Perfect Two - Episode 9

Thursday, April 12, 2012


Author's Note: Maraming salamat po sa mga patuloy na nagbabasa ng story na ito. Thank you po sa mga nag-comment dun sa last episode, na sina: Kuya win, Chris, Robert, Ras, Jaz0903, and ryanc.
Thank you rin po sa mga nagmessage sakin sa facebook! kuya kambal, kuya james, kuya jeffrey, KL, al justin, bill, kuya mark, and kuya jennor. Gusto ko rin pong magpasalamt kina: Kristofer, joed, Wicked Writer, Mars , Roan , royvan24 , wastedpup , jm, Rue, darkboy13 , sir Jeffy, -cnjsaa- , john patrick , juan rolando, mj, kuya dhenxo, kuya Jam, kuya Liger, kuya Lance, kuya Jm, kuya kenjie, kuya daren, kuya vince, kuya mike, kuya jayson,  mga silent readers at mga anonymous. Thank you po ng sobra sobra sa patuloy na pagsuporta sa akda kong ito. Sana po suportahan ninyo hanggang sa huli.

Anyway, this is episode 9 of Perfect Two. Enjoy reading and comment na lang po kayu! thanks!

Episode 9 - Sorry (part 2)




“Kenneth…” ang nasambit ko.

“Wow..Naaalala mo pa rin pala ang pangalan ko.” Sabi niya.

Bigla naman akong na-offend sa narinig ko. So anung gusto mong palabasin?

Pero I tried to cool down. “Bakit naman? Hindi naman mahirap tandaan ang pangalan mo ah, Mr. Aragon.”

“Wala lang…Baka lang kasi ibinaon mo na ako sa nakaraan…” sumbat naman niya sa akin.

Parang may biglang tumusok sa dibdib ko nung narinig ko ang mga sinabi niya..

“Kung magsalita ka naman..” nasabi ko na lang..

Who’s Kenneth?? Uhmm…He’s my..ex.. Yup, ex…si Mr. Kenneth Aragon.. First boyfriend ko siya actually.. But we only lasted for a month, last year pa yun… Nagbreak kami kasi, uhmm…anu nga ba?? Kasi nawalan na kami ng time para sa isa’t isa. And isa pa, first time ko sa relationship, so hindi ko pa alam ang pasikot sikot …I was just 15, and he was 17. Hindi ko naman alam ang mga dapat kong gawin..and hindi ko rin sure kung paano ko gagawin..Ewan..

“I remember the first time I saw you.. Sa school cafeteria..” nagsimula siyang magkwento. “Sophomore ka pa lang noon, at Senior naman ako..Kakarating mo lang dito sa states noon.. Bago ka pa lang sa school pero ang dami mo na kaagad kaibigan…At mukha namang nag-eenjoy ang mga tao na kasama ka kasi lagi na lang kayong nagtatawanan…Ang cute cute mo nga everytime na tatawa ka..Wala kasing sounds, tapos para ka lang nangingisay kasi nanginginig ang buong katawan mo, lalo na yang mga balikat mo..” at natawa siya.

Totoo yung sinasabi niya.. I have that abnormal laugh, na wala kang maririnig na kahit anong sound na lalabas sa bibig ko, tapos makikita mo na lang ako na nanginginig tapos namumula yung mukha ko.. Kaya tuwang tuwa rin yung mga tao sakin eh, ang weird and nakakatuwa daw akong tumawa.

“Right from that moment, I know na may something sa’yo.. The way you talk, na parang anghel yang boses mo..the way you walk, na parang nagsslow-motion ka sa paningin ko..the way you dress, simple pero lagi kang cute..The way you smile, that cute angelic smile, just captures me everytime I see it…Everything about you is perfect… Kaya siguro nahulog ako sa’yo..” at tinitigan na niya ako sa mata.

Ano ba tong mga sinasabi niya? Bakit niya ito sinasabi sa akin?? Gusto niya ba akong makuha ulit?? And the way he looked at me.. Those eyes..His eyebrows, his nose, his lips…It seems like they’re telling me something..Pero hindi ko makuha ang gusto nilang sabihin.

Lumingon siyang muli at tumingin sa ilog.

“Hiyang hiya ako noon nung nagpakilala ako sa’yo.. Baka kasi hindi mo ko kaibiganin kapag nalaman mong ganito ako.. at malaman mong may gusto ako sa’yo..” ipinagpatuloy niya ang kwento.. “Pero yun pala, crush mo rin ako..” at natawa siya sa huli niyang sinabi..

Oo, crush ko siya noon. Nakita ko siya sa cafeteria noon, simple lang siyang manamit. Matangkad, naka-spike ang buhok, physically fit din dahil kasali siya sa soccer team..Makinis ang mukha, katamtaman ng tangos ang ilong, medyo singkit ang mata, manipis na labi at maputi..Na-love at first sight nga ako jan eh..Hindi ko nga alam na magiging kami pala.

“Niligawan kita..Naging tayo, pero inilihim natin sa kanilang lahat na merong tayo..” pagpapatuloy niya sa kwento.

Inilihim nga namin sa lahat ang relasyon namin.. Parehas kasi kaming tago at walang nakakalam na ganito kami.

“Pero dumating ang araw…” bigla siyang napatigil sa kwento niya.. “natapos din…” nakita kong may pumatak na luha sa kanyang mata..na kaagad naman niyang pinunasan.

Bigla akong nalungkot at bumalik lahat ng ala-ala.. “I’m sorry…” nasambit ko habang nakatingin sa lupa.

“Wag ka nang mag-sorry..Okay na yun.” Sabi niya, kahit na alam kong hindi pa rin okay sa amin lahat.

Ako yung nakipagbreak sa kanya…Kasi nga, immature ako..hindi ko alam kung paano maging isang mabuting partner sa kanya..May mga doubts ako noon kung paano ko ba ihahandle ang mga responsibilities ko sa kanya..Wala naman kasing nabibiling manual diyan about sa relationship, kung meron sana, edi sana nagtagal kami, and maybe hanggang ngayon kami pa rin… Kaya nga kapag kiukuwento ko to kay Tori, pinapagalitan na lang ako palagi na bakit daw kasi pumasok pasok pa ako sa isang relasyon na hindi pa naman daw pala ako ready… Kaya nga abot ang pagsisisi ko noon… Nasaktan ko kasi siya ng sobra… Ang sama sama ko.. Biglang pumatak ang luha ko.

Sweet kasi sakin yan palagi.. At napakabait niyang tao…kaya nung time na makikipagbreak na ako sa kanya, sobra akong nahirapan…Nasaktan ako ng makita ko siyang umiiyak,.. gusto ko siyang yakapin pero ayaw niya akong palipitin.. Kaya hinayaan ko na lang muna siyang mag-isa…Lagi ko siyang tintext ng sorry.. Pero hindi siya nagrereply. Tintry ko rin siyang tawagan pero hindi niya sinasagot yung cellphone niya.. Kapag naman tinatanong ko siya sa mga kaibigan niya, sinasabi nila na hindi na raw nila siya nakakasabay.. Kaya sobra akong nasaktan. Halos mag-iiyak ako araw-araw.. Pero it came into me na kailangan ko rin naman mag-move on.. hindi naman kasi pwedeng palagi na lang akong iiyak.. Wala namang patutunguhan ang buhay ko kung ganun.. and wala rin namang mangyayari kung mag-iiyak ako buong maghapon. Kaya I tried to focus on school na lang.

“Please wag kang umiyak..Nasasaktan kasi ako kapag nakikita kitang umiiyak,.” Sabi niya. Kaya pinunasan ko ang mga luha ko.

“Bakit ka nga pala nandito?” tanong niya..

“Napadaan lang..” palusot ko na lang. Pero ang totoo, nagbabakasakali akong makikita ko siya dito. Dito ko kasi siya sinagot.. Bigla ko kasi siyang naalala kanina, napaisip ako kung kamusta na siya, kung galit pa rin ba siya sa akin..

“Ah..akala ko naman namiss mo ko..kasi ako, namiss kita..” sabi niya.

Hindi ako nakasagot..Hindi ko alam kung anong sasabihin ko..Gusto kong sabihin na Oo namiss kita.. Pero parang hindi ko kaya.. Kaya ang nasabi ko na lang, “Ah eh sige Kenneth.. Mauna na ako, baka kasi hinahanap na ako sa amin.” Tumayo na ako at akmang aalis na ng bigla siyang nagsalita muli.

“Theo,.”

“Hmm?” napalingon ako sa kanya.

“Mahal mo pa ba ako?” nakatingin siya sa akin.. Nagkatitigan lang kami. Nakita kong nangigilid na ang mga luha niya sa mata.. Hindi ko nanaman alam kung ano ang isasagot ko..Mahal ko siya..Pero hindi na katulad ng dati..Mukhang masyado ko nang napagtuunan ng pansin ang pag-aaral ko kaya nakalimutan ko na ang puso ko..Na parang tinanggal ko na sa katawan ko ang puso ko..

“Kasi ako,..” tumigil muna siya sandali.. “mahal pa rin kita..” at tumulo na ang mga luha niya.. “Mahal na mahal..” pagpapatuloy pa niya.

Tumulo na rin ang mga luha ko…Nilapitan ko siya at niyakap… “I’m sorry..” nasambit ko..at kumalas na ako sa yakap niya kahit na alam kong ayaw pa niya akong pakawalan, at umalis na..

Hanggang sa bus, tumutulo pa rin ang mga luha ko..buti na lang dalawa lang kaming pasahero ng bus kaya walang problema kung umiyak man ako…Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak..Mahal ko pa rin ba siya kaya ako umiiyak? O baka dahil hindi ko pa rin mapatawad ang sarili ko sa nangyari? Hindi ko alam...

Maya-maya’y nagring ang phone ko, tinignan ko kung sino, si Paul.

“Hello?”

“Vin! Asan ka?”

“Pauwi na ako.” Tinry kong wag magpahalatang umiiyak ako. Pero hindi ako nakaligtas dahil sa hindi ko mapigilang patuloy na pagsinghot ko.

“Teka, umiiyak ka ba?”  tanong niya.

“Ha? Hindi ah! Paano mo naman nasabi yan?” palusot ko na lang.

“Weh???? Sino nagpaiyak sa’yo? Tara reresbakan ko.”

Bigla naman akong kinilig sa sinabi niya. “Ulul ka talaga.”

Natawa lang naman siya. “O sige na, ingat ka.”

“Sige salamat.” Sabi ko.

“I love you!” sabi niya.

Natawa naman ako sa sinabi niya. “I love you ka jan?!” siyempre pakipot effect kahit na kinikilig talaga ako. At gusto kong sabihing I love you too!!

“Ayiieee kinikilig naman siya!”

Abnormal talaga tong taong to..Pero oo, kinikilig nga ako.. Para akong tanga no? umiiyak na kinikilig? Abnormal talga ako.

“Sige na bbye na!” sabay baba sa phone ko..

Hayy nako yang si Paul talaga, panira ng moment.

Nakauwi na ako at dumiretso kaagad ako sa kwarto ko. Kaagad ako humiga sa kama ko at nakatulala sa kisame. Unti-unting tumulo ang mga luha ko.

Bakit pa kasi ako nagpunta dun? Ano ba kasing pumasok sa utak mo Marvin! Tapos ayan iiyak iyak ka!

Nakikipagtalo ako sa sarili ko ng biglang may kumatok sa pinto.

“Diko?” si Ian.

Bigla akong nagpunas ng mga luha ko at tumayo para buksan ang pinto.

“Bakit?” tanong ko sa kanya.

“Nandiyan si kuya Paul sa baba, hinahanap ka.” Sabi ng mommy ko.

Ano? Si Paul nanaman? Bakit nandito na naman yang mokong na yan? Hay nako, ano na naman kaya ang gusto nito?.

“Ah eh sige, paakyatin mo na lang dito.” Sabi ko na lang.

Panira talaga ng moment tong si Paul!

Nagpalit na muna ako ng t-shirt ko. Maya-maya’y dumating na siya.

“Hi babes!” sabay yakap sa akin ng mokong.

Medyo kinilig naman ako sa narinig ko at sa ginawa niya. Pero siyempre hindi ako pwendeng magpahalata, diba nga? Hindi niya alam na crush na crush as in bonggang bonggang and love na love ko siya! Mas crush ko pa siya kaysa kay Channing Tatum! Hehehe

“Paul kilabutan ka nga! Yuck!” sabi ko na lang.

“Naku! Alam ko naman na crush na crush mo ko eh!” sabi niya.

Aba! Ang kapal! Oo kahit totoo, pero ang taas naman ng confidence niya!

Tumalikod ako sa kanya at kunyaring natalisod. “Aray!”

“O anong nangyari sa’yo?” tanong niya.

“Yung mukha mo kasi! Sa sobrang kapal naitulak na ko! Ayan oh! Wag kang lalapit ha! Baka mapipit ako ng mukha mo!” sabi ko sabay tawa.

Lumapit siya sa akin at pinisl ang pisngi ko. “Ikaw talaga! Ang cute cute mo!”

“Aray!” daing ko.. kahit na hindi naman talaga ako nasasaktan, kinikilig talaga ako..

Tinanggal ko ang kamay niya at lumayo sa kanya. “Ano bang ginagawa mo dito? Baka naman gusto mong dito ka na tumira? Araw araw nandito ka.”

Para namang ayaw mo ko makita!” pagtatampo niya. “Nag-alala lang naman ako sa’yo, kasi nung magkausap tayo kanina umiiyak ka. Baka kasi ginugulo ka na naman nung gagong Frank na’yon.”

Natouch naman ako sa sinabi niya.. Kaya biniro ko siya.

“Ayiieee! Wag mong sabihin naiinlove ka na sakin ha!” saka siya tinusuktusok sa tiyan.

“Wag mo nga akong ganyanin!” sabi niya.

“Ayiieee!!!” sabay tusok ulit sa tiyan niya. At napansin kong nagb-blush. Teka bakit siya nagb-blush?!

“O bakit nagb-blush ka?” tanong ko sa kanya.

“Hindi ah!” depensa niya.

“Oo kaya!” pamimilit ko.

“Hindi nga eh!” At lumayo na siya sa akin. “Mukhang okay ka naman. Sige, uuwi na ako.”

Palabas na sana siya ng pinto, “Paul!”

Tumalikod siya para harapin ako. Lumapit ako sakanya para bigyan siya ng hug. “Thank you.”

Para san?” tanong niya.

“Basta..” at nginitian ko na lang siya.. “Sige na, baka hinahanap ka na ng girlfriend mo!” biro ko sa kanya.

“Wala po akong girlfriend!” sabi naman niya. “O sige, uwi na ko. Kita na lang tayo sa school bukas.”

“Sige, ingat ka.” Sabi ko naman.

“At kapag ginulo ka nung bugok na Frank yun, sabihin mo lang sakin.” At hinawakan niya ang kamao niya.

“Paul, kalimutan mo na nga yun. Hayaan mo na siya. Wag mong ubusin ang panahon mo sa kanya.” Sabi ko na lang. Ewan ko kung pakikinggan niya ako..pero sana makinig siya. Hate is such a big word…We shouldn’t let hate eat us…Walang pupuntahan ang buhay kung puro galit lang ang papairalin…Hate always end in tragedy. Kaya habang maaga pa, kailangan na natin tanggalin para hindi makasakit ng iba or ng sarili.

“Okay..pero basta ah..” sabi niya.

“Sige na uwi na..” sabi ko.

“Bye.” At umalis na siya.

Muli akong humiga. Ang dami daming nasa isip ko ngayon.. Si Paul, si Kenneth, tapos ayan, si Frank.. hay nako ang dami daming problema sa mundo.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa pag-iisip. Nagising na lang ako sa sunud-sunod na tunog at vibrations ng phone ko dahil sa sunud-sunod na notifications.

Ng tiningnan ko ito, lahat ay mga messages galling kay kuya Vinvin.

(KV= Kuya vinvin; LV = Me)

KV: Little vinvin ko! Musta na?
KV: Buzz!
KV: Jan ka ba?
KV: or tulog ka na?

Nagreply naman ako kaagad.

LV: kuya vinvin ko! Opo dito po ako.
LV: ayos lang naman po ako. Ikaw po?
KV: eto okay lang din..at namimiss ka. :)

Napangiti naman ako sa nabasa ko at kinilig.

LV: Namiss mo po ako?
KV: Oo. Bakit ako ba? Hindi mo po ba ako na-miss. :( Mukhang meron na akong kaagaw sa puso ng little vinvin ko ah..

Nagulat naman ako sa sinabi niya.. Possessive much?? Pero in all fairness, kinikilig ako!

LV: Siyempre naman po na-miss din kita! :)
KV: Talaga?
LV: Opo!
KV: Sige sabi mo yan ha.

At nagpatuloy ang usapan namin. Parang iba talaga ang nararamdaman ko kapag kausap ko siya.. Lagi ako nangingiti, kinikilig, tumatawa.. ewan,. Pero hindi ko pa na-su-sure kung may feelings na ba talaga ako sa kanya. Mabait siya, sweet, humble, masarap kausap, cute, maaalalahanin, possessive in a way na nakakakilig hehehe.

Halos lahat yata napagkwentuhan na namin, yung sa work niya, kung anung kinain ko this lunch, anong ginawa ko sa school, kung may mga homework ba ako.. Pero hindi ko kinukwento sa kanya si Paul. Ewan ko ba.. Isa pa, wala rin namang kaso.. Wala naman akong dapat ikwento,. Crush ko lang naman siya..yun lang. okay siguro love, pero slight lang huh! Hehehe,. Siyempre pinipigilan ko rin naman ang sarili kong ma-fall sa kanya,. Ayokong masira friendship namin dahil lang dun.

Anyway, patuloy kaming nag-uusap hanggang sa napag-usapan namin yung pagkikita namin ni Kenneth.

KV: Nagkita kayo ng ex mo? Nagkaroon ka na ng boyfriend dati?!
LV: Opo,.
KV: Ahh..ano naman nangyari?
LV: Ayun, nagkamustahan..
KV: Yun lang?
LV: sabi niya sakin na-mi-miss raw niya ako…….and,,
KV: And??

Parang nahihiya akong sabihin sa kanya.. hindi ko alam kung bakit..

KV: And anu? Sabihin mo na little vinvin ko..

Kaya sinabi ko na rin sa kanya.

LV: sabi niya mahal pa rin daw niya ako.
KV: anu naman ang naramdaman mo upon hearing that?
LV: Ewan ko.
KV: Ewan mo? Bakit naman?
LV: may part kasi na masaya, kasi akala ko galit siya sa akin kasi nga nakipag-break ako sa kanya and nasaktan ko siya.. May part rin na malungkot, kasi hindi ko alam kung anung isasagot ko sa kanya nung tinanong niya ako kung mahal ko pa ba siya.
KV: mahal mo pa ba siya?

Tumigil ako para mag-isip.. Mahal ko pa rin ba siya?? Para kasing wala na akong nararamdamang matinding pagmamahal para sa kanya.. Siguro as a friend.. pero as a lover? Parang hindi na talaga..Nakapag-move-on na rin kasi ako, matagal na rin naman kasi yun..Pero hindi ko alam  kung bakit ako nalungkot nung nakita ko siyang umiiyak..Dahil ba kasi mahal ko pa siya? O baka naman hindi ko pa rin talaga napapatawad ang sarili ko sa nangyari? Dahil sinisisi ko ang sarili ko kung bakit kami nag-break..Ako naman kasi talaga ang may kasalanan..Hay..ang gulo talaga ng buhay ko!

LV: Ewan ko…Uhmm kuya, pwede po bang wag na lang natin pag-usapan? Ok lng po ba?
KV: O sige,.basta if need mo ilabas yan, nandito lang ako ha..
LV: thanks kuya.

At nagkwentuhan lang kami ng nag-kwentuhan hanggang sa nakatulog ako. Buti na lang nandiyan si kuya Vinvin. Isang taong lagi kong nakakausap kapag kailangan ko ng makakausap..nagpapangiti sa akin kapag malungkot ako..at higit sa lahat, nagpapakilig sa akin. Hehehe.

Lumipas ang mga araw at walang nagbago sa amin ni Paul. Ganun pa rin ang set-up namin, bestfriends, sabay kumakain, sabay umuuwi, magkasamang pumupunta kung saan-saan. Halos araw-araw ko ring nakakausap si kuya Vinvin, at habang tumatagal, mas lalo niyang nakukuha ang loob ko. Unti-unti akong nahuhulog sa kanya, dahil sa kabutihang ipinapakita niya sa akin, sa kasweetan niya sa akin, sa lahat ng tulong na ginagawa niya para sa akin..Si Frank naman, hindi ko na nakikita sa school..Hindi ko alam kung anung nangyari sa kanya pero mas mabuti na yung ganito, na walang kahit anung connection, para iwas gulo na rin. Pagkatapos ng pagkikita namin ni Kenneth noon, hindi ko na rin siya nakita, hindi rin siya nagpaparamdam..Mabuti na rin yun..Para naman makahanap na siya ng iba at makalimutan niya ako.. Mas okay na yun, para wala na ring masaktan samin dalawa.

Lumipas ang mga linggo at unti-unti kong narealize na wala talaga kaming chance ni Paul.. Straight talaga siya, sasaktan ko lang ang sarili ko kung hahayaan kong patuloy akong mahulog sa kanya..And I don’t want to risk our friendship..Kaya tinuruan ko ang sarili kong dumistansya..Sumasabay pa rin ako sa kanilang mag-lunch pero minsan, nagpapaiwan na lang ako sa loob ng campus at kunyaring may gagawin akong project para sa klase ko, para makaiwas lang sa kanya..Nag-start na rin akong mag-stay sa school after uwian para mag-community service sa teacher ko. Para na rin hindi ko siya laging nakakasabay..besides, requirement rin naman kasi sa school ang community service para maka-graduate kaya wala rin kaso.. hindi na rin ako masyadong sumasama sa kanya kapag lumalabas sila.. Hindi naging madali ang lahat, kasi hinahanap hanap ko siya, pero kailangan ko tong gawin..para na rin sa sarili ko.. Hindi ko naman ipinahalata na umiiwas ako, kasi legitimate naman ang mga reasons ko, chaka hindi lang naman siya ang hindi ko nakakasabay, pati rin sina Trina, Tori, at RL ay hindi ko na laging nakakasama dahil nga hinayaang ko nang maging busy ako sa school.. Napansin naman nila ito, pero hindi naman nila ginawang big deal dahil naintindihan nilang para school naman yung ginagawa ko.. At nasanay na kaming lahat sa bago naming set-up.. Mukhang wala namang epekto kay Paul dahil hindi naman siya nagbabago, ganun pa rin siya..Kaya mas nagging pursigido ako na gawin ito..

Pero mas nagging madali ang lahat dahil kay kuya Vinvin..Hindi naman sa ginamit ko lang siya para makalimutan ang naramramdaman ko para kay Paul, may ginawa rin naman ako para talaga makalimutan siya…Ako naman mismo sa sarili ang nagsimula at nagdesisyong kalimutan na siya…Mas pinarealize lang niya sa akin na hindi ko pwedeng ipagpilitan ang sarili ko sa isang taong hindi naman ako nakikita. Marami pa diyang iba kung ibubukas ko lang ang mata ko, mga taong mas handa akong mahalin gaya ng gusto ko..

Lumpas ang araw,linggo, at buwan..Namuo ang nararamdaman ko para kay kuya Vinvin.. Mahal ko na siya.. At gaya rin ng lagi niyang sinasabi sa akin, mahal rin daw niya ako..Nagtapat ako sa kanya, at gaya nga inaasahan ko, ganun rin ang nararamdaman niya para sa akin. Pero hindi naging 100% sang-ayon ang mga kaibigan ko dito..Dahil ng time na ikinuwento ko na sa kanila ito, iba ang nagging reaksyon nila kaysa sa inaasahan ko.

“Mahal mo na siya?! Kelan pa ba kayo nagkakilala?” tanong ni Trina.

“Matagal-tagal na rin.” Sagot ko.

“At sabi niya mahal ka rin daw niya?” tanong naman ni Tori.

“Oo,” maikli kong sagot.

“Sigurado ka ba?” tanong ni RL.

Bigla akong natahimik..sigurado ba akong mahal niya ako?? Pero hindi naman niya ako lolokohin diba? Hindi naman siguro siya nagsisinungaling..

“Naku Papa..Kung hindi ka sigurado, wag kang masyadong magpapadala! Mamaya niloloko ka lang pala niyan!” sabi ni RL.

“Oo nga naman! Hindi mo alam kung anu talaga ang nangyayari, kasi nga diba nasa Pinas siya, tapos ikaw nandito,. Hindi kayo nagkikita sa personal kaya hindi mo talaga masasabi yan Vin.” Sabi naman ni Trina.

Bigla akong napayuko..tama sila,..hindi ko nga talaga alam kung anong totoo.. Pero pinanghahawakan ko yung mga sinasabi ni kuya Vinvin sa akin..na mahal niya ako..na hindi niya ako lolokohin…

“Vin, hindi naman sa ayaw ka namin maging masaya, sinasabi lang namin to, kasi bilang mga kaibigan mo, kailangan naming ibukas yang mga mata mo..Ayaw naming mabulag ka sa pag-ibig sa isang taong hindi naman natin sigurado kung mahal ka nga talaga niya. Kung totoo nga ba talaga siya sa’yo..” dagdag pa ni Tori.

“Tapos sabi mo 32 years old na yun diba?” tanong ni Trina.

Tumango na lang ako.

“O, ang tanda na kaya nun Papa! 16 years ang pagitan ninyo! Papa, ang bata bata mo pa..marami ka pang pwedeng gawin…maganda pa ang future mo.. Wag mo sanang sirain ng dahil lang sa isang lalaki..” payo ni RL.

“Tama si RL, Vin..Pag-isipan mo munang mabuti,.” Sabi ni Trina.

Hindi ko alam kung anung gagawin ko..Parang mahal ko na talaga siya..At kahit anong sabihin nila, parang walang epekto.. Talaga yatang nahulog at nabulag na ako..Pero hindi naman kasi niya siguro ako sasaktan.. Malaki ang tiwala ko sa kanya.. At alam ko, nararamdaman kong mahal rin niya ako.

Patuloy pa rin kaming nag-uusap ni Kuya Vinvin. Hindi ko na sa kanya sinabi ang mga sinabi ng mga kaibigan ko tungkol sa amin..At hindi ko na rin sinabi sa mga kaibigan ko na nag-uusap pa rin kami ni kuya Vinvin.

Mabilis na nagdaan ang panahon at dumatin na ang bakasyon. Excited na excited ako dahil uuwi ako sa Pilipinas. Makikita ko na rin si kuya Vinvin. Hindi ko na sinabi sa kanya na uuwi kami para mai-surprise ko siya. Ng malapit na kaming umuwi sa Pilipinas, nagpaalam muna ako sa kanya na hindi muna kami makakapag-usap dahil magiging busy ako sa mga darating na araw, pero ang totoo, nasa eroplano ako ng mga raw na iyon at excited na makita siya. Hindi naman siya nagtaka, kaya naging successful ang plano ko.

 Umuwi ako sa Pilipinas kasama ng mommy ko. Halos isang buong araw rin ang biyahe. Sinubukan kong makatulog ngunit dahil sa sobrang excitement na nararamdaman ko, hindi ko naramdaman ang pagod o antok.

Sa wakas, magkikita na rin kami. Mayayakap ko na siya ng mahigpit.. At higit sa lahat, mapapatunayan ko na sa lahat na totoo nga ang nararamdaman namin para sa isa’t-isa. Mai-pprove ko rin sa kanila na mali sila, at mahal talaga niya ako, at hindi niya ako niloloko.

Katanghalian, dumating na kami sa Pilipinas. Pag-labas ko pa lang sa airport, naramdaman ko na ang matinding kainitan. Nasa Pilipinas na nga ako. Ibang-iba kasi ang klima dito at sa states.

Sinalubong kami ng dati naming driver. Wala ring kasing nakakalaam na uuwi kami ng mommy, gusto kasi namin i-surprise ang mga kamag-anak namin sa pagdating namin.

Pinakiusapan ko ang mommy ko na dumaan muna sa opisinang pinagtratrabahuhan ni kuya Vinvin. Dinahilan ko na kailangan ko lang dumaan saglit dahil may ipinabibigay ang kaibigan ko sa isang taong nagttrabaho doon. Muntik ko nang hindi mapapayag ang mommy ko, sabi niya magpahinga na lang muna ako at bukas na lang ulit kami lumuwas para ibigay ang dapat kong ibigay.

“Mommy, nandito na rin naman tayo sa Manila, daanan na po natin..Please..Promise po sandali lang po ito..” Pakiusap ko sa mommy ko.

“O sige na nga! Pero sandali lang ha.”

Napapayag ko ang mommy ko at tuwang tuwa ako. Success! Konti na lang…konti na lang at magkikita na kami.

Ibinigay ko naman sa driver namin ang address na ibinigay sa akin ni kuya Vinvin noon.

Mga ilang minuto lang, nakarating na kami.

This is it!

Pumasok ako sa building at nagtanong sa front desk kung saan ang department ni kuya Vinvin. Sinabi ko na may kailangan lang akong ibigay at hindi rin ako magtatagal. Pinayagan naman ako ng lalaking nagbabantay doon.

Sumakay ang ng elevator para puntahan ang sinabi niyang floor. Mas nakasabay pa nga akong mag-nanay sa elevator. Maganda yung babae, mukhang bata pa siya, siguro nasa late20s lang. yung bata namang kasama niya, cute at parang 3 years old na. May kamukha nga yung bata eh, hindi ko lang matandaan kung sino.

Nagkatinginan kami ng babae at nginitian niya ako. Sinuklian ko naman siya ng ngiti.

“Is this your son?” tanong ko sa babae.

“Yes,” sabi ng babae.

“He’s very cute.” Sabi ko.

“Thank you,.” Sabay ngiti niya sa akin. “O anak, you’re cute daw o, what will you say?”

Humarap sa akin yung bata at sinabing “Tenchu po!” Natuwa naman ako sa kanya dahil napaka-cute niyang talaga.

Tumunog na yung bell ng elevator, indicating na nandun na ako sa floor na kailangan kong puntahan, and coincidentally, dun din pala sila pupunta.

Kaagad nagtatakbo ang bata papunta sa isang cubicle. Mukhang dito nagttrabaho ang tatay niya.

Inikot-ikot ko ang mata ko, nagbabakasakaling makikita ko siya. Hinanap ko ng hinanap ang mukha niya hanggang sa nakita ko ang isang lalaking may dala dalang mga folder.

Siya nga!

Halos abot tenga ang ngiti ko ng nakita ko siya. Halos maiyak ako. Siyang siya nga! Kung anung ichura niya sa pictures at sa video calls, ganung ganun pa rin. Biglang nabaling ang tingin niya sa akin at nginitian ko siya. Nasurpresa siya sa kanyang nakita at abot tenga rin ang kanyang ngiti.

Nakilala niya ako!

Kaagad siyang lumapit sa akin.

“Little Vinvin ko?! Ikaw na ba iyan?!”

Tumango lang ako at pumatak ang luha ko sa saya. “Opo kuya Vinvin ko.”

At niyakap niya ako ng mahigpit. Niyakap ko rin siya, habang patuloy na pumapatak ang mga luha ko..

“Kailan ka pa dumating? Paano mo ko nahanap?” tanong niya.

Sasagutin ko na sana siya ngunit may biglang sumigaw sa likod niya.

“Papa!” sigaw ng isang bata sa likod niya.

Bigla akong nagtaka,. tiningnan ko kung saan nanggaling ang boses at nakita ko yung batang nakasabay ko sa elevator kanina, kasama ng kanyang ina.

Lumapit ang bata kay kuya Vinvin. “Papa!” sabi nito.

Biglang nanlaki ang mga mata ko.. Papa?!?!?!?!?!?!




--------------------------------------------------------
Until the next episode,
Vin.


contact me @: 
FB : vince_blueviolet@yahoo.com
YM : binz_32@yahoo.com


(message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito. thanks!)


3 comments:

Coffee Prince April 13, 2012 at 12:51 AM  

Ouch!
sakit naman nun . :(

bakit di nya sinabing may asawa't anak na pala siya .?. -_-
di naman sponge ang puso ni kuya vince ee .. para ma-absorb agad lahat ng sakit .. :(

anyway --
so .. ex pala ni kuya vinvin yun ..
anLUNGKOT naman ng ending ng love story nila .. hmmm ..

kala ko pa naman nadedevelop na rin si Paul kay kuya Vince ..
*wishing LOLz

Thanks kuya vinvin ~

Coffee Prince April 13, 2012 at 12:51 AM  

Ouch!
sakit naman nun . :(

bakit di nya sinabing may asawa't anak na pala siya .?. -_-
di naman sponge ang puso ni kuya vince ee .. para ma-absorb agad lahat ng sakit .. :(

anyway --
so .. ex pala ni kuya vinvin yun ..
anLUNGKOT naman ng ending ng love story nila .. hmmm ..

kala ko pa naman nadedevelop na rin si Paul kay kuya Vince ..
*wishing LOLz

Thanks kuya vinvin ~

Anonymous,  May 28, 2012 at 11:07 AM  

tagal nmn po ng nxt episode but yet kasakit non grabe!!

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP