Perfect Two - Episode 4

Monday, October 17, 2011

Author's Note: First I would like to apologize for the uber late update..sorry po tlga,, :( Pangalawa, gusto kong pasalamatan ang mga nagbabasa nito, especially to Kristofer, Mars, Roan, wastedpup, jm, kuya kambal, kuya Win, kay kuya Jamespot(lol), kuya jm, at sa mga anonymous and silent readers ng blog na ito. Thanks din sa mga nag-add sakin sa FB hehehe. Siyempre thank you rin kay kuya Vince ko! Mwah! Mejo hinabaan ko na rin po ng konti heheh.. PS: kinopy paste ko lng po yung conversation..sana po maintindihan niu..xD Anyway, enjoy reading! just leave comments and thoughts below!

Episode 4 - BoysBoysBoys 
Si Frank.. Isang gwapong nilalang sa balat ng lupa..Nakikita ko lang siya sa school,..sabi nila, pinoy raw to,.Mukha naman siyang pinoy, pero kasi minsan, merong mga taong mukhang pinoy, pero hindi pala..Marami kasing mga Hispanic (spanish) na mukhang pinoy..Anyway, back to Frank..Paano ko nalaman name niya??Narinig ko lang ang pangalan niya sa kay Tori..Crush niya kasi si Frank. 

Kinuha ko yung panyo na inoffer niya..Wala naman kasi akong panyong dala, wala rin naman akong tissue,. Alanganamang sweater ko ang gamitin kong pamunas diba? Well yeah pwede kong gawin yun, pero ayan na eh, may panyo nang inooffer eh, kaya mas magandang option na rin yung panyo.

"Thanks.." sabi ko habang pinupunas ang mga luha ko. "and also, I'm sorry about what happened a while ago..I wasn't looking to where I was going, that's why I bumped into you."

"That's okay..no harm done.." nginitian niya ako..Gwapo nga talaga tong mokong na to..lalo na pag nakangiti..Mo-hawk ang buhok, naka malaking nerdy glasses, makapal ang kilay, mapula ang labi at moreno..Medyo may kalakihan ang mata, matangos ang ilong..

Umupo siya sa gilid ko.."I'm Frank." sabay abot ng kamay niya..

Suminghot muna ko bago magsalita.."I'm Marvin..nice to meet you.." kinamayan ko siya..Malambot yung kamay niya.ang sarap hawakan..Naku kung nandito si Tori, hindi lang yung maiinggit, sasabihin pa sakin nun, ang landi landi ko raw.

Hawak ko yung kamay niya at nakangiti kami sa isa't isa ng biglang tumunog yung warning bell, meaning, 1 minute na lang, magsisimula na yung class.. Sh*t I lost track of the time! I can't be late for my class! Baka sermunan ako nung teacher ko!

"Uhhm Frank, I gotta go to class now..Thanks again..and sorry.." paalam ko sa kanya at sinimulang umakyat sa hagdan..

"See you around Marvin!" nginitian niya ako..Sinuklian ko rin naman iyon ng ngiti niya.

2nd floor ang class ko, if I hurry, I can get there in time..At hindi naman ako nabigo, I got in class just before the bell rang..French ang first block ko..

"Bonjour Monsieur!" (Hello Sir!) bati ko sa French teacher ko.

"Bonjour Marvin, Ca va? (Hello Marvin, how are you?) " sabi ng teacher ko..

"Ca va bien, et toi?" (I'm good, how about you?) tugon ko naman..Ang plastik ko noh? Daig ko pa ang isang malaking tupper wear sa kaplastikan..Ayokong maapektuhan ang pag-aaral ko ng dahil sa mga personal issues ko..Which is right nmn..And aslo, hindi naman talaga ako dapat nagkakaroon ng personal issues in the first place..Wala akong karapatan para magreact ng ganun..kaibigan niya lang ako..At saka isa pa, hindi ba sobrang obvious naman na may gusto ako sa kanya dahil sa ginawa ko? Masyado akong naging careless..ang tanga ko talaga..ngayon hindi na ako magtataka kung lalayuan na niya ako..

"Marvin?" tanong ng teacher ko..

"I'm sorry what?".bigla akong naalimpungatan sa kasalukuyan..

"Are you okay?" tanong niya.

"Oui monsieur." (Yes sir.)

"Okay..Go to your seat now.."

Pumunta na ako sa upuan ko, ibinaba ang bag ko at kinuha ang libro..Sa buong first block, parang lumilipad ang isip ko..buti na lang, nanuod lang sila ng movie, kaya wla naman akong namiss na lesson...nakatulala lang ako, pero mukang nanunuod ng movie dahil nakatutok yung mata ko sa tv..Ndi ko alam kung bakit ko iniisip to...Kung si Paul ang hula mo, tama ka, si Paul nga ang iniisip ko.. Iniisip ko pa rin yung nangyari kanina.. Ang tanga tanga ko naman kasi eh! Bakit ko nga ba kasi ginawa yun?! Arrggghh..Pero hindi niyo naman ksai ako masisisi sa ginawa ko diba? Nadala ako ng emosyon ko..Pero oo, dapat nga hindi ko talaga ginawa yun..arrgghhh ano ba yan?! ang gulo!!!!!

Second block, Physics class..Hindi pa rin ako masyadong makapag-concentrate..Buti na lang, nag-lab lang kami..may utak naman yung mga groupmates ko kaya kahit hindi ako tumulong, magagawa nila yung activity..Buti na lang nag bait talga ni Lord sa akin..Ngayong hindi ako makapagconcentrate, tumapat naman sa araw na wala kaming important things to do..After second block, lunch break na..Lumabas kami ng school ni Tori..hindi kasi kami kumakain sa cafeteria, kahit libre yung food, we still prefer eating outside..Pumunta kami sa isang Filipino restaurant..madalas, dun kami naglulunch, minsan naman sa pizzaria, or sa Mcdo.Kasama rin naming maglunch sina RL at Trina..Kaibigan ko rin sila, close friends, pero hindi tulad ng closeness namin ni Tori or ni Paul.Alam rin nila na may gusto ako kay Paul..hindi naman nila ko hinusgahan..sinusuportahan pa nga nila ko..nga pala, tibo si RL,.Kumakain na kami ngunit hindi pa rin ako nagsasalita..Nasa harap ko si Tori at katabi niya si Trina, katabi ko naman ni RL,.

"Pa, okay ka lang ba?" tanong ni RL,.."Papa" or "Pa" ang tawagan namin dalawa..Hindi ko alam kung kailan namin sinimulang tawagin ang isa't isa ng ganun..Basta bigla na lang kami nagtawagan ng papa.

Tumango lang ako at nginitian siya..Tinanong naman nila kay Tori kung ano raw ang problema ko..

"Okay lang ba na ikuwento ko sa kanila?" tanong niya na sinagot ko ng isang tango. Kinuwento ni Tori ang lahat...Nakikinig namang mabuti ang dalawa..

"Hmmm...eto ah...sorry, pero, mali kasi yung ginawa mo..masyado kang obvious!" sabi ni Ms. pranka, si Trina.. Pranka kasi yan..which is maganda naman sa kanya..bumubukas ang isip mo, at ang mga mata mo sa katotohanan.."Hindi mo dapat ginawa yun..dapat hindi ka nagpadala sa emosyon mo..ano sa tingin mo ang iisipin niya? over naman kasi yung naging reaction mo.."

Hindi naman ako nagalit sa kanya..oo mejo nainsulto ako, nasaktan..pero totoo yung mga sinabi niya sa akin..tumahimik na lang ako at nagbuntong-hininga..nanatili kaming tahimik, hanggang sa nagsalita si RL.

"Sabi ko naman kasi sa'yo Pa, ako na lang ang mahalin mo e!" sabi ni RL.

Natawa naman ako sa sinabi niya..

"Ayun tumawa na rin! Galing mo talaga RL!" sabi ni Tori.

"Naku! E kahit wala namang sabihin yan matatawa na talaga si Vin e! tignan mo naman, ichura pa lang!" pang-aasar ni Trina..

"Hoy Ms. Katrina Ramos na mukhang shokoy! Cute yata ako!" sabay pacute ni RL..Lalaking lalaki na nga kasi ang dating ni RL pati manamit, mag-ayos, yung buhok, lalaki na talaga..sa school nga eh, napatawag pa siya sa office dahil inireklamo siya ng janitress kung bakit daw pumasok siya sa CR ng mga babae..Kaya simula nun, hindi na siya gumagamit ng bathroom sa school, kasi alanganamang sa CR ng boys siya pumunta diba? Paano siyang iihi dun? nakatayo?

Natawa ulit ako sa mga pinasasabi ng mga abnormal kong mga kaibigan.."Cute naman ako diba Pa?" tanong niya.

"Oo cute ka Pa...Kapag tulog!" sabi ko..

"Ah ganon! Hindi mo talaga ako mahal!" sabi niya..

"Hala! Nagtampo?" Mukang nagtampo nga dahil kinakalabit ko siya pero ayaw niya akong pansinin.."Sorry na po Pa.." sabi ko habang niyuyugyug siya..

"Anu ba?!" may halong inis ang boses niya..

"Sorry na Pa..." puppy dog face.

"Kiss ko muna?" bigla siyang ngumuso sa akin..

"Waaaaaah! Pa! kiss ka jan?!"

"Hindi mo talaga ako mahal!"

Niyakap ko siya at sinabing, "I love you Pa,." nginitian ko siya.

Nginitian naman niya ako at sinabi, "I love you too Pa.."

"Ayiieee! Baka magkadevelopan na kayo ha! Pero panu na si anu?!" biglang singit ni Tori.

Nagtaka ako kung sinu yung tinutukoy niya.."Huh?! Sinong anu?"

"Si Mr. Cutie sa phone mo!" sabi ni Tori,.

Napaisip muna ko ng saglit bago ko nagets yung sinabi niya.Si kuya Vinvin! Ou nga pala! Nakita nga pala niya! Abnormal talaga tong Tori na to, nilalaglag ako..

"Pinagpalit mo na ko Pa? Akala ko si Paul lang ang karibal ko? Tapos may kabit ka pang iba?! Sino yang lalaki na yan ha?! Sabihin mo sakin! At humanda sakin yan!" kunyaring galit na tono ni RL.

"Pa, friends lang kami nun.." sagot ko naman.

"Dapat lang..dahil hindi ko papayagang may umagaw sa'yo sakin..ako lang dapat! ako lang!"

Tumawa kami sa sinabi ni RL..Abnormal talaga tong RL na to..Loko-loko..pero sweet..aaminin ko, kinikilig ako everytime na ganun ang usapan namin, na parang KAMI.,

Pagkatapos namin maglunch, bumalik na ulit kami sa school..dumaan muna ulit ako sa locker namin bago ako pumunta sa class ko, nandun kasi yung mga libro ko for the next blocks..Nilock ko yung locker at pupunta na sana ako sa next class ko..pagtalikod ko, bigla kong nakita si Paul sa harap ko..Nakatingin lang siya sa akin at may lungkot ang kanyang mga mata..Nagiguilty na tuloy ako sa ginawa ko..masyado akong naging harsh sa kanya..I have to apologize...okay na yung mag-sosorry ka pa rin..di ba? Ang bitter ko naman at ang taas naman ng pride ko kung hindi ako magsosorry about the way I acted..a typical friend would never do such thing, oo magtatampo, pero masyado akong naging OA..

"I'm sorry." sabay naming nasambit ang mga katagang iyan..

"Uhmm..I'm sorry..I should've not acted that way.." sabi ko..

"I'm sorry din..Dahil hindi ko natupad yung promise ko sayo..Sorry talaga..please wag ka na magalit sakin Vin.." hinawakan niya ang balikat ko..

"Let's just forget about what happened..okay?" sabi ko naman.

Niyakap niya ako na ikinagulat ko naman.."Thanks Vin.."

Anong drama nito?? Pero aaminin ko, kinilig ako sa tagpo naming iyon..sino ba namang hindi kikiligin kung yayakapin ka ng crush mo diba? Mahawakan pa nga lang ang crush mo eh nagbblush na, mayakap pa kaya? Right??

So okay na kami..natapos ang araw na maluwag ang damdamin ko..oo mejo nagtatampo pa rin ako..kasi nga..nagseselos ako! oo na, nagseselos na ko! alam ko naman na iyon ang iniisip mo..oo ikaw..ikaw na nagbabsa ng buhay ko..pero masisisi mo ba ko? mahal ko yung tao eh, siyempre masasaktan ako kapag nakita akong kasama siyang iba..ikaw ba? ganun rin naman mararamdaman mo diba? at siyempre dahil sa tindi ng nararamdaman mo, mawawala ka sa sarili mo at hindi mo na mapipigilan na mailabas ito..pero oo, mali nga ako..pero nagsorry naman ako.. 

Anyway,..pagkauwi ko ng bahay, ginawa ko mga homeworks ko,then natulog..nakakapagod tong araw na to..nagcng ako, 7 na..naalala ko, 1 1/2 hour na lang, magkakausap na kami ulit ni kuya Vinvin..Excited ako at hindi ko maipaliwanag kung bakit, kaya sumakay ka na lang sa feeling ko okay? wala nang tanung tanung pa! okay?! kumain ako ng dinner tapos, naalala kong magupdate ng story ko sa isang blog na pinagpopostan ko..at ayun..para akong tangang nakatitig lang ulit sa contact list ng ym ko sa phone ko, hinihintay na mag-online cia..8:30 na..wala pa rin siya...naghintay muna ulit ako ng ilang mga minutes..8:45...Hala, baka nagalit na sa akin un.. :( kasi naman si Paul eh! pinaiyak pa ko kagabi! yan tuloy di ko nakausap si kuya Vinvin,,..tpos ayan galit na sakin.. Sisihin daw ba si Paul? ang sama ko talaga! 9:00, wala pa rin.. 9:15..9:30..wla pa rin..ibinaba ko na lang ang phone ko..bigla akong nalungkot..hindi ko alam kung bakit ako nalulungkot...nasa ganun akong pag-eemote ng biglang tumunog ung phone ko,.agad ko itong kinuha at tinignan kung sino ang nagtext or nagPM sa akin.. Si kuya Vinvin!



me : Kuya vinvin ko! :)
greatprince : sobra nman ako na touch sa special mention mo sa akin.. 
greatprince : musta na little vinvin ko?
me : Ayos lng nmn kuya vinvin ko. :)
me : Ikaw kamusta ka na kuya vinvin ko?
greatprince : ok nman ako little vinvin ko
greatprince : sensya na pinatawag saglit ng supervisor nag tanong regarding sa mga inventory ng pc at may bingay lang na instruction para sa darating na bagong AE at nid daw ng pc

Ayun, kaya naman pala, may ginawa pa pala..ayan na naman ang kaOA-an ko,.nakakainis na ko no? aminin mo!

greatprince : kumain ka na ba ng dinner?
me : Opo nakakain n po ako hehe
me : Kaw po? Kumain k. Po b breakfast b4 work?
greatprince : eto po nasa table ko at namamapak ng rambutan
greatprince : eto na ang breakfast ko
me : Hehehe
greatprince : ang dami palang kuya ng little vinvin ko?

Kuya raw?? Nagisip muna ako kung ano ibig sabihin niya...Ahhh! yung mga kuya na nakalagay sa post ko!

me : Opo.kc feeling ko mas matanda clang lahat sakin eh xD
greatprince : parang ako?
greatprince : mas matanda sau?
me : Hmm parang ganun n nga. Hehehe
greatprince : close ka ba sa knila?
me : Hmmm..ndi nmn po gnun kaclose..Prang usap usap lng minsan.
greatprince : ahhh parang katulad din lng ng pagka close mo sa akin? or mas close ka sa knila?

Napaisip tuloy ako kung ano ang sasabihin ko..

me : Hmmm....ibang level nmn ung sau hehe
greatprince : paanong ibang level? so mas close ka sa knila?
me : Kc yung mga un, kausap ko lng sa comment..Eh ikaw kausap tlga kita ng bonggang bongga haha
greatprince : eh kase nag e-effort po si kuya vinvin mo.. para mapalapit sau..
me : :)

Bigla akong kinilig sa sinabi niya na gusto niyang mapalapit sa akin..

me : Di mo na kailangan mag-effort kuya vinvin ko.
greatprince : kase gusto ko.. na kahit marami kang kuya, at maraming kang tinatawag na kuya eh.. ako pa din ang pinaka.. kung ok lang naman un sau? paanong d ko na kelangan mag effort?

Hala! Demanding? Pero kinikilig ako.. Abnormal ko no?

greatprince : kase wala ng puwang para sa akin?
me : Walang puwang?

Anu raw? Walang puwang??

me : Ui ndi ah..Bukas na bukas ang puso ko para sa lahat
me : Lalo na para sayo kuya vinvin ko.. :D
greatprince : para sa lahat?
greatprince : eh di lahat ng gustong pumasok, eh papapasukin mo?
greatprince : d naman kaya magsiksikan kame dun at ako pa ang mawalan ng slot sa puso mo?
me : Hmm depende po kung nameet nia yung height requirement lol
greatprince : waaahhh? may ganun po ba?
greatprince : height requirement?
me : May resereved slot ka na kuya
greatprince : ano bang height required?
me : Joke lng kuya ko..toh nmn
greatprince: ikaw ha? ahahaha..
me : Hehehe :)
greatprince : pede magtanong? ano ibig mo sabihin sa di ko na kailangan mag effort?
me : Ehhh ndi ko rin maexplain eh. D ko nga lam kung bakit ko nasabi un hehehe

Which is totoo naman, ndi ko naman alam kung bakit ko talaga nasabi yun..ganyan ako kaabnormal, kung anu-anu nasasabi. 

me : Bsta. Hahahaha
greatprince) : ganun?
me : kumbaga parang uhmm.di ko kailangan mageffort kc madali lng nmn ako lapitan
greatprince : para namang natakot ako bgla dun?
me : Gnun? Hahaha bkit k nmn natakot kuya vinvin ko?
greatprince : kse parang ang dating eh, wag na ako mag effort kase no use lang. kase hindi mo nman ako ia-allow eh.
me : Ndi nmn po gnun kuya heheh
greatprince : hindi ganun?
greatprince : eh ano po?
me : Sabi ko nga, di mo na kailangan mag-effort ng sobra kc madali lng ako lapitan

Paulit-ulit paulit-ulit? parrot? or unli lang??

me : Kausapin.gnun..hehe
greatprince : eh hindi lang nman basta kita gusto lapitan at kausapin eh
greatprince : gusto ko mapa lapit sau
greatprince : na kahit papano sa dami dami ng kuya mo, eh ako ang pinaka d ba?

Waaaaah!!! kinikilig ako grabe!!! 

me: Hehehe oki po :D
greatprince : sorry kung masyado akong nagiging selfish
me : Oki lng un kuya vinvin ko hehe
greatprince : bakit parang ang tipid nman ng sagot mo? may ginagawa ka ba at nakaka istorbo ba ako?
me : Ndi po hehe
greatprince : anong ndi po?
me : Ehh di na ko makaisip ng mga words eh hahaha..Kaya konti lng nasasagot ko xD..Bigla kasi akong namental block hahaha
greatprince : ganun? sorry ha? masyado ba kita napu-pwersa sa gusto ko mangyari?
greatprince : :(
me : Ndi po kuya ko..namemental block kc ako kapag
me : Kapag
me : Kapag
me : Kapag kinikilig ako xD
greatprince : ganun? :D
greatprince : pa hug nga sa little vinvin ko.. hugs*
me : hugs* :)
me : Kaya kuya ko, wag over sa sweetness ah.bka mainlove ako sau nian hehehe.
greatprince : ha? eh sa ganito ako sa mga taong espesyal sa akin eh..
greatprince : ayaw mo ba ung ginagawa ko?
me : Ndi nmn po sa ganun kuya vinvin ko.,Natutuwa nga po ako kc ang bait bait mo po sakin.. Ang sweet sweet.
greatprince : tulad nga po ng sabi ko kanina eh.. ganito po ako sa mga taong espesyal sa akin..
me : Kya lng bka kasi pag nainlove ako sau, baka agawin n kita sa gf mu..kawawa naman cia haha
greatprince : ahahaha.
 ikaw talaga.. palabiro ka din eh noh?
greatprince : pero sa totoo lang...
greatprince : gusto ko talaga mapalapit sau..
greatprince : gusto ko sa dinami dami ng kuya mo at tinatawag mo na kuya eh.. gusto ko ako ang pinaka at may sariling lugar dyan sa puso mo.. pede po ba un?

Naku ayan na naman..namemental block na naman ako! Mga ilang segundo rin siguro bago ako nakaisip ng isasagot ko..Naisip ko, ano bang meron sa akin at ganito siya sa akin?

me : Tlga po? Eh bkit nmn po? I mean, ano po bng meron sakin? Hehe
greatprince : hindi ko alam eh.. basta ng makausap kita na kahit hindi ko pa naririnig ang boses mo eh.. ang gaan na ng pakiramdam ko sau.
me : Parehas po pla tau ng nararamdaman :)

Parehas nga kami ng nararamdaman..Yung feeling na ang gaan na agad ng loob mo sa kanya..na parang matagal mo na siyang kilala..na mapagkakatiwalaan mo siya ng buhay mo..

greatprince : pde po ba favor?
me : Cge po ano po yun kuya vinvin ko?
greatprince : hihingin ko kase sana ang permiso mo...
me : Permission for? Kinakabahan nmn ako xD
greatprince : kung pede ba kita ilagay sa isang reserved slot sa puso ko..
me : Ciempre nmn po kuya vinvin ko!
greatprince : kase una pa lang na nakausap kita eh nag prepare na ak ng isang slot, na ilalaan ko sau..
greatprince : kaya naisip ko na tanungin ka.. kung ok lng ba sau un?
greatprince : talaga?
me : Awwee.ang sweet nmn ng kuya ko,..Opo :)
me : Ayan namemental block nnmn ako hahaha
greatprince : ayan.. at least malinaw na sa pagitan natin at alam mo na may place ka na or shud i say na inookupahan mo na ang isang parte ng puso ko.. pa hug nga ulit sa little vinvin ko.. hugs*

Grabe kinikilig na talaga ako!!! Kung naiihi lang ako everytime na kikiligin ako, napuno ko na siguro yung isang malaking drum ng tubig! hahaha

Sa gitna ng kakiligan ko, biglang may tumawag sa phone ko..number lang at walang caller i.d. Sino kaya ito?

"Hello?" 

"Hello? Marvin?" sabi nung boses sa kabilang linya..Pamilyar yung boses niya..parang narinig ko na..hindi ko lang matandaan kung saan..Yan ang resulta sa sobrang kakiligan, sa sobrang mental block, pati memory na block na rin..hahha

"Who's this?" tanong ko..

"It's me................."



----------------------
Until the next episode,
Little Vinvin.

contact me @:
FB : vince_blueviolet@yahoo.com (message na lang po kayo, say your blogger name or sabihin niu n lng po na nabasa nio tong story na ito sa site na ito.)
YM : binz_32@yahoo.com

1 comments:

Coffee Prince October 20, 2011 at 2:40 AM  

nice kuya --

sensya na kung ngayon lang ako nakapag comment .. nacra kc pc ee .. :/


anyway ..


buti naman .. everything was fixed between you and kuya Paul --


sweet ni Rl :D


pero .. wala nang mas swisweet kay kuya Prince .. (OHA kapangalan ko pa)

XD

Thanks kuya -- ;)

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP