Liham
Thursday, February 3, 2011
Arjay Amaneo
Saint Joseph Institute of Technology
********************************************************
Matagal na silang mag asawa, matagal ng nagsasama at marami na silang pinagdaanan. Gaya ng ordinaryong magkatipan dumanas din sila ng matinding pagsubok, mga ups and downs ng buhay kumbaga. Isang araw, nagkaroon sila ng alitan. Isang bangayan na sabihin na nating mauuwi na yata sa hiwalayan. Masyadong na dismaya si Andy, habang si Netty ay galit na galit.
Isang linggo din silang hindi nag uusap pagkatapos ng away na iyon. Nagbabaka sakali si Andy na huhupa din ang galit ng kanyang asawa. Pagsapit ng ikapitong araw, nilapitan ni Andy ang asawa at binigyan ito na papel at bolpen. Iminungkahi niya sa asawa na sabay nilang isulat sa papel ang kanilang mga saloobin, pagkatapos ay magpapalitan sila ng papel at pag-usapan kung ano man ang ugat ng kanilang di pagkaka intindihan.
Pagkatapos ng dalawampung minuto, nagtinginan ang mag asawa at nang magpalit na sila ng papel, binasa ni Andy ang sulat ng asawa. Ang nilalaman ng papel na iyon ay ang mga hinanakit ni Netty kay Andy, puno ng poot ang kanyang puso at sinabi pa niya sa sulat na sana ay mamatay na ito.
Nang si Netty na ang bumasa sa sulat ni Andy para sa kanya, nahiya siya sa sarili, umiyak, pinunit ang papel at tinapon ito. Sa papel ni Andy isinulat niya sa dalawang pahina ng bond paper:
“Mahal na Mahal kita Netty”
7 comments:
very short, yet full of emotions and moral values. This is indeed an epitome of short stories...ang ganda sobra!
-Mady
wowwww.....nakahilak koooo....
wow, I just thought of my mama and papa when I read this story. Nice one...
-Domz-
Good work...pagpatuloy mo lang...sana you can write more stories like this.....
jen
nakaiyak.... mga babae talaga kahit kailan
-jc
Short yet convincing. Na-touch ako sa istorya. May lalim kahit napaka-ikli. Naalala ko ang eksena sa aking mga magulang walong taon na ang nakakalipas. Sana ganoon ang naging eksena nilang dalawa, pero hindi. Well, ORIGINALITY wise, may nabasa na akong ganito noon. Iba lang ang ginawang atake ng may akda. Direkta at makatotohanan. Binigyan ko ng 5 stars rating.
indeed a great story taken from life. I agree that the theme is kinda familiar probably because of culture. But the attack, so short yet it impact the reader a lot.
Nice one!
Post a Comment