Part of ME

Friday, March 16, 2012

Akala ko dati hindi ako makakaget-over sa ‘yo kasi kahit na nagkaroon ako ng relationships after na ma-busted ako sa ‘yo galit na galit pa rin ako sa ‘yo kahit ilang buwan na nakalipas.
Sa ‘yo ko kasi naramdaman yung pakiramdam na hindi ka naman ganun ka-good looking pero iba ang tama ko sa ‘yo.
Yung kahit na anong mangyari nung nagkaron ako ng nararamdaman para sa ‘yo ginalang kita at ni minsan di ko man lang ako nag-isip ng di kaaya aya tungkol sa ‘yo.
Noong nalaman ko yun sa sarili ko, napagtanto ko na minahal talaga kita ng lubos.

Tao lang ako.
Normal lang naman siguro na mainis ako sa ‘yo di ba?!
Lalo na sa kadahilanang ilang buwan palang mula nung binusted mo ko naging close na kayo.
Halata naman sa inyong dalawa.
M.U. na kayo noon.

Sa isip isip ko.
Ah mabuting lumayo muna ako at tingnan ko ang buhay ko without you.
A few more months have passed up until that very day nung sinabi mo sa akin na kayo nang dalawa.
Ewan ko ba kung bakit mo pa sa akin yun sinabi.
Hindi ba halata na wala na yung closeness natin as friends.
Hindi ba halata na lumalayo ako sa inyong dalawa.
Hindi ba halata na nasasaktan pa rin ako.
Pero anong ginawa ko?
Nasabi ko pa sa inyo na, “Congrats! I’m happy for you!”
Tsk sa loob loob ko, “Shanggala ka! Di pa ba sapat na mas close na kayo kahit nangako ka na walang magbabago. Eh anung ‘tong sinasabi mo sa akin ngayon? Lokohan lang?”

Oo aaminin ko rin.
Mula nung binusted mo ko naghanap ako ng panakip butas.
You can say I had at least four relationships during the time na sinusubukan kitang kalimutan but sumpa siguro talaga ang pagdating mo sa buhay ko.
Kahit anong subok kong mawala ang pagmamahal ko sa ‘yo hindi talaga mawala sa kadahilanang misteryo pa rin sa akin.
Nakikita ko kayong mukhang masaya pero kita ko sa mata mo na walang liwanag habang magkasama kayo. You don’t look a bit that you’re in love with that person.
Ewan ko ba kung naging kayo lang dahil kayo na lang madalas magkasama or siguro kaya lang din naman kayo na lang ang madalas magkasama ay dahil lumayo rin ako.
Ang gulo ko no?

Pero dumating ako sa point na handa na akong komprontahin kita para lang masabi ko sa ‘yo kung anung nakikita ko sa inyo at masabi ko sa ‘yo kung gaano mo ko nasaktan pero naisip ko kailangan ko munang ipamukha na nagbago na ako.
Pero di ko rin kinayang magbago.
Habang lumilipas ang mga buwan at ang mga panakip butas na kinarelasyon ko dahil sa ‘yo, napagtanto ko na, nagbago na pala ako.
Hindi na ako ang emotionally handicapped person na lagi mong inaalalayan.
Hindi na ako ang taong laging naghahanap sa ‘yo pagwala ka.
Hindi na ako ang kaibigan nasasaktan at umiiyak pag nasasaktan ka at pag di ka nakikita.
Hindi na ako ang kalaro mo na nakakasama mong ngumiti sa tagumpay o pagkatalo man ng ating grupo.
At higit sa lahat hindi na ako yung taong sinusundan ang bawat mong galaw at kislap ng iyong tagumpay at dalamhati.

Muling dumating ako sa point na handa na akong komprontahin kita para lang masabi ko sa ‘yo kung anung nakikita ko sa inyo at masabi ko sa ‘yo kung gaano mo ko nasaktan dati para lang mawala na talaga ang koneksyon ko sa ‘yo.

Pero nakita ko na sa inyo yung hinahanap ko.
Nakita kong mahal mo sya.
At nakita kon mahal ka na nya.

Iyon ang araw na nawalan na ako ng pakialam sa nakaraan.
Naalala ko na bago ang lahat ng sakit, lungkot at pagdurusa, minahal kita.
Pero higit pa doon. Bago kita minahal ng lubos,
Kaibigan kita.


Sa ngayon wala na sa akin ang nakaraan.
Hindi na ako galit sa ‘yo.
Hindi na ako napapaisip na paghiwalayin kayo.
Hindi na ako bitter sa mga ka-sweetan nyo.
Hindi na ako nagpapaka-plastic sa paligid nyo.

Dahil ngayon naka-move na ako.

Ngunit isa na lang problema ko…

How do I fall in love again?

Sa totoo lang hindi ko alam.
Pero now more than ever, I know na handa na akong umibig muli.

I guess ito ang ako na hindi mo na siguro makikila ng lubusan.
It's not that I'm saying magsisi ka sa hindi mo nakuha.
It's just you'll never know this exist..

This PART OF ME.
:D

1 comments:

joseph March 18, 2012 at 5:25 PM  

medyo naka relate ako sa kwento ng iyong pag ibig. di madaling mag move on lalo nat matindi ang tama sayo ng taong ito. minsan na akong naging tanga ahhhh hindi....lagi naman akaong tanga sa pag ibig.

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP