Task Force Enigma: Cody Unabia 2

Thursday, March 10, 2011

Task Force Enigma Cody Unabia
CHAPTER 2

Natatarantang pinunasan ni Kearse ang mukha ng lalaking natagpuan niyang nakahandusay sa daan. Salamat sa mga kapatid niyang nurse na sina Jaime at Migs ay nalapatan ng paunang-lunas ang lalaki. Napakagwapo pala nito kaya siya natataranta. Iyon ang unang beses sa buhay niya na naka-encounter siya ng napakagwapong nilalang na katulad nito. Para itong anghel na inihulog mula sa langit, bumagsak sa harapan niya in all his naked glory.

Sayang! Piping sabi niya sa isip.

Paano ba naman, ng ipasok kasi niya ito sa bahay nila ay hindi na niya napansin kung "dakota harrison" ba si kuyang walang-malay na natutulog ngayon sa kama niya.

Hindi na nagtanong ang mga kapatid at ama niya bagaman nagulat ang mga ito. Mabilisan ang naging paliwanag niya habang nagtutulong ang dalawang kapatid niyang nurse na nagkataong walang mga duty ng araw na iyon.

"Hay!!!" Nanghihinayang na sambit niya sa hangin.

Muli niya itong tinitigan. Nakadamit na ito ng maayos. Hindi katulad noong una na duguan ito. Napalabhan na rin nila ang lahat ng nadumihan ng dugo nito. Ang bumabagabag ngayon sa kanya ay ang napag-usapan nilang mag-aama.


"Anak, baka naman biktima ng sindikato iyan o di kaya ay salvage? Bakit dito mo dinala?" anang kanyang ama pagkatapos pagpalain ng mga kapatid niya ang nahihimbing na lalaki.


"Eh tay, kung doon ko dadalhin iyan, malamang katakot-takot na paliwanagan ang gawin ko. Eh ni wala ngang kadamit-damit ang tao di ba? Nakita niyo naman? Alangan naman na hulaan ko ang pangalan niyan?" pangangatwiran niya.

"John Doe." sabi ni Migs.

"Anong Jumbo? Sino si Jumbo?" takang tanong ng kanilang ama.

Impit na nagtawanan ang mga kapatid niya.

Napapalatak siya. "Hindi Jumbo 'Tay. John Doe."

"Ah, Janggo. Aba'y iyon ba ang pangalan niyang lalaking iyan? Paano niyo nalaman?" sagot ng tatay niya.

"Susmiyo! Tay, John Doe! J-o-h-n D---" naloloka na niyang sabi ng putulin nito ang pagsasalita niya.

"Ako nga'y huwag mong sigawan Kearse. Narinig na kita. John Doe, hindi ba? Aba'y bakit mo pa i-i-spell sa akin? Ano ba ako? Tanga?" Nagagalit na sabi ng tatay niya.

"Hay nako 'Tay. Wala akong sinabing ganyan. Ang mabuti pa po, magpahinga na muna tayo at bukas na natin pag-usapan lahat ng ito." pagpapahinuhod niya sa nabibingi na yatang ama. Kailangan na nila itong mapatingnan.

"Oo nga naman 'Tay." segunda ni Jaime.

"O siya. At sumasakit na ang likod ko sa lamig. Magsipagtulog na rin kayo. Dito ka na sa labas matulog Kearse." bilin ng kanyang ama.

"Opo. Kukuha lang ako ng gamit."

Tumuloy na ang ama sa silid nito. Ang mga kapatid naman niya ay mapanuksong tingin na ipinupukol sa kanya.

"O anong ibig sabihin ng mga tingin na iyan?" pagtataray niya sa mga kumag.

"Dito lang kami. Babantayan ka namin at baka gapangin mo iyong lalaki sa loob." sabi ni Jaime.

"Mga echozerang ito. Hindi kaya kayo ang mga bantay salakay dito?"

"Hoy hindi ah. Ni hindi nga namin napansin na malaki pala ang..." ani Migs na iglap niyang pinutol.

"Hep! Huwag mo ng ituloy at baka marinig ka ni Tatay." aniya ritong pinandilatan ng husto.

Sa inis niya ay ngumisi lang ang mga talipandas na kapatid niya.

"Malaki ang mga sugat niya. May mga marka na galing sa paghataw. Mayroong gunshot wound sa may hita pero daplis lang. Na-disinfect na namin ang mga sugat niya. Sana lang, di siya kailangang salinan ng dugo. Malakas naman ang vital signs niya eh. Saka mukhang sanay na siya sa ganoon." paglalahad ni Jaime.

Napakunot ang noo niya.

"Anong sanay na siya sa ganoon? Anong ibig mong sabihin? Hobby niya ang magpalatay at magpabaril ng ganun-ganon na lang?"

"OA ka Kuya Kearse. Ang ibig kong sabihin, may mga peklat siya na galing din sa tama ng baril. Marami na akong nakitang ganyan kaya naman alam ko." sabi ni Jaime sa kanya na para bang ang tanga-tanga niya. Binigyan pa siya nito ng hindi-makapaniwalang tingin na para bang nagpapaliwanag ito sa bata.

"Umayos ka ng tingin sa akin Jaime at baka dukutin ko iyang mata mo." aniya rito.

Ngumuso lang ito sa kanya. Babalik na sana siya ng kwarto ng makarinig sila ng malalakas na katok sa pinto. Nahintakutan agad siya. Naalala niyang may humahabol nga pala doon sa lalaking napulot niya.

Pero wala naman siyang narinig na dumating na sasakyan ah? Sino kaya iyon?

Mas lalong lumakas ang mga katok kaya naman inalerto na niya ang mga kapatid na kumuha ng kahit anong maipanghahampas. Dagling kinuha ni Jaime ang baseball bat na nasa likuranng kanilang estante sa sala. Pumwesto ito sa likod ng pinto at dahan-dahan iyong binuksan.

Ihahampas na sana ng ubod lakas ng kapatid niya ang baseball bat ng iluwa nun ang kaibigan niyang si Earl na diretsong bumagsak sa sahig. "Oh my God!" sambit niya. Nakalimutan niya ito sa sasakyan. Sa sobrang taranta niya ay hindi niya ito napansin. Nagtaka rin si Jaime na para bang ngayon lang nakita ang kaibigan niya.

"Earl!" tarantang sabi niya ng makitang gulapay na ito at luparay na luparay sa kalasingan.

"Friendship..." ungol nito.

"Sorry, friend, kasi naman. Nagtalukbong ka sa front-seat. Akala ko tuloy throw pillow ka lang."

"Sh-shuta ka! Mukha ba akong u-nan?" Lasing na lasing na sabi nito habang pinipilit na makatayo.

"Bakit ba nandito iyan?" sabat ni Jaime.

"Uy! Mukhang ako lang ang walang ka-loveteam." Singit naman ni Migs.

"Gusto mo sa'yo ko ihampas ito?" iritableng sabi ni Jaime.

"Ikaw talaga. Inggitero ka sa kagwapuhan ko. Diyan ka na nga! I hate you!" umaarteng sabi ni Migs sabay martsa patungo sa silid nito.

"Hoy Jaime. Tulungan mo ako. Dalihin natin ito sa silid mo." aniya rito.

"Ha? Bakit sa kwarto ko? Bakit hindi sa'yo?" reklamo nito sa kanya.

"Kasi sinabi ko. Hala dali! Tulungan mo ako."

"Eh Kuya naman eh." pagmamaktol pa rin nito.

"Masikip na sa kwarto ko. Saka sa sahig mo naman ito patutulugin."

"Eh paano kung maihi iyan? O magsuka?" pagpupumilit pa rin ng hudyo.

"Ang dami mong reklamo Jaime. Kung ayaw mo, sabihin mo lang. Sa kwarto mo lang kasi may espasyo pa. Sa kwarto namin ni Migs wala na. Alam mo naman na dito ako sa sala matutulog. Ayaw ni Tatay na magigisnang may lasing dito sa sala. Kung maagkalat ito, linisin mo. Kung ayaw mo, sabihin mo. Para matandaan ko ang araw na ito na hindi mo pinagbigyan ang hiling ko. Ilalagay ko sa kalendaryo. Ipapatatak ko sa t-shirt ko at iapapta-tattoo ko sa noo ko para everytime na magsasalamin ako eh maaalala ko ang araw na tinanggihan mo ako!" Mahabang litanya niya. 

Napagod lang siya sa ginawa pero worth it naman dahil isang pumapayag na Jaime na ang nagsalita. Effective talaga ang bunganga niya. Di lang pang-hada, pang-talak pa. He-he!

"Butangera ka talaga. Sige na nga." anito sabay martsa patungo sa kwarto.

"Hoy! Sabi ko sa'yo tulungan mo ako. ABa! Dead-weight na itong kaibigan ko dahil lasing na lasing na. Mabigat. Nangangawit ang aking perpektong bone structures."

"Yeah right." his brother snorted.

"Ayan." natutuwang sabi niya ng tulungan siya nitong akayin si Earl.

Sa panggigilalas niya at ni Jaime ay lumingkis ito sa katawan ng kapatid niya at isiniksik ang mukha sa leeg nito.

"Hmmm... My bebeh!" wika ni Earl na ng tsekin niya ay tulog na tulog pa rin. Mukhang nananaginip ito at napagdiskitahan ang kapatid niyang iniibig nito ng hindi rin masyadong lihim.

"Nampotek aman oh." reklamo ni Jaime na pilit inaayos o mas tamang sabihing binabaklas ang kamay ng kaibigan niya.

Napatawa siya ng malakas.

"Sige magtawa ka. Tandaan mo ang araw na ito Kuya." banta nito sa kanya.

"Natakot naman ako. Saka isa pa, bagay naman kayo ni Earl ah? Maputi siya. Ikaw negro ka. Para lang kayong kape't-gatas." aniya rito sabay kindat.

"Heh! Butangera ka talaga! Dinadaan mo ako sa rapido ng bunganga mo."

"FYI, hindi ako butangera. SI Marian Rivera iyon. At hindi ako Psychology. Wala akong alam sa pag-assess ng mga tao. Itsura nito! Diyan ka na nga." 

Mabilis niya itong iniwan bago pa makahirit ang mokong. Pagpasok niya ay kinuha niya ang isang malinis na blangket at unan para gamitin sa labas. Pinagmasdan niya muna ng ilang sandali ang lalaking natutulog na ang gwapo-gwapo pala. Nang makita niya itong gumalaw ay dagli siyang lumabas na para bang hinahabol siya ng malaking nota, este, pusa.


"I really don't like it when people look at me like I was some freak or something." sabi ng isang tinig na nagpabalikwas sa pag-mumuni-muni niya ng mga kaganapan kagabi.

Napalingon pa siya sa paligid to make sure na may nagsalita pero wala siyang nakita.

"Hey!" anang tinig na humawak na ngayon sa braso niya.

"Ay pekpek ng kalabaw na bumaba sa lupa iginisa ng matanda nahulugan ng kalabasa habang may lumalangoy na isdang bilasa." nagulantang na sabi niya.

Nahampas pa niya ang may-ari ng kamay.

"Aray!" sabi ng lalaking nakahiga sa kama niya.

"Ay dyaske kang lalaki ka! Ginulat mo ako." Napatutop pa siya sa dibdib sa sobrang kaba.

"Sorry. Sorry if I startled you" anitong hinihimas ang nasaktang braso.

"Huh?" litong sabi niya.

"Sabi ko sorry." ulit nito.

"Sorry rin." nakangiwi niyang sabi. Nakita niyang may maliit na agos ng dugo sa nahampas niyang parte ng braso nito kaya naman agad siyang lumapit.

"Ayan, nagdugo tuloy." nag-aalalang sabi niya.

"Hayaan mo lang iyan." anitong iniiwas ang braso sa kanya.

"Huwag kang malikot." sabi niya. Binawi ang braong nasaktan.

"Okay lang iyan."

"Hindi okay iyan."

"Okay lang iyan."

"Hindi nga okay iyan eh!"

"Eh di hindi." the man said then stretched his arms dahilan para direktang tamaan ng kamao nito ang mukha niya.

"Aray!" tutop niya sa naktang pisngi.

"AY sorry." hinging-paumahin nito.

Nanlilisik ang matang tiningnan niya ito. "Gumaganti ka yata eh?" asik niya rito.

"Hindi ah. Wala nga akong laban eh. Kita mo ang dami kong sugat. Paano kita magagantihan? Aksidente iyon." depensa nito.

"Tse!"

"Sorry na ha."

"Pasalamat ka. Gulpi-sarado ka na."

Natawa ito. Nabatu-balani na naman siya.

"Oo nga eh. Salamat sa pag-aasikaso sa akin. Saan mo nga pala ako natagpuan?"

Hindi namalayan ni Kearse na nakatitig na pala siya dito. Natatawa namang ipinitik nglalaki ang mga kamay sa harap niya.

"Hey! Are you okay?"

"Huh?" gulat na sabi niya. "Ah oo. Ano nga pala ulit iyong tanong mo?" napapahiyang sabi niya.

"Ang sabi ko, ano kamong masasabi mo sa economic situation ng bansa natin dulot ng worldwide crisis at sa ginagawang aksiyon ng gobyerno tungkol dito."

"Ibagsak ang presidente ninyo!" tumataginting na sabi niya.

Sukat humalakhak ang lalaki na naputol din dahil sa pag-sakit ng mga sugat nito. Nangingiwing pinigilan nito ang sariling matawa ng lubusan.

"O bakit ka natatawa?" nagtatakang tanong niya.

Nag-alis muna ito ng bara sa lalamunan bago nagsalita.

"Paano eh, hindi naman iyon ang totoong tanong ko."

Namula siya sa narinig.

"Ah ganoon ba?" Napahiyaw ito ng diininan niya ng pasimple ang tagiliran nito, hoping there's a wound on that particular area. And he hit home.

"Salbahe ka." sabi nito.

"Hindi kaya. Ang bait-bait ko nga eh." saka siya plastic na ngumiti.

"Oo nga." naiiling na sabi nito.

"Paano ka ba napunta doon sa kalsada? At sinong humahabol sa'yo?" pag-iiba niya ng usapan.

For a brief moment, Kearse thought he saw danger in this man's eyes but it was so fast he was made to believe it was only his imagination playing tricks on him.

Ngumiti ito. "Mahabang kwento eh." anito.

"Try me. Wala naman akong ginagawa." pangungumbinsi niya.

"Saka na. Marami pa namang araw."

"Kahit clue lang?"

"Pasensiya na." disimuladong pang-didismiss nito sa pinag-uusapan nila.

Napabugha siya ng hangin. Mukhang in-time ay magkukwento ang lalaking ito. Hindi lang siguro sa ngayon.

"All right. Since you're playing the mysterious-guy-found-lying-naked-in-the-woods-you-can't-make-me-say-anything, aasahan ko na sasabihin mo sa akin ang mga detalye ng kinasangkutan mo bilang pagtanaw ng utang-na-loob sa pagkakaligtas ko sa'yo. Kahit pa sa hospital or sa presinto ko dapat i-ne-report ang bagay na ito." pangongonsensiya dito.

Nakita niyang nagtalo ang kaloban nito. Pero saglit lang. Muling namutawi ang kislap sa mata nitoa t ang mapang-akit na ngiti. Ayun na naman ang nakakatunaw na tingin nito. Parang gusto siyang hilahin sa kama at gawin ang ipinagbabawal ng Lola Maria Clara niya.

"Oo naman. Scout's honor." nagtas pa ito ng kamay at ginawa ang simbolo ng boyscout. Napatawa siya.

"Anong pangalan mo?" aniya sa kawalan ng matanong.

Matagal bago ito nagsalita. Waring pinag-iisipan kung sasabihin ba sa kanya ang pangalan nito o hindi.

"Mukhang pati iyon aya--"

"Cody." sambit nito.

"Huh?"

"Cody. Iyon ang pangalan ko."

"True?"

"Oo naman."

"Bakit ang tagal bago mo sabihin?" hindi naniniwalang sabi niya rito.

"It's because I'm thinking if I deserve to be here alive at nagsasabi ng pangalan ko sa'yo habang ang mga kaibigan ko ay nasa panganib." mababa ang boses na sabi nito.

Natigilan siya.

This man, despite of his jolly personality, speaks danger. In capital D. Naiiling na nagsalita siya.

"Just tell me who you are." utos niya.

"I'm Cody. That's all you need to know. Aside from the fact that I mean no harm." nakangiti na nitong sabi kahit hindi umaabot ang ngiti sa mga mata.

"Trust me please. Wala akong gagawing masama. Pero kailangan kong magpagaling. Kahit dalawang araw lang. Pwede ba?" Pagpapatuloy nito.

Hindi alam ni Kearse ang isasagot. Nahahati siya sa pag-aalala kung gagawin ba niya ang sinabi nito o hindi. Hati kasi, nangangamba siya para sa kaligtasan nila, at sa kagustuhang makilala pa at tulungan ang lalaking ito.

Para-paraan!

"Okay." sa huli ay nasabi na lang niya.

"Salamat." Ginagap nito ang kamay niya. Para siayng nakuryente na di niya malaman. Hiling lang niya ay hindi nito naramdaman ang naramdaman niya.

"W-walang anuman."

"So,a nong pangalan ng savior ko?" nanunukso ang ngiti sa mga labi nito. At walang magawa ang kawawang mata niya kungdi sundan ng tingin ang mapang-akit na labi na iyon.

"Ah... Kea-Kearse."

"As in curse? Sumpa?" kunog-noong sabi nito.

"Ah.. Oo... ewan ko sa nanay ko kung saan galing iyan. Pero tama ang pronunciation mo." pilit siyang ngumiti para itago ang discomfort sa ayaw nitong bitiwang kamay niya.

"Wow... Thanks! Thank you Kearse!" anito sabay halik sa likod ng palad niya.

Kearse can't help but gasp in disbelief!



ITUTULOY

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP