Chapter 3: Catch Me, Irwin

Sunday, March 20, 2011

by JoshX

THERE WAS A NAKED MAN ON THE FISHING DECK.

He was lying on his side facing RJ, his left foot slightly forward, the knee touching the fiberglass deck floor hiding his maleness.

Napakusot ng mata si RJ sa pag-aakalang namamalikmata lang siya pero naroon pa rin ang lalaki. "Sino siya Anton? Saan siya galing?"

Napailing din si Anton. "Hindi ko po alam Sir. Kanina wala pa iyan diyan, pumasok lang ako saglit sa loob tapos nakarinig ako ng ka-blag, paglabas ko nakita ko na siya diyan."

Nilapitan niya ang nakahigang lalaki, kasunod naman niya si Anton. Nagtataka siya kung saan nga ba ito galing.

Hulog kaya ito ng langit? Natawa siya sa naisip, paano naman kasi'y head turner ang hitsura ng lalaki. May kahabaan ang buhok na sa tingin ni RJ ay hanggang balikat. Nangingintab sa kaitiman at bahagyang umaaalon mula sa anit pababa. Napansin niya na mas mahaba ang buhok nito sa likod.

Sa tantiya niya'y mas matanda siguro sa kaniya ng isa o dalawang taon ang lalaki. Malaki ang katawan nito, defined ang mga kurba ng mga muscles sa chest area pati na ang six-pack abs na walang katab-taba.

At an instant, parang naisip ni RJ na parang character ito sa isang animated movie. Paano kasi ay malapad ang mga balikat nito at naging tapered pababa sa beywang. Para tuloy siyang nakakita ng inverted triangle sa hubog ng upper torso nito. Moreno ang kulay ng balat at nakislap ang mga butil ng tubig dagat sa kaniyang buong katawan sa pagtama ng sinag ng araw. Mula naman sa waist ay ang maskulado ding mga hita at proportioned na mga binti.

Napatingin si RJ sa maamong mukha ng lalaki. Kung ganito ba kagwapo ang mamimeet niya malamang tuluyan muna niyang kakalimutan ang pangako sa sarili na titigil muna sa paghahanap ng makakarelasyon.

Hindi niya mapigilang tingnan ang matangos na ilong at may kakapalang mga kilay, naitanong niya sa sarili kung anong hitsura kaya ng mga mata nito sa nakapikit na talukap at may kahabaang pilik-mata? Masarap kayang halikan ang mga maninipis nitong mga labi na simpula ng makopa?

Kinabahan siya na hindi mawari nang ini-extend niya ang kamay saka marahang niyugyog ang balikat nito.

"Pare...gising..."

Oh My...ginigising niya ang lalaki pero mukhang mas nauna pang magising nito ang natutulog na damdamin sa kaniyang katawan.

Walang response sa hubo't-hubad na lalaki.

Sino kaya siya? Bakit siya nakahubad? At bakit nandito siya sa fishing deck ng Mir-a-Mar?

Iniikot ni RJ ang paningin sa paligid. Naisip niya na baka survivor ng isang yacht or boat wreck ang lalaki at sumampa sa fishing deck para humingi ng tulong.

Mukhang nabasa ni Anton ang nasa isip niya. "Wala ho namang traces sa paligid ng lumubog na bangka na pwede niyang panggalingan saka malayo pa po tayo sa pampang.

Totoo nga naman dahil puro tubig lang ang nakikita niyang nakapalibot sa kanila.

Naisipan niyang sa pisngi nya ito tapikin ng marahan. Pinigilan pa niya ang panginginig ng kamay habang papalapit ito sa makinis na mukha ng lalaki.

Isang tapik pa lang ay parang nakaramdam na siya ng kuryente na nanuot sa balat niya sa pagkadikit sa pisngi ng lalaki.

Walanghiya, RJ....umayos ka, sawata niya sa sarili sa kakatwang reaksiyon niya sa lalaki na sa tanang buhay niya ay ngayon lang naramdaman.

Sa pangalawang tapik ay gumalaw na ito ng bahagya kasabay din ng paggalaw ng isang kaliwang paa nito revealing a limp but a huge dick hanging in between his legs and its head now touching the fiberglass deck floor.

Napanganga si RJ sa nakita. Enough reaction para mapansin siya ni Anton na biglang napatawa ng pigil. Pinamulahan tuloy siya ng mukha at iniwasang tingnan si Anton na mukhang nakahalata sa kaniyang sexual preference saka ibinaling ang focus sa gwapong mukha ng lalaki.

Tinapik niya ulit sa pisngi ang hubad na lalaki, this time much stronger. "Hey...Pare..."

Nagsalita ito ng mahina at halos hindi mawawaan ni RJ. Gumalaw ito at pumosisyon ng patihaya.

Oh My...lalong naging prominente tuloy ang mga nanunuksong features ng kabuuan nito lalo na iyong nasa pagitan ng mga hita na kahit malambot ay may katabaan na rin ito at mahaba. Hindi niya mapigilang mapalunok ng laway.

Sa biglang pagtihaya ng lalaki ay napadikit tuloy ang mga daliri niya sa kanang nipple nito. Nakaumbok ang utong na may pabilog na chocolate brown na areola at butil-butil na tubig dagat. Ang sarap sa pakiramdam ni RJ, nakakakiliti. Naisip tuloy niya na blessing-in-disguise na naroon si Anton, kung nagkataon baka kung ano na ang naisip niyang gawin sa nipple na iyon.

Iginalaw na ng lalaki ang ulo na halos nagpatigil sa paghinga nina RJ at Anton. Naghalo ang takot, excitement at curiosity sa pagmulat nito.

Lalo lamang nabighani si RJ nang tumingin sa kaniya ang lalaki, ang mga mata ay hindi itim o brown na karaniwan sa mga Pilipino kundi Aquamarine, ang kulay ng dagat. First time niyang makakita ng ganoong kulay ng Irises ng mata.

"Nasaan ako?" parang sa nanghihina ang boses nito.

Nagkatinginan sina RJ at Anton.

"Nandito ka sa yate namin, dito sa Mir-a-Mar," si Anton ang sumagot.

"Ako nga pala si RJ," pinigilan niyang mapatingin ulit sa kahabaan nitong nakapaling na ngayon sa taas ng kaliwang hita. "Ikaw....?"

"Ah...ako si Irwin."

Tumayo si RJ saka inilahad ang isang kamay para alalayan siyang tumayo. "Tara...tayo ka."

Nakatingin lang sa kaniya si Irwin na parang naguguluhan. Para tuloy gusto niyang pamulahan ng mukha. Hinawakan niya ang isang kamay nito saka marahang hinila.

Kakaiba ang naramdaman ni RJ nang dumikit ang palad niya sa kamay ni Irwin, may init na nanunulay doon at mabilis na kumakalat sa buo niyang katawan. Para siyang mapapaso at pansamantalang tumigil ang lahat sa paligid. Ang tanging narinig na lang niya ay ang malakas na kabog ng dibdib at ang parang kuryenteng kumikiliti sa palad niya galing kay Irwin.

Ayaw niya ng ganoong feeling. Lalo na't ngayon lang niya naramdaman. Never niyang naranasan ang ganoon katinding atraksiyon kina Wlbert, Vince, Kian maging kay Saldy. Natatakot siya na mawala na naman sa sarili at lamunin ulit lahat ng sinabi na huli na si Saldy sa mga lalaking mamahalin niya.

Kumapit naman sa bisig niya si Irwin kaya't pinilit niyang patatagin ang pagkakatayo para hindi sila mabuwal. Pero nakapagtataka na pumasok sa isip niya na sana nga'y ganoon para maramdaman niya ang hubad na katawan ni Irwin na nakapatong sa kaniya.

"Nakahubo ka," pinilit niyang labanan ang pagi-stammer ng boses lalo na't nakakaloko ang tingin sa kaniya ni Anton na parang nanghuhuli.

"Ha...?" tanong nito at kusang umayos sa ibabaw ng mga balikat ang buhok nitong itim at may bahagyang maliliit na alon. Ang kahabaan naman ng ari nito ay nakapaling ngayon pababa sa kaliwang hita.

Natawa si Anton. "Okay lang 'yan Sir RJ. Pare-pareho naman tayong mga lalaki dito, di ba?"

Ang sarap sapakin ni Anton, naiinis na sabi niya sa sarili. "Ummm..oo naman Anton. Kaya lang masagwa pa ring tingnan na nakadamit tayo pero siya wala."

Sumang-ayon naman si Anton, "Sabagay...haba pa naman ng lawit kahit malambot pa." Natawa pa ito sa kaniyang sinabi.

Lalo tuloy siyang natuksong tingnan ang kapirasong lamang iyon sa pagkabanggit ni Anton. Pero sa huli'y pinigilan niya ang sarili.

Tumingin siya ulit kay Irwin, paiwas na mahagip niya ng tingin ang malambot nitong ari. "Bakit wala ka nga palang damit...saka bakit ka nandito sa fishing deck ng yate?"

May ilang strands ng buhok na nalaglag sa may mukha ang hinawi ni Irwin at isinukbit sa itaas ng tainga. Binasa nito ng mapulang dila ang nanunuyong labi.

Gustong mapaigtad ni RJ sa naisip. Kung nasa isang pribadong lugar sila, ipagkakamali niyang nanunukso si Irwin sa gesture na iyon. Naisip pa niya kung gaano kaya kasarap kagatin at sipsipin ang mapulang dilang iyon?

Tumingin si Irwin sa baba. "Galing ako sa dagat. Umakyat ako dito."

Na-curious naman si Anton. "Ano bang nangyari sa iyo?"

"Ah..." parang nangangapa ng sasabihin si Irwin. Tumingin ito sa kaniya at halos matunaw si RJ sa mga matang iyon na kulay aquamarine. "Galing din ako sa yate..."

"At..." patuloy ni Anton.

Naghihintay din si RJ sa isasagot ni Irwin nang mula sa gilid ng kaniyang kaliwang mata ay napansin niya mula sa malayo ang dalawang tagak na mukhang palapit sa kanilang kinatatayuan. Sa bilis ng paglipad ng mga ito ay halos hindi na siya nakapagsalita para sabihan sina Irwin at Anton na yumuko. Napayakap na lang siya kay Irwin at sabay silang nabuwal sa sahig na siya ang nakaibabaw.

Nagulat naman si Anton nang muntikanan ng mahampas ang mukha niya ng pakpak ng seagull. "Putsa...ano iyon?"

Sa biglaang pagbagsak ay eksaktong napadikit naman ang mga labi ni RJ kay Irwin. Ilang saglit na naramdaman niya ang malambot na mga labi nitong nakadiin sa kaniya. Parang iikot ang pakiramdam niya lalo na't napayakap din si Irwin sa katawan niya. Ramdam niya tuloy ang malalakas na mga brasong iyon, ang tibok ng kanilang mga puso na halos sabay sa mabilis na pagpintig pati na ang init sa balat nito lalo na ang ari ni Irwin na kahit malambot ay mahaba na at may katabaan na naipit sa kaniyang hita.

Daglian din siyang tumayo nang makabawi sa kabiglaanan. Hiyang-hiya sa nangyari. "Pasensiya na, Irwin. Iyong ibon kasi..."

Inalalayan niya ulit ito sa pagtayo. Ngumiti naman ang lalaki, ngiti na lalong nakapagpalambot sa kaniyang mga tuhod. "Okay lang. Nakita ko nga rin iyong dalawang tagak. Late na nga lang para umilag. Buti na lang nakaiwas tayo."

Nagkatinginan sila ng medyo matagal.

"Uhhuummmmm...nandito pa ako," si Anton na nais kuhanin ang atensiyon nila. "Baka bumalik ulit ang ibon para paghiwalayin naman kayo niyan."

Idinaan ni RJ sa pagtawa ang komento ni Anton. Tumingin ulit kay Irwin, "So saang yate ka galing at bakit wala kang suot na damit?"

"Ah...oo galing ako sa yate...yate ng kaibigan ko. Nag-dare sila kung kaya kong lumangoy sa dagat. Akala kasi nila hanggang sa swimming pool lang ang kaya ko kaya ayun pinagbigyan ko sila."

"E bakit wala kang damit o swimming trunks man lang?" sabad ni Anton.

Okay nga iyang wala, kita lahat, sabad ng pilyong isip ni RJ.

"A..E..iyong damit. Kasama kasi iyon sa dare. Lumangoy ng walang damit."

"Bakit hindi ka bumalik sa yate ninyo?" tanong naman ni RJ pero mas okay naman sa kaniyang dito sa Mir-a-Mar ito nagpunta at nakilala niya.

"Kasi may...may pating. Oo may pating. Noong lumalangoy na ako may dumating na pating. Napailalim ako sa tubig at nang matakasan ko ang pating, wala na ang yate. Kaya dito ako umakyat, akala ko ito ang yate ng kaibigan ko."

Mukha namang okay kay Anton ang paliwanag. "Saan ba kayo papunta? Baka mahabol pa natin ang yate ninyo?"

Sumang-ayon si RJ. "Oo nga. Baka makikita pa natin sila at malamang hinahanap ka na nila ngayon."

Sa totoo lang, iba naman ang naiisip ni RJ, sana'y hindi na nila maabutan ang yate para makasama pa niya si Irwin ng mas matagal. Mas makilala ng lubos.

"Sa San Juan papunta ang yate namin," tugon ni Irwin.

Inilibot ni RJ ang tingin sa buong paligid. Wala man lang siyang matanaw na yate sa malayo. "Doon din ang punta namin Irwin. Kung gusto mo dito ka muna sa yate at kung sakaling maabutan natin ang yate ninyo saka ka na lang lumipat."

Natawa si Anton.

Tiningnan niya ito. "Bakit?"

Makahulugan ang ngiti nito. "Wala po Sir RJ. Truth is wala naman siyang ibang choice. Unless, lumangoy siya ulit haggang sa pampang na malayo pa mula dito at makatagpo ulit ng pating. Sayang naman kung pating lang ang makikinabang sa kaniya."

"Okay lang na dumito ako?" may ngiti na naman ito sa labi habang nakatingin kay RJ ang mata nitong kulay aquamarine.

Kahit huwag ka ng umalis kahit habang buhay ka na sa piling ko, sigaw ng isang bahagi ng isip niya.

Napailing at natawa siya sa naisip.

Nagtaka naman si Anton. "Bakit Sir hindi pwede? Mahihirapan ba kayo kung nandito siya? Kung gusto niya pahiramin ko muna siya ng damit."

"Pwede siya dito Anton. Kung sakaling makarating na tayo at wala pa rin ang yate nila, sa resort na lang siya magmumula para makauwi sa kanila." Hindi na niya pinansin ang huling dalawang pangungusap ni Anton. Lalo lamang magkakahinala sa kaniyang sekswalidad ito kung papatulan pa niya.

"Salamat." Nakangiti ulit si Irwin.

Natawa si RJ, "As if naman Anton kakasya ang damit mo sa kaniya."

Tiningnan ni Anton ang sariling katawan saka tumingin kay Irwin, medyo nagtagal na parang pati siya'y humanga na rin sa lalaki. "Oo nga Sir RJ, mas malaki nga pala ang katawan niya sa akin."

"Oo. Kahit nga sa akin mas malaki. Ihahanap ko na lang doon sa mga damit kong maluwang sa akin."

"Tarang pumasok," sabi ni Anton. "Kailangan mong magbihis, nakakadistract iyang hitsura mo sa mga tao dito," sinundan pa niya ng malutong na ngiti.

Napaisip tuloy si RJ na sa ikinikilos at sinasabi ni Anton, mukhang may lansa din ang lalaking ito.

Papasok na sila nang makarinig si RJ nang tunog sa deck floor. Nang tingnan niya ay isdang tumalon mula sa dagat papunta sa fishing deck. Medyo malapad at kulay silver. Kita niya ang pag-angat at pagbaba ng hasang nito tanda na hinahabol ang paghinga sa pagkawala sa tubig.

"Tingnan mo nga naman," natutuwang sabi ni Anton. "Hindi mo na kailangang mag-fishing at mismong isda na ang nalapit."

"Huwag...!"

Napatingin si RJ kay Irwin, nagulat siya sa reaksiyon nito sa gagawing pagdampot ni Anton sa isda. "Bakit?"

Natigilan din ito saglit. Nang makita ang pitsel na may tubig sa mesitang naroon ay dinampot ito at inilapit sa isda.

"Anong gagawin mo?" napapantastikuhan si Anton.

Mabilis na dinampot ni Irwin ang isda saka isinilid sa pitsel. "Kawawa naman."

Napatawa ng malakas si Anton.

Sinangayunan naman ni RJ si Irwin. "Tama naman siya Anton. Kawawa nga naman ang isda."

Natigilan naman si Anton. "Don't tell me Sir RJ na vegetarian kayo. Iyon lang ang pwede kong tanggapin na sane reason kung bakit ganon ang trato ninyo sa isda na karaniwan namang kinakain."

"Vegetarian nga ako," sabi ni RJ. Ewan ba niya kung bakit ganoon ang sinabi niya gayong hindi nga siya mahilig kumain ng gulay.

"Pareho tayo," maluwang ang pagkakangiti ni Irwin.

Enough na ang ngiting iyon ng lalaki na konsolasyon niya para panindigan ang pagsisinungaling.

"Kayo na ang vegetarian," sabi naman ni Anton na finally tinanggap ang pagkatalo. Tumingin pa ito sa isdang kulay silver na nasa pitsel na ngayon ay lumalangoy. "Pasalamat ka mga vegetarian sila kundi inihaw ang labas mo."

Natatawang naiiling si RJ. "Tayo na nga," sabi niya saka nakipag-unahan sa pagpasok. Baka kasi kung ano na naman ang maisip niya kung makita niya ang likuran ng hubo't hubad pa ring si Irwin.



"HAYYYYYYY....SALAMAT!"

Naibuhos na ni Irwin ang tubig dagat sa pitsel na kinalalagyan ni Onyik. Kaya naman relieve na itong kaibigan niyang isda at nakakahinga na nang maluwang.

"Pasalamat ka Onyik at vegetarian pala si RJ," halos umabot sa tenga ang pagkakangiti niya nang banggitin ang pangalang RJ.

Nasa may sidetable ng kama nakapatong ang babasaging pitsel. Isa sa VIP staterooms ng yate ang kwartong pinagamit sa kaniya. Nai-lock niya ang pinto kanina pagkatapos ibigay sa kaniya ni RJ ang isang t-shirt na kulay green at board shorts na puti. Medyo masikip ng kaunti ang t-shirt dahil malaki kasi talaga ang kaniyag kaha. Ang shorts naman ay pinagamitan pa sa kaniya ng sinturon ni RJ kasi maluwang naman sa beywang.

"Saan ka kumuha ng tubig-dagat? Hindi ba bawal kang mabasa ng ocean water?"

"Nakiusap ako kay Anton na ikuha ako ng tubig-dagat. Habang nandito lang naman ako sa yate at kung nakikita nila ako bawal humawak sa tubig-dagat."

"Oo nga, kailangan mong mag-ingat dahil baka kapag nakahawak ka ng tubig sa harapan nila, matakot ang mga iyon kapag naging buntot iyang mga paa mo."

"Basta ba mabilis ko pa ring mapupunasan kaagad ang tubig bago pa nila ako makita ay wala akong dapat na alalahanin."

Tiningnan ni RJ ang mga paa niya. Natutuwa siya at sa wakas ay naging paa na rin ang buntot niya. Sana'y manatiling ganito na lang at hindi iyong hanggang sa kabilugan lang ng buwan tatagal.

Buti na lang tinuruan siya ng Tagapayo ni Haring Tritone kung paano mag-balanse kapag ginagamit sa paglakad ang mga paa ng tao. Ilang araw din siyang sumailalim sa pagsasanay at pinag-aralang mabuti ang lahat ng mga bagay tungkol sa tao. Ibinuhos naman niya ang konsentrasyon at lahat ng oras para matutunan niya ang mga aralin na gagamitin niya sa pakikitungo sa mga tao.

"Bagay naman pala sa 'yo yang may paa," papuri ni Onyik saka iwinagwag pa ang buntot nito. "Pati na yung lawit mo sa gitna ng mga paa mo, hindi na gaya dati noong sireno ka, ganyan din ba ang hitsura ng sa tao?"

"Malamang Onyik."

Hinimas niya ang parteng sinabi ni Onyik. Kakatwa kanina nang pumasok si RJ sa silid at ibigay sa kaniya ang damit ay may naramdaman siyang kakaiba sa parteng iyon lalo na nang sa pagbigay ni RJ sa damit ay nahawakan niya ang kamay ng lalaki. Parang nag-init ang parteng dumikit sa kamay ni RJ at pakiramdam niya'y gumuhit iyon patungo sa parteng nasa gitna ng kaniyang mga paa.

Sabi ng Tagapayo na ang tawag daw ng mga tao sa parteng iyon ay titi, burat, alaga, sandata, ari at kung ano-ano pa. At parang sa mga sireno din na natigas at nagkakabuay tuwing makakaramdam ng makadagat na pagnanasa...este makamundong pagnanasa pala dahil nandito na siya ngayon sa lupa.

At iyon ang nangyari kanina. Baka kung nagtagal pa si RJ, malamang nakita na nito ang pagtirik noon paturo sa lalaki.

"Oo nga," mahina niyang tugon kay Onyik.

"Ano? Lakasan mo nga at hindi kita marinig."

"Lakasan mo ang pandinig mo at baka may makarinig sa akin at makita akong kinakausap ka, baka pagkamalan nila akong nasisiraan ng bait."

"Ang hina kaya, lakasan mo kahit bahagya."

"Makulit ka rin talaga Onyik ano? Ibigay kaya kita kay Anton nang maihaw ka niya."

Biglang nagpupumiglas si Onyik sa loob ng pitsel, nasanay na kasi na kapag tinatakot niya ay nagtatago ito sa mga bato na hindi na magawa ngayon.

"Nako, akala ko nga'y pababayaan mo na lang akong makain ng lalaking iyon eh."

Napailing si Irwin. "Bakit ka kasi sumunod pa dito sa yate?"

"Hindi ba nga ako ang sidekick mo?" halos ipamukha sa kaniya nito.

"At sinong may sabi? Wala akong matandaan na tinanggap kita sa ganoong papel," pang-iinis niya sa kaibigang isdang Silver Moony.

"Haha...hindi ko naman kailangan na ikaw mismo ang mag-honor sa akin. Dahil..."

Napakunot-noo si Irwin, mukhang may ginawa na naman ang kaibigan niya na lingid sa kaniyang kaalaman. "Dahil..."

Itinaas ng bahagya ni Onyik ang ulo na parang sa nagmamalaki. "Dahil mismong si Haring Tritone at ang Konseho ng Makapangyarihang Kataw ang nagbigay sa akin ng go signal na maging sidekick mo."

"Nilapitan mo sila?" napalakas ang boses niya na mukhang ikinagulat ni Onyik at hindi na naman alam kung saang sulok ng pitsel lalangoy. Wala pa namang sulok ang pitsel.

"Pasensiya ka na Irwin, gusto lang naman kitang samahan sa pagtupad mo ng iyong misyon."

Napahinuhod naman si Irwin sa sinabi ng kaibigan. Sa isang banda okay na rin na nadito ito ngayon, at least may kausap siya. "Okay lang naman sa akin."

"Hindi ka galit?"

Napatango siya.

"Yehey..." sabi nitong iwinagwag ng paulit-ulit ang buntot.

"Basta kapag may tao, 'wag mo akong kakausapin."

Tumango-tango lang ito at nangingislap ang mga matang may silahis ng itim sa gitna. "Ano na ngayon ang balak mo? Hanggang sa susunod na kabilugan ng buwan lang ang ibinigay sa iyo para hanapin at ibalik sa kaharian si Prinsipe Jayson."

Para namang masyado pa siyang masaya sa feeling na magkaroon ng paa at maging isang tao para isipin kaagad ang kaniyang misyon pati na ang kaakibat na problema nito. Mas gusto muna niyang lasapin ang maging tao lalo na ngayong nakilala niya ang binatang si RJ.

Kakaiba rin naman ang naramdaman niya kanina para sa lalaki. Hindi niya maipaliwanag pero basta masarap sa pakiramdam. Muntik pa nga siyang kiligin nang pagmulat niya kanina mula sa pagtalon mula sa tubig papunta sa yate ay si RJ ang unang nakita ng kaniyang mga mata. Gusto sana niyang tanungin ang binata ng, 'ikaw na ba ang hinahanap ko? ikaw na ba ang aking pag-ibig?' Pero siyempre masyado pang maaga para sa ganoon. Pero sana si RJ na nga, sana...

"Uy...Irwin. Nakikinig ka ba sa akin? Para kang naging bato diyan ah," parang sa maiinis ang boses ni Onyik.

Para naman siyang natauhan sa pangangarap kay RJ. "Ha...A...E...Makikita ko rin si Prinsipe Jayson, Onyik. Makikita ko rin ang anak ni Edrick at Prinsesa Antalya. Maibabalik ko rin siya sa Merlandia at maibibigay din sa akin ng Konseho ang kalayaan ko pati na ang permanenteng paa at maging taong tuluyan."

At magsasama na kami ni RJ, sigaw ng isip niya.

"Paano mo nga hahanapin?"

Natawa siya. Hindi rin talaga makulit ang kaibigan niyang isda. "Madali iyon, pagtapak ko sa lupa ng mga tao, hahanapin ko ang yate ni Edrick, nakita ko na dati iyon. Ipinangalan pa nga ni Edrick iyon kay Prinsesa Antalya. Doon ako magsisimula."

"Paano mo naman matutukoy na ang sanggol na makikita mo ay siya nga si Prinsipe Jayson?"

Gggrrrr...Hindi talaga makulit si Onyik.

"Hindi ba dapat alam mo ang lahat tungkol sa misyon ko at ikaw naman itong hinirang na sidekick ko?"

Umiling-iling ang flat nitong ulo. "Tinanong ko na nga 'yan sa Konseho, sabi nila sa akin, itanong ko na lang daw sa 'yo. Ang mahalaga samahan kita at gabayan."

Gusto namang matawa ni Irwin. "Gabayan? Ano namang magagawa mo bukod sa kwentuhan ako at magtanggal ng pagkainip ko?"

"Malay mo naman meron pa. Sige kung ayaw mong sagutin ang tanong ko, e di wag," lumangoy ito at tumalikod sa kaniya.

"Sige na nga," natatawang sabi niya na biglang nagpabalikwas kay Onyik. "Ayon sa Tagapayo, ang Prinsipe Jayson ay magkakaroon ng kaliskis sa tagiliran ng kaniyang mga binti at hita mga ilang araw bago sumapit ang kabilugan ng buwan at naglalaho din pagkatapos. Kaya dapat ay mahanap ko siya sa mga ganoong araw para siguradong siya iyon at madala sa Merlandia sa mismong kabilugan ng buwan kung saan magkakaroon siya pansamantala ng hasang na kailangan niya sa paglalakbay sa dagat."

"Kailangan pa ba talagang ibalik si Prinsipe Jayson sa Merlandia?"

Gustong mapailing ni Irwin. Mahirap nga pala talagang kumbinsihin ang mga isda unlike ang mga kauri niyang sirena na nakuha ang lohika ni Haring Tritone at ang Konseho ng mga Kataw. "Sa pagkamatay ni Prinsesa Antalya, nawala ang balanse sa Merlandia maging sa buong karagatan."

"Anong balanse?"

"Ayon sa Tagapayo, ang nararamdamang pagbabago ng temperatura sa Kaharian na papainit ay bunsod ng pagkawala ng balanse. Ayon sa Matandang Karunungan na tanging ang Tagapayo lang ang may kakayahang magpaliwanag, kailangan na may naninirahan sa Merlandia na siyang susunod na mamumuno at papalit kay Haring Tritone. Iyon ang tinatawag na balanse na nawala nang mamatay si Prinsesa Antalya. Nawalang ng presensiya ng susunod na mamumuno sa karagatan."

"Ano ba ang epekto ng balaseng iyon sa atin?"

"Iyon na nga, ang pag-init ng tubig sa dagat ay isang resulta iyon. Ang susunod doon ayon sa Tagapayo ay ang unti-unting pagkamatay ng mga isdang kagaya mo at ang kasunod ay ang pagkawala ng kapangyarihan ni Haring Tritone. Kapag nangyari iyon, posibleng magkagulo sa Merlandia at posibleng may mga kataw na mapupuno ng ganid at gugustuhing kuhanin ang trono kay Haring Tritone at maghari sa buong karagatan."

Tumango-tango naman si Onyik. "Paano kung hindi mo siya makita? Paano kung hindi mo siya maibalik sa Merlandia?"

Napasinghal si Irwin. "Huwag ka ngang negative. Wala pa man e. Parang ayaw mong maging malaya ako. Parang ayaw mo akong magkapaa at maging tao at makahanap ng tunay na pag-ibig. Parang gustong mong magbalik ako sa kulungan at manatili doon ng habangbuhay. Parang guto mong maubos ang lahi mo at magkagulo sa kaharian."

"Hindi naman, Irwin. Ang sa akin lang, kailangan mo lang isipin kung ano ang magiging resulta kung sakaling mabigo ka sa misyon mo. Kung gaano ang samang idudulot nito kung sakali. Kasi kung alam mo ito, gagawin mo ang lahat para magtagumpay ka sa misyon mo. At least naka-focus ka sa ginagawa mo. Dumating man ang panahon na magkaroon ng conflict ang misyon mo laban sa gusto ng puso mo, alam mo pa rin kung saan ka lulugar."



 Itutuloy

2 comments:

joshX March 20, 2011 at 6:51 PM  

Nai-wish mo dati na sana isama ko din name mo sa mga characters sa story ko...kaya heto na yun...ikaw ang anak ni Edrick at Prinsesa Antalya...

Jayson March 20, 2011 at 10:02 PM  

ayun.....hehhehe salamat JoshX...prensipe talaga ako...hahha

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP