DAglat presents: TEE LA OK part 5
Saturday, August 6, 2011
Daglat Series presents
Ikalimang Bahagi: /ee-ka-lee-mang/ - /ba-ha-gee/
Letter E
“How’s your night?” text ni Gabby kay Harold kinaumagahan.
“Lil unwel..” reply ni Harold.
“Sory bout last nyt. I didnt expct dat.” kasunod na text ni Gabby.
“Aus lng un. Tma nmn mama mo.” reply pa ni Harold.
“Pls. dont wory. I asure u, evrythng wil b fine.” paninigurado pa ni Gabby.
“J 4get about it. Gayak na, bka mal8 ka pa.” sagot ni Harold.
“Take care Rold!” reply ni Gabby.
Nang katanghalian –
“Oh buddy! Bakit ganyan ang itsura mo?” nag-aalalang tanong ni Sean kay Harold nang makita niya ito.
“I’m okay! I’m fine!” sagot ni Gabby.
“Alam ko buddy, medyo weird ka talaga this past week. You’re being stubborn, mean, sarcastic, little bit konyo, pero ngayon, parang binalibag ka sa 6th floor tapos dinaganan ng pison.” saad pa ni Sean na pinipilit sumaya si Harold.
“I said I’m okay! Do you think you can help?” galit na sagot ni Gabby kay Sean.
“Okay!” paumanhin ni Sean na may mga ngiti sa labi. “Sinusubukan ko lang naman pasayahin ka eh.” saad pa ng binata saka akbay kay Harold.
“If I were Harold, I better choose Sean than Kenneth! I can’t see any reasons to decline this man: so sweet, very manly, very mature, hunk and so good-looking. I need to work out! Sean will be my greatest enemy for winning Harold’s heart.” sabi ng isip ni Gabby.
“May mob mamaya. Sama ka ba?” tanong pa ni Sean kay Harold.
“I can’t come!” sagot ni Gabby kay Sean. “I have many things to do.” tugon pa ng binata.
“Bakit? May ano? Dati, kahit bawalan ka namin nagpupumilit ka.” nagtatakang tanong ni Sean.
“I said I can’t!” madiing sagot ni Gabby. “Please understand me first!” habol pa ng binata.
“Okay!” nakangiting tugon ni Sean saka tumayo at iniwan mag-isa si Gabby.
Ilang sandali pa at –
“Gabby! May mob mamya. attend ka.” text ni Harold kay Gabby.
“Cgeh!” sagot ni Gabby.
“Tnx!” reply ni Harold.
“May kapalit ang pagsama ko sa mob.” reply ni Gabby kay Harold.
“Ayst! Sb q n nga b eh! ano nmn?” reply ni Harold.
“Don’t think about it muna. Iicpn ko pdn ksi.” reply ni Gabby.
“Cgeh! Bsta sumama ka.” reply ni Harold.
“Okay!” reply ni Gabby.
“He will not know about it, so I won’t attend the mob.” bulong ni Gabby sa sarili.
Kinagabihan ay binisita ni Harold si Gabby sa dorm.
“What brings you here?” nakangiting tanong ni Gabby.
“Lier!” simulang sumbat ni Harold.
“What do you mean?” tanong ni Gabby.
“Sabi mo pupunta ka sa mob? Bakit iba ang sinabi sa akin ni Sean?” tanong ni Harold.
“Sean?” nagtatakang tanong ni Gabby.
“Yeah! Si Sean! Tinext ko siya using Joel’s phone kung sumama ka ba sa mob. And he said, sabi mo daw madami kang gagawin.” sagot ni Harold.
“So, si Sean pala!” sagot ni Gabby. “You don’t have the right to dictate me what to do!” giit ni Gabby.
“I have all the rights! Kasi katawan ko iyang nasa’yo!” sabi ni Harold. “May karapatan akong utusan ka kasi ako, sinusunod ko iyong usapan natin! Pinipilit kong maging ikaw, gawin lahat ng commitments mo para maging fair! Alam kong malayo sa alam mong buhay ang buhay ko, kaya naman ako, nag-eexert din ng effort para naman masabi mong I did my role fairly!” sabi ni Harold.
“Let me explain first!” pamimilit ni Gabby.
“No!” pigil ni Harold. “Anung sasabihin mo? Na makasarili ka? Hindi mo na isinaalang-alang kung ano ang gusto ko! Please! Alam ko namang against ka sa prinsipyo ko, pero sana isipin mo, may Harold nang nag-eexist bago ka pumasok sa katawan ko. Hindi ko naman gustong magkapalit tayo at ayokong mabuhay sa buhay na mayroon ka!” litanya pa ng binata.
“Listen!” awat ni Gabby kay Harold saka hinawakan sa balikat ang binata.
“Ano? Sige na itanggi mo nang selfish ka! Magmalinis ka!” sabi ni Harold.
“Sige, I’m selfish!” sabi ni Gabby. “I am really selfish and I admit it! Let me explain first Harold.” saad pa ng binata saka kumuha ng isang malalim na hininga. “I did it not because of the pain I can get, but because I am afraid that in no time, we will be back in our own body. I don’t want you to feel the pain anymore! I don’t want you to have such bruises and wounds. I don’t want you to be in pain again.” sinserong paliwanag ng binata. “Ayokong masaktan ka Harold, kasi mas doble ang sakit na mararamdaman ko.” habol pa nito.
“Ewan ko Gabby! Pwede ka namang sumama di ba? Hindi ko naman sinabing magpapalo ka!” sagot ni Harold.
“Pero ang totoong Harold na nakikita ko, kayang isakripisyo ang sarili para sa prinsipyo at pinaglalaban.” tugon ni Gabby.
“Pero alam ko namang hindi ikaw si Harold at alam ko namang magbigay ng konsiderasyon at konting limitasyon. Naiintindihan ko, kasi ako man, hindi ko kayang maging si Gabby at madaming bagay akong hindi kayang gawin na kayang gawin ng totoong Gabby.” paliwanag ni Harold. “Ang gusto ko sana, maging ikaw si kunyaring Harold na hindi mo maiiba ang Harold na kilala nila.” habol pa ng binata.
“I understand and I am sorry!” paumanhin ni Gabby saka niyakap si Harold. “There are many ways to express your feelings and sympathy to others but why in that way? Why you prefer being hurt and in pain? I know you’re bright, brilliant, smart, wise and intelligent. Why don’t you fight in that way?” tanong pa ni Gabby.
“You said the answer!” sagot ni Harold. “Prinsipyo! Dahil ito ang prinsipyong alam ko. Madaming paraan, pero mas masaya ako pag nagagawa kong ipagsigawan sa kanila ang nararamdaman ko. Yeah, alam ko namang hindi kami napapakinggan o nadidinig ng pinapatamaan namin. Pero mas mainam na ang ganito kaysa naman sa nakaupo lang at nanunuod. Sa ganitong paraan ako masaya, kasi sa ganitong paraan, pakiramdam ko isa akong hangal na naghahangad nang pagbabago kahit na ang ilan ay hindi naniniwala! Isa akong hangal dahil alam kong kahit masasaktan lang ako ay patuloy akong lumalaban habang ang iba ay umaaray lang kahit hindi nararamdaman. Isa akong hangal dahil pinili kong lumaban sa paraang kakaunti lang ang may lakas ng loob para gumawa. Isa akong hangal para sa isang pangarap na mahirap abutin. To clarify things, nagagamit ko ang utak at pinag-aralan ko dito.” sagot ni Harold.
Lalong higpit ang ginawang yakap ni Gabby kay Harold na ngayon ay nagsisimula ng mapaluha dahil sa emosyong dala niya. Isang emosyong umaalab dahil sa pagpapahayag niya ng prinsipyo at pinaglalaban.
“Pwedeng dito ako matulog?” pakiusap ni Harold pagkabitiw sa yakap ni Gabby.
“Bakit?” nagtatakang tanong ni Gabby.
“I really miss my simple life.” maikling tugon ni Harold.
Ngiti lang ang tinugon ni Gabby sa pakiusap ni Harold.
Sa gitna ng malalim na gabi ay nakuha pa ni Gabby na tumanghod sa bintana at masdan ang mga bituin sa langit –
“You Harold is a precious gift worthy to receive
In doomsday’s a shadow giving me reason to believe
Smiling back through the plains and mountains beneath
Holding the most splendid and meaningful ace to achieve.” muling pinaglaro ni Gabby ang kanyang diwa.
Tinitigan ni Gabby ang nakahiga nang si Harold. “Harold! We really are different and still, I can’t find the answer why I am so attached to you. I can’t think of a day without you smiling or without you frowning. I can’t imagine my life without you holding on or this kind of feeling very true, pure and loyal.” saad ng diwa ni Gabby habang nakatitig kay Harold.
“In this speeding world and life of man
I wonder why there’s a left piece of can
Emptied and somehow broken in span
But not until everything is being done.” muling paglalaro sa diwa ni Gabby.
“I love you Harold! I can be your Romeo or your Anthony. I am willing to be your Florante or Don Juan. I can make fairytales come true and be better than Aladdin, Hercules and any other princes. You’re my priceless prince, my Jasmine, my mermaid, my Snow White, my beauty and my Cinderella.” muling sabi ni Gabby sa sarili na hindi inaalis ang mga mata kay Harold.
“If I am Aladdin, I’ll ask the genie to touch your heart
If I am Hercules, I’ll ask the Gods to provide your part
If I am Eric, I’ll ask Neptune for a tail to follow your mark
But I’m Gabby; all I can do is to watch you walk in the dark.” matapos nito ay napabutong-hininga ang binata saka tinabihan si Harold sa single size bed nito.
Ang diwa ni Harold ay gising na gising pa ng mga oras na iyon. Ramdam niyang nakatingin sa kanya si Gabby kaya naman hindi niya magawang tumingin din sa gawi nito.
“Tomorrow is something I don’t know and before it leads to tragedy, I better stop as soon as possible. Itong damdamin kong ito na tinatanggihan ko ay mismong pakiramdam na gustung-gusto ko. Itong damdamin na naglalaro sa puso ko ay isang damdaming nahihirapan na akong alisin, ngunit alam kong dapat at tamang kalimutan ko na at pigilan dahil isang mas masakit na pangyayari ang pwede kong kahantungan. Walang pag-asa, walang bukas, walang magandang maidudulot, masakit, malayong magkatotoo, mahirap!” sabi ng diwa ni Harold.
Maya-maya pa ay yumakap si Gabby kay Harold. Hindi na nagbigay pa ng reksyon ang binata sa ginawang aksyon ni Gabby.
“This could be the last time kaya dapat damhin ko na ang init at ang pakiramdam na mayakap ng taong alam kong mahal ko na. this could be the last dahil baka bukas, magbago na ulit ang kapalaran, bumalik na ang lahat sa normal. Harold, be brave! Be strong!” saad ng diwa ni Harold na hirap na hirap na sa isang dilemma ng pag-ibig na kailangan niyang harapin.
Kinaumagahan –
“If I am not mistaken, today is the seventh day.” simula ni Gabby habang kumakain sila sa isang fastfood chain malapit sa pinapasukan ni Harold.
“Yeah!” sagot ni Harold. “Wala naman akong pasok, I mean, si Harold pala, tara punta na tayo kay tito Ronnie.” suhestiyon pa nito.
“That’s the next thing I am going to tell you.” simpatikong dugtong ni Gabby saka tumitig sa mga mata ni Harold.
Nahiya si Harold sa ginawang pagtingin ni Gabby sa kanyang mga mata kaya iniwas na lamang niya ito subalit hindi pa rin magagawang itago ang pamumula ng mga pisngi ng binata.
“Okay! You must settle first your meeting with Mr. Gutierrez this afternoon then, we will go to you tito Ronnie.” sabi ni Gabby.
Ngiti lang ang sinagot ni Harold sa sinabing iyon ni Gabby. Kakaibang tuwa ang nadarama ni Harold sa isiping malapit nang bumalik sa kanya ang tunay na katawan at babalik na ang dati niyang buhay.
Kinahapunan –
“Let’s go!” aya ni Gabby kay Harold pagkasakay niya ng kotse.
“Sure! Ikaw na ang mag-drive.” suhestiyon pa ni Harold.
“Huh?” nagtatakang tanong ni Gabby. “But why?” sunod na tanong pa nito.
“Kasi pag-uwi natin ikaw na din naman ang magda-drive saka kotse mo ito.” sagot ni Harold.
“You’re just lazy.” tugon ni Gabby saka lumipat sa kabilang side.
“Anung ginagawa mo?” kinabahang tanong ni Harold nang pumaibabaw si Gabby sa kanya.
“You told me to drive, so I’ll transfer in this seat.” sagot ni Gabby saka inilapit ang mukha sa mukha ni Harold.
“Pwede ka namang bumaba.” sagot ni Harold.
“You should transfer right now before I do something really nice.” nakangiting sagot ni Gabby.
Naging mabilis ang kilos ni Harold sa paglipat sa kabilang upuan dahil na din sa takot sa kung ano ang sinasabi ni Gabby na gagawin niyang nice.
Tahimik ang pagitan ng dalawa habang bumibyahe. Madilim na madilim na ang buong kapaligiran ng makapasok sila ng Quezon at tahimik na tahimik na ang buong paligid nang marating nila ang ibaba ng bundok Banahaw.
“Come on!” aya ni Gabby kay Harold pagkababa ng kotse.
“Sige mauna ka.” sagot ni Harold.
“Aren’t you excited that finally we’ll be back in our body?” tanong ni Gabby kay Harold.
“I’m excited, but are you sure you really want to climb? Hindi mo ba naririnig iyong ingay na yun?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Alin?” tanong ni Gabby saka pinakiramdaman kung anung ingay iyong sinasabi ni Harold.
“There are many spirits, malignos, kapre, tikbalang and other supernatural creatures in our way.” paglalahad ni Harold kay Gabby. “It’s fifteen past nine and by this time, these creatures started their day. It will take us more than three hours bago makarating kay tito Ronnie.” kwento ulit ni Harold. “I do live here for almost a month and sanay na ako sa ganuon. Ewan ko lang sa’yo.” sabi ulit ni Harold. “If you wish let’s start walking.” dugtong ni Harold saka inihakbang ang mga paa para simulan na ang pag-akyat.
“I actually don’t believe with supernatural but for your sake let’s find a place to sleep.” namumutla at nanginginig na sabi ni Gabby.
“Hindi! You have nothing to worry bout me. Tara na! Lakad na tayo and be friendly with those na ma-eencounter natin.” lahad pa ni Harold.
“I said let’s spend our overnight here!” madiing utos ni Gabby.
“Sabi mo kasi…” tutol sana ni Harold.
“Don’t make excuses.” sabi pa ulit ni Gabby na nanginginig na sa takot.
Napangisi na lang si Harold sa naging reaksyon ni Gabby dahil alam niyang natakot ang binata sa kwento niya. Totoo na sanay na si Harold sa ganuong pangitain at ayos lang sa kanya na dumiretso paitaas pero inaalala niya si Gabby na baka maging problema niya pag-akyat.
“Look! Harold!” sabi ni Gabby kay Harold. “I can see a light and I’m sure there’s a house to sleep.” sabi pa nito saka sumakay sa kotse.
“Wait!” sagot ni Harold na labis na nagtataka dahil sa pagkakaalam niya ay walang bahay na malapit duon.
Ilang saglit pa at –
“Tao po!” katok ni Gabby sa bahay.
“May tao po ba dito?” tanong ni Harold.
“Siyempre naman may tao dito! Bahay to!” sagot ni Gabby.
“Malay mo engkanto pala nakatira dito.” pananakot ni Harold kay Gabby.
Biglang namutla si Gabby sa sinabing iyon ni Harold.
“Tara sa kotse na lang tayo.” aya ni Gabby kay Harold.
Ipit na napatawa si Harold sa naging reaksyon ni Gabby.
“Why are you laughing?” tanong ni Gabby. “I said, let’s stay inside my car.” madiin pa nitong utos.
“Nakakatawa ka kasi! Sa yabang mong iyan, duwag ka pala!” patuloy pa ding nagpipigil nang tawa si Harold.
“Ano ba iyon?” tanong ng matandang nagbukas ng pinto sa dalawa.
“Magandang gabi po lola!” bati ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “Pwede po bang makituloy muna kami?” sabi pa nito.
“We’re from Manila and we’re kind of trapped here…” hindi na naituloy pa ni Gabby ang sasabihin dahil tinakpan na ni Harold ng kamay ang bibig ng binata.
“Aakyat po kasi sana kami ng taas ng bundok pero inabot po kami ng dilim.” sabi naman ni Harold.
“Ganun ba hijo.” sabi ng matanda. “Tuloy na muna kayo dito.” dugtong pa nito.
Pumasok naman sina Harold at Gabby sa loob ng bahay.
Hinainan ng matanda ang dalawa ng isang mainit na sabaw saka binigyan ng kumot dahil sa napakalamig sa lugar na iyon.
“Pagpasensyahan na ninyo mga apo. Iyan lang kasi ang niluto ko.” paumanhin pa ng matanda.
“Wala po iyon. Sana po hindi na kayo nag-abala pa.” sagot naman ni Harold.
Ngiti lang ang tinugon ng matanda sa kanila.
“Are you alone here?” tanong ni Gabby sa matanda.
“Ano ba!” awat ni Harold kay Gabby.
“Bumaba lang sa bayan ang asawa ko, bukas pa makakabalik iyon.” sagot naman ng matanda.
“Aren’t your afraid?” tanong ulit ni Gabby na nasa katawan pa din ni Harold.
“Hindi naman. Sanayan lang din iyan hijo.” sagot ng matanda.
“There’s something strange.” kinakabahang bulong ni Harold kay Gabby.
“I can’t see any!” sagot ni Gabby.
“Hayaan mo na iyon.” sagot ni Harold.
“Sige na, magpahinga na kayo at maaga pa kayong lalakad bukas.” sabi ng matanda.
“Salamat po lola.” sagot ni Harold.
May dalawang silid sa bahay na iyon, dun sila pinatulog sa isang bakanteng kwarto. Hindi kalakihan pero malamig at maaliwalas tingnan
“There’s something strange talaga akong nararamdaman.” komento ulit ni Harold pagkahiga nila sa papag na nilatagan ng manipis na kutson.
“Hay! What is it?” tanong ni Gabby.
“See the room?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Yeah!” sagot ni Gabby.
“Parang expected nilang may bisita sila. See, malinis na malinis, may flower vase at may kurtinang bagong palit. Pati itong mga tsinelas natin parang isinukat sa paa at talagang bago pa.” salaysay ni Harold.
“It’s very common in rural areas like this.” kontra ni Gabby sa sinabi ni Harold.
“Saka wala akong naaalalang mga bahay sa baba nito. Kagagaling lang natin dito last week pero hindi ko nakitang may nakatayong bahay dito.” sabi ulit ni Harold.
“Hay! Hindi mo lang napansin iyon.” kontra ulit ni Gabby.
“Parang sinadya di ba? Kasi sa ganitong oras ng gabi karaniwan sa mga matatanda eh tulog na, pero si lola gising pa at bukas ang ilaw. To think na bukas pa uuwi ang asawa niya at wala naman siyang kapit-bahay. Tapos iyong sopas, as in mainit na mainit pa kahahango lang sa kalan pagkapasok natin.” sabi ulit ni Harold.
“What are you trying to say? She’s a maligno or an enkanto?” sarkastikong tugon ni Gabby. “Free your mind to that idea. Please, let’s sleep.” sabi ni Gabby.
“Weird!” sagot ni Harold saka pumikit.
Kinaumagahan –
“Tiktilaok! Tiktilaok!” ingay na gumising kay Gabby.
“What a nasty sound!” asar na sabi ni Gabby saka niyugyog ang katabi. “Wake up Harold!” gising pa nito kay Harold.
“Bakit ba? Ang sarap ng tulog ko.” sagot ni Harold na pupungas-pungas.
“That nasty animal! It disturbed my sweet sleep.” sagot ni Gabby habang patuloy pa din sa pagyugyog kay Harold.
“Ayan na!” sabi ni Harold saka bumangon. Dahan-dahang humarap kay Gabby at –
“Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” napuno ang buong kapaligiran ng hiyaw ng dalawa. Ang mga ibong nasa puno ay nagsiliparan dahil sa ingay na nakabulabog sa umaga nila.
“Anung nangyari?” tanong ng matanda pagkapasok sa kwarto nila.
“Nothing!” sagot ni Gabby.
“Wala po lola!” tugon ni Harold.
“Ganuon ba.” nakangiting tugon ng matanda saka lumabas ng silid.
“Am I in my own body?” tanong ni Gabby sa kaharap.
“Please isa pa! magsalita ka pa!” sabi ni Harold kay Gabby.
“Is this real? Harold! Ikaw na ba iyang nasa katawan mo?” tanong ulit ni Gabby.
“Totoo nga! We’re back.” masayang tugon ni Harold.
“Yeah! We’re back!” sang-ayon ni Gabby. “I’m so happy to see we’re back!” dugtong pa ni Gabby.
“I can’t imagine this! Finally nakabalik na ako.” masayang komento pa ni Harold habang sapu-sapo ang mukha at tinititigan ang kaharap. “Sa wakas nakawala na ako sa katawan mo at makakawala na ako sa mundo mo.” komento ulit nito.
“I’m in my own body!” masaya ding saad ni Gabby. “In my my muscular and sexy body!” komento ulit nito na puno nang kayabangan.
“Hay! Nagyabang na naman!” tutol ni Harold.
Tumakbo si Harold sa labas at hinanap ang matandang babae na may-ari ng bahay. Niyakap niya ito pagkakita at nagpasalamat.
“Para saan iyan hijo?” tanong ng matanda.
“Basta lola! Masayang-masaya po ako.” nakangiting tugon nito.
“Kita nga apo! Hulong, mag-agahan na kayo ng makauwi na kayo ng Maynila.” sabi pa ng matanda.
Muling nagduda si Harold sa tinuran ng matanda dahil sigurado siyang alam nitong aakyat sila sa bundok subalit ang sinabi nito ay uuwi sa Maynila. Hindi na lang pinansin ni Harold ang sinabi ng matanda at ramdam niyang malaki ang kinalaman nito sa pagbabalik nila ng katauhan.
“Kain na tayo!” aya ni Harold kay Gabby. “Para makaakyat na tayo ng bundok.” sabi pa nito.
“There’s no need to walk more than hour. We have our own body and I can’t see any reasons to meet your tito Ronnie.” sabi ni Gabby.
“Hay!” buntong-hiningang sabi ni Harold. “We still need to consult him! Kailangan nating masigurado na hindi na tayo magkakapalit ulit.” giit ni Harold.
“As I said, everything is fine and back to normal. I think, that change-body whatsoever is just for a short period of time.” giit ni Gabby. “We need to be back in Manila, I need to fix the problems you made.” sabi pa nito.
“Sunday nagyon! Papaanong may office work?” nagtatakang tanong ni Harold.
“Walang pinipiling araw sa mga businessmen.” sagot ni Gabby.
“Pero Gabby…” pilit ni Harold.
“No more buts! If you want, you can go but I wont accompany you.” sabi ni Gabby.
“Okay! Fine! Eh di hindi!” sabi ni Harold na naiinis na kay Gabby. “Pumunta man ako dun eh di baliwala din kasi ako lang mag-isa.”
“Good!” sabi ni Gabby saka dinial ang phone.
“Hello Joel!” simula ni Gabby.
“Kayo pala Sir Gabby, kamusta na?” tanong ni Joel kay Gabby.
“Ganyan ba dapat kinakausap ang boss?” madiing tanong ni Gabby.
“Sorry Sir!” paumanhin ni Joel kay Gabby.
“Pumunta ka ng office ngayon! Within fifteen minutes dapat andun ka na!” utos ni Gabby saka pinindot ang end call.
“Ang sama mo talaga! Pahinga ng tao dinadamay mo sa pagkabwiset!” sabi ni Harold saka lumabas ng kwarto.
Pagkakain ay nagpaalam na sila sa matanda saka masayang bumiyahe pabalik ng Maynila.
“Sige! Ihatid na kita sa dorm mo, tutal Sunday naman and wala kang pasok.” sabi ni Gabby.
“Ihatid mo ako sa school!” sabi ni Harold. “Sunday naman kaya pwede akong makasama sa mob.” sabi pa nito.
“Don’t you have any plans taking rest?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Ah sige! Sa dorm na lang pala!” bawi ni Harold sa unang sinabi.
“That’s my kiddo!” sabi ni Gabby saka ginulo ang buhok ni Harold.
Sa dorm ni Harold –
“D’yan ka lang ah!” sabi ni Harold.
“Why?” tanong ni Gabby.
“Basta!” sagot ni Harold.
Todo naman sa pagkakangiti si Gabby sa sinabing iyon ni Harold. Maya-maya pa ay bumaba na si Harold mula sa itaas na may dalang malaking bag.
“What is that?” tanong ni Gabby.
“Eh di bag!” tugon ni Harold.
“I know and I can see it’s a bag. But for what is that?” tanong ni Gabby dito.
Bago magsalita at binuksan na ni Harold ang kotse ni Gabby at saka inilulan duon ang bitbit niyang bag.
“Iyan iyong mga damit na binili mo! Hindi naman ako nagsusot niyan kaya dalhin mo na!” sabi pa ni Harold.
“But I bought it for you!” tutol ni Gabby.
“But I bought it for you!” pang-aasar na ginaya ni Harold si Gabby. “Eh di ibalik mo sa tindahan o kaya perahin mo na lang! Ibawas mo sa utang ko! Bahala ka sa gagawin mo!” sagot ni Harold saka pumanhik sa itaas.
“Hey Harold!” sigaw ni Gabby kay Harold.
“Wala ng hey hey! Uwi na!” sabi ni Harold pagkadungaw sa bintana.
Pumasok na si Gabby sa kotse nang bigla siyang tawagin ni ulit ni Harold.
“Hey Gabby!” tawag ni Harold.
“Bakit?” inilabas ni Gabby ang ulo sa bintana na may napakatamis na ngiti sa labi. “Will you tell me I love you Gabby?” biro ngunit seryosong tanong ni Gabby.
“May topak ka na naman!” sabi ni Harold. “Magkita tayo bukas bago ako pumasok, siguro 9am. Puntahan mo ako dito, tapos ihatid mo na ako sa school.” sabi pa ni Harold.
“Ano to? Nagpapahatid ka na sa akin? Hindi ka na ba sanay na walang kotse? Or nagpapractice ka lang nang buhay mo para sanay ka na pag naging boyfriend mo na ako?” simpatikong tanong ni Gabby kay Harold.
“Sira ulo!” kontra ni Harold. “Basta gawin mo na lang iyong sinabi ko sa’yo.” inis na tugon ni Harold saka sinara ang bintana.
“Hay! Pakipot pa ang loko!” komento ni Gabby saka pina-andar ang kotse.
Pagkarating sa opisina –
“Ui Sir Gabby! Kamusta na?” tanong ni Joel kay Gabby saka tapik pa sa likod nito. “Late ka ng mahigit apat na oras!” sabi pa nito.
“Why are you acting likne that?” tanong ni Gabby kay Joel. “Do you think that it’s the right way to treat your boss?” srakastikong tanong ni Gabby kay Joel.
“Pero Sir…” katwiran sana ni Joel.
“Dahil ba naging mabait ako sa’yo these past days that makes you think na pwede kang makipagbiruan sa akin?” tanong ni Gabby kay Joel. “Pwes, humanda ka ngayon!” pagbabanta pa ni Gabby.
Natikom lang ang bibig ni Joel sa narinig niya mula kay Gabby. “Anung problema mayroon ang taong iyon?” tanong pa ni Joel sa sarili.
“Show me all the reports and iyong minutes ng meetings ngayong linngo!” utos ni Gabby kay Joel.
“Yes Sir!” sagot ni Joel.
“Do it now!” madiin pa nitong utos. “Hay! Ang kupad!” komento pa nito.
Si Joel naman ay aligaga at tulirong hinanap ang mga pinapakuha sa kanya ni Gabby.
“Here Sir!” sabi ni Joel saka abot kay Gabby ng mga pinapakuha nito.
“Ang bagal mo ngayon!” komento ni Gabby kay Joel.
“Sorry Sir!” paumanhin ni Joel kay Gabby.
“Next time, I don’t want you to be lazy.” saad pa ni Gabby.
“Yes Sir!” tanging tugon ni Joel.
Samantalang si Harold –
“Nasaan na kaya sina Sean at Kenneth?” tanong ni Harold sa hangin habang hinanap ang dalwa sa gitna ng mga ralihista.
“Hay! Grabeng siksikan to!” saad pa ni Harold na patuloy hinahagilap ang dalawa.
Sa gitna ng paghahanap ay nagpatugtog nang isang awitin ang mga nagpoprogramang aktibista. Sinabayan ito ni Harold dahil alam na alam niya ito at kabisadong-kabisado.
Wala nang trapik sa kalye
Efficient ang bureaucracy
Bumaba na ang poverty
Restored na ang democracy
Ang buhay natin nag-improve
Dahil ang GATT ay na-approve
Ang buhay natin gumanda
Dahil ang EVAT napasa
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy ang totoo
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Matagal ka na nilang niloloko
Dumadami ang may kotse
Dito sa university
Tumataas ang tuition fee
Bumababa ang quality
Forget na lang the land reform
Forget the debt moratorium
Forget na rin the behest loan
But don't forget the condom
Oy alam ko na Eddie
Oy alam ko na Eddie
Oy alam ko na Eddie ang totoo
Oy alam ko na Eddie
Oy alam ko na Eddie
Matagal mo na kaming niloloko
Tres mil na passport at ID
Tres mil sa visa't embassy
Tres mil na special placement fee
Singkwenta mil na pangkape
Kung alam mo lang Violy...
Si Violy ay inabuso
Ng malupit niyang amo
Si Violy ay nagkakaso
Pinagtanggol ng gobyerno
Natural, natalo
At napugutan ng ulo
Si Violy ay inilibing
Malaon nang nahihimbing
Si Violy ay huminlay na
Ngunit hinukayhukay pa
Kung alam mo lang Violy...
Gumaganda't umuusad
Daw ang ating economy
Dahil sa dami ng tulad
Na kwentong gaya kay Violy
Tuloy-tuloy ang pag-unlad
Ng ating movie industry
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang Violy ang totoo
Kung alam mo lang Violy
Kung alam mo lang VIoly
Kayrami na nilang kinita sa iyo
(Kung Alam Mo Lang Violy, Gary Granada) –read between the lines!
“Hoy Harold!” sigaw ni Sean nang makita si Harold.
“Sean!” masayang-masayang bati ni Harold. “Kenneth!” bati pa nito ng makita kung sino ang kasunod.
“Akala ko ba hindi ka pwede?” tanong ni Kenneth kay Harold.
“Namiss ko kayo!” sabi ni Harold saka niyakap ang dalawa.
“Oi! Parang kahapon lang tayo huling nagkita ah!” sabi naman ni Sean na niyakap na din si Harold.
“May lagnat ka ba?” tanong ni Kenneth na bimitiw sa yakap ni Harold.
“I miss you buddy! Kung alam mo lang ang nangyari!” saad pa ni Harold na mas hinigpitan ang yakap sa kaibigan.
“I miss you too!” nasabi ni Sean kay Harold. “Ito ang namiss kong Harold!” napapangiting sabi pa ng binata na hinigpitan din ang yakap.
“Anung nangyayari sa’yo?” tanong ni Kenneth kay Harold.
“Wala lang!” sabi ni Harold saka niyakap naman si Kenneth. “Miss ko na din ikaw Kenneth!” sabi pa nito.
Napalambot naman ng yakap ni Harold ang nagmamatigas na si Kenneth kung kayat napayakap na din ito sa binata. “Kung sana Harold ang yakap na ito ay nangangahulugang aki ka na at ako’y sa’yo hindi na ako bibitiw hanggang huling hininga ko.” sa loob loob ni Kenneth.
“Hay!” nasabi ni Harold pagkabitiw sa yakap kay Kenneth.
“Akala ko ba hindi ka pwede ngayon?” tanong ni Sean kay Harold.
“Mahabang kwento pero huwag na lang ninyong alamin.” tugon ni Harold.
“Willing akong makinig.” sabi ni Sean.
“Huwag na lang sabi.” nakangiting tugon ni Harold.
“Huwag mo na lang pilitin si Harold. Mahalaga bumalik na sa dati ang utak niya.” nakangiting saad pa ni Kenneth.
“Tama!” sang-ayon ni Harold kay Kenneth.
Maghapong nagsama-sama ang tatlo at gabi na ng makauwi si Harold sa dorm.
“I miss everything na meron sa lugar na’to!” bulong ni Harold. “Kamusta kaya si Gabby habang siya ang nasa katayuan ko?” tanong ni Harold sa sarili. “Kamusta na kaya siya?” tanong ulit nito saka kinuha ang cellphone.
“Hoi Gabby! Kamsta n ang dtng buhy?” text ni Harold kay Gabby.
“E2 ang dming binbgo!” reply ni Gabby.
“Wg mu sbhn nasa opisna ka pa?” text ulit ni Harold.
“Kkrtng ko lng sa bahay. Don’t tell me na miss m nq?” reply pa din ni Gabby.
“YABANG!” reply ni Harold.
“Magkkta nmn tayo buks kaya wag mo na aqng mamiss.” reply pa ni Gabby.
Minabuti na lang ni Harold na huwag nang patulan pa si Gabby. Inihiga na niya ang pagod na katawan sa higaang mag-aapat na taon niyang kasama.
“Tomorrow! Lahat ng bagay ang magbabago, I mean magbabalik na sa dati. Itatama ko na ang mga landas n asana nnuon pa man ay ginawa ko na. Bukas ay may isang kabanata sa buhay ko ang muling bubuksan at bagong kwento na ang aking isusulat. Bukas ay magtatapos na ang isang yugtong malabo ang katapusan, pero narito ang puso ko, lalaban para sa katotohanan ng buhay.” saad ng diwa ni Harold at ipinikit ang mga mata.
“Bukas! Isang bagong Harold na ang pahaharapin ko sa mundo! Isang bagong Harold na ang makikta ng mga tao! Mas pinatapang, mas pinatibay at mas pinagaling na Harold.” saad pa ulit ni Harold sa sarili.
Samantalang si Gabby naman –
“Harold!” bulong ni Gabby saka napabuntong-hininga. Kumuha ng wine at saka dumungaw sa bintana gaya ng kanyang nakakagawian. “Feels good to be home!” napangiting wika pa ng binata.
“Your youthful beauty that leaves my heart breathless,
Your smarty and casual smile that take me ceaseless,
Your sparkling cute eyes that shivery push me gritless,
You’re adorable without a word, thousands pile to loss.” mga katagang naglalaro sa utak ng binatang si Gabby.
“Harold! Ayan ka na naman! Nanggugulo ka na naman!” saway ni Gabby kay Harold na naglalaro sa kukote ng binata. “I said stop kasi magkikita naman tayo bukas!” saway ulit nito.
“I can carry you in my loving arms,
Put it around your tender shoulder,
Touch your smile with colors and flavor,
Soothing blow for your delicate charm.” muling pagpaparaya ni Gabby na maglaro sa kanyang isip si Harold.
“Sweet child grown in silverwoods,
Ready to join the gold plated moods,
Of endless swings and oft to wonders,
Amazing blast of strings and pearls.” isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ni Gabby saka pumasok sa loob ng kanyang silid at nahiga.
“Harold, my little Harold! I can be the light to show your way, I can be the arms to carry you in rough steeps, I can be your strength to move on.” wika ni Gabby saka pinikit ang mga mata.
“In my own story of love and graces,
You will be the king of my kingliness,
I am the shadow to fill the blank spaces,
Without a trail, I am the one in nobodiness.” at pinikit na niya ang mga mata at nakatulog.
Kinaumagahan ay maagang nagpunta si Gabby sa dorm ni Harold. Ang 9am ay naging 6am at binantayan niya hanggang sa magising ito.
“I can’t wait to see you again Harold!” sabi ni Gabby pagkapark sa kotse niya. Sa loob ng tatlong oras ay nakatanghod lang siya sa bintana ng kotse at nakatitig sa bintana ng dorm ni Harold habang hinihintay ay pagbubukas nito.
Saktong alan-nuwebe nang magbukas ng bintana si Harold. Nakagayak na ang binata at bihis na para pumasok. Napangiti na lang siya ng makita ang kotse ni Gabby na nakapark at nag-aabang sa paglabas niya. Madali siyang bumaba at ganuon din naman si Gabby na mabilis na bumaba ng kotse at inabangan ang pagbaba ni Harold.
“Good morning my royal Harold!” simulang bati ni Gabby.
“Ay topak!” sabi ni Harold saka patiunang sumakay ng kotse.
“So, ano? Tayo na ba?” tanong ni Gabby bago paandarin ang kotse.
“Ito na!” sabi ni Harold saka abot kay Gabby ng envelope na kinuha niya sa bag.
“What’s this?” tanong ni Gabby pagkaabot sa kanya ng sobre.
“Di ba kay kulang akong 14thousand sa’yo?” tanong ni Harold kay Gabby.
Tango lang ang tugon ni Gabby na biglang nakaramdam ng kaba.
“Ito na! Binabayaran ko na.” saad ulit ni Harold.
“Seryoso ka?” nanginginig na sabi ni Gabby. Sa lahat ng pwedeng mangyari ay ito ang hindi niya inisip.
“Oo, bilangin mo na, tapos ito na din ang huling araw na magkikita tayo. Wala na akong utang sa’yo kaya pwede mo na akong patahimikin. Wala ng utang na nagkokonekta sa ating dalawa.” malungkot na saad ni Harold.
Nakatitig lang si Gabby sa hawak na sobre. Isang bagay lang ang gusto niya sa simula pa lang, ito ay ang makasama si Harold at magkaroon siya ng dahilan para masilayan ang mukha ng binata. Kung tutuusin ay pwede na niyang baliwalain ang utang nito ngunit ito lang ang nakikita niyang bagay na pwedeng panghawakan para magkita sila.
“Ayan, wala ng dahilan para magkita tayo.” sabi ni Harold na tila ba labag sa kalooban ang ginagawa.
“Is this really goodbye?” tanong ni Gabby kay Harold saka hawak sa kamay ng binata.
“Yes!” maikling tugon ni Harold.
“I will miss you Harold!” sabi ni Gabby saka pilit tinago ang luhang nais kumawala sa kanyang mga mata.
Ngiti lang ang tugon ni Harold sa sinabing iyon ni Gabby.
Walang anu-ano ay hinalikan ni Gabby si Harold. Isang maalab na halik, puno ng pagmamahal at pagsusumamo para sa isang gaya ni Harold. Kasunod niyon ay ang pagpatak ng luha niya sa mata.
“Please stay!” pakiusap ni Gabby kay Harold habang nakadikit pa din ang mukha niya sa mukha nito.
“Sorry!” sagot ni Harold saka lumabas ng kotse at sinimulang lumakad papunta sa eskwelahan. Dito na nagsimulang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata, isang luhang puno ng sakit at pait dahil sa pagpigil ng isang damdaming nais kumawala sa kanyang kaibuturan.
“I want to hold you more,
For you’re the one I adore,
Deep within my exclusive core,
But you walked my frowning door.” mga tugmang naglalaro sa isip ni Gabby habang nakatitig sa papalayong si Harold.
TEE LA OK: ANG UNANG UMAGA
~~~~~END~~~~~
3 comments:
waaaaah ang sad naman nang ending, sabi nga nila some things are just not meant to be ):
ahahhha akala ko anu mangyayari.
nagpa sexchange pala si misteryosong lolo/lola.
T_T
OW EM! another sad ending na naman pla 'to . . :'(
di na naman ako nito makakamove on tulad nung sa kwento ni Martin at Fierro . .
huhuhuh
xD
ABANGAN na lang po natin ang book 2
Post a Comment