Perfect Two - Episode 7

Tuesday, December 27, 2011

Author's Note: Sorry po sa late update! :) nais kong batiin ang mga taong nagbasa ng series na ito :) Sina:
Kristofer, Chris, joed, Wicked Writer, Mars , Roan , royvan24 , wastedpup , jm, Rue, darkboy13 , sir Jeffy, -cnjsaa- , robert_mendoza, john patrick, techie! , al justin, michael jere' , juan rolando, mj,  mga silent readers at mga anonymous.
also, nais kong batiin at pasalamatan ang mga kuya ko :)
kuya dendenpot ko na sinurpresa ako nuong christmas,. Thank you talaga kuya dendenpot ko! Best christmas gift ever! :D
kuya daren -i miss you too po kuya ko!
kuya Jam - thank you po sa comment! i miss
kuya jamespot na laging nagcocomment sa mga updates ko..thanks kuya! love u too! mwah! :D
kuya jeffrey at kuya kambal ko na lagi rin nandiyan for me :).
kuya win - i miss u kuya! :)
at sina kuya liger , kuya lance,  kuya kenji ,  kuya jm, kuya jennor.
and of course, maraming salamant kina kuya Mike and kuya Jayson.

BTW, belated merry christmas and advance happy new year! :D

Anyway, this is episode 7 of perfect two! Enjoy reading!

Episode 7 - The Plan

"It's doing great!" sabi ni Frank.

Anong ginagawa ni Frank dito?At sino yung kausap niya? At ano yung planong sinasabi niya?

"Are you sure you wanna do this?" tanung nung lalaking kausap niya.

Why do I have a bad feeling about this? hmm..

Patuloy pa rin akong nakikinig sa kanila.

"Bryan! Of course I do! Who wouldn't want revenge?" sabi ni Frank  na nakangiti pa.

Revenge? Sabi ko na nga ba eh, may mali dito..Pero kanino naman kaya siya maghihiganti?

"But don't you feel bad? because you're gonna use his bestfriend to get back at him, why don't you just do it to him instead?" sabi nung Bryan.

Bestfriend? I'm really curious about the person they're talking about. and nakakagulat rin kc wala sa mukha ni Frank ang gumawa ng masama. Para kasing ang bait bait niya.. pero baka naman maganda yung reason niya. pero...mali pa rin eh...basta mali talaga...

"Feel bad? Why would I feel bad about tasting sweet revenge?" sabi ni Frank.

"Because you're hurting someone else! someone innocent Frank! Someone who doesn't have to do with anything that happened!" sabi ni Bryan.

I really have a bad feeling about this. Hindi ko alam kung bakit pero parang...ewan..hindi ko maexplain..

"He messed with my bestfriend Bryan! You saw how Erica cried over Paul!"

oh sh*t! Paul?! Erica?! omg.. omfg..so ako yung sinasabi nila...I'm Paul's bestfriend...Erica is Paul's ex..oo, ex. Nagbreak sila dahil sa...ah eh...ewan..nakalimutan ko na..hindi naman kasi ako nag-pay attention masyado sa relasyon nila. Kasi nga diba, mahal ko si Paul, so nung time na nalaman kong naging sila ni Erica, lumayo na lang kao para hindi na ko masktan.. Pero sa pagkakatanda ko, naikwento sakin ni Tori na nag-away daw yung dalawa noon, hindi nga lang namin alam kung anung dahilan. So, ayun..nag-break na raw sila after nila mag-away.

But I never knew na magbest-friend si Erica and Frank...Maybe hindi lang talaga ako nagpay attention nung time na yun...Maybe kaya rin siguro kinamayan ni Paul si Frank nung time na ipakilala ko siya sa kanila, maybe it’s a sign of uhm..”peace tayo” ???

Pero bakit sakin siya maghihiganti????

“But Frank,” hindi pa natatapos magsalita si Bryan at cinut na siya ni Frank.

“No buts! Why are you so concerned about Marvin anyway? He’s just some nerdy gay a*s loser.” Sabi ni Frank.

Bigla akong natulala sa sinabi ni Frank.. Feeling ko gumuho ang mundo ko.. I feel like the world’s caving in to me..Bigla ko na lang naramdamang pumapatak na pala ang mga luha ko..

Sh*t....Bullsh*t!! G*go siya! Put*ng ina niya!! I’m a nerdy gay a*s loser?! F*ck him! You’re the motherf*ckin loser!! I trusted him! Tapos ganito pala?! So ginagamit lang niya ako para maghiganti kay Paul? Bakit?! Ano bang naging kasalanan ko sa kanila?! I have nothing to do with them! Tapos ngayon ayan! Ako tinitira! Arghhh! I can’t believe I trusted that guy! G*go ka Frank! G*go ka!

Oo, sandali pa lang kami nagkakilala ni Frank..pero sa sandaling panahon na iyon, kaagad niyang nakuha yung loob ko..kaagad akong nagtiwala sa kanya..na akala ko, okay lang na maging friends kami...pero hindi, gagamitin lang pala niya ako para makuha niya ang gusto niya..

Pero hindi ko hahayaang makuha niya ang gusto niya..ano siya sinuswerte? Walangya siya..Humanda sakin yang Frank na yan..

“You’re on your own man..I don’t wanna be part of this.” Sabi nung Bryan.

“What?!” gulat na tanong ni Frank. “You know what?! Fine! Whatever man!” at lumabas na si Frank sa bathroom na galit sa kanyang kaibigan..

Naiwang nakatayo doon si Bryan. Nagbuntong-hininga siya at tumalikod para maghugas ng kamay sa sink. Pagkatapos ay lumabas na rin siya.

Naiwan lang ako dun mag-isa. Sinubukan kong ayusin ang sarili ko. Nagpunas ng mga luha at naghilamos. Nagmadali akong bumalik sa classroom ko, baka kasi magtaka yung sub dahil ang tagal tagal ko. Pagdating ko sa room, kaagad akong umupo sa sulok sa pinakalikod, sa walang tao..Nagtaka pa ang isa kong kaklase kung bakit ako dun umupo, ngunit ang sinabi ko na lang ay gusto kong malapit sa bintana, dahil may bintanang malapit sa kinauupuan ko ngayon.

