Someone Like Rhon 7
Friday, April 15, 2011
Hinintay pa talaga ni Edong na bumalik galing sa site si Lt. Kenn nang hapong iyon bago niya pinuntahan sa garahe ang service jeep nito para linisin. Nakaupo si Lt. Kenn sa may terrace ng bungalow paharap sa garahe kaya eksaktong makikita siya nito habang naglilinis ng jeep.
Bago siya nagpunta sa garahe ay naghubad muna siya ng damit pang-itaas saka ng shorts at brief. Pinalitan niya ito ng manipis na cotton shorts na kulay puti kaya naman habang naglalakad siya ay ramdam niya ang malamig na hangin sa kaniyang singit at halos lukubin ang palibot ng kaniyang alagang nahampas sa kaniyang kaliwang hita.
Pinuno niya ng tubig ang isang katamtaman na laking timba saka inilagay ang isang tabo. Nagdala rin siya ng liquid soap na galing pa sa Amerika.
Sinadya niyang ngitian si Lt. Kenn nang magtama ang kanilang tingin. Wala itong reaksiyon, para ngang lampasan pa sa kaniya ang tingin nito. Umiinom yata ng kape.
Tignan ko lang kung ganyan ka pa rin pag nag-umpisa na ako, saloob -loob niya. Umpisahan na ang palabas.
Tumakal siya ng tubig saka nagsimulang ibuhos iyon sa jeep. Sinisiguro niyang pagtama ng tubig ay tatalsik sa kaniya para mabasa ang kaniyang katawan lalo na ang harapan ng kaniyang cotton shorts. Ilang buhos pa ay nabasa na ng tuluyan ang kaniyang harapan. Dahil sa manipis nga ito at basa pa ay parang naging kakulay na ito ng kaniyang balat at kumapit sa kurba ng kaniyang malaking alaga na nakapaling sa kaliwang hita.
Hindi niya maintindihan kung bakit sa ginagawa niyang palabas ay siya pa yata ang unang nalilibugan lalo na nang makita niya ang sarili sa side mirror ng jeep. Basa ang kaniyang maskuladong dibdib at may mga butil ng tubig. Naninigas rin ang kaniyang mga utong na light brown. Bandang ibaba ay kapit na kapit na ang shorts na parang pangalawang balat na sa kaniya at nagsisimula ng magkabuhay ang kaniyang malaki at matabang alaga.

