STRATA presents: Bulong ng Kahapon 5
Friday, July 29, 2011
BULONG NG KAHAPON
PART 5 – Ang Wakas
“Gising ka na pala hijo!” nakangiting bati ng isang hindi pamilyar na mukha kay Arman.
“Sino po kayo?” tanong ng binata sa kausap.
“Ako’y nagligtas sa’yo mula sa bangin.” kwento nang matanda.
“Bangin?” tanong ni Arman.
“Nakaligtaan kang iligtas mula sa nabanggang bus dahil nagtuloy-tuloy ka sa bangin na malapit sa kubo ko.” sagot ng matanda. “Alam mo bang hindi ka na halos humihinga nang makita kita.” pagbabalita pa nito.
“Salamat po kung ganuon.” sagot ni Arman at muli niyang naalala ang pakay sa lugar na iyon.
“Huwag ka na munang bumangon. Hindi ka pa lubusang nakakabawi sa sinapit mo.” tutol nang matanda ang makitang nagpupumilit umayo si Arman.
“May kailangan po akong hanapin.” sagot ni Arman.
“Tutulunga kita hijo, ngunit hayaan mo na munag makabawi ka ng lakas para naman hindi ka kung mapaano na lang.” wika nang matanda.
“Salamat po.” sagot ni Arman. “Arman nga pop ala.” pakilala pa ng binata.
“Tawagin mo na lang akong Lolo Mencio.” sagot nang matanda.
“Kailangan ko po talagang hanapin si Mercedes.” saad pa ni Arman.
“Matutulungan kita hijo at mabilis mong mahahanap si Mercedes basta ba’t hayaan mo munang dito ka mamalagi. Hindi pa lubusang gumagaling ang mga bali mo sa katawan at mahihirapan kang bumiyahe at lumibot.” paalala pa ng matanda.
“Pero Lolo Mencio…” tututol pa sana si Arman ngunit biglang nanakit ang likod niya. “Aray…” pagdaing pa ni Arman.
“Sabi ko sa iyo!” sabi nang matanda. “Huwag lang mag-alala dahil may ituturo ako sa iyo para naman hindi ka mainip.” lahad pa nito.
Namangha si Arman nang makita niyang kausapin ni Lolo Mencio ang alaga nitong pusa. Manghang-mangaha ang binata dahil totoong kapani-paniwalang nagkakaintindihan ang tao at ang pusa.
“Bakit ganyan ka makatingin sa akin apo?” tanong nito kay Arman.
“Nauunawaan po ba talaga ninyo ang pusa?” hindi makapaniwalang tanong ni Arman.
“Oo naman hijo! At iyan ay isa lang sa mga bagay na ituturo ko sa iyo.” saad nang matanda.
Hindi alam ni Arman kung ano ang magiging reaksyon. Halu-halo na ang problema niya ay idadagdag pa niya si Lolo Mencio kung totoo ba ang sinasabi ng matanda.
“Phillip! Hindi kita kayang iwanan at ayokong magkahiwalay tayo pero ayoko namang itakwil ako ng pamilya ko dahil sa pagsama ko sa iyo. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko sa lahat, ang pagdating ng araw na ito.” bulong ni Arman sa sarili saka napabuntong-hininga.
“Bakit apo?” tanong ni Lolo Mencio.
“Wala po.” sagot ni Arman. “Mercedes! Saan ka naman ba nagtungo? Pinag-aalala mo ako. Hayaan mo, hahanapin kita sa oras na umayos ang pakiramdam ko.” wika ng diwa ni Arman.
Kinagabihan –
“Lolo, wala po ba kayong kasama dito?” tanong ni Arman habang kumakain sila ng hapunan.
“Ako lang ang mag-isa sa buhay.” wika nang matanda.
“Talaga?” hindi makapaniwalang tanong ni Arman.
“Oo apo!” sagot ng matanda. “Buhat nang maligaw ako sa bundok Banahaw ay hindi na ako umalis pa dito. Paminsan-minsan nama’y lumalabas ako para magtungo sa bayan subalit babalik din naman ako kaagad.” kwento pa ng matanda.
Isang buwan na nanatili si Arman sa kubo ni lolo Mencio at hindi niya lubos maisip na matututo siya ng mga mahikang akala niya ay sa mga nababasang kwento lang mangyayari. Hindi niya lubos maisip na totoo pala ang sinasabi ng matanda sa kanya. Ngayon nga, tulad nang pangako nang matanda ay tutulungan niya si Arman na hanapin si Mercedes at sa tulong nang mahika ay madali niyang natunton kung nasaan ang dalaga. Nalaman niyang nasa kalapit na nayon lang nila ito nagtatago.
“Sige po Lolo Mencio.” paalam ni Arman saka nagmano sa matanda.
“Mag-iingat ka apo.” wika ng matanda saka may ibinigay kay Arman.
“Ano po ito?” tanong ni Arman.
Read more...


