The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 6
Saturday, October 1, 2011
Author's Note: Again, maraming maraming salamat po sa lahat ng mga taong patuloy na sumusubaybay sa story na ito. Maraming salamat din po sa mga comments nio! Sorry po kung hindi ako nakakapagreply sa mga comments nio po. Sorry rin po kung uber late ang update..busy po kc sa school... BATIAN PORTION! lol..i would like to thank the following : russ , Rue , Erwin, dada , Roan , Jayfinpa , Darkboy13 , Mars , Jack , jm , wastedpup , kushu , Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , MArc , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , R3b3L^+ion , Mark Gonzales , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143 , Jaceph Elric , mcfrancis , eman_cruz , xndr. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :) Siyempre I would like to thank my kuyas : kuya Jeffrey, kuya Liger , kuya Harvey :D , kuya coffee prince , kuya kenji (Kuya "KO" raw sabi ni kuya Arl.lol) , kuya kambal ko (kuya Arl..lol) and kuya Vince ko. :) And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson :). Para sa mga hindi ko po nabati, eto na lang, MWAH! :)
PS: Para po sa mga nag-add sa akin sa FB, uhhmm, send muna po kayu ng message sakin kung sino kayu,.-.-.. pakilala lang po kayu tpos friends na tau hahaha :)
BTW, don't forget to vote for kuya mike on PEBA!!! :)
This is Episode 6 of the TBTIEH Season 3! Enjoy!
Episode 6 - Back Together Again
"Ahhh ehhh....ayos lang naman siya.." sabi ni kuya Van..Pero parang may gusto pa siyang sabihin pero parang pinipigilan niya ang sarili niya..
"Ahh okay..".tumayo ako at akmang lalabas ng kwarto.
"O san ka pupunta?" tanong niya.
"Kay kuya Marco. gusto ko siyang makita." sabi ko.
Well, gusto ko naman kasing makita na si Marco ulit. Namiss ko rin yung mokong na yun.
Ang lantod! Grabe! Ang landi mo talaga! May Van ka na, naghahanap ka pa ng Marco! Grabe ang kati mo talaga!
Ang sabi ko, gusto kong makita yung tao dahil namimiss ko siya, hindi ko sinabing gusto ko siyang makita dahil crush ko siya! Abnormal ka talaga!
"Ayy.." parang nadisappoint siya.."Ganun ba??, sige.." sabi niya.
Hala! anong problema nito?
Baka naman nagseselos!
Nagseselos?
Ayy hinde!!!!!!!!
Bakit naman?
Hello?! Ang slow mo talaga, shunga na nga, slow pa..haay nako!
Eh bakit nga?!
Si Marco yung pupuntahan mo edi tiyak magseselos yan! Hello?! nakalimutan mo na ba? Marco's inlove with you too!
Ohh so? Friends lang naman kami ni kuya Marco ah?
Naku! Friends nga lang ba talaga?
Gaga! Ou naman! friends lang kami nun hanu!
Whatever!
Nasa ganoon akong pakikipagtalo sa boses sa utak ko ng biglang sumulpot si manang sa pinto..
"Sir Av, may bisita po kayo sa baba.." sabi ni manang.
Hala?! Bisita na agad? wala pang isang araw dito may bisita na agad? Sosyal!
Talagang sosyal ako! Hindi katulad mo! Cheap! hahah
Yabang naman nito!! Hoy FYI! Hindi ako cheap!
Hahaha, whatever.
"Ah eh...sino daw po yun manang?" tanong ko.
"Sina sir Marco po.." Nagkatinginan kami ni kuya Van..Parang bigla naman siyang naging malungkot nung narinig niyang nasa baba si Marco..
Nagseselos nga kasi!
Mukha nga.
"Sige po manang, susunod na kami." at umalis na si manang. Nilapitan ko si Van sa kama,.Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti sa kanya.
"Tara, puntahan natin si kuya Marco sa baba." sabi ko. Ngumiti naman siya at tumayo na..Papalabas na sana kami ng pinto ng bigla niya akong yakapin at halikan muli.
"O para saan yun?" sabi ko.
"Sakin ka lang..Nakakulong ka na dito sa puso ko, kaya wala nang makakakuha sa'yo." sabi niya.
Tinulak ko ang noo niya. "Umm! Hindi ka pa rin nagbabago! Abnormal ka pa rin! At ang Corny ha!" sabi ko. "Tara na nga!"
Bumaba na kami. Hindi pa rin bumibitiw ang kamay namin sa isa't-isa..
Aray!
Hala? Bakit ka naman umaaray diyan?
Ang dami kasing langgam! Masyado kasi kayong sweet!
Inggit ka lang!
Che!
Nasa hagdan pa lang kami ay nakikita ko na sina kuya Marco, Macky at Coleen na nakaupo sa couch sa sala..Papalapit na kami sa kanila ng bigla silang nagtayuan at tumingin papunta sa amin ng nakangiti..Nginitian ko rin naman sila..Agad pumunta sina Coleen at Macky papunta sa akin. Binitawan naman ni kuya Van ang kamay ko para mayakap ang mga kaibigan ko..
"Av!" sabay nila akong niyakap..
"Buti naman okay ka..Akala namin iniwan mo na kami.." mangiyak-ngiyak na sinabi ni Coleen.
"Oo nga, pero buti na lang at okay ka na..Namiss ka namin!" sabi naman ni Macky..
Nginitian ko silang dalawa.. Namiss ko rin tong dalawang abnormal na mga kaibigan ko.
Hindi ko namalayang pumatak na pala ang luha ko.."Namiss ko rin kayo." ang saya-saya ko kasi nakita ko na ulit silang lahat,.
"Av.." sabi ni Marco..Gumilid muna yung dalawa para mag-give way kay Marco. Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.."Av! Thank God at okay ka!.Namiss kita..sobra..."
"Namiss din kita kuya.." ang nasabi ko na lang..habang nakayakap ako kay kuya Marco, nakita ko si kuya Van na nakatingin lang sa floor at parang may malalim na iniisip.
Anong drama nun?
Nagseselos nga!
Ganun?
Hayy nako! Paulit-ulit na lang! Parrot teh?! Unli?!
Kumalas na si Marco sa pagkakayakap sa akin at hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.."I'm really happy to see you again.." nginitian niya ako at pumatak ang luha niya..
"Me too kuya.." at nginitian ko rin siya..hinalikan niya ako sa noo at niyakap muli...
"Ehem ehem.." sabi ni Macky.."Hindi naman kaya magdikit na ang mga katawan ninyo niyan?"
Tumawa kaming lahat except si Van..mukhang may gumugulo talaga sa kanya..
Uulitin ko pa ba yung reason kung bakit?
Hinde yaan mu na..muka ka lang tanga..para kang sirang plaka! hahah
Che!
Anyway, so ayun nga, nagkita-kita na ulit kami. Umupo kami sa couch..2 yung couch sa sala. dun sa isa, nakaupo silang tatlo..dun naman sa isa, magkatabi kami ni Van na umupo. nasa kanang side ko siya..Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at hinawakan ko ang kamay niya.. Pagkatapos ay tiningnan siya't ngumiti..Parang nagliwanag naman ang buong mukha niya at nginitian niya ako.,hinigpitan pa niya ang pagkakahawa sa kamay ko't umakbay sa akin..Nakangiti naman sa amin yung dalawa..Si kuya Marco naman, halatang pilit yung ngiti niya.
O! Alam ko na sasabihin mo! Nagseselos diba?
Hayy nako! Buti naman alam mo! Nahihirapan na kaya akong paulit-ulit na sinasabi sa'yo!
Sinimulan kong ikinuwento sa kanila ang lahat ng nangyari sa akin..mula sa pagsagip sa akin ni kuya Caloy, hanggang sa pagkakadiscover ko sa real identity ko, as Sam Wilson..Nakikinig naman sila sa akin ng mabuti habang nilalaro laro ni kuya Van ang kaliwang palad ko..ewan ko ba kung bakit niya ginagawa yun, pero hinayaan ko lang siya..Hindi naman kasi nakakadistract.
Panung hindi nakakadistract, eh gusto mo kasi!
Ou na! Sige na! Gusto na! Eh ano naman ngayon sa'yo?!
Wala naman.
Wala naman pala eh!
Pagkatapos ng kwento ko,..
"Grabe,..ang gulo pala ng buhay mo Av este Sam." sabi ni Coleen..
"Oo nga eh, pang-teleserye ang drama!" sabi naman ni Macky.
"I know right?!" sabi ko naman.
Tumawa naman kaming lahat..Pagkatapos ng kwentuha'y nagpaalam na sina kuya Marco..Pagkatapos ay umupo kaming muli ni kuya Van sa couch..nakasandal ang ulo ko sa balikat niya at nakaholding hands..
"Bakit parang hindi masaya kanina nung nandito si Marco?" tanong ko..
"Wala.." sabi niya.
"Nagseselos ka ba kay kuya Marco?" tanong ko.tinignan ko siya sa mga mata.
"Oo." seryoso niyang sagot habang nakatitig sa akin.
Tama ka nga! Nagseselos nga talaga siya!
Hello?! May tao ba?
No comment na lang ako..baka kung ano pa masabi ko sa'yo.
Okay.
Nginitian ko siya at hinalikan sa labi.."Wag kang magselos kay kuya Marco..kaibigan ko lang siya..parang kapatid ko na lang din iyon."
Nginitian niya ako.."So ibig bang sabihin nito tayo na ulit?" tanong niya habang nakangiti.
"Nanligaw ka na ba?" tumawa ako..
"Akala ko pa naman makakalusot na ko!" sabi niya.
Tumawa lang ako..Pagkatapos ay niyakap ko siya..Napansin ko yung singsing na binigay niya sa akin. I was wearing it the whole time..Buti na nga lang at hindi siya nawala,. sa dinami-dami ng pinagdaanan ko, naka-stay lang siya sa daliri ko..Nakita niyang naka titig lang ako sa singsing na iyon na nakasuot sa daliri ko..
"Tayo na diba?" sabi niya.
"..hahalikan ba kita kung hindi tayo??" sabi ko.
"Sabi ko na nga ba eh!" sabi niya.."I love you Av..este Sam pala.." sabi niya at tumawa.
"I love you too kuya.." sabi ko.
Kumain kami ng hapunan at doon siya natulog sa amin..
PS: Walang nangyari sa amin huh!
Nag-umpisa na ulit akong bumalik sa pag-aaral..Nakahabol naman ako kaagad sa mga lessons dahil hindi naman ganoon ka-complicated ang mga ito..Masaya rin ang mga teachers at mga kaklase ko sa aking pagbabalik..Lumipas ang mga araw at bumalik na sa dati ang buhay ko..Paminsan minsan nama akong dinadalaw nila kuya Ken at kuya Max sa bahay..Nabalitaan ko rin na nag-aaral nang muli si kuya Caloy sa Manila..Nursing ang course na kinuha niya,. Naipapagamot na rin si nanay Soledad kaya bumubuti na ang kanyang kalagayan..Okay rin naman ang naging relationship namin ni Van,.Wala pa namang sinasapian ni Jenny or ni Ram sa paligid kaya walang kontra bida sa relasyon namin..
Eh paano naman si Marco?
Ay oo nga no..Ayun! Ang balita ko eh may nililigawan na si kuya Marco..si Cathy! Maganda si Cathy, matalino, at mabait raw sabi ng iba kong mga kaklase..Kaya siguro nagustuhan ni kuya Marco..I'm happy for him..
Happy ka ba talaga?
Oo naman! I'm happy na na-realize niya na babae talaga ang gusto niya,.naguluhan lang siguro siya noon nung sinabi niyang ako ang gusto niya..
Hindi ka nagseselos?
Bakit naman ako magseselos? At isa pa, I'm happy rin naman sa kalagayan ko ngayon ah..Happy ako with Van..so bakit pa ako maghahanap ng iba diba?
Ok.
Everything seems to be fine as time goes by. Parang ang saya-saya ng buhay.. Kasama ko ang mga kaibigan ko,..kasama ko ang mga taong mahal ko,.Nasa tabi ko lang palagi si Van..meron man kaming mga misunderstandings pero naayos naman kaagad..Madalas rin siyang matulog sa bahay..lalo na kapag Friday..
PS ulit: Walang nangyari sa amin,.
Hindi pa kasi ako ready sa ganoong bagay..oo 16 na nga ako, nasa college na, pero siyempre, mayroon pa ring mga bagay na hindi pa ako handang gawin, at isa na roon ang sex..Maybe the right time will come.
Ang arte mo naman!
Ewan ko sa'yo! Palibhasa kasi, malandi ka!
Che!
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana..Isang araw, pagkagising ko ay bumaba ako para kumain ng almusal,.Sunday noon kaya walang pasok..Pababa pa lang ako ng hagdan ay rinig ko na ang mga tawanan ng mga pamilyar na tao..Pagpunta ko sa sala, nakita ko sina mommy, daddy at buong Wilson family na nagkukuwentuhan. Lumapit ako sa kanila at binati silang lahat..Niyakap ko sila pati na rin si Sai..mukhang natutunan na niyang tanggapin ang lahat..
Pero bakit sila nandito?
"Uhmm, mama, papa, why are you here?" tanong ko.
"Sam..we're here to...."
----------------------
Until the next episode,
Sam.
1 comments:
antagal kong di nakapag com . , since binaha kmi sa bagyong pedring -- Tsk ---
anyway ..
mahal ko na c kuya Van -- <3
boses: di na pwede my Sam na cya --
ako: advanced mo nman , crush is also a type of love --
boses: oo nalang teh -- corny mo-- :p
kinikilig ako sa mga pangyayari -- ;">
kaso, ano kayang magiging role ni twin Sai sa buhay ni Sam ---
yan ang pakatutukan sa mas lalo pang gumagandang serye ng "The Best Thing I Ever Had" --
boses: balew -- :p
tahahaha --
Thanks kuya Vince -- :)
Post a Comment