Final Dance

Thursday, May 3, 2012

sorry po kung hindi na po ako nagiging active sa mga posts ko

as of now po kasi kahit wala na po ako ng trabaho eh aaminin ko pong naubusan ako ng idea on how to "re-write" the lost chapters of HILING.

nagreformat po kasi ng loptop ko at sa kasamaang palad po ay pati ang back up file ko ay binura din ng technician. It was partly my fault din naman po kasi di ko po nasabihan na back up file ko yun...

so for now heto po ang isang short story sana po ay magustuhan ninyo ito. First time ko pong mag sulat ng ganito kaya sana po pasensyahan na ninyo...

aaminin ko po mejo may pagkakahawig ang last part nito sa NAPOLEONES ni WHITE PAL...

sorry po kung ganun aminado po ako dito, so please dont be so harsh...

again sorry po kung hindi na ako active sa pag susulat

NOTE: the routine is based on a game titled DANCE CENTRAL 2 and hindi po yan ang nakuha kong score hindi po kasi namin kinukunan ng video ang aming paglalaro kaya sorry po, pero 100% po talagang yan ang routine.

Final Dance

“This will be my final dance guys…” ang sabi bago ako umalis para umuwi na sa amin. Ayaw ko man kasing gawin ay kailangan. Alam ko mamimis ko talaga ang mga nagging kaibigan ko lalo na ang isang tao na nahulog ang loob ko. Itago na lang natin sa pangalang “Jaryn” ito kasi ang paboritong character niya sa aming nilalaro at the same time eh favorite ko rin ang kakambal ng character niya na si “Kerith”

Bago nga pala ang lahat ako nga pala si Third writing is my hobby but dancing has been and will always be my life and passion. Graduate ako ng Food Technology and nag trabaho ako sa isang food manufacturing plant sa cavite.

Una kong nakita ang pioneer members ng dance central family noong December 25, 2011. Christmas Eve nang unang nabuo ang Love Jerkz crew at January 14 2012 na nang ako ay nakasali sa grupo. My first dance with them was the most amazing experience in my life I have never met people na kayang sabayang ang pagiging hyper ko sa dance floor.

Mejo mayabang man pakinggan pero I like it na nagwawala at binibigay ang lahat pag ako ay sumasayaw kasi for me mapa game man or real performance I give it all. 3 buwan akong naging active member ng grupo we play the game the way like we dance in front of a mirror, I’ve learned not only to dance but to get along with other sorts of people.

Like all the other group we all started as strangers and soon became the best of friends and the one na bumihag ng puso ko at yun ay si Jaryn.

Si Jaryn ay isa sa masasabi mong mahiyain sa unang tingin pero once na makilala mo na siya ay tiyak matutuwa ka dahil sa kanyang natural na kalokohan ika nga niya nung once nag inuman ang buong tropa “guys im one of the boys kaya naman please wag kayo ganyan”

Biniro kasi namin siya na ang daming nagkaka gusto sa kanya dahil nga sa maganda siya, mabait at magaling din sumayaw.

Gustuhin ko man na itago ang pag tingin ko sa kanya ay di ko rin magawa dahil sa hindi ko maiwasang mag alala at hanapin siya tuwing hindi siya pumupunta sa SM. Lagi ko kasing sinasabi sa sarili ko I don’t want to get into a relationship kasi aalis ako at ayaw na ayaw ko ang may iiwan ako. I don’t like the feeling na iiwanan mo siya dahil kailangan at mauuwi lang sa wala ang inyong relasyon.

I still have that fear kaya hindi ko sa kanya yun masabi. Pero lingid sa kanyang kaalaman na iilan sa aming tropa ang may alam na may gusto ako sa kanya. Kabilang doon ang leader ng aming grupo na tumatayong tatay, kuya at guide naming lahat, maging ang kanyang best friend ay alam na may gusto ako sa kanya pero ako na mismo naki usap na itago ito, natakot kasi ako na mawala ang pagiging malapit namin kaya kinim kim ko na lang ang lahat ng iyon.

Masakit man para sa akin ang iwan sila ay kailangan ko para na rin sa aking ikakabuti pero nagbitaw ako ng isang pangako at gagawin ko ang lahat just to keep that promise “I will be back after 5 or 6 years” alam ko magiging mahirap ito pero gagawin ko ang lahat para matupad ko ang aking pangako.

During my active days, I always try to be with them, because without them I would have never imagined myself in Cavite since one of my main reasons to be there broke up with me. But around them I never felt I was different, we are all bound by a single passion and that is to dance.

Aside from being called the Love Jerkz Crew tinatawag din kaming mga taong SM kasi kahit na anung mangyari ay lagi at lagi kaming pupunta ng SM may pera man o wala basta makapunta kami ng SM masaya na kami lalo na ako.

Especially pag andiyan si Jaryn I can’t seem to stay put pag nakikita ko siya pero ayaw ko rin namang mag show off gusto ko mag behave na at the same time gusto ko mag wala.

It is like being torn between two worlds pagnakikita ko siya. She is my inspiration to dance my heart out alam ko hindi lang naman ako ang nagkakagusto sa kanya and alam ko ring dehado ako.

They are my family kaya I don’t need to hide she knows kung anu ang sexual preference ko pero she didn’t know na may gusto ako sa kanya.

It kills me everytime she call me “Kuya Roj” pero mas gusustuhin ko pang maramdaman ang ganoong klaseng sakit kasi alam ko at tanggap ko na kahit kalian she will never be mine.

One week before ang set date ng aking pag alis ay maraming naging problema ang grupo, anjan na yung tampuhan dito tapuhan dun na di naman alam kung san at kelan nag simula pero ito ang nagsilbing paraan para mas mapatunayan naming kung gaano namin kakilala at kung gaano katatag ang samahan kahit na 3 buwan pa lang ang aming grupo.

24th of march ng muling sinubok ang katatagan naming dahil sa may mga hindi nanaman pagkakaunawaan at pinairal nanaman ang pride at katigasan ng ulo ng bawat miyembro.

Hindi na sana matutuloy ang napag usapang night swimming dahil sa sunod sunod na problema pero naging determinado ang lahat at nag purisigi para lang matuloy ito. Sa parte ko naman ay halos mangiyak-iyak na ako dahil sa kahit papanu ay nakakita ako ng mga taong nagpahalaga sa akin kahit na sa maikling panahon na pag sasama.

Naging masaya at matagumpay ang outing at the same time eh hati na ulit ang aking pakiramdam dahil sa ito na ang huling beses na makakasama ko ang mga taong nagsilbing pamilya ko sa loob ng 3 buwan.

It was the 25 of march at 2pm, I decided na pumunta ulit ng SM hoping to see her again kahit for the last time man lang bago ako umuwi, pero bigo ako dahil hindi na siya pumunta.

Parepareho kasi kaming pagod dahil sa over night swimming just last night, so in short almost wala akong tulog pero lahat kakayanin.

6:30pm ang biyahe ko pauwi, 4pm na pero pakiramdam ko ayaw ko na. Gusto ko pigilan ang oras ayaw kong umalis.

Sa kanila ko masasabi na mga tunay na kaibigan kahit na sa loob ng maikling panahon, through thick and thin magulo man kung minsan pero mas masaya kadalasan ay hinding hindi ko makaklimutan ang LJc.

Sa ngayon I’m a little sad ‘cause ill never see them or her again but I just have to face the reality just like all any kind of dance it has to end and take you bow.


Eto po ang routine na sinayaw ko bago ako nag paalam


Dapat bang kimkimin ko na lang ang lahat ng ito at hayaan ang panahon na turuan akong limutin siya o dapat ko itong sabihin sa kanya bago man lang ako umalis ng bansa?

-end-

1 comments:

Jayson May 3, 2012 at 1:52 PM  

Hi Third, you dont need to apologize because after all this is a free site and no one is paying us to write. Just keep on doing what is best for you.

Thanks for the story anyway!

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP