The Best Thing I Ever Had - Season 3 Episode 5
Saturday, September 24, 2011
Authors Note: Again, maraming maraming salamat po sa lahat ng mga taong patuloy na sumusubaybay sa buhay ni Sam Wilson a.k.a. Av Lopez. Maraming salamat din po sa mga comments nio! Sorry po kung hindi ko po nareplyan ang mga comments nio..But I do appreciate all of your comments! Hindi niyo po alam kung gaano niyo ako napapasaya sa mga comments nio po.. Sorry rin po kung mejo natagalan ang update ko po..busy po kasi sa school kaya ndi ko po cia nauupdate.. BATIAN PORTION! lol..i would like to thank the following : russ , Rue , Erwin Fernandez , dada , Arl , Roan , Jayfinpa , Darkboy13 , Mars , Jack , jm , wastedpup , kushu , Ace , mhei , jojie (and ur friend hehe) , MArc , royvan24 , mc , warren , patrick , Icy , Jasper Paulito , R3b3L^+ion , Mark Gonzales , Jay! , superman , kenji , -SLUSHE_LOVE- , -jj- , -RL , John143 , Jaceph Elric , mcfrancis , eman_cruz , xndr. At sa lahat ng anonymous and silent readers ng MSOB and LOL. :) Siyempre I would like to thank my kuyas : kuya Jeffrey, kuya coffee prince , kuya kenji and kuya Vince ko. :) And lastly, I would like to thank the 2 persons who made all of this possible, kuya mike and kuya jayson :).
This is Episode 5 of the TBTIEH Season 3! Enjoy!
Episode 5 - I'm Back
Laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nasa loob ng bahay namin..
Van!
Papa Van!!
Papa? Inaagaw mo teh?
Ayy sorry, na-carried away lang.
"AV!" dali-dali siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Maging ako'y yumakap sa kanya ng mahigpit..Sabik na sabik akong makita siya..ang saya-saya ko kasi nandiyan na ulit siya sa tabi ko..Halos maiyak ako sa tagpo naming iyon..Humarap siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi..
"Thank God you're alive Av! Akala ko mawawala ka na sa akin ng tuluyan.." sabi niya. nakangiti siya habang pumatak ang mga luha niya.
"I missed you kuya.." sabi ko ng nakangiti..pumatak na rin ang luha ko..
Nginitian niya akong muli at nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi..Hindi ko na rin siya napigilan.. Sa totoo lang, namiss ko rin yung halik niya kaya ninamnam ko na lang ang mga pangyayari..mga ilang segundo rin ang itinagal ng halik niya..ng kumalas siya'y muli niya akong niyakap ng mahigpit..
Na-miss ko siya..sobra...
Halata nga eh, parang ayaw mo na pakawalan.
Hayy nako inggit ka lang!
Ewan ko sa'yo!
Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang magsalita si daddy.
"Ehem ehem," sabi ni daddy.
Bigla kong naalala na kasama pala namin sila kuya Ken and kuya Max..Agad akong kumalas sa pagkakayakap niya sa akin at humarap kila kuya Ken.. Nakangiti lang silang lahat sa akin.
"Uhmm..right...Ah eh..Kuya Van..si kuya Ken, chaka si kuya Max.." sabi ko.
"Hi I'm Van.." sabi ni Kuya Van, sabay abot niya ng kanyang kamay kay kuya Ken.
"Hi! So you're Van..nice to finally meet you..I'm Ken, and this is Max..We're Av's brothers.." sabi ni kuya Ken.
"Huh?! brothers?!?!" tanong ni kuya Van at punung-puno ng pagtataka.
"Uhhmmm yeah..they're my brothers.." sabi ko naman..
"Kapatid mo sila?! Pero...Pe..Pa..Paano?" tanong niya.
Umupo kami sa couch at doon namin ikinuwento sa kanya lahat..mula sa pag-survive ko sa mga nangyari noon, hanggang sa pag-survive ko nung nalaman ko na ang totoo.,
OA mo naman teh! Parang it's a matter of life and death naman ang nangyari nung nalaman mo ang totoo! OA mo talaga!
OA ka jan! Hello?! Totoo naman na halos hindi ako nag-survive dahil parang sasabog yung utak ko sa kakaisip nung nalaman ko na yung totoo!
Whatever!
Hindi naman makapaniwala si kuya Van sa kanyang natuklasan..
"So,..you're Sam Wilson??" tanong ni kuya Van..
"Opo..Ako po si Sam Wilson.." sagot ko naman.
"And they're your brothers..Ken..Max..but wait...diba sabi mo, may kakambal ka? nasaan siya?" tanong niya..
Sinagot naman siya ni kuya Max.. "He's busy so wasn't able to come with us...but you'll meet him soon.."
"Ohh..okay.." tanging tugon ni kuya Van..marahil ay mejo confused pa rin siya sa mga happenings.
Mga ilang segundo rin siyang natahimik.."So Sam na pala dapat ang itawag ko sa'yo ngayon.." sabi niya..
"Well sort of...but you can still call me Av kuya.." sabi ko sa kanya ng nakangiti..
Niyakap niya akong muli.."Na-miss talaga kita bunso ko.." bulong niya..
"Na-miss din kita kuya.." sabi ko naman.
"Ehem..Ehem." singit ni kuya Ken..
Natawa naman si kuya Max sa ginawa ni kuya Ken..
Napatigil sa pagkakayakap si Van sa akin at tumingin sa mga kapatid ko.."B-bakit po? bawal po ba?.." tanong niya,.
"Siyempre, bago magkaroon ng boyfriend ang bunso namin,.. sa amin munang mga kuya niya dadaan.." sabi ni kuya Ken..hinimas-himas niya ang kanyang kanang kamao, at tinatakot si kuya Van.
Tumawa naman bigla si daddy.. "Naku Van, mukhang hindi lang ako ang dadaanan mo ngayon, mayroon pang 2.." sabay tawa ni daddy..
Tumawa na lang din si kuya Van.. "Ano po ba ang dapat kong gawin? Sabihin ninyo lang po at gagawin ko! Mapatunayan ko lang pong malinis ang hangarin ko kay Av.." sabi niya..at tumingin siya sa akin.."at mahal na mahal ko siya.." sabi niya..
Kinilig naman ako sa pagkakasabi niyang iyon. Talagang tiningnan pa niya ako.. eye-to-eye contact..at sinabi niyang mahal na mahal raw niya ako..
Ayiiiiieee! Haba ng hair!! Ikaw na! Sige na ikaw na!
Talagang ako na!
Binulungan ni daddy si mommy.. Nagtaka ako kung ano ang sinabi niya kay mommy..Mga ilang segundo ang nakalipas, tumango lang si mommy at nakangiti niya akong inaya sa kusina para magluto.."Anak, halika tulungan mo muna akong magluto."
"Ah sige po mommy.." tugon ko naman. Tumayo ako at lumapit kay mommy,.
"Tulungan ko na po kayo tita!" sabi ni kuya Van..tatayo na sana siya ngunit pinigilan siya ni daddy..
"Hep hep!!" pag-aawat ni daddy kay kuya Van.. "Dito ka lang..mag-uusap tayo..lalaki sa lalaki.." sabi ni daddy..
"Ah eh ganun po ba tito? Sige po.." sabi na lang ni kuya Van..Halata naman sa mukha niyang kinakabahan siya..Bago ako tumuloy sa kitchen, nagkasalubong pa muna ang aming mga mata..Nginitian ko siya sabay kindat.. Binuka niya ang kanyang bibig at sinabi ang "I love you"..tinugunan ko naman ito ng "i love you too.." Nakita iyon ni daddy kaya naman sinabi niyang, "Av anak sige na, tulungan mo na ang mommy mo dun.."
"Opo daddy.." sabi ko..natatawa ako dahil nahuli kaming ginagawa iyon..maging si Van ay natatawa-tawa rin...
Dumiretso na ako sa kusina para tulungan si mommy..
"Mommy,.alam niyo po ba kung ano ang pag-uusapan nila?" tanong ko..
"Naku anak, hayaan mo na lang ang daddy mo't mga kuya mo.." sabi naman ni Mommy.."Kung ano man ang pag-uusapan nila, wag na tayong makialam,."
"Sige po mommy.." tugon ko,.
Ano naman kaya ang pinag-uusapan nila?
Hello? Hindi pa ba obvious? Ikaw ang pinag-uusapan ng mga yun.
Ako? Bakit naman ako?
Hay nako Sam, ang slow mo talaga? Hindi mo pa ba na-gets kung bakit sinabi ng daddy mo na usapang lalaki sa lalaki? Edi siyempre it has something to do with your relationship with Van!
Malay ko ba! hindi naman kasi ako nakapag-pay attention sa sinabi ni daddy na un.
Eh paano kasi, puro kalandian yang nasa utak mo! Nakita mo lang si Van, ayan, kumikerengkeng ka na naman!
Gaga! Hindi ako lumalandi ano! Ano bang ginawa ko ha?
May pa-i love you too i love you too ka pa jan!
Eh anong pakialam mo? As I've said earlier, inggit ka lang!!!
Whatever!
Nasa ganoon akong pakikipagtalo sa boses ko habang naghahalo ng sabaw ng sinigang na baboy nang biglang dumating si kuya Ken.. "Hmmmm...ang bango naman ng niluluto niyo..Smells delicious!" sabi niya.
"Oh kuya, jan ka pala.." sabi ko.
Ayy hinde, hindi siya yan! Picture niya lang yan!
Hayy nako! Tumahimik ka na nga lang!
Lumapit siya sa akin at niyakap niya ako sa likod.. "Pasado na si Van sa akin..Mukha namang mahal ka niya..at mukhang mahal mo rin siya.." sabi ni kuya Ken..
Nginitian ko lang siya..Hinarap ko siya at niyakap ko rin siya.."Thanks kuya.." sabi ko..Hinalikan niya ako sa noo..
"You're welcome bunso..basta kapag pinaiyak ka niyang mokong na yan, just tell me at bugbog sarado sa akin iyan.." sabi niya..
Tumawa kaming parehas ni mommy.."Kuya talaga.." sabi ko..
"I'm serious Sam..Walang pwedeng magpaiyak sa little Sammy ko!" sabi niya..
Wow naman! kakataouch naman si kuya Ken mo.
Ou nga eh...bait bait talaga sakin.
Niyakap ko siyang muli at sinabing, "thanks kuya Ken.."
Pagkatapos magluto ay kumain na kami..magkatabi kami ni kuya Van sa upuan. Patuloy namang nagkukuwentuhan sina daddy, kuya Ken, kuya Max at kuya Van hanggang sa matapos kaming kumain...Habang nagkukuwentuhan sila, nakatago sa ilalim ng table na magkahawak ang kaliwang kamay ko at ang kanang kamay ni kuya Van..Mahigpit ang pagkakahawak niya rito na parang ayaw na niyang pakawalan.. Minsan pa'y titingin siya sa akin ng nakangiti kaya ngingiti lang din ako sa kanya..They talked about school..politics..work..lahat! grabe, hindi sila naubusan ng topic..And the whole time, magkahawak lang ang mga kamay namin..
Ang sweet naman! Kainggit!
Dapat lang na mainggit ka noh!
Aba at ang taray! Edi sige na! ikaw na mahaba buhok!
Bleh! :P
Matapos kumai't magkwentuha'y nagpaalam na sina kuya Ken at kuya Max para umuwi sa bahay nila..I mean namin pala..
"Sige po tito, tita..uwi na po kami ni kuya.." sabi ni kuya Max..
"Ipapahatid ko na kayo sa driver." sabi ni mommy.
"Sige po, thank you po tita.." sabi naman ni kuya Ken.
Lumapit sa akin sina kuya Max at kuya Ken..
"Bunso, uwi muna kami ni kuya Max mo ha? Baka kasi hinahanap na kami nina Mama at Papa.." sabi ni kuya Ken.
"Behave ka dito ah..babalikan ka namin ni kuya." sabi ni kuya Max..niyakap niya ako.
"Opo mga kuya." sabi ko..sunod naman akong niyakap ni kuya Ken.
"Ingat ka dito ha?." sabi ni kuya Ken.
"Opo kuya, ingat din po kayo pauwi..Pakisabi na lang po kay mama at papa na okay lang po ako dito kasama sina mommy and daddy.." sabi ko,.
Nakatingin si kuya Max kay Van ng sabihin niyang, "kapag may nagpaiyak sa'yo dito, sabihin mo lang samin ni kuya ha? at lagot sa amin ni kuya iyan..We're gonna tear his body apart."
Natawa naman ako bigla.Ay oo nga pala, nakalimutan kong sabihin.. Kuya Max and kuya Ken are black belters on taekwondo..nasabi rin nila ito kay kuya Van..ng tingnan ko si kuya Van ay parang kalmado pa naman siya..
"Kuya talaga,." sabi ko habang natatawa.
"No Sam, I'm dead serious!" sabi niya..
Niyakap ko siya at naglambing at binulungan siya,."kuya, wag mo naman pong takutin..baka naman bigla akong iwanan niyan kasi na-intimidate niyo na ni kuya Ken." bulong ko sabay tawa.
"Edi kung iwanan ka niya, it just mean na hindi ka talaga niya mahal." sabi ni kuya Max..nginitian ko na lang siya..
"O sige na, baka gabihin pa kayo sa biyahe niyo." sabi ko sa kanila.
Lumapit sa amin si Van. "Wag po kayong mag-alala,.pangako po..hinding hindi ko papaiyakin si Av..este Sam.." sabi niya.
"Wag kang mangako..just do it!." sabi ni kuya Ken. tumango naman si Van sa kanya.
"I got my eyes on you." sabi ni kuya Max. tinutok niya ang dalawang daliri niya sa kanyang mga mata at ibinaling ito pointing Van.. natawa naman ako sa ginawa niya.
"Bye kuya." sabi ko,.hinalikan nila ako sa noo bago sila tuluyang nagpaalam samin..May konting lungkot din akong naramdaman nung umalis sila.. Siyempre kahit saglit lang kami nagkasama-sama nung dalawang mokong yet sweet kong kuya, mamimiss ko pa rin sila.
Grabe naman! Magkikita pa naman kayo! Malay mo bukas lang nandiyan na sila ulit!
Sa bagay,..Anyway.
Pagkaalis nila kuya ay hinatak na kaagad ako ni Van papunta sa kwarto ko.."What's the rush kuya?" tanong ko habang paakyat kami sa second floor..Pagkapasok namin ng kwarto ay inilock niya kaagad ang pinto at kaagad akong niyakap ng mahigpit at hinalikan sa labi..Gumanti naman ako sa mga halik niya..parang ngayon lang kami nagkasama ulit..actually, ngayon ka lang kami nagkasama ulit..kaya sabik na sabik kami sa isa't-isa..Harsh, wild, and full of love..yan ang description ko sa halikan naming iyon..dahan dahan kaming naglalakad patungo sa kama ko at napahiga na lang kami sa kama na nakapatong ako sa kanya..ng kumalas kami sa halikan nami'y nagkatitigan kami at ngumiti sa isa't-isa.
"Mukhang na-miss mo talaga ako ah." biro ko.
"Oo..na-miss talaga kita...sobra.." seryosong tugon niya..Hinalikan niya akong muli ngunit mga ilang segundo rin ito..pagkatapos ay humiga ako sa gilid niya..Nakayakap ako sa kanya't gayun din naman siya sa akin.Naalala ko tuloy nung unang time na ganito ang set-up namin..iyon yung araw na naging kami..Hindi ko maiwasang hindi maluha ng maalala ko yung time na iyon..akala ko kasi hindi na ulit iyon mararanasan..pagkatapos ng lahat ng nangyari sa amin..hindi ko na inaasahang mangyayari pa samin ulit ang set-up namin na iyon.
"O bakit ka umiiyak bunso ko?.Naku! Patay ako niyan sa mga kuya mo!" sabi niya.
Tumawa naman ako.."Masaya lang ako kuya..na nandito ka na ulit sa tabi ko.."
"Masaya rin ako dahil kayakap na ulit kita..at hinding-hindi na ulit kita papakawalan.."sabi niya..hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin. Natahimik kami.
"Bunso???"
"Po??"
"Does this mean na tayo na ulit??" tanong niya.
"Hmmmm"..nag-isip muna ako.
Kaloka! Ang lantod mo naman! Pinag-isipan mo pa eh "OO" rin naman ang sasabihin mo!
Shhhh! Tumahimik ka nga! hindi ako makapag-isip ng mabuti!
Haay nako kahit kailan talaga..Maarte ka na nga, malantod ka pa!
Shut up!
"Hmmm???" tanong niya.
"Nanligaw ka na ba?" tanong ko.
"Ha?! Kailangan pa ba kitang ligawan?!" sabi niya.
"Aba siyempre naman! Sa panahon ngayon, noodles and coffee na lang ang instant!" sabi ko sabay tawa.
Tumawa rin naman siya.."O di sige, liligawan na kita.".
Si kuya Marco ko nga niligawan ako eh, kaya kailangan siya rin...Ayy oo nga pala..si Marco..asan na kaya siya? Okay lang kaya siya???
"Kuya, nasan na nga po pala si kuya Marco? Okay lang po ba siya?" tanong ko.
"Ah eh...bunso..." sabi niya.
Bigla naman akong kinabahan sa tono ng pagkakasabi niya nuon.. "Bakit po kuya may nangyari po ba?" bakas sa boses ko ang pag-aalala.
"Kasi bunso..si Marco..."
--------------------------
Until the next episode,
Sam.
2 comments:
NICE one -- kuya Vince --
sabi na nga ba ee -- c kuya Van un ee --
kakakilig --- ;">
ambaet tlga nila kuya Ken & Max --
bagay tlga c kuya Van at kuya Sam ----
what happened to kuya Marco? O.o
sana okay lang siya .. :(
Thanks kuya Vince -- idol ;)
Ang sweet naman nung mga Kuya ni Av/Sam na sina Kuya Max at Kuya Ken. Nakakainggit na may mga kuya siya na ganoon. I really like them because they accepted Av/Sam for who he is and they are actually 'somehow' glad that Av/Sam is like that.
I want Kuya's like Kuya Ken and Kuya Max! :D
I'm very happy that Van and Av/Sam have finally seen each other since Av/Sam went missing.
What happened to Kuya Marco?
Can't wait for the next episode to find out!
Go! lang ng Go! Kuya Vince!
(May bago ulit na 'Kuya' ako! Yeah!.. hahaha! :D )
- Jay! :)
Post a Comment