Habang nasa gitna ng panonood ng boring civil war movie ang mga classmates ko, ako naman, pinipigilan kong huwag umiyak sa sulok..

Pinipigilan kong huwag tumulo ang luha ko pero, hindi ko talaga mapigilan..Patuloy na umaagos ang mga luha ko..

OA na kung OA.. pero hindi ko talaga mapigilan..naiiyak ako sa sobrang galit...kasi niloko niya lang ako...akala ko maganda ang intensyon niya sakin...akala ko mabuti siyang tao..akala ko magiging mabuti siyang kaibigan,. Pero mukang tama nga talaga ang sinasabi nila, na maraming namamatay sa maling akala...at muntik na akong mamatay ng dahil samga akala kong iyon..Muntik ko nang isugal ang buhay ko..muntik ko nang ibigay sa kanya ang pagmamahal ko... Honestly, kung liligawan niya ako, hindi ako magdadalwang isip na sagutin siya.. Gwapo, gentleman, mabait,..Pero palabas lang pala ang lahat...hindi pala siya mabait..masama ang ugali niya..maitim ang budhi..anak ni satanas...isang demonyo!

Bugok naman kasi tong si Paul eh! Kungdi niya pinaiyak si Erica, edi sana walang ganito ngayon!...

Pero hindi ko pa rin pwedeng sisihin si Paul.. Hindi ko naman alam ang mga nangyari..

Pero si Frank, siya talaga ang dapat kong pagbuntunan ng galit..Kahit na sinasabi niyang para sa bestfriend niya to, wala pa rin sa lugar yung maghihiganti ka sa isang taong wala namang kasalanan diba? Abnormal lang? G*go ba siya? Edi dun siya kay Paul maghiganti! Wag sakin! Bugok pala siya eh!

Nakatulala ako dun na nakaupo ng bigla akong nagulat dahil may tumapik sa akin.

“Marvin!” sabi ng isa kong kaklase.

“What?” bigla akong bumalik sa kasalukuyan.

“Class is over..” sabi niya.

Napatingin ako sa wall clock. Tama nga siya, tapos na ang klase,. Sa sobrang pagkatulala ko dun nakaligtaan ko na yung oras.

“Thanks.” Nagpasalamat ako sa kaklase ko.. Kasi kung hindi niya siguro ako tinapik, baka hanggang second block nandun ako sa class na yun at baka malate pa ako sa next class ko.

“Are you okay?” tanong niya.

“Yeah, why wouldn’t I be okay? It’s actually a great day!” <---- plastik..

“You sure?” parang ayaw pa niyang maniwala.

“Of course!”

“Okay,.”

At nginitian ko na lang siya. Nagpaalam na ako sa kanya para makapunta sa next class ko. Kinalimutan ko muna ang nangyari nitong nakaraang oras at sinubukan kong ituon ang pansin ko sa lesson na itinuturo ng teacher ko.

Sa kalagitnaan ng pagtuturo ng teacher ko, bigla kong naramdamang nagvibrate ang bulsa ko.

Sino naman kaya ang nagtext sakin?

Patago kong tinignan kung sino ang nagtext..

Wow, speaking of the devil... nagtext si Frank!

Sa message:

------->Hey Vin! See ya at lunch later! I’ll wait for you at Dante’s! J


Aba, at mukhang tumatakbo na naman ang plano nitong mokong na to. Hmp! Wag kaya akong pumunta? Hayy...Bahala na!

Natapos ang morning classes ko at dumirecho na ako sa locker. Naging tahimik lang ako. Napansin naman ito ng mga kaibigan ko.

“Vin okay ka lang?” tanong ni Trina.

“Oo nga Vin, may problema ba?” tanong ni Tori.

Umiling na lang ako.

“Bakit ayaw mo magsalita?” tanong ni RL.

“Wala to..Masakit lang ulo ko..” palusot ko na lang.

“Sigurado ka?” tanong ni RL.

Tumango na lang ako.

Mukha namang nakumbinsi ko yung tatlo at hindi na sila nagtanong. Lumabas na kami sa school. Nagpahuli akong maglakad, sinabayan naman ako ni Paul.. Naglalakad kami palabas ng school ng bigla akong tanungin ni Paul.

“Sino nagpaiyak sa bestfriend ko?” tanong niya.

Hala! Pano niya nalaman?!

“Ano?” kunyaring nagtatakang tanong ko.

“Kung akala mong mapapaniwala mo kong okay ka lang, nagkakamali ka. You might have fooled those 3 pero kilala kita Vin, I know when there’s something wrong with you.. Alam ko kaya ichura ng mga mata mo pag umiyak ka.” Pagmamalaki pa niya sa akin.

“What are you talking about Paul?” deny ko po rin.

“Deny it all you want Vin, pero hindi mo ko maloloko. Patay sakin yang nagpaiyak sa’yo.” Sabi niya.

Hindi na lang ako sumagot sa sinabi niya.

Pano naman kaya nalaman nitong mokong na to?..Pero natouch ako sa sinabi niya..sobra..gusto ko nga siyang yakapin eh, kaya lang wag na lang..baka kung anu pang isipin niya..

Hindi ko namalayan na nasa harap na pala kami ng Dante’s.Tumigil muna ako sa harap ng pinto..

Eto na..

Huminga muna ako ng malalim at pumasok na sa loob. Pagpasok ko sa loob, kaagad na nakaagaw ng aking attention ang isang lalaking kumakaway sa akin.. Nakangiti ito sa akin na parang isang maamo’t napakabait na anghel..pero he’s a devil in disguise pala.

I should’ve known..a wolf on a sheep’s skin. Pero hanga ako sa get-up niya huh. Hindi ko naamoy ang malansa niyang kaluluwa.. Kung hindi ko pa narinig ang lahat lahat kanina, siguro nahulog na ko sa patibong niya..muntik na...pero malas niya, now that i know everything, hinding hindi na ako mahuhulog sa bangin niya.

Sasabihin ko sana kila Tori na huwag dun umupo kay Frank ngunit bigla silang pumuta doon sa table niya. So no choice ako. Nakiupo na lang din ako. May pagkain nang nakahanda para sa akin at sa kanya.

In fairness, magaling siyang dumiskarte sa tao..Pero sorry siya.. Hindi na ako maapektuhan niyang kamandag niya!

“I already ordered food for the both of us.” Sabay ngiti sa akin.

Hello? Nakikita ko po! Hindi ako bulag!

“Uhm.thanks, but I’m not hungry.” Tugon ko sa kanya. Ni hindi ko man lang siya tiningnan. Sa halip, tumingin na lang ako sa bintana.

Sa totoo lang, hindi naman talaga ako gutom..Parang wala ako sa mood kumain..At kahit na nagugutom ako, hindi ko pa rin kakainin yan, malay mo may gayuma yan, or worse, lason..

“Are you sure? Baka walang laman yang tummy mo. Baka sumakit pa yan.”

Aba, as if naman na concern tong g*gong to!

“I’ll be fine.” Sagot ko na lang, habang nakatingin pa rin sa bintana.

Natapos silang kumain at wala akong kinausap ni-isa sa kanila. Dumiretso na lang ako sa next class ko at hindi na sila hinintay pa.

Pagkatapos ng 4th block ko, naghanda na ako pauwi. Kinuha ko yung jacket ko sa locker ko, at iniwan ang mga notebooks at books ko dahil wala naman kaming homework.

Naglalakad na ako pauwi kasabay nina Trina, RL at Paul, ng bigla akong harangin ni Frank sa daan.

“Vin can we talk?”

“Talk about what?” hindi pa rin ako nakikipag eye-to-eye contact sa kanya.

“Can we talk about this somewhere private?” he asked.

“5 minutes.”

“That would be enough.”

At pumunta kami sa park malapit doon. Walang tao sa park na iyon, kaming dalawa lang.. Pinauna ko naman sina RL pero sabi nila, hintayin na lang daw nila ako.

Tumigil kami sa isang bench. Umupo siya. Umupo naman ako sa kabilang edge ng bench.

“Vin.” Hinawakan niya ang kamay ko. Ngunit tinanggal ko naman ito kaagad.

Nakatingin lang ako sa kawalan. Siya naman, nakatitig lang sa akin, na parang nagpapaawa.

Those puppy dog eyes will never work with me...not anymore..

“Vin, may problema ba? You seem like you’re avoiding me..” sabi niya.

“Problema?” humarap ako sa kanya..first eye-to-eye contact of the day.. “Why don’t you try asking that to your self!”

“What do you mean? I d-don’t understand.” Pag-mamaang-maangan niya.

“You don’t understand? Don’t pretend like it’s nothing Frank! I’m not stupid as you think!” at hindi ko na mapigilang tumulo ang luha ko.

“I..I’m still clueless...” sabi niya.

“Bullsh*t Frank! Wag ka nang mag-maangmaangan pa! I know everything! I know everything including your stupid plan to make me fall inlove with you just to use me to get even with Paul!” halos hingalin ako sa tuloytuloy kong pagsasalita.

Nanlaki lang ang mga mata niya.

“Oh so you think you can fool me huh?!” sumbat ko pa sa kanya.

“Vin let me explain..I didn’t mean to..” at kunyari pang nagsisisi ang demonyo. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko ngunit kaagad ko itong binawi sa kanya at saka siya binigyan ng isang sampal.. Nagulat siya ngunit hindi ito nagalit sa akin.

“How could you Frank?! How could you?! I trusted you! I thought you were nice to me and all that. I thougt you were a good friend! But, this! This whole plan thing! This piece of sh*t you’re doing to me, is just crap! It’s bullsh*t! Arrgghh!” galit na galit ako sa kanya..Tumutulo pa rin ang luha ko.

“Vin..please..I’m sorry..” pagmamakaawa niya.

“You’re sorry?” at sinampal ko siya ulit. “That’s for calling me some nerdy gay a*s loser.” At tumalikod na ako sa kanya.

Tumigil muna ako muli para sabihin.. “Next time, kapag mag-uusap kayo ng kaibigan mo about sa plan niyo sa bathroom, try checking if someone’s there first. You guys are so dumb. You never knew I was there that time.”

Sa sinabi kong iyon, nanlaki ang mga mata niya at tumingin siya sa lupa.

Iniwanan ko na siya doong nag-iisa, naglalakad ako patungo kila RL ngunit patuloy pa ring pumapatak ang aking mga luha..Kaagad nila itong napansin.

“Pa! Bakit ka umiiyak?!” alalang tanong ni RL.

Ngunit patuloy lang akong naglakad habang pinupunasan ang patuloy na pagdaloy ng aking mga luha.

“Vin wait!” si RL. “Pa!” at hinablot niya ang kamay ko para ako’y pigilan.Humarap ako sa kanya. Niyakap niya ako. Napayakap rin ako sa kanya ng mahigpit at humgulgol sa kanya.

Wala na akong pakielam sa lahat ng taong nakatingin sa amin ng oras na iyon..Gusto ko lang ilabas lahat ng nandito..gusto kong maubos na laaht ang luha ko..Because I don’t wanna cry over some stupid guy who messed me up. Halos ilang minuto rin akong nakayakap kay RL nung hapong iyon. Hindi na nila ako tinanong kung anong nangyari..Mas minabuti muna nilang ako’y makapag-pahinga, kaya inihatid muna nila ako sa bahay bago sila umuwi..Noon ko lang napansin na wala na pala si Paul..Hindi ko alam kung kailan pa siya nawala. Inisip ko na lang na baka umuwi na siya.

Nagkulong lang ako sa kwarto noong hapong iyon..Binuksan ko ang ym ko..Naalala ko, hindi nga pala kami nakapag-usap kahapon ni kuya Vinvin dahil nandito si Paul.. Kaya kaagad bumulaga sa akin ang mga messages ni kuya Vinvin. Sabi niya, namimiss na raw niya ako, at sana raw ay okay lang ako..Hindi ako nagreply..sa halip ay nagchange ako ng status ko sa ym, at inilagay ang isang crying face emoticon. Pagkatapos ay nahiga ako at nakatulog.

Umaga na ng magising ako..3:00 am..walang pasok ngayon..pagtingin ko sa phone ko, nakita ko ang mga messages ni kuya Vinvin sa akin.

(KV = Kuya Vinvin ; LV = Little Vinvin)

KV : Little Vinvin ko!
Buzz!
KV : Bakit may crying emticon? May problema po ba?
Buzz!
Buzz!
KV : Little Vinvin ko...kausapin mo naman kuya Vinvin mo oh..
Buzz!
KV : Little Vinvin ko,..nahihirapan na si kuya Vinvin mo..kasi nagwoworry ako sau eh..gusto kita kausapin pero ayaw mo naman sumagot..at iyak ka lang ng iyak.
Buzz!
KV : little vince ko, lagi mo tatandaan andito lang kuya vince mo, handa ako makinig sa mga gusto mo sabihin.. at hindi kita iiwan.. kung ayaw mo muna magsalita sa akin or kung ayaw mo muna ako kausapin? cge ok lng.. bbgay ko sau ang oras na kelangan mo, pero wag mo lang kakalimutan na andito lang ako..I love you little Vinvin ko..


Halos maiyak akong muli sa nabasa kong mga messages niya..nakita kong online pa siya kaya ako’y nagreply kaagad.


LV : Kuya vinvin ko..i'm really sorry ndi n ko nkpgreply sau kgbi..nakatulog kc ako agad.i'm really really sorry.thanks for being there kuya vinvin ko dnt worry ok n po ako.love u kuya vinvin ko.mwah!

Wala pang ilang segundo’y nagreply siya kaagad.

KV : Little vinvin ko!
LV : Kuya vinvin ko! Sorry po ulit kagabi.. L
KV : ayos lang yun..Okay ka na ba little vinvin ko?
LV : Opo! Jan ka na po eh. J
KV : parang hindi naman ako ang kailangan mo para maging ok ka eh..
LV : Pero ikaw ang nanjan para sakin. And i thank u for that.
KV : kase d ba simula't sapul na nagkamabutihan tayo eh hindi nman ako nawala sa tabi mo at hindi nman kita iniwan? basta lagi mo tatandaan na andito lang ako.. para sa little vinvin ko.

Halos maiyak akong muli sa aking nabasa..

LV : I'm so lucky na nakilala kita kuya vinvin ko. Ang bait bait mo po kuya..
KV : ako din naman maswerte ng nakilala kita.. J

Unti-unting gumaan ang loob ko.

KV : Uhmm...musta school? May pasok ka ba ngayon? Aga mong nagising ah.
LV : Okay naman po school..hindi naman po ako tinotorture ng mga teacher ko ng mga school works..wala po kaming pasok ngayon..long weekend po.
KV : ahh ganun ba?
LV : Hehe opo,. Ikaw po kuya? Kamusta work?
KV : ako? stressed lang masyado ang kuya mo kahapon. pero ok lang naman.. btw, pag tinorture ka ng teacher mo lagot sa akin un..

Natouch naman ako sa sinabi niya. At mejo kinilig na rin.

LV : Ang sweet tlga ng kuya ko.
KV : espesyal ka kase sa akin eh..

Kinilig ako sa sinabi niyang espesyal ako sa kanya..ewan ko ba..pag siya kausap ko, parang nawawala lahat ng pangangamba ko, lahat ng problema, lahat ng hinanakit..Basta, masaya ako pag kausap ko siya..Lagi niyang napapagaan ang loob ko..

LV : ayiie! kaya lab ko kuya ko eh! J
KV : lab din naman kita eh. J *hugs* *kisses*

Lalong nagpakilig sa akin ang nabasa ko.

KV : wag ka na masyado mag iisip ha? malayo pa nman ikaw sa akin, d kita kayang puntahan diyan para ma hug at macomfort..
LV : Opo kuya ko J

Mukang namemental block na naman ako sa sobrang kilig ko..naku!

KV : kung pede nga lang sana sa bawat pagkakataon na malulungkot ka eh nasa tabi mo ako.. para iha-hug kita ng mahigpit. at hindi kita papakawalan para mas lalo kita ma comfort eh
LV : J kung pwede nga lang...hayzz..
KV : Uhmmm little vinvin ko?
LV : po kuya vinvin ko?
KV : Gusto mo bang pag-usapan natin yung problema mo?

Nag-aalangan ako kung papayag ba ako or hindi..parang ayoko muna kasing pag-usapan eh.

LV : Pde po b.. wag muna ngaun?..
KV : hhmm.. ok naiintindihan ko..
LV : sorry kuya ko..
KV : you don’t have to say sorry. basta little vinvin ko. andito lang ako.. hindi kita iiwan. at sana wag mo kakalimutan si kuya vinvin mo ha?. pag may problema ka? at gusto mo ng kausap? andito lang ako..Gaya nga ng pag-uusap natin kahapon, nandito ka lang sa puso ko..at nandiyan lang ako sa puso mo..
LV : Thanks kuya Vinvin ko J
KV : Little vinvin ko..
LV : Po?
KV : Yung problema mo ba eh...problemang puso ba ito?
LV : Ah eh...hmm..parang ganun na nga po..
KV : sira ulo un ah.. pinaiyak ang little vinvin ko? pasalamat siya at hindi ko siya kilala kundi... babasagin ko mukha nun..

Sobra akong natouch sa sinabi niya..

LV : Yaan mu n po cia kuya ko.
KV : haayyy naku.. ang layo mo kase eh.. hindi kita tuloy ma hug ng mahigpit para maramdaman mo na andito lang ako at handa kitang alagaan.
LV : Nararamdaman ko n nmn po na nanjan ka eh.kahit malayo ka.
KV : pero sa isang banda... masaya ako sa paglisan nya sa buhay mo.. kse masosolo kita..

Natawa ako sa sinabi niyang iyon.

KV : d ba? at least konti na lang ang kaagaw ko sa atensyon at pagmamahal ng little vince ko..
LV : Hehehe kuya, parang wala ka nmng gf kung magsalita.
KV : ganun?
LV : Hinay hinay lng kuya ko ah, ayokong masira ang relationship niu just because of me.

Siyempre, wala naman sa biodata ko ang manira ng relationship no! Wala yata sa mga talents ko un.

KV : bakit kelangan ba na wala ako gf para masabi ko lang sau un little vinvin ko? eh sa iyon ang nararamdaman ko eh.. wag ka mag alala at hindi nman masisira un eh..
LV : Ok po cge. Sabi mu po eh. Ikaw bahla kuya vinvin ko J
KV : ayaw mo po ba sa mga sinasabi ko at ginagawa ko sau little vinvin ko?
LV : Hindi naman po sa ganun. Gusto ko p nga po ung pagkasweet nio po sakin eh. Ikaw p lng po ang unang kuya ko na naging ganito kasweet sakin.. And we've just known each other for like a week.

Siya pa lang naman talaga ang naging ganun kasweet sa akin..Don’t get me wrong, sweet naman lahat ng kuya ko..pero siya talaga yung pinakasweet sa kanilang lahat xD.

KV : sabihin mo lang po kung naiilang ka or hindi mo nagugustuhan ang ginagawa ko ha? para naman ititigil ko na.
LV : opo kuya ko J
KV : gusto mo ba itigil ko na ung ginagawa ko?
LV : Wag poooooooo!

Siyempre ayoko naman mawala yung sweetness niya sa akin..yun na nga lang nagpapasaya sa akin eh, tatanggalin ko pa ba? Di ba?

KV : lika nga dito sa tabi ko.. hug kita ng mahigpit at pa kiss si kuya.. *hugs* Mwah!
LV : *hugs back* Mwah!
KV : ok lng ba sau na hug kita at kiss kita? d ka ba naiilang or nasasagwaan?
LV : Ndi po.ok lng un..kuya ko nmn ikaw eh. J
KV : ahahaha.. lika nga kandong ka nga sa akin habang hug kita ng mahigpit.. *hugs*

Ang sweet talaga nito..konti na lang..maiinlove na ko dito..

KV : kiss kita sa noo mo. Mwah! tapos hahaplusin ko ang buhok mo sa may noo. hahawiin ko at sabay sasabihin ko sa'yo na... lagi mo tatandaan na hindi ka iiwan ng kuya mo.. andito lang ako.. at mahal kita...

Naramdamanan kong tumulo ang luha ko..

Sobrang sweet niya...sobra...

KV : at kung sino man ang aaway at magpapa iyak sau.. papaiyakin ko din sa gulpi..bwahaha.

Napangiti ako sa sinabi niya.

LV : thanks kuya ko..i love you too po! J
KV : Mwah!
LV : Ang sweet sweet mo tlga kuya ko J
KV : hehe siyempre! Little vinvin yata kita! sayang nga lang at malayo ka kaya hanggang dito lang muna sa ym ko siya nagagawa.. pero kung malapit ka lang at katabi kita, ginawa ko na sau ito at mapaparamdam ko ang pagaalaga ko sau.. lagi mo tatandaan little vinvin ko.. mahal kita.. ok?  mahal ka ng kuya vinvin mo.. kaya hindi pedeng may basta na lang aapi sau at sasaktan ka..
LV : Naluluha nmn ako sa cnsbi mo kuya ko... Touched kc ako..sobra.. Kya love n love kta kuya ko eh.
KV : totoo lahat ng sinasabi ko... sana nararamdaman mo ung sinseridad ko..
LV : Kya nga po ako naluluha eh.kc po nararamdaman ko po ng sobra.
KV : awwee J hug kita ngayon ng mahigpit at i-rest mo lang ang ulo mo sa dibdib ko.. pahinga ka lang sa dibdib ni kuya vinvin mo..kahit matulog ka pa..okay lang..papanuorin na lang kita habang natutulog ka..

Grabe! Todo na to!!

LV : I love u kuya ko! *hugs*
KV : i love you too little vinvin ko! Mwah!

Ang saya saya ko..sobra...Parang naiinlove na yata ako sa kanya...ewan..basta! Nag-usap pa kami sandali at nagpaalam na rin siya..uuwi na raw kasi siya.

KV : Little vinvin ko, uwi na si kuya..usap na lang ulit tayo bukas.
LV : O sige po kuya vinvin ko! Ingat po sa pag-uwi! Pahinga po agad pag dating sa bahay! Mwah!
KV : I love you little vinvin ko! Wag na iyak huh!
LV : Opo! I love you too kuya vinvin ko! Mwah!
KV : *hugs* bye! Mwah!
LV : Bye kuya ko! *hugs* mwah!


At nag-log-out na siya. Naiwan ako doon sa kwarto kong nakatingin sa kisame at nakangiti..Maya-maya’y biglang nagring ang phone ko..si Paul..

“Vin, gising ka na ba?” parang mahina ang boses ni Paul.

“Oo bakit napatawag ka?”

“Nandito ko sa labas ng bahay niyo..pwede ka bang bumaba?” tanong niya.

“Ha?! O sige sige. Hintayin mo ko.”

At dali dali akong bumaba para pagbuksan siya ng pinto. Pagbukas ko ng pinto, agad na bumagsak sa akin ang katawan niya. May dugo ang kanyang labi at madungis ang kanyang damit..May pasa rin sa pisngi niya.

“Paul! Anong nangyari?!” tanong ko sa kanya.


--------------------------------
Until the next episode,
Lilvincy.


contact me @: 
FB : vince_blueviolet@yahoo.com
YM : binz_32@yahoo.com



(message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito. thanks!)

Read more...

Beautiful Andrew : Chapter 11

Sunday, December 25, 2011


“H-he’s gone, Andrew…Carl’s gone” halos pabulong na sagot ni Nel.

Nakakabingi ang kabog ng kanyang dibdib, alam niyang hindi nagsisinungaling si Nel, ayaw tanggapin ng kanyang isipan ang narinig, para siyang tuod na nakatayo at nakatitig lamang kay Nel, sari saring emosyon ang gustong kumawala ngunit alam niyang sa isang salita lamang niya ay tuluyan siyang gagapiin kanyang emosyon.

Hindi rin niya napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng kanyang mga luha, “H-ho..how? pa-panong…?” garalgal na boses, nagmamakaawa ang kanyang mga mata upang sabihin sa kanya ni Nel na nagbibiro lamang ito. ngunit nanlulumong napayuko lamang si Nel dahil hindi niya kayang makita ang paghihirap ni Andrew.

“L-like you, he had been diagnosed to have a c-cancer… a tumor in his brain” panimula ni Nel, gayung hirap na hirap ito sa kanyang emosyon,

“…kinukundisyon lamang niya ang katawan para sa operasyon niya,” nilingon siya ni Nel at pag kuway sumilay ang mapait na ngiti sa kanyang mga labi “remember the day when you first met him?” tanong nito.

Napapikit si Andrew sa alaalang iyon.


“He’s supposed to meet Dr. De la Cruz, para sabihing handa na siya sa operasyon…but,” muli ay sumilay ang mapait na ngiti “but he met you,” nababanaag sa mga mata ni Nel ang pait at pagsisisi, “he said he loved you at the very first time he laid his eyes on you, at the very moment he called you Beautiful Andrew” sandaling tumahimik si Nel, tanging mga hikbi na hindi niya mapigilan ang pumapailanlang sa katahimikan ng silid.

Nakagat ni Andrew ang pangibabang labi upang pigilan ang paghagulgol, ngayon ay malinaw na sa kanya kung bakit pinutol ni Carl ang sanay buong pagpapakilala sa kanya ni Nel, ayaw nitong malaman niya ang kanyang sakit. “Beautiful Andrew” sariwa parin sa kanya ang mga alaalang yon.
“But why?...bakit hindi niya itinuloy ang operasyon?” tanong ni Andrew, na para bang tinatanong niya ang sarili, dahil bukod kay Carl ay alam niyang siya mismo ang mas higit na nakakaalam sa pakiramdam ng kawalan ng pag asa…pag asa, natigilan siya dahil alam niyang kung inihahanda lang si Carl ay may tyansa itong magapi ang sakit nito.

Ang sagot sa kanyang tanong sa sarili ay nasumpungan niya sa mga sumunod na salita ni Nel.

“Wala kaming relasyon ni Carl bukod sa magkaibigan,” pinunasan nito ang basang pisngi, “bukod sa kanya ay ako at si Dr. De la Cruz lang ang nakakaalam ng kanyang sakit, ako na kanyang kaibigan at private nurse at si doc na matalik na kaibigan ng kanyang ama”  dagling tumatag ang boses ni Nel habang inilalantad niya ang katotohanan tungkol sa kanila ni Carl.
“when he met you, he suddenly called off the operation…”

“Why?” putol ni Andrew.


“Because of you, Andrew!” matigas ang salitang bigkas ni Nel, “because he fell in love with you, because he doesn’t want to forget you, he doesn’t want his memory of you to be lost forever…” humina ang boses niya at gumaralgal muli “the operation can take out part of his memory, maaring mawala ang mga alaala niya kapag naoperahan siya, and perhaps his eye sight too.” rebelasyon ni Nel.

Napamaang si Andrew, hungkag ang pakiramdam niya, hindi siya makapaniwala sa mga narinig.

“Ilang bese ko siyang pinagsabihan, ilang beses kong sinubok na sabihin sayo, na ipagtapat sayo…because I knew, from that day minahal mo na rin siya. Andrew, forgive me but that’s what he wanted, ayaw niyang ipaalam sayo..d-dahil ayaw ka niyang masaktan, ayaw niyang mawalan ka pag asa upang lumaban sa sakit mo.”

Pilit inaalala ni Andrew ang mga sandaling nahuhuli niyang nagtatalo sina Carl at Nel, maging ang huling komprontasyon nila noong Christmas party nila.

“I’ve done my part, Andrew…now its your turn to do yours,” mula sa kanyang bulsa ay may inilabas itong putting sobre at iniabot sa kanya, “pareho nating minahal si Carl, magkaiba lang tayo ng pamantayan, ako bilang kaibigan at ikaw bilang umiibig…”

Pinihit ng mga maputik na kamay ni Nel ang door knob at humakbang palabas, ngunit bago ito tuluyang nakalabas ay lumingon itong muli kay Andrew at garalgal na tinig ay nagiwan ito ng mga salita na alam niyang galing mismo kay Carl.

“Andrew, when the stone falls…it doesn’t mean that the flower will fall too.” Isinara niya ang pinto at naiwang mag isa si Andrew sa kwartong iyon.


Pinindot ni Andrew ang play botton sa video cam na nakakabit sa tv, wala na si Nel at mula sa binigay nitong sobre ay ang video tape. Bago pa man pumailanlang ang boses ni Carl ay hilam na ng luha si Andrew habang nakatitig sa mukha ng taong minahal at minamahal niya sa screen.

Mula sa screen ay si Carl, kapansin pansin ang humpak ng kanyang mga pisngi, wala na ang dating buhay sa kanyang mga mata bagkus ay napalitan ng paghihirap at lungkot. Halatang hirap na hirap ito sa simpleng pagupo lamang at ang panginginig ng kanyang mga kamay ay sinusubukan nitong itago sa camera. Nang maayos na ito sa pagkakaupo mula sa kanyang kama ay tumitig ito sa camera at sa paos na boses na tila ba hindi kanya ay nagsalita ito.

“A-Andrew, Beautiful… Andrew.” panimula nito, sa pagkarinig nuon ay napasinghap at yumugyog ang balikat ni Andrew sa walang kapantay na sakit na nararamdaman.

“…before I start, I want you first to forgive me.” Tumigil ito saglit at tinitigan ang camera, na animoy tumatagos sa screen. “…forgive me for lying, forgive me for not showing you how much I love you.” pumatak ang unang luha sa kanyang mga mata, sa nanginginig na kamay ay pinunasan niya agad ito.

Nananatiling natitig si Andrew sa screen, gusto niyang yakapin ito ngunit alam niyang hindi na niya kahit kailanman mararamdaman ang init ng mga yakap nito.

“kapag napanood mo ito ay alam kong magaling kana, I asked Nel to give it to you when you’re free from your illness, even if I die first.” Alam niyang hindi ito sinunod ni Nel dahil hindi pa nito alam na magaling na siya.

“Andrew, hindi ko man nasabi sayo pero mahal na mahal kita…it’s ironic right na ayaw kong magpaopera pero ipinipilit ko sayo na gawin mo ito” pagak siyang natawa “life is beautiful, ngunit mas nanaisin ko pang mamatay na kasama ang mga alaala mo sa aking isipan… mga alaalang alam kong hindi ko kilanman pagsisihan…your face Andrew,” inabot ng kanyang kamay ang lens ng kamera, pinadaan niya ang mga nanginginig na daliri sa kabuuan nito, napapikit si Andrew, tila ba nararamdaman niya ang pagguhit ng mga maiinit na daliri ni Carl sa kanyang mukha tulad ng lagi nito ginagawa sa tuwing binibigkas niya ang Beautiful Andrew…nagpatuloy ito makalipas ang ilang saglit.

 your beautiful face, how can I let them operate me and soon will forget the way you look? Everything about you, every single memory we’ve shared. They are not sure na babalik pa ang mga ito, papaano kung kapalit ng paggaling ko ay hindi ko na makikita ang iyong mukha at hindi ko na maalala na nakilala kita, maaring makalimutan ko rin na mahal kita at iyon ang hindi ko kayang ipagsapalaran..
Mas nanaisin kong mamatay kasama ang iyong mga alaala at mamatay na minamahal kita than to live yet we’re strangers towards each other…” ngumiti ito ng may kahalong pait.

Remember the night of our Christmas Party, the night after you sung your song? If you could just know how how happy I am when you announced that youre going to do the operation…kung alam mo lang kung gaano ang pagnanais kong hagkan ng mga oras na iyon, but… but you broke your promise there and then… I don’t want you to love me Andrew, yes I am selfish… but I want you to continue life as beautiful as who you are…” huminto sandali si Carl at hinabol niya ang paghinga, hirap na hirap ito kahit sa simpleng pagpapakita lang ng emosyong hindi niya mapigilan.


“Nel asked me to reveal our secrets to you, but I’m afraid you’ll let yourself die too…” tila may kung anong inalala si Carl “remember when you equated me to that stone where that plant grow?” wala sa sariling napatango si Andrew bilang kasagutan sa tanong nito “it was then I knew that you love me, and that you’ll die too when that stone falls…but Andrew, when the stone falls, the flower wont have to die. Ipagpatuloy mo ang mabuhay at tuparin mo ang pangako mo sa akin…”

“When I saw you kissing that guy in ‘your’ room…” saglit na natigilan si Andrew, lingid sa kanya ay nakita pala ni Carl ang tagpong iyon. “I fallowed you there to tell you the truth, but when I saw you kissing him… when I saw you kissing him, it dawned on me that I can’t give you everything you want because I’m dying. Doon ko napagisip isip na may mas higit pang darating sa buhay mo, higit sa anumang kaya kong ibigay, na makaksama mo hanggang sa pagtanda… the thing that even in dream ay hindi ko maibibigay sayo… kaya ako lumayo, habang kaya ko pa.” hindi na mapigil ni Carl ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan “habang kaya ko pa, habang sariwa pa sa alaala ko ang mga bagay na nagpapatunay na hindi kita mapapaligaya, habang napipigilan ko pa ang sarili ko upang hindi sabihin sayo ang totoo.”

“Andrew… Beautiful Andrew, ipagpatuloy mo ang buhay…para sa akin, para sa atin.”

Ilang saglit pa ay blangko na ang screen ng tv, hilam ng mag luhang nakaluhod si Andrew sa harap ng screen, sapo ang kanyang dibdib ay impit ang kanyang pagiyak, pilit niyang pinipigilan ang paghagulgol kung kayat makailang ulit ang pagyugyog ng kanyang balikat. Tinitikis niya ang paghiyaw, walang boses na paulit ulit niyang binibigkas ang panglan ni Carl, at ang tila pagsabog ng kanyang dibdib dahil sa sakit nanararamdaman…

“Madaya ka Carl…” sa kaibuturan ng kanyang puso ay kinakausap niya si Carl “madaya ka…bakit mo ginawa ito sa akin? Bakit mo ipinagkait sa akin ang mga sandaling alam kong maaari pang gawan ng masasayang alaala… ikaw na nagbigay ng lakas ko upang labanan ang sakit na pareho nating iniinda, bakit sa atin pa nangyari ito, bakit? Mahal na mahal kita at baka hindi ko makayanang mabuhay ng wala ka…”

Read more...

Beautiful Andrew : Chapter 10

Saturday, December 24, 2011


Succesful ang operasyon, ngunit kinailangan parin ni Andrew ang mag undergo ng chemo therapy. Ilang bwan din siyang pabalik balik sa hospital para sa kanyang check up. Alam niyang nakabantay lang sa kanya lagi si Nel kahit hindi parin sila naguusap bukod na lamang kung kinakailangan para sa kanyang gamutan, at bukod sa nalaman niya kay Nel na nagbasyon si Carl ay hindi niya parin ito nakikita mula noon. Napapansin din niya ang tila laging pagkawal ni Nel sa sarili, pumapayat din ito at halatang laging puyat, hindi na ito ang dating Nel na kilala niya para itong may sakit o may iniindang karamdaman dahil sa mga pagbabagong nakikita niya ditto, ngunit alam niya anghirap ng trabaho nito pinagsawalang bahala na lamang niya ang mga bagay na iyon.

Si Carl, sa tuwing naaalala siya ni Andrew ay hindi niya parin maiwaasan ang hindi mangiti, napatawad na niya ito, alam niyang mahal din siya nito. Siya ang dahilan kung bakit lumalaban siya sa karamdaman niya, umaasa siyang kasabay ng kanyang paggaling ay ang pagbabalik nito sa kanyang piling. Si Nel lang ang tanging tulay upang Makita niya si Carl, ngunit ayon dito hindi pa ito handa upang harapin siya.

“Congratulations Mr. Tabuso, you are now cancer free” tila musiko sa tenga ang tinurang iyon ni Dr. Santos, nakangiti ito at bakas sa kanyang mga mukha ang saya.
Sa sobrang tuwa ay niyakap niya ang doctor ng mahigpit at hindi niya mapigilan ang maluha.
“Thank you doc, I owe you my life.” 
“It’s my job, and you paid me for it” pagbibiro ng doctor,sabay na natwa sina Andrew at Ali.


Parang nasa alapaap ang kanyang nararamdaman, ngunit may kung anong kulang parin at nanatiling may bakas ng lungkot sa kanyang puso, si Carl. Pinuntahan niya si Nel agad agad ng malaman niya ang balita ng doctor ngunit hindi niya ito naabutan sa staion nila, ayon sa mga kasamahan ay pangatlong araw na daw nitong absent. Nagalala siya ngunit nawala din ito ng sinabi ng isang nurse na bukas ay baka papasok daw ito dahil may aasikasuhin ayon na rin rito ng makausap niya sa telepono.

Magaan ang loob na nilisan ni Andrew ang hospital, bukas babalik siya upang harapin na ang kanyang pangarap. Alam niya hindi sumisira sa usapan si Nel “magpaparaya ako…” tila ay narinig niyang muli ang tinig ni Nel, bukod dito ay ramdam niya na siya ang mahal ni Carl at gagawin niya ang lahat makuha lamang itong muli. Kay Carl lamang sya tunay na liligaya, isa pa sya lamang kanyang Beautiful Andrew.

----

You were just the dream that I once knew
I never thought I would be right for you…
I just can’t compare you with
Anything in this world…

Habang naglalakad sya papalapit sa nurse station ng umagang iyon ay dinig niya ang kantang pumapainlang sa paligid galing sa FM Radio na nakagawian nang pinapakinggan ng mga nurse sa 2nd floor station, napangiti siya at naalala niya si Carl.

Ang mga ngiti nito, mga halakhak na animoy pagaari niya ang mundo. Ang paraan nito ng pagsasalita lalung lalo na pag binibigkas nito ang Beautiful Andrew at hindi niya makalimutan ang napakaseryosong mukha nito ng minsang napagusapan nila ang paborito nitong halaman sa rooftop, “Shouldn’t that would be the other way around? That the fate of the stone depends on the plant, remember…. your roots hold me.”

Napangiti siya ng maalala niya ang kanilang nakaraan, ang pagibig na pinagsaluhan nila sa tuktok ng hospital kung saan siya naroroon ngayon.

…as endless as forever
you’re all I need to be with
forevermore….

Ilang minuto din siyang nakatayo at ninanamnam ang kanta sa FM Radio kaalinsabay ng mga alaala niya kay Carl, bago siya napansin ni Arlene, ang nurse na malapit kay Nel.

“Sir Andrew an gaga niyo naman ata, hinahanap niyo ba si Nel?” tanong nito sa kanya.
Tumango lamang siya bilang tugon, bahagya siyang nainis dahil pinutol siya nito sa kanyang pangangarap panaginip.

“Nandito na siya, kagabi pa…dumating siya bago ako mag out, sabi ni Leo hindi pa raw sya umuuwi dahil nakita niya kanina na bumaba galing dyan sa taas” sabay nguso na ang tinutukoy ay ang rooftop.

“Nasaan siya ngayon?” tanong niya.

“Hindi ako sigurado, pero baka nandyan sya sa kwarto ni Sir Carl” kumabog ang dibdib niya pagkarinig palang sa pangalan ni Carl. Aalis na lamang sya upang puntahan ang kwarto sa dulo ng 2nd floor ng nagtanong si Arlene.

“Sir Andrew, n-nagaway ba kayo ni Nel? O..o nagaway ba sila ni Sir Carl, dumating kasi siya dito at dumiretcho sa taas kagabi na mugto ang mga mata at halatang pagod na pagod…a-akala ko nga papasok siya para sa duty, pero tila wala sa sariling hindi pa ako pinansin.” nagtatakang tanong ni Arlene,

“Pinabayaan ko na lamang sya, siguro pagod lang talaga…at si sir Carl nga po pala, may balita ka sa kanya? Matagal ko na siyang di nakikitang kasama mo o ni Nel?” mahabang pagpapatuloy ni Arlene.

Nagkibit balikat na lamang si Andrew at bahagyang nagalala sa mga tinuran ni Arlene, “ano kaya ang problema ni Nel, problema kaya sa relasyon nila ni Carl” tanong niya sa sarili, at mula sa kawalan ay tila narinig niyang muli ang mga salita nito kamakailan “magpaparaya ako…” lihim na nabuhayan siya ng pagasa.  “alam na kaya nito na lubusan na siyang magaling, kung kayat tinupad lang nito ang pangakong pag-ibig sa pagitan nila ni Carl?” ayaw magpaawat ng kanyang puso sa mga bagay na kanyang inaasam asam, napamura siya at lihim na pinagalitan ang sarili.

Kakatok pa sana siya ngunit napansin niyang bahagyang nakabukas ang pinto, tahimik na pumasok siya at sinalubong siya ng madilim na silid, mag aalas nuebe na ng umaga ngunit nakasara ang mga bintana at ang makakapal na kortina ay nakatabing dito, ang tanging ilaw lamang sa paligid ay ang bughaw na liwanag na nanggagaling sa naka stand-by na tv sa video mode.

Sa kama ay ang nakaupong si Nel, mula sa makulimlim na liwanag ng tv ay nababanaag niya ang mga matang mugto at ang walang kaparis na kalungkutan.

Binuksan niya ang ilaw, at bahagya siyang nagulat sa kanyang nakita, pinagmasdan niya si Nel, magulo ang buhok nito at hindi nakaahit ng ilang araw dahil sa mahahaba na nitong buhok sa mukha, pati ang pag ligo ay tila nakalimutan na nito puno ng tuyong putik ang mga kamay nito maging ang dilaw na damit ay nanililimahid, humpak ang mga pisngi at ang kapaguran ay nakikita sa mga nangingitim nitong ilalim ng mata, at ang kanayang mga mata… puno ng paghihirap at pangungulila.

Lalapitan na sana niya si Nel ng lingunin siya nito, nagtama ang kanilang mga mata at walang anu ano’y dumaloy ang luha sa mga mata nito.

“He loves you…m-more than anyone else,” mahina ang boses na humikbi ito “I’m sorry for everything Andrew, I want you to know that Carl never ceased to love you”

“A-anong…?” naguguluhang tanong ni Andrew, ngunit may kung anong bikig na ang bumamabara sa kanyang lalamunan at ang tila sasabog na niyang dibdib.

“H-he’s gone, Andrew…Carl’s gone” halos pabulong na sagot ni Nel.

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP