Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 29)

Thursday, December 29, 2011




Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Pasensiya ulit kung hindi ako nakapagpost ng matagal dahil nasa Puerto Galera kami kasama ko kuya ko with Patrick...

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, makki, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko! Thanks ulit ah!!) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(Ano na kaya nangyari sa last series niya? Hindi na ako updated eh..) jasper.escamillan, Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, BourbonConan, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, Ronn, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!



ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)

HAPPY HOLIDAYS mga ka-BOL!!

-----------------------------------------------

Part 29

Dali-dali kong binuksan ang violet notebook hanggang...

"Jay, si Lei, si Lei, tumawag dito! Kinakamusta ka niya?!"

Si mommy, narinig ko ang boses ni mommy. Hindi na daw nagtatampo sa akin si Lei. Sana tama ang naririnig ko.

Agad kong kinuha ang telepono sa baba at kinausap si Lei.

"Oh, baby bro ko, bakit ka napatawag?"

"Kuya! Nami—"

"Oh bakit?!"

"Nami-miss kita! Tandaan mo kuya, I'll do this just for you! I want you to find the true happiness in your heart, sana maintindihan mo ako. Mahal na mahal kita!"

"Baby bro, don't say that! Your big bro really loves you more than anything! Teka kinausap mo ako ngayon, so it means we're now Ok?"

"......"

"Baby Bro?! Are you still in line?"

"Ku—... Ku—.. Kuya, mahal kita!!"

Yun ang last call niya sa akin pagkatapos. Bigla akong
naguluhan na naman sa sinabi sa akin ni Lei.

Pumanik ako sa itaas at binalikan ang violet notebook na kinuha ko kay Jan. Habang nakatingin sa notebook ay biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Bigla akong kinabahan, pero sa puntong yun, may kasamang excitement at bewilderment. Mukhang luma na at napaglipasan na ng panahon ang notebook. Nakita ko rin na nagpe-fade na yung kulay ng notebook siguro dahil sa mga patak na parang natuluan ng tubig. Agad kong hinawakan ang notebook. May nakita akong date sa harapan, from January-December, 1997. Mukhang annual diary ito.

Unti-unti kong binubuksan ang notebook, may dedication at nakalagay ang pangalan ko na parang sulat ng bata.

"Jacob, this is for you! I still do love you!"

Nang binaba ko ang tingin sa baba ng notebook ay may nakita akong ikinagulat ng buong pagkatao ko.

"- Patrick"

Si Patrick! Siya ang nagsulat nito. Napansin ko ang circular shape na patak ng tubig na natuyo sa mga pahina niya. Hindi na ako nagtumpik na buksan pa yun. Tinignan ko isa-isa ang page. Puro iisa lang ang message.

"Sorry Jacob!! I still do love you!! Sorry Jacob!! I still do love you!!
Sorry Jacob!! I still do love you!!"

Yun lang! Nakakaasar, pero napansin ko na iba-iba ang kulay ng ballpen every month. Merong kulay black, blue, red at violet. Luma na ang bawat page ng notebook at napansin ko na sa bawat page niya ay may nakikita akong faded na particles ng tubig na dahilan para mabura ang mga nakasulat sa notebook. Minsan marami, minsan konti.

Hanggang sa naalala ko ang mga pira-pirasong mga napulot ko nung una sa bahay ni Lei, pangalawa sa starbucks habang kumakain kami ni Jan at nitong huli, sa quantum habang kumakanta kami nung first day of school.

Kinuha kong lahat yun. Nang nakita ay tinignan ko ang mga date. Yung isa, August 15, yung isa naman, August 17 at ang panghuli, ay August 18. Agad kong hinanap sa notebook ang mga date na yun at laking gulat ko na nadiskubre ko. Punit at wala ang mga page nun! Kaagad kong dinugtong ang bawat isa sa notebook at talagang sumakto ito.

"Si Patrick!! Siya ang gumawa nito?!

Ang bewilderment ko ay mas lalong lumalim. Si Patrick na minahal ko ng buong buhay ko ang gumawa nito? Agad kong tinignan isa-isa ang mga page kung mayroon siyang sulat sa akin pero wala talaga, hanggang sa nakita ko ang date ng September. 14, 1997.

Puro danak ng dugo. Dugo na nanuyot na at nangitim sa paglipas ng panahon. Bakat pa yun hanggang sa ibang pahina. Pinilit kong inalala ang date sa buhay ko kung ano ang nangyari hanggang sa..,

"Yung tape! Tama! Yung cassette tape! Naalala ko na! Yun yung date na nagpaalam sa akin si Patrick!"

Bigla akong nagulat at napaiyak sa natuklasan ko. Si Patrick na minahal ko ng buong buhay ko ang gumawa ng lahat ng ito! Bakit may mga dugo sa date na yun? Nagtangka ba siyang kitilin ang buhay niya? Yun ang araw na napatunayan kong mahal ako ni Patrick sa kabila ng paglayo niya sa akin. Kumpleto na ang lahat! Unti-unti ko nang nalalaman isa-isa na si Patrick ay bumalik na ng bansa! Hahanapin ko na lang siya, pero sino? Si Jan kaya?

Dumating si mommy sa kwarto at kaagad kong pinunasan ang mga luha ko gamit ang manggas sa kaliwang bisig ko.

"Anak, kakain na, Teka, umiiyak ka ba?!"

"Ah mommy, wala lang to, napuwing lang ako!"

"Bumaba ka na't feeling ko gutom lang yan!"

Sumunod ako. Nandun pa rin ang pakiramdam ko sa mga nadiskubre ko. Si Patrick na nagsulat ng violet ng notebook ay nasa bansa na! Kailangan ko siyang makita! Kailangan ko siyang mahalin ulit!

Inalala ko ang mga text sa akin ng mysteryosong lalaki. Mukhang siya nga talaga si Patrick! Isa na lang ang kailangan ko para mapatunayan kung mahal niya ako, yun ang pagkikita namin sa isa't-isa at makita ang kwintas na suot-suot niya.

Agad ko siyang tinext sa CP ko para i-set ang pagkikita namin.

"kung ikaw tlga c Patrick, kailangang mgkita tau. Sunday, June 12, 2005 @ puerta parian in intramuros. wag u mawawala!"

Pagkatapos nun ay pumunta ako sa mesa dala ang CP ko. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na si Patrick. Kailangan ko na lang siya makita.

After 25 minutes, natapos na kaming kumain ng hapunan. Agad na niligpit ko ang pinagkainan at sinabayan ko na rin ang paghuhugas. Nang natapos ay bumalik ako sa CP ko. Nakita ko na may mukhang nagtext. Binuksan ko ang inbox at napansing nagreply siya.

"hindi na kailangan. Just so you know that I'm here, I'm completely contented with it. Don't worry, time will come you'll find me. You don't need to hurry anything."

Yun ang text niya sa akin. Ayaw niyang makipagkita. Napaka-mysteryosong niya! Kung may pagkakataon lang na gantihan to sa ginagawa sa akin, siguro, nagantihan ko na 'to ng 'di oras.

Inantok akong bigla habang binabasa ang text message niya, pumunta ako ng CR para maglinis at para makatulog na rin ng maaga.

Kinabukasan, nakita ko si Jan, mag-isa lang siyang nilalakad ang daan papuntang Mapúa. Kinamusta ko siya at ganun din ang ginawa niya sa akin. Tinanong niya kung nakita ko raw yung notebook na nasa bag niya dahil nawawala raw yun, pero hindi ako sumagot. Mahirap na at baka mabuko ako.

Tinignan ko ang ID niya na nakasabit sa leeg niya. Mukhang hi-tech kesa sa ID ko na simple lang. Kukunin ko na sana kaso biglang dumating si Gelo. Pinakilala ko siya sa ka-schoolmate ko. Kinuha ni Gelo ang ulo ko at sabay nagbulong.

"Siya ba?! Puta ka bro! Ang gwapo niya! Nakakalibog!"

"Loka!"

Bigla akong niyaya ni Gelo habang nagpapakilala siya kay Jan. Umalis ako na bigong nakita ang ID niya. Well, hindi ko kasi alam ang tunay na pangalan ni Jan, kaya may hinala ako na baka siya si Patrick.

Tumagal ang klase ko sa loob ng pitong oras. Pagkatapos ay niyaya kong kumain kasama si Gelo, nang may napansin akong isang lalaki. Oo, siya na naman! Pero this time, naka-itim na pants at t-shirt na hapit sa katawan niyang maskulado. Naka shades din siya na itim at naka cap na kulay green na bumagay sa mukha niyang mestiso.

"Siya bro, yung nakaitim! Ayun oh! Siya yung nagmamatyag lagi sa akin!"

"Bro, haba ng hair mo talaga! Biruin mo tatlong lalaki ang nasa paligid mo! Bilib na talaga ako sa'yo bro! Eto ka eh! Oh! Eto ka sa itaas ko!!"

Loka to! Nag-ambisyosa na naman! Well naging malanding bisexual lang to since nagkahiwalay sila ni Michael eh, pero anyway, habang kausap ko si Gelo ay napansin kong nawala sa tingin ko yung lalaking mysteryoso na laging nagmamamanman sa akin. Saan kaya nagpunta yung mokong na yun? Biglang dumating sa aming harapan si Jan na mukhang pagod na pagod.

"Teka, dude, bakit ka na namang hinihingal?"

"Ah eh.. Baka di ko kasi kayo maabutan eh, that's why I run abruptly towards you. "

"Sus.. Sige Jacob.. Baka makaistorbo ako! I'm ought to go!"

Umalis si Gelo sa amin. Hinanap ko si Lei kay pero mailap pa rin daw ang Baby bro ko sa akin.

Pumunta kami sa tambayan ng mga taga-Lyceum sa harap ng monumento. Tambay daw muna kami ni Jan habang sinusubukan naming kausapin si Lei. Dumating si Joseph sa amin.

"Oh.. Joseph! Musta tol!"

"Oh.. Kasama mo pala tong si Jan"

"Ay Oo, sinamahan niya ako para makausap si Lei. Mailap pa rin siya bro eh! Bakit kaya?!"

Tumingin sila Jan at Joseph sa isa't-isa. Pagkatapos ay nagpaalam siya agad sa amin dahil may pupuntahan pa siya.

Naghintay kami ng ilang minuto para hintayin si Lei pero hindi talaga siya lumabas. Agad na pumanik kami sa itaas para tumambay.

Napansin ko kaagad sa kanya ang ID niya. Gusto kong malaman kung ano ba talaga ang pangalan niya. Kinuha ko yun hanggang sa napansin ko ang pamilyar na pangalan sa buhay ko.

FRANCISCO, JAN PATRICK V.

Kapangalan niya si Patrick! Ayun yung nakita kong pangalan sa Christmas Card na binigay niya sa akin. Napatulala akong bigla sa harapan niya habang pingmamasdan ko ang kanyang ID.

"Jay, are you OK?! Hoy!!"

Hindi ko siya pinansin. Napatingin ako sa mga mukha niya. Ang maamong mukha niya ang naghatid sa akin para kilatisin ang mukha ni Patrick sa mukha ni Jan. Media hawig! Bigla akong napaisip, siya nga ba talaga si Patrick? Kailangan kong mag-imbestiga pa.

Sa unang hakbang ng aking pag-iimbestiga, kailangang malaman ko na siya yung taong sumusunod palagi sa akin. Pangalawa yung number ng mysteryosong nagpapanggap na Patrick, at panghuli, ang kwintas niya. Kailangan kong makitang suot niya yun para mapatunayang siya si Patrick.

Kinuha ko ang number ng CP niya. Ibinigay niya sa akin. Globe subscriber siya kaya ligtas siya sa una kong pag-iimbestiga. Ang gamit na number kasi ng mysteryosong lalaki ay Sun, kaya ligtas siya dun sa hinala ko. Agad kong kinuha yun at si-nave sa phonebook ko. Ang susunod na step ay ang paghuli sa lalaking sumusubaybay sa akin.

Bumaba kami ni Jan para kumain sa Mc. Do. Habang umoorder ng pagkain, nakita ko sa labas si Lei, kaagad na pumunta ako kay Lei para kausapin siya.

"Lei!! Baby bro!! Saan ka pupunta?!"

Hindi ako pinansin ni Lei. Lumayo siya sa akin na parang dumaan lang sa harapan ko. Tinawag ako ni Jan para magsimulang kumain.

"Jan, you know what! I'm all fed-up!! Suko na ako sa kapatid ko!! Why is he like that? Hindi siya namamansin!"

"Jay, never mind him. Masakit pero in the long run malalaman mo rin ang katotohanan."

Boom! Isang clue! Ang katotohanan! Yun ang una kong gustong malaman. Two points na ako. Kailangan ko pang mag-imbestiga. Hinding hindi ko isusuko ang pag-iimbestiga ko kung ano at sino sa kanila si Patrick! Lalaban ako!

Hindi ko na lang kinibo si Jan para hindi siya makahalata. Ibinaling ko ng tingin ang kwintas na nakatago sa t-shirt niya.

"Hey, dude, pwedeng patingin ng necklace mo?"

Hindi niya ako pinansin. Hindi ko pala alam na nakapasak sa kanya yung malaking headphone sa ulo niya.

Talagang napukaw ako ng necklace na suot niya. Tinignan kong mabuti yun kung me comparison ba yun sa necklace na binigay sa akin ni Patrick nun. Kaagad niya akong nakitang tinitignan ang bandang leeg niya.

"Is there anything wrong?!"

"No, nothing! Let's eat!"

Ngumiti ako at kaagad na humarap sa mukha niya. Gwapo nga siya pero parang mas malakas ang dating ni Lei kesa sa kanya. Napatingin ako sa dibdib niya na bakat na bakat sa muscle type na t-shirt! Ang ganda! Kailan ko kaya matitikman ang kanyang mga dibdib. Parang ang sarap matulog at isandal ang ulo ko sa mga nagbabakatang dibdib niya.

Pagkatapos naming kumain ay sabay kaming umuwi. Buti na lang at nakauwi ako ng maluwalhati dahil wala akong nakitang mysteryosong lalaki na nakamasid sa akin.

Kaagad kong ni-review ang mga natuklasan ko kanina. Una ang pangalan ni Jan na hawig sa pangalan ng totoong Patrick. Pangalawa yung number niya na iba dun sa number ng mysteryosong lalaki at ang pangatlo, ang nakatagong necklace sa muscle type na t-shirt nito. Konti na lang, Patrick!! Konti na lang!

Kinabukasan, kasama ko si Gelo na mag-lunch sa canteen ng PLM. Kinuwento ko sa kanya ang tungkol sa pag-iimbestiga ko kay Patrick.

"Bro, sa tingin mo, si Jan ba at si Patrick ay iisa?"

"Well bro, I have a feeling that he is! Pero don't be too easy! Manmanan mo si Jan para malaman mo talaga ang totoo. Teka, ano pala gagawin mo just in case you discover that Jan is Patrick?"

"Well, bro, ibabalik ko yung pagmamahal na nawala sa amin. Mahal ko siya eversince kaya kailangan kong ibalik ang lahat for almost 10 years we not have been together."

"Tama ka! Saludo ako sa'yo bro!! Pero teka, pwede ba, akin na lang yung baby bro mo. Ang gwapo niya kasi eh! Mas gwapo pa kay Jan!"

"Hindi!!"

Bigla kong naalala si Lei. Oo nga! Baka makalimutan ko yung namamagitan sa amin ng baby bro ko. Mahal ko rin siya kaso, kailangan kong ituloy ang pagmamahalan namin ni Patrick kaya baka siguro hanggang magkapatid na lang kami.

Lumipas ang ilang minuto at oras na rin. Medyo nakakapagod ang maghapong nasa eskwelahan. Sinamahan ako ni Gelo na umuwi ng bahay. Pagdating sa bahay ay biglang nagtext sa akin si Joseph. Sa di inaasahang pangyayari, nabura ko sa phonebook ko ang number ni Jan. Gusto ko pa naman siya i-text para kamustahin si Lei. Mukhang kailangan ko tuloy ang tulong ng baby bro ko, kaya tinanong ko sa kanya kung ano ang number ulit ni Jan.

"baby bro, pasuyo nmn. Kunin q no. ni Jan sau. Nabura q kc eh. Sana wag n u mgtampo sa akin. I love u baby!!"

Nasa gate na ako nang biglang nagtext sa akin si Lei.

"kuya. ok lng s kin un. khit anong mngyari, mahal pa rin kita ha! eto no. Niya. 092367755**"

Agad akong nagtext sa kanya para magpasalamat, pagkatapos ay agad na si-nave ko ang number ni Jan. Nagtaka ako noong sine-save ko ang number niya ay ayaw tanggapin ng phone ko dahil laging nagna-"number is already exist". Ibig sabihin meron nang naka-save na number sa phonebook ko. Hinanap ko sa phonebook ko ang number na yun at nagulat ako sa natuklasan ko.

Ang number na binigay sa akin ni Lei ay number pala ng mysteryosong lalaki na nagpapanggap na si Patrick na si-nave ko. Ibig sabihin, si Jan yung nagpapanggap na mysteryosong lalaki na nagte-text sa akin. Ibang number ang ibinigay niya sa akin para siguro hindi ko mahalata na siya ang lalaking laging nagmamanman sa akin. Hindi pa rin ako kumbinsido sa natuklasan ko. Kailangan kong mahuli siya sa aktong siya ang lalaki na nagmamanman sa akin.

Muli kong ni-review ang mga natuklasan ko. Ang tunay na pangalan ni Jan, ang kwintas na nakatago sa t-shirt niya, at ang number niya na kaparehas ng number ng mysteryosong lalaki. Isa na lang ang kukumpleto sa hinala ko, at yun ang maaktuhan ko siya na sumusunod sa akin at ang kwintas ni Patrick na suot niya.

Isang araw pagkatapos, sabado nun. June 12, 2005. Nagbukas ako ng Facebook account dahil na-hacked ang account ko sa Friendster. Hindi ko alam kung sino ang nag-hacked kaya napagpasya kong wag nang mag-sign up sa Friendster dahil palaos na rin ito. Nakita ko nun na nasa friend pending request si Lei. Ibig sabihin, nag-sign up si Lei sa bagong social network na ako lang ang nagturo sa kanya, kaya kaagad kong inaccept ang pending niya. Habang nagta-type ay biglang pumasok sa isip ko ang pangalan ni Patrick. Agad na ti-nayp ko ang pangalan niya sa search area sa itaas ng Facebook at nagulat ako sa resulta. Si Jan nga! At mukhang sa US pa kinuhanan yung profile pic. niya. Tinignan ko ang information niya. Taga Jacksonville, Dallas siya at naninirahan na sa Pilipinas ng ilang buwan lang. Hindi nakalagay ang b-day niya pero kaparehas sila ni Lei ng zodiac sign, Sagittarius.

Marami aking gustong malaman kay Jan. Bakit nasa kanya ang violet notebook na nakapangalan kay Patrick. Bakit magkapangalan sila nung first love ko? At bakit parehas yung number niya sa lalaking mysteryosong nagpapanggap na si Patrick? Talagang isa na lang clue at mapapatunayan ko na ang katotohanan sa likod ng bago kong kaibigan, si Jan.

Lunes nun ng naglilinis kami ng mga kaklase ko sa gilid ng US Embassy para sa NSTP namin, nakita ko na naman ang lalaking nagmamanman sa akin. This time, naka kulay grey na t-shirt na muscle type. Ang ganda ng katawan niya pero, habang tinitignan ko siya ay bigla kong naalala si Jan. Ganyan ang laging sinusuot ni Jan kapag pumapasok siya sa Mapúa kasama si Lei eh. Nakamanman siya sa akin hanggang sa napansin na rin ni Faith yung lalaki na nakatingin sa akin.

"Jacob, pansin ko, parang kanina ko pa nakikita yung lalaking yun na pinapanood yung ginagawa mo? Wala ka bang planong sitahin siya sa ginagawa niya? Nakakatakot kasi yung tingin niya sa'yo eh, parang papatayin ka niya?!"

"Huwag mo siyang pansinin, mahuhuli ko rin siya pagdating ng araw. Maghintay ka lang."

Hindi ko pinapahalata na naglalakad ako papunta sa harap niya. Napansin yun ni Faith kaya sinita ko siya para wag akong pansinin. Sakto at hindi siya nakatingin, mukhang may ka-text kaya ginamit ko na ang pagkakataon para mahuli ko siya.

Nang nasa harapan na niya ako ay kaagad na tumakbo siya papalayo sa akin. Tumakbo rin ako. Kumaripas ako ng pagtakbo hanggang sa nakapunta na ako sa Museo Pambata at nakalagpas na ng Luneta. Hindi ako sumuko, hanggang sa na-corner ko siya sa gilid ng Luneta.

"Talo na ako!! Sige na!! Susuko na ako!!"

"Eh susuko ka rin pala eh.. Puta!! Pinapahirapan mo pa ako!"

"Aamin na ako!"

Bigla niyang tinangggal ang sumbrero, pagkatapos inayos niya ang buhok niya na parang bagong gising ang style. Pagkatapos ay tinanggal niya ang salamin sa mata at nang natapos ay tumingin siya sa akin.

"Jan?! Anong ginagawa mo dito?!"

Itutuloy..

Read more...

Beautiful Andrew : Chapter 12

Wednesday, December 28, 2011


Hindi alintana ni Andrew ang gutom at pagod sa kakaiyak, ilang beses na niyang pinaulit ulit ang video ni Carl at paulit ulit parin siyang humahagulgol, ang boses ni Carl ang para bang nagaalo sa kanyang paghihirap, ngunit kasabay din nito ay ang bigat ng kanyang kalungkutan sa tuwing napagmamasdan niya ang taong minamahal.

Dapithapon na ng mahimasmasan ng kaunti si Andrew, tumayo at lumabas siya sa kwartong iyon ng may kasiguraduhang mga hakbang. Tila wala sa sariling umakyat sya sa hagdanan at hindi pinapansin ang mga taong bumabati sa kanya, hindi niya ginamit ang elevator dahil sa bawat hakbang paakyat ay tila ba lumalapit siya sa kung nasaan si Carl, na sa bawat tunog ng kanyang mga yabag ay nagbibigay ginhawa sa bigat na kanyang dinadala.

Narating niya ang makipot na bakal na pinto, pinihit niya ang hawakan at dahandahang binuksan, sinalubong siya ng kulay dalandan na sinag ng papalubog na araw, ni hindi siya kumurap ng tumama ito sa kanyang mata, mula sa di si kalayuan ay natanaw niya ang anino ni Nel na nakaupo sa swing sa may gazebo, nakayapos sa kanyang mga tuhod at nakatanaw sa papalubog na araw. 


May mga ibong nagsisipagdapo sa patay na puno na tumatabing sa araw mula sa bintana ng cottage ni Carl, malungkot na napangiti si Andrew at mula sa kawalan ay tila ba narinig niya ang mga tinuran ni Carl “even death has it’s own beauty…that tree, though dead, adds beauty to the sunset, it adds beauty to every goodbyes.” Ngayon lang napagtanto ni Andrew na sa simula palang ay palihim ng ipinaparamdam sa kanya ni Carl ang kalagayan.

Pumasok siya sa cottage, tulad parin ito ng dati… sa bawat sulok nito ay buhay na buhay si Carl, mula sa nakabukas na bintana ay ang pakalat na sinag ng papalubog na araw dahil natatabingan ito ng mga ibon. Natigilan siya ng makita niya sa maliit na mesa sa tapat ng bintana ang isang urn, makinis ang kulay abong marmol na alam niyang naglalaman ng mga abo ni Carl, sa tabi nito ay isang papel na pinatungan isang halamang nasa maliit na paso. Kinuha niya ang papel at doon ay ang sulat kamay ni Nel

He wished to be here to watch the sunset upto the day of his burial.”

Napatanaw siya kay Nel sa labas, hindi parin ito nagbabago ng pwesto, patuloy lang ito na nakatitig sa kawalan, napakagandang pagmasdan ang pagtama ng sikat ng papalubog na araw sa kanyang katawan, halos anino lang niya ang nababanaag niya at ang paligid ng katawan nito ay tila nagiilaw dahil sa tama ng liwanag nito. Napadako muli ang mata niya sa papel na hawak at doon ay napansin niya ang marka ng putik mula sa mga kamay ng nagsulat, kamay ni Nel. Napadako ang mata niya sa maliit na halamang nakapatong sa sulat kanina, may bulaklak itong kulay puti, bagong tanim… basa ang lupa, at bigla siyang natigilan ng mapagtanto niyang iyon ang halaman ni Carl.

“Andrew, when the stone falls…it doesn’t mean that the flower will fall too.” naalala niya ang sinabi ni Nel , ngayon naintindihan niya kung bakit puro putik ang mga kamay nito.

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang puting bulaklak ng halamang iyon, sumilay ang matipid na ngiti ng kanyang maalala ang pagaalaga ni Carl sa halamang ‘yon at ang birong usapang hindi niya nakakalimutan.

“This plant will bloom orange, or perhaps yellow…yes, I like it yellow.”
“Tangek! Adik ka talaga, puti at at violet lang ang kulay ng bulaklak ng halamang yan.”
“Hahaha..I know, but I want this one to bloom in pale yellow, that’s why I think this one is special”
“E ano naman ibig sabihin niyan sayo pag namulaklak nga yan ng dilaw?”
“Sus..tinatanong paba yon? Syempre it means…” tumingin ito sa kanya at ngumiti ng nakakloko “it means you are my Beautiful Andrew” sabay halakhak nito ng matutunog na tawa.
“Tarantado!” ngunit hindi niya din mapigilan ang matawa, “halika na nga, baka lamukin ka pa d’yan.”

…at ang kasunod na usapang kung saan una niyang nakitang naging seryoso ng ganon si Carl.

“Do you believe in miracles?”
“oo naman…bakit ikaw, naniniwala ka?”
“Oo…I do believe in miracles, everyday is a miracle, life is a miracle itself…even you, Beautiful Andrew…you’re a miracle.”
 “Have you found your miracle, Carl?” 
“Probably…Have you seen my miracle?”  “You have miracles, huh? Ano yun aber?” “That’s for you to find out, you’ll know it’s my miracle when you saw it…”

Napangiti si Andrew ng maalala ang kalokohang iyon, nakatitig siya sa mga puting talulot ng halaman.
“It’s white Carl, you lose… does that mean that I am not your Beautiful Andrew?” iginawi niya ang tingin sa marmol na urn, kinakausap si Carl. Wala ng luha sa kanyang mga mata dahil ramdam niya na buhay na buhay si Carl sa lugar na iyon, kahit papano ay naibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman kahit alam niyang pansamantala lamang ito.
“You should have been here, para makita mo na hindi ito kailanman magiging kulay dilaw o orange…sabi ko sayo eh, puti ang kulay ng bulaklak nito…p-parang ikaw, hindi kana kailanman babalik”
Sa pagkabigkas sa mga salitang  iyon ay may kung anong bikig sa kanyang lalamunan ang namuo,
“Carl, If you’re here please give me some signs…tell me you’re happy now kung nasaan ka man ngayon, give me signs for me to let you go…” nangingilid na muli ang kanyang mga mata.

Mula sa bintana ay pumasok ang malamyos na ihip ng hangin at dumampi sa kanyang pisngi, napatanaw siya sa labas ng bintana kung saan ay biglang nagsiliparan ang mga ibon mula sa patay na puno, nakita niya si Nel na napalingon sa punong nasa likuran. Napakaganda ng tanawing iyon, nawala ang pagkakatabing ng mga ibon sa sinag ng papalubog na araw, bumaha ang liwanag nito sa kabuuan ng loob ng cottage.

Bumuntung hininga siya at ibinalik ang tingin kay ‘Carl’ at sa halaman…natutop niya ang bibig at namangha sa nakita. Tuluyang bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata, sa nanginginig na mga kamay ay binuhat at niyakap niya si ‘Carl’, at ang unang patak ng kanyang luha ay sinalo ng mga talutot ng bulaklak…na sa tama ng sinag ng papalubog na araw ay tumingkad ang kulay nitong… kulay dilaw.

“I’ve seen you’re miracle, Carl…I Love You and I will always be… your Beautiful Andrew.”

oOo
WAKAS

Read more...

Perfect Two - Episode 7

Tuesday, December 27, 2011

Author's Note: Sorry po sa late update! :) nais kong batiin ang mga taong nagbasa ng series na ito :) Sina:
Kristofer, Chris, joed, Wicked Writer, Mars , Roan , royvan24 , wastedpup , jm, Rue, darkboy13 , sir Jeffy, -cnjsaa- , robert_mendoza, john patrick, techie! , al justin, michael jere' , juan rolando, mj,  mga silent readers at mga anonymous.
also, nais kong batiin at pasalamatan ang mga kuya ko :)
kuya dendenpot ko na sinurpresa ako nuong christmas,. Thank you talaga kuya dendenpot ko! Best christmas gift ever! :D
kuya daren -i miss you too po kuya ko!
kuya Jam - thank you po sa comment! i miss
kuya jamespot na laging nagcocomment sa mga updates ko..thanks kuya! love u too! mwah! :D
kuya jeffrey at kuya kambal ko na lagi rin nandiyan for me :).
kuya win - i miss u kuya! :)
at sina kuya liger , kuya lance,  kuya kenji ,  kuya jm, kuya jennor.
and of course, maraming salamant kina kuya Mike and kuya Jayson.

BTW, belated merry christmas and advance happy new year! :D

Anyway, this is episode 7 of perfect two! Enjoy reading!

Episode 7 - The Plan

"It's doing great!" sabi ni Frank.

Anong ginagawa ni Frank dito?At sino yung kausap niya? At ano yung planong sinasabi niya?

"Are you sure you wanna do this?" tanung nung lalaking kausap niya.

Why do I have a bad feeling about this? hmm..

Patuloy pa rin akong nakikinig sa kanila.

"Bryan! Of course I do! Who wouldn't want revenge?" sabi ni Frank  na nakangiti pa.

Revenge? Sabi ko na nga ba eh, may mali dito..Pero kanino naman kaya siya maghihiganti?

"But don't you feel bad? because you're gonna use his bestfriend to get back at him, why don't you just do it to him instead?" sabi nung Bryan.

Bestfriend? I'm really curious about the person they're talking about. and nakakagulat rin kc wala sa mukha ni Frank ang gumawa ng masama. Para kasing ang bait bait niya.. pero baka naman maganda yung reason niya. pero...mali pa rin eh...basta mali talaga...

"Feel bad? Why would I feel bad about tasting sweet revenge?" sabi ni Frank.

"Because you're hurting someone else! someone innocent Frank! Someone who doesn't have to do with anything that happened!" sabi ni Bryan.

I really have a bad feeling about this. Hindi ko alam kung bakit pero parang...ewan..hindi ko maexplain..

"He messed with my bestfriend Bryan! You saw how Erica cried over Paul!"

oh sh*t! Paul?! Erica?! omg.. omfg..so ako yung sinasabi nila...I'm Paul's bestfriend...Erica is Paul's ex..oo, ex. Nagbreak sila dahil sa...ah eh...ewan..nakalimutan ko na..hindi naman kasi ako nag-pay attention masyado sa relasyon nila. Kasi nga diba, mahal ko si Paul, so nung time na nalaman kong naging sila ni Erica, lumayo na lang kao para hindi na ko masktan.. Pero sa pagkakatanda ko, naikwento sakin ni Tori na nag-away daw yung dalawa noon, hindi nga lang namin alam kung anung dahilan. So, ayun..nag-break na raw sila after nila mag-away.

But I never knew na magbest-friend si Erica and Frank...Maybe hindi lang talaga ako nagpay attention nung time na yun...Maybe kaya rin siguro kinamayan ni Paul si Frank nung time na ipakilala ko siya sa kanila, maybe it’s a sign of uhm..”peace tayo” ???

Pero bakit sakin siya maghihiganti????

“But Frank,” hindi pa natatapos magsalita si Bryan at cinut na siya ni Frank.

“No buts! Why are you so concerned about Marvin anyway? He’s just some nerdy gay a*s loser.” Sabi ni Frank.

Bigla akong natulala sa sinabi ni Frank.. Feeling ko gumuho ang mundo ko.. I feel like the world’s caving in to me..Bigla ko na lang naramdamang pumapatak na pala ang mga luha ko..

Sh*t....Bullsh*t!! G*go siya! Put*ng ina niya!! I’m a nerdy gay a*s loser?! F*ck him! You’re the motherf*ckin loser!! I trusted him! Tapos ganito pala?! So ginagamit lang niya ako para maghiganti kay Paul? Bakit?! Ano bang naging kasalanan ko sa kanila?! I have nothing to do with them! Tapos ngayon ayan! Ako tinitira! Arghhh! I can’t believe I trusted that guy! G*go ka Frank! G*go ka!

Oo, sandali pa lang kami nagkakilala ni Frank..pero sa sandaling panahon na iyon, kaagad niyang nakuha yung loob ko..kaagad akong nagtiwala sa kanya..na akala ko, okay lang na maging friends kami...pero hindi, gagamitin lang pala niya ako para makuha niya ang gusto niya..

Pero hindi ko hahayaang makuha niya ang gusto niya..ano siya sinuswerte? Walangya siya..Humanda sakin yang Frank na yan..

“You’re on your own man..I don’t wanna be part of this.” Sabi nung Bryan.

“What?!” gulat na tanong ni Frank. “You know what?! Fine! Whatever man!” at lumabas na si Frank sa bathroom na galit sa kanyang kaibigan..

Naiwang nakatayo doon si Bryan. Nagbuntong-hininga siya at tumalikod para maghugas ng kamay sa sink. Pagkatapos ay lumabas na rin siya.

Naiwan lang ako dun mag-isa. Sinubukan kong ayusin ang sarili ko. Nagpunas ng mga luha at naghilamos. Nagmadali akong bumalik sa classroom ko, baka kasi magtaka yung sub dahil ang tagal tagal ko. Pagdating ko sa room, kaagad akong umupo sa sulok sa pinakalikod, sa walang tao..Nagtaka pa ang isa kong kaklase kung bakit ako dun umupo, ngunit ang sinabi ko na lang ay gusto kong malapit sa bintana, dahil may bintanang malapit sa kinauupuan ko ngayon.

Habang nasa gitna ng panonood ng boring civil war movie ang mga classmates ko, ako naman, pinipigilan kong huwag umiyak sa sulok..

Pinipigilan kong huwag tumulo ang luha ko pero, hindi ko talaga mapigilan..Patuloy na umaagos ang mga luha ko..

OA na kung OA.. pero hindi ko talaga mapigilan..naiiyak ako sa sobrang galit...kasi niloko niya lang ako...akala ko maganda ang intensyon niya sakin...akala ko mabuti siyang tao..akala ko magiging mabuti siyang kaibigan,. Pero mukang tama nga talaga ang sinasabi nila, na maraming namamatay sa maling akala...at muntik na akong mamatay ng dahil samga akala kong iyon..Muntik ko nang isugal ang buhay ko..muntik ko nang ibigay sa kanya ang pagmamahal ko... Honestly, kung liligawan niya ako, hindi ako magdadalwang isip na sagutin siya.. Gwapo, gentleman, mabait,..Pero palabas lang pala ang lahat...hindi pala siya mabait..masama ang ugali niya..maitim ang budhi..anak ni satanas...isang demonyo!

Bugok naman kasi tong si Paul eh! Kungdi niya pinaiyak si Erica, edi sana walang ganito ngayon!...

Pero hindi ko pa rin pwedeng sisihin si Paul.. Hindi ko naman alam ang mga nangyari..

Pero si Frank, siya talaga ang dapat kong pagbuntunan ng galit..Kahit na sinasabi niyang para sa bestfriend niya to, wala pa rin sa lugar yung maghihiganti ka sa isang taong wala namang kasalanan diba? Abnormal lang? G*go ba siya? Edi dun siya kay Paul maghiganti! Wag sakin! Bugok pala siya eh!

Nakatulala ako dun na nakaupo ng bigla akong nagulat dahil may tumapik sa akin.

“Marvin!” sabi ng isa kong kaklase.

“What?” bigla akong bumalik sa kasalukuyan.

“Class is over..” sabi niya.

Napatingin ako sa wall clock. Tama nga siya, tapos na ang klase,. Sa sobrang pagkatulala ko dun nakaligtaan ko na yung oras.

“Thanks.” Nagpasalamat ako sa kaklase ko.. Kasi kung hindi niya siguro ako tinapik, baka hanggang second block nandun ako sa class na yun at baka malate pa ako sa next class ko.

“Are you okay?” tanong niya.

“Yeah, why wouldn’t I be okay? It’s actually a great day!” <---- plastik..

“You sure?” parang ayaw pa niyang maniwala.

“Of course!”

“Okay,.”

At nginitian ko na lang siya. Nagpaalam na ako sa kanya para makapunta sa next class ko. Kinalimutan ko muna ang nangyari nitong nakaraang oras at sinubukan kong ituon ang pansin ko sa lesson na itinuturo ng teacher ko.

Sa kalagitnaan ng pagtuturo ng teacher ko, bigla kong naramdamang nagvibrate ang bulsa ko.

Sino naman kaya ang nagtext sakin?

Patago kong tinignan kung sino ang nagtext..

Wow, speaking of the devil... nagtext si Frank!

Sa message:

------->Hey Vin! See ya at lunch later! I’ll wait for you at Dante’s! J


Aba, at mukhang tumatakbo na naman ang plano nitong mokong na to. Hmp! Wag kaya akong pumunta? Hayy...Bahala na!

Natapos ang morning classes ko at dumirecho na ako sa locker. Naging tahimik lang ako. Napansin naman ito ng mga kaibigan ko.

“Vin okay ka lang?” tanong ni Trina.

“Oo nga Vin, may problema ba?” tanong ni Tori.

Umiling na lang ako.

“Bakit ayaw mo magsalita?” tanong ni RL.

“Wala to..Masakit lang ulo ko..” palusot ko na lang.

“Sigurado ka?” tanong ni RL.

Tumango na lang ako.

Mukha namang nakumbinsi ko yung tatlo at hindi na sila nagtanong. Lumabas na kami sa school. Nagpahuli akong maglakad, sinabayan naman ako ni Paul.. Naglalakad kami palabas ng school ng bigla akong tanungin ni Paul.

“Sino nagpaiyak sa bestfriend ko?” tanong niya.

Hala! Pano niya nalaman?!

“Ano?” kunyaring nagtatakang tanong ko.

“Kung akala mong mapapaniwala mo kong okay ka lang, nagkakamali ka. You might have fooled those 3 pero kilala kita Vin, I know when there’s something wrong with you.. Alam ko kaya ichura ng mga mata mo pag umiyak ka.” Pagmamalaki pa niya sa akin.

“What are you talking about Paul?” deny ko po rin.

“Deny it all you want Vin, pero hindi mo ko maloloko. Patay sakin yang nagpaiyak sa’yo.” Sabi niya.

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya.

Pano naman kaya nalaman nitong mokong na to?..Pero natouch ako sa sinabi niya..sobra..gusto ko nga siyang yakapin eh, kaya lang wag na lang..baka kung anu pang isipin niya..

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng Dante’s.Tumigil muna ako sa harap ng pinto..

Eto na..

Huminga muna ako ng malalim at pumasok na sa loob. Pagpasok ko sa loob, kaagad na nakaagaw ng aking attention ang isang lalaking kumakaway sa akin.. Nakangiti ito sa akin na parang isang maamo’t napakabait na anghel..pero he’s a devil in disguise pala.

I should’ve known..a wolf on a sheep’s skin. Pero hanga ako sa get-up niya huh. Hindi ko naamoy ang malansa niyang kaluluwa.. Kung hindi ko pa narinig ang lahat lahat kanina, siguro nahulog na ko sa patibong niya..muntik na...pero malas niya, now that i know everything, hinding hindi na ako mahuhulog sa bangin niya.

Sasabihin ko sana kila Tori na huwag dun umupo kay Frank ngunit bigla silang pumuta doon sa table niya. So no choice ako. Nakiupo na lang din ako. May pagkain nang nakahanda para sa akin at sa kanya.

In fairness, magaling siyang dumiskarte sa tao..Pero sorry siya.. Hindi na ako maapektuhan niyang kamandag niya!

“I already ordered food for the both of us.” Sabay ngiti sa akin.

Hello? Nakikita ko po! Hindi ako bulag!

“Uhm.thanks, but I’m not hungry.” Tugon ko sa kanya. Ni hindi ko man lang siya tiningnan. Sa halip, tumingin na lang ako sa bintana.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako gutom..Parang wala ako sa mood kumain..At kahit na nagugutom ako, hindi ko pa rin kakainin yan, malay mo may gayuma yan, or worse, lason..

“Are you sure? Baka walang laman yang tummy mo. Baka sumakit pa yan.”

Aba, as if naman na concern tong g*gong to!

“I’ll be fine.” Sagot ko na lang, habang nakatingin pa rin sa bintana.

Natapos silang kumain at wala akong kinausap ni-isa sa kanila. Dumiretso na lang ako sa next class ko at hindi na sila hinintay pa.

Pagkatapos ng 4th block ko, naghanda na ako pauwi. Kinuha ko yung jacket ko sa locker ko, at iniwan ang mga notebooks at books ko dahil wala naman kaming homework.

Naglalakad na ako pauwi kasabay nina Trina, RL at Paul, ng bigla akong harangin ni Frank sa daan.

“Vin can we talk?”

“Talk about what?” hindi pa rin ako nakikipag eye-to-eye contact sa kanya.

“Can we talk about this somewhere private?” he asked.

“5 minutes.”

“That would be enough.”

At pumunta kami sa park malapit doon. Walang tao sa park na iyon, kaming dalawa lang.. Pinauna ko naman sina RL pero sabi nila, hintayin na lang daw nila ako.

Tumigil kami sa isang bench. Umupo siya. Umupo naman ako sa kabilang edge ng bench.

“Vin.” Hinawakan niya ang kamay ko. Ngunit tinanggal ko naman ito kaagad.

Nakatingin lang ako sa kawalan. Siya naman, nakatitig lang sa akin, na parang nagpapaawa.

Those puppy dog eyes will never work with me...not anymore..

“Vin, may problema ba? You seem like you’re avoiding me..” sabi niya.

“Problema?” humarap ako sa kanya..first eye-to-eye contact of the day.. “Why don’t you try asking that to your self!”

“What do you mean? I d-don’t understand.” Pag-mamaang-maangan niya.

“You don’t understand? Don’t pretend like it’s nothing Frank! I’m not stupid as you think!” at hindi ko na mapigilang tumulo ang luha ko.

“I..I’m still clueless...” sabi niya.

“Bullsh*t Frank! Wag ka nang mag-maangmaangan pa! I know everything! I know everything including your stupid plan to make me fall inlove with you just to use me to get even with Paul!” halos hingalin ako sa tuloytuloy kong pagsasalita.

Nanlaki lang ang mga mata niya.

“Oh so you think you can fool me huh?!” sumbat ko pa sa kanya.

“Vin let me explain..I didn’t mean to..” at kunyari pang nagsisisi ang demonyo. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko ngunit kaagad ko itong binawi sa kanya at saka siya binigyan ng isang sampal.. Nagulat siya ngunit hindi ito nagalit sa akin.

“How could you Frank?! How could you?! I trusted you! I thought you were nice to me and all that. I thougt you were a good friend! But, this! This whole plan thing! This piece of sh*t you’re doing to me, is just crap! It’s bullsh*t! Arrgghh!” galit na galit ako sa kanya..Tumutulo pa rin ang luha ko.

“Vin..please..I’m sorry..” pagmamakaawa niya.

“You’re sorry?” at sinampal ko siya ulit. “That’s for calling me some nerdy gay a*s loser.” At tumalikod na ako sa kanya.

Tumigil muna ako muli para sabihin.. “Next time, kapag mag-uusap kayo ng kaibigan mo about sa plan niyo sa bathroom, try checking if someone’s there first. You guys are so dumb. You never knew I was there that time.”

Sa sinabi kong iyon, nanlaki ang mga mata niya at tumingin siya sa lupa.

Iniwanan ko na siya doong nag-iisa, naglalakad ako patungo kila RL ngunit patuloy pa ring pumapatak ang aking mga luha..Kaagad nila itong napansin.

“Pa! Bakit ka umiiyak?!” alalang tanong ni RL.

Ngunit patuloy lang akong naglakad habang pinupunasan ang patuloy na pagdaloy ng aking mga luha.

“Vin wait!” si RL. “Pa!” at hinablot niya ang kamay ko para ako’y pigilan.Humarap ako sa kanya. Niyakap niya ako. Napayakap rin ako sa kanya ng mahigpit at humgulgol sa kanya.

Wala na akong pakielam sa lahat ng taong nakatingin sa amin ng oras na iyon..Gusto ko lang ilabas lahat ng nandito..gusto kong maubos na laaht ang luha ko..Because I don’t wanna cry over some stupid guy who messed me up. Halos ilang minuto rin akong nakayakap kay RL nung hapong iyon. Hindi na nila ako tinanong kung anong nangyari..Mas minabuti muna nilang ako’y makapag-pahinga, kaya inihatid muna nila ako sa bahay bago sila umuwi..Noon ko lang napansin na wala na pala si Paul..Hindi ko alam kung kailan pa siya nawala. Inisip ko na lang na baka umuwi na siya.

Nagkulong lang ako sa kwarto noong hapong iyon..Binuksan ko ang ym ko..Naalala ko, hindi nga pala kami nakapag-usap kahapon ni kuya Vinvin dahil nandito si Paul.. Kaya kaagad bumulaga sa akin ang mga messages ni kuya Vinvin. Sabi niya, namimiss na raw niya ako, at sana raw ay okay lang ako..Hindi ako nagreply..sa halip ay nagchange ako ng status ko sa ym, at inilagay ang isang crying face emoticon. Pagkatapos ay nahiga ako at nakatulog.

Umaga na ng magising ako..3:00 am..walang pasok ngayon..pagtingin ko sa phone ko, nakita ko ang mga messages ni kuya Vinvin sa akin.

(KV = Kuya Vinvin ; LV = Little Vinvin)

KV : Little Vinvin ko!
Buzz!
KV : Bakit may crying emticon? May problema po ba?
Buzz!
Buzz!
KV : Little Vinvin ko...kausapin mo naman kuya Vinvin mo oh..
Buzz!
KV : Little Vinvin ko,..nahihirapan na si kuya Vinvin mo..kasi nagwoworry ako sau eh..gusto kita kausapin pero ayaw mo naman sumagot..at iyak ka lang ng iyak.
Buzz!
KV : little vince ko, lagi mo tatandaan andito lang kuya vince mo, handa ako makinig sa mga gusto mo sabihin.. at hindi kita iiwan.. kung ayaw mo muna magsalita sa akin or kung ayaw mo muna ako kausapin? cge ok lng.. bbgay ko sau ang oras na kelangan mo, pero wag mo lang kakalimutan na andito lang ako..I love you little Vinvin ko..


Halos maiyak akong muli sa nabasa kong mga messages niya..nakita kong online pa siya kaya ako’y nagreply kaagad.


LV : Kuya vinvin ko..i'm really sorry ndi n ko nkpgreply sau kgbi..nakatulog kc ako agad.i'm really really sorry.thanks for being there kuya vinvin ko dnt worry ok n po ako.love u kuya vinvin ko.mwah!

Wala pang ilang segundo’y nagreply siya kaagad.

KV : Little vinvin ko!
LV : Kuya vinvin ko! Sorry po ulit kagabi.. L
KV : ayos lang yun..Okay ka na ba little vinvin ko?
LV : Opo! Jan ka na po eh. J
KV : parang hindi naman ako ang kailangan mo para maging ok ka eh..
LV : Pero ikaw ang nanjan para sakin. And i thank u for that.
KV : kase d ba simula't sapul na nagkamabutihan tayo eh hindi nman ako nawala sa tabi mo at hindi nman kita iniwan? basta lagi mo tatandaan na andito lang ako.. para sa little vinvin ko.

Halos maiyak akong muli sa aking nabasa..

LV : I'm so lucky na nakilala kita kuya vinvin ko. Ang bait bait mo po kuya..
KV : ako din naman maswerte ng nakilala kita.. J

Unti-unting gumaan ang loob ko.

KV : Uhmm...musta school? May pasok ka ba ngayon? Aga mong nagising ah.
LV : Okay naman po school..hindi naman po ako tinotorture ng mga teacher ko ng mga school works..wala po kaming pasok ngayon..long weekend po.
KV : ahh ganun ba?
LV : Hehe opo,. Ikaw po kuya? Kamusta work?
KV : ako? stressed lang masyado ang kuya mo kahapon. pero ok lang naman.. btw, pag tinorture ka ng teacher mo lagot sa akin un..

Natouch naman ako sa sinabi niya. At mejo kinilig na rin.

LV : Ang sweet tlga ng kuya ko.
KV : espesyal ka kase sa akin eh..

Kinilig ako sa sinabi niyang espesyal ako sa kanya..ewan ko ba..pag siya kausap ko, parang nawawala lahat ng pangangamba ko, lahat ng problema, lahat ng hinanakit..Basta, masaya ako pag kausap ko siya..Lagi niyang napapagaan ang loob ko..

LV : ayiie! kaya lab ko kuya ko eh! J
KV : lab din naman kita eh. J *hugs* *kisses*

Lalong nagpakilig sa akin ang nabasa ko.

KV : wag ka na masyado mag iisip ha? malayo pa nman ikaw sa akin, d kita kayang puntahan diyan para ma hug at macomfort..
LV : Opo kuya ko J

Mukang namemental block na naman ako sa sobrang kilig ko..naku!

KV : kung pede nga lang sana sa bawat pagkakataon na malulungkot ka eh nasa tabi mo ako.. para iha-hug kita ng mahigpit. at hindi kita papakawalan para mas lalo kita ma comfort eh
LV : J kung pwede nga lang...hayzz..
KV : Uhmmm little vinvin ko?
LV : po kuya vinvin ko?
KV : Gusto mo bang pag-usapan natin yung problema mo?

Nag-aalangan ako kung papayag ba ako or hindi..parang ayoko muna kasing pag-usapan eh.

LV : Pde po b.. wag muna ngaun?..
KV : hhmm.. ok naiintindihan ko..
LV : sorry kuya ko..
KV : you don’t have to say sorry. basta little vinvin ko. andito lang ako.. hindi kita iiwan. at sana wag mo kakalimutan si kuya vinvin mo ha?. pag may problema ka? at gusto mo ng kausap? andito lang ako..Gaya nga ng pag-uusap natin kahapon, nandito ka lang sa puso ko..at nandiyan lang ako sa puso mo..
LV : Thanks kuya Vinvin ko J
KV : Little vinvin ko..
LV : Po?
KV : Yung problema mo ba eh...problemang puso ba ito?
LV : Ah eh...hmm..parang ganun na nga po..
KV : sira ulo un ah.. pinaiyak ang little vinvin ko? pasalamat siya at hindi ko siya kilala kundi... babasagin ko mukha nun..

Sobra akong natouch sa sinabi niya..

LV : Yaan mu n po cia kuya ko.
KV : haayyy naku.. ang layo mo kase eh.. hindi kita tuloy ma hug ng mahigpit para maramdaman mo na andito lang ako at handa kitang alagaan.
LV : Nararamdaman ko n nmn po na nanjan ka eh.kahit malayo ka.
KV : pero sa isang banda... masaya ako sa paglisan nya sa buhay mo.. kse masosolo kita..

Natawa ako sa sinabi niyang iyon.

KV : d ba? at least konti na lang ang kaagaw ko sa atensyon at pagmamahal ng little vince ko..
LV : Hehehe kuya, parang wala ka nmng gf kung magsalita.
KV : ganun?
LV : Hinay hinay lng kuya ko ah, ayokong masira ang relationship niu just because of me.

Siyempre, wala naman sa biodata ko ang manira ng relationship no! Wala yata sa mga talents ko un.

KV : bakit kelangan ba na wala ako gf para masabi ko lang sau un little vinvin ko? eh sa iyon ang nararamdaman ko eh.. wag ka mag alala at hindi nman masisira un eh..
LV : Ok po cge. Sabi mu po eh. Ikaw bahla kuya vinvin ko J
KV : ayaw mo po ba sa mga sinasabi ko at ginagawa ko sau little vinvin ko?
LV : Hindi naman po sa ganun. Gusto ko p nga po ung pagkasweet nio po sakin eh. Ikaw p lng po ang unang kuya ko na naging ganito kasweet sakin.. And we've just known each other for like a week.

Siya pa lang naman talaga ang naging ganun kasweet sa akin..Don’t get me wrong, sweet naman lahat ng kuya ko..pero siya talaga yung pinakasweet sa kanilang lahat xD.

KV : sabihin mo lang po kung naiilang ka or hindi mo nagugustuhan ang ginagawa ko ha? para naman ititigil ko na.
LV : opo kuya ko J
KV : gusto mo ba itigil ko na ung ginagawa ko?
LV : Wag poooooooo!

Siyempre ayoko naman mawala yung sweetness niya sa akin..yun na nga lang nagpapasaya sa akin eh, tatanggalin ko pa ba? Di ba?

KV : lika nga dito sa tabi ko.. hug kita ng mahigpit at pa kiss si kuya.. *hugs* Mwah!
LV : *hugs back* Mwah!
KV : ok lng ba sau na hug kita at kiss kita? d ka ba naiilang or nasasagwaan?
LV : Ndi po.ok lng un..kuya ko nmn ikaw eh. J
KV : ahahaha.. lika nga kandong ka nga sa akin habang hug kita ng mahigpit.. *hugs*

Ang sweet talaga nito..konti na lang..maiinlove na ko dito..

KV : kiss kita sa noo mo. Mwah! tapos hahaplusin ko ang buhok mo sa may noo. hahawiin ko at sabay sasabihin ko sa'yo na... lagi mo tatandaan na hindi ka iiwan ng kuya mo.. andito lang ako.. at mahal kita...

Naramdamanan kong tumulo ang luha ko..

Sobrang sweet niya...sobra...

KV : at kung sino man ang aaway at magpapa iyak sau.. papaiyakin ko din sa gulpi..bwahaha.

Napangiti ako sa sinabi niya.

LV : thanks kuya ko..i love you too po! J
KV : Mwah!
LV : Ang sweet sweet mo tlga kuya ko J
KV : hehe siyempre! Little vinvin yata kita! sayang nga lang at malayo ka kaya hanggang dito lang muna sa ym ko siya nagagawa.. pero kung malapit ka lang at katabi kita, ginawa ko na sau ito at mapaparamdam ko ang pagaalaga ko sau.. lagi mo tatandaan little vinvin ko.. mahal kita.. ok?  mahal ka ng kuya vinvin mo.. kaya hindi pedeng may basta na lang aapi sau at sasaktan ka..
LV : Naluluha nmn ako sa cnsbi mo kuya ko... Touched kc ako..sobra.. Kya love n love kta kuya ko eh.
KV : totoo lahat ng sinasabi ko... sana nararamdaman mo ung sinseridad ko..
LV : Kya nga po ako naluluha eh.kc po nararamdaman ko po ng sobra.
KV : awwee J hug kita ngayon ng mahigpit at i-rest mo lang ang ulo mo sa dibdib ko.. pahinga ka lang sa dibdib ni kuya vinvin mo..kahit matulog ka pa..okay lang..papanuorin na lang kita habang natutulog ka..

Grabe! Todo na to!!

LV : I love u kuya ko! *hugs*
KV : i love you too little vinvin ko! Mwah!

Ang saya saya ko..sobra...Parang naiinlove na yata ako sa kanya...ewan..basta! Nag-usap pa kami sandali at nagpaalam na rin siya..uuwi na raw kasi siya.

KV : Little vinvin ko, uwi na si kuya..usap na lang ulit tayo bukas.
LV : O sige po kuya vinvin ko! Ingat po sa pag-uwi! Pahinga po agad pag dating sa bahay! Mwah!
KV : I love you little vinvin ko! Wag na iyak huh!
LV : Opo! I love you too kuya vinvin ko! Mwah!
KV : *hugs* bye! Mwah!
LV : Bye kuya ko! *hugs* mwah!


At nag-log-out na siya. Naiwan ako doon sa kwarto kong nakatingin sa kisame at nakangiti..Maya-maya’y biglang nagring ang phone ko..si Paul..

“Vin, gising ka na ba?” parang mahina ang boses ni Paul.

“Oo bakit napatawag ka?”

“Nandito ko sa labas ng bahay niyo..pwede ka bang bumaba?” tanong niya.

“Ha?! O sige sige. Hintayin mo ko.”

At dali dali akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto. Pagbukas ko ng pinto, agad na bumagsak sa akin ang katawan niya. May dugo ang kanyang labi at madungis ang kanyang damit..May pasa rin sa pisngi niya.

“Paul! Anong nangyari?!” tanong ko sa kanya.


--------------------------------
Until the next episode,
Lilvincy.


contact me @: 
FB : vince_blueviolet@yahoo.com
YM : binz_32@yahoo.com



(message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito. thanks!)

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP