Chapter 12 : Kung Kaya Mo ng Sabihing Mahal Mo Ako

Wednesday, November 17, 2010




By: DALISAY
e-mail: I could tell you... But then I have to kill you. LOL! (mura yan. :p)
blogsite: dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
Other details: I speak softly but I carry a VERY BIG stick!


Kung kaya mo ng sabihing mahal mo akoKANINA pa naiinip si Pancho sa lamesa nila ni Gboi. Paano ay kasama pa rin nila hanggang ngayon si Jim or James na ayon na rin dito ay palayaw nito. Ang dalawa lang ang kanina pa nag-uusap kahit na panaka-naka ay sumasabat siya. Kinakain ng matinding inis ang sistema niya sa kaalamang hindi niya solo ang atensiyon ngayon ni Gboi.

Pinagmasdan niya ang nagsasalitang si James. Gwapo rin ito at halatang maykaya sa buhay. Ito pala ang may-ari ng napakaganda at napakasosyal na resort na iyon na paborito niyang puntahan dati pa. Napakaganda doon at moderno ang halos lahat ng facilities. Mukhang pinagkagastusan talaga ng may-ari. At ito nga iyon ngayon sa harap niya.

"You can use one of the yachts here, Gboi. Promise pare, walang bayad yun. Treat ko na sa iyo since matagal din tayong hindi nagkita." nakangiting sabi ni James kay Gboi. Ipinatong pa nito ang kamay sa hita ng huli na bahagya na lang niyang sinulyapan.

Naramdaman niya ang uneasiness ng kasama. Ngali-ngaling singhalan niya ang nagpapapansing si James. Kanina pa niya napapansin ang mga pasimpleng hawak nito sa katawan ni Gboi ngunit hindi lang siya kumikibo. Duda pa nga niya ay gusto iyon ng huli.

Napansin din niya ang panakaw na sulyap ni Gboi sa kanya. Alanganin ang pagkakatingin nito. Mukhang may malalim na ugat ang matagal ng di pagkikita ng dalawang ito. Nararamdaman niya ang pagnanais na sigawan si James kung hindi lang ito technically ay nagiging isang mabuting host sa kanila.

Read more...

Chapter 7 : Ang Kuya Kong Crush ng Bayan,

Tuesday, November 16, 2010

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com



Hindi ako sunagot sa pag-imbita niyang umupo ako sa tabi niya. Bagkus, nanatiling nakatayo lang ako sa harap, nakatapis pa rin ng tuwalya, nakapamaywang at ang mukha ay hindi ma-drowing sa pagkainis.

“Oo nga pala, nagsabi sina Tito at Tita na mag-aatend daw sila ng lamay sa isang kasamahan nilang namatay. Ako na raw ang bahala dito sa iyo.”

“At sa iyo na pala ngayon nagpaalam ang mga magulang ko no?”

“Paano umakyat ka na at noong malaman nilang dito ako matutulog sa iyo, sinabi na nila sa akin at sabihin ko daw sa iyo.” Ang pangangatuwiran niya. “O, may reklamo? At… kasalanan ko ba kung ang mukha na ito, na hindi lang pogi, ay mas makapagkakatiwalaan pa kaysa sa iyo…” sabay pose naman papogi. “Ano sa tingin mo…”

“Ang kapal mo, grabeh! Ikaw na lang kaya ang maging anak nila at ako ang outsider” ang sarcastic kong sabi.

“Pwede…” ang pang-aasar naman niyang sagot.

“Arggghhh!” Sigaw ko sa sarili, nanatiling nakatayo at nagpupuyos sa harap niya. Iyon bang feeling na galit na galit ka, sa loob-loob mo ay gusto mo siyang mag-sorry sa kanyang ginawa o mag-expalin ngunit hayan, lalo pang nang-iinis. At syempre, ayaw ko ring i-open ang issue tungkol doon sa pag-etsapwera niya sa akin noong dumating ang girlfriend niya dahil may isang parte rin sa utak ko na nagtanggi-tangihang wala akong naramdaman o kaya’y baka isipin naman niya na inlove talaga ako sa kanya. “Yukkkkk!” sigaw ko na lang sa sarili.

Read more...

Chapter 6 : Ang Kuya Kong Crush ng Bayan,

By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com



Mistulang nawala ang kalasingan ko sa narinig. Nilingon ko siya. “K-kuya, hilong-hilo ako eh, nasusuka pa...” ang pag-aalibi ko na lang. Sa totoo lang, may parte din ng utak kong nag-udyok na sumang-ayon sa gusto niya. Ngunit kinontra ito ng isa pang parte ng isipan ko. At dahil latang-lata ang katawan sa kalasingan, hindi na ako nagsalita pa at ipinikit na lang ang mga mata.

“Ok, tulog ka na bunso...” ang isinagot na lang niya sabay halik sa pisngi ko.

Naramdaman ko namang bumalikwas ng kama si Kuya Paul Jake at tinungo ang CR. Malakas ang kutob ko na doon niya itinuloy ang kagustuhang magpaparaos.

Lalo namang humanga ako sa ipinamalas na kabaitan ni Kuya Paul Jake sa maluwag niyang pagtanggap sa ginawa kong pagtanggi sa gusto niya. Naikumpara ko tuloy sa kanya si Kuya Rom na sobrang demanding at hindi pumapayag ng hindi na sagot. 

Yun na ang huli kong natandaan.

Kinabukasan, maaga kaming bumalik sa accommodation. Kailangan pa kasi naming magligpit ng mga gamit upang pagkatapus ng pagkatapus kaagad ng awarding, diretso na kaming lahat sa bus para bumalik na sa aming lugar. Syempre, may bahid din ng lungkot dahil sobrang saya ko sa lugar na iyon, maraming nangyaring first time na karanasan, memorableng naramdaman, muntik pa akong malunod…at mas naging close kami ng mga ka-teammates ko, lalo na kina Kuya Rom at Kuya Paul Jake.

Nauna na palang dumating sa accommodation namin si Kuya Rom. Hindi ko lang alam kung anong oras ngunit noong makita niya kaming dalawa ni Kuya Paul Jake na nagsama, napansin kong biglang umasim ang mukha niya. Ewan ko kung ano ang nasa isip niya. Pero wala akong pakialam. Syempre, may galit ako sa ginawa niya. Ikaw ba naman ang bigla na lang iwanan ng walang ni ho ni ha. Dumating lang ang girlfriend niya, kusa na lang ba akong isinantabi na parang wala lang, hindi ako kilala, o hindi ako nag-iexist. Feeling ko tuloy isa akong tissue paper na pagkatapus ipahid ay kusa na lang itinapon sa basurahan. Ano iyon? Ang saklap kaya… 

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP