Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 21)
Saturday, December 3, 2011
Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.
Salamat din sa mga:
Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)
Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:
Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jhe, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!
ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!
(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)
Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.
DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.
To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:
Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/pINNOHy
TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)
----------------------------------------------
Part 21
"What?! Are you happy?! Are you happy now that you already scream your feelings in front of many people here?! Lei wag mong sarilinin ang problema! Don't be too narcissistic!! Your problem with Cheney is not yours, but it's MINE too!! You have no right to be frantic on that way!! Pinapahiya mo lang siya!!" sinabi ko pagkatapos kong sampalin siya ng napakalas.
Biglang napahinto siya sa pagwawala. Mukhang nakalma sa ginawa kong pagsampal ko sa kanya. Napansin ko na namula ang kaliwang pisngi nito dahil sa sampal na ginawa ko. Bigla siyang napayuko. Kinuha ang salamin niya sa mata, sabay hipo sa nasampal kong mukha. Inoobserbahan ko ang bawat galaw niya pagkatapos. Umupo siya pero nakayuko pa din. Pagkatapos ay tumingin siya sa akin na parang may gustong sabihin. Ang gwapo niyang mukha ang nagpaamo sa nagwawala kong galit sa kanya.
Habang tinititigan ko siya ay biglang naiipon sa mala-hazel brown na balintataw ang mga luha niya. Luha na eventually ay dumaloy sa maputi at mamula-mula niyang mga pisngi. Naawa ako. Agad akong pumunta sa harapan niya at sabay kinuha ko ang ulo nito at tinapat sa may parte ng tiyan ko.
"Kuya!! Dahil sa akin kaya nagiging ganyan si Cheney! Dapat hindi ko na lang siya niyayang sumama sa akin! Sana nasa bahay siya ngayon at nagpapahinga!!" sigaw ni Lei habang umiiyak sa may parte ng tiyan ko.
Naawa ako. Sa sobrang awa ko ay napaiyak ako. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Isang indikasyon na ramdam ko ang hinagpis ng baby bro ko sa nangyari kay Cheney. Kung tutuusin, kasalanan naming dalawa kaya sumama ang kundisyon ni Cheney eh! Ang tanging dasal ko lang ay gumaling ang isa sa mga minahal ko bukod kay Lei at sa pamilya ko.
Umiiyak pa din si Lei. Parang bata kung tutuusin. Bigla kong naalala ang snickers na binibigay ko sa kanya kapag nalulungkot ito, kaya naisipan kong iwan muna siya at bumili ng snickers sa me canteen ng hospital.
Pagkabalik ko ay kaagad kong kinamusta ang parents ni Cheney at si Lei. Bumili na din ako ng instant noodles na nasa cup para mahimasmasan ang kanilang loob tungkol kay Cheney. Tumabi ako kay Lei at ibinigay sa kanya ang noodles. Kinuha niya at sabay tinikman. Ngumiti siya sa akin sabay kuha sa kanyang salamin sa mata at pagkuwa'y sinuot niya ito. Hinimas ko ang likuran nito sabay tanong ng "Ok ka na?".
"Big bro, thank you ah!! Salamat dahil nawala yung sakit sa puso ko!!" sinabi ni Lei habang hinihimasmasan ko ang likod nito.
Agad na ibinigay ko ang snickers ng nakangiti sa kanya. Ang kanyang malungkot na mukha ay napalitan ng maayos at gwapo niyang kaanyuan. Kinuha niya ang snickers sabay hati sa dalawa. Ibinigay niya sa akin yung isa at agad naming pinagsaluhan iyon.
Iyon ang isa sa mga pinakamalungkot na nangyari sa buhay ko, sumunod sa pagkawala sa akin ni Patrick. Mahal na mahal ko si Cheney at kailangan kong maging matatag para sa kanya. Nandun pa din ang pag-asa ko na sana, gumaling siya at ipinapangakong kakalimutan si Patrick sa buhay ko kapalit lang ng buhay niya.
------------------
Apat na araw pagkatapos ng pagko-confine ni Cheney sa hospital. Nasa tabi niya ako. Medyo mahirap para sa akin na tignan ang kundisyon ni Cheney. Naka-swero siya at nagpapahinga sa loob ng isang private room sa loob ng hospital. Medyo malamig ang loob nito. Buti na lang at may TV sa itaas ng kwarto. Wala akong magawa nun kaya napagdesisyunan ko na maglibang. Nilabas ko ang mp3 sa bulsa at inilagay ang headset sa tenga ko. Sakto ang tugtog ng kanta sa saliw ni Beyoncè Knowles ka-collaborate si Jay-Z na asawa na niya ngayon na pinamagatang "Crazy in Love".
Napaindak ako. Iyon ang hit song ni Beyoncè pagkatapos buwagin ang Destiny's Child. First time ko lang napakinggan iyon, at kaka-download ko lang yun sa Limewire.com. dati.
Well anyways, medyo bumuti ang lagay ni Cheney. Ayun at napagdesisyunan ni Lei na i-donate ang bone marrow niya kay Cheney para gumaling siya. Ok naman sa side ng Tita niya at sa mga parents niya na i-donate iyon, kaya walang problema. Sumakto ang matching ng bone marrow nilang dalawa. Sabi ng duktor, 50-50 pa rin daw ang chances of survival ni Cheney, pero kung tatanggapin ng katawan niya ang bone-marrow ni Lei ay dire-diretso na ang recovery niya at one more thing, bihira lang daw sa isang tao na hindi magkadugo na mag-match ang bone marrow dahil usually, mga magpinsan, magkapatid o di kaya'y parents ang pwedeng maging donor niya. Actually naka-schedule ang operasyon ng dalawa bukas.
Si Lei ay nasa school para sa practice ng cotillion. Nagpa-excuse muna ako na hindi muna sasali sa practice dahil gusto kong asikasuhin si Cheney. May special participation siya na inihahanda namin para sa JS Prom. Sana ay maganda ang kundisyon niya sa isang linggo para makasama namin siya sa pinaka-importanteng araw para sa mga high school students tulad ko.
Biglang nagising si Cheney. Agad ko siyang inalalayang sumandal. Kinamusta ko siya. Mukhang maganda ang gising ng nobya ko. Hinalikan ko siya sa noo sabay kuha sa mga kamay nito. Ang init.
"Looks like you're improving, Cakie!! just keep it up!!" sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang kanyang mga kamay.
Ngumiti si Cheney sa akin. Hinalikan niya ako sa mga labi ko sabay yakap sa akin. Nangayayat si Cheney. Parang mas pumayat siya compare kay Lei. Tumamlay ang itsura at aura ni Cheney simula noong sinugod siya sa hospital. Kahit 30% chances to survive na lang, ay nakikita ko pa din ang pag-asa sa mga ngiti nito na ibinigay niya sa akin.
"You know what cakie, for me, you're the most beautiful woman in my life!! I love you and I hope you feel the same way too!!" sinabi ko kay Cheney pagkatapos niya akong halikan.
Biglang may kumatok sa pintuan. Iniwan ko muna sandali si Cheney sa higaan niya at nagpasyang buksan ang pinto.
"SUPRISE!!!"
Sina Joseph, Jayson, Nikol at Hiro ang nasa labas. Mukhang me dala-dalang pagkain na binili pa nila. Nasa likod nila si Lei. Nakita ko din si Shaine, yung kabarkada ni Cheney sa ibang section at may dala siyang oranges and grapes na naka-basket.
"Tena, pasok kayo!! Nag-abala pa kayo!!" sabi ko sa kanila habang pinapapasok sila sa loob.
"Jacob, it looks like kayong dalawa lang ang nandito ah.. Me nangyari ba senyo ??" sabi ni Shaine habang nilalapag ang basket sa itaas ng aparador.
"Ah?! How dare you saying that to me!! Loka-loka!! FYI lang ha, Ms. Long Legs, hindi ako papatulan ni Cheney sa kalagayan niya ngayon. If the right time might have come to us, baka gawin namin yun!!" sagot ko sa mapaghusgang tanong ni Shaine.
Tinapik ako ni Lei at agad na pinansin ko siya. May binulong siya sa akin na tungkol sa practice nila kanina. Ayos na daw ang plano para kay Cheney. Sana at medyo nasa maayos si Cheney next week para magawa namin ang pinaplano namin ni Lei.
May dala silang pagkain mula sa different fastfoods. Mayroong Jolibee, KFC, Mc. Donald at higit sa lahat, ang Teriyaki Boy na favorite ng barkada na puntahan dahil sa chicken teriyaki at panalong pork tepannyaki nila. Kinuha ko ang lahat isa-isa at inilagay sa taas ng aparador. May dala ding DVD sila para makanood kami ng pelikula. Agad kong sinaksak iyon sa DVD player na nasa baba ng TV at nanood ng pelikula.
Hindi ako movie buff kaya hindi ko alam kung ano ang palabas. Nanood sila pero pinagpatuloy ko lang ang pinakikinggan ko kanina. Si Lei, mukhang gustong gawin ang ginagawa ko, kaya tumabi siya sa akin at kinuha ang isang headset ko at inilagay sa tenga niya. Si Cheney naman ay mukhang gustong-gusto ang ipinapanood. Nadadala siya sa bawat eksena ng pelikula at mukhang nakaka-relate. Samantala, napansin ko si Shaine na hindi nanonood, bagkus nakatitig siya kay Lei na kulang na lang ay hubaran niya ang baby bro ko. Tinapik ko si Lei habang nakapikit na nakikinig at itinuro si Shaine sa harapan niya.
"Kuya naman eh!! Can't you see, I'm listening?!" sabi ni Lei habang tinatapik ko.
"Sorry baby bro, kasi si Shaine eh, nakatingin sa iyo eh.." katwiran ko kay Lei.
Tumingin si Lei kay Shaine. Biglang tumalikod si Lei. Mukhang nainsulto si Shaine. Lumapit si Shaine kay Lei sabay humalik ng panakaw sa pisngi ng kawawang baby bro ko.
"Choosy ka pa, Lei?! Ha?! Choosy ka pa?! Ikaw na yung hinahalikan diyan tapos, nag-iinarte ka?!" sigaw ni Shaine pagkatapos halikan si Lei.
Biglang umeksena si Nikol habang busy sa paglalaro ng portable na playstation.
"Oh.. Easy lang Shaine!! Kaya lumalayo ang mga nagiging Crush mo kasi, hina-harass mo eh! Paano ka nila mamahalin niyan eh, mas makati ka pa pala sa gabi kung makapag-chancing!!"
Umalingawngaw ang tawa sa buong kwarto nung inasar ni Nikol si Shaine. Mukhang napahiya siya. Gumawa siya ng paraan para makaganti at pinag-diskitahan ang bag nito na kulay pink at inihagis sa kanya. Nakailag si Nikol pero hindi nagpatalo si Shaine. Tumakbo si Nikol hanggang sa labas ng kwarto habang hinahabol ni Shaine. Para silang mga bata, although siguro, bata pa talaga kami.
Tinanong ako ni Joseph kung ano ang susuotin ko sa JS prom. Simpleng tuxedo lang na sinuot ko last Mr.&Ms. Lakanduleñans last year ang susuotin ko. Siguro konting laba lang at ayos na rin yun.
"Jacob, wag mo nang suotin yun, may bagay para sa iyo. Akong bahala para dun. Basta, relax ka lang." sabi sa akin ni Joseph pagkatapos kong sagutin ang tanong niya.
Limang minuto pagkatapos, dumating si Nikol lang. Mukhang nagkapikunan sila. Umuwi na daw si Shaine kaya kami na lang natirang anim sa loob. Maya-maya, nakaramdam si Cheney ng gutom. Kumuha ako ng isa sa mga pagkain sa harapan at ibinigay iyon sa kanya. Kinain niya agad ang ibinigay ko at mukhang nagustuhan naman niya. Naiinggit si Hiro kaya, nagpasya na din ng lahat na kumain para sabayan si Cheney.
Habang kumakain, tumayo si Lei at itinigil ang kinakain. Pumunta siya sa bag niya at agad niyang binuksan yun. Nang nakita ay agad niyang nilabas ang gamit niya sa loob ng kanyang bag. Isa palang video-cam yun. Inayos niya yun sabay tutok sa aming lahat.
"Oh guys, your attention, please!! Sabihin nyo na kung anong gusto ninyong sabihin ngayon!! Bilis at malapit na akong malow-bat!!" sigaw ni Lei habang nakatutok sa amin ang video-cam niya.
Unang tinutok ni Lei ang sarili niya.
"Hi there! We're here at Cheney's room inside the hospital and we're here to support Cheney for her medication. Kaya mo yan, Cheney.. Ajah!!" sabi ni Lei habang nakatutok sa kanya ang video-cam.
"Go.. Cheney go!!" sigaw naming lahat as sound background sa likod ni Lei.
"Ok!! I will let you guys to see Cheney, here she is.. Cheney, what do you wanna say to the camera?!" sabi ni Lei habang tinututok ang camera kay Cheney.
"Well, all I can say is.. Hello po!! Si Cheney po ito!! Siguro while you guys watching this, I'm already gone.(biglang napahinto ng ilang segundo) Pero don't worry!! I'm gonna fight and I know my lovy-dovie Jacob will marry me if I can make this through!!" sabi niya habang nakatingin sa camera.
"Ok Cheney, very well said!! Now, let's go with Cheney's boyfriend and soon to be her husband, si Kuya Big Bro!! Tah-dan!!!"
Agad na nilipat ni Lei ang camera sa akin. Hindi ko alam kung ano ang isasagot.
"Big Bro, Jacob.. Say something ah!! I don't wanna hear any despondency words coming from you, kuya!! We're doing this for Cheney.. So better say something good to her, Ok?!" sabi niya habang nakatutok sa akin ang camera.
"Ok.. Cheney!! I love you..., i love you, I love you, I love you, I love you, I love you, I love you, and I love you more!! Basta kapag gumaling ka, I'll assure you, you'll gonna be the happiest and luckiest woman in my life!! That's a promise my cakie, and I hope, you'll keep my promises to you!!" sabi ko habang nakatingin kay Cheney ng seryoso.
Agad na hinalikan ko sa labi si Cheney. Biglang napahinto si Lei. Bigla siyang nalungkot. Tumingin siyang saglit sa aming dalawa. Mukhang nakikita niya na masayang-masaya kami sa puntong iyon. Hindi ko namalayan na naging ganun siya ng sandaling iyon, hanggang sa may kumuha ng video-cam niya na hindi niya namamalayan.
"Lei, Pahiram ah?!"
Si Jayson ang kumuha ng video-cam. Nagsasalita siyang mag-isa gamit ang video-cam ni Lei. Pagkatapos nun ay kinuha ni Nikol ang video-cam at nagpakasasa na kuhanin ang sarili. Samantala, nakatingin sa amin si Lei. Agad kong pinuna iyon sa kanya, hanggang sa, nagpasya siyang lumabas muna saglit.
"Baby bro, saglit.." sabi ko habang nagmamadaling habulin si Lei palabas.
Hinabol ko si Lei. Alam kong masakit para sa kanya na nagbitaw ako ng pangako kay Cheney na magpapakasal sa kanya kapag nadugtungan ang kanyang buhay. Alam ko ang pakiramdam niya, kaya nang nakuha ko si Lei, ay agad ko siyang niyakap.
"Baby bro.. Alam ko na mahal na mahal mo ako. Gagawin ko lang to dahil gusto nating gumaling si Cheney, diba?! Buti ka pa nga at matutulungan mo siya, eh ako?! Ito lang ang tanging paraan ko para matulungan ko siyang mabuhay, kahit masakit sa akin at sa part mo!" Sabi ko habang kayakap ko si Lei.
"Sige kuya, sabihin mo na ang lahat-lahat sa akin!! Kesyo makasarili ako, self-centered, egoist or whatsoever!! Pero mahal kita!! Di ba nangako ka na hindi-hindi mo ako iiwan?! Nasan na yung pangako mo?!" sigaw ni Lei habang kayakap ko siya.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Mahal ko silang dalawa. Ayaw kong i-give up ang isa sa kanila! Kung nandito lang si Patrick sa buhay ko, sana kami pa rin hanggang ngayon. Sana hindi na ako nahihirapan na mahalin ko silang dalawa!
Agad kong kinuha ang mukha ni Lei gamit ang dalawang kamay ko. Tumingin ako sa mala-hazel brown na mga mata niya sa kabila ng salamin sa kanyang mga mata. Pansin kong namumula ang kanyang mga pisngi, at aninag pa rin sa kanya, sa kabila ng gwapo niyang mukha, ang lungkot na dala ng pangako ko kay Cheney.
"Baby bro, kung mahal mo si Big bro, sana, maintindihan mo ako. Mahal mo rin si Cheney diba? Gagawin natin ito para mabuhay pa ng matagal si Cheney at makasama pa natin siya, habang buhay!! Sana maintindihan mo ako!!" paliwanag ko kay Lei habang nakatingin sa kanya.
Hinimas ko ang balikat niya pagkatapos. Napatigil siya sa pag-iyak. Mukhang naintindihan niya ako. Gumanda ang aura sa mga mukha niya pagkatapos ay hinawakan niya ang kanang kamay ko.
"It's ok, kuya! I understand you!! Pasensiya na talaga sa akin!!" Sabi ni Lei.
Niyaya ako ni Lei na bumalik sa kwarto ni Cheney habang hawak ang kamay niya. Nang nakapasok ay biglang tumingin sa aming dalawa si Cheney habang patuloy pa rin sa asaran ang apat kong mga kabarkada gamit ang gadget ni Lei. Pumunta si Lei sa kanila na tipong parang susugurin at kaagad binatukan si Hiro habang kinukutusan si Nikol.
"Walang hiya kayo... Baka masira yan!! Mas mahal pa yan sa buhay ninyo! " sabi ni Lei habang hinaharot sila.
Samantala, lumapit ako kay Cheney. Kinamusta niya ako tungkol sa paghabol ko kay Lei sa labas. Nang nasabi ang lahat ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko habang nakapatong sa binti niya.
"Cakie. I know it's hard, but I'm already accept the fact of leaving you forever. Mahal mo si Lei kaya sana, wag mong ipagkait sa kanya ang pagmamahal mo! I know, deep within my heart, matatanggap mo din ang katotohanan, pero ang pagmamahal mo kay Lei ang tanging lakas ko, para maging matatag sa kinatatayuan ko ngayon. Well, cakie whatever might happened, I will still love you!!" sabi ni Cheney habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Pahalik nga!!"
Hinalikan ko si Cheney sa lips. Ang lambot! Parang nakahiga sa pinakamalambot na bahagi ng mukha niya ang mga labi ko. Ramdam ko ang init ng hininga niya sa kabila ng lamig ng hangin hatid ng bukas na air-con. Pagkatapos ay hinawakan ko ang kanyang mga mukha. Wala akong pakialam kung medyo nakikita kong naghihirap siya. Lumamlam ang mga pisngi nito, at ang mapupungay niyang mga mata ay mas lalong naglamlam. Malaki na ang mga eyebags nito at manilaw-nilaw ang kutis ng mukha niya ngayon. Malayong-malayo sa itsura niya simula noong naging kami, 4 years ago.
"You know what, cakie, you're the most beautiful girl that I've had ever met in my life. Nag-iisa ka lang, cakie at walang makakapalit sa puso ko, bukod kay Lei at Patrick." sabi ko habang hinahawakan ko ang mukha ni Cheney.
"Pwede ba, cakie, ihinto na natin ito!! Ayaw ko na nagiging malungkot ka!! Let's celebrate life!! Kunin mo na yung camera at nang makapag-umpisa na tayong sabihin ang lahat-lahat! "
Agad na sinunod ko si Cheney, pumunta ako sa kanila. Nakigulo na rin ako sa ginagawa ng mga hunghang na mga kabarkada ko at sabay agaw sa video-cam na hawak-hawak ni Lei. Samantala, naririnig ko na tumatawa si Cheney, iyon ang first time ko na narinig na tumawa siya simula noong nagkasakit siya.
Iyun ang isa sa hindi ko makakalimutang experience ko na nakasama ang mga barkada ko, kasama si Cheney. Hindi alintana sa kanya na nahihirapan siya, in fact, I feel the hype inside of her and the determination to fight against her life-threatening disease. Natapos ang araw na wala na sina Jayson,Joseph, Nikol at Hiro sa kwarto para umuwi at nagpasya si Lei na samahan ako dito sa kwarto ni Cheney ng magdamagan.
Kinabukasan ang takda ng operasyon ni Cheney para i-transfer ang bone marrow ni Lei sa kanya. Sana maging successful, medyo 50-50 ang chances, pero kung magtatagumpay, baka madugtungan ang buhay ng cakie ko. Hangad ko ang tagumpay ng operasyon nilang dalawa.
Nasa loob kami ng operation room ni Lei. Naka-swero siya at nakahiga.
"Kaya natin yan, Baby bro!! We're doing this for Cheney. Magpakatatag ka lang!!"
Kinuha ko ang kamay ni Lei. Huminga siya ng malalim. Bigla niya akong binigyan ng isang ngiti sa mga labi niya. Ang ganda ng lips niya. Medyo naka-pouted na maliit at mamula-mula ito. Wala sa kanya ang mga salamin sa mata. Mukha talaga siyang anghel. Mas bagay at mas gumwapo ng doble si Lei sa puntong yun. Hindi ito madali para sa kanya, pero tiwala akong magtatagumpay siya sa operasyon.
Nang lumabas ng sandali ang duktor sa loob ng operation room ay bigla kong hinalikan ng panakaw sa mga labi si Lei. Nagulat siya, pero eventually, hindi na siya nakuhang magalit sa akin. Napatigil kami noong biglang bumalik ang surgeon na dala-dala ang surgical instrument na gagamitin para kay Lei.
"Mr. Innocencio, you can now go outside, the operation will about to start in just an hour, so please, kindly cooperate with us." sabi ng duktor sa akin na palatandaan para sa kanila na mag dry run sa operasyon.
Lumabas ako. Umupo muna ako sa isang tabi. Kinuha ko ang mp3 ko sa loob ng bag ko sabay nagpatugtog gamit ang earphone na nakapasak sa tenga ko. Ayaw ko munang mag-alala sa puntong iyon pero, nararamdaman ko, magtatagumpay siya sa operasyon. Sana, tanggapin ng katawan ni Cheney ang bone-marrow ni Lei, at sana, bumilis ang recovery niya para makasama na namin siya, habang-buhay.
Itutuloy...
0 comments:
Post a Comment