala itong araw na ‘to.

~One message received – Yana

> Dapat nandun ang magiging Best man ng future wedding namin :)


Wew parang tanga ata ako kung magiging best man ako ng boyfriend ko huh. No way! Tseh!

Dahil sa ayaw at sadyang badtrip sa kanya ang minamahal ko, medyo nahawa na ata ako. Minamaldito ko na ang trato ko kay Yana ng di nya alam. Haist this is so not me.

----------------------

Naglalakad ako sa hallway papuntang klase namin sa Literature and Arts ng bigla akong narinig na pamilyar na boses.

“Kirk!!! Wait up!!! Kirk!!!”

Ewan ko ba kung sadyang nahawa na ako kay Rex pero nung marinig ko ang sigaw nya ay nagninja run ako. And when I say ninja run, included ang takbong parang nakayuko na tulad ng kina-Naruto. Well I guess ang nasa utak ko nun eh ayun ang pinaka-efficient way of running. Di ko na sinubukang lumingon pa at baka maging obvious na tumatakas lang ako sa kanya.

Of course tao lang ako na napapagod so I stopped to catch my breath. Maya maya lang nang konti may naramdaman akong tapik sa balikat ko at nagsabi sya ng “Kala ko di kita aabutan!”

“Wah sorry lang nag-CR lang ako ng mabilis. Bigla kasi akong naihi eh.” Alibi ko since di kaluyuan ang CR sa spot na tumigil ako.

“Hoy di mo na ‘ko binalitaan ‘bout Rex. How can I be a good wife to be kung wala na akong alam sa kanya di ba?!” pangungulit nya sa akin.

Di ko napagtanto na sa di pala kalayuan ay nakatayo si Rex at nakita kami ng maibaling nya ang tingin nya sa diresyon namin. Lumapit agad si Rex at umakbay sa akin.

“Sorry Yana, I’ve been meaning to tell you this but….” Humarap sa akin si Rex at hinalikan nya ako. Na kinagulat ko at ni Yana. Ito ang unang kiss namin sa school in an open area kaya talagang gulat plus takot ang naramdaman ko at syempre meron din konting excite + happiness.

“Yana, Kirk and I are lovers.” ang pagtapos ni Rex sa sinasabi nya kanina.

Nakita ko na lang na napanganga si Yana at parang namutla. Napatitig ako sa kanya lalo. Nakita kong nagsimulang maging teary ang mata nya. Di ko alam kung mali ang nangyari but at that moment parang tinarakan ako ng konsensya ko ng itak sa puso.

“Perfect! You two are perfect for each other!” ang nasambit ni Yana at bigla syang nagtatakbo palayo.

“Whoah di ba parang ang sama ng ginawa mo sa kanya?” nasabi ko kay Rex.

“No! Tama lang yun. That is a perfect wake up call para naman matigil na sya ng kakasunod sa akin. Sawang sawa na ako eh.” nasabi ni Rex na parang nabunutan ng tinik.

“I have a bad feeling about this.” ang tangi kong nasabi habang nakakaramdam ng kaba sa malaking pagkakamali.

----------------

Araw na ng party. Naghanda na kami pareho ni Rex to go to the Engagement party. We both decided to tell his parents about us. If ever di sila umayon sa decision eh pipiliin na namin yung option na magsimula on our own kahit di pa kami graduate.
Pagpasok na pagpasok palang namin sa venue nanlambot na ang tuhod ko sa pagkamangha. Parang may kasal lang talaga.

Parang sobrang elegante ng kapaligiran. Ang mga telang sapin ng lamesa ay napaka lambot. Yung mga silya ang sarap sandalan, parang minamasahe ka lang pag ikiniskis mo likod mo ahahaha. Yung mga ilaw pa sa loob ay chandeliers. Basta nakakapanghina para sa isang tulad ko ang ganitong kasal. Nung kinasal kasi tita ko sa Judge lang tapos kainan na kami sa Savory tapos kanya kanyang uwi na. Ito, ibang iba talaga ‘to.
“KC, cr lang ako sandali.” paalam ni Rex.

Habang naghihintay ako sa isang sulok ng room may tumapik sa akin.

“Kirk, I need to talk to you” ang sinabi ng ni Yana na nasa likod ko lang pala.

“Yana sorry huh. I never meant that to happen. Di ko lang din talaga masabi sa ‘yo” pagpapaliwanag ko sa kanya dahil sa naganap last time na nagkita kami.

Nagkakwentuhan kami ng matagal tagal. Nakwento ko sa kanya yung reason na sinabi ni Rex kung bakit ito lumalayo sa kanya.

“No, you got it all wrong. It’s like you had it in reverse.” Sagot ni Yana.

“Wew how was it that I got like that? Could you explain what you meant.” Sagot ko kay Yana.

“He is the one who used to follow me up until he went to college. Niligawan nya ako ulit nitong vacation kaya lang may naunang nanligaw sa akin eh. Sa huli na-realize kong sya talaga ang mas gusto ko so I dumped my bf. I was just shocked nung nalaman kong kayo. It is so unlike him to do that.” Paliwanag ni Yana.

Nagsimula akong maluha for some reason. Parang nakakaramdam ako ng kakaibang bigat sa dibdib ko. Di ko maipaliwanag pero parang napagtanto kong ako ang kontrabida sa kanilang dalawa. Ang sakit. Parang nagkalokohan lang pala kami. I thought sya ang rebound ko but it was the other way around. I should have realized this earlier.

“Hey Kirk where are you going?” sigaw ni Yana sa akin ng sinimulang kong magtatakbo.

Tumumba ako ng may nakabangga ako.

“Sorry!” sabay naming nasabi.

“Oh KC where are you going?” tanong sa akin ni Rex na nakabangga ko.

“Malaya ka na. I don’t deserve you. Mahal ka ni Yana. Iniwan nya ang boyfriend nya para sa ‘yo at as far as I know your still in love with her.” ang lumabas sa bibig ko habang nagsimula na rin umagos ang luha sa aking mga mata.

Natigilan sya sa sinabi ko.

Well I guess this just confirms what I think.

“Arriana, Rodrigo come up on stage. We can’t do this engagement without you!” ang sabi ng tatay ni Arriana na nasa stage.

“Rex get up there. Wag mong paghintayin ang dad mo at ang tito Alfonso mo” nasabi ng mommy ni Rex habang tinatayo sya at pinapapunta na sa entablado kung nasan ang tatay nya at tatay ni Yana.

Bigla akong hinawakan ni Rex sa kamay at hinila pabalik.

“KC wag ka munang umalis. Stay here. Please. I need you!” ang pagmamakaawa sa akin ni Rex.

Habang sya naman ay hinihila na ng mommy nya.

“Son stop that nonsense go up there now!” sabi ng mommy nya.

“Tama ang mommy mo you should be up there, while I should leave now.” Ang nasabi ko kay Rex.

Inalis ko ang kamay ni Rex at lumabas ng kwarto. Nakita ko sa glass door na sinubukan ni Rex na sumunod ngunit pinigilan sya ng guards.

Pagkakalabas ko ng gate tumawag agad ako ng tricycle sa di kalayuan. Pumunta agad ako sa terminal at sakto may FX papuntang Lawton pa sa oras na ‘to. Di na ako nagdalawang isip na bumalik pa o anu pa man.

------------

Habang nasa matraffic na byahe ako nagsimulang umulan. Malakas ang buhos ng ulan. Maingay ang kulog. Nakakatakot ang kidlat.

“Siguro nararamdaman ng kalangitan ang hinanakit ng puso ko.” bulong ko sa sarili ko.
Nainip na siguro si manong driver ng FX kaya nagbukas sya ng radio. Nakailang pihit din sya ng knob ng radio at mukha walang matinong signal dahil siguro sa lakas ng ulan. Di katagalan nakahanap ng rin sya ng matinong station.



Nagsimula ulit akong maiyak sa kantang tumutugtog sa radyo. Bakit nga ba ganun ang buhay. Parang last month lang perfect ang lahat tapos isang linggo lang nagsimula nang mag-fall apart ang lahat. Mali bang iniwan ko sya duon sa party?

"Bakit pa kasi nagawa yang mga bwisit na fairytales na yan. Bwisit!" ang tangi kong nasabi habang tumatama sa akin bawat salita ng kanta.

Read more...

The One Who Could Not be Taken - Chapter Seven

Tuesday, August 9, 2011

Photobucket



Para mga nag-aabang ng chapter na ito. Ayan fresh fromt the oven pa! Ahahaha!!! Miss you KGF. Bumalik ka na. Masyado ka ng na-murder sa istoryang ito. Bwahahaha


Chapter Seven

"So, this is the mysterious boyfriend, huh?" nangingiting sabi ni Mikey sa kanila.

Salamat sa intervention ng kaibigan niyang ito at nahimasmasan siya sa biglaang pagdating ng talipandas na si Gabriel.

Halos magpalpitate siya sa sobrang lakas ng kaba niya. Tinangka niyang kumalas mula sa pagkaka-akbay ng gwapong nilalang sa kanya pero ayaw siya nitong pakawalan. Bagkus, lalo pa siya nitong hinigit palapit dito dahilan para masiksik siya ng matipuno nitong dibdib.

Oh la la!

Wait! Erase! Erase!

Paanong nagugustuhan niya ang pinaggagagawa nito? He had never met such an audacious guy in his entire life! Sinubukan niya ulit ang pasimpleng pagtulak dito para makawala but every attempt was futile.

"I'm afraid so, Mikey. Ito kasing baby ko eh, kapag ginustong magsikreto, siguradong walang makaka-alam." ani Gabriel na tumaas-baba pa ang kilay.

"Siyanga? Dalisay?" tanong ni Mikey.

"Ah... O-oo... ganoon na nga iyon." aniyang pilit pang ngumiti para magmukhang convincing.

"See?" mayabang pang wika ni Gabriel.

Since malabo ang makatakas mula rito ay naisip niyang laruin ang laro ng magaling na lalaki. Ipinalibot niya ang mga kamay sa katawan nito. Giving him more access to Gabriel's body. Hindi na nga lang niya pinansin ang kakaibang kilabot na gumapang sa katawan niya ng ipulupot niya ang mga kamay dito.

It sent electrical shock waves to his entire system! Hindi niya inakalang ang simpleng pagganting binabalak ay may hatid na kiliti sa kanya. Dinedma na lang niya iyon para makapag-concentrate sa plano.

"Of course, Mikey... ang mga ganito kapoging nilalang ay dapat na itinatago sa madla. Marami ka kasing makaka-agaw kapag ibinuyangyang mo na lang basta. Hindi ba, honey?" Isiniksik niya pa ng husto ang katawan dito. His nose was assaulted by Gabriel's wicked scent. Bigla tuloy nanglabo ang lahat sa kanya.

"Oh my, a public display of affection. Maganda yan Dalisay, keep it up." natatawang sabi ni Mikey.

"Oh I'll definitely make this man "up", all night." mabilig niyang sabi.

Natawa ang lahat maliban kay Gabriel na biglang na-tense yata sa tabi niya. 

"So paano, kita-kits tayo later Dalisay. May pupuntahan lang kami saglit ni Ferdie. May i-mi-meet pa kaming ilang makakasama natin sa araw na ito. Yung ipina-book kong room sa iyo ay kasya para sa dalawang tao. Although, I'm sure na mas masikip mas pabor para sa inyo. Mas conducive sa romance." nanunuksong saad pa ng kaibigan bago umalis.

"Salamat, Mikey. See you later." aniya.

"Bye for now." 

Nang makaalis si Mikey at Ferdie ay mabilis niyang itinulak ang pangahas na lalaki.

"How dare you!"

"Whoa! Bakit na naman?" nagtatakang tanong ni Gabriel.

"Huh! At may gana ka pa talagang magtanong kung bakit? Ang kapal ng mukha mong sundan ako dito at magpakilalang boyfriend ko! Such audacity Mr. Fadriquella!"

Sa inis niya ay napalitan ang nagtatakang anyo nito ng isang pinipigil na ngiti. Di yata't na-amuse pa ito sa kanya kaysa magalit din. The nerve!

"Okay! I'm sorry for being audacious a while ago but you could have corrected me in front of your friend instead of nuzzling your pert little nose in my pecs. Bakit di mo ginawa? May nalalaman ka pang you will make sure keeping me "up" all night." nangiinis na sabi nito as he quoted the word.

Namulang bigla ang buong mukha niya sa ininsinuate ng magaling na lalaki.

"Hoy! Hindi ako ang may problema kung bakit di ko itinama ang sinabi mo. I was just playing your perverted little game as well. Hindi ako patay na patay sa'yong damuho ka!" defensive niyang sabi.

"Bakit ka nagba-blush?"

"I'm not blushing! It's... it's... the... it's the sunset, you dummy!"

"Why are you stammering?"

"I'm not!" hiyaw na niya.

Nakarinig sila ng tikhim mula sa mga nasa paligid. Mukhang nakakuha na sila ng atensiyon ng dahil doon. Sino nga ba naman ang hindi magtataka kapag narinig ang isang tulad niya na nakikipagtalo na tila nobya sa isang gwapong nilalang na katulad ni Gabriel.

"Oh God!" naiinis niyang sabi. 

Nagmartsa siya papunta sa counter para kunin ang susi ng kaniyang silid. Iniwan niya si Gabriel na nakatayo at humihingi ng paumanhin ilang nasa paligid na sa panggigilalas niya ayhindi maganda sa kanyang pandinig.

"I'm sorry everyone, my boyfriend is not feeling very well. I'm sorry for his sudden outburst."

Nanlalaki ang matang binalikan niya ito at hinila sa tenga.

"Aray! Ano ba? Karinyo brutal ka naman, baby eh."

Oh he was beet red. That's for sure! Bakit ba kasi napakalas ng toyo ng isang ito at tila balewala lang na i-announce nito sa madla na magkarelasyon sila.

Naiinis na itinulak niya ito papasok sa elevator.

"Sira-ulo ka talagang lalaki ka. Anong pinagsasasabi mo doon? I'm not your boyfriend and you're an ass!" galit na niyang sabi.

Akala niya ay tatahimik na ito pero hindi na siya nakarinig ng kahit na ano mula rito. Nagtatakang nilingon niya tuloy ang damuho na isa na naman palang malakig pagkakamali.

Why? Because he was rendered speechless by the intense look Gabriel was giving him. Walang galit kundi isang reprimanding look ng isang nakatatanda sa isang bata ang ibinibigay nito sa kanya. Suddenly, he felt ashamed of what he did. Pero hindi siya magpapatalo. Siya na nga ang naloko nito hindi ba? Siya pa ba ang magmumukhang may kasalanan? No way!

"Stop that!" naiinis na sabi niya.

Pumalatak ito. "Know what? I expected more from you Dalisay. Hindi ko alam na ganito kakitid ang isip mo. Bakit hindi mo ba pagbigyan na pakinggan ang paliwanag ko?"

"Huh? Kakaiba ka ring magpaliwanag no? To the point na patungan mo pa ulit iyon ng panibagong pangloloko. Ano bang problema mo? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo ah?"

Suddenly, Gabriel shifted his expression from reprimanding to a guilty one.

"I'm sorry. Kung pagbibigyan mo lang kasi ako, ipapaliwanag ko kung bakit ko nagawa iyon. Please?"

Tinitigan niya ang pleading look naman nito ngayon. Somehow, this man managed to evoke feelings that were unfamiliar to him. Hindi siya pamilyar sa mga damdaming iyon dahil ngayon lang niya nararamdaman ang mga iyon but that doesn't mean he doesn't know what it meant.

It could only mean one thing. He's in trouble. Mukhang ang lalaking ito ang sisira sa ipinangako niya sa sarili. Na hindi siya amghahanap ng Prince Charming niya. Ito ang hahanap sa kanya.

But come to think of it. Ito ang pumunta sa bahay niya. Ito ang nanggulo sa nananahimik niyang buhay. To the point na ideklara pa nito sa madla na magboyfriend sila. Well, wasn't it a bit... sweet

Mukha namang walang paki-alam si Gabriel kung makuha ang apology niya o hindi. Kung siya iyon, dedma kung ayaw mong tanggapin ang apology ko? Iyon ang motto niya. Pero sa mga actions ni Gabriel, bakit parang ang apology niya ang pinakamahalagang bagay sa mundo?

Napabuga siya. Nakatitig pa rin ito sa kanya. Sasagot na sana siya ng tumunog ang elevator. Nang tingnan niya ang monitor ay nasa palapag na pala sila kung saan naka-assign ang kwarto niya. Sa halip na sumagot ay humakbang siya palabas ng elevator.

"Dalisay..."

Nilingon niya ito.

"I'm kinda tired from driving Gabriel. Kung magpapaliwanag ka, doon na lang sa kwarto mo gawin. Inaantok na kasi ako." iyon lang at tumalikod na siya.

Nanlaki ang mata nito sa narinig. Halos abutan pa ito ng pagsara ng pinto ng elevator kundi lang sa maagap na pagkilos nito.

"W-wait..."



HABANG nasa loob ng silid ay hindi mapalagay si Gabriel. Hindi pa kasi niya naranasan buong buhay niya ang maguluhan ng labis. Ang alam lang kasi niya sa salitang "confusion" ay nahirapan siyang ispelingin iyon noong grade five siya. He had always been so sure about everything especially concerning himself.

Unang mga taon pa lang niya sa mundong ibabaw ay alam na niyang attracted siya sa kapwa lalaki. Alam na rin niya nung magsimula siyang mag-aral na hindi siya uubra sa balarila at panitikan, Filipino man o English. Sigurado siyang crush niya ang hardinero ng kapitbahay nila na sobrang ganda ng katawan at may malaking umbok sa tamang lugar. Alam niyang walang maidudulot na mabuti ang bawal na gamot kaya hindi siya tumikim niyon buong-buhay niya. Besides, men had always been a more enjoyable thing than anything, another thing he was so sure of.

Kaya naman, hindi niya malaman ang pabago-bagong ugali na ipinapakita ni Dalisay sa kanya. Kanina ay galit na galit ito sa kanya. Then he said he was just playing along with him. Tapos galit ulit tapos ngayon pakikinggan na raw ang paliwanag niya?

Which is which? 

Sino ang totoong Dalisay? 

Bakit ba gulong-gulo na siya ngayon? Sana pala ay hindi na niya pinatulan ang hamon sa kanya ni Charlie tungkol kay Dalisay. Hindi sana siya naguguluhan ngayon. Hindi naman kasi siya dating ganito sa mga nakikilala at nakakarelasyon niya. Madalas siya ang hinuhulaan ang susunod na gagawin pero sa isang ito ay siya ang nangangapa. Literally.

Tumayo siya sa sofang kinauupuan. Isa iyong en suite na compliment ng hotel sa pag-stay ng magaling na author na si Michael Juha. Starstruck pa rin siya sa mga pangyayari although expected na niyang ang mga katulad ni Dalisay ay may ganoong klaseng circle of friends.

Ngayon ay nasa banyo si Dalisay at nagbibihis. Mamaya na raw ito bababa kaya naman doon na lang daw ito magpaliwanag. He was welcome to stay pero pakiramdam niya ay pabalat-bunga lang iyon sa panig nito. Na para bang nakikipag-usap ito sa isang batang makulit.

Makulit ka naman talaga.

He smiled. He tried to use the same tactic a while ago but failed miserably. Hindi talaga umubra kahit na anong gawin niya sa isang ito. Daanin niya kaya sa dahas? 

Not bad.

Napangisi siya sa pilyong suggestion ng isip. Nasa ganoong estado siya na napapangiti ng bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Dalisay.

Naka-shorts lang ito at puting collared shirt. He looked fresh. Hindi tuloy niya napansin ang matabang na expression ng mukha nito.

"Spill it. Makikinig ako." anitong tila tamad na tamad sa mga pangyayari.

"Ah.. eh..." Damn! Hindi niya alam kung paanong magsisimula.

"Well?"

"I-i... I'm sorry."

"You've been saying that for the last six hours. Please? Wala na bang iba? Get straight to the point so we could get this over and done with."

Tila siya tinamaan ng hiya sa sinabi nito. Never pa siayng naipahiya ng ganoon katindi. Grabe na ang isang ito talaga. Huminga muna siya ng malalim at nagbilang ng hanggang sampu. Taking all the time in the world bago muling nagsalita.

"Fine! Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko, bahala ka! Wala pang nakagawa ng ganito sa akin kundi ikaw lang at hindi ko matanggap iyon. Alam mo ba? Hindi ko deserve ang ganitong treatment kaya bahala ka na sa buhay mo. You can keep your damn apology to yourself, for all I care."

But Gabriel got the shock of his life when he turn to Dalisay and find out that he was already sleeping.

Great!

Sa halip na mainis ay napatulala lang siya sa natutulog na manunulat. He looked peaceful in his sleep. Contrast sa ugali nito kapag gising ito. Ewan niya pero natutukso siyang lapitan ito. And he did.

Tumalungko siya para magtapat ang mga mukha nila. Ngayong natititigan niya itong maigi ay nakikita niya ng husto ang mga nagustuha niya rito.

Nagugustuhan? Hala ka, Gabriel!

Ikiniling niya ang ulo. Mukhang inaagiw na ng husto ang utak niya t kung anu-ano na ang naiisip niya.

Oo at may crush siya dito pero ang i-pin point ang mismong nagustuhan niya kay Dalisay? That was not so Kirby Gabriel Fadriquella.

Tatayo na sana siya ng lumagutok ang isang buto niya sa likuran. Marahil sa sobrang pagod. Hindi niya inasahan ang sakit na dulot ng pagkakapitik ng isang buto niya kaya hindi niya napaghandaan ang pagkakasubsob niya sa natutulog na si Dalisay.

To make matters worst, his lips was pressed against Dalisay's. Nanlaki ang mata niya sa reyalisasyon kasabay ng pag-akyat ng kakaibang sensayon sa kanyang katauhan dahil sa pagkakalapat ng kanilang mga labi.

No way!


Itutuloy...




DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.

Read more...

The One Who Could Not be Taken - Chapter Six

Photobucket

By special request: 

For my sons Rovi Yuno and Jim Sta. Isabel. Pati kay Mark Stevan, Keeno, Paww Cruz at sa apo kong si Khyrix.

Para rin kina Lance Cruz, Joshua Santos, Tsunayoshi Sawada (na inlababo kay KGF) at sa bumubuo ng Untold  Forbidden Stories

Enjoy reading.


Chapter Six

Nagpasyang maghintay si Gabriel sa kanyang sasakyan. Base sa bihis ni Jordan ay aalis ito. Sure enough, he emerged with his dog. Tumingin ito sa kanya pero nanlamig lang siya sa napakalamig na titig nito. May suot na itong sumbrero at may malaking bag na dala-dala. Sumakay ito sa Toyota Corona na pag-aari nito pagkatapos ikandado ang gate. Mabilis siyang bumaba ng kotse para kausapin ito ngunit mabilis nitong binuksan ng bahagya ang bintana sa tabi ni Eneru bilang warning na ayaw nitong makausap siya.

Pero hindi siya nagpatinag. Sumilip siya sa salamin ng Corona nito habang ang isang kamay ay nasa bubong ng sasakyan.

"Dali- Jordan... Please let me explain. Wala akong intensiyong masama. Please, maniwala ka," Nagmumukha na siyang tanga. Sigurado siya roon. But he could not help it. At wala siyang paki-alam kung ano ang maging tingin sa kanya ng ibang tao sa mga oras na iyon.

Sa katotoohanan nga, halos mabali na ang leeg ng ilang usisero na nakatingin sa kanila. Malamang mga napadaan lang at na-curious sa eksena nila ni Dalisay.

Pero hindi rin naman niya pwedeng hayaan na basta na lamang magalit ito. Nakataya na ang lahat sa pagkakataong iyon. Ibinaba nito ng bahagya ang salamin sa panig nito.

"Get lost, Mister-whoever-you-are!"

"Dalisay naman!"

"Get off my car!" galit ng sabi nito.

"No!" Humarang siya sa sasakyan nito.

Sa gulat niya ay umatras ng bahagya ang kotse nito at parang bumubwelo. Sasagasaan kaya siya nito?

Malamang. Sagot ng isip niya.

He was sure that he saw Dalisay's determination to hit him with his car. Wala tuloy siyang nagawa kundi ang tumabi. "Shit!" Ang tanging nasabi niya ng lagpasan siya nito.

Binalikan niya ang sasakyan at nagpasyang sundan ito. Hindi pwedeng makalayo ito sa kanya ng basta-basta. Kailangan niyang magpaliwanag dito. Kahit saan pa umabot ang paghabol niya rito. Hindi dahil sa gustong-gusto niyang magpaliwanag kundi dahil wala pang gumagawa sa kanya ng ganoon. No man had ever turned his back on him before. Lagi na lang ay hinihiling ng mga itong magpaliwanag siya kung makikipagkalas na siya. At lagi na ay pinaniniwalaan siya ng mga ito. Lagi siyang pinatatawad ng mga ito.

At walang nagpamukhang tanga kay Kirby Gabirel Fadriquella. Lahat ng lalaking magustuhan niya, nakukuha niya. At hindi exception ang Dalisay na ito. Kahit ito pa ang paborito niyang author. Hindi ito exception to the rule.

"Ang yabang mo Dalisay!" nagngingitngit niyang sabi.

Sinadya niyang ipakita ang pagsunod dito. Alam niyang mapapansin siya agad nito. Napangiti siya ng maisip na kahapon lang ay maayos silang naguusap nito tapos ngayon ay naghahabulan silang dalawa.

Nakita niyang bigla itong tumigil sa isang outpost. Akala niya ay nananakot lang ito pero anong gulat niya ng bumaba ito habang bitbit si Eneru papasok ng istasyon.

"Anak ng teteng..." Napamura siya.

Gustong-gusto na niyang lampasan ito pero ayaw niyang mawala ito sa paningin niya. Kailangan niya itong makausap. Pero nagbago ang isip niya ng makitang may pulis na itong kasama paglabas at tiningnan ang sasakyan niya. Minalas lang siya ng mag-red ang traffic light kaya nasundan siya ng isang pulis na naka-motorsiklo. Sinenyasan siya nitong tumabi. Sumunod na lang siya kaysa lumaki pa ang kaso niya.

"May reklamo sa'yo, pare. Lisensiya? wika nito.

"Ano daw pong reklamo, Chief?" His fished his license out. Ibinigay niya rito.

"Pwede ka bang maibitahan sa istasyon?" tanong nito pagkatapos tingnan ang lisensiya niya.

"Bossing, may kaunting LQ lang kami nung boyfriend ko na yun."

"Boyfriend? 'Langya. Ke' ganda mong lalaki tapos bakla ka rin. Hindi ko nga halos mapaniwalaan iyong isang iyon kung wala lang ipinakitang ID." natatawang palatak nito.

"Bakit Chief? Masama bang maging bakla kung ganito ako ka-gwapo?" maasim ang mukhang reklamo niya.

Mukha namang nahalata nitong na-offend siya. "Boyfriend ka nung nagrereklamo? Eh bakit mo siya hina-harass?" pag-iiba nito ng usapan.

"Hindi ko siya hina-harass. Sa hitsura kong ito boss, mukha ba akong nagha-harass? May pinag-awayan lang kami. Maniwala po kayo."

"Sa presinto ka na magpaliwanag."

Then he saw Dalisay's car passing by. Nanlaki ang mata niya. "Wait! That's him. Sige na bossing. Pakawalan mo na ako." pakiusap niya.

"Doon sa presinto." tila tinatamad na sabi nito.

"Bossing naman. Kung hina-harass ko siya, dapat naroroon din siya di ba? Bakit siya umalis? Di ba kailangan din siya roon para sa paliwanag niya?" frustrated nang sabi niya.

Tiningnan lang siya ng pulis. Then it hit him, alam na niya kung bakit ganoon ang inaakto ito. Alam na niya ang gustong mangyari nito. Lagay. Something that he could never do. He hated it.

Napabuga siya. "Sige na Chief. Eskortehan niya na po ako sa presinto."

Halos matawa siya sa ekspresyon nito. Shocked. Mukhang hindi inaasahan na papayag siyang magpakulong. Mataman muna siyang tinitigan nito bago nagsalita.

"Sige na nga. Alis." pagtataboy nito.

Napangiti siya ng lihim.

Akala mo ha? Ulol! Aniya saka pinaharurot ang CRV.


Ayon sa kasabihan, ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan. Sa kaso ni Jordan, naroon na siya sa lugar na pupuntahan niya ay panay pa rin ang lingon niya. Hindi siya makuntento kahit natatanaw na niya ang parking lot ng Days Hotel sa Batangas. He had to look back every now and then.

Sa tingin niya ay hindi na siya mahahabol ni Gabriel. Subalit may pagka-resourceful ang isang iyon kaya naman gusto niyang magpakasiguro. Ayaw na niyang harapin at kausapin ito. Wala siyang interes na pakinggan ang paliwanag at paghingi nito ng paumanhin. Okay na sa kanya na naipaalam niya ritong alam na niya ang totoo.

Pero nahihiya siya sa sarili. Pakiramdam niya ay napakatanga niya at tila nabiktima siya ng isang scam. Naiinis siya sa sarili dahil nagtiwala siya kaagad sa isang taong nagpa-cute lang ng kaunti sa kanya ay tinanggap na niya ng maluwag sa bahay. Pinagsilbihan. Pinakain. Naawa pa siya rito ng makagat ito ni Eneru iyon pala nagpapanggap lang ito.

Pero sa lahat ng iyon ay iisang bagay ang hindi niya matanggap. Ang pagkukwento niya rito ng mga bagay na tungkol sa sarili niya. Tungkol sa mga ginawa niya. At tungkol sa mga sikreto niya sa pagsusulat. Paano kung i-publish nito ang mga iyon? Maaari ba siyang magdemanda? Eh paano kung magmukha lang siyang tanga sa gagawin niyang pagdedemanda?

Hay! Naiinis talaga siya.

Nakapasok na siya sa lupaing sakop ng hotel ay lumilingon pa rin siya. Naroon kasi siya para sa isang imbitasyon ng kaibigan na kauuwi lang sa bansa. Isa rin itong writer na nakabase sa  Kingdom of Saudi Arabia. Pagkabigay niya ng susi sa valet ay mabilis siyang pumasok sa entrance ng hotel. Papalapit pa lang siya sa reception area ng may tumawag ng atensiyon niya.

"Dalisay!"

Napalingon siya sa pinanggalingan ng tinig at napangiti. "Mikey!" natutuwang sabi niya sabay takbo palapit dito.

"Dalisay. How nice of you to come." magiliw nitong bati sabay yakap sa kanya.

"Of course, Mikey. Mapapalampas ko ba ang imbitasyon ng famous kong kaibigan na si Michael Juha? Siyempre, hindi," natatawang sabi niya pagkatapos kumalas rito. Tuluyan ng nakalimutan ang taong kanina lang ay nagpapakulo sa dugo niya.

"Nambola ka pa. Ang ganda mo pala." balik-bola nito sa kanya.

"Oh what do we have here? A mutual admiration society?" aniya na ikinatawa nilang dalawa. Doon lang niya napansin na may isa pang lalaki na nakatayo malapit sa kanila ng kaibigan. Napansin iyon ni Mikey.

"Oh, siya nga pala. Si Ferdie, buddy ko. Ferdie si Dalisay. Author din siya." pagpapakilala ni Mikey sa kanilang dalawa.

They exchanged pleasantries. Napansin niyang tahimik lang din pero palangiti ang Ferdie na kasama ni Mikey. Mukhang magkakasundo sila nito.

"Nakuha mo na ba ang susi mo sa room? Inabangan kita talaga dito. Naiinip kasi kami ni Ferdie sa kwarto." tanong ni Mikey.

"Kukunin ko pa lang. Mabuti at nakita mo ako rito." sagot niya.

"Hay naku, kanina pa aligaga iyan." singit ni Ferdie.

"Talaga?" curious niyang tanong pero ang mata ay agad na inilipat kay Mikey.

"Oo. Kasi naman, sabi mo ay ipakikilala mo ang boyfriend mo sa akin."

Agad na napalis ang ngiti niya. Naalala niya na biniro niya nga pala ito na may ipakikilala siya ritong boyfriend niya kunwari.

"Ano ka ba Mikey, biro lang iyon." natatawang sambit niya.

"Sure ka? Ikaw talaga mahilig kang magbiro." natatawang sabi ni Mikey.

Napakunot ang noo niya. Hindi naman slow ang kaibigan para hindi malamang nagbibiro lang talaga siya. "Eh wala nga talaga..."

"Ikaw talaga baby. Iniwan mo na naman ako ng magtampo ka." anang isang tinig na nagpalamig at nagpatigas ng kalamnan niya. Inakbayan pa siya nito.

"So who is this cute and lucky guy Dalisay?" kinikilig na sabi ni Mikey.

Nanlalaki ang matang nilingon niya ang lalaking mapangahas which was a mistake dahil ang lapit-lapit na ng mukha nito sa kanya. His hot breath sensually fanning his sensitive face. Titig na titig ito sa kanya. Agad nag-init ang mukha niya sa proximity nila.

"G-gabriel..." he said almost whispering.

"Oh, Nice to know you Gabriel." ani Mikey.

"Same here, Mikey." anang baritonong tinig ni Gabriel na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nangingilabot at nanlalambot ang tuhod niya sa ginagawa nitong pagtitig. At ang lakas-lakas ng tibok ng puso niya!


Itutuloy...


DISCLAIMER: All the characters in this story have no existence whatsoever outside the imagination of the author, or have no relation to anyone having the same name or names. They are just distantly inspired by any individual known to the author, and all the incidents are merely invention.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP