Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 22)

Tuesday, December 6, 2011



Salamat sa mga patuloy na sumusubaybay ng series na ginawa ko. Ganun din sa mga silent readers na nagbabasa rin ng series ko. Nawa'y kung merong mga GRAMMAR FLAWS kayo na makikita especially this EPISODE, ipagpaumanhin ninyo na lang kasi first time ko lang magsulat.

Salamat din sa mga:

Kaibigan ko, kaklase ko sa block section ng MBA sa PLM, mga ka-officemate ko na habang tina-type ko ito ay binabasa ng patago ang nobela ko, sa bestfriends ko at mga barkada ko, at higit sa lahat, kay Patrick na siyang naging dahilan para makapagsulat ako ng ganito. (Sino siya?! Well... Secret!! Hehehehe..)

Siyempre, sa mga avid readers na palaging nagko-comment ng nobela ko:

Sina Dada, jac, mArk, mcfrancis, j.v, -Ram, Nujum, LightRundle, Erion, boy jazz, coffee prince( number one fan ng novel ko..) Kuya Nitro, mga anonymous readers (mga mentor ko pagdating sa grammar and spelling) Ross ram, salamander, jeh, Aqua16, Sen Janus(Don't worry, i will post some of my missing parts of my story ASAP, but not now..) dark_ken(fan ako ng novel niya..) jasper.escamillan(nag-iwan pa ng number sa akin, don't worry, I'll text u if I have some spare time Hahaha!!) Ernes_aka_jun, Magno, Jay aka Jcoi, chris018, jayfinap(in-add ako sa account niya at isa sa mga idol ko pagdating sa series) zenki, ogie8906, at si JhayCie. Guys.. Sana nagustuhan ninyo ang story ko!!!

ATTENTION READERS!!:
Guys, eto yung part ng series ko na pinaka-importante at pinakamahalaga sa buhay ko, bale, 2 ito! Isa ito at ang isa ay yung susunod dito!! Hinding-hindi ko ito makakalimutan dahil dito ako umiyak habang ginagawa ko itong part ng series ko. Mahirap sa umpisa pero, unti-unti ko namang nakakayanan dahil nandiyan sa aking tabi ang Patrick ng buhay ko. Well anyways my Patrick, advance happy 23rd Birthday sa'yo.. I Love You!! And for Cheney.. Kahit kailan, hinding-hindi kita makakalimutan, as long as I have my memories of you, it will always be the same, forever!! I love you too, my Cakie!!!

ANY COMMENTS, OPINIONS AND VIOLENT REACTIONS ARE AFFABLY WELCOME!!!

(This story is based on my real life. I changed the names of those persons involved including myself to keep our characters confidential and personal.)

Any commonality to any individual, place, or written works are absolutely COINCIDENTAL.

DISCLAIMER: The author withholds all his prerogatives to the work, and requests that in any use of this material that his rights are purely respected. No part of this story maybe reproduced or transmitted in any form or by any means: replicating, copying, duplicating or otherwise, without the prior consent or permission of the author himself.

To visit my accounts, just get me in track here, AyT?!:

Blog: http://pinnohy.blogspot.?com/

FB: http://www.facebook.com/pINNOHy

TWITTER: @pINNOHy (just follow me and I'll follow you back!!)
---------------------------------------------

Part 22

"Ano?!"

"Nakita ako ni Cheney na inaayos ko ang gown na susuotin niya!"

"Patay nga!! Ano, me ginawa ka bang remedyo?"

"Ah... Oh shit, si Cheney.. Teka, andyan na siya."

Nataranta ako. Hindi ko alam kung anong gagawin. Pucha naman!! Kamalas-malasan!! Bigla kong nilagay agad yung CP ko sa bulsa ko habang kalong-kalong ang damit para sa susuotin mamaya sa JS Prom. Maya-maya ay biglang nag-ring ang CP ko at kaagad ko ito kinuha.

"Hello?!"

"Ah.. Jacob!! Ah.. Ok na.. All systems go na para sa kay Cheney! Buti na lang at nakagawa ako ng dahilan para hindi nya ako mahalata. Maya-maya, papunta na kami, wag kang mawawala Jacob ah.. Wala akong ka-partner!!"

"Oh gosh!! Buti na lang!! Sige gusto mo, dun na rin ako magbihis at mag-ayos para makasiguro kang aattend ako.. Joke lang!! Sige, baka mahalata tayo! Ingat ka lang ha?!"

Agad na nagmadali akong pumunta sa bahay. Nang tinignan ko ang wristwatch ko, napansin kong mag-aalas 5:00 ng hapon na. Alas 7pm mag-uumpisa ang prom kaya medyo binilisan ko na din ang paglalakad.

Ilang minuto pagkatapos, nakarating ako sa bahay. Nakita ko si mommy na nagluluto sa kusina, samantala si daddy ay nanonood ng HBO sa TV. Nagmadali akong pumanik. Nang nakarating sa kwarto ay agad kong sinampay ang susuotin ko sa sampayan sa itaas ng kwarto malapit sa pintuan. Naisipan kong i-text muna si Joseph para magpasalamat at si Lei para hintayin ako sa gate ng school. Pagkatapos i-text ang dalawa ay pumunta ako sa CR para maligo.

30 minutes after nang natapos akong maligo sa CR. Medyo matagal, syempre para kailangang maging presentable at mabango.
Kinukusot ko ang buhok ko gamit ang bimpo habang naglalakad papunta sa kwarto. Nang nakapanik ay kaagad akong nagsimulang mag-ayos.

Sakto at mag-aalas 6:30pm ako natapos. Maganda at presentable ako nung gabing iyon. Ang maputi kong balat ay mas lalong pumuti. Nilagyan ko din ng lip shiner ang mga labi ko para mas lalong kumintab. Hindi na ako nag-lagay ng foundation na tulad ng ginagawa ng iba. Kuntento na ako sa pulbos at pabango para mas natural ang labas ng aking pagkagwapo.

Ginamit ko din ang Bench for men-Hair wax at ikinalat sa buhok. Pagkatapos ay pinaliguan ko ng pabango ang aking katawan gamit ang Booster Lacoste for men, na binili ni kuya sa Dubai.

Nang na-satisfy sa nakita sa salamin ay agad kong hinanap ang sapatos ko at pagkuwa'y sinuot. Tumayo ako at tinignan kung bumagay o hindi. Ok naman!!

Sakto at tapos na akong magbihis. Bumaba ako sa kwarto ko at nakita ako ni mommy at daddy habang kumakain ng hapunan.

"Naks, ang gwapo ng anak ko ah!! Parang artista!! Teka anak, pa-autograph naman ako!!" sigaw ni daddy habang naglalakad ako.

"Tsaka na dad, kapag nag-artista ako!!"

"Teka, anong oras balik mo? Huwag kang magpapaumaga ha?! Kung di ka Uuwi ngayong gabi, i-text mo kami ng daddy mo!!" sabi ni mommy habang kumakain kasama ni daddy.

Kinuha ko ang CP ko sa tabi ng TV at sabay lumabas. Nakakahiyang lumabas, kaya nakisuyo ako kay daddy na tumawag ng taxi sa kanto at sinunod naman niya ako. Buti na lang at tapos na siyang kumain nang humingi ako sa kanya ng suyo. Medyo nagtagal ng konti si daddy sa labas pero ayos naman hanggang sa nakasakay ako at inihatid ng taxi driver sa eskwelahan.

Nang nakapunta ako sa eskwelahan, pansin ko ang pormal na damit ng isang lalaki sa tabi ng gate. Ang gwapo niya. Nakataas ang harapan ng buhok niya at naaninag ang mala-artistahing kulay puti na mamula-mulang balat nito. As in, mukha siyang foreigner!! Mukha siyang prinsipe!! Gusto ko ang style ng pananamit niya. Naka-tuxedo siya na makintab. Hapit ito sa katawan niya at parehas kaming na parang me ribbon sa gitna ng kwelyo nito. Kulay aqua blue ito at talagang nagmukha siyang importanteng tao kung tutuusin.

"Excuse po, kayo po ba si Lei?"Tanong ko sa taong nakatalikod sa akin.

"Kuya.. Ikaw pala yan!! Kamusta kuya, ang gwapo mo naman!!"

Si Lei pala! Pucha at natalo na naman ako nitong lalaking to!! Ang gwapo niya!! Wala ang salamin niya sa mata, at mukhang naka-contact lens. Nakataas ang buhok niya sa harapan. Kita ko sa buhok niya ang mala-pusong kurba ng tubo ng buhok niya sa ulo na nakakaakit. Ang mga mata niya na mala-hazel brown ay tanaw na tanaw. Ang ganda ng kutis ng balat niya. Ang puti na mamula-mula ang cheeks nito na parang sinampal sa magkabilang parte, at higit sa kanya, ang mga lips nito na nilagyan din ng lips shiner na una ko nang natikman noong may nangyari sa amin ng baby bro ko.

"Baby bro.. Naks, talo na naman ako sa'yo!! Ang gwapo mo!!"

"Ikaw din kaya kuya! Mas gumuwapo ka din, si Tita ang nag-ayos sa akin. Mas gwapo daw ako pag walang salamin, kaya pinahiram muna sa akin ni Tita yung contact lens niya."

"Halikana sa loob!!"

"Teka, baby bro, Pahalik nga sa cheeks mo?"

"Mamaya na kuya, angdaming tao eh, hirap niyan at public figure ka dito!!"

Wala akong choice kundi titigan at hawakan lang ang baby bro ko. Hinawakan ko na lang ang balikat nito at sabay kaming naglakad papunta sa loob. Medyo mahigpit, kailangang may tatak kami sa braso bago kami makapunta sa loob. Bawal daw kasi ang outsider eh. Maganda sana ang rules nila kaso, nakakadisappoint lang kasi para kaming mga baboy na kakatayin sa loob.

Nakita ko din sina Hiro, Joseph at Nikol. Hindi daw makakapunta si Jayson kasi me nangyaring family problem. Ang gugwapo nilang lahat!! Si Hiro, mas gumuwapo at mas lalong naging japanese sa style niya na parang animè ang buhok. Si Joseph naman, mas naging kaaya-aya ang mukha na dati ay hindi ko pinapansin, at ang kolokoy na si Nikol, mas umarangkada ang kagwapuhan dahil sa extension niya sa likod ng buhok niya na akala mo, pinahaba niya ng mahabang panahon. Para sa akin, walang tatalo sa kagwapuhan ng baby bro ko! Ang astig niya at ang sarap kainin sa kama!!

"Oh, andyan pala kayo, naks, ngayon ko lang na-realize, ang gwapo pala ni Lei!! Pahalik nga sa cheeks!!"

Nakita namin si Arah, itong presidente ng section namin na parang manang kung manamit ay mas maganda pala kung bibihisan. Nakailang paligo kaya siya bago niya na-achieve ang ganyang kagandahan?

Nagpunta kaming magbabarkada sa mga classmates namin. Tinignan at hinusgahan kung sino ang mas gwapo. Karamihan na nagustuhan nila ay kay Lei dahil naging kamukha daw niya si Justine Timberlake na me pagka AJ Perez. Samantala ako naman daw ay yung tipong Chinese na boy-next-door na hawig daw kay Vanness Wu ng F4. well, ganun talaga, kung sino ang mas gwapo, ay siya ang mas tinitilian.

Tumagal ang pakikipaghalubilo namin sa mga kaklase namin ng isang oras. Me mga nagyayaya ng inuman kasi sabado bukas. Mayroong nagpi-picturan at higit sa lahat, hinahalikan sa cheeks ang mga nakikitang gwapo at maganda na nag-stunning ngayon.

"Jacob, Mr. Lakandula, sino yang kasama mo, ang gwapo niya ah!! Parang me pagka- Justine Timberlake ang mukha!! Ang gwapo niya!!"

Sabi sa akin ni Ma'am Ortega. Well, pinahulaan ko siya. Hindi niya alam na estudyante niya ang kasama ko. Siguro, kung susuotin lang ni Lei yung salamin niya ay nakikilala siya nito, at sigurado ako dun!

"Sige mga iho, at baka magkasala ako sa nakikita ko sa inyo. Ang gugwapo nyo!! Lalo na yung kasama mo, Jacob!!"

Umalis si ma'am Ortega, samantala, pumunta kami kay Ma'am Pelaez para umpisahan na ang program ngayong JS Prom. Nang papanik kami sa second floor, malapit sa library ay bigla akong pinigilan ni Lei.


Bigla niyang hinawakan ng kanyang dalawang kamay ang magkabilang parte ng balikat ko sabay hila sa akin papunta sa harap niya. Pagkatapos ay kinuha niya ang baba ko at itinapat sa mukha niya. Ang bango ni Lei!! Ito ang first time na naamoy ko ang pabango niya na tumatatak sa isipan ko kahit hanggang ngayon. Walang tao sa buong second floor at kami lang dalawa. Para kaming prinsipe na nagmamahalan sa iisang kastilyo. Ang init ng hininga niya at ang bango pa. Pansin ko din na nakatutok sa ilong ko ang matangos at namumula nitong ilong. Agad kong hinipo iyon gamit ng mga daliri ko. Ang ganda ng hugis! May nakaumbok na maliit na buto ang ilong nito na malapit sa gitna ng matangos na ilong na talagang kahali-halinang kapain. Ang mamula-mula at medyo maliit na pouted na labi ay nararamdaman ko habang kumukuskos sa baba ko at ang buhok niya na maikli, ay tumatama sa noo ko.

"Pahalik kuya.. Gusto kong maramdaman ang halik mo ngayong gabing ito!!"

Nilapat niya ang labi niya sa labi ko. Napapikit ako. Biglang pumasok sa alaala ko si Patrick. Hindi ako nakatiis at agad kong hinawakan ang batok niya at diniinan. Ramdam ko na ang malalambot at maiinit niyang labi. Hindi ako nakuntento, agad na sinipsip ko ang labi nito at naramdaman ko ang laway niya na pumapasok sa labi ko. Ang sarap! Naramdaman ko na pinasok niya ang dila sa loob ng labi ko. Napanganga ako ng di oras. Nakikiliti ako. Hinayaan ko siyang galugarin ang loob gamit ng malilikot at mapupusok niyang dila, hanggang sa napahinto siya sa ginagawa niya at kinagat ng banayad ang ibaba ng labi ko. Ang galing niyang humalik! Mas pinatindi niya ang nangyari sa aming dalawa noon.

Hinawakan ko ang baba niya. Ako naman ang gumawa ng ginagawa niya. Ginalugad ko gamit ng dila ko ang loob ng kanyang labi. Ramdam ko ang ngipin at dila niya sa pamamagitan ng dila ko. nakakakiliti pala! At higit sa lahat, kinagat ko din ng bahagya ang ibaba ng labi niya. Napapikit siya ng hindi oras. Halos limang minuto naming ginawa ang umaalimpuyos na halik na hinding-hindi naming makakalimutan sa pinaka-espesyal na araw namin.

"Kuya, mahal kita!! Mahal na mahal kita!!"

Alam ko iyon. Kaya hindi ko maalis sa puso ko na mahalin siya tulad ng pagmamahal ko kay Patrick. Parang mas naging matimbang siya kaysa kay Cheney. Hindi ko alam sa puntong ito, pero sigurado na ako sa nararamdaman ko, na mahal na mahal na mahal ko na ang baby bro ko!!!

Pumanik kami sa third floor. Hinanap namin sa iba't-ibang sulok si Ma'am Pelaez pero wala talaga siya, kaya napagdesisyunan namin na bumaba na lang at puntahan ang mga kabarkada namin ni Lei.

"Oh, Mr. Inocencio, you're so pleasing today!! Also with your gentleman next to you!! Teka, hinahanap ko kayo! Saan ba kayo nagpunta?"

Si Ma'am Pelaez! Nasa likod namin siya ni Lei. Napatingin kami sa likuran ng hindi oras.

"Oh, Madam Pelaez!! How nice to see you on your pretty gorgeous attire. I find it so enchanting!! Well, are we going to start our JS Prom at this moment?"

"Sige Mr. Inocencio, let's just start this right away!!"

Pumunta kami ni Lei at Ma'am Pelaez sa likod ng stage para sabihin sa mga sasali ng cotillion na magprepare.

Alas siyete y media nang nagsimulang mag-umpisa ang cotillion. Pinapunta na ako ni Ma'am Pelaez sa harapan. Kasama ko si Hiro na sumayaw sa harapan kapartner ang dating Ms. Lakandula 2002 at si Shaine, na dating Ms. Lakandula 2003. Hindi natuloy ang pageant last year dahil nagkulang sa pondo ang school, kaya reigning king and queen kami ni Shaine. Bago ang lahat, kinamusta ko si Shaine kung plantsado at maayos na ang plano. Sure 100% na daw at na-excite tuloy ako.

Nagsimula ang cotillion nung inintroduce kami ni Ma'am Pelaez sa mga bisita, pagkatapos ay iniayos niya kami isa-isa, hanggang sa ipinatugtog ang sayaw at nagsimulang sumayaw ang lahat.

Tumagal ng 10 minutes ang cotillion, medyo nakalimutan yung iba ang steps pero maayos naman nilang na-execute ito. Nang pagkatapos ay biglang hinablot ni Lei ang kamay ko. Nagpunta kami sa likod ng stage at nakita ko sina Joseph, Nikol, Hiro, at Shaine na nakangiti.

"Hoy, nandito na pala kayo, oh, Kamusta ang plano?"

"Ayos bro!!! In just a matter of hour, darating na si Cheney!" sabi ni Joseph.

"Ganito, after ng grand party ball, me ia-announced ako sa stage, pagkatapos, ilalabas nyo na si Cheney. Areglado?"

"Areglado po, boss!!" sigaw ng lahat!!

"Teka, Shaine, where are the flowers?'"

"Nasa akin na!! Ibibigay ko sa'yo later on.."

Pagkatapos ng cotillion ay ipinatugtog ang mga sayaw na hit na hit noong early 2005 nina Beyonce, Pink, Britney Spears, Mariah Carey, J.Lo, Pink, Black Eyed Peas na pasikat pa lang noon at ni Justine Timberlake. Sumayaw kaming lahat. Nag-slamman pagkatapos ay nagharutan. Bumuo pa nga kami ng parang circle pagkatapos ay sumayaw kami isa-isa sa loob. Iyon na nga siguro ang pinakamasayang bonding sa buong buhay namin.

Sakto at 9:00pm hinatak ni Joseph ang kamay ko sabay niyang binulungan.

"Jay, andyan na si Cheney sa labas, nakikita ko na yung sasakyan nila kasama yung mommy niya at yung Tita niya."

"Sige, bro... Papanik na ako sa stage!!"

Kinuha ko ang isang bouquet ng bulaklak kay Shaine. Pumunta ako sa stage to interrupt the ball. Pinahinto ko munang magpatugtog si DJ.

"Everybody, please!!! Lend me your ears first!! I'm sorry if I got to interrupt this party, pero saglit lang ito!! We'll resume this after a one big announcement of mine. You know what, I have love someone in life, and she's suffering right now to her life threatening condition. Hindi namin alam kung hanggang kailan na lang siya dito sa mundo and I don't wanna see her enfeebled as time goes by. Guys, tell me, di ba masakit para sa atin na mawala ang isa sa mahal natin sa buhay?! Isn't it too much hurtful? Well, this is what happening to me right now, that's why me and my companion has just come up to make this day as one of her most unforgettable moment as we giving her tribute to her one of a kind soul. Mahal ko siya pero deep inside of my heart, I know, time will come, she will leave us! Nobody knows, kaya, please guys, I need your all-out support and a full blast cooperation! I hope you'll bear with us. Please allow us to make this moment as a tribute to my one and only love, so my fellow lakanduleñans, let's just start this moment with a bang. Meet my one true love.... Ms. Cheney Gail Vargas!!"

Dahang-dahang na binuksan ang gate ng school. Unti-unting binababa si Cheney sa pulang Pajero na sasakyan na nakatakip ang mga mata habang nakaupo sa wheelchair. Inutusan ni Lei yung DJ na i-flash ang spotlight sa kanya. Nagulat ako na bukod sa mommy ni Cheney ay nandun din ang Tita nito na mommy ni Patrick, si Tita Susan.

Ang ganda niya. Medyo kulot ang dulo ng buhok niya at may tiara na maliit na parang isa sa mga Disney Princess. Nakagown siya na kulay pink at naka-alampay na parang si Snow White. Medyo classic ang style ng gown niya at talagang nagmukha siyang espesyal ngayong gabi.

Nagpasuyo ulit si Lei na ipatugtog kay Mr. DJ ang kantang "For all of my life" ng For Real pero sa puntong iyon, instrumental lang.

"Sige lang.. Cheney, just keep walking, malapit ka na sa aming lahat!!" sinabi ko habang naglalakad siya papunta sa amin.

Marami ang kinilig, kasama si Ma'am Pelaez. Nakita ko si Shaine at mukhang napaiyak ito. Habang lumalakad si Cheney sa harapan ko, tinawag ko si Lei para tabihan ako para makaparehas din niya sa stage. Hindi ko alam kung malulungkot ako o mamamangha dahil iyun ang first time ko na nakitang napakaganda ni Cheney.

Sinasabayan siya ng spotlight na nakatutok sa kanya habang nasa wheelchair na nakaalalay ang mommy niya at ng Tita niya na mommy ni Patrick. Magaling talaga ang plano. Hindi alam ni Cheney kung nasaan siya. Ang galing ni Shaine magset ng plano!! Panalo!!

Nang nakapanik siya sa stage ay napagdesisyunan ng mommy ni Cheney at mommy ni Patrick na iwanan kaming tatlo sa stage. Pumunta ako sa likod ni Cheney at bumulong.

"Cheney, I love you, we're doing this, just for you!!"

Unti-unti kong tinatanggal ang mga piring sa mata ni Cheney habang nakaupo sa wheelchair. Napapansin ko na medyo basa ang kanyang pinagpiringan, indikasyon na umiyak siya habang nakapiring. Nang natapos ay yumuko ako sa kanya at sabay bigay ng isang bouquet ng bulaklak na kulay pink at isang halik sa kanyang labi.

"Isn't it awesome? Lahat sila nandito!! Mga classmate mo, barkada mo, parents mo, and even me.. I love you Cheney at kahit anong mangyari!! I will always be with you!!"

Umiyak si Cheney, niyakap niya ako ng mahigpit. Napansin ko din sa ibaba, ang lahat ng nakakakita sa amin sa stage ay nagsi-iyakan. Kahit na sina Nikol, Joseph, at Hiro.

"I love you Cakie!! Even though I may not be your luckiest woman to marry someday, I hope those memories that you shared with me would always be the same as time goes by!! I love you just the way you are!! I love you Jacob!!"

Kinuha ng mommy ni Cheney ang bulaklak na ibinigay ko sa kanya. Dahang-dahan kong itinayo si Cheney. Tinulungan ako ni Lei. Pinatugtog ang kanta ng For Real na "For all of my Life" habang nakapatong ang mga kamay ko sa bewang niya at ang mga kamay niya sa balikat ko.

"♪Come and lay here beside me
I'll tell you how I feel
There's a secret inside me
I'm ready to reveal
To have you close
Embrace your heart with my love
Over and over
These are things that I promise
My promise to you

For all of my life
You are the one
I will love you faithfully forever
For all of my life
You are the one
I give to you my greatest love
For all of my life

Let me lay down beside you
There's something you should know
I pray that you decide to
Open your heart and let me show
Enchanted world of fairy tale
A wonder land of love
These are things that I promise
My promise to you.

For all of my life
You are the one
I will love you faithfully forever
For all of my life
You are the one
I give to you my greatest love
For all of my life.♪"

Habang sumasayaw kami, napansin ko na sumasayaw din ang mga ka-JS Prom namin sa baba. Agad na kinuha ni Cheney ang mukha ko at itinapat sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinalikan si Cheney sa malalambot nitong mga labi.

"Cakie, this is gonna be the most beautiful thing that I have encountered in my whole life!! Kahit mamamatay ako, even I'm on my 7 feet under the ground. Pag-alis ko, i hope, walang iiyak. No cries, no laments, only smiles. Mangako ka, cakie!!! I will treasure anything in my life, forever and that's for sure, honey!!"

"Cakie, don't say that!! I have a faith on you!! Kaya mo yan! At mabubuhay ka!!"

"Cakie, hindi, I'm fully contented that this is happening to me right now. I am completely without explanation, I'm already prepare to face my death!!"

"Cakie!! Ano ba?! Don't mind it much!! We're celebrating here!! Ok.."

Hindi na nagsalita si Cheney, itinuloy pa rin niya ang pagsasayaw ko sa kanya. Tumagal yun ng 15 minutes at napagdesisyunan ko na ilipat naman siya kay Lei.

Nang nailipat ko kay Lei si Cheney ay agad siyang naiyak. Naiyak din pati ang mommy ni Patrick. Dumating sa puntong silang dalawa na ang umiiyak. Napatigil silang saglit sa pagsasayaw at napayuko ai Cheney sa balikat ni Lei. Umiyak ito. Isang hagulgol na tangis ang naririnig ko. Agad pumunta ako sa harapan para alalayan si Cheney at hinimas ko ang likuran niya para mahimasmasan.

"Kuya, I can handle Cheney, kaya ko siya."

Pinabayaan ko si Lei sa mga kamay nito si Cheney, panatag naman akong hinding-hindi niya pababayaan ang mahal ko. Agad na sumayaw sila na magkahawak ang kamay sa likod malapit sa bewang at sa balikat ng isa't-isa.

Tumagal ang pagsasayaw ng dalawa kong kaibigan ng mga ilang minuto. Pagkatapos ay kaagad kong pinapunta sa itaas sina Joseph, Hiro, Nikol at si Shaine para sayawan si Cheney. Ito na nga siguro ang pinakamasaya, kung hindi, pinakaimportanteng okasyon na tumatak sa isip ko at sa relasyon naming tatlo. Tumagal ang pagsasayaw ng lahat ng kaibigan namin sa kanya. Animo'y parang debut niya. Sinayaw pati ang mga kaklase niya at mga ka-organization niya.

Tumagal ng 30 minutes ang pagsasayaw. Medyo napagod si Cheney sa puntong iyon, kaya napagdesisyunan namin ni Lei na ilagay muna siya sa wheelchair. Pumunta ako ulit sa harapan para magsalita sa mga ka-JS Prom.

"Salamat mga fellow Lakanduleñans!! Thanks for giving this moment to dance in front of you my one and only true love, again, let's just give her a wonderful round of applause... For once and for all... Ms. Cheney Gail Vargas!!"

Nagpalakpakan ang lahat. Si Cheney ay patuloy sa pag-iyak. Samantala, mukhang naiiyak na rin ang mommy ni Cheney, buti na lang at napansin yun kaagad ni Lei kaya pumunta siya sa tabi nito at hinimasmasan sa likod.

"Ok guys, I will let this moment to all of you, I wanna see some moves and grooves like nobody care, guys, so let's get it on!! Sayawan na!!"

Pinatugtog ni DJ ang mga kanta ni Beyonce, Justin Timberlake, ang "Where is the Love" ng Black Eyed-Peas, ang remix ng kanta ni J.Lo at Britney Spears at ng bandang Maroon 5.

Sabay nun ay pinatay ang ilaw at binuksan ang laser lights na kulay green at itinapat sa mga sumasayaw sa ibaba. Kinuha namin si Cheney at pinalibutan namin siya sa gitna habang naka-form ng circle. Nahihiya siyang sumayaw sa amin pero nawala nung lahat na kami ay sumayaw sa harapan niya. Nakita ko ang tuwa, tuwa na sa buong buhay ko ay bihira ko lang makita sa kanya. Biglang umalis sa harapan namin si Lei, mukhang may hinahanap. Nagpaalam siya sa amin na magsi-CR siya at sabay umalis.

Samantala, dire-diretso pa rin ang sayawan. Merong me nagwawalaan, nagiislaman, binabayo ang buhok, tumatalon at may patagong ginagawa malapit sa PE Building. Tumagal ng 30 minutes kaming nagsasayawan, nakaramdam si Cheney ng antok kaya dinala ko siya sa mommy niya na nasa baba sa gilid ng stage katabi ng altar ni blessed Mary. Pagkatapos ay inilagay ko siya sa tabi ng mommy niya. Kinuha niya ang mga kamay ko at hinalikan ako sa labi.

"Cakie, kahit anong mangyari, mahal kita!! Mahalin mo si Lei tulad ng pagmamahal ko sa'yo at pagmamahal mo kay Patrick. Malalaman mo rin ang lahat, pero hindi muna ngayon. Mahal na mahal na mahal kita!!"

"Cakie, magpahinga ka lang muna dyan. Ang gusto ko, magpalakas ka!! Ayaw kong nahihirapan ka, kaya ibinigay ko sa'yo itong gabing para sa'yo, dahil mahal kita."

Pagkatapos nun ay may pinakuha siya sa mommy niya. Agad na kinuha ng mommy niya sa bag niya ang isang chocolate bar na gustong-gusto naming tatlo ni Lei.

"Cakie, snickers!! Gusto ko, kainin mo yan habang malungkot ka. Huwag muna ngayon!! Itabi mo muna yan!! I love you cakie!!"

Agad na sinilid ko sa bulsa ko ang snickers. Hinalikan ko siya sa labi pagkatapos sa noo. Napapikit siya. Ayaw niyang bumitaw sa akin sa puntong yun pero nakiusap ako sa kanya na saglit lang akong makikipaghalubilo sa mga kaibigan at kaklase ko kaya pumayag siya. Pagkatapos nun ay nakita ko si Lei kasama ng mommy ni Patrick at pumunta kay Cheney at umupo sa tabi nito.

Minamanmanan ko siya habang sumasayaw at naghaharutan kaming magbabarkada, pagkatapos nun ay sumama na sa amin si Lei. Agad niyang tinanggal ang tuxedo niya at iwinasiwas sa amin. Ganun din ang ginawa ko at ng buong barkada. Para kaming tanga. Hindi namin namamalayan na para kaming nasasapian sa ginagawa namin. Pagkatapos nun ay kumapit sa akin si Lei sa likod na tipong gustong magpapasan. Pinasan ko siya at umikot kami ng dahan-dahan hanggang sa pabilis ng pabilis. Tumagal yun ng limang minuto kaya nung huminto kami ay para kaming lasing na pasuray-suray kung maglakad.

Napansin ko ang mommy ni Cheney. Umiiyak ito habang hinihipo ang buhok na nakasandal ang ulo sa mga binti nito. Tumigil kami ni Lei pansamantala. May kung anong pumasok sa isip ko na matulala. Hindi ko alam sa puntong yun, pero parang gusto kong ihinto ang oras. Parang gusto kong pigilin ang pag-inog ng mundo sa kabila ng masasaya naming sandali ng buong barkada. Hindi ko na nakuhang puntahan sila. Nakikita ko ang mga kaibigan kong lumalapit at pumupwesto sila papalibot kay Cheney. Nararamdaman ko si Lei na hinihila ako papunta kay Cheney at sa mommy nito. Hanggang sa nakita ko sila na umiiyak habang nakaluhod sa natutulog na si Cheney.

"Please... Stop the music!! Please!!" sabi ni Lei sa DJ habang nagpapatugtog.

Ilang saglit pa ay dumating ang mga kaibigan at kaklase ni Cheney. Nakatayo pa rin ako. Pinipilit ako ni Lei na pumunta sa harap ng natutulog na si Cheney sa mga binti ng mommy niya, pero hindi siya nagtagumpay. Iniwan muna niya akong pansamantala. Ito na yata ang isa sa pinakakatakutan sa buhay ko. Natatakot ako!! Sana panaginip lang ito. Sana, halusinasyon lang ang lahat!

"Jacob!! Cheney is gone!!"

Itutuloy..

-I LOVE YOU, CAKIE!! :((

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP