Ang Kwintas, ang Snickers at Si Patrick. (Part 1)
Saturday, October 15, 2011
Hi po!! This is actually my first time to write something na totoong nangyari sa buhay ko. Medyo mahaba po ang first part ng series ng story na ginawa ko. Sana ay magustuhan ninyo ang storya ko. You can also click my links: www.pinnohy.blogspot.com to read some of my stories. Any comments and violent reactions are also welcome here.. Just keep on reading guys and enjoy..
-------------------------------------------------------------------------------------
Part 1
Masarap balikan ang bawat nakaraan. Mga di makakalimutang bagay na minsan ay nagbibigay ngiti sa bwisit na araw galing sa trabaho habang iniisa-isang binubuklat ang photo album ng humigit kumulang isang dekada na ang lumipas. Mga pangyayari na kung minsan napapaiyak, napapangiti, napapahalakhak at napanghihinayangang balikan kung bibigyan ng pagkakataon. Mga pangyayaring nag-udyok sa iyo na mag-aral ng mabuti, magpapansin sa mga naging crush noon, mga katampuhan at minsan, naging kasamaan ng loob, mga tinuturing na true friends at best friends, at higit sa lahat, mga pagsubok sa buhay na nagbigay sa akin ng lakas ng loob upang maabot ko ngayon ang akala ko dati na suntok sa buwan na pangarap kung iisipin.
Nang nailipat ko ang photo album sa pinakahuling pahina, biglang tumibok ng mabilis ang puso ko sa nakita. Eto na naman.. Ang huling pagkakatanda ko noong ako'y nakaranas ng ganitong pagtibok ay noong pang bata pa ako. Hindi ko rin ito inaasahan. Kung bakit?! Hay basta!!! Hindi ko rin alam eh, pero sige, hayaan ninyong sa paglalahad kong Ito ninyo malalaman ang lahat ng tungkol sa FIRST LOVE ko, isang lalaki, at dahil sa isang kwintas na espesyal na ibinigay niya sa akin noong bata pa kami.
Itago ninyo na lamang ako sa pangalang Jacob. 23 taong anyos na ako ngayon. Ang ikukwento ko sa inyo ay ang tunay na karanasan ko na naghatid sa akin para mamulat sa katotohanan ng pagiging in-the-closet. Oo!! Isang may pusong babae na ikinasusumpa ng buong lahi namin. Bata pa ako nang lahat ng ito ay nagsimula. Wala na silang magagawa ngayon, pero labas muna tayo dyan sa issue. Brusko ang lahi namin. Tinitingala sa pagitan ng Varona St. at Pacheco St. sa Tondo, lahing matatapang. Lahat kami lalaki. Nakapagtapos ang 2 kong kapatid na lalaki na me degree, at lahat sila ay may mga magagandang buhay na ngayon, hindi sa pagyayabang ano. Bueno, sisimulan ko ang kwento noong mga bata pa kami ni Patrick, Cheney, at ako.
Sa isang simbahan sa Tondo, nakilala ko si Patrick. Anim na taong gulang pa lang siya, kasing edad ko. Sakristan siya dahil lagi ko siyang nakikita kapag nagsisimba kami ng pamilya ko dito na panata kay Sto. Niño de Tondo. Pista noon at nawala ako dahil nabitawan ko bigla ang daster ni mommy.
Agad na hinanap ko si mommy hanggang sa may lumapit sa akin na bata galing sa labas ng simbahan. Mukha siyang amerikanong hilaw. Maamo ang mukha at payat.
"Seems like you're lost?!" unang banggit niya sa akin. Iyak pa rin ako ng iyak habang sinisigaw ko ang pangalan ni mommy.
"Don't cry, please come with me.."
Agad akong sumama sa kanya. Pinapunta niya ako kay father at sabay bigay sa akin ng snickers chocolate na mukhang mamahalin.
"Here, don't cry now!! Here's my chocolate, I hope you'll like it!!"
"I want my mommy!! Nasaan siya!!"
"Father, please help this child to search for his mom. I think he's lost. I can no longer help him coz I'm just only a child."
"Ok iho, thanks for your help. Tara na iho, ano bang pangalan mo?"
"Jacob po!!"
"Asan ba nanay mo?"
"Di ko po siya nakita eh, nawawala po ako.. Nakikiusap po ako sa inyo, tulungan po ninyo ako!!"
"Mahabagin si Señor St.Niño at paniwala ko'y tutulungan ka niya."
"Salamat po, Father!!"
Agad kaming nagtungo ni Father, kasama si Patrick sa isang presinto, malapit sa plaza ng simbahan.
"Iho.. Teka at kakausapin ko lang si mamang pulis ah!!"
Sabay tango ako sa nagmamalasakit na pari. Nakita ko din na may dumating kasama namin ni Patrick ang isang batang babae na medyo hawig niya. Tinawag niya ako at ipinakilala sa kanya.
"Hey Jacob, please come here!! I want you to meet my cousin, Cheney."
Ibinigay ko ang kamay ko kay Cheney habang umiiyak na nakayuko sa kanya.
"Why is he like that? He's sobbing badly?!" sabi ni Cheney habang nakikipagkamay sa akin.
"Oh I forgot the reason, well anyway he's lost and he doesn't know now where he is. He just left by his mother while walking just across this area."
"Oh I see..."
"Well, come on Jacob, just cry no more, we will treat you something you make your lips smile, so please.. Stop sobbing!! " anyaya ni Patrick sa akin..
Masasaya kami noon na parang napakatagal ko na silang nakasama. Si Patrick ang laging kasama ko, samantalang si Cheney ang naglilibre sa amin. Hanggang napahinto kami sa isang bilihan ng laruan, malapit sa main entrance ng simbahan.
"Please let me do the honor.."sabi ko sa kanila kasi hindi sila marurunong magtagalog.
"Magkano po yung singsing? Baka pwede ko po bilhin?!"
"20 isa.." sagot ng masungit na tindera.
"Kayo naman po, wag naman po kayong masungit at baka wala po kayong kitain, hala, Sige.. Bahala kayo, wala po kayong mabebenta!!" sagot ko na ikinangiti agad ng tindera pagkatapos niyang marinig.
"Sige iho, bigay ko na lang 10 piso ito sa'yo.. Pasensiya na at pati ikaw ay napabuntungan ko ng galit sa asawa ko.. Hay!! Teka, mga kasama mo iyan?? Pawang mga mukhang foreigner ah!!"
"Ah mga kaibigan ko po.."
"Mukhang magiging maganda ang pagsasamahan ninyo pag lumaki kayo.. Payo ko lang na mag-ingat ang isa sa inyo ha!! Ikaw, Oo.. Magkakatuluyan kayo ng isa sa mga kaibigan mo pagdating ng araw.. Naku!! Pakaingatan mo siya, dahil napakahalaga niya sa iyo!!"
Hindi ko pinansin ang mga hula na sinabi sa akin ng matandang tindera. Agad na ibinigay ko ang pera ko at agad na umalis sa kanila.
"Pakakaingatan mo yung mahal mo balang araw!! Mahal ka niya!!"
Sigaw niya sa akin habang kami ay naglalakad palayo sa kanya.
"Here, I just want you to know my dear fellas, at this point our friendship is about to begin. I just want you to wear this ring as a sign of our friendship!!" sabi ko sa kanila.
Sinuot namin ang singsing sabay naglulundag sa sahig ng plaza na animo'y parang nakawalang baka. Ramdam ko sa kanila ang walang hanggang saya na sa kabila ng pagkawala ko noon ay nasuklian din naman ng ngiti at halakhak. Ang singsing, kung susuriin ay may letter F na nakalagay sa gitna ng metal na anyo nito, na sinuot ko noon na ang sa tingin ko, ang isa sa pinakamahalagang bagay na hanggang ngayon ay nasa akin pa rin.
Dumating si father sa kinatatayuan namin at dala ang magandang balita.
"Iho, halika dito, bilis!! Ang nanay mo.."
Inakap ko si mama ng mahigpit.. Sobrang higpit at sabay nagpaalam sa mga bago kong mga kaibigan.
"When will I see you again?" Sabi sa akin ni Patrick na nalungkot habang papalayo sa kanila.
"I don't know, maybe here again. You just wait for me until the right day come Im gonna meet you!! Pabalik kong sigaw sa kanya.
Pagkauwi sa bahay, nakita kong maraming handa.. Marami ding bisita at ganun na rin ang mga pinsan ko na Pasko at Bagong Taon lang kami nagkikita-kita. Masaya ang piyesta dito sa Tondo pero may kulang pa rin eh.. At iyon ay ang mga kaibigan ko na ngayon ko lang nakilala.
Lunes ng umaga, pagkatapos ng piyesta, agad na lumabas ako para hintayin ang dating ni mama galing Divisoria para tulungan siya sa pagbibitbit nang may dumating na Pajerong kulay pula sa harap ko. Sinundan ko iyon at sabay tago sa likod ng poste. Biglang nag-stopped ang kotse at nakita ko na may bumaba sa loob ng nun. Nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko sina Patrick at Cheney pagkababa nila!!
"Psst.." sabi ko..
"Is that you, Cheney, I hear you buzzing me!!"
"No, I'm not!! It might be your imagination, not me!!"
Hanggang sa dumating ako sa harapan nila sabay gulat.
"Hey fellas!! It's me , Jacob!!"
"Oh!! It's you!!" sabay na niyakap nila ako nang biglaan.
"We thought we're gonna missed you!!"
"Me too!!"
"Hey, I forgot, so what are doing here?"
"Patrick's Mom want to stay here with us," sabi ni Cheney sa akin.
"We decided to spend some vacation here, just around a week or so, and my mom and I will have a plans to go back to the states right after." sabi ni Patrick na sa sobrang pagkaka-miss ay hindi pa niya ako mabitaw-bitawan sa pagkakayakap.
"Well, what a coincidence!! Dito ninyo pa napili tumira ah!!"
"uh??" sabi ng dalawa dahil sa pagtatagalog ko..
"What I mean to say is, let us spend more time while you're here!! C'mon.. Hey!!"
"Yeah!! We'll do!!" Sabay ng dalawa.
Hindi ko na hinitay si Mommy, pumunta kami sa bahay nina Cheney at doon sinimulan ko ang pagkilala sa kanila. Si Cheney Vargas, ay isa sa mga pinsan at bestfriend ni Patrick simula bata pa. Parang magkadugtong yung mga umbilical cords nila dahil simula't sapul noon ay sobra na silang magka-close. Si Patrick naman, Nurse ang mommy niya sa America samantalang Engineer naman yung daddy ni sa Dubai. Si Tita naman, which is mother ni Cheney ay nagwowork sa City Hall ng Maynila.
"Hey pretty cute kids, wanna eat some cookies?!" alok ng magandang nanay ni Patrick.
Kumuha ako ng isa at sinubo agad. Ang sarap!! Parang mabibili lang sa grocery store sa amin. Kumuha pa ako ng isa pa at kinain na akala mo'y wala nang bukas hanggang,
"Ahum..ahum..ahum.."
Napaubo ako ng hindi oras. Nakita ako ni Patrick at agad na kumuha ng baso ng iced-tea at ipinainom sa akin..
"You must be choking, C'mon dude, drink this.."
Habang umiinom ako, hinihimas ni Patrick ang likod ko na wari'y parang kapatid.
"Hey, Jacob!! Next time, you should avoid eating too much, or else you might get choke."
"Not anymore fella!!"
Tawanan kaming magkakaibigan hanggang sa napagdesisyunan ko na rin na umuwi na.
Ikalawang araw ng aking mga kaibigan noon nang nangyari ang lubusan kong pag-alala kay Patrick. Umiiyak siya sa akin ng ako ay lumapit sa kanya ng hapon sa labas ng gate nila. Naawa ako sa ka-tropa ko at agad na pinuntahan.
"Hey!!" pagulat na sinabi ko sa kanya sabay tapik sa binti niyang mukhang sugatan.
"Ouch!! Holy Crap!! Don't do that again!! Don't you see, I'm in bruises!!" pagalit na sinabi sa akin habang sinisinghot ang sipon na sanhi ng kanyang pag-iyak.
"Where did you get that?"
"There was someone who attacked me while I was about to walked around outside, then suddenly, a group of children yelled at me and I didn't understand what they were talking about and after that, they bullied me and they threw some stones against me which tends me to cry!! I cried harder and harder until they decided to go back to where they belong."
"Do you know which way they were went?!"
"Not actually!! But please, never fight them back!! I'll gonna give 'em my revenge as soon as they come back here!!"
"No, not you!! I'll gonna find them!!"
Kinulit ko si Patrick para ituro sa akin kung saan dumaan yung mga kumaaway sa kaniya. Nakita ko ang isang abandonadong bahay. Agad na pinuntahan ko na parang maghahamon ng suntok sa kanila. At nang naabutan,
"Oi, Halika nga dito!!"
"Sino bumato sa kaibigan ko at ano-ano yung mga pinagsasabi ninyo sa kanya, Ha?!"
Di ko pala alam, nakasunod sa akin si Patrick at bigla niyang hinatak ako papunta sa tenga niya at may binulong.
"That boy, who wears black t-shirt, hmmm.. Yeah, he is!! Come on, you just give 'em a one nice punch!!"
"Ok.."
Agad na nagkaroon ng komosyon sa pagitan ko at ng grupong pipitsugin ni Greg!! Una akong umamba ng suntok at sabay paghampas ng mga kamao ko sa pisngi nito. Sunod-sunod na suntok ang ibinigay ko sa kanya para malamang mali ang ginagawa nito sa dayo kong kaibigan.
"Tangina!! Pare, manloloko pa kayo, dito pa sa dayong mga kaibigan ko!! Wala na ba kayong magawang magagaling ah?! Di ninyo ba ako nakikilala?!" Sambit ko habang nakikipagpalitan ako ng suntok kay Greg.
"Bakit, sino ka ba? Wag mong sabihing angkan ka ng mga sigang Inocencio?"
"Ako nga!! Ako ang bunsong anak ni kagawad Charlie.. Si Jacob, ako toh!!"
"Tara pare!! Bigatin pala itong nakabangga natin. Siga lahi niyan dito. Bilisan na natin, Baka makita tayo ng mga kuya niya, Mahirap na!!" anyaya ni Greg sa mga kasamahan nito.
Dire-diretsong umalis sila at ako naman ay walang halos sugat o galos na nakuha sa mga kaaway. Agad na lumapit sa akin si Patrick at niyakap ako.
"Thanks fella!! You take justice for what they've done damage to me. I don't know how can I pay you back!!" pagpapasalamat ni Patrick.
"No, you have nothing to do more!! I'm just here to lend my helping hand for those ones who in need." agad na banggit ko sa mga pagpapasalamat na binigay niya sa akin.
Umalis kami na kaakbay ko si Patrick sa kanang braso ko. Medyo napagod ako sa sagupaan namin, pero ayos lang, dahil nakatulong ako. Inihatid ko si Patrick sa bahay nila na malapit sa amin. Medyo maggagabi na at kailangan ko nang umalis habang pumapasok siya sa loob nang biglang may tinawag sa pangalan ko.
"Jacob, punta ka muna dito!! Bilis!!"
Tumingin ako sa likod at nakita ko si Tita Susan, nanay ni Patrick. Niyaya niya ako na doon muna maghapunan para pasalamatan sa ginawa ko kay Patrick.
Nang nakapasok ako sa loob, napansin ko si Cheney, nakangiti habang ginagamot yung pinsan niya habang nanay niya ay nanonood ng TV. Pinaupo niya ako habang siya naman ay pumunta sa kusina para maghain. Pagkahain, agad na tinawag kami ni Tita Susan at sumunod ang lahat.
Masayang masaya kami na parang magkakapamilya sa puntong ito. Kwentuhan, huntahan, tawanan, aakalain mo talaga na iisang pamilya kami.
Sa sobrang pagkaka-proud sa akin ni Patrick ay bigla akong hinalikan na pisngi nang biglang nagsalita ng pabiro si Tita Susan.
"Seems like you're too much close to each other, my son, maybe sooner or later, when all of you grown up, Patrick and you will be the one to get married someday.. Hahaha.."
Sobra akong nagulat talaga!! Hindi ko aakalain na mayroong isang magulang na magsasalita ng ganyan sa anak niya. Ano ba ang motibo nito para sa amin ni Patrick. Hay, bahala na!!
Lumipas ang mga oras na ganun ang ginagawa namin. Hanggang sa napagdesisyunan ko na umuwi na ng bahay.
Kinabukasan, sa higaan ko, nakita ko si Patrick, nakangiti sa akin na parang may gustong sabihin. Maya-maya, dumating si mommy na nakangiti din. Mukhang may magandang balita akong mapapakinggan ngayon ah!!
"Jacob, buti na lang at niligtas mo si Patrick at talagang proud na proud sa iyo daddy mo ngayon."
Sabi ni mommy na tuwang-tuwa.
"Mom!! At pati si Patrick, sinama mo din.. Hay naku!!"
"Naku, Hindi ko siya pinapunta, Siya ang pumunta dito para yayain ka sa kanila. Sge na iho, tumayo ka dya't mag-almusal ka na!!
Dali-dali akong tumayo. Niyaya ko din si Patrick na kumain kasama ko, pero tumanggi siya. Pinaupo ko siya sa sofa namin at tinungo ang lamesa. Naghihintay sa akin ang tuyo at sinangag na talagang nagpangiti sa akin noong mga araw na iyon. Umupo ako at agad kinuha ang pagkain at kumain. Lumapit sa akin si Patrick at bumaling ng tingin. Agad na umupo siya sa harapan ko at wari'y tinitigan ako ng may ibig pakahulugan.
"Can I just sit here?"
Agad kong kinuha ang bangko at pinaupo si Patrick. Tinanong niya sa akin kung masarap ang kinakain ko at sabay tango ko rin. Pinatikman ko siya at inabangan agad ang reaksyon nito.
"It taste so primitive, but I like it! What is it the name again?"
"Tuyô."
"Two-yah?"
"No, tu-yô!!"
"Ah, Tuyô!!"
"Hahaha..'"
Sabay tawa sa pagkakabigkas ni Patrick sa kinakain ko. Habang tumatawa ako, hindi ko namamalayan, na puro kanin na pala ang aking pisngi kaya hinawakan niya ako sa mukha at unti-unti niyang tinatanggal iyon nang bigla niya akong hinalikan sa labi. Nagulat ako at sabay tumayo.
"What do you think are you doing?! You know what, you shouldn't do that! We're both male! Oh, crap!!"
Lumayo ako sa kanya nang kaunti
at sinimulan ang nahintong kinakain. Umiyak siya. Sobra as in!! Naririndi na parang mababasag ang tenga ko na kaya pumunta ako sa harapan niya at tinanong kung bakit niya ginawa sa akin iyon.
"Jacob, it's just a kiss!! There is nothing wrong kissing someone you love!! I love you as a friend, that's why I kissed you!!"
"But that's bad! Kissing someone in lips is like you're having a mutual affection to someone you've have love, not as a friend!!"
Dire-diretso pa rin sa pag-iyak si Patrick. Hanggang sa nilambing ko na lang siya at sabay halik sa mga pisngi nito.
"See, I love you too.. But just only as a friend!!"
Tumigil siya sa pag-iyak. Umupo ako sa tabi ko at niyayang kumain siya. Hinati ko ang almusal ko at ibinigay sa kanya. Pagkatapos, agad na nagtungo ako sa bahay nila, two blocks away from us. Nakapambihis si Tita Susan, kasama ang mommy ni Cheney at si Cheney din. Si Patrick at ako na lang ang hinihintay para makaalis. Agad akong nagtungo sa kwarto niya. Binigay niya sa akin ang pang-alis na susuotin ko at nagbihis sa harapan ko, siguro naman, parehas kaming lalaki, kaya nagbihis na rin ako, nagpulbos, nagsuklay at nagpahiram ng pabango kay Patrick. Tinignan ko iyon. Booster Lacoste for men ang gamit niya. Amoy ko pa rin ang pabangong first time ko lang inilagay sa damit ko. Tinanong niya ako Kung tapos na ako, at nang tumango ako, sabay bumaba kami.
"C'mon guys, just get inside right now.. We're about to go!!" anyaya ni Tita Susan sa amin.
Agad na nagtungo kami sa kotse. Pajerong kulay pula. Ramdam ko ang lamig dahil sa lakas ng air-con sa loob nito. Agad akong tinulak ni Patrick at natumba ako. Natumba din siya. Nag-abot ang pareho naming mukha. Agad na may kung anu-anong pumapasok sa isipan ko na kung titignan nang mabuti ang mga detalye ng mukha niya. Medyo matangos ang ilong nito. Mukhang Fil-Am. Ang gwapo niyang mukha ang naghatid sa akin para ako'y biglang dapuan ng kaba at namnamin ang mga hiningang dumadampi sa mukha ko. Mahal ko na ata siya, pero hindi Ito dapat mangyari!
Inalalayan niya ako papunta sa upuan at kami ay umupo. Tumabi siya sa akin at sabay ngiti. Kinuha ang seatbelt sa gilid ng upuan ko at inilagay sa akin at pagkatapos ay yung sa kanya.
"What cuties, are you ready now? We are about to go!" sabi ni Tita Susan habang inaayos ang manibela pakanan.
Sandali akong natulog sa gilid ng pintuan mg kotse at ganun din si Patrick sa magkaibang posisyon malapit sa bintana. Medyo malayo ang lalakbayin pa kasi sa Megamall pa kami pupunta. May dalang video-recorder ang mommy ni Cheney at habang natutulog kami ay mukhang pinaglalaruan nila kami. Pansin ko ang pag-ikot ng video-cam sa mukha ko, same goes with Patrick. Hanggang sa nagkaroon ng mild inertia that lead my head towards the shoulder of Patrick's. Talagang hindi kami tinantanan ng mag-ina dahil kakuntsaba na rin niya ang anak nito.
"Cuties, say hi to the camera!!"
Anyaya ni Tita Susan na naging dahilan para magising kaming dalawa ni Patrick.
Nag-hi kami at sabay tingin sa isa't-isa na nagtataka sa ginagawa sa amin habang natutulog. Hanggang sa lumapit sa amin si Cheney at dun na kaming nagsimulang magharutan.
Isa't kalahating oras kami na nasa biyahe. Sobrang traffic!! Naaaninag ko ang inis ni Tita Susan. Samantalang nakayukong natutulog ang dalawa kong kaibigan na animo'y parang nalugi sa negosyo. Iniayos ko ang mga posisyon nila para hindi sila mahirapan. Inilapag ko ang ulo ni Cheney sa tabi ng pintuan ng sasakyan, samantalang iniurong ko naman ang ulo ni Patrick sa tabi ko para makasandal. Habang hinahawakan ko ang ulo niya, parang may kung anong dahilan ang nag-udyok sa akin para suriin at kilatisin ang mala-anghel na mukha. Agad na itinapat ko ang mukha ko sa mukha niya at sinabayan ko ring pumikit. Bahala na!! Ambango niya. Maiinit ang hiningang dumadampi sa bukana ng bibig at ilong ko. Sakto at naririnig ko rin na magkausap ang mommy ni Cheney at si Tita Susan nang sinubukan kong magtangka na humalik kay Patrick. Marahan kong inilapat ang mga labi ko sa labi niya. Ang init!! Ang sarap!! Iyon ata ang una kong halik na ginawa ko sa buong buhay ko. Parang mahal ko na ata siya. Hay Ewan!!
Pagkatapos ay inilagay ko ang ulo niya sa balikat ko. Inilagay ko naman ang ulo ko sa itaas ng ulo niya para makapagpahinga at makanakaw na rin ng iglip.
"Sa tingin mo, Sis, magkakatuluyan kaya yang dalawang yan?!" tanong ng Mommy ni Cheney habang nagsimulang inikot ni Tita Susan ang manibela.
"Sis, feeling ko, nakatadhana na maging sila eh. I read an article about destinies and these two people at our back seems to be the best example of how two individuals collide in to become one. Si Patrick, ramdam kong mahal niya si Jacob at umiiwas lang talaga si Jacob, maybe because, he's not prepare for him to be like my son." Agad na sagot sa ni Tita Susan.
"Siguro nga. Ikaw Sis, pano mo natanggap that, at his young age,
Your son is bisexual?"
"Alam mo naman Sis ang foundation namin ng anak ko. Even his father as well. Bisexual ang father niya. Pinili niya ako over his BF for the last 6 years dahil na rin siguro na gusto niyang magkaroon ng pamilya. Pero were not getting married as of now, kaya ayaw ko na maging katulad siya ng daddy niya. I want to live his life on his own way."
"Saludo talaga ako sa'yo Sis!!" Sabay nag-high five ang dalawa na parang may ginawang deal.
Dumating ang oras na nakapunta kami sa SM Megamall at agad nagpark. Ginising kami ni Tita Susan at sabay lumabas pagkatapos. Nagtungo kami sa loob at agad kumain sa Shakey's Pizza. At lumipas ang isang oras na natapos namin ang kinain namin. Nagyaya na manood kami ng sine. Sakto at lalabas noon ang last movie ng Casper the friendly Ghost noon. Agad na bumili ng ticket sa ticket booth si Tita Susan at kami naman ay naghintay para sa kaniya.
Sinulit namin ang panonood niyon kasi sobrang ganda ng movie! Napaiyak ako noong kinanta yung "Remember me This way." Isang kaibigan na kahit anumang mangyari, hindi-hindi ka iiwanan. Ninanamnam ko ang bawat sandali na iiwanan ni Casper ang babaeng bida sa pelikula. Humagulgol ako sa sobrang sakit! Ayaw kong mangyari sa akin iyon, kahit na magkaroon ako ng kaibigan. Kaibigan na magiging sandalan habang-buhay. Napansin ni Patrick ang paghagul-gol ko sa tabi niya.
"Want this? I think this will help.."
Binigay niya ang panyo sa akin.
"You know what, I will never leave you! I'm your fortress, Jacob! If you want a shoulder to lean on, just ask me, and I'll give mine.
Pinunas niya ang bawat natira kong luha gamit ng hinlalaki sabay halik sa aking mga labi. Nagulat ako ulit pero hindi ko hindi na iyon mahalaga para sa akin. Mahal ko na ata siya. Bata pa kami kung tutuusin, na sa edad na 6. Ngunit kung paano namin tinuring ang pagkakaibigan ay parang napakatagal na at mas matured kung iisipin. Siguro, ito na yung sinasabi na destiny, na huhubog at magpapanday sa pag-iibigan at pagkakaibigan namin ni Patrick.
Natapos ang movie na pinanood namin na bitbit ang popcorn na kinain namin sa loob. Magkakasama kami ni Cheney at Patrick. Nang natunton namin ang jewelry shop, tinawag ni Tita Susan ni Patrick para mamili kung ano ang dapat para sa kanya. Siguro, sa edad niyang 6 alam na niyang mamili ng maganda para sa mommy niya. Nang may natipuhan, agad na hinatak ng batang Patrick ang mommy niya at sabay turo sa kwintas. Gusto kong malamang kung ano iyon, pero, marahil, hindi na iyon importante.
Itutuloy..
3 comments:
Sana po Ay magustuhan ninyo ang unang part ng series na ginawa ko..
Don't worry Kuya iNNOH. Ang ganda nga ng story mo eh. Nakakakilig nga eh.
Sana, ganyan ang mga magulang... always supportive kung ano man ang pipiliin ng kanilang anak so long as walang ibang taong matatapakan or walang masamang gagawin sa kapwa.
As far as the writing style goes, it's quite good, great actually. Though there were some mistakes in the spellings of some words, it's pretty understandable and it's very hard to find the mistakes if you are like me who likes continuous reading. Sometimes, it's your brain which auto-corrects the spellings.. hahaha. Not to worry, many authors commit those mistakes.
A commendable start which needs an audacious applause! Bravo!
I look forward for the next part of the series of your story and with this, I am proud to have been the first to like and give your story a 5 star rating.
Nice start! Keep it up! :D
Also, don't forget that as part of being an author is your openness to critiques whether good or bad though I am sure that many people will like your story!
Keep up the momentum of your story and don't keep your readers waiting for too long for the next part of your story.
Once again, GREAT!
Can't wait for the next part Kuya iNNOH!
Go! lang ng Go! Kuya iNNOH! :)
- Jay! :)
Thanks po!! I'll accept that as a compliment!!
Post a Comment