DAglat presents: TEE LA OK II part 1
Sunday, August 28, 2011
Unang Bahagi: /oo-nang/ - /ba-ha-gee/
Number 1
“Anung problema mo?” tanong ni Martn kay Harold pagkakita pa lang dito.
“Wala.” tugon ni Harold. “Medyo pagod lang.”
“Kasi sumama ka pa kahapon. Alam mo namang mag-aayos pa tayo ng graduation ngayong araw.” sabi pa ng binata.
“Ganun talaga eh!” napangiting sagot ni Harold.
“Alam mo, medyo weird ang feeling ko sa’yo last week.” banggit pa ulit ni Martin sa napuna niya.
“Mahabang kwento tol!” sagot ni Harold. “Tapos iisipin mo pang loko-loko ako kung malalaman mo iyong kwento.” dugtong pa nito.
“Kung sa transcendental being nga naniniwala ako, saka ang astral body ng Indian Philosophy naniniwala ako, lahat ng extra super natural phenomena pwedeng paniwalaan.” sabi pa ulit ni Martin.
“Hay Martin! Stupid lang talaga ako last week.” nakangiting tugon pa ni Harold na ayaw magkwento sa kaibigan.
“Naku Harold! Sige, huwag kang magkwento!” may tampo sa himig ni Martin. “Last week para kang ewan, tipong hindi si Martin ang kaharap ko kung hindi isang na-trap lang sa katawan ni Martin, pero ngayon masyadong down ang spirit mo.” komento pa nito. “Hindi lang basta tamlay, kasi sobrang down ang energy.” dugtong pa ng binata.
“Kulit mo din!” napapatawang sabi ni Harold. “Huwag kang gumanyan, hindi bagay sa’yo.” bati pa nito.
“Kung ayaw mo akong makitang ganito mag-smile ka! Ayokong simangot na Harold ang kasama kong nakapila dito maghapon.” pangungundisyon ni Martin.
“Sige na! Ayan na! Ngingiti na ako.” sabi ni Harold saka naglagay ng isang ngiti sa labi.
“Good dog!” sabi ni Martin saka ginulo ang buhok ni Harold.
“After ng mahabang pila na’to, aakyat pa tayo sa taas di ba?” paninigurado ni Harold kay Martin.
“Yeah! Kasi iniintay tayo dun ng society para sa seminar. Alam mo na, nakasalalay sa fourth year ang pag-aasikaso nun.” sagot naman ni Martin.
“Ayos din iyong third year no! Napayabang pa nung merge meeting tapos ngayong trouble shooting na ngangawa din ng tulong.” komento pa ni Harold.
“Sabi nga ni Kuya Alfred, iyong third year maporma unlike sa batch nating magawa.” sabi ni Martin.
Matapos ang isang mahabang pila at maibigay ang evaluation of grades ay umakyat na ang magkaibigan sa taas at tumulong para sa trouble-shooting ng seminar at nang katanghalian na ay mga nagsiuwi.
“Guys, di na muna ako makakasama sa lakaran natin.” sabi ni Harold.
“May bago?” may pagkasarkastikong tanong ni Martin.
“Wala!” natatawang sagot ni Harold.
“Ako din, may lalakarin din kasi ako.” paumanhin din ni Martin sa mga kabarkada.
“Sige ayos lang iyon!” sagot naman ni Robert.
“May kumakaway ata sa atin.” pansin pa ni Angelo.
“Hoy Martin! May kumakaway sa’yo.” sabi ni Harold saka turo sa kotseng nasa di kalayuan.
“Kuya Perry?!” nagtatakang pagkilala ni Martin.
“Tinatawag ka ata nun.” komento pa ng kabarkada nila Harold.
“Sandali lang mga dude.” paalam ni Martin sa mga kabarkada saka nilapitan ang lalaki.
“That guy looks familiar!” sabi ni Harold sa sarili. “I can’t remember pero parang nakita ko na iyan somewhere!” komento pa nito.
Maya-maya pa ay bumusina nang dalawang beses ang lalaking kausap ni Martin na agad tumawag ng atensiyon sa lahat. Napansin din nilang bumaba ang lalaki at kasunod ni Martin papunta sa kanila.
“Hey guys! This is my Kuya Perry.” pakilala ni Martin sa kuya-kuyahan niya.
“Kuya Perry, these are my buddies.” pakilala naman ni Martin sa barkada niya.
“Call me Fierro!” paglilinaw ni Perry. “Only Martin can call me such annoying Perry name.” nakangiti nitong turan.
“Nice meeting you.” sagot naman ng mga kabarkada ni Martin.
“Guys, mauna na ako, sabay na kasi ako sa kuya Perry ko.” paalam naman ni Martin sa mga kabarkada niya.
“Yeah! Tama! Fierro Gutierrez!” sabi ni Harold nang maalala ang taong kaharap.
Samantalang si Gabby naman –
“Joel!” simula ni Gabby. “I told you to prepare all the statistics and reports but look what you did? Instead of filling them, sabog-sabog ang files.” puna ni Gabby dito.
“Sorry Sir!” paumanhin ni Joel.
“You really know so much that I want everything to be in order pero ang gulo-gulo nito! Look, anung gusto mong mangyari? Iisa-isahin ko to?” sabi pa ng galit na si Gabby.
“Sir! Sabi po ninyo last week ganyang ayos ang gawin ko.” sagot ni Joel.
“I can’t remember na may ganuong order ako?” sagot ni Gabby.
“Meron Sir!” sabi pa ulit ni Joel. “Tapos you treated me lunch and napakakalmado pa po ninyo.” sabi pa ni Joel.
“Ako?” nagtatakang tanong ni Gabby.
“Yes Sir.” sagot ni Joel.
“Last week huh!” napaisip si Gabby at muli ay may sumagi sa isip ng binata.
“I am in Harold’s body last week and malamang the order came from Harold. Harold! Kamusta ka na kaya? I miss you.” biglang lumungkot na sabi ni Gabby.
“Is there any problem Sir?” tanong ni Joel.
“Anung pakialam mo?” sarkastikong tanong ni Gabby. “So, dahil sa mabait ako last week sinasamantala mo na ngayon?” dugtong pa nito.
“Hindi po Sir! Sorry na po talaga.” paumanhin pa ni Joel.
“Ibalik mo sa dati itong arrangement ng files and by 10, we will meet Mr. Gutierrez.” saad ni Gabby.
“Copy Sir!” sagot ni Joel saka mabilis na kumilos palabas ng opisina ni Gabby.
After ng meeting at pirmahan ng deeds of sale –
“Good Mr. Gutierrez!” sabi ni Gabby.
“Well, excuse me for something, pero my senses keep on telling me that I am in front of different Gabby.” simula ni Fierro sa usapan habang palabas ng conference room.
“Let’s talk business here.” sagot ni Gabby.
“Sorry Mr. Fabregas.” paumanhin pa ni Fierro.
“Saan na ang punta mo ngayon?” usisa naman ni Gabby kay Fierro.
“Sa Philippine University!” sagot ni Fierro. “May susunduin lang ako.” dugtong pa nito.
“Philippine University! Harold! Lalo kitang gustong makita. Bakit ba lahat nang marinig ang mangyari sa akin sa araw na’to laging may koneksyon at nagpapaalala sa’yo.” sabi ni Gabby sa sarili.
“Sige Mr. Fabregas, I’ll go!” paalam ni Fierro saka patiuna nang lumakad.
“Harold! May the wind carries this feeling I have for you. May the wind gently tell you how much I wanted to see you.” sabi ng diwa ni Gabby saka tumingin sa labas.
Kinagabihan, tulad ng nakagawian na ni Gabby ay tatambay muna ang binata sa veranda ng kanyang kwarto habang umiinom ng wine at nagpapahangin.
“If only the wind carries your breath,
I will take every bit even up to my death,
This sultry room that became so cold,
When you left I turned out to be so mold.” mga tugmang pinaglalaro ni Gabby sa isipan habang nakatitig sa hawak na baso ng wine.
“My heart shouted, cried and now will die,
For I lost the part that will complete the pie,
You leave me hanging and walked out my sight,
Swollen life will never again smile and be bright.” saka dahan-dahang pumatak ang luha sa mga mata ni Gabby.
“I don’t know what my tomorrow prepared for me
Possibly incomplete knowing you’re away from me
Ill, crying, bleeding, damaged, dying I can be
Waiting is the greatest inspiration that pushes me.” huling tugmang pinaglaro ng diwa ni Gabby saka napagpasyahang matulog.
Samantalang si Harold naman habang nakahiga at hindi makatulog –
“Doble effort na akong kalimutan ka pero bakit ba lagi ka na lang nagsisiksik sa utak ko? I realized that I cannot smile kung may regrets pa akong nararamdaman. Hay! Bakit ba pilit kitang kinakalimutan pero always kang nagpapakita sa solemn moments ko?” mga bagay na naglalaro sa utak ni Harold. “I know, short term lang to. Wala ka naman sa buhay ko dati at masaya ako, thus, kaya ko ding maging masaya kahit wala ka. Wait, statement invalid! Kasi may regrets ako therefore hindi ko kayang maging masaya, pero I can be happy dahil wala ka sa buhay ko dati. If I cannot smile, therefore I cannot be happy kasi smiling means expression of happiness, except kung may topak o sintu-sinto ako, but I’m a normal kid with an I.Q. of 170. I cannot be happy or sad at the same time, thus, statement invalid.” naguguluhang pag-iisip ni Harold. “Letse! Fallacious na nga lang!” mapasigaw ang binata dala ng kaguluhan.
“Kung talagang mahalaga ako sa kanya dapat man lang nag-text na siya sa akin kanina. O kaya naman hinabol niya ako kaninang nagpaalam ako sa kanya. Pwede ding ibabalik niya iyong pera ko, tapos sasabihin mahal kita o kaya naman iisip nang bagong utang na loob. Iyong tipong mga drama talaga sa T.V.” saad ulit ng diwa ni Harold. “Ayusin na ang buhay Harold! Harold! Harold! Harold! May bagong umaga bukas at ang dapat mong unahin ay ang paghahanda sa papapulang silangan! Gabby is just a small part of the universe at ang dapat mong pagtuunan ng pansin ay ang mga bagay na mas mahalaga! Ang dapat mong bigyan ng atensyon ay ang mga bagay na papakinabangan ng marami.” diwang kikiwal-kiwal sa malikot na isip ni Harold saka pinikit ang mata para piloting makatulog.
Kinaumagahan –
“Rold! Musta na?” simulang bati ng nakangiting si Sean.
“Nice morning buddy!” ganting bati ni Harold dito.
“Bakit nadoble ang eyebags mo?” birong tanong ni Sean.
“Namanget na naman ako!” sagot ni Harold saka kinapa ang sinabing eye bags ni Sean.
“You’re still cute pa din kaya huwag kang mag-alala.” komento ni Sean.
“You’re getting so konyo today buddy ah.” natatawang sabi ni Harold.
“Coz you’re getting konyo din kasi eh!” ganti ni Sean.
“Hindi ka pa ba sanay sa akin?” tanong ni Harold.
“Sanay akong pag may klase at recitation straight English or Tagalog ka kung magsalita. Pag sa mga kaibigan mo at kaklase o ordinaryong tao, nagmimix ka ng English pero Tagalog pa din. Pag formal English kung English. Pag ako ang kaharap mo o si Kenneth o mga kasama natin, Tagalog na Tagalog at humahalukay kami sa baul ng mga alien tagalong mo.” sabi ni Sean.
“Ganun pa din naman ako ngayon ah.” giit ni Harold.
“Hindi kaya!” tutol ni Sean. “Konyo ka na ngayon at last week hindi ko mawari kung pang-asta mo lang ba ang straight English or way of life mo na.” pansin pa ni Sean.
“Last week?” tanong ni Harold. “Si Gabby iyon! Peste! Wala na nga sa utak ko naalala ko na naman! Lord of the Rings naman! Please paki-alis si Gabby sa isip ko!”pakiusap pa ng isipan ni Harold.
“Bakit umasim na naman iyang mukha mo? Lalo ka tuloy nagiging cute!” komento ni Sean saka inakbayan si Harold.
“Kung makaakbay ka! Bakit ba ang hilig mong akbayan ako?” tanong ni Harold kay Sean.
“Gusto kita eh!” biglang nasabi ni Sean.
“Ano kamo?” tanong ni Harold.
“Ah, eh, sabi ko gusto ko!” nangangatal na sagot ni Sean saka inalis ang pagkakaakbay kay Harold saka nagpatiuna sa paglakad.
“Hoy! Hintayin mo ako!” habol ni Harold sa kaibigan.
Samantalang si Gabby naman –
“Ang dami ko palang nakatambak nang damit.” unang nasabi ni Gabby pagkabukas ng closet niya at sinunod ang isa pa at ang isa pa ulit at ang isa pa ulit na closet niya.
Napangiti ang binata na tila ba may naiisip na kung ano.
“Bakit ang tagal n’yo?” angil ni Gabby pagkadating nila Nick at Joel.
“Sir! Maaga pa nga po kami ng thirty minutes!” paliwanag ni Joel.
“Hindi ako humihingi ng opinyon mo!” sabi ni Gabby.
“Nagtatanong tapos ayaw ng sasagot. Kay aga-aga irritable!” bulong ni Joel kay Nick.
“May sinasabi ka?” tanong ni Gabby.
“Wala po Sir!” maang na sagot ni Joel. “Sakay na Sir!” anyaya pa ni Joel saka pinagbuksan ng pintuan si Gabby.
“Inuutusan mo ba ako?” tanong ni Gabby kay Joel.
“Sorry sir! Hindi po.” sagot ni Joel.
“Umakyat ka ng kwarto ko, tapos ibaba mo lahat ng bag na nasa may pintuan.” utos ni Gabby kay Joel.
“Sige po Sir!” sagot ni Joel saka mabilis na sinunod ang utos ni Gabby.
Pagkababa ni Joel –
“Nick tulungan mo ako!” aya ni Joel kay Nick.
“Ikaw lang ang kukuha!” nakangising sabi ni Gabby.
“Hay!” reklamo ni Joel. “Nakakainis!” sabi pa nito.
“May reklamo ka?” tanong ni Gabby.
“Wala po Sir!” sagot ni Joel saka muling umakyat.
Matapos ang labing limang akyat panaog ay nakapagbaba ng thirty bags si Joel.
“Nick, here’s the key of my pick-up van.” sabi ni Gabby saka hagis kay Nick ng susi. “Joel, put all those bags inside the van.” utos naman ni Gabby kay Joel.
“Hay Sir Gabby! Paborito talaga ninyo akong pahirapan.” reklamo ni Joel.
“Ang paborito mo din kasing magreklamo.” sagot ni Gabby.
Patung-patong at hindi magkasya ang mga bags sa likod ng pick-up dahil bukod sa malalaki ang bags ay namumutok pa ito sa laman. Matapos mailulan lahat ng bags ay –
“Joel and Nick, drive these bags to this area.” utos ni Gabby saka ibinigay kay Nick ang location. “Make sure they will receive it especially the family of Carding Rodriguez.” utos pa ni Gabby.
“Lahat to Sir?” tanong ni Joel.
“Of course not!” sagot ni Gabby. “Find other places where you can donate those clothes.” sabi ni Gabby saka sumakay sa kotse niya. “After that, you can go home!” nakangiting utos pa nito saka pinaharurot ang kotse niya.
“Minsan talaga may banto si Sir Gabby!” komento ni Nick pagkaalis ni Gabby.
“Oo nga!” wika ni Joel. “Kung hindi lang talaga mabait at matinong amo si Sir matagal na akong umalis.”
“Harold! I learned something from your life and I owe you so much for that!” nasa isip ni Gabby habang nagmamaneho papasok ng opisina.
Pagkagat ng dilim –
“Sunog!” malakas na hiyawan malapit sa unibersidad na pinapasukan ni Harold.
Nakaramdam ng kaba si Gabby sa narinig niyang hiyawang iyon lalo na at ang usok ay nasa gawi kung saan nakatayo ang dorm ni Harold. Binilisan ni Gabby ang pagmamaneho papunta kay Harold dala ng pag-aalala sa binatang iniirog. Tama ang kutob ni Gabby, ang dorm ni Harold ay kasama sa nasusunog ngayon. Madaming truck ng bumbero ang nasa lugar at lahat ng taong nakapaligid ay umiiyak dala ng pagkawala ng ari-arian.
“Manong!” tawag ni Gabby sa isang bumbero. “May tao po ba sa loob nuon?” tanong ni Gabby saka turo sa silid ni Harold.
“Hindi pa namin nakikita saka wala namang sumisigaw pa.” sagot ng bumbero.
I-dinial ni Gabby ang cellphone at tinawagan si Harold. Hindi mawari ni Gabby ngunit labis ang kaba niyang nadarama para sa binata.
Samantalang si Harold –
“Bakit ba ang ingay?” tanong ni Harold na pupungas-pungas pa.
Unti-unti na ding nararamdaman ng binata ang init na tila pugon at nagliliyab ang kanyang silid. Kasunod pa nito ang usok na pumupuno sa loob. Idinilat ni Harold ang mga mata at sa kanyang pagkabigla –
“Anak ng tinapa!” sabi ni Harold saka madaling bumangon at nagmamadaling bumaba.
Gawa sa lumang kahoy ang dorm ni Harold, sa itaas siya natutulog samantalang sa baba niya ay ang tinutulugan ng caretaker. Dahil sa lumang kahoy ay madali para sa apoy na kainin ng buong-buo ang buong kabahayan. Biglang bumagsak ang kisame ng silid ni Harold na humarang sa daan niya palabas. Nagliliyab ang buong silid, ang mga apoy ay walang sinasanto na kahit saan ilingon ni Harold ang paningin ay puro apoy ang nakikita at makapal na usok. Muling tumakbo si Harold papunta sa higaan niya, kinuha ang kumot saka tumakbo papunta sa banyo para basain ang kumot. Sa kamalasan ay bumagsak na din ang sahig ng banyo ni Harold. Muling tumakbo papuntang bintana si Harold at pinilit itong buksan.
Kahit na nahihirapan ay pinilit niyang pakalmahin ang sarili. Unti-unting nahihirapang huminga ang binata, dala na din nang sobrang usok at ang sakit nitong asthma. Ganunpaman ay buong lakas niyang binubuksan ang bintana dahil iyon na lang ang tanging paraan para makahingi siya ng saklolo. Tila naglalaro ang kapalaran dahil kinain na din ng apoy ang sahig kung saan nakalagay ang higaan niya at madali na itong bumagsak paibaba. Malapit na ding kainin ng apoy ang tinutungtungan ni Harold at higit niyang ibinigay ang lakas para mabuksan ang bintana. Sa wakas, nabuksan ang bintana, nang dahil sa apoy ay kumalas ang capiz na bintana sa kinakapitan nito at buong lakas na humingi nang tulong.
Ibinigay ang lahat ng hangin at sumigaw nang malakas - “Tulong!” sigaw ni Harold na nakakuha ng atensyon saka biglang nabuwal ang binata dahil sa kakapusan ng hangin.
“Harold!” nasabi ni Gabby saka tinakbo ang mga bumbero. “Manong! Unahin po muna ninyo iyon!” pamimilit ni Gabby sa mga bumbero.
“Sandali lang hijo!” sagot naman ng isa.
“Manong kahit pakiulanan ng tubig iyong lugar na iyon!” pakiusap pa ni Gabby na kitang-kita ang pag-aalala sa mga mata.
“Hay!” sabi naman ng isa saka sinunod si Gabby.
“Pahiram!” sabi ni Gabby saka kinuha ang helmet sa isang bumbero.
May nakita si Gabby na isang hagdan na sa tantya niya ay aabot sa bintana para makuha si Harold. Dali-dali niya itong kinuha dahil busy pa ang rescue team sa isang part ng sunog na mas madaming kailangang iligtas. Walang pag-aalinlangang inakyat ni Gabby si Harold at kahit nahihirapan ay buong lakas niya itong hinatak pa-angat. Kitang-kita ng mga mata niyang ilang pulgada na lang at si Harold na ang kinakain ng apoy na iyon na lalong nakadagdag sa pag-aalala niya. Sa wakas, nakuha na din niya ang walang-malay na si Harold at ang ibang bumbero ay hinihintay siya sa baba at para iabot si Harold sa kanila.
“Sa amin na iyan para maisakay sa ambulansya!” sabi ng isang bumbero.
“Kaninang walang nagliligtas ayaw ninyong tulungan, ngayong nakababa na at nakita ninyong walang malay saka ninyo kinukuha!” sabi ni Gabby saka isinakay si Harold sa kotse niya.
“Hijo! Hayaan mo nang masakay si Rold sa ambulansya!” sabi ng isang matandang may saklay.
“Ako na po ang magdadala kay Harold sa ospital.” sagot ni Gabby dito. “Sumama na din po kayo.” sabi pa ng binata.
“Labag sa batas iyang ginagawa mo!” sigaw ng isa ng makitang sinasakay si Harold sa kotse.
“Then see me in court!” sagot ni Gabby na hindi papapigil sa mga ito.
Kasama nga ni Gabby ang matandang caretaker ng dorm ni Harold at ang anak nitong kasama. Dinala niya sa pinakamalapit na ospital si Harold at agad din namang inasikaso dala ng panimulang panuhol nito.
“Harold, please hold on! I don’t want to loose you!” napapaiyak na sabi ni Gabby. “Now I realized how much I love you. Mahal na mahal kita at hindi lang ito short-term dahil hindi ko kakayaning mawala ka sa akin.” at dumaloy ang saganang luha sa mata ng binata.
“Hijo! Huwag kang mag-alala malakas si Harold at lalaban iyon dahil may isang bagay siyang gustong makuha.” pang-aalo naman ng matanda kay Harold.
“Salamat po tito!” sagot ni Gabby.
“Hindi pwedeng pataubin si Harold ng sunog na iyan dahil mas matindi pa ang pinagdaanan ng batang iyan.” sabi ulit ng matanda.
“Alam ko po!” nakangiting sabi ni Gabby. “Huwag na po sana ninyong sabihin kay Harold na ako ang tumulong sa kanya.” paalala pa ni Gabby.
“Bakit?” tanong nang matanda.
“Ayoko po kasing madagdagan ang iniisip niya.” sagot naman ni Gabby saka tumayo at pumunta sa emergency room at sinilip ang kalagayan ng binata.
Ilang sandali pa at –
“He’s fine!” sabi ng doctor pagkalabas. “Inatake lang ng asthma saka sobrang usok ang nalanghap niya kaya ganuon pero okay na naman siya ngayon.” sabi pa nito saka lumakad palayo.
Napabuntong-hininga ng malalim si Gabby saka napangiti.
“Tito! Alis na po ako.” paalam ni Gabby sa matanda.
“Sige hijo!” sagot ng matanda. “Mag-iingat ka.” sabi pa nito.
Sa bahay –
“I am broken, I am half
I need part to be back
I need smile in the gulf
I need one from the sack.” ang tugmang nasa diwa ni Gabby habang nakaupo sa veranda.
“Explosive emotions knowing that you will leave
My heart says, missing piece has nothing to breathe
To drift you safely, it is the best thing I can give
I can offer you everything even if it means sleeve.” tugmang pinaglalaro ni Gabby sa isip bago napagpasyahang ihimlay ang pagod na katawan sa kanyang higaan.
“I cannot watch your dying moment
I cannot watch you fighting sentiment
I have nothing but to ask for nothing
Rather than seeing you forever lying.” huling tugmang nasa diwa ni Gabby saka tuluyang ipinikit ang mga mata.
Matagal-tagal na din mula ng maganap ang sunog na iyon. Ito na ang araw na hinihintay ni Harold at ng buong batch nila – ang graduation.
“Gabby?” tanong tila nangingilalang tanong ni Harold.
Naging mabilis ang pagtibok ng puso ni Harold ng mga oras na iyon. Ang isang taong pilit niyang kinakalimutan ay ang taong patuloy na bumabalik sa kantang buhay.
“Ako nga.” nakangiting sabi ni Gabby.
“Bakit na nandito?” tanong ni Harold.
“Sinabi sa akin nung caretaker ng dorm mo.” sagot pa nito.
“Tapos? Bakit ka nga nandito.” tanong ni Harold.
“I am here to escort you.” sagot ni Gabby.
“Escort?” nagtatakang tanong ni Harold.
“Tito caretaker told me that you approached him to attend your graduation rights.” sagot ni Gabby.
“Then?” tanong ni Harold.
“I asked him if I can do his part.” tugon ni Gabby.
“At napapayag mo si tito?” tanong ni Harold.
“Oo naman Rold!” sagot ng matanda mula sa likuran ni Harold.
“Tito naman!” tila may tampo sa tinig ni Harold.
“Aba! Don’t you forget, utang mo sa akin kung bakit ka buhay.” singit ni Gabby.
“Ha?” tanong ni Harold.
“I saved you in the middle of fire. I risked my life just to save you.” sagot ni Gabby.
Nakaramdam naman ng kiliti si Harold sa narinig niya mula kay Gabby.
“Weh! Di nga?” ayaw maniwalang kontra ni Harold.
“Oo Rold!” sagot ng matanda. “Siya ang nagligtas sa’yo sa sunog at nagbayad ng hospital bills mo.” nakangitng tugon ng matanda.
“Eh di thank you!” sabi ni Harold.
“Ganun lang!” tutol ni Gabby.
“Ano ba ang gusto mo pa?” tanong ni Harold.
“Gusto ko ako ang kasama mong umakyat ng stage!” sabi ni Gabby.
“Tito!” sabi ni Harold saka lingon sa caretaker ng dorm niya.
“Wala na akong magagawa, siya ang nagligtas sa’yo.” sagot ng matanda.
“Sige na nga! Nakakaawa ka naman!” napapangiting tugon ni Harold.
“Di bali Harold! Ngayon lang naman to! Winning moment mo ngayon kaya bakit kailangan mo pang magmalungkot. Samantalahin mo na at makakasama mo ulit kahit isang araw ang taong mahal mo.” bulong ni Harold sa sarili.
“Ako pa ang nakakaawa.” tutol ni Gabby.
“Papasok na ako hijo!” paalam ng matanda.
“Sige po.” sagot ni Harold.
“Ayokong mawala ka sa akin Harold!” bulong ni Gabby kay Harold.
Napangiti na lang ang binata sa tinuran na iyon ni Gabby.
0 comments:
Post a Comment