Perfect Two - Episode 12

Wednesday, August 29, 2012

Author's Note: Sorry po sa late na update :(
Btw, I would like to thank those who read the previous episode. And gusto ko rin po magpasalamat sa mga comment nina Kuya Win :P, kuya kambal, kuya jennor, kuya jeffrey,kuya dhenxo, Ernes_aka_jun, vinz_uan, franklin, kuya jm, arvin, xtian and robert.
Anyway, eto na po ang next episode! Enjoy reading and comment na lang po kau, thanks!

Episode 12 - Mind Huricane

I was shocked as I cope up with the fast transition of the events. I pulled myself away from him and stood up.

“I-..” tumayo siya para lapitan ako. “I’m sorry.” Hinawakan niya ang kamay ko.

“It’s ok…” ang nasabi ko na lang… Pero okay nga lang ba talaga? Hindi ko alam kung paano ako mag-rereact.. dapat ba magalit ako? Dapat ba matuwa ako? Hindi ko talaga alam.. Right now, nasa state of shock pa rin ako. Tumalikod ako at tinungo ang pinto..

“Where are you going?” tanong niya.

“I-I just need some air..” sagot ko na lang.

“Uhmmm samahan na kita.” Alok niya.

“No need..” sabi ko. Sabay pa namin nahawakan ang door knob.

“Sigurado ka?” tanong niya.

“Yeah…” sabi ko na lang. At hinayaan naman niya akong makalabas.

I went to the beach. I stared at endless darkness. For the first time in my life, there’s nothing I can feel.. There’s nothing on my mind.. It’s as if everything went blank for a second.. Then it flashed back to my head.. He kissed me.. Paul Rivera kissed me.. my bestfriend..my long-time crush..the person who I’ve thought na straighter than any straight line…..kissed me… am I dreaming?? Did it really happened??? But it’s impossible….it can’t be true…

I pinched my cheeks to see if I can feel it..I felt it…so it is true..he did kissed me…so ibig sabihin,…he’s not as straight as I think…pero bakit niya ko hahalikan?..

Then it came up to my mind… He likes me…No! He doesn’t! baka nagkamali lang siya… baka hindi naman…baka….argghhh…why am I arguing with myself?? Shouldn’t I be happy with what happened? Hindi ba dapat nagtatatalon ako sa tuwa? Hindi ba dapat kinikilig ako ng sobra sobra??

Pero bakit…wala akong maramdaman…Bakit parang, may pumipigil sa dapat kong maramdaman…bakit…uggggghhhh!!!!!!

My mind was full of questions.. I didn’t even realized na nakaluhod na pala ako at nakatitig lang sa buhangin. And then somebody spoke up.

“Marvin..” sabi niya.

Biglang nagising ang buong pagkatao ko. Ayoko siyang lingunin.. ayoko siyang makita.. ayoko ko siyang makausap.. ayoko siyang makasama.

Kaya tumayo ako at nag-umpisang maglakad palayo sa kanya. Hindi ko man lang siya tinignan..

Sinundan niya ako at hinawakan ang kamay ko. “Marvin, please, kausapin mo naman ako..”

Pero hinablot ko ang kamay ko mula sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.

Sinundan niya akong muli at humarang sa daan ko.. “Please naman, just give me some time, for God’s sake!”

Sinampal ko siya..“Time?! For God’s sake, I’ve given you a lot of time! I’ve given you time that you don’t even deserve! You wasted all of those time that I’ve given you! And now you want me to give you more?! Who are you to tell me what I should do, huh?!” sumbat ko sa kanya.

At hindi siya nakasagot. “Oh ano? You told me you want to talk to me? Why so speechless all of a sudden? Huh?!”

“I-I-I’m so..” hindi pa tapos ang sasabihin niya ng bigla akong nagsalita.

“What? You’re sorry?! How many times are you gonna say sorry?! You think your sorry can fix everything?! You think na, sa sorry mo na yan, papatawarin na kita?! At papalampasin ko yung ginawa mo?! You lied to me MR. MARVIN SANTOS! Pinagmukha mo kong tanga! Pinaniwala mo ko na mahal mo ko! Yun pala, may asawa’t anak ka na pala! Tapos ano ngayon, mag-sosorry ka?! Bullsh*t!” halos duraan ko na siya sa sobrang bilis ng pagsasalita ko.

Tinalikuran ko na siya ngunit pinigilan niya ako.

“Please..gagawin ko ang lahat…mapatawad mo lang ako…” at ngayo’y lumuluha na siya.. “Please vinvin….i’m sorry…Just..tell me what I have to do…just forgive me…”

I didn’t even think about what I said. “Go to hell!” and I pushed him off me and ran away from him.

I know I was wrong..I know I was rude..But I couldn’t help myself not to be angry.. I want him to know how painful it is to be in my situation..and hirap hirap para sa akin nito..

Sinundan niya ko at hinawakan ang dalawa kong braso. “Marvin please…” pagmamakaawa niya.

Pilit kong tinatanggal ang mga kamay niya ngunit hinigpitan niya ang pagkakahawak niya sa akin. “Aray! Ano ba?! Nasasaktan na ko!”

Sinusubukan ko pa ring kumawala sa kanya ng bigla na lang may sumuntok sa kanya.

“Walangya ka! Layuan mo siya!”  sinuntok siya ni Paul sa kaliwang pisngi. Halos natumba siya.

“Paul!” sigaw ko. At pinigilan ko na siya bago pa siya makasuntok ulit.

“Tang-ina! Bakit ka ba nakikielam sa amin ha?!” sumbat naman nung isa.

“Boyfriend niya ako kaya may karapatan akong makielam!” aba at mukhang kinareer na talaga niya yung sinabi niya kanina.. “Gago ka! Ang kapal ng mukha mo! Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo sa kanya! Pinaiyak mo siya! Sinaktan! Kaya papatayin kita!”

I’ve never seen him so furious. Kitang kita mo sa mukha niya, sa mga mata niya at ramdam na ramdam ko ang galit niya. Nakasuntok siya muli at hindi ko siya napigilan. Ngayo’y nakahiga na sa lupa si Mr. Santos at si Paul naman sinusuntok suntok siya. Parang bigla akong natakot sa kanya.

“Tama na!” sinubukan kong pigilan si Paul. Hinatak ko ang kamay niya pero parang ayaw niyang magpahatak. “Paul! Tama na!” At hinatak ko na si Paul para lumayo na siya sa nabugbog niya.
“Pasalamat ka nandito si Marvin kung hindi! Papatayin talaga kita!” Pagbabanta pa ni Paul.

Hindi naman makasagot si Mr. Santos, sa halip ay pinunasan na lang niya ang dugo sa labi niya. “Kung yun lang ang paraan para mapatawad ako ni Marvin, sige, patayin niyo na ako.”

Bigla akong napatingin sa kanya,. Ano?! Ginawa pa kong killer?!

“Oh eh yun naman pala eh, papatayin na kita!” lalapitan na sanang muli siya ni Paul ngunit pinigilan ko siya.

“Paul tama na!” humarang ako sa harap niya at hinawakan ang mga braso niya. “Please..tama na..”

Nagkita ang aming mga mata. Yung sa kanya, puno ng galit, yung sa akin, nakikiusap. He just sighed and grabbed my hand. Bago kami umalis, muli siyang lumapit kay Mr. Santos. “Wag na wag mo na siya ulit lalapitan dahil hindi lang yana ng aabutin mo sakin!” 

At umalis na kami. Nakahawak pa rin siya sa kamay ko ng mahigpit. Hindi naman ako nagreklamo. Kasi ang time na pinakanakakatakot si Paul, yung talagang ayaw mo siyang kausapin, gambalain, at pakielaman, ay kapag galit siya. Lahat kaming magkakaibigan hindi makaimik kapag galit si Paul, natatakot kasi kami. I’m not saying na violent siya, minsan lang kasi namin makita si Paul na galit, kaya hindi namin alam kung anung mga kaya niyang gawin pag galit siya.

Hindi kami nag-uusap hanggang pag dating namin sa kwarto. Pagsara ng pinto, binitawan na niya ang kamay ko. “Bakit ka ba kasi nakipagkita sa lalaki na yun?” Medyo kalmado na ang boses niya pero nararamdaman ko pa ring may galit sa boses niya.

“I-I didn’t..know..he was..there..” Hindi ako makatingin sa kanya.. ewan ko, parang natatakot ako..

He was about to say something pero mukhang napansin niya ang pagiging tahimik ko.. Lumapit siya sa akin at hinawakan niya ang braso ko. Nagulat naman ako sa ginawa niya, marahil ay sa takot, kaya biglang gumalaw yung mga braso ko.

“Bakit?” nagtatakang tanong niya.

“W-wala. Nilamig lang ako.” Palusot ko na lang.

“Sige, halika na matulog na tayo,.” At niyaya niya akong matulog na.

“Sige, magbabanyo lang ako.” Sabi ko naman.

“O sige.”

Pumasok ako sa bathroom at binuksan ang ilaw. Humarap ako sa salamin.. Muli, hindi ko na naman maintindihan ang nararamdaman ko.. Una, naguguluhan sa paghalik sa akin ni Paul, pagkatapos, galit ng makita yung taong nanakit sa akin, pagkatapos, takot… Ang gulo! Para akong mababaliw.. Sobrang bilis ng mga pangyayari at hindi na ako makasabay.. Para kasing iba na yung Paul na nasa harap ko.. Hindi ko na alam kung anung ibig sabihin ng bawat galaw niya.Hindi ko na mabasa kung anung iniisip niya. Hindi katulad dati, alam ko kapag nagsasabi siya ng totoo, alam ko kapag galit siya, alam ko kapag nagtatampo siya, alam ko kapag may gumugulo sa isip niya…Pero ngayon…hindi ko alam kung bakit niya ako hinalikan…hindi ko alam kung bakit sobrang galit ang nakita ko sa kanya,. At hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko..Bakit hindi ko siya maintindihan?? Bakit niya ako hinalikan? Posible bang may nararamdaman para sa akin si Paul? Possible bang mangyari yun? Pero hindi talaga eh. Hindi talaga pwede.. Mababaliw na yata ako.. Sasabog na ang utak ko sa kakaisip. Arrrgghh!!! Naguguluhan na talaga ako!

Matagal-tagal rin siguro akong nasa loob ng bathroom dahil pag labas ko, tulog na si Paul. Humiga na rin ako, but I kept a space between us. I looked at him—the guy whom I’ve thought I knew, but suddenly, just one kiss changed everything, complicated things, and left my mind asking, how much do I really know Paul? Could the kiss really mean something? Ayokong mag-assume…pero ano pa bang meaning ng halik?? Meron bang friendly kiss kapag isang gay at isang straight? Or is he really straight? Gosh! Why am I even thinking this way?? But could it be?? The Paul that every girl in school dreams about, is gay????

I sat up and stared at the view outside..looks like Paul left the balcony door open.. But it’s okay.. It’s kinda relaxing watching the curtains dance with the wind then the dark sky enlightened by stars and the moon..Plus the sound of splashing water on the shore..Everything seems so relaxing.. And hindi ko na pala namalayang nakatulog ako ng nakaupo.

Pag-gising ko, nakaupo pa rin ako, pero nakasandal ang ulo ko sa balikat ni Paul, na katabiko ring nakaupo. Inangat ko ang ulo ko. Medyo kumirot ng kaunti kaya napa-aray ako,.Well, it’s been a long night, I wouldn’t whine because I know that my head can’t handle everything that happened the day before.

“O okay ka lang?” tanong niya. Sa tono ng pagasasalita niya, parang walang nangyari kagabi.

Tumango na lang ako, pero hawak pa rin ang ulo ko.

“Bakit ba kasi natulog ka ng naka-upo? Ayan tuloy.” tanong niya muli.

Hindi ko sinagot ang tanong niya. Sa halip ay binigyan ko siya ng isang ngiti. Ngunit hindi pa rin ako makatingin sa kanya ng diretso.

“Nagugutom ka na ba?” tanong niya. Sa tono niya, alam kong alam na niya na may something wrong with me.. kaya sinubukan kong wag magpahalata.

“Medyo,.” At binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Pinilit kong tignan siya sa mata. I hope my eyes didn’t give away anything.

Mukha namang nakumbinsi ko siya dahil nginitian niya ako pabalik. “Sige hilamos ka na tapos kain na tayo, hinihintay na nila tayo.”

“Okay.” Tumayo ako at pumunta sa sa bathroom at naghilamos.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. I can’t give anything away.. I have to act like there’s nothing wrong.. I’m not ready to confront him yet…Natatakot ako sa isasagot niya.. Paano kung mali ako? Edi napahiya lang ako diba???

Pero wala naman sigurong mawawala kung magtatanong ako diba? Besides, he gave me the thought, dahil nga hinalikan niya ako… Pero malay mo baka aksidente lang yun, malay mo may naalala lang siyang babae, tapos yun…Arrrggghh!! Nakikipagtalo na naman ako sa sarili ko.. -_-

Natigil lang ako sa pag-iisip ko ng biglang may kumatok,. “Vin? Okay ka lang ba jan?” tanong ni Paul.

Kaya mo to Vin..Just don’t let him penetrate you.. Whew!

Binuksan ko yung pinto. “Tara na?” yaya ko sa kanya.

I tried to act as normal as possible, one wrong move, and he might spot it instantly.. So I was very careful..Mula sa pagkain, hanggang sa pag-swimming sa beach..

Hindi ko na rin pa nakita ang Santos family sa resort. Mukhang nakauwi na sila. Mas okay na rin na hindi ko sila nakita, baka may mangyari na naman.

I had another alone moment sa bathroom that afternoon. Siguro I just have to let this pass.. Hindi ko kailangan mangamba, hindi ko kailangan matakot.. kung anu nga siya,…edi okay lang, diba? Tinanggap naman niya ako noon, so, dapat tanggapin ko rin kung ano siya diba? Pero bakit ako natatakot? Natatakot ba kong malaman na may pagtingin din siya sa akin? Bakit naman? Hindi ba noon pa man, may gusto ako sa kanya, hindi ba dapat masaya pa ako na may gusto rin siya sa akin? Pero bakit iba nararamdaman ko? Bakit ako natatakot?

Paglabas ko ng bathroom, napansin kong nakaupo lang siya sa balcony. And I saw in his eyes na may malalim siyang iniisip. Malayo ang tingin niya. I feel like hindi ko siya napaniwala na walang something na gumugulo sa isipan ko. I feel like alam niyang nagsisinungaling lang ako sa kanya. Na-gi-guilty man ako, parang hindi pa rin kasi ako handing pag-usapan.

Nilapitan ko siya at umupo sa upuan sa tabi niya. “Ang ganda no?”  I was talking about the view. It was one of the most beautiful sunsets I’ve seen. The sun looks like it’s touching the sea. The mixture of colors in the sky and the sea, yellow, orange, blue; the palm trees rooted on the white sand,. Everything seems to harmonize with each other, to make a very beautiful and romantic view.

Hindi siya sumagot, sa halip, nagbuntong-hininga na lang siya.

Nagpakamanhid na ako. “Is there a problem Paul?” I’m such a hypocrite.

“Wala.” He said. We both know that he lied.

“Sure ka?” I don’t know why am I persuading him of telling what’s bothering him, eh alam ko naman kung anu un..

“Namimiss ko lang siguro sina mama.” Sagot na lang niya.

Right, hindi ko pa pala nasasabi sa inyo. Paul has 3 brothers (2 older and 1 younger) and 2 younger sister. Single parent lang ang mommy niya, his dad died a year ago, from a car crash. I met his dad before, mabait siya, and mapapansin mo talaga na mahal na mahal niya ang pamilya niya, although sometimes he’s strict, nasa lugar naman. Paul’s mom was the sweetest person I’ve met, well next to my mom.lol. Palagi niya nga akong inaasikaso kapag na kila Paul ako, she makes me feel like I’m a part of their family. Mababait din yung mga kapatid niya, sina Kuya William, Kuya Allen, Charles, at pati na rin yung dalawa niyang cute na little sisters, sina Lauren and Lisa, twins sila by the way. Nung namatay na ang daddy nila Paul, si Tito Angelo, ang mommy niya na, na si Tita  Annie, at ang mga kuya niya ang nagtrabaho.

Ang alam ko, lahat ng kamag-anak niya, nasa ibang bansa na, meron sa US, meron Spain, meron din sa Australia. Sa pagkakalam ko wala na siyang natirang relatives ditto sa Pilipinas.

“Bakit hindi mo sila tawagan? Baka nami-miss ka na rin nila.” Sagot ko naman.

“Tinawagan ko na sila kanina nung nasa bathroom ka pa. Mukhang nagtatagal ka na ata sa bathroom ngayon ah, ayos ka lang ba?” tanong naman niya.

Napansin din pala niya iyon.. Kasi naman ako, kapag nag-umpisang magmoment, hindi ko na nararamdaman ang oras. Ang isang oras ay parang 10 minutes lang. Biniro ko naman siya, “Ah eh kasi mini-make sure ko muna na cute ako bago ako lumabas.” Sabay ngiti sa kanya.

Natawa naman siya. “Hindi mo naman kailangan yun.” Sabi niya. Napatigil ako at napatingin sa kanya. Nagkatitigan kaming dalawa. “Kasi cute ka naman kahit hindi na mag-ayos.” sabi niya.

Hindi ko alam kung anung sasabihin ko, kaya bigla kong iniba ang usapan. “Uhmm do you wanna grab some ice cream?” tanong ko.

Mukha namang nadisappoint siya, pero hindi niya pinahalata at nginitian niya ako. “Sure.”

Natapos ang araw na puro ngitian na lang ang ginawa namin at hindi nag-uusap.

Kinabukasan, nag-check out na kami at umuwi na. Dec. 24 na, ilang oras na lang pasko na! This is a different Christmas for me, kasi nga kasama ko si Paul. Well last year, he came too, pero tanghali na ng Dec. 25 nun. Iba ngayon, since Christmas Eve pa lang, kasama ko na siya. Kaya nga lang naiwan ko sa States yung gift ko sa kanya, malay ko bang pupunta rin siya dito diba?

“O mga anak, mag pahinga muna kayo para gising na gising kayo mamayang Noche Buena!” sabi sa amin ng mommy ko pagdating namin sa bahay.

“Tama ang mommy niyo, sige na umakyat na kayo sa kwarto ninyo.” Dagdag naman ni daddy.

Kaya umakyat na kaming lahat para makapag-pahinga. Napagod ako sa biyahe kaya dumiretso kaagad ako sa kama ko at nahiga. Nagulat na lang ako na tumabi sa likod ko si Paul at niyakap ako. Hindi ko naman siya binawal at hinayaan na lang siya. Kahit pagod ako, hindi ako makatulog. Hindi ko nga rin alam kung bakit.

Maya maya, nagulat na lang ako na biglang suminghot si Paul. Umiiyak ba siya? Suminghot siya ulit. Kaya tumalikod ako para harapin siya. Umiiyak nga siya.

“Bakit ka umiiyak?” bulong ko.

Pero hindi siya sumagot, sa halip, niyakap niya lang ako ng mahigpit. Hinimas-himas ko naman ang likod niya at sinubukan siyang patahanin.

“Ano bang problema?” tanong ko.

Humarap siya sa akin at tinitigan ako sa mata. He held my cheeks and kissed me. Hindi ako nakagalaw, he caught me off guard. Hindi ko naman alam kung bakit pero bigla ko na lang siyang tinulak palayo sa akin at tumayo. Lalo naman lumungkot ang mukha niya.

“Why did you kissed me?” tanong ko.

“Bakit ba ang manhid manhid mo?!” sumbat niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. “What?”

Tumayo siya at lumapit sa akin. “Gusto ko lagi kitang nakikita. Gusto ko lagi kong naririnig ang boses mo. Gusto ko palagi kitang kasama. Gusto ko palagi kitang nayayakap nahahalikan. Gusto ko palagi tayong magkatabing matulog. Gusto ko pag-gising ko nandiyan ka lang sa tabi ko.”

Hindi ako makasagot sa kanya. Parang hindi ko maabsorb yung mga sinasabi niya.

“Kapag nagagalit ka sa akin, para akong nanghihina na prang may sumasaksak sa puso ko. Kapag may nananakit sa’yo, gusto kitang ipagtanggol. Aamnin ko sa’yo, nung gabing pumunta ako sa inyo na maraming pasa at sugat, nakipag-away ako noon.”

Napaisip ako bigla.. “Ano?!”

“Oo, nakipag-away ako.. kay Frank.. Nakita kitang umiiyak, at hindi ko na napigilan ang sarili ko.. Nasa bahay ako noon ng kaibigan ko, at nakita kong nandoon din siya, nagdilim ang paningin ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko..” pagsasalaysay niya. “At nung nakita kong kausap mo yung lalaking nanakit sa’yo, hindi ko napigilang magalit,..ayokong nakikita kang umiiyak..ayokong nakikita kang nasasaktan..” dagdag pa niya.

Hinawakan niya ang mga pisngi ko. “Vin, gusto kita.. marahil noon hindi ako sigurado..pero ngayon…siguradong sigurado ako,.”

“N-naka-drugs ka ba Paul? Tumigil ka nga!” sabi ko na lang. At tumalikod sa kanya. Papunta n asana ako sa bathroom ng bigla niya akong pinigilan.

“Vin! Mahal kita!” sabi niya.

“J-joke ba to? O sige na sige na you caught me, matulog ka na.” sabi ko na lang.

Kinuha niya ang kanang kamay ko at idinikit ito sa dibdib niya. “Hindi ako nagjo-joke Vin..Feel my heart..You know I’m telling the truth.. and I know that you can feel it too, you just don’t want to admit it.”

Well, wala ng point para iwasan ko pa tong issue na to.. Kailangan ko na nga talaga harapin..

“Paul,” tinanggal ko ang kamay ko sa dibdib niya.

“Bakit? Ayaw mo ba sakin?” tanong niya.

“Baka hindi mo-” hindi ko pa tapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita.

Hinawakan niya ang pisngi ko. “Hindi ako sigurado? I told you Vin..I love you.. And I am 100% sure of that. Bakit ba ayaw mo maniwala? Hindi pa ba sapat na proof yung paghalik ko sa’yo? Mayroon bang bestfriend na hinahalikan sa lips ang bestfriend niya? Mayroon bang bestfriend na handing patayin ang kung sinu mang manakit sa kaibigan niya?”

Hindi ako nakasagot. Tama nga ang mga sinasabi niya.. Pero natatakot pa rin ako. Parang pagkatapos ng nangyari sa amin ni…(kilala mo na kung sino siya)…parang ayoko na.. Parang feeling ko na masasaktan lang din ako, kaya wag na lang.. na I will end up crying lang naman.. so ano pang point para i-try ulit diba? Mapapagod lang ako kakaiyak..Mapapagod lang akong masaktan..

Parang nabasa naman niya ang nasa isip ko. “I will never hurt you Vin.. Kung iniisip mong katulad nila ako, nagkakamali ka.. Iba ako sa kanila.. at alam mo yan..kilala mo ko Marvin..”

Hindi ko alam kung anung sasabihin ko..Mabait si Paul.. minahal ko na siya noonnoon na akala kong straight siya,..noon na akala ko na walang ibig sabihin ang pagyakap niya sa akin at ang pagiging sweet niya…Pero ngayong sinasabi niya sa akin na mahal niya ako, hindi ko masabing gusto ko siya.. Oo aaminin ko, gusto ko nandiyan siya palagi.. Gusto ko pag-gising ko nakayakap siya sa akin..I feel secure if he’s around. I feel happy kapag kasama ko siya..Pero natatakot ako…natatakot ako na baka mawala siya sa akin…Baka kapag minahal ko siya, naging kami, tapos magkakaproblema, maghihiwalay, at mawawala siya sa akin…. Ayokong mawala siya sa akin…kaya nga mas pinili ko na lang na hindi aminin sa kanya noon na mahal ko siya, dahil natatakot akong mawala siya…

Kinuha niya ang mga kamay ko. “Vin please…kaya kong maghintay kung hindi ka pa ready…just please give me a chance..”

Chance..Isang bagay na ibinigay ko noon sa isang tao..pero anong kinahinatnan ng chance na iyon? Umiyak lang ako..nasaktan…so why should I give out another one kung dun naman pupunta lahat diba? Papahirapan ko lang ang sarili ko..

Pero may isang parte sa utak ko na nagsasabing, “TAKE RISKS!!” ***

Take risks? Kaya ko ba? Should I give him a chance kahit na alam kung na kung saan papunta to? Dapat ba kong maniwala sa kanya na iba siya at hindi niya ako sasaktan? Dapat ko bang buksan muli ang puso ko para sa kanya?


------------------------------------
Until the next episode,
Vin.


***(courtesy of Mr. Erwin F. thanks kuya :P)

Read more...

Perfect Two - Episode 11

Wednesday, August 15, 2012

Author's Note: Thank you po sa mga nagbasa and nagcomment dun sa last episode :) Sorry po kung nabitin kayu. hehehe. and btw @kuya win -- I miss you too po! and thanks heheh.


anyway, eto na po yung next episode :P enjoy reading!

Episode 11 - The Kiss
------------------------------------------------------
Yes, he kissed me.. Hindi Malabo ang mata mo, yung talaga ang nabasa mo..kaya maniwala ka!

He kissed me…on my forehead… (disappointed ka no?)

Nagulat ako sa ginawa niya, and also there’s a splash of kiligness din pero dapat wag magpahalata, so I asked him, “Para saan yun?”

Pero hindi niya sinagot yung tanong ko, instead, he just gave me a smile and said, “Tara na sa loob, baka magkasakit ka pa, at baka mahimatay ka na naman…ang bigat mo kaya!” at tumawa siya.

“So what are you saying? Na ang taba taba ko?” kunyaring sinungitan ko siya. Kumalas ako sa yakap niya at tumayo, “Diyan ka na nga! Hmmmp!” Pumasok ako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo para kumuha ng towels para sa aming dalawa. Sinundan naman niya ako. Kumukuha ako ng tuwalya ng lumapit siya sa akin at yakapin ako.

“Uy, labs, sorry na..” panunuyo niya.

“Labs? At kalian pa kita nagging labs? At saka, labs????? And corny huh..” pero sa loob ko, nag-uumpisa na akong kiligin..

“Naku kunyari pa yung labs ko,..” at tinusok niya yung leeg ko,. Alam niya kasing may kiliti ako doon..(actually kahit san mo ako hawakan makikiliti ako, hahahahah.)

It made me twitch and smile at the same time. “Tigilan mo nga ako Paul!”

“Ayieeee.” At tinusok niya ulit ako.

“Paul!” Mas nilakasan ko yung boses ko, para kunyari galit na ako.. But as I’ve said before, my bestfriend knew me so much, na alam niya kung kalian ako galit at kung kailan hindi.. hindi ko nga alam kung bakit pa niya ginagawa to, eh alam naman niya na hindi ako galit sa kanya.

“Sige titigilan kita, pero sa isang kundisyon..” sabi niya.. Pagkatapos ay inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko at bumulong, “Sabay tayong maliligo..”

Kailangan ko pa bang sabihin na kinikilig na ako ngayon???? Hahahah.. Pero as much as I want to, siyempre hindi niya alam na crush ko siya, mahirap na, diba? At chaka, baka mamaya kung anu pang magawa namin hahahahah. Kaya itiniwa ko na lang.

Para kang sira!” sabi ko, pagkatapos ay tumawa muli..

Bumulong muli siya, “Hmmmm…Natatakot ka lang eh,..natatakot ka na…mawala ang virginity mo….”

Nagulat ako sa sinabi niya..It stunned me, kung ganyan ang iniisip niya, eh anu pa kayang tumatakbo sa isip ng mokong na to?

Humarap ako sa kanya.. Medyo nainsulto ako ng kunti, pero kunti lang naman kasi alam ko namang nagjojoke lang naman siya. “As if naman na kaya mo.” Panunukso ko sa kanya. I know he can’t do it. My God, he’s straighter than the Empire State Building noh!

“Oh you know I can!” sabi niya ng may pagmamayabang.

“Really?” Lumapit ako sa mukha niya,. My lips are a couple of inches away from him. “Prove it.”

“You want me to prove it? Ok, I will,.” At naghubad na siya ng shirt niya. Kinabahan ako bigla,. I was stunned with his body, mas gumanda pa since the last time I saw him shirtless.. I mean, THOSE ABS! Gosh! Vin, calm down, calm down, don’t look at those abs..

Pagkatapos ay ngumiti siya sa akin, yung makapanlaglag-underwear na smile.. Grabe, parang may isang model sa harap ko.. “So ano? Are you still up for it?” tanong niya.

Wala akong nagawa kundi ibato sa kanya yung tuwalya. “Maligo kang mag-isa mo!” at lumabas ako ng banyo. I know na tumatawa siya paglabas ko.

Argghh! What am I thinking? Pumunta ako sa salamin para i-check kung nagbblush ba ako.. Mukhang hindi naman..Buti na lang…Argghhh Paul! Why do you have to be so cute and hot?

Napagpasyahan kong dun na lang maligo sa bathroom ni kuya, baka kasi kapag after pa ako ni Paul maligo, mang-asar pa ulit yun..At baka bumigay na ako sa gusto niya..

Nakatapos akong maligo at pumunta na ako sa kwarto ko para makakuha ng damit.. Boxers lang kasi ang nadala ko.. Mukhang hindi pa tapos maligo si Paul dahil naririnig ko pa rin ang tubig na nanggagaling sa shower. Kaya pumuta na lang ako sa walk-in closet ko, para mamili ng damit na isusuot. Mukhang maaraw na ulit sa labas kaya naisipan kong mag-suot na lang ng sando, and then jersey shorts. Nakapagbihis na ako at nagtutuyo na ng buhok habang nakaupo sa kama ng biglang lumabas si Paul. Nakapagbihis na rin pala siya sa banyo, and just like me, he’s wearing sando and jersey shorts too.

“O, nakaligo ka na? San ka naligo? Sayang, hindi ko pa naman ni-lock yung pinto, hinihintay kasi kita eh..” sabi niya ng nakangiti.

“Bugok!” sabi ko na lang.

Naisipan naming lumabas ng bahay. I prefer walking pero nung nakita ni Paul yung mga bike naming magkakapatid, pinilit niya akong mag-bike na lang. Nun ko lang napansin ang mga Christmas decors namin sa loob at labas ng bahay. May malaking malaking Christmas tree na may mga gold and red Christmas balls, ribbons and other stuff. Sa labas naman, nakabilot ng mga Christmas lights ang mga puno at mga bushes, pati na rin ang lining roof, doors, windows, at ng balcony.

“Ang ganda pala dito sa inyo Labs! Ang gagara ng mga bahay! Kitang kita mo talaga na mayayaman!” sabi niya habang namamangha sa mga bahay na nadadaanan namin.

“Quit calling me Labs! Mamaya may makarinig sa’yo diyan oh!” oo na, ako na kinikilig.. Pero sino ba naman kasi hindi kikiligin, hello? He’s like the pinoy version of Channing Tatum! Sige nga ikaw? Hindi ka ba kikiligin?

Nginitian lang niya ako at kumindat.

Kung itatanong mo saking kung anung/saang time na pinaka-cute si Paul, it’s when he’s amazed with things. Ewan ko, I find him really cute kapag ang laki laki ng ngiti niya tapos yung mga mata niya lumalaki and nag-ssparkle. 

Totoo yung sinabi niya. Magaganda nga ang mga bahay dito,.Sa village kasi kami nakatira, well, they call it Lakewood City, pero it’s more like a village or a subdivision. Yun nga lang, ang mga nakatira yung talagang may pera. I wouldn’t say na mayaman kami,. My lolo is rich, but not us. Although many people say na dahil nga mayaman ang lolo ko, ibig sabihin mayaman na rin kami. Ang sabi ko naman, those properties are not under my parents’ names. So we don’t own those, so hindi kami mayaman. Although sinsabi ng lolo na what’s his is ours na rin, since nga only child ang mommy so sa kanya at sa aming magkakapatid niya ipapamana ang lahat ng ari-arian niya. Basta! Magulo! Hahahah

My lolo owns a company.. They’re on the restaurant business. Marami na siyang naipatayong branches sa bansa and he’s aiming to build one in US. Inaalok niya ngang magtrabaho sa kanya ang mommy at daddy eh, pero ayaw nila. Hindi ko alam kung bakit.. Pero ang alam ko, my lolo is convincing my dad to manage nga ung itatayo nilang branch sa US. Ewan ko lang kung papayag si daddy.

Narating namin ang clubhouse. “Anong meron sa loob nito?” tanong ni Paul.

“Hmmm..marami, may basketball court, volleyball court, tennis court, badminton court, tapos may malaking swimming pool and golf course sa likod.” Sagot ko.

“Hmmm…Tara pasok tayo!” paanyaya niya. Siyempre ako naman, go na lang..Ayoko namang tanggihan pa si Paul, after all he did for me, anu ba naman ung itour ko siya sa buong area namin db?

Iniwan namin ang mga bike namin malapit sa isang puno. Pumasok kami sa clubhouse at naabutan naming nagsswimming yung mga teenagers na nakatira rin dito. Kilala ko silang lahat, kasi sabay-sabay kaming lumaki, schoolmates, tapos kalaro na rin. Siyempre noon, wala namang mali-malisya, and noon, hindi ko naman alam na ganito ako noh. Besides, these people are not the pintasero-type. Hindi sila yung mga anak-mayaman na mayayabang, spoiled, maraming luho sa katawan, and all those other stuff. Iba sila, simple lang at mababait.

Anyway, mukhang namukhaan naman nila ako.

“Marvin!” sigaw nung isang lalaki. At napunta sa akin lahat ng atensiyon.

“Kuya Leo?” hindi ako sure kung siya nga yun pero parang siya nga..hahaha ng gulo ko no?

Umahon siya sa pool at lumapit sa akin. Siya nga..Si kuya Leo. “Vinny! Kailan ka pa dumating? Ang laki mo na ah! Yayakapin sana kita kaya lang, basa ako eh, baka mabasa ka pa. Hiya naman ako sa’yo.” sabay ngiti sa akin.

Niyakap ko naman siya, walang malisya yun ah! “Sa akin ka pa nahiya kuya! Nung isang araw lang ako dumating, may jetlag pa kasi kaya isang buong araw ako nakatulog, kaya ngayon lang ako nakalabas. Hehehe” sagot ko naman.

Kung si Paul ang pinoy version ni Channing Tatum, si kuya Leo naman ang masasabi kong pinoy Brad Pitt. Gwapo, matangkad, maputi, makinis ang mukha, matangos ang ilong, charming face, and well built ang katawan. Kababata ko siya, mas matanda nga lang siya sa akin ng 2 taon. Parang tunay na kuya ko na rin siya. Silang dalawa ni kuya ang magkabarkada talaga, pero dahil nga madalas siya sa bahay namin, lagi kaming nagkikita, tapos palagi ko rin siyang nakakalaro. At since only child cia, ako ang tinuturi niyang kapatid. Ganoon kami ka-close noon. Vinny ang tawag niya sa akin. (BTW, hindi ko pa cia crush noon, sabi ko nga, bata pa ako noon at wala namang malisya ang lahat.)

“Ahh kuya, si Paul nga pala, kaibigan ko, from States rin.”

Iniabot ni kuya Leo ang kamay niya kay Paul, “Leo, pre.”

Nakipagkamay naman si Paul. “Paul,.”

Tara swimming tayo!” paanyaya sa amin ni kuya Leo.

“Ahh sige kayu na lang, napadaan lang naman kami.” Sabi ni Paul.

“Oo nga, enjoy na lang kayo..” sabi ko naman.

“Ahh ganun ba? Eh tara na lang muna saglit, para makapag-hi ka naman sa mga kaibigan natin.” Sabi ni kuya Leo.

Well..wala namang mawawala, eh. Kaya sumunod kami sa kanya at pinuntahan yung iba pa.

“Oh guys, si Marvin oh, he’s back from States. And friend niya si Paul.” Pagpapakilala sa amin ni kuya Leo.

Nag-hi naman kami sa kanila,. Kilala ko naman silang lahat, hindi lang yung close talaga, hindi katulad kay kuya Leo. Niyaya pa nila kaming mag-stay pero sabi namin na kailangan na naming umalis. Kailangan na rin naman kasi naming umalis, kailangan na kasi namin ayusin ni Paul yung mga gagamitin namin para sa stay namin sa Palawan.

By the way, kung tatanungin niyo kung bakit ditto sa clubhouse nagsswimming ang mga taong ito, hindi dahil sa wala silang pool sa mga bahay nila.. actually, lahat ng mga bahay dito meron. Mas malaki lang kasi yung sa clubhouse, then may slide and dive board (or whatever it’s called).

Palabas na kami ng clubhouse ng maramdaman kong may nag-iba kay Paul,. Parang nag-iba yung aura niya. Hindi mapapansin yun ng iba pero ako, alam na alam ko..may iba sa kanya..parang galit na ewan..

Hindi ko muna pinansin. Pinuntahan na namin yung punong pinag-iwanan ng bike namin. Nagulat na lang ako ng bigla na lang siyang umalis ng hindi pa ako hinihintay. “Paul!” sigaw ko. Pero hindi siya lumingon. Kaya napagpasyahan kong sundan na lang siya.

Anu nanaman kaya ang pumasok sa utak nito? Nauna siyang dumating sa bahay. Hinayaan ko muna siyang pumasok at umakyat bago siya sundan, ayokong ipahalata sa iba na may problema kami..actually ako nga hindi ko alam kung may problema kami..

Dumiretso siya sa kwarto. Sinundan ko naman siya, mukhang nagkakasiyahan sa likod ang pamilya ko kaya walang tao sa loob nung pumasok kami.

Pagpasok ko sa kwarto ko, naabutan ko siyang nakahiga sa kama. Nakatingin lang sa kisame. Lumapit ako sa kanya at nagtanong, “Anong problema mo?”

“Wala.” kahit sino naman siguro malalaman nag alit siya dahil sa tono ng boses niya.

“Wala? Eh bakit ka nagkakaganyan?” tanong kong muli.

“Wala nga!” At tumagilid siya para tumalikod sa akin.

Lumuhod ako sa kama at lumapit sa kanya. Hinawakan ko ang balikat niya, at niyugyug siya. “Paul! Anu ba? Kausapin mo nga ako!”

“Dun ka na nga! Dun ka na sa Leo mo!” sabi niya.

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Bakit naman niya sasabihin yun? “Ano?!”

“Dun ka na nga!” sabi niya.

“Ewan ko sa’yo hindi kita maintindihan!” at tumayo na ako at pumunta sa closet ko para ihanda ang mga damit ko.

Hanggang sa pagkain namin ay hindi kami nagkikibuan ni Paul.. Hindi ko naman kasi siya ma-gets..bigla na lang siyang magiging ganun.. Hay nako!

“Mga anak, nga pala, yung nagpareserve ako ng mga rooms natin, hindi ako nakakuha ng malaking unit, para sana isang unit na lang tayong lahat. Kaya lang wala na daw available, kaya puro pang 2 tao lang yung mga unit na nakuha ko at saka isang queen size bed lang each. Pero kumpleto naman, may balcony lahat, may bathroom siyempre, may TV, then may wifi din sila.. So kami ng daddy niyo sa isa, si kuya niyo at si Ian yung isa, tapos si Marvin at si Paul dun sa isa. Okay lang ba?” Pagpapaliwanag ni daddy.

“Eh sila lolo and lola?” tanong ni Ian.

“May work pa kasi ang Papa, ang lola niyo naman, ayaw sumama ng hindi kasama ang lolo niyo..”

“Ahh okay.” Sabi na lang ni Ian.

“Paul, Marvin, ano okay lang ba sa inyo?” tanong ni daddy.

Nagkatinginan kami ni Paul. “Opo.” Sabay naming sinagot.

“Okay good, matulog kayo ng maaga ha, maaga pa ang flight natin bukas.” Sabi naman ni mommy.

Matutulog na ako ng kausapin ako ni Paul.

Nakahiga na ako ng lumapit siya sa akin at yakapin ako. “Sorry na..”

“Hmmpp! Dun ka na nga!” pagtataboy ko sa kanya.

“Sorry na…” at hinigpit niya ang yakap niya sa akin.

“Matulog ka na nga Paul! Maaga pa tayo bukas!” pagsusungit ko sa kanya.

Pero hindi pa rin siya tumigil.. “Labs..sorry na po..”

At natawa ako sa sinabi niya.. “Oo na sige na! basta wag mo na nga ako yakapin! Kinikilabutan ako!” kunyaring ayaw ko, pero sa loob ko, gustong gusto ko!

“Yehey! I lab you labs!” sabi niya.

“Bugok!” sabi ko na lang.

Nakatulog kami na nakayakap siya sa akin. Hindi ko na rin siya sinuway, kasi nga gusto ko rin naman yun! Hahahah!

Maaga ang flight namin papuntang Palawan. Nakatulog nga ako sa biyahe papuntang airport. Pero nung nasa plane na kami, hindi na ako nakatulog kasi saglit lang din naman ang biyahe. Maganda ang napiling beach resort nila Mommy. White sand beach, blue sea, palms everywhere, tapos since nasa west side kami ng Philippines, makikita namin ang magandang sunset. Pati ang mga crew nila dito mababait.

Pumunta na kami sa kanya kanya naming kwarto para ilagay ang mga gamit namin. Maayos naman yung kwarto namin. Maganda ang ambiance. Wooden yung flooring ng balcony, tapos yung bed malapit dun sa balcony kaya kung gusto mo ng fresh air bago matulog pwedeng pwede na kahit nakahiga. Tapos may table sa gilid ng bed, tapos may nakapatong dun na lamp. Tapos maluwang yung bathroom, may malalaking salamin (perfect na perfect para sa akin). May malaki ring closet. Tapos may glass cabinet na lalagyanan ng mga silverware, plates at glassware. Tapos may frigde din at microwave oven. Tapos may vase na may roses sa table sa tabi ng TV set..Basta, cute yung kwarto heheh.

Pagkaayos namin ng mga damit namin sa closet, nag-aya si Paul sa beach. Kaya nagpalit na kami ng damit to swimming outfits; shorts, shirt, flipflops, shades.

Tara! Swimming na tayo!” yaya niya.

“Sige ikaw na lang, dito na lang ako sa shore,.” Sagot ko naman.

“Sure ka?” tanong niya.

“Oo.” Sabi ko at nginitian siya.

Umupo ako sa isa sa mga beach chairs (or whatever it’s called) doon. Dala dala ko ang libro kong “Alex Rider.” I’m on the last book of the series na kasi kaya gusto ko na siyang tapusin. Gusto ko kasing nagbabasa ng mga ganitong books, mystery and adventure. Anyway, iniwan naman sa akin ni Paul yung tsinelas niya at yung t-shirt niya pati na rin yung shades niya pagkatapos ay pumunta na siya sa dagat.

The weather’s so nice. The sun, the breeze, the sea, everything seems so perfect. Pero I can’t concentrate. Bumabalik pa rin talaga sa akin ang mga nangyari.. Yung pagtatagpo namin, yung pagkita ko sa anak niya sa elevator, yung paghalik sa kanya ng asawa niya, yung pagsabi niya sa akin ng minahal niya ako. Halos isang oras na din siguro akong nagfe-fake-reading ng dumating muli sa Paul.

“Vin! Tara na miming ka na!” paanyaya sa akin ni Paul.

Hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa libro para hindi niya mahalata na may gumugulo sa isip ko. “Ikaw na lang, Paul.”

“Ehhhhh wala akong kasama eh,.” Sabi niya.

“Si kuya? Si Ian?” tanong ko.

“Sige na nga,. Kila kuya na lang ako sasama.. pag ikaw may kailangan sa akin, lagi naman akong nandito para sa’yo, pero ako, sasamahan mo lang ayaw mo pa.” pagtatampo niya.

Medyo na-kunsensya naman ako sa sinabi niya. Tama kasi siya, he’s always there for me whenever I need him..He’s always there whenever I need someone to talk to, someone to lean on. Ang unfair ko naman sa kanya diba..

“Sige na nga..” sabi ko na lang..

“Wag na mukhang napipilitan ka lang eh..” sabi niya.

“Eto na nga po! Lika na!” hinawakan ko ang kamay niya at niyaya siya. Ngumiti ako sa kanya.

Mukha namang nakumbinsi ko siya dahil ngumiti siya pabalik.

Tinanggal ko ang t-shirt ko, pati na rin and shades at flipflops. “O tara na.” At pumunta na kami sa dagat. Paul’s a good swimmer.. me?? Not so much..lol. May fear pa rin kasi ako sa pagswimming lalo na sa dagat, marami kasing tumatakbo sa isip ko,.. Pano kung may pating jan? Pano kung higupin ako ng dagat? Pano kung tangayin ako ng alon? Pano pag may kumagat sakin na sea creature or something??? Siguro epekto yan lahat ng mga nababasa ko.

Pero nandiyan naman si Paul eh. May magliligtas sakin kapag nalunod ako.. may mag-CPR. May mag-ma-mouth to mouth resuscitation! Charot!.

Nakaraos naman kami ng hindi ako nagiging paranoid, or naaksidente. Nag-enjoy naman ako. Pansamantala kong nakalimutan ang mga gumugulo sa isip ko..marahil kasi kasama ko si Paul..ewan..basta masaya ako..

 We took a short break para kumain ng lunch sa restaurant ng resort. Dumaan muna kami sa room namin para iwanan ang libro ko. Looks like hindi ko pa matatapos ang libro ko. Pagkatapos namin kumain ay bumalik na naman kami sa beach, pero this time, nagstay na lang kami sa shore. Malapit sa isang palm tree. Naglatag kami ng dalawang malaking towels sa buhangin at iyon ang hinigan naming dalawa. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising akong nakadapa sa towel. Tumingin ako sa kanan ko at nakitang wala na doon si Paul. Tumayo ako at inikot ang ulo ko para hanapin kung nasaan siya,. Pero dumami na ang mga tao at nagging mahirap para hanapin siya. Yang si Paul talaga, iniwan ako! Lagot sakin yun!

Hinahanap pa rin ng mga mata ko si Paul sa mga tao ng biglang may nagsalita sa likod ko.

“Looking for me?” tanong niya.

Tumalikod ako para harapin siya. Nakangiti siya sa akin at may hawak na dalawang buko na may straw. “San ka ba nagpunta, iniwan mo naman ako mag-isa dito eh!”

“Bakit? Na-miss mo ko no?” sabi niya ng may pilyong ngiti.

Tinulak ko ang noo niya. “Umm!”

Tumawa lang siya. “O eto, uminom ka muna.” Iniabot niya sa akin yung isang buko.

Bumalik kami sa kwarto namin dahil nga marami nang tao, besides, parehas na kaming tinatamad. Naligo muna kami para matanggal ang amoy dagat at ang mga buhangin sa aming mga katawan..Pagkatapos ay natulog na kami. Napagod na rin kasi kami.

Paggising ko, magkayakap kaming dalawa. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakayakap ko sa kanya para hindi siya magising. Pero nagising siya.

“Sorry, sige matulog ka na ulit.” Sabi ko na lang.

“Hmm? San ka pupunta?” tanong niya.

“Ah eh wala, aasog lang ako ng konti, nayakap kasi kita, baka hindi ka makahinga.” Sabi ko.

Tumagilid ako ng higa patalikod sa kanya. Nagulat na laang ako ng niyakap niya ako.

“O, kailangan nakayakap?” tanong ko.

“Shh…wag ka nang maingay, matulog na lang tayo..” sabi niya.

Kaya hindi ko na lang ininda, at natulog na lang ako ulit. Sa muli kong pag-gising, palubog na ang araw.

Nakayakap pa rin siya sa akin. Hindi naman ako gumagalaw. “Paul?”

“O?” sagot niya.

“Nagugutom na ko..kain na tayo..” sabi ko.

Natawa naman siya. “O sige, nagugutom na rin ako eh..”

Kasama namin sila daddy ng mag-dinner kami.. Pero nagpa-iwan kami ni Paul nung nag-aya na silang matulog. Kaming dalawa na lang sa table, kumakain ng ice cream, at nakatingin sa dagat. Nagulat na lang kaming dalawa ng biglang may kumalabog sa likod namin. Pag lingon namin, may batang nakadapa sa floor, mukhang nadapa. Kaya kaagad kaming tumayo at nilapitan yung bata.

“Are you okay?” tanong ko sa bata habang itinatayo siya ni Paul.

Nagtaka ako dahil hindi siya umiyak. Inangat ko ang mukha niya at nagulat ako sa nakita ko…Siya…yung…anak…ni…siya nga…hindi ako pwedeng magkamali.

“Okay ka lang ba bata?” tanong sa kanya ni Paul.

“Opo, matapang po ako hindi po ako iyak!” sabi ng bata.

“Wow!” natawa naman si Paul sa sinabi nung bata. Ako naman parang natulala lang sa nakita ko..if he’s here, then…

“Vincent!” sigaw ng isang lalaki sa likod ni Paul..

And that’s when I saw him, the reason of my grief. Nagkatitigan lang kaming muli. Bumalik lahat sa akin.. Pero hindi lungkot.. kungdi galit ang nangibabaw sa akin.. Gusto ko siyang suntukin, sampalin, tadyakan, lahat lahat na.

“Papa!” sabay yakap sa kanya nung bata. Kinarga niya ito at nagtanong, “Anung nangyari sa’yo? Bakit namumula yang tuhod mo?”

Si Paul ang sumagot sa tanong niya. “Ah eh nadapa po kasi siya, buti nga po hindi siya umiyak eh, mukhang matapang ang anak ninyo.”

“Hon! Vincent!” biglang lumitaw sa likod nila si Jessa. Napatingin siya sa akin at nagulat. “Theopher, right? Nandito ka din pala.”

Biglang napatingin sa akin si Paul. Parang nagtatanong na “magkakilala kayo?”

“Hi, uhmm…dito kasi ang napili ng mga parents ko para magbakasyon. I didn’t know na nandito din pala kayo,.” Because if I know na nandito kayo, then sa iba na lang kami pupunta. Gusto ko sanang sabihin yun pero ayoko naman maging bastos,. I’m not the bad guy here, ako nga ang naagrabyado eh.

“And uhmm si Paul nga pala–” hindi pa ko tapos magsalita ng bigla siyang nagsalita.

“Boyfriend niya.” Sabay abot ni Paul sa kamay niya. Napatingin ako sa kanya. BOYFRIEND??!

“Oh..” ang nasabi na lang ni Jessa. Gulat naman ang makikita sa mukha nung asawa niya.

Actually ako rin nagulat..Pero hindi ko pinahalata, at sumakay na lang sa kung anu mang gimik niya.

Iniabot ng asawa ni Jessa ang kamay ni Paul, at nakipagkamay sa kanya,. “Marvin pare. At.. asawa ko, si Jessa, tapos..anak namin..si Vincent..”

Nginitian naman sila ni Paul. Ng mabaling sa akin ang tingin ng asawa ni Jessa, Parang naging malungkot siya. (kung mapapansin mo, hindi ko na sinasabi ang pangalan niya,..Hindi ko kasi kayang sabihin ang pangalan ng taong nanakit sa akin..)

Pero hindi ako naaawa sa kanya. Hayaan mo siyang maging malungkot..Kulang pa yan sa ginawa niya sa akin.. Kaya inasar ko pa siya, nginitian ko siya pagkatapos ay nakipag-holding hands kay Paul.

“Ah eh sige, mauna na kami. Enjoy na lang kayo.” Paalam ko sa kanila.

“Sige, kayo rin.” Sabi ni Jessa. Kahit na nakangiti siya sa amin, alam kong nandidiri siya sa amin. Pero wala akong pakielam.

Umalis na kami. Hanggang sa kwarto namin, hindi pa rin naghihiwalay ang mga kamay namin ngunit hindi kami nagsasalita. Pagdating namin sa kwarto, dun na ako nagsimulang umiyak..hindi ko alam kung bakit ako umiiyak,. Ang alam ko galit ako sa kanya..pero hindi ako nalulungkot, so bakit ako umiiyak?

“Bakit ka umiiyak?” tanong sa akin ni Paul habang pinupunasan ang mga luha ko.. “Dahil ba sinabi kong boyfriend mo ko? Sorry na…”

“Hindi Paul…”

“Eh bakit?” tanong niya.

“Yung lalaki kanina…siya yun…” sabi ko.

“Siya ang alin?” tanong niya.

“Siya yung taong dahilan kung bakit ako umiiyak.” Sabi ko sa kanya.

“Yung gago na yun?!” tanong niya.

Tumango lang ako.

“Gago siya, humanda siya sa akin!” lalabas n asana si Paul ng kwarto pero pinigilan ko siya.

“Paul wag na..please..” pakiusap ko. “Please…”

At niyakap na lang niya ako habang humahagulgol ako sa kanya. “Shh tahan na..tahan na..” Sinubukan niya akong patahanin pero hindi pa rin ako tumitigil.

Inalalayan niya ako papunta sa kama at inihiga niya ko doon. Humiga naman siya sa tabi ko. Ipinatong niya ang ulo ko sa balikat niya at ibinilot ang kanyang mga bisig sa akin.

“Hindi mo dapat siya iniiyakan..I already told you.. he’s not worth it.” Sabi niya.

“I just can’t help it..Palaging bumabalik sa akin ng lahat..”

“You deserve someone better..You don’t deserve this..” sabi niya.

Pero tuloy lang ako sa pag-iyak..

Inangat niya ang ulo ko para magkaharap kami. Pinunasan niya ang mga luha ko..And that’s when I happened…

He kissed me..and this time, he really KISSED me..on my lips..

------------------------------------------------
Until the next episode,
Vin.

Read more...

Exchange of Hearts 3

Tuesday, August 14, 2012


Hello po sa inyo lahat na patuloy na nagsusubaybay sa at tumatangkilik sa mga kwento ko. Unang una po nahihiya po ako ngayon sa inyo dahil ilang buwan na din ako naging inactive sa pag post nang mga kwento ko. especially po ang update nang Exchange of Hearts na napakarami nang tumatangkilik and it is so overwhelming to hear comments and violent reactions from my readers it really help me grow as a writer. 

Pangalawa po, ibibigay ko po ang rason kung bakit ako nawala nang matagal, I have been struggling with my studies and paperworks for my upcoming board exam and hindi ko madugtungan ang kwento dahil nagaaral pero i really try to put more inputs para maganda kaya medyo matagal talaga.

Sa ulit po I am very sorry! sana po ay patuloy niyo apng tangkilikin ang kwento... salamat po and enjoy chapter 3 of Exchange of Hearts. 

Chapter 3: Litrato

[Kurt]

“I was there when it all happened, the night of the tradgedy that happened to Carlsen… magkababata kami niyan, naalala ko noong nag kakilala kami sa school, binubuly kasi ako noon, lampa, payat, nerd… but he stood for me. Since then naging mag best of friends kami niyan. Parati kami magkasama, we play basketball together, lumalabas tuwing hapon, kasama nga rin niya ako nung niligawan niya yung classmate namin.

Until, one day nawala ang Daddy niya, ako ang taong palagi niyang tinatakbuhan noon, umiiyak siya, parati niyang sinasabi na miss na miss na niya ang daddy niya at ito raw ang tanging nagmamahal sa kanya nang lubos. I left for the States that same year, my mother married her business partner at that time and we all migrated there.

Di ako nakapagpaalam nang maayos, dahil alam kong it would be hard seeing him in that depressive situation, dahil dun I promised na when I return gagawin ko ang lahat para mapasaya ang kaibigan ko kaya sososrpresahin ko sana siya sa birthday niya… pero di ko akalaing yun na ang huling araw niya sa mundong ito.”

Maluhaluha akong nagsalita sa necrological service para kay Carlsen, di ko sukat akalaing din a kami nagkita muli pagkatapos nang matagal na panahon. Kinuha ko ang microphone at lumapit sa mga labi niya at maluhaluhang sinabi na

“Paalam aking kaibigan, hanggat magkita tayo ulit, and don’t worry the company that you have been saving for the last 5years… You will be my inspiration bro”

Natahimik ang lahat nang tao sa simbahan, araw ito nang kanyang libing pero puro pamilya lang niya ang nandoon at mga matatalik na kaibigan, ibang empleyado na forced pang pumunta. Alam kong hindi naging mabuting boss si Carlsen pero hindi nila alam ang dinaan niya bago pa siya nang president nang companya na pag-aari din niya.

Nang may nakaagaw nanag attensyon ko sa may bulwagan nang simbahan, isang lalaking nakaputi na namumukhaan ko, at nagtinginan kami mata sa mata, nang mamukhaan ko na siya ay gulat ang namuo sa aking mukha “It can’t be” at ang hawak kong mikropono ay nahulog at umalingaw-ngaw ang di magandang tunog dahil sa feedback, di ko ito pinulot dahil nakatunganga parin ako sa kinalalagyan nang lalaki na bigla namang umalis.

Humingi ako nang paumanhin kay Tita Luisa at nagdalidali akong lumabas nang simbahan para habulin ang taong yun, nang makita kong pumasok siya sa isang maitim na kotse na parng nagmamadali pero nakatingin pa siya sa akin…

“CARLSEN”

[Kahapon sa Villa Montenegro]

“CLARENCE” sabi ni yaya Glorya na namuti bigla sa kanyang kinatatayuan.

“Sino po si Clarence?” tanong naman ni Lance na nahihiwagaan sa mga kilos ni yaya Glorya.

“Hi- hindi… Carlsen ang sinabi ko, wala akong sinasabing Clarence anu ka ba” sabi ni yaya glorya na napalitan nang ngiti ang mga labi nito habang tinititigang mabuti si Lance.

“hali ka nga dito iho” dugtong pa niya. Lumapit naman agad si Lance at niyakap siya ni yaya Glorya nang mahigpit. Nang napakahigpit.

Gabi na nang nakapagpahinga ang kambal sa kwarto ni Carlsen. Di man sila sanay na magkatabi matulog ay kailangan kasi wala ni isang empleyado sa mansion ang may alam na nandoon sila maliban kay yaya Glorya.

“Carl… anu na ang plano mo ngayon?”

“Kailangan kong malaman ang may gawa nito Lance… at sa lalong madaling panahon, ayoko na may madamay pa sa mga pangyayaring ito, ayoko na pati si Mama ay madamay.”

Nang may kumatok sa may pinto, na nagbukas naman dahil ginamitan nang susi, si yaya glorya pala yun na may dalang pagkain.

“kain muna kayo mga anak” hindi mawala sa mukha niya ang ngiti.

“nabalitaan ko na gusto ni Tita Criselda mo na kunin ang pwesto mo sa pagka president” dagdag pa ni yaya glorya habang kumakain ang dalawa.

“Sabi ko na nga ba si Tita Criselda siguro ang may tangkang pumatay sakin dahil gusto niyang kunin ang pwesto ko sa Companya.” Sabi ni Carlsen na may halong galit.

“at least ngayon may lead na tayo tol, lets start there.” Sabi ni Lance.

“pero hindi siya nagtagumpay anak, yung anak ni Mr. Trinidad ang pumalit sa puwesto mo.” Sabi ni yaya Glorya. Nagtinginan lang ang kambal.

[Sa Montenegro Company]

9:00pm

“Mauna na kami umuwi Eunice” sabi nang isang katrabaho ni Eunice sa Companya.

“Sige tatapusin ko nalang itong financial statement para kay Mr. Trinidad bukas” Sagot ni Eunice.

Madilim na ang buong 35th Floor kung saan ang opisina nang president, akala ni Eunice wala nang tao at siya nalang ang nagtatrabaho nung mga oras nay un. Kaya tutok na tutok siya sa gawain. Nang bglang nag ring ang telepono.

“hello Dad?”

“Princess, buti naman sinagot mo na mga tawag ko”

“Dad, uulitin pa ba natin to? Di ako uuwi hanggang I can prove my worth to you and to be what I want to be”

“Alam ko naman yun princess,I Just want the best for you. Nagtatrabaho ka bilang secretarya na pwede ka namang maging Boss sa Marketing department natin. Anak Valderamma ka, hindi mo na gawain yan.”

“I told you, I can only live up to my Family name kung alam ko nang kayak o, ayoko mangyari sakin ang nangyari kay kuya. Never.” Sabi ni Eunice habang naglalakad papuntang restroom.

Lingid sa kaalaman niya basa ang sahig dahil kakamop lang ito nang janitor, at nung malapit an siya sa pinto ay nadulas ito buti nalng at may lalaking nakasalo sa kanya. Si Kurt.

Nahihiya man si Eunice eh tumayo siya nang matuwid at angpaumanhin sa kanyang amo.

“Sorry po talaga sir, hindi ko po alam na basa ang sahig” napayuko lang siya nang sianbi niya iyon.

Hinawakan ni Kurt ang baba niya at inangat ang ulo nito, at kitang kita sa mukha ni Kurt na natatawa siya, pero ang mga ngiti niya ang nagpahanga sa kay Eunice.

“It’s okey, at least no body got hurt.” Sabi niya. Pero di kumikibo si Eunice at nakastick lang talaga ang mata niya kay Kurt.

“next time be careful…” sabi ni Kurt habang pabalik sa opisina niya, pero napako parin ang tingin ni Eunice sa kanya.

Nilingon siya nito “and Eunice, Cancel all my meetings tomorrow and come with me.” Sabi niya.

“Ha? Sir?” mahinhin na sagot ni Eunice. Iniisip niya kung bakit siya niyayaya nito na lumabas sa susunod na araw.

“to the Funeral… remember?”

“ah, yes sir.” As a sign of relief.

“Good see you tomorrow then” he said entering the room.

[Villa Montenegro]

Nasa kusina si yaya Glorya nang tumunog ang telepono nito.

“Hello Glorya” isang lalaki na malalim ang bosses ang nagsalita sa kabilang linya, pamilyar ang boses niya.

“Sir Felix!” sabi ni yaya na may galak. Simula noong Nawala si Felix alam na ni yaya Glorya kung nasaan ito, may nagtangka din kasi sa buhay niya at kasalukuyan niyang iniimbestigahan ito, pero sampung taon na ay wala parin siyang nahanap.

“Nabalitaan ko ang nangyari kay Carlsen, di ako makapaniwala…” nang pinutol ito ni yaya.

“Buhay si Carlsen!”

“Ano? Buhay siya?”

“Oo, nandito siya sa Villa Montenegro, at ligtas siya dito Felix” at di naman makapagsalita si Felix sa kabilang linya.

“Hindi lang siya ang buhay…” dugtong pa ni yaya “… Pati si Clarence buhay din!”

“Wag kang magloko nang ganyan Glorya, kitangkita mo noon na walang buhay ang bata nung ipinanganak siya” galit an tugon ni Felix sa kabilang linya.

“Oo Felix, pero kahit ako hindi makapaniwala, pero tadhana na ang nagdikta nang mga pangyayari at nagkita na silang magkambal”

Samantala sa kwarto habang naguusap sila Lance at Carlsen, tinitignan nila ang mga photo album nila Carlsen.

“Yan yung time na nag waterslide kami ni papa… yan ang pinakamasayang araw nang buo kong buhay” sabi ni Carlsen habang tinuturo ang isang lumang litrato.

“I envy you, you had a good childhood.”

“Oh bakit naman?”

“Ampon lang ako Carlsen, limang beses ako nagpapalit-palit nang mga magulang, meron na inabuso ako, meron din namang gnawa akong alipin nang sindikato at nung huli kong pamilya ang siyang nagbigay sakin annag lahat lath ay kinuha din sakin dahil sa aksidente.” Maluha-luhang sabi ni Lance

“Wag ka nang umiyak tol, ako na ngayon ang pamilya mo, hinding hindi kita iiwan tandaan mo yan” napangiti lang ang dalawa sa mga pangayayari.

“eh sino naman tong katabi nang papa mo?”

“Yan si Mr. Tan, Bestfriend ni papa, siya ang may-ari nang Tang Kuang Mu Group of Companies”

“Yan yung Ospital kung saan gusto ni Dennis magtrabaho.” Nakangiting sabi ni Lance.

“Sino si Dennis?”

“Bestfriend ko, yung taong hindi pa ako iniiwan” napangiti naman si Lance.

“Ah, naalala ko sabi ni Tito sa akin noon, kung kakailanganin ko ang tulong niya, kahit ano puntahan ko lang daw siya”

Mahimbing muli ang tulog nila noong gabing iyon.

10:00am

Nagising si Lance na wala si Carlsen sa tabi niya. Pero nakatangap siya nang text galing dito.
Di ko kayang hindi makita si mama bago siya umalis papuntang amerika, I will go to my own funeral. At babalik din ako agad, may sasakyan naman ako. Ingat ka diyan kambal magkikita pa tayo.

Agad naman siyang tinawagan ni Lance.

“Tol? Nasaan ka?”

“Umalis na ako tol nakita ako ni Kurt, yung bagong president, di naman niya siguro ako isusumbong pero…” naputol ang salita ni Carlsen at may narinig si Lance na putok nang baril.

“Carlsen ano ang nangyayari?”

“May nagpapaputok sa akin. Di ko kilala” kasalukuyang nasa bundok na bahagi ni si Carlsen nang may nagpaputok na mga tao mula sa likuran niya. “Lance making ka, kahit anong mangyari magpakatatag ka”

“anung gagawin ko?”

“Tawagan mo si Mr. Tan, merong private number sa likod nang litrato nila ni dadi yung pinakita ko kagabi, yun ang gamitin mo para ma contact siya.”

“okey, eh pano ka?”

“Basta Lance, kahit anung mangyari sakin ngayon, Promise me. Ipaghiganti mo ako, ata ng pamilya natin”

Hindi na makaimik si Lance sa kabilang linya, at patuloy parin ang putukan.

“Alalahanin mo Lance, mahal na mahal ka ni Kuya” at biglang amy narinig siyang nabindol na parang metal at narinig din niya na gumugulong ang sasakyan nang kapatid niya…

“Carlsen, andyan kapa? Ano ang nangyayari sayo?... magsalita ka naman?”

Nang biglang BOOOOOOOOOOOOM! May sumabog at naputol ang linya.

Di maipinta sa mukha ni Lance ang nangyayari, Hindi siya makapaniwala sa mga narinig, at nanlumo talaga siya sa sitwasyon.

“Ipaghihiganti kita Carlsen, Ipaghihiganti kita!” nasabi iyon ni Lance na may galit, kirot sa puso.

Tinawagan niya si Mr. Tan doon sa telephone number na nakalagay sa likod nang litrato.

“Hello Mr. Tan?”

“ Sino to? Pano mo nalaman ang number na ito?”

“Di na mahalaga yun, ang mahalaga magkita tayo!”

“Di kita kilala iho, pano ko masisiguro na hindi ka masamang tao?”

“Wag kang magalala tungkol ito sa mga Montenegro, so kakausapin mo naba ako?”

“meet me at my office tomorrow morning…” pinutol ito ni Lance.

“Di na po mapapabukas to, Pier 28, 1pm, tayong dalawa lang” at bigla niya itong binaba.

1:05pm

[Pier 28]

Papasok si Mr. Tan nang namukhaan niya ang nagiisang tao doon sa lugar.

“Carlsen?” sabi niya nang may pagkabigla.

“Di po ako si Carlsen, Patay na po si Carlsen, at alam kong may pumatay sa kanya”

“eh sino ka? Paano nagkaroon nang kaitsura si Carlsen?”

“Di ko din po alam, and I am going to find out… kailangan kop o nang tulong niyo”

“Anung maitutulong ko ijo?” alanganin na sagot nito

“Gawin niyo akong anak ninyo, at dun na akong magsisimulang maghiganti” pero makikita talaga sa mukha ni Lance ang determinasyon sa kanyang mungkahi.

“Kaya mo ba maging anak nang isang Caleb Uriel Tan?” tanong niya ulit an may halong pangamba.

“Para sa kapatid ko, gagawin ko talaga ang lahat para sa kanya.”

Makikita mo sa mukha ni Caleb na kombinsido na siya nang binata. “Ano ang gusto mong bagong pangalan ijo?”

“CLARENCE… Clarence Alexander Tan!”

_itutuloy_

PS. Salamat po talaga sa pagtangkilik sa mga gusto pong mag share nang feeling nila meron pong comment box sa ilalim nang page nato o pwede niyo rin akong e add sa Facebook! Thank you!

Read more...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP