The Best Thing I Ever Had - Season 2 Part 1 - Love Hurts.
Thursday, August 4, 2011
Author's Note: Kina-career ko talaga ang pag-iimagine na ang sinusulat kong ito ay isang series dahil sa season and episodes. lol. about the new thing. I'm gonna try to use multiple PoVs,.bakit? wala lang trip lang..kaya walang basagan ng trip! joke. sana mag-work out.hahah. Anyway, this is the first episode of the new season of The Best Thing I Ever Had. (grabe, career talaga. hahaha) Sorry po kung mejo nalate ung update ko..marami lang po kasing iniisip. (ashooo madami daw!) Shut up!..anyway.
Ganun pa rin po ang format. Italicized po ang mga sinsabi nila sa utak nila. Bold Italicized naman po ang mga comments ng partner in crime nila este yung boses sa utak nila. Sana po masundan niyo! hahah.enjoy reading!.
(kuya ken eto na! hahaha)
Av Lopez
hayy buhay. Minsan sobrang saya mo na kaya mong talunin ang langit. Minsan naman sobrang lungkot mo na parang gusto mo nang ibaon ang sarili mo sa lupa. Minsan naman, sobrang bait mo na daig mo pa ang isang anghel sa kabutihan. Minsan naman sobrang galit ang nararamdaman mo na mas mainit pa sa impyerno yang ulo mo.. Grabe.. Nakakaloka talaga ang buhay. Minsan nasa itaas, minsan nasa ibaba. haayy..
Ano to maalala mo kaya? Ate Charo ikaw ba yan??
Gaga! Hayaan mo nga akong magmoment dito! Panira ka talaga eh nuh?!
Of course! That's my job! ang sirain ang buhay mo! Mwahahahaha!
Batukan kita jan eh.
Joke lang teh! hahaha
--------------------------------------
So there I was. Sitting inside my room, facing my laptop, thinking of what to write for the first part of season two of my awful story.
Teka, si Av ka ba talaga?
Ayy sorry umepal pala ako sa story na to.. ok ok.. back to Av.
--------------------------------------
Nakaupo ako sa isang bench sa park. The same bench where all started. Naaalala ko pa nung sinabi niya na siya na lang daw ang maging kuya ko. Ang saya saya namin nung araw na iyon. Grabe. Nakakaiyak isiping ang saya saya namin noon, pero heto ako ngayon, nag-iisa, nangungulila sa kanya, na kahit masakit yung ginawa niya sa akin, mahal ko pa rin siya.
Tuluyan ng tumulo ang aking mga luha. 2 linggo pa lang ang nakakalipas simula nung insidenteng nangyari sa kwarto ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang lahat ng mga pangyayari. Nung sinampal ko siya. Nung sinabi ko sa kanya na alam ko na ang lahat. Nung sinabi niya na....m-m-mahal daw niya ako. At umiyak na ko ng tuluyan. Wala akong pakielam sa mga taong nakatingin sa akin.
Tama, wag mu silang pansinin, mga usisero lang yang mga yan, mga walang magawa sa buhay. joke.
At ayun. mag-isa lang ako. Trying to cope everything that happened in my life.
Chaka huh! ang drama! xD Anung mag-isa! hello?! nandito po ako.
Ehhh, hindi ka naman tao eh..I mean, boses ka lang kaya, hindi ka human thingy,.
Well may point ka jan. pero hello?! nandito pa rin ako kaya may kasama ka.
Ok fine. So ayun nga, I was with this weird voice in my head na nakaupo sa bench at nakatingin sa kawalan. Hinahayaang pumatak ang luha ko at hindi alintana ang mga taong nakatingin.
Aba? ako pa talaga ang weird huh?!
Anyway, nasa ganoon akong pagmumuni-muni ng may tumapik sa aking balikat. "Kuya Van?" sabi ko sabay lingon. Akala ko, si Kuya Van ang taong tumapik sa aking balikat. Hindi pala. Si Marco.
Marco Rosales
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ng makita ko si Av sa park na umiiyak at nag-iisa, parang gusto ko siyang lapitan at kausapin. Hindi ko alam kung bakit pero nung makita ko siyang umiiyak, parang may tumutusok sa dibdib ko. Argghhh!! bakit ko ba nararamdaman toh?! Hindi ko dapat maramdaman to!
Wow pare, inlove ka!
Hinde! Hindi ako pwedeng ma-inlove kay Av. Lalaki siya, at lalaki din ako. Kaya hindi pwede!
Wag mo nang pigilan ang nararamdaman mo, dahil kahit anong gawin mo, hindi mo na yan maiaalis, kasi mahal mo siya.
Argghhh!! basta ewan ko!
Lumapit ako sa kanya at tinapik ang kanyang balikat. "Kuya Van?", sabi niya. Bigla akong nakaramdam ng tusok sa puso ko nung narinig kong si Van ang inaasahan niya. Teka, bakit ganito ang nararamdaman ko?
Kasi nga mahal mo siya.
"Ahh. ikaw pala kuya Marco." sabi niya. parang nadisappoint siya ng makita niya na hindi ako si Van.
"Uhhmm..a-ayos ka lang?" tanong ko at umupo sa tabi niya.
Wow pare, umiiyak nga yung tao, sa tingin mo, ok lang siya? okay ka lang? hahaha
Teka bakit nga ba may boses sa utak ko ha?
Malay ko?! tanong mo sa author, siya ang salarin hahaha.
Ayoko baka tanggalin pa ako ng author sa kwento na to. Anyway.
Tumango lang siya pero patuloy pa rin ang daloy ng luha niya. Dahan dahan kong hinimas ang kanyang likod habang nanginginig ang akin mga kamay. Kinakabahan kasi ako, kasi ngayon ko pa lang mahahawakan si Av.
"T-tahan na..O-okay lang yan Av.." sabi ko. Tiningnan niya ako. Nakita ko ang kanyang blue eyes na parang isang kano, ang mapula niyang labi na parang tinutukso akong halikan siya. Arghhh bakit ba ito ang iniisip ko??
I told you, hindi mo na mapipigilan yan. hahah.
shhh! Pinunasan ko ang mga luha sa pisngi niya. Hindi naman siya nag-react about it. After ng pagpunas ko ng mga luha niya,.
"Uhmm kuya Marco,.." sabi niya habang tumutulo ang luha niya.
"O?" tanong ko.
"P-pwede pong pa-hug?"..nakakaawa ang mukha niya.
Hindi ko alam kung anung isasagot ko.
Pumayag ka na! Wala namang masama eh! Parang hug lang eto naman oh.
Bahala na!. "S-sige" ang kabadong sagot ko sa kanya. Niyakap niya ako ng mahigpit at saka siya umiyak ng umiyak. Bumilis ang tibok ng puso ko. Wala na akong nagawa kungdi ang akapin na lang din siya. "Sige, iiyak mo lang yan, nandito lang ako para samahan ka..wag kang mag-alala, hindi kita iiwan." hindi ko alam kung anung pumasok sa utak ko kung bakit ko nasabi ang mga iyon