MY LIFE'S PLAYLIST (chap 13)
Saturday, February 4, 2012
DISCLAIMER: This story is a work of fiction. Any resemblance to any person, place, or written works is purely coincidental. The author retains all rights to the work, and requests that in any use of this material that my rights are respected. Please do not copy or use this story in any manner without my permission.
The story contains themes and scene that may not be suitable for your preference. You've found this blog like the rest of the readers so the assumption is that material of this nature does not offend you. If it does, or it is illegal for you to view this content for whatever the reason, please leave the page or continue your blog walking or blog passing or whatever it is called.
Nagising ako sa isang di pamilyar na kwarto. Ginala ko ang aking paningin.
Teka hospital room 'to huh.
Bakit nga ba ko nandito.
------
“So now, where to?” tanong ko kay Rex.
“Eh ikaw? San mo ba gusto?” tanong nya sa akin.
“Anywhere. Basta kasama kita ok na yun!”
“Alam mo ang cheesy mo!”
“Hoy Mr. Kirk Chua! Di mo ako masisisi, ikaw may kasalanan nito!”
“Halalalalala gumaganyan ka na?”
Niyakap nya na lang ulit ako ng mahigpit habang pareho kaming nasa sasakyan.
“Basta ayoko nang mawala ka ulit ok?”
“Opo. Di ko naiisipin kung anu yung sa tingin kong makakapagpasaya kung di rin naman pala yun yung talagang ikasasaya mo”
Kumulas sya sa pagkakayakap at hinalikan ako.
Parang iba ang pakiramdam. Parang sobrang ramdam ko at that moment na mahal na mahal nya ako. As in onti na lang ok na talaga sa akin mamatay at that moment.
“Aw”
“Why what happened?” tanong sa akin ni Rex sa bigla kong pamamaluktot sa sakit.
-----
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto at mula rito narinig ko ang isang pamilyar na tinig.
“Oh anak gising ka na pala.”
“Ma nasan po tayo?”
“Anak nandito sa MM Hospital”
“Si Rex po nasan?”
Muling bumukas ang pinto.
“Kirk ok ka na?”
“Uncle Doc! Bakit ka nandito? Di ba dun ka nagtatrabaho sa CM Medical Center?”
“Nandito rin ang pamilya ko. Si Rex nasa kabilang wing ng hospital. Inatake daw sa puso si kuya.”
Napasabi ko sa sarili, “napanuod ko na ‘to eh. Tipong biglang mawawala for some months yung bf nung bida tapos hahabulin namin dun sa ibang bansa si bf tapos mahu-hurt ako tapos sa huli malalaman ko may bago na namang tinutulak sa kanya tapos malalaman ko sya na head nung company. Wah this is so boys over flowers bwahahaha! Ay potek anung tinatawatawa ko dito… ako ang mawawalan pag wala akong ginawa! AJA kaya ko ‘to!!!”
“Hoy wala ka na naman sa sarili mo!” sabi ni mama.
“Ah pasensya na po. Medyo nakakapanic lang kasi di ba alam nyo po yung nangyari sa boy over flowers?”
“Kirk wag kang may topak! I know it might seem like your life right now was a scene from that series but hello!!! Iba ang tunay na buhay. And if worse comes to worst alam mo na ang dapat mong gawin kong yun lang ang pagbabasihan mo!” ang nasabi ni Uncle Doc Ash na medyo nakataas ang boses.
(and para sa mga babasa wag nyong isiping bumibirit si doc. Mataas ang boses as in galit. Aheheheh kailangan ko talagang ipaliwanag?! Ahahaha paumanhin na lang po at may aning lang ang gumawa ng kwento.)
“Uncle Doc, High blood?!” sarkastikong sagot ko.
“Anak tama sya. Sa totoo lang kung ako ang papipiliin mas gugustuhin kong maghiwalay na kayo anak. Hindi lang dahil sa uri ng relasyon nyo kundi dahil na rin sa estado ng pamilya ni Rex.” ang paliwanag ni mama.
Sa totoo lang may point si mama. Di naman ako parang si Cinderella na naghihintay lang kay fairy godmother at kay prince charming. Pero pag naiisip kong ang effort ni Rex sa akin, I feel like this is a love worth fighting for.
“Now na magaling ka na talaga at naisaayos na yang bumukang sugat mo from your appendectomy marahil pwede na nating puntahan si Rex.” Ang nasabi ni Doc Ash na parang nagmamadali.
“Paumanhin sa ‘yo hijo pero di pa kami nakakabayad sa hospital bill. Lampas isang linggo rin ang anak ko dito.” Ang naisingit ni mama.
“No worries po. Ako na ang bahala.” Ang sinabi ni Doc sabay labas ng wallet.
“Salamat sa ‘yo hijo.” Ang nasabi ni mama.
“No worries na nga po mommy. Pasensya na po pero kailangan ko na muna pong dalhin si Kirk sa roof para makapagkita na sila ni Rex.” Pagmamadali ni Kuya Uncle Doc Ash. Ahehehe di ko talaga alam ang itatawag ko sa kanya hanggang ngayon.
Hinatak ako at binuhat ni Kuya Uncle Ash. Sa isip isip ko tuloy ganun na lang ba ngayon?! De buhat na lang ako?! Parang props lang?! Pero ang masasabi ko lang habang buhat ako ni Kuya Uncle Doc, maganda talaga lahi nila huh…
Di katagalan nakarating na rin kami sa elevator.
“Pwede ka nang bumaba…”
“Ay sorry naman. Kaka-enjoy eh. Feel ko baby ulit ako ahehehe.” Ang biro ko.
Nilapag nya ako sa sahig na para bang nagbaba lang ng dalang bag.
“Kuya sa totoo lang pwede mo kong baba ng maayos.”
“weh choosy ka pa. Ikaw na nga ang binuhat. Di mo ba alam, ambigat mo kaya!”
“wah!!! Kasalanan mo ikaw ang bumuhat!”
“DINGGGG…”
Nagbukas na ang pinto ng elevator. Medyo nakakabulag ang liwanag mula sa labas. Naramdaman ko na lang na nasa isang mahigpit na yakap na ako.
“Namiss kita!” ang sigaw ni Rex.
“Ako rin namiss kita.” Ang naisagot ko.
Hindi pa rin kami kumakalas mula sa pagkakayakap sa isa’t isa until nag”Ehem” si kuya Uncle Ash.
“Pag-usapan nyo na ang dapat nyong pag-usapan sandaling panahon lang ang meron tayo. Malapit na ang graduation nyo kaya naman sure akong patatapusin ka na lang Rex ng mommy mo tapos ipapadala ka na sa Korean branch ng company para duon matutunan ang pasikot sikot sa business.”
“Pano mo naman nasabi yun Uncle?” sagot ni Rex.
“That’s what they tried to do to me. Malawak ang business ng family kaya muntik na akong maghandle ng isa sa mga health center. Nakumbinsi ko lang sila na mag-aaral muna ulit ako ng ibang medical field sa sarili ko. In your case malabong matakasan mo yung gagawin nila dahil sa mga nangyari.”
“Di naman ako tatakas eh.” Ang sabi ni Rex.
“Hihiwalay ka na ba?” ang naitanong ko.
“Syempre naman hindi. Tatanggapin ko muna yun para naman kung ako na ang naghahandle nun ako na ang boss at susunod na sila sa akin.” Ang sagot ni Rex na sinusubukan alisin sa isip ko ang aking doubt.
“Paano na yung mamumuhay tayo na business may sariling business. Hindi umaasa sa kanila. Yung buhay na malay tayo?” ang tanong ko.
“Hindi ko nakakalimutan lahat ng yun pero naisip ko lang, si dad wala pang malay. For sure mai-stressed out si mommy. Kahit sobrang hadlang sya sa atin, mommy ko pa rin sya at nag-aalala rin ako para sa kanya” ang paliwanag ni Rex.
Napabuntong hininga ako. Tama sya. Kahit na medyo evil witch ang drama nun sa mala-fairy tale na buhay ko sya pa rin ang mother ng prince charming ko.
“Hmmm ok.”
“Anung hmmm ok? I don’t get it?” ang nasabi ni Rex na medyo puzzled sa sagot ko.
“Ok na ko sa desisyon mo. Family should always comes first. At isa pa may utang ako sa mommy mo.” Ang sinabi ko sabay hawak sa pisngi nya.
“Anung utang mo sa mommy ko? Don’t tell me sinubukan ka nyang bayaran para layuan ako!” medyo papagalit na sagot ni Rex.
“Adik! Ikaw! Ikaw ang sinasabi kong utang ko sa mommy mo!” sigaw ko sa kanya.
“huh?!?!”
Hinawakan ko sya sa magkabilang side ng mukha nya at sabay kurot sa pisngi sabay sabing, “kung wala yung mommy mo, wala ka rin. At kung wala ka, baka wala na rin ako sa mundo.”
“woah ang sweet mo talaga KC ko.”
Hinawakan nya ko sa pisngi. Hinawi ang konting buhok na nakagulo sa mukha ko. Nagdikit ang noo namin. He leaned closer. And then kissed and my worries melted away. Parang at peace na naman ang mundo.
“Ehemmmm” ang panira ng isang manong sa tabi tabi na itago na lang natin sa pangalang mr. epal uncle doc.
“Hay sus mga kabataan talaga. Tama na nga yang ka-cheesyhan na yan. Kung tapos na usapan nyo magpaalam na kayo sa isa’t isa.” Pagmamadali ni Uncle doc.
“Opo uncle. Oh KC ko wag kang mag-alala huh di ako bibitiw hangga’t nandyan ka para sa ‘kin.” Sabi ni Rex habang nakahawak sa pa rin sa magkabilang side ng mukha ko.
“Opo I won’t give up on us..” ang sagot ko habang hawak rin ang mukha nya.
“Pangako yan huh!” nasabi ni Rex sabay hawak sa kamay ko.
“Opo nga talagang talagang di ako susuko” hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya at hinalikan pa ang kamay na iyon.
Bigla kong napagtanto may tugtog na pala sa paligid.
Si uncle doc nakaloud speaker ang phone. Kanina pa pala kami nilagyan ng background nitong mokong na ‘to.
Pero ok lang yun.
It makes this beautiful moment perfect.
3 comments:
i checked on My Life's Play List sa Contents section and I notice kulang siya ng chapters... nasaan ang mga missing chapters?
NICE kuya Kirk .. we missed your story .. this is really much appreciated .. kahit na busy ka sa thesis mo , you find time to post the continuation ..
basta .. sana pumasa thesis mo .. pag nangyari yun .. very worth it ang paghihintay namin .. :) don't be pressured .. just do the best that you can ..
;)
[ kuya .. Jay .. pwede po .. eto ang iapprove niyong maipost .. salamat .. pabura na rin po etong naka bracket ]
kuya after ng thesis aayusin ko yan.
nde po nawawala yan nde lang maayos yung title.
Post a Comment