The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 3

Wednesday, September 14, 2011

Author's Note: First of all, thank you thank you thank you po sa lahat ng mga patuloy na sumusubaybay sa kwento ng buhay ni Av Lopez. I greatly appreciate your comments and feed backs.. BATIAN PORTION! lol..i would like to thank the following : russ , Rue , Erwin Fernandez , dada , Arl , Roan , Jayfinpa , Darkboy13 , Mars , Jack , jm , wastedpup , kushu , Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , MArc , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , R3b3L^+ion , Mark Gonzales , Jay! , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143 , Jaceph Elric , mcfrancis , eman_cruz. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :)
Siyempre I would like to thank my kuyas : kuya Jeffrey, kuya idol (coffee prince) , kuya kenji and kuya Vince ko. :)
And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson :).
Ayy oo nga pala..IKAW! oo ikaw! heheh.. i love you,.bear that in your mind :) bxta kung ano mang mangyari, always remember that i love you. :) mwah!
Tama na nga drama! hahaha eto na po ang episode 3! nai-update ko kaagad kasi nainspire ako sa mga comments. plus natapos ko ng maaga yung mga homeworks ko. enjoy!

Btw: this part is dedicated to kuya kenji heheh :D belated happy birthday po kuya!

Episode 3 - Sam Wilson

Para akong matutunuaw sa mga titig nilang lahat. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..Parang hindi ako makahinga..

OMG..hindi ko pa talaga kaya ata to eh..


Kayanin mo! batukan kita jan eh! Arte mo!


Gaga! sige nga palit tayo ng pwesto!


Nilapitan ako ni mommy. "Anak..sila ang tunay mong pamilya.." sabi niya. Bakas sa boses niya ang lungkot ngunit tpilit niya itong itinatago.

"Paano naman po kayu nakakasiguro na sila nga po ang totoo kong pamilya?" tanong ko kay mommy. Siyempre kahit alam ko sa loob ko na sila na nga talaga ang tunay kong pamilya, hindi ko pa rin fully tanggap.

"We are your real family.." sabi nung "tunay na tatay" ko. (ata)

Hindi ako nakakibo sa sinabi niya. He's a foreigner. Kano. He's tall, blonde ang buhok, matangos ang ilong. Tapos yung mga mata niya, kulay blue, katulad nung sakin at dun sa kamukha ko, na kakambal ko. (ata)
Naka-simple casual attire lanag siya. Maputi siya. Gwapo siya actually, kaya siguro nagbunga din ng mga gwapong anak.

At isang magandang anak.


Ha? ano? sino maganda?


Edi ikaw! mukhang ikaw ang only girl sa mga anak niya!


Gaga!


"Sila ang tunay mong pamilya anak ko..at kung gusto mo ng pruweba, ayan.." tinuro niya yung lalaking kamukha ko. "Siya ang kakambal mo, di ba siya yung nakita mo kahapon?."

Nagkatitigan lang kami ng kakambal ko. I still feel uncomfortable with everything. Siyempre hindi ako sanay na may kakambal ako, kamukhang kamukha ko, na nakaharap sa akin. Basta! parang ang weird kasi parang nakaharap sa salamin..tininingnan ko lang siya na bakas sa aking mga mata na uncomfortable pa rin ako. Pero iba yung sa kanya. Hindi ko nakita yung saya sa mga mata niya ng makita niya ako. Kasi yung dalawa kong kapatid, nakangiti sa akin.. pero siya, parang wala nga akong mahagilap na emosyon sa mga mata niya..

"We're here para bawiin ka Sam." sabi ng tunay kong nanay.

"NO!" sigaw ko bigla. Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Kasi babawiin na nila ako..ibig sabihin, mawawalay na ko kina mommy and daddy.. Biglang tumulo ang luha ko.

"Anak.." sabi ni mommy. nanggigilid na rin ang mga luha niya. Kinakalma niya ako na parang sinasabing maghinay-hinay muna ako sa mga salita ko..dahil sila nga ang tunay kong mga magulang at hindi ko dapat gawin yun.

Bigla akong nagwalk-out at tumakbo sa may beach.. Tumigil ako at biglang bumigay ang mga paa ko't napauopo ako sa buhangin.. Patuloy pa ring dumadaloy ang luha ko. Nakatingin lang ako sa malayo.. Hinahayaang pumatak ang mga luha ko, kasabay ng paghampas ng alon.

NO! This can't be happening! Ayoko! ayoko!!!


Pero Av..sila ang tunay mong pamilya.


I don't care kung sino ang tunay kong pamilya at hindi! I can't go with them! I don't want to go with them! I'm staying here with my mom and my dad. Sila ang pamilya ko!


Av..You have to face the fact na sila ang totoo mong pamilya. Alam kong masakit pero kailangan mong tanggapin..


Alam mo na masakit?! Bakit?! naranasan mo na ba to ha?! Hindi mo alam kung gaano to kahirap! Hindi mo alam kung gaano kasakit! Hindi mo alam!!!!


You're right..maybe I really don't know how it feels. Pero hindi mo ba naisip yung punto ko? Hindi mo ba gustong makilala yung totoo mong mga magulang? Totoo mong pamilya? Don't you feel uncomplete?


I'm contented with what I have right now. I'm not asking for more. Kumpleto na ang buhay ko ng kasama ko ang mommy and daddy ko!


Pero hindi ang pagkatao mo!


Tama siya..Hindi nga buo ang pagkatao ko..dahil kalahati lang or 1/4 pa yata ng buong pagkatao ko, ay si Av Lopez..yung natitira, si Sam na..Parang sasabog yung utak ko sa lahat ng mga bagay na bumabagabag dito.. Sinasabi ng boses sa utak ko, ako si Sam. Sabi ko naman, ako si Av.. ang gulo!!! 


Nasa ganoon akong pag-eemote sa beach, ng biglang lumapit sa akin si kuya Caloy.

"Tol." sabi niya. Hinawakan niya ang balikat ko. Tumingin ako sa kanya. Nakita kong malungkot din ang mukha niya. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Sige,.ilabas mo lang iyan..nandito lang si kuya Caloy mo.." sabi niya habang nakayakap sa akin. Tuluyan naman akong umiyak at humagulgol sa kanya..

"Sorry ha..Ako kasi ang nagsabi sa kanila kung nasaan ka..Nagpunta kasi sila sa bahay kanina..Hinahanap ka..Naawa ako dun sa babae, kasi umiiyak siya at nagmamakaawang sabihin kung nasaan ka. gustung-gusto ka raw kasi niyang makita..mayakap..makasama..kaya wala na akong nagawa kungdi ang sabihin na lang kung nasaan ka..." tumigil ng bahagya si Kuya Caloy.. "Kung alam ko lang...kung alam ko lang na masasaktan ka ng ganito...edi sana hindi ko na sinabi sa kanila kung nasaan ka..patawarin mo ako Av..I'm sorry." sabi niya..umiiyak na rin siya..

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at hinarap siya.. "Wala kang kasalanan kuya.." nginitian ko siya. "Tinulungan mo lang sila...ginawa mo lang kung ano ang tama.."

"Pero nasaktan ka Av." sabi niya,.

"Oo, nasaktan ako.." tumigil ako sandali, naisip ko ulit yung sinabi ng boses sa utak ko..at narealize ko na tama siya.. ".masakit malaman ang totoo..pero kailangan ko tanggapin..kahit mahirap,..kahit masakit..kailangan ko tong tanggapin...dahil yung ang dapat gawin..." sabi ko.

"Tama ka Av..Yun ang dapat mong gawin..karapatan mong malaman ang totoo...karapatan mo ring makasama ang tunay na pamilya mo..at karapatan din nilang makasama ka, pagkatapos ng ilang taong nawalay ka sa kanila..Kaya sana..bigyan mo sila ng pagkakataon para maging parte ulit ng buhay mo..bigyan mo sila ng chance para maging pamilya mo..bigyan mo sila ng chance para mahalin ka nila.." sabi ni kuya Caloy. natahimik lang ako.."kaya buksan mo yang puso mo..buksan mo yan para sa kanila..."

Tama si kuya Caloy..kailangan ko nga sila bigyan ng pagkakataon..para makilala ko sila, at makilala rin nila ako.

O ano? naniniwala ka na?


Oo na..tama ka na...mali na ako!


Mali ka nga. pero hindi naman kita masisisi...natural lang din naman ang naging reaksyon mo..nahihirapan ka, nasasaktan..nadala ka ng mga emosyon mo..pero wag mong kakalimutang buksan ang isip mo..kailangan mong tanggapin ang totoo.kahit masakit..kahit mahirap..


Oo na po! Sinabi ko nga rin yan diba? Paulit-ulit? Parrot lang teh?


Gaga! Dagukan kita diyan eh! Ikaw na nga lang dinadamayan diyan! Che! Diyan ka na nga!


Nasa ganoon akong pakikipag-usap sa boses ng utak ko ng biglang lumapit yung mga kapatid ko.

Wow! How can you be so sure na kapatid mo silang lahat??


Manahimik ka na nga lang diyan? wag ka na makielam okay?


"Ah sige Av, maiwan ko muna kayo,." sabi ni kuya Caloy..nagpaalam siya sa amin.

Tumayo ako at nagpagpag ng mga buhangin sa katawan.. Nakatingin lang ako sa kanila at nakatingin lang naman silang tatlo sa akin..Nakangiti sa akin yung Ken..tpos yung kakambal ko naman,..ewan ko..hindi ko maintindihan..iba yung aura niya..

Wow! Psychic ka na rin ngayon? grabe te ha! may aura aura ka pang nalalaman!


Shhh! Shut up!


Lumapit sa akin si Ken.."Sa- I mean Av.. I'm Ken..Kristoff Ezekiel Nicholas Wilson.." iniabot niya sa akin yung kamay niya.

Hindi ko alam kung bakit pero, parang gusto ko siyang yakapin..Ewan!

Naku! ang sabihin mo, gusto mo lang chansingan yang kuya mo!


Gaga! kapatid ko yan! Abnormal ka talaga!


Naku naku!


Inabot ko ang kamay ko't nakipagkamay sa kanya..

So wait..Wilson?? So I'm Sam Wilson??


Tumpak!

Sumunod namang lumapit yung isa pa..

"I'm Max. Marc Anthony Xyrus..your other kuya." at nginitian niya ako. "kuya Ken's older than me by the way." nakipagkamay din ako sa kanya.

Gwapo rin si kuya Max. Matangkad din..moreno..HOT.

Ang landi mo! may HOT HOT ka pang nalalaman!


Che! Anyway. Matangos ang ilong, mapupula ang mga labi, brown ang mga mata niya katulad ng kay kuya Ken..makapal ang kilay..brown ang buhok..sa mga features nia, makikita mo kaagad at malalamang half pinoy siya. Ay oo nga pala, nakalimutan ko yung pinakacute na bagay sa kanya,.. yung dimples niya..ang cute kasi tingnan..mas lalo siyang gumagwapo.

Hala! Nainlove sa sariling kuya? Ganyan ka na ba ka-obsessed sa lalaki at pati kadugo mo tataluhin mo?


Bugak! Dinedescribe ko lang yung tao! 

Huling lumapit si kakambal ko.."Hi,." sabi niya.

"Hi.." sabi ko naman at nginitian siya.

"I-I'm..I'm Sai..Stephen Ace Isaac..I'm your twin brother Sam.." Pero hindi niya ako kinamayan, sa halip, nginitian niya lang ako..

Ganun? Taray naman ng kambal mo! Pero infairness, gwapo silang lahat!

We went inside the house..Nilapitan ako nung tunay kong nanay at tatay..

"Sam anak.." nilapitan ako ng tunay kong ina..Iba yung naramdaman ko..Parang ang gaan nga ng loob ko sa kanya..

Hello? Siyempre! Nanay mo yan eh!


Whatever!


Niyakap ko rin siya..humarap siya sa akin.."Ako nga pala ang mama Amy mo.." Sumunod naman akong niyakap ng tunay na ama ko. "My son..I miss you so much.." naiyak naman ako..hindi ko alam kung bakit pero, parang nararamdaman ko yung pagmamahal ng tatay ko sa akin.."By the way, I'm your papa Jim."

After ng mga yakapan, nakita ko ang mommy at daddy ko na umiiyak. Pero nakangiti sila parehas sa akin..

"Kung hindi ka pa handa..naiintindihan namin..tutal alam naman naming nasa mabuti kang kalagayan, mapapanatag na rin ang loob namin.." sabi ni mama Amy..

"Iyon din po sana ang hihilingin ko sa inyo..mama.." sabi ko.

Bigla siyang nangiti at niyakap akong muli ng marinig ang salitang "mama"..."Anak ko.."

"Don't worry Mr. and Mrs. Wilson, hangga't nasa poder namin si Av..Sam..ay aalagaan namin siyang mabuti at hinding hindi papabayaan." sabi ni daddy.

"We're not worried at all. We know he's in good hands..and we would like thank you for taking good care of him and loving him like your own..Maraming salamat.." sabi ni papa Jim. Natawa naman kami sa pagkakasabi niya ng "maraming salamat" kasi slang yung pagkakasabi niya. Yung tipong hindi pa talaga siya marunong magtagalog pero mukhang nakakaintindi naman siya.


"No problem..I know you would do the same if our son was in his situation." sagot naman ni daddy.

Niyakap na nila ako isa-isa, pwera kay Sai, kay kambal ko...Siguro naninibago pa rin sa lahat..gaya ko..kambal nga talaga kami, pati nararamdaman parehas..Paalis na ang mga Wilson ng biglang may sinabi si kuya Ken..

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Ma, Pa..can I........"




------------------------
Until the next episode,
Sam.

1 comments:

Coffee Prince September 15, 2011 at 7:00 AM  

wow aa .

d k nman mhilig sa abbreviations kua Vince?

haha, joke --- :D



grabe . . ang wawafu ng mga kapatid mo kuya . :)


lalo na yung kakambal . ;)


, ibang klaseng feeling yun, pag nalaman mo after all this time na may twin brother ka pla . O.o . . ahahaha



aken nalang c kuya Max o kaya c kuya Ken . . please . .


boses: ayt , landi mu teh, tumigil-tigil ka dyan kundi sasabunutan kita ng bonggang-bongga .!


ahahaha :p

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP