Perfect Two - Episode 3
Tuesday, October 4, 2011
Sa lahat ng readers at followers ng blog na ito, ako po sana ay may konting favor sa inyo. At sana pagbigyan nyo po ako dito.
Kasali po ang ating minamahal na writer na si MICHAEL JUHA, sa dinadaos na PEBA (Pinoy Expat Blog Awards), kaya gusto ko po sana hingiin ang inyong supporta. Si MICHAEL JUHA po ang may akda ng "Ang Kuya Kong Crush ng Bayan", at maraming pang storya na ating minahal at sinubaybayan. Sana po ay supportahan natin sya. I will give out instructions kung pano nyo po kami matutulungan. :)
Una, BASAHIN AT MAGCOMMENT: (This is a great story indeed! MUST READ!!)
PEBA ENTRY - PANTALAN
http://michaelsshadesofblue.bl
Pangalawa, ILIKE ang PAGE:
PEBA FB PAGE
http://www.facebook.com/PEBAWA
Pangatlo, paki LIKE and COMMENT sa PIC:
PEBA PIC ENTRY
http://www.facebook.com/photo.
Pang-apat, BUMOTO sa POLL: (#24 Entry. Michael's Shades of Blue.)
POLL VOTING
Sana po ay pagbigyan nyo ang aking munting hiling. Ito po ay pakiusap ko sa inyo. Na sana ay pagbigyan nyo din po. Maraming salamat po. :)
Author's Note: Hello sa lahat ng readers! (kung meron mang nagbabasa nito.lol). I'm really sorry for the late update..sorry for the disappointments na naibigay ko po sa inyu sa 2 nakaraang chapters..Anyway, eto na po hehe. Hope ya'll like it.
Episode 3 - "Bestfriend"
Hindi ko na lang siya ni-replyan..hindi dahil wala akong load..actually, dito sa america, hindi mo naman kailangan mag-paload katulad ng sa Pilipinas..Plans ang inooffer ng mga cellular networks dito..monthly ang bills,.kasama na sa plan ang calls, texts, data, and also other optional services katulad ng long distance calls/texts..Oh diba? sarap dito? hindi mo na kailangan lumabas para mag-paload!
BTW,.. Sino si Paul? Si Paul ay ang bestfriend ko..Well, isa sa mga bestfriends ko,.Si Tori yung isa, makikilala niyo rin siya soon..So ayun..Si Paul..16 years old din..mas matangkad sa akin..Kasali siya sa varsity team ng basketball sa school kaya physically fit..Semi-kalbo ang buhok, at tan ang balat...Oo, aaminin ko gwapo siya...brown ang mga mata niya..makapal ang kilay, matangos ang ilong, manipis ang labi at makinis ang mukha..Kaya maraming nagkakandarapa sa kanyang mga babae.
Anyway, bakit hindi ko siya ni-replyan? Simple lang,..kasi trip ko lang,..joke..nakakainis kasi siya...Nagpromise kasi sakin yung mokong na yun na sasamahan niya ako kahapon para bumili ng regalo..nakalimutan ko kasing bumili ng mas maaga kaya nagrush na lang ako sa araw mismo ng party ni kuya..Eto naman akong tanga, naniwala sa promise niya..
-----------------------Memory Recall-------------------------
So naghintay ako sa meeting place namin kahapon sa may Journal Square(Bus/train station dito sa Jersey City, NJ)..Pupunta kasi dapat kami sa mall at magbubus kami papunta dun..Dumating ako dun sa platform ng mga bus papunta sa mall at naupo sa upuan sa gilid at naghintay sa kanya..10:00 ang usapan namin..9:50 ng dumating ako roon..nakalipas ang ilang minuto, 10:10, wala pa ring Paul na dumating,.Tinry ko siyang tawagan pero hindi niya sinasagot yung phone niya..nakailang texts na rin ako..10:30, wla pa rin..11:02, nainis na talaga ako, isang oras ko na siyang hinihintay, nakailang texts na ko, nakailang tawag...kaya napagpasyahan ko na lang na ako na lang mag-isang pumunta sa mall..Pagkababa ko sa bus, pumasok na ako kaagad sa mall,.Naiinis pa rin ako sa kanya, pero tinry ko na lang na mag-cool down at kalimutan muna ang nangyari,.Naglalakad ako ng mall ng bigla kong makita si Tori,. Oh diba? ang bilis ng "soon" noh?
"Woi bispren!" nakangiting bati ni Tori..Cute si Tori,.mas matangkad ako sa kanya,.maputi, chubby at higit sa lahat, mabait..singkit yung mga mata niya kaya mukha siyang chinese.well actually ako rin naman mukhang chinese dahil sa mata ko..
"Oh Tori! Dito ka pala!" bati ko sa kanya at niyakap..Ganyan kasi ang gesture dito, kung hindi hugs, beso-beso ang batian.
"May bibilin kasi ako,.ikaw? What'cha doin here?" tanong niya.
"Bibili sana ako ng regalo para kay kuya.." sagot ko.
"Mag-isa ka lang?" tanong niya..
"Hinde! Marami akong kasama, ayan nga oh, ang dami diba?".ewan ko, hobby ko na yata ang pagiging sarcastic, lalo na kay Tori..
"Abnormal ka talaga!" tumawa siya at tinapik niya ang balikat ko.."Teka, hindi mo kasama si Papa Paul mo?" tanong niya ng may pilyong ngiti at tinunukso tukso ako.
"Kailan ko pa siya naging 'Papa' huh?" depensa ko naman..Nasabi ko kasi sa bestfriend ko na to na may crush ako kay Paul..oo, tama ang nababasa mo ngayon, may crush ako kay Paul!..pero siyempre hindi alam ni Paul yun..Naku kapag nalaman niya, siguro babagsak ang langit at lupa, guguho ang buong mundo!
"Naku!!" sabi niya. "Anyway, so bakit nga hindi mo siya kasama?"
"Bakit? Kailangan ba kasama ko siya palagi?" sagot ko.
"Hindi, pero alam kong dapat siya ang kasama mo ngayon..Dahil narinig ko kayong napag-usapang sasamahan ka niya,." sabi niya.
"Hayy nako edi ayun..He ditched me..But let's just not talk about him...naiinis lang ako..ni hindi man lang nagpasabi na hindi na niya ako masasamahan..hayy nako!!" sabi ko.
"Ahh..." sabi na lang niya.
"Lika na nga! Samahan mo na lang ako bumili ng pang-reregalo ko kay kuya!" sabi ko..
"Sige." sabi niya.
Nagsimula kaming maglakad..Una kaming pumunta sa American Eagle..Hindi ako sure kung ano ang dapat kong bilin pero minabuti ko nang mag-ikot ikot para kapag may nakita akong something nice, bibilhin ko na..Parehas naman kasi kami ng taste ni kuya pagdating sa damit, sapatos, accessories kaya wala akong problema sa pagtingin kung ano ang gusto niya..Sumunod naming pinuntahan ang GAP,.pero wala pa rin akong makita..Pumunta kami sa Abercrombie..Umikot-ikot ako sa loob ng store at ayun! nakakita na rin ako ng panreregalo sa kanya..Isang gray na cardigan..simple pero astig tignan,.I'm sure na magugustuhan niya iyon.. it was $35..may discount na un.. $50 dollars naman kc ang budget ko for the gift kaya okay na okay ito,.Hindi naman kasi ako nanghihinayang sa pera na ito dahil compared naman kasi sa mga nireregalo sa akin ni kuya, like ung g-shock ko na watch worth $120, eh talagang dapat lang na gastusan ko lang din yung regalo ko sa kanya, hindi man ganun ka expensive, basta pinag-ipunan ko at from the heart naman..Chos! Anyway, so I paid for it and then lumabas na kami ni Tori ng store..Naglalakad kami palabas ng mall ng bigla kong makita si Paul na papasok sa cinemas. May kasama siyang isang babae..Bigla akong napatigil sa paglalakad..
"Oh? bakit? Nakakita ka ng multo?" tanong ni Tori,.Hindi ako sumagot kaya tumingin siya sa direksyong tinitingnan ko..
Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong nagtatakbo palabas ng mall..
"Vin! Sandali!" sigaw ni Tori sa likod ko..hinahabol niya ako ngunit hindi niya ako maabutan..Nakatingin na ang mga tao sa akin.
Pagkalabas ko ng mall, huminto ako sa gilid. Maya-maya'y dumating na si Tori..
"V-vin!." sabi niya, habang hinahabol ang kanyang hininga.
"Uuwi na ko Tori..kita na lang tayo mamaya sa party.." sabi ko..nagsimula akong maglakad.
"Teka Vin,.." Hinawakan niya ang kamay ko..Humarap ako sa kanya at niyakap niya ako.."Okay lang iyan..wag kang mag-alala, akong bahala dun.." sabi niya.
Ngumiti lang ako sa kanya at sumakay na ng bus pauwi..Naghulog ng $1.50 sa machine at naupo sa dulong upuan ng bus..Umandar na ang bus at nakita ko pa si Tori sa window ng bus..kumaway siya sa akin at nginitian ko lang siya.. Buti na lang ay walang masyadong tao sa back part ng bus..Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko..
Shit! Bakit ako umiiyak?! Hindi ako dapat umiyak!
Hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito..Nagseselos ba ko?? Pero wala akong karapatan magselos..Punong-puno ng inis ang buo kong katawan..Hello?! Sino naman kasi ang hindi maiinis dun? Nag-promise sa'yo yung BESTFRIEND mo na sasamahan ka niya sa isang lugar..Ayos lang naman kung sasabihin niya na may iba siyang gagawin..hindi yung pagmumukhain niya lang akong tanga na naghihintay sa kanya..Nagtext man lang sana siya or tumawag..Pero hindi, ako pa ang kailangan mag-figure out kung bakit wala siya..Nakakinis! Grabe! Parang gusto kong putulin yung mga buto niya! Arrrgghh!
----------------------Back to the Present----------------------------
So ayun nga ang nangyari,.Tinry ko namang maging happy para sa party ng kuya ko kahapon..at ayun nga dahil din kay Tori na pinapatawa ako kahapon, at pati na rin kay kuya Vinvin, gumaan ang pakiramdam ko't nakalimutan ang mga nangyari earlier that day.
Maya-maya'y tumatawag na siya sa phone ko..Hindi ko ito sinasagot..Nakailang tawag rin siya bago ko ito sagutin..
"Hello?" may inis sa boses ko.
"Vin, I'm really really sorry..sorry talaga.."
"Sorry? Pinaghintay mo ko dun for an hour?! Tinatawagan kita, tinetext, pero ano?! Wala! Tapos makikita ko na lang na nasa mall ka na pala! May kasamang iba!" sumbat ko sa kanya..
"Sorry talaga Vin..Naiwan ko kasi yung phone ko dito sa bahay, kaya hindi kita natawagan kaagad.." sabi niya..
"And you expect me to believe that crap?! Ano akala mo sa akin?! I'm not dumb Paul!."
"Look, I'm sorry okay?!"
"At ikaw pa ang may ganang magalit?! Fine! Goodbye!" sabay baba ko ng phone ko..
Tumatawag ulit siya ngunit hindi ko na ito sinagot pa..Sa halip, ay pinatay ko na lang ang phone ko..At nag-iiyak..Napag-pasyahan kong itulog na lang ang lahat..nakatulog akong basang-basa ng luha ko ang unan ko,.Yun kasi ang first time na mag-away kami ni Paul..ang hirap hirap para sa akin, kasi nga bestfriend ko siya..Hindi ko tuloy alam kung paniniwalaan ko pa ang lahat ng sasabihin niya,.
Kinabukasan, Monday morning, 6:00 AM.. binuksan ko ang phone ko..15 messages form Paul..hindi ko binuksan yung mga messages na un..nagsign-in ako sa ym,.agad tumambad sa akin ang 10 messages na nanggaling kay kuya Vinvin..
Aww shoot! I totally forgot! Nakalimutan ko si kuya Vinvin kagabi..Arggghhh.. Kainis! Sana hindi magalit sa akin toh..
Nagsend ako kaagad ng message sa kanya, saying sorry dahil nakatulog ako kagabi ng maaga..hindi ko na sinabi pa sa kanya ang dahilan kung bakit..ayoko na kasing intindihin pa niya iyon..Pagkatapos kong mag-message sa kanya, nahiga akong muli sa kama ko..May pasok ngayon..Pero parang ayaw kong pumasok..makikita ko kasi si Paul..Ewan ko ba..parang gusto ko na lang talagang mag-stay sa bahay at magpahinga..
"Anak?? Gising ka na ba?" biglang sulpot ni mommy sa pinto.
"Opo mommy.." sagot ko.
"O halika na..Kumain ka na anak,.Para hindi ka ma-late sa school.."
"Sige po susunod na po ako.." sabi ko na lang..
Wala naman akong choice, kailangan kong pumasok..pagagalitan ako ng parents ko kapag hindi ako pumasok..At isa pa, ayoko ring masira ang records ko..Sayang ang grades..kaya ayun., napilitan akong pumasok..My dad dropped me off to school..Nakikita ko pa lang yung building nung school namin, nawawalan na ko ng gana..Pero wala akong magagawa, nandito na ko, kaya ipagpatuloy na lang..Habang naglalakad ako papasok ng exit 8, hindi ko maiwasang tumingin sa paligid kung nandoon ba si Paul..Ayoko kasing mag-abot pa kami roon...Tingin, tingin,.Wala..Wew! Buti na lang wala pa siya. Pumasok na ko ng exit 8..Medyo nainis naman ako ng konti dahil sa bagal ng mga gurads na mag-check ng bags..oo, chinecheck pa isa isa ang mga bags dito, actually meron pa ngang metal detector..public school lang yan ah, o diba bongga? Anyway, so ayun nga pumasok na ako, umakyat sa second floor dahil nandun yung locker namin ni Tori. Share kasi kami sa locker, masyado kasing malaki para sa isang tao..Pang-dalawang tao kasi yung nakuha naming locker kaya share kami..Ilang classrooms away pa lang ako, nakita ko na kaagad si Tori sa locker..
"Hi Vin!" bati niya sa akin ng lumapit na ako sa kanya..Niyakap niya ako.
"Hey Tori.." matamlay na tugon ko sa kanya..
"O, anong drama natin?" tanong niya.
"Nothin..I'm just not feeling well today.." sabi ko na lang..Kinuha ko yung Literature book ko from my bag at nilagay sa locker.
"Are you still thinking about what happened to you and Pa-" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang pag-cut ko sa kanya..
"Shhh! Never speak of it ever again..I had enough of him.." sabi ko..Kinuha ko yung French book ko dahil French ang first block ko..
"Okay.." sabi na lang ni Tori. Alam ko na kakausapin niya si Paul..Malamang, dahil din kay Tori kaya nalaman ni Paul na nakita namin siya sa mall last Saturday. Ganyan kasi si Tori, kapag may umaaway sa akin, siya kakausap, siya makikipag-away para sa akin, dahil alam niyang wala sa bio-data ko ang mag-ubos ng panahon para makipagtalo sa mga walang kwentang tao katulad ni Paul.. Ang bitter ko no? Hindi naman talaga ako ganyan kasama,..ang description ko nga sa sarili ko, I can be your bestEST friend and also your worstEST enemy. Oh diba? may extra EST sa dulo ng words.
Napagpasyahan kong umupo sa floor at sumandal sa dingding.Tinitigan ko lang ang phone ko..Wala akong magawa kaya binuksan ko yung gallery..Bigla kong naalala yung picture na sinend sa akin ni kuya Vinvin noon..Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinititigan yung picture niya..Ang cute niya talaga..May mga dark brown eyes, makapal na kilay, matangos na ilong, manipis na labi at may isang cute na nunal sa kanang pisngi..Ewan ko kung bakit pero everytime I look at him, ang una kong masasabi, CUTE. Nasa ganoon akong pag-aadmire sa kuya Vinvin ko ng bigla tumabi sa akin si Tori sa pagkakaupo ko..
"Who's that guy?!" tanong ni Tori habang tinutusok tusok yung tagiliran ko.
"Wala!" sabi ko na lang.
"Wooshoo!! Eh bakit nag-bublush ka?! Ayiiieee!"
"Wala nga! Kaibigan ko lang to no!" depensa ko..Feeling ko nagbblush na nga ako..Kainis naman! Bakit pa kasi kailangan pang magreact ang mga cells ko sa pisngi at magblush!
"Friend? or BOYfriend?!"
"Tigilan mo nga ako Tori! Kilabutan ka nga sa mga sinasabi mo!"..Pero ang totoo, oo kinikilig ako..hindi ko alam kung bakit..Kailan lang kami nagkakilala pero eto, kapag siya ang pinag-usapan, hindi ko maitago yung pagka-kilig to the bones ko..
Kinikiliti-kiliti ako ni Tori kaya umiilag ako sa kanya at sa pag-ilag ko'y may nabangga ako sa likod ko..
"Oh I'm so-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko kung sino yung nabangga ko sa likod ko..
OMG! Si Paul! Anung gagawin ko? Okay okay, relax..inhale...exhale..
Nakatitig lang siya sa akin, may lungkot sa mga mata niya..Ng makalma ko na ang sarili ko,..
"I'm sorry.." sabi niya..
Hindi ko siya pinansin, sa halip ay kunyaring may kinuhang mga notebooks sa locker..
"Vin...please...talk to me..let me explain.." hinawakan niya ang kamay ko,.
Tinanggal ko iyon.."You don't have to explain anything Mr. Rivera.." hindi ko pa rin siya tinitingnan..
"Bakit ka ba kasi nagagalit? I only did it once!" sabi niya.
"Isang beses mo nga lang ginawa..Pero sana man lang, ginamit mo yang utak mo at pumunta ng ibang mall para manood ng sine kasama yang girlfriend mo, para naman hindi kita mabibisto diba? Alam mo naman na dun ako pupunta, edi sana, pumili ka na lang ng ibang mall..Edi nakaisip ka pa sana ng ibang palusot kung bakit ka wala diba?!" sabi ko.
Hindi siya nakasagot sa sinabi ko..
"And tama ka..Bakit nga ba ako nagagalit?? Wala naman akong karapatan magalit diba? BESTFRIEND MO LANG NAMAN AKO." in-emphasize ko talaga yung huling sentence..."It's not like I'm God or something..kaya okay lang na baliwalain mo lang ako..okay lang kahit na saktan mo lang ako..dahil BESTFRIEND MO LANG AKO!" hindi ko na napigilang mapaluha ng sinabi ko yung term na "bestfriend"..Agad kong pinahid yung luha ko..Nakatitig lang siya sa akin..Kinuha ko yung bag ko umalis na roon.
Tumatakbo ako't hindi masyadong maaninag ang dinadaanan ko dahil lumabo ang mga mata ko dahil sa luha na nakaharang sa mata ko..Bigla akong may nabanggang tao..
"I'm sorry.." nakayuko kong sabi sa kanya..
"It's okay.." bigla siyang napatigil ng mapansin niyang may mga luha sa mata ko.
Agad akong umalis doon at dumiretso sa basement..Saktong wala pang masyadong tao dahil maaga pa kaya wala ring tao roon..Umupo ako sa hagdan at duon nag-iiyak..
Bakit nga ba ako umiiyak? Hindi ko dapat iniiyakan yung mokong na yun!
Umiiyak ako doon ng biglang may tumapik sa balikat ko..pag-tingin ko, nakaabot yung panyo niya sa akin at nakangiti..Naalala ko, siya yung lalaking nakabunggo ko kanina..Tama! Siya yun!
Si FRANK!!
------------------------
Until the next episode,
little vinvin..
contact me @:
fb: vince_blueviolet@yahoo.com [message muna po kayu at pakilala hehe tnx!]
ym: binz_32@yahoo.com
1 comments:
sana ay suportahan po natin si Mike....we'll hope for the best....
Post a Comment