Hiling Chapter 11
Sunday, October 9, 2011
guys im really sorry for the super delay ng update ko.. i have been very busy lately... lagi na kasing 10am-10pm ang work time ko... kaya sana mapatawad ninyo ako dahil sa pagkakadelay nito.... pero as pambawi ay sabay ko naman pong ipopost ang chapters 11 and 12.... sana po magustuhan ninyo ang panibagong twists and additional sub characters na idinagdag ko para bigyan ng spice ang kwento... again maraming salamat po sa pag babasa...
at sa mga readers and active na nagbibigay ng kailang mga comments na sila
Gel
Erick vladd
MJ
matyu
mars
emray08
patrick
Nikkos
coffee prince
wastedpup
MC
mico
mcfrancis
flashbomb
wastedpup
Jay
Zenki
ash
roan
marclestermanila
wyne
Aerbourne14
ace.raven
sana wala na po akong nakalimutan... pati na rin po sa mga anonymous readers and silent readers out there ng HILING maraming salamat po....
so eto na po ang kwento sana po ay magustuhan ninyo....
~3rd/Roj~
Blog: http://bloodillusion.blogspot.?com/
FB: http://www.facebook.com/rojer.sawada
Hiling 11: The Twins and The Secret
-oO0Oo-
Felix Lim
Isang linggo matapos ang pag lisan ko sa bansang aking kinagisnan at ang pag iwan ko ng buong puso ko sa taong mahal ko ay hindi parin ako makatulog ng mabuti dahil sa naninibago parin ako at hindi ko parin makuhang maka pag adjust sa kadahilanang may taong nag hihintay sa aking muling pagbabalik.
“Isang linggo pa lang ang nakaka lipas pero pakiramdam ko ay buong buhay na akong nandidito at nakatunganga lang” ang sabi ko sa sarili ko habang naka titig sa langit at nag-iisip kung anu na ang nagnayayari mula nang umalis kami. Hanggang ngayon kasi ay di ko parin magawang makapag open ng facebook page ko para makibalita, masyado kasing busy itong buong linggong ito. Halos wala rin akong pahinga dahil sa pag aasikaso ko ng aking mga papeles para makapasok na ako sa lunes at para masimulan ko na ring mag habol ng notes and lectures nila.
Anton Lim
Isang linggo na mula ng dumating kami dito pero ganun at ganun parin ang nakikita ko sa aking anak. Laging matamlay, walang gana at malalim lagi ang iniisip, mas malala pa ang situwasyon niya ngayon kesa noong nasa PIlipinas pa lang kami, di ko alam kung bakit dahil sa di rin naman siya nagsasabi sa akin pero ang kutob ko ay tungkol ito sa batang si DJ. Gabi-gabi kasi habang tulog na ang lahat ay naririnig ko ang mahinang hikbi ni Felix na tila umiiyak at lagi kong naririnig mula sa kanya ang “Dre” di ko alam kung sino ito pero kutob ko na si DJ at si Dre ay iisa.
Kung sino man ang Dre na ito ay napa swerte niya dahil hindi niya alam na iniwan ng aking anak ang puso niya sa kanya. Alam kong mahal na mahal niya ito ng buong puso, pero ang napag tatakahan ko lang ay may isang beses kong napakinggan mula sa labas ng kanyang kwarto si Felix na umiiyak at nagsasabi ng “I’m so sorry Dre, mahal na mahal kita.... pero..... sorry talaga....” iyon ang mga katagang bumagabag sa akin pero di ko alam kung papanu ko siya lalapitan para alokin ng tulong. Kahit na anak ko si Felix ay aaminin kong di ko parin siya kilala ng lubos dahil sa ilang bwan pa lang kami nagkakasama bilang isang pamilya kasama ang dady Aelvin niya.
Felix Lim
Halos gabi-gabi akong umiiyak at humiingi ng patawad sa kanya dahil sa pag iwan ko sa kanya. Alam ko at inaamin ko sasarili ko mahal na mahal ko talaga siya at di ko na alam ngayon kung anu ang gagawin ko dahil di ko siya kapiling.
Wala parin akong gana na mabuhay ng normal dito sa panibagong lugar na ito. Di ko alam kung papanu ko sisimulan ang panibagong buhay ko dito sana lang maging madali para sa akin ang lahat sa mga darating na araw.
Bukas na ang nakatakdang pag pasok ko sa isang state university dito. Nag iisip ako kung papanu ko sisimulan ang bagong araw, panibagong hamon lalo na din a tulad ng dati ako na ang bagong lipat kung saan ba naman kasi magkakaroon na sana ako ng mga kaibigan sa Pilipinas ay ay saka naman may nagtangka sa buhay ko.
Kahit na anung mangyari ay ipapakita ko sa papa ko na kaya kong magsimulang muli at papatunayan ko rin sa sarili ko na kaya kong mahalin si Dre kahit na magkalayo pa kami. Konting tiis lang matatapos din ito.
_
Ayon sa ibinigay sa aking schedule ay magsisimula ang clase ko eksaktong 9:00 ng umaga. Tulad ng nakagawian ko noon sa Pilipinas ay 2 oras bago ang pag pasok ko ay handa na ang lahat, di ko makuhang maging excited sa unang araw ko dito pero gagawin ko parin ang lahat para kina papa, tito Aelvin, kay Dre at para na rin sa sarili ko.
Alas 8:30 ng umaga ay nakarating na ako sa university at sa pag pasok ko pa lang ay isang lalaki ang agad na lumapit sa akin. “Hi you must be Felix the new transfer student from the Philippines, by the way I’m Lanchester Michael Mendoza but you can call me Lance” ang agad niyang sabi sa akin. Maging ako ay nabigla sa kanyang ginawa at nagtataka kung papanu niya ako nakilala samantalang ngayon pa lang ako papasok.
“If you are thinking on how I knew your name, I’ll tell you ok. I’m a Member of the Student Government and it is my job to research and know each and every transfer student. So on behalf of the entire Student Government and University let me Welcome you to this School.” Ang sunod sunod niyang sabi sa akin
Sa unang tingin pa lang ay magtataka ka dahil kung gaano ka angas hitsura at dating nitong si Lance ay siya din naman palang kabaliktaran ng kanyang ugali. Agad naging magaan ang loob ko sa kanya, lalo na mejo kahawig siya ni Dre kung tititigan mo ng maigi. Nasa ganoon akong pagiisip at pag titig sa kanya ng bigla niya akong binasag
“Felix is there something wrong? Why are you staring at me like that? Is there someting on my face?” ang sunod sunod niyang tanong sa akin na nagsilbing malamig na tubig para mabasag ang pagtitig ko sa kanya
Agad na man akong natauhan sa kanyang sinabi kaya agad kong inalis ang pagkakatitig ko sa kanya at sabay sabi ng “no it’s just you look like someone in know back home.”
“ok can i know know who that person is?” ang muli niyang tanong sa akin.
“my..............” ang paputol kong sagot
“your?” ang curious niyang tanong..
“a special friend of mine” ang tanging sagot ko sa kanya, di ko pa kasi siya kilalang lubos para sabihin kong boyfriend ko ang kahawig niya
“ohhh.... is that so.... ok then.... so according to my research you will be attending pre-law, good thing that most of your subjects were credited so you can finish it in approximately 2 years. So I hope I can know you better during that time frame.” Ang sabi niya sa akin.
Talagang namangha ako sa kanya dahil talagang inalam niya halos lahat tungkol sa akin maging ang aking kukuning kurso ay inalam niya at kung gaano pa ako kahaba mananatili sa skwelahang iyon. Mejo parang nanamlay ako dahil sa naalala ko na ganito din dati ang trabaho ko sa aming university. Parang namiss ko ang dati, pero alam kong imposible na iyong mangyari.
Inikot niya ako sa buong university na kung saan doon ko nakita at nalaman ang mga lugar na dapat kong puntahan. Sinabi din niya sa akin kung anu-ano ang mga student clubs, fraternities, and groups na pwede kong pasukin at salihan. Siyempre as usual sa academic club ako sasali dahil yun naman talaga ang lugar ko.
Ipinakilala din niya sa akin si Sarrah Michelle Mendoza, Ang kanyang kakambal at head ng scholastics club. Sa unang tingin pa lang ay masasabi mo nang maganda si Sarrah, lalo na kahawig din siya ni Dre pero ginawang babae, matangkad at higit sa lahat ubod din ng talino.
Lance Mendoza
Agad kong inikot si Felix sa buong university, nag iingat ako na di niya malamang pinoy din ako dahil sa baka kung anu ang sabihin niya sa akin. Ngayon alam ko na kung bakit patay na patay sa kanya si insan. Matagal na rin simula nung huli kaming nag kita ni insan pero lagi din naman kaming nag uusap sa telepono at saka sinabi niya sa lagi sa akin ang tungkol daw sa taong nagugustuhan niya simula nung una niya iton nakita ay agad nahulog ang loob niya dito.
Since na sasalihan ni Felix ay ang academic club ay minabuti ko naring ibilin siya sa aking kakambal na si sarrah. Si sarrah kasi ang club president kaya mas minabuti kong siya na ang magpatuloy ng pagsasama kay Felix. I still need to know more about kay Felix pero i have to keep it a secret, lalong lalo na kay insan.
Deep inside alam ko alam ni sarrah kung anu ang binabalak ko lalo na alam niya ang tunay kong identity and only she knows who and what I am kaya if I want to do this without any interruptions eh I have to move silently.
Felix Lim
Sa buong oras na kasama ko sina Lance at Sarrah ay tila wala akong na absorb kahit na isa sa kanilang sinasabi dahil wala ako sa sarili ko, patuloy ko paring iniisip si Dre kung anu na ang balita sa kanya doon lalo na ito na ang pinakamatagal na oras na di kami nag uusap, kung noon ngang di pa kami ay halos araw-araw kami kung mag usap although in terms of academic matters at least we get to talk to each other. Pero kung talaga nga namang sinusubukan ka ng tadahana oh kung saan kami na ay ngayon pa ito nangyari na umalis ako at lumipat sa ibang lugar dahil sa di inaasahang insedente.
Hanggang ngayon ang utak ko ay nasa oras parin ng huli naming magkasama, noong araw na sinagot ko siya, ang pinakasaya at pinakamalungkot na araw ng buhay ko dahil sa iyon ang araw ng pag alis ko ng bansa at ang pag iwan ko ng buong puso ko sa kanya.
Lumipas ang panahon ang minuto ay naging oras, ang oras ay naging araw na naging linggo na naging buwan at mas lalong naging mas malapit ang loob ko sa kambal, pero kahit ganun ay di parin nag babago ang situwasyon ko kahit na sa oras na ito ay meron na akong paraan kung papanu ko makakausap si Dre sa Pilipinas ay di ko ito magawa dahil sa di ko alam kung anu ang sasabihin ko sa kanya. Mahal na mahal ko talaga siya pero pakiramdam ko ay may mali, di ko alam kung any ito pero malakas ang kutob ko talangang may mali sa mga nangyayari.
Isang beses na sinubukan kong i-open ang aking facebook account na ginawa niya noon ay doon ko nakita na sa panahong wala pala ako ay siya ang gumagamit ng account na ito dahil sa lagi itong updated. Doon ko din nakita ang mga pictures na ini-upload niya. Lalo na ang picture ko na kung saan ay tulog na tulog ako, di ko maalala kung kalian iyon pero nung nabasa ko ang title description ay parang biglang umapaw ang luha ko dahil san aka sulat na “ito ang pinakamamahal ko, at kahit na anu ang magyari ay di ko siya ipagpapalit kahit na itakwil niya ako ay patuloy ko parin siyang mamahalin kahit na kapalit pa nito ay ang aking buhay” tapos tiningnan ko ang date halos bago lang dahil sa nakadate ito noong nakaraang araw lang. So ibig sabihin ay sa loob ng 2 buwan na lumipas na di kami naguusap ay ganun parin pala niya ako kamahal.
Para tuloy akong nag guilty dahil sa mga pinagagawa kong pag iwas sa kanya at sadyang di pag contact sa kanya. Aminado ako mahal-na-mahal ko siya at handa rin akong ibigay ang lahat para sa sarili niyang kaligayahan.
Oo kami na pero di parin maiwawaglit sa isip ko na di ako ang tamang tao para sa kanya dahil kahit na anung mangyari ay di ko parin siya mabibigyan ng isang buong pamilya, kaya lagi ko nang iniisip na tapusin na ang namamagitan sa amin para din a lumalim pa ang sugat na pwede kong matamo at pwede kong ibigay sa kanya.
Natulala ako at di ko na alam ang gagawin ko ng biglang may nag PM sa akin, para akong magpapanic at di ko alam kung sasagutin ko.
Si Dre Online at nag PM siya sa akin, alam ko magugulat siya dahil sa wakas sa loob ng 2 bwan ay nakapag Online na rin ako. Miss ko na talaga siya pero merong sa loob ko ang pumipigil sa akin na sagutin siya.
Itutuloy......
0 comments:
Post a Comment