Perfect Two - Episode 11
Wednesday, August 15, 2012
Author's Note: Thank you po sa mga nagbasa and nagcomment dun sa last episode :) Sorry po kung nabitin kayu. hehehe. and btw @kuya win -- I miss you too po! and thanks heheh.
anyway, eto na po yung next episode :P enjoy reading!
Episode 11 - The Kiss
------------------------------------------------------
Yes, he kissed me.. Hindi Malabo ang mata mo, yung talaga ang nabasa mo..kaya maniwala ka!
He kissed me…on my forehead… (disappointed ka no?)
Nagulat ako sa ginawa niya, and also there’s a splash of kiligness din pero dapat wag magpahalata, so I asked him, “Para saan yun?”
Pero hindi niya sinagot yung tanong ko, instead, he just gave me a smile and said, “Tara na sa loob, baka magkasakit ka pa, at baka mahimatay ka na naman…ang bigat mo kaya!” at tumawa siya.
“So what are you saying? Na ang taba taba ko?” kunyaring sinungitan ko siya. Kumalas ako sa yakap niya at tumayo, “Diyan ka na nga! Hmmmp!” Pumasok ako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo para kumuha ng towels para sa aming dalawa. Sinundan naman niya ako. Kumukuha ako ng tuwalya ng lumapit siya sa akin at yakapin ako.
“Uy, labs, sorry na..” panunuyo niya.
“Labs? At kalian pa kita nagging labs? At saka, labs????? And corny huh..” pero sa loob ko, nag-uumpisa na akong kiligin..
“Naku kunyari pa yung labs ko,..” at tinusok niya yung leeg ko,. Alam niya kasing may kiliti ako doon..(actually kahit san mo ako hawakan makikiliti ako, hahahahah.)
It made me twitch and smile at the same time. “Tigilan mo nga ako Paul!”
“Ayieeee.” At tinusok niya ulit ako.
“Paul!” Mas nilakasan ko yung boses ko, para kunyari galit na ako.. But as I’ve said before, my bestfriend knew me so much, na alam niya kung kalian ako galit at kung kailan hindi.. hindi ko nga alam kung bakit pa niya ginagawa to, eh alam naman niya na hindi ako galit sa kanya.
“Sige titigilan kita, pero sa isang kundisyon..” sabi niya.. Pagkatapos ay inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong, “Sabay tayong maliligo..”
Kailangan ko pa bang sabihin na kinikilig na ako ngayon???? Hahahah.. Pero as much as I want to, siyempre hindi niya alam na crush ko siya, mahirap na, diba? At chaka, baka mamaya kung anu pang magawa namin hahahahah. Kaya itiniwa ko na lang.
“Para kang sira!” sabi ko, pagkatapos ay tumawa muli..
Bumulong muli siya, “Hmmmm…Natatakot ka lang eh,..natatakot ka na…mawala ang virginity mo….”
Nagulat ako sa sinabi niya..It stunned me, kung ganyan ang iniisip niya, eh anu pa kayang tumatakbo sa isip ng mokong na to?
Humarap ako sa kanya.. Medyo nainsulto ako ng kunti, pero kunti lang naman kasi alam ko namang nagjojoke lang naman siya. “As if naman na kaya mo.” Panunukso ko sa kanya. I know he can’t do it. My God, he’s straighter than the Empire State Building noh!
“Oh you know I can!” sabi niya ng may pagmamayabang.
“Really?” Lumapit ako sa mukha niya,. My lips are a couple of inches away from him. “Prove it.”
“You want me to prove it? Ok, I will,.” At naghubad na siya ng shirt niya. Kinabahan ako bigla,. I was stunned with his body, mas gumanda pa since the last time I saw him shirtless.. I mean, THOSE ABS ! Gosh! Vin, calm down, calm down, don’t look at those abs..
Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin, yung makapanlaglag-underwear na smile.. Grabe, parang may isang model sa harap ko.. “So ano? Are you still up for it?” tanong niya.
Wala akong nagawa kundi ibato sa kanya yung tuwalya. “Maligo kang mag-isa mo!” at lumabas ako ng banyo. I know na tumatawa siya paglabas ko.
Argghh! What am I thinking? Pumunta ako sa salamin para i-check kung nagbblush ba ako.. Mukhang hindi naman..Buti na lang…Argghhh Paul! Why do you have to be so cute and hot?
Napagpasyahan kong dun na lang maligo sa bathroom ni kuya, baka kasi kapag after pa ako ni Paul maligo, mang-asar pa ulit yun..At baka bumigay na ako sa gusto niya..
Nakatapos akong maligo at pumunta na ako sa kwarto ko para makakuha ng damit.. Boxers lang kasi ang nadala ko.. Mukhang hindi pa tapos maligo si Paul dahil naririnig ko pa rin ang tubig na nanggagaling sa shower. Kaya pumuta na lang ako sa walk-in closet ko, para mamili ng damit na isusuot. Mukhang maaraw na ulit sa labas kaya naisipan kong mag-suot na lang ng sando, and then jersey shorts. Nakapagbihis na ako at nagtutuyo na ng buhok habang nakaupo sa kama ng biglang lumabas si Paul. Nakapagbihis na rin pala siya sa banyo, and just like me, he’s wearing sando and jersey shorts too.
“O, nakaligo ka na? San ka naligo? Sayang, hindi ko pa naman ni-lock yung pinto, hinihintay kasi kita eh..” sabi niya ng nakangiti.
“Bugok!” sabi ko na lang.
Naisipan naming lumabas ng bahay. I prefer walking pero nung nakita ni Paul yung mga bike naming magkakapatid, pinilit niya akong mag-bike na lang. Nun ko lang napansin ang mga Christmas decors namin sa loob at labas ng bahay. May malaking malaking Christmas tree na may mga gold and red Christmas balls, ribbons and other stuff. Sa labas naman, nakabilot ng mga Christmas lights ang mga puno at mga bushes, pati na rin ang lining roof, doors, windows, at ng balcony.
“Ang ganda pala dito sa inyo Labs! Ang gagara ng mga bahay! Kitang kita mo talaga na mayayaman!” sabi niya habang namamangha sa mga bahay na nadadaanan namin.
“Quit calling me Labs! Mamaya may makarinig sa’yo diyan oh!” oo na, ako na kinikilig.. Pero sino ba naman kasi hindi kikiligin, hello? He’s like the pinoy version of Channing Tatum! Sige nga ikaw? Hindi ka ba kikiligin?
Nginitian lang niya ako at kumindat.
Kung itatanong mo saking kung anung/saang time na pinaka-cute si Paul, it’s when he’s amazed with things. Ewan ko, I find him really cute kapag ang laki laki ng ngiti niya tapos yung mga mata niya lumalaki and nag-ssparkle.
Totoo yung sinabi niya. Magaganda nga ang mga bahay dito,.Sa village kasi kami nakatira, well, they call it Lakewood City , pero it’s more like a village or a subdivision. Yun nga lang, ang mga nakatira yung talagang may pera. I wouldn’t say na mayaman kami,. My lolo is rich, but not us. Although many people say na dahil nga mayaman ang lolo ko, ibig sabihin mayaman na rin kami. Ang sabi ko naman, those properties are not under my parents’ names. So we don’t own those, so hindi kami mayaman. Although sinsabi ng lolo na what’s his is ours na rin, since nga only child ang mommy so sa kanya at sa aming magkakapatid niya ipapamana ang lahat ng ari-arian niya. Basta! Magulo! Hahahah
My lolo owns a company.. They’re on the restaurant business. Marami na siyang naipatayong branches sa bansa and he’s aiming to build one in US. Inaalok niya ngang magtrabaho sa kanya ang mommy at daddy eh, pero ayaw nila. Hindi ko alam kung bakit.. Pero ang alam ko, my lolo is convincing my dad to manage nga ung itatayo nilang branch sa US . Ewan ko lang kung papayag si daddy.
Narating namin ang clubhouse. “Anong meron sa loob nito?” tanong ni Paul.
“Hmmm..marami, may basketball court, volleyball court, tennis court, badminton court, tapos may malaking swimming pool and golf course sa likod.” Sagot ko.
“Hmmm…Tara pasok tayo!” paanyaya niya. Siyempre ako naman, go na lang..Ayoko namang tanggihan pa si Paul, after all he did for me, anu ba naman ung itour ko siya sa buong area namin db?
Iniwan namin ang mga bike namin malapit sa isang puno. Pumasok kami sa clubhouse at naabutan naming nagsswimming yung mga teenagers na nakatira rin dito. Kilala ko silang lahat, kasi sabay-sabay kaming lumaki, schoolmates, tapos kalaro na rin. Siyempre noon , wala namang mali-malisya, and noon , hindi ko naman alam na ganito ako noh. Besides, these people are not the pintasero-type. Hindi sila yung mga anak-mayaman na mayayabang, spoiled, maraming luho sa katawan, and all those other stuff. Iba sila, simple lang at mababait.
Anyway, mukhang namukhaan naman nila ako.
“Marvin!” sigaw nung isang lalaki. At napunta sa akin lahat ng atensiyon.
“Kuya Leo?” hindi ako sure kung siya nga yun pero parang siya nga..hahaha ng gulo ko no?
Umahon siya sa pool at lumapit sa akin. Siya nga..Si kuya Leo. “Vinny! Kailan ka pa dumating? Ang laki mo na ah! Yayakapin sana kita kaya lang, basa ako eh, baka mabasa ka pa. Hiya naman ako sa’yo.” sabay ngiti sa akin.
Niyakap ko naman siya, walang malisya yun ah! “Sa akin ka pa nahiya kuya! Nung isang araw lang ako dumating, may jetlag pa kasi kaya isang buong araw ako nakatulog, kaya ngayon lang ako nakalabas. Hehehe” sagot ko naman.
Kung si Paul ang pinoy version ni Channing Tatum, si kuya Leo naman ang masasabi kong pinoy Brad Pitt. Gwapo, matangkad, maputi, makinis ang mukha, matangos ang ilong, charming face, and well built ang katawan. Kababata ko siya, mas matanda nga lang siya sa akin ng 2 taon. Parang tunay na kuya ko na rin siya. Silang dalawa ni kuya ang magkabarkada talaga, pero dahil nga madalas siya sa bahay namin, lagi kaming nagkikita, tapos palagi ko rin siyang nakakalaro. At since only child cia, ako ang tinuturi niyang kapatid. Ganoon kami ka-close noon . Vinny ang tawag niya sa akin. (BTW, hindi ko pa cia crush noon , sabi ko nga, bata pa ako noon at wala namang malisya ang lahat.)
“Ahh kuya, si Paul nga pala, kaibigan ko, from States rin.”
Iniabot ni kuya Leo ang kamay niya kay Paul, “Leo, pre.”
Nakipagkamay naman si Paul. “Paul,.”
“Tara swimming tayo!” paanyaya sa amin ni kuya Leo.
“Ahh sige kayu na lang, napadaan lang naman kami.” Sabi ni Paul.
“Oo nga, enjoy na lang kayo..” sabi ko naman.
“Ahh ganun ba? Eh tara na lang muna saglit, para makapag-hi ka naman sa mga kaibigan natin.” Sabi ni kuya Leo.
Well..wala namang mawawala, eh. Kaya sumunod kami sa kanya at pinuntahan yung iba pa.
“Oh guys, si Marvin oh, he’s back from States. And friend niya si Paul.” Pagpapakilala sa amin ni kuya Leo.
Nag-hi naman kami sa kanila,. Kilala ko naman silang lahat, hindi lang yung close talaga, hindi katulad kay kuya Leo. Niyaya pa nila kaming mag-stay pero sabi namin na kailangan na naming umalis. Kailangan na rin naman kasi naming umalis, kailangan na kasi namin ayusin ni Paul yung mga gagamitin namin para sa stay namin sa Palawan .
By the way, kung tatanungin niyo kung bakit ditto sa clubhouse nagsswimming ang mga taong ito, hindi dahil sa wala silang pool sa mga bahay nila.. actually, lahat ng mga bahay dito meron. Mas malaki lang kasi yung sa clubhouse, then may slide and dive board (or whatever it’s called).
Palabas na kami ng clubhouse ng maramdaman kong may nag-iba kay Paul,. Parang nag-iba yung aura niya. Hindi mapapansin yun ng iba pero ako, alam na alam ko..may iba sa kanya..parang galit na ewan..
Hindi ko muna pinansin. Pinuntahan na namin yung punong pinag-iwanan ng bike namin. Nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang umalis ng hindi pa ako hinihintay. “Paul!” sigaw ko. Pero hindi siya lumingon. Kaya napagpasyahan kong sundan na lang siya.
Anu nanaman kaya ang pumasok sa utak nito? Nauna siyang dumating sa bahay. Hinayaan ko muna siyang pumasok at umakyat bago siya sundan, ayokong ipahalata sa iba na may problema kami..actually ako nga hindi ko alam kung may problema kami..
Dumiretso siya sa kwarto. Sinundan ko naman siya, mukhang nagkakasiyahan sa likod ang pamilya ko kaya walang tao sa loob nung pumasok kami.
Pagpasok ko sa kwarto ko, naabutan ko siyang nakahiga sa kama . Nakatingin lang sa kisame. Lumapit ako sa kanya at nagtanong, “Anong problema mo?”
“Wala.” kahit sino naman siguro malalaman nag alit siya dahil sa tono ng boses niya.
“Wala? Eh bakit ka nagkakaganyan?” tanong kong muli.
“Wala nga!” At tumagilid siya para tumalikod sa akin.
Lumuhod ako sa kama at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang balikat niya, at niyugyug siya. “Paul! Anu ba? Kausapin mo nga ako!”
“Dun ka na nga! Dun ka na sa Leo mo!” sabi niya.
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Bakit naman niya sasabihin yun? “Ano?!”
“Dun ka na nga!” sabi niya.
“Ewan ko sa’yo hindi kita maintindihan!” at tumayo na ako at pumunta sa closet ko para ihanda ang mga damit ko.
Hanggang sa pagkain namin ay hindi kami nagkikibuan ni Paul.. Hindi ko naman kasi siya ma-gets..bigla na lang siyang magiging ganun.. Hay nako!
“Mga anak, nga pala, yung nagpareserve ako ng mga rooms natin, hindi ako nakakuha ng malaking unit, para sana isang unit na lang tayong lahat. Kaya lang wala na daw available, kaya puro pang 2 tao lang yung mga unit na nakuha ko at saka isang queen size bed lang each. Pero kumpleto naman, may balcony lahat, may bathroom siyempre, may TV, then may wifi din sila.. So kami ng daddy niyo sa isa, si kuya niyo at si Ian yung isa, tapos si Marvin at si Paul dun sa isa. Okay lang ba?” Pagpapaliwanag ni daddy.
“Eh sila lolo and lola?” tanong ni Ian.
“May work pa kasi ang Papa, ang lola niyo naman, ayaw sumama ng hindi kasama ang lolo niyo..”
“Ahh okay.” Sabi na lang ni Ian.
“Paul, Marvin, ano okay lang ba sa inyo?” tanong ni daddy.
Nagkatinginan kami ni Paul. “Opo.” Sabay naming sinagot.
“Okay good, matulog kayo ng maaga ha, maaga pa ang flight natin bukas.” Sabi naman ni mommy.
Matutulog na ako ng kausapin ako ni Paul.
Nakahiga na ako ng lumapit siya sa akin at yakapin ako. “Sorry na..”
“Hmmpp! Dun ka na nga!” pagtataboy ko sa kanya.
“Sorry na…” at hinigpit niya ang yakap niya sa akin.
“Matulog ka na nga Paul! Maaga pa tayo bukas!” pagsusungit ko sa kanya.
Pero hindi pa rin siya tumigil.. “Labs..sorry na po..”
At natawa ako sa sinabi niya.. “Oo na sige na! basta wag mo na nga ako yakapin! Kinikilabutan ako!” kunyaring ayaw ko, pero sa loob ko, gustong gusto ko!
“Yehey! I lab you labs!” sabi niya.
“Bugok!” sabi ko na lang.
Nakatulog kami na nakayakap siya sa akin. Hindi ko na rin siya sinuway, kasi nga gusto ko rin naman yun! Hahahah!
Maaga ang flight namin papuntang Palawan . Nakatulog nga ako sa biyahe papuntang airport. Pero nung nasa plane na kami, hindi na ako nakatulog kasi saglit lang din naman ang biyahe. Maganda ang napiling beach resort nila Mommy. White sand beach, blue sea, palms everywhere, tapos since nasa west side kami ng Philippines , makikita namin ang magandang sunset. Pati ang mga crew nila dito mababait.
Pumunta na kami sa kanya kanya naming kwarto para ilagay ang mga gamit namin. Maayos naman yung kwarto namin. Maganda ang ambiance. Wooden yung flooring ng balcony, tapos yung bed malapit dun sa balcony kaya kung gusto mo ng fresh air bago matulog pwedeng pwede na kahit nakahiga. Tapos may table sa gilid ng bed, tapos may nakapatong dun na lamp. Tapos maluwang yung bathroom, may malalaking salamin (perfect na perfect para sa akin). May malaki ring closet. Tapos may glass cabinet na lalagyanan ng mga silverware, plates at glassware. Tapos may frigde din at microwave oven. Tapos may vase na may roses sa table sa tabi ng TV set..Basta, cute yung kwarto heheh.
Pagkaayos namin ng mga damit namin sa closet, nag-aya si Paul sa beach. Kaya nagpalit na kami ng damit to swimming outfits; shorts, shirt, flipflops, shades.
“Tara ! Swimming na tayo!” yaya niya.
“Sige ikaw na lang, dito na lang ako sa shore,.” Sagot ko naman.
“Sure ka?” tanong niya.
“Oo.” Sabi ko at nginitian siya.
Umupo ako sa isa sa mga beach chairs (or whatever it’s called) doon. Dala dala ko ang libro kong “Alex Rider.” I’m on the last book of the series na kasi kaya gusto ko na siyang tapusin. Gusto ko kasing nagbabasa ng mga ganitong books, mystery and adventure. Anyway, iniwan naman sa akin ni Paul yung tsinelas niya at yung t-shirt niya pati na rin yung shades niya pagkatapos ay pumunta na siya sa dagat.
The weather’s so nice. The sun, the breeze, the sea, everything seems so perfect. Pero I can’t concentrate. Bumabalik pa rin talaga sa akin ang mga nangyari.. Yung pagtatagpo namin, yung pagkita ko sa anak niya sa elevator, yung paghalik sa kanya ng asawa niya, yung pagsabi niya sa akin ng minahal niya ako. Halos isang oras na din siguro akong nagfe-fake-reading ng dumating muli sa Paul.
“Vin! Tara na miming ka na!” paanyaya sa akin ni Paul.
Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa libro para hindi niya mahalata na may gumugulo sa isip ko. “Ikaw na lang, Paul.”
“Ehhhhh wala akong kasama eh,.” Sabi niya.
“Si kuya? Si Ian?” tanong ko.
“Sige na nga,. Kila kuya na lang ako sasama.. pag ikaw may kailangan sa akin, lagi naman akong nandito para sa’yo, pero ako, sasamahan mo lang ayaw mo pa. ” pagtatampo niya.
Medyo na-kunsensya naman ako sa sinabi niya. Tama kasi siya, he’s always there for me whenever I need him..He’s always there whenever I need someone to talk to, someone to lean on. Ang unfair ko naman sa kanya diba..
“Sige na nga..” sabi ko na lang..
“Wag na mukhang napipilitan ka lang eh..” sabi niya.
“Eto na nga po! Lika na!” hinawakan ko ang kamay niya at niyaya siya. Ngumiti ako sa kanya.
Mukha namang nakumbinsi ko siya dahil ngumiti siya pabalik.
Tinanggal ko ang t-shirt ko, pati na rin and shades at flipflops. “O tara na.” At pumunta na kami sa dagat. Paul’s a good swimmer.. me?? Not so much..lol. May fear pa rin kasi ako sa pagswimming lalo na sa dagat, marami kasing tumatakbo sa isip ko,.. Pano kung may pating jan? Pano kung higupin ako ng dagat? Pano kung tangayin ako ng alon? Pano pag may kumagat sakin na sea creature or something??? Siguro epekto yan lahat ng mga nababasa ko.
Pero nandiyan naman si Paul eh. May magliligtas sakin kapag nalunod ako.. may mag-CPR. May mag-ma-mouth to mouth resuscitation! Charot!.
Nakaraos naman kami ng hindi ako nagiging paranoid, or naaksidente. Nag-enjoy naman ako. Pansamantala kong nakalimutan ang mga gumugulo sa isip ko..marahil kasi kasama ko si Paul..ewan..basta masaya ako..
We took a short break para kumain ng lunch sa restaurant ng resort. Dumaan muna kami sa room namin para iwanan ang libro ko. Looks like hindi ko pa matatapos ang libro ko. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na naman kami sa beach, pero this time, nagstay na lang kami sa shore. Malapit sa isang palm tree. Naglatag kami ng dalawang malaking towels sa buhangin at iyon ang hinigan naming dalawa. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising akong nakadapa sa towel. Tumingin ako sa kanan ko at nakitang wala na doon si Paul. Tumayo ako at inikot ang ulo ko para hanapin kung nasaan siya,. Pero dumami na ang mga tao at nagging mahirap para hanapin siya. Yang si Paul talaga, iniwan ako! Lagot sakin yun!
Hinahanap pa rin ng mga mata ko si Paul sa mga tao ng biglang may nagsalita sa likod ko.
“Looking for me?” tanong niya.
Tumalikod ako para harapin siya. Nakangiti siya sa akin at may hawak na dalawang buko na may straw. “San ka ba nagpunta, iniwan mo naman ako mag-isa dito eh!”
“Bakit? Na-miss mo ko no?” sabi niya ng may pilyong ngiti.
Tinulak ko ang noo niya. “Umm!”
Tumawa lang siya. “O eto, uminom ka muna.” Iniabot niya sa akin yung isang buko.
Bumalik kami sa kwarto namin dahil nga marami nang tao, besides, parehas na kaming tinatamad. Naligo muna kami para matanggal ang amoy dagat at ang mga buhangin sa aming mga katawan..Pagkatapos ay natulog na kami. Napagod na rin kasi kami.
Paggising ko, magkayakap kaming dalawa. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya para hindi siya magising. Pero nagising siya.
“Sorry, sige matulog ka na ulit.” Sabi ko na lang.
“Hmm? San ka pupunta?” tanong niya.
“Ah eh wala, aasog lang ako ng konti, nayakap kasi kita, baka hindi ka makahinga.” Sabi ko.
Tumagilid ako ng higa patalikod sa kanya. Nagulat na laang ako ng niyakap niya ako.
“O, kailangan nakayakap?” tanong ko.
“Shh…wag ka nang maingay, matulog na lang tayo..” sabi niya.
Kaya hindi ko na lang ininda, at natulog na lang ako ulit. Sa muli kong pag-gising, palubog na ang araw.
Nakayakap pa rin siya sa akin. Hindi naman ako gumagalaw. “Paul?”
“O?” sagot niya.
“Nagugutom na ko..kain na tayo..” sabi ko.
Natawa naman siya. “O sige, nagugutom na rin ako eh..”
Kasama namin sila daddy ng mag-dinner kami.. Pero nagpa-iwan kami ni Paul nung nag-aya na silang matulog. Kaming dalawa na lang sa table, kumakain ng ice cream, at nakatingin sa dagat. Nagulat na lang kaming dalawa ng biglang may kumalabog sa likod namin. Pag lingon namin, may batang nakadapa sa floor, mukhang nadapa. Kaya kaagad kaming tumayo at nilapitan yung bata.
“Are you okay?” tanong ko sa bata habang itinatayo siya ni Paul.
Nagtaka ako dahil hindi siya umiyak. Inangat ko ang mukha niya at nagulat ako sa nakita ko…Siya…yung…anak…ni…siya nga…hindi ako pwedeng magkamali.
“Okay ka lang ba bata?” tanong sa kanya ni Paul.
“Opo, matapang po ako hindi po ako iyak!” sabi ng bata.
“Wow!” natawa naman si Paul sa sinabi nung bata. Ako naman parang natulala lang sa nakita ko..if he’s here, then…
“Vincent!” sigaw ng isang lalaki sa likod ni Paul..
And that’s when I saw him, the reason of my grief. Nagkatitigan lang kaming muli. Bumalik lahat sa akin.. Pero hindi lungkot.. kungdi galit ang nangibabaw sa akin.. Gusto ko siyang suntukin, sampalin, tadyakan, lahat lahat na.
“Papa!” sabay yakap sa kanya nung bata. Kinarga niya ito at nagtanong, “Anung nangyari sa’yo? Bakit namumula yang tuhod mo?”
Si Paul ang sumagot sa tanong niya. “Ah eh nadapa po kasi siya, buti nga po hindi siya umiyak eh, mukhang matapang ang anak ninyo.”
“Hon! Vincent!” biglang lumitaw sa likod nila si Jessa. Napatingin siya sa akin at nagulat. “Theopher, right? Nandito ka din pala.”
Biglang napatingin sa akin si Paul. Parang nagtatanong na “magkakilala kayo?”
“Hi, uhmm…dito kasi ang napili ng mga parents ko para magbakasyon. I didn’t know na nandito din pala kayo,.” Because if I know na nandito kayo, then sa iba na lang kami pupunta. Gusto ko sanang sabihin yun pero ayoko naman maging bastos,. I’m not the bad guy here, ako nga ang naagrabyado eh.
“And uhmm si Paul nga pala–” hindi pa ko tapos magsalita ng bigla siyang nagsalita.
“Boyfriend niya.” Sabay abot ni Paul sa kamay niya. Napatingin ako sa kanya. BOYFRIEND??!
“Oh..” ang nasabi na lang ni Jessa. Gulat naman ang makikita sa mukha nung asawa niya.
Actually ako rin nagulat..Pero hindi ko pinahalata, at sumakay na lang sa kung anu mang gimik niya.
Iniabot ng asawa ni Jessa ang kamay ni Paul, at nakipagkamay sa kanya,. “Marvin pare. At.. asawa ko, si Jessa, tapos..anak namin..si Vincent..”
Nginitian naman sila ni Paul. Ng mabaling sa akin ang tingin ng asawa ni Jessa, Parang naging malungkot siya. (kung mapapansin mo, hindi ko na sinasabi ang pangalan niya,..Hindi ko kasi kayang sabihin ang pangalan ng taong nanakit sa akin..)
Pero hindi ako naaawa sa kanya. Hayaan mo siyang maging malungkot..Kulang pa yan sa ginawa niya sa akin.. Kaya inasar ko pa siya, nginitian ko siya pagkatapos ay nakipag-holding hands kay Paul.
“Ah eh sige, mauna na kami. Enjoy na lang kayo.” Paalam ko sa kanila.
“Sige, kayo rin.” Sabi ni Jessa. Kahit na nakangiti siya sa amin, alam kong nandidiri siya sa amin. Pero wala akong pakielam.
Umalis na kami. Hanggang sa kwarto namin, hindi pa rin naghihiwalay ang mga kamay namin ngunit hindi kami nagsasalita. Pagdating namin sa kwarto, dun na ako nagsimulang umiyak..hindi ko alam kung bakit ako umiiyak,. Ang alam ko galit ako sa kanya..pero hindi ako nalulungkot, so bakit ako umiiyak?
“Bakit ka umiiyak?” tanong sa akin ni Paul habang pinupunasan ang mga luha ko.. “Dahil ba sinabi kong boyfriend mo ko? Sorry na…”
“Hindi Paul…”
“Eh bakit?” tanong niya.
“Yung lalaki kanina…siya yun…” sabi ko.
“Siya ang alin?” tanong niya.
“Siya yung taong dahilan kung bakit ako umiiyak.” Sabi ko sa kanya.
“Yung gago na yun?!” tanong niya.
Tumango lang ako.
“Gago siya, humanda siya sa akin!” lalabas n asana si Paul ng kwarto pero pinigilan ko siya.
“Paul wag na..please..” pakiusap ko. “Please…”
At niyakap na lang niya ako habang humahagulgol ako sa kanya. “Shh tahan na..tahan na..” Sinubukan niya akong patahanin pero hindi pa rin ako tumitigil.
Inalalayan niya ako papunta sa kama at inihiga niya ko doon. Humiga naman siya sa tabi ko. Ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya at ibinilot ang kanyang mga bisig sa akin.
“Hindi mo dapat siya iniiyakan..I already told you.. he’s not worth it.” Sabi niya.
“I just can’t help it..Palaging bumabalik sa akin ng lahat..”
“You deserve someone better..You don’t deserve this..” sabi niya.
Pero tuloy lang ako sa pag-iyak..
Inangat niya ang ulo ko para magkaharap kami. Pinunasan niya ang mga luha ko..And that’s when I happened…
He kissed me..and this time, he really KISSED me..on my lips..
------------------------------------------------
Until the next episode,
Vin.
0 comments:
Post a Comment