Task Force Enigma : Cody Unabia 11

Friday, May 20, 2011

Chapter 11


"J-jhay-L?"

"Wala ng iba." nakangising-aso na sabi ng lalaki sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito?" mabilis na umangat ang depensa niya para dito. Naisip niyang wala na siyang pagpipilian kundi ang tapusin ang naipangako niyang pagtulong kina Cody kahit pa niloko siya nito. Ganoon kahalaga ang palabra de honor sa kanya.

"Malamang ay iinom ng kape. Ano bang klaseng tanong iyan?" mataray na singit ni Marisay Penta sa kanilang dalawa. Nakataas ang kilay ng hitad na lalong nagpatingkad sa katarayang taglay.

Tinapatan niya ng nang-aasar na ngisi ang babae.

"Hindi ko kasi alam na mahilig palang uminom ng kape ang mga alien."

"Sinong alien?" sumisingasing na sabi nito.

"Ewan ko. May nakita ka ba?"

"Ako lang ang kausap mo dito kaya alam kong ako ang pinatatamaan mong bakla ka."

"Uy, nakakahiya naman sa balat mo. Feeling mo ikaw ang kausap ko? Binanggit ko ba ang pangalan mo? Ano nga ulit iyon? Hindi ko kasi maalala eh. parang tunog laos na."

"Aba't..."

"Tama na yan." awat ni Jhay-L sa kanilang dalawa.

Sabay silang napatingin dito ni Marisay.

"Kinakampihan mo ba ang baklitang ito Jhay-L?" naiinis na tanong nito sa kasama.

"Haller. Never akong kakampihan niyan. Hindi kami close." pambabara niya sa mga ito.

"Shut up. Hindi ka kasali sa usapan."  singhal sa kanya ni Marisay.

Naiimberna na si Kearse pero ipinagpatuloy lang niya ang ginagawa. Sira ang diskarte niya kapag nagkataon. Kung bakit kasi naririto ang artistang si Marisay Penta. Wala tuloy siyang magawang segway para maging mabait kay Jhay-L. Sinisira ng babaeng ito ang balak niya.

"Ikaw ang naunang umepal sa usapan namin kaya quits na tayo." balik niya rito.

"Sinabi ng tama na eh." napipika ng sabi ni Jhay-L sa kanilang dalawa.

Nanahimik siya kunwari at ipinagpatuloy ang pagtingin-tingin sa notebook niya. Si marisay naman ay bubusa-busa pa rin sa tabi nito pero di na niya pinatulan. Maya-maya pa ay narinig niya ang boses ni Jhay-L.

"Marisay, mabuti pa siguro ay pumunta ka na sa shooting ng set ninyo. Hihintayin ko na lang yung ipapasabay mo sa aking package" sabi nito sa kasama.

Agad siyang napatingin sa dalawa kaya naman nakita niya ang biglang pag-ilap ng mata ni Marisay. Napatingin sa kanya ito kaya nagkunwari siyang dedma lang sa banga at nadaanan lang ito ng tingin.

"Ah... eh... kuwan... kunin mo na lang kasi sa set. Hindi kasi pwedeng ibalandra basta-basta iyon at baka may maki-alam at masira pa." kagat-labing sabi ng babae.

"No. Dito mo na lang dalhin. Ayoko dun sa set niyo dahil may mga press doon. Alam mo namang ayoko ng camera di ba?" nakasimangot namang paliwanag ni Jhay-L

Naintriga siya bigla. Gumana ang radar niya bilang natural na tsismosa. Mukhang may something sa package na iyon ni Marisay at ayaw ipakita sa madla ang bagay na iyon. Sana lang naririnig iyon ni Jerick sa kabilang linya.

"Naririnig mo ba?" sabi ni Kearse habang nakatingin kay Marisay. 

Para kay Jerick yun pero sinadya niyang ipatama ang katanungan sa babaeng kinulang sa IQ ang kanyang tingin para hindi maghinala ito.

"Excuse me?" mataray na tanong ni Marisay.

"Ang sabi ko..." napahinto siya ng makarinig ng hagikgik ni Jerick sa bug na nakakabit sa kanya. "...kung naririnig mo ang sinasabi ni Jhay-L. Nakaka-abala na kasi kayong mag-jowa dito sa harap ko and it's starting to irritate me na." maarte naman niyang sabi.

"Ikaw naman, you're starting to annoy me. Get a life please! Sabad ka ng sabad sa usapan namin ni Jhay-L. Siguro nagpapapansin ka sa kanya no? Sorry ka na lang dear. Di ka niya type dahil hindi bading si Jhay-L ko." maangas na balik sa kanya ni Marisay.

Isang nang-uuyam na tingin at ngiti ang ibinalik niya sa babae bago nagsalita.

"Sa totoo lang. Kahit igapos mo iyan sa katawan mo maghapon, wapakels ako. As in, walang paki-alam. And please, hindi ko pinangarap kumuha ng sakit ng ulo. Por favor!" sabay-sabay pa niyang ginawa ang pagro-roll eyes at kumpas ng kamaya ala Bette Midler sa Gone in the Wind.

"That's it.." gigil na sabi ni Marisay at susugod na sana sa kanya ng pigilan ito ni Jhay-L.

"Hey, that's enough. Mabuti pa at pumunta ka na sa shooting niyo. I'll be there na lang later. Please." paki-usap nito sa babae.

Biglang nanghinayang ang pakiramdam ni Kearse. Kung naiba sana kasi ang sitwasyon, malamang naging magkaibigan sila nitong si Jhay-L. Mukha lang itong antipatiko pero may kabaitan na taglay. Malakas lang siguro talaga ang topak nito.

Kumalma naman ang babaeng palaban pero tiningnan pa siya ng masama. Bumaling ito kay Jhay-L saka nagsalita.

"I'll be waiting honey." saka nito kinintalan ng maalab na halik ang lalaki bago pinakawalan at iniwanan siyang muli ng masamang tingin. 

"Bye..." nang-aasar pa niyang sabi.

"Stop it." Malamig na sabi ni Jhay-L.

Nagtaas lang siya ng kilay at tiningnan ito.

"Hu u?" sabi pa ni Kearse.

"Para kang bata. Ang lakas mong mang-asar." 

Nagboses bata naman siya.

"I'm sorry. My mama said, don't talk to strangers."

"Really? Where's your mom cute girl?" pagsakay ng loko. Umangat pa ng bahagya ang sulok ng labi nito. Parang porma ng isang tipid na... ngiti?

Natigilan siya.

Statue?

Err-mali pala. Is that true? Ngumiti ba talaga itong kumag na ito? May mali! May mali!

Tiningnan niya ito ng maigi. Hinanap ang maling sinasabi niya.

"Baka matunaw naman ako niyan. You actually formed a habit watching me."

Nahiya siyang bigla sa narinig. Ganoon ba siya ka-obvious?

"Well, hindi rin malakas ang hangin mo eh no?" sabi niya.

Mabuti ng mang-asar kaysa umaming pinagmamasdan niya nga ito.

"Okay lang naman kung aamin ka eh. Ikaw lang naman ang pinapayagan kong titigan ako ng husto."

Napa-angat na naman ang kilay niya. Mga one-inch above eye-brow level. Mukhang madaldal ang isang ito ngayon ah?

Hindi ba iyon naman ang misyon mo? Ang mapalapit sa kumag na iyan? Do it so you can get this over and done with. At nang maharap mo na rin si Cody. Piping pagkausap niya sa sarili.

"Bakit? Chummy ba tayo?" pairap niya kunwaring tugon.

"Anong chummy?" clueless si Jhay-L na nakatingin sa kanya.

"Huh? Di mo alam?"

"Kaya nga kita tinatanong eh."

"Chummy. Close. Close ba tayo?"

Natawa lang ito sa sagot niya.

"Anong nakakatawa?"

"Wala naman." anitong nagpipigil pa rin ng tawa.

"Wala. Baliw ka, ganon?"

"Hindi naman. But I find you cute whenever you talk." 

Natigilan na naman siya. Naka-unli yata ang pagkatigil-tigil factor niya ng mga moment na yun. Parang may naalala siyang tao sa mga salitang iyon.

Cody.

Oh no!

Cute daw siya according to Jhay-L.

Does that mean...? 

Bisexual rin ito?

Lason! Lason! Lason!

Nakaawang ang labing tiningnan niya ang lalaki sa harapan niya. 

Lord, huwag naman po sana. Wala pa namang shortage ng mga lalaki sa mundo. Bakit ba binibigyan mo ako ng mga tagilid ding kagaya ko? Maawa ka naman! Promise, magpapakabait na ako. Hindi na ako kakain ng hilaw na karne ng mga bata. Magpapahuli na rin ako ng mga baklang nananarget ng mga teenager. Ipapahuli ko sila sa Bantay-Bata 163. Sige na po Lord. Please. 

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan Kearse. Baka di ko mapigilan ang sarili ko sa ka-cute-an mo." namumula pang sabi ni Jhay-L.

Patay! 

Confirmed!

Mukhang kalahi nga ito ni Cody.

Anak naman ng kalungkutang-buhay ito oh!

Nanatili lang siyang nakamata rito na ipinagkamali yata nito na malalim na pag-iisip sa panig niya. Wari ba'y sa sobrang turn-of-events eh inaanalisa niya ang pangyayari. Wala itong kamalay-malay na may pagtatalo ng nagaganap sa kaloob-looban niya.

"Ba-bakit parang ang bait mo yata sa a-akin ngayon?" aniya sa pilit na pinatatatag na tinig sa kabila ng kagustuhan niyang singhalan ito na hindi sila talo.

"Wala eh. Noong una, nagagalit talaga ako sa'yo. Ikaw lang kasi ang sumagot-sagot sa akin kahit pa hindi maganda ang mood ko. Bihira ang hindi natitinag sa kasungitan ko. Pero ikaw, nilait-lait mo pa ako. Ang lakas mong mang-asar and I found out, kaya pala hindi ko makuhang magalit sa'yo ng tuluyan ay dahil gusto na kita." diretsang sabi nito na lalong nagpahindik sa nararamdaman niya.

Nanlaki ang mga mata niya.

Ipinagkamali naman nito na na-shock siguro siya sa revelations na ginawa nito.

"No don't get me wrong Kearse, I like you. Pero hanggang doon lang yun. Ayokong ligawan ka or maging tayo." frantic na sagot nito.

"Huh?" parang disappointed na sagot niya.

"I said, hindi ko gagawan ng paraan na maging tayo kahit gustong-gusto ko pa."

Nangunot ang noo niyang bigla. Parang may tumututol. Hindi niya alam kung ano ang dahilan pero ang gusto niya talagang malaman ay ang dahilan nito sa lahat ng sinasabi nitong ka-ekekan.

"Hindi sa gusto kong maligawan or something ha." defensive na sabi ni Kearse dito.

Jhay-L chuckled. "Or something. Sige, go on." nangingiting sabi pa nito.

"Pero bakit? Bakit ayaw mong gawan ng "paraan" na maging tayo." he quoted the word.

"Simple lang." anito.

"Ano?"

"I like you too much."

At literal siyang napanganga sa kinauupuan niya. Kung maydarating lang na lamok na bakal at dumiretso sa ngala-ngala niya ay malamang na tumagos na iyon sa batok niya. pero wala, kaya masuwaerte ka pa rin kasi kahit inaantok ang author habang itinitipa ito ay naalala niyang friends nga pala kayo. So safe ka.

"Ayos. Hindi na pala tayo mahihirapan sa kanya. Nagdadalaga ka na nga." tnig iyon ni Jerick na nagpagimbal lalo sa kanya.

"Dalawa na ang umaaligid sa'yo. Mukhang mabilis din ang isang iyan. Parang kawawa naman ang kumpare ko." pagpapatuloy pa nito.

"S-sobra ka naman..." ang tanging nasabi niya sabay higop sa kape niya.

"Hindi naman. Nagsasabi lang ako ng totoo." sabi ni Jhay-L. 

Samantala si Jerick sa linya niya ay sumagot ng "Ikaw na nga. The best ka!" 

"O siya. Pupuntahan ko pa si Marisay sa set nila." paalam sa kanya ni Jhay-L.

"Huh? Parang ang bilis naman?" kunwaring reklamo niya.

"Okay lang. Baka kasi naiilang ka na sa akin." nakangiting sabi nito.

"Hingin mo ang number." singit ni Jerick na nasa linya pa rin.

"Pahingi ako ng number mo. Okay lang ba?" sabi ni Kearse sa papaalis.

Para namang nanalo sa lotto ang hitsura nito sa sinabi niya. Dagling humugot ng wallet at ibinigay sa kanya ang nakuhang calling card doon.

Jhay-L Lagman
Painter

"So painter ka?"

"Yes. Impressionist ako." matter-of-factly nitong sagot.

"I'm a writer. Romance ang genre ko."

"I know."

"You do?"

"Oo."

"How come?"

"Interested ako sayo di ba? I did my research."

Napatanga na naman siya. Sayang talaga at pamintang buo ito. Hindi niya kayang lunukin kahit pa napaka-gwapo nito. Pero bakit parang kay Cody eh kino-consider pa rin niya ang possibilities nila? Ay ang gulo! Galit siya di ba? Ewan!

"I'll go now. Expect ko na lang text or tawag mo ha." pa-cute nitong pinisil pa ang pisngi niya kaya naiwan siya doong nakatanaw lang dito. Hindi na tuloy niya napansin ang biglang pag-agaw eksena ng malaking bulto ng katawan sa harapan niya.

Nang tingnan niya kung sino ang may-ari nuon ay inasulto siya ng pamilyar na bango ng katawan nito. Bumilis rin ang pagtibok ng puso niya. Bigla rina ng pag-angat ng temperatura niya sa pagkakalapit nilang iyon. Pilit man niyang labanan ang paningin na huwag itong tingalain ay ginawa pa rin niya ang there he was.

Lahat ng galit na naipon kanina ay parang tutuli lang na natanggal na sa tainga niya at dines-regard na ng tuluyan. All he know is that he really dig this man. Come hell or high water.

"Kamusta?" Kearse said when he finally found his voice.

Madilim ang mukha ni Cody. Hindi maipinta. Naalala niya si Jhay-L, painter nga pala iyon. Baka magawan nun ng paraan.

"I'm not fine. Halika na." sabi lang nito sabay hatak sa kanya palabas ng Coffee Haven.

Itutuloy...

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP