Beautiful Andrew : Chapter 12

Wednesday, December 28, 2011


Hindi alintana ni Andrew ang gutom at pagod sa kakaiyak, ilang beses na niyang pinaulit ulit ang video ni Carl at paulit ulit parin siyang humahagulgol, ang boses ni Carl ang para bang nagaalo sa kanyang paghihirap, ngunit kasabay din nito ay ang bigat ng kanyang kalungkutan sa tuwing napagmamasdan niya ang taong minamahal.

Dapithapon na ng mahimasmasan ng kaunti si Andrew, tumayo at lumabas siya sa kwartong iyon ng may kasiguraduhang mga hakbang. Tila wala sa sariling umakyat sya sa hagdanan at hindi pinapansin ang mga taong bumabati sa kanya, hindi niya ginamit ang elevator dahil sa bawat hakbang paakyat ay tila ba lumalapit siya sa kung nasaan si Carl, na sa bawat tunog ng kanyang mga yabag ay nagbibigay ginhawa sa bigat na kanyang dinadala.

Narating niya ang makipot na bakal na pinto, pinihit niya ang hawakan at dahandahang binuksan, sinalubong siya ng kulay dalandan na sinag ng papalubog na araw, ni hindi siya kumurap ng tumama ito sa kanyang mata, mula sa di si kalayuan ay natanaw niya ang anino ni Nel na nakaupo sa swing sa may gazebo, nakayapos sa kanyang mga tuhod at nakatanaw sa papalubog na araw. 


May mga ibong nagsisipagdapo sa patay na puno na tumatabing sa araw mula sa bintana ng cottage ni Carl, malungkot na napangiti si Andrew at mula sa kawalan ay tila ba narinig niya ang mga tinuran ni Carl “even death has it’s own beauty…that tree, though dead, adds beauty to the sunset, it adds beauty to every goodbyes.” Ngayon lang napagtanto ni Andrew na sa simula palang ay palihim ng ipinaparamdam sa kanya ni Carl ang kalagayan.

Pumasok siya sa cottage, tulad parin ito ng dati… sa bawat sulok nito ay buhay na buhay si Carl, mula sa nakabukas na bintana ay ang pakalat na sinag ng papalubog na araw dahil natatabingan ito ng mga ibon. Natigilan siya ng makita niya sa maliit na mesa sa tapat ng bintana ang isang urn, makinis ang kulay abong marmol na alam niyang naglalaman ng mga abo ni Carl, sa tabi nito ay isang papel na pinatungan isang halamang nasa maliit na paso. Kinuha niya ang papel at doon ay ang sulat kamay ni Nel

He wished to be here to watch the sunset upto the day of his burial.”

Napatanaw siya kay Nel sa labas, hindi parin ito nagbabago ng pwesto, patuloy lang ito na nakatitig sa kawalan, napakagandang pagmasdan ang pagtama ng sikat ng papalubog na araw sa kanyang katawan, halos anino lang niya ang nababanaag niya at ang paligid ng katawan nito ay tila nagiilaw dahil sa tama ng liwanag nito. Napadako muli ang mata niya sa papel na hawak at doon ay napansin niya ang marka ng putik mula sa mga kamay ng nagsulat, kamay ni Nel. Napadako ang mata niya sa maliit na halamang nakapatong sa sulat kanina, may bulaklak itong kulay puti, bagong tanim… basa ang lupa, at bigla siyang natigilan ng mapagtanto niyang iyon ang halaman ni Carl.

“Andrew, when the stone falls…it doesn’t mean that the flower will fall too.” naalala niya ang sinabi ni Nel , ngayon naintindihan niya kung bakit puro putik ang mga kamay nito.

Nanginginig ang mga kamay na hinawakan niya ang puting bulaklak ng halamang iyon, sumilay ang matipid na ngiti ng kanyang maalala ang pagaalaga ni Carl sa halamang ‘yon at ang birong usapang hindi niya nakakalimutan.

“This plant will bloom orange, or perhaps yellow…yes, I like it yellow.”
“Tangek! Adik ka talaga, puti at at violet lang ang kulay ng bulaklak ng halamang yan.”
“Hahaha..I know, but I want this one to bloom in pale yellow, that’s why I think this one is special”
“E ano naman ibig sabihin niyan sayo pag namulaklak nga yan ng dilaw?”
“Sus..tinatanong paba yon? Syempre it means…” tumingin ito sa kanya at ngumiti ng nakakloko “it means you are my Beautiful Andrew” sabay halakhak nito ng matutunog na tawa.
“Tarantado!” ngunit hindi niya din mapigilan ang matawa, “halika na nga, baka lamukin ka pa d’yan.”

…at ang kasunod na usapang kung saan una niyang nakitang naging seryoso ng ganon si Carl.

“Do you believe in miracles?”
“oo naman…bakit ikaw, naniniwala ka?”
“Oo…I do believe in miracles, everyday is a miracle, life is a miracle itself…even you, Beautiful Andrew…you’re a miracle.”
 “Have you found your miracle, Carl?” 
“Probably…Have you seen my miracle?”  “You have miracles, huh? Ano yun aber?” “That’s for you to find out, you’ll know it’s my miracle when you saw it…”

Napangiti si Andrew ng maalala ang kalokohang iyon, nakatitig siya sa mga puting talulot ng halaman.
“It’s white Carl, you lose… does that mean that I am not your Beautiful Andrew?” iginawi niya ang tingin sa marmol na urn, kinakausap si Carl. Wala ng luha sa kanyang mga mata dahil ramdam niya na buhay na buhay si Carl sa lugar na iyon, kahit papano ay naibsan ang lungkot na kanyang nararamdaman kahit alam niyang pansamantala lamang ito.
“You should have been here, para makita mo na hindi ito kailanman magiging kulay dilaw o orange…sabi ko sayo eh, puti ang kulay ng bulaklak nito…p-parang ikaw, hindi kana kailanman babalik”
Sa pagkabigkas sa mga salitang  iyon ay may kung anong bikig sa kanyang lalamunan ang namuo,
“Carl, If you’re here please give me some signs…tell me you’re happy now kung nasaan ka man ngayon, give me signs for me to let you go…” nangingilid na muli ang kanyang mga mata.

Mula sa bintana ay pumasok ang malamyos na ihip ng hangin at dumampi sa kanyang pisngi, napatanaw siya sa labas ng bintana kung saan ay biglang nagsiliparan ang mga ibon mula sa patay na puno, nakita niya si Nel na napalingon sa punong nasa likuran. Napakaganda ng tanawing iyon, nawala ang pagkakatabing ng mga ibon sa sinag ng papalubog na araw, bumaha ang liwanag nito sa kabuuan ng loob ng cottage.

Bumuntung hininga siya at ibinalik ang tingin kay ‘Carl’ at sa halaman…natutop niya ang bibig at namangha sa nakita. Tuluyang bumalong ang mga luha sa kanyang mga mata, sa nanginginig na mga kamay ay binuhat at niyakap niya si ‘Carl’, at ang unang patak ng kanyang luha ay sinalo ng mga talutot ng bulaklak…na sa tama ng sinag ng papalubog na araw ay tumingkad ang kulay nitong… kulay dilaw.

“I’ve seen you’re miracle, Carl…I Love You and I will always be… your Beautiful Andrew.”

oOo
WAKAS

3 comments:

Anonymous,  December 28, 2011 at 2:18 AM  

nakakiyak naman.... ang sakit ng mga mata ko habang binabasa wahhhh... so sad ang story nila....i know carl will be happy to see andrew recovering from cancer... where ever he is...

ramy from qatar

Anonymous,  January 18, 2012 at 7:35 PM  

while reading this...im playing the song saan darating ang umaga,,,,,,,..............i just cried deeply inside.,i can't imagine myself experience the same..........

Mr. Brickwall June 22, 2012 at 7:05 AM  

By the time na nagdugo yung ilong ni carl, nagkahint na ko na he's sick. and wid all those pag-iwas, i knew he wil die.

sad ending. oks lang, beautiful andrew ka pa din naman.

ang late na ng comment ko. ngayon lang napadayo dito e.

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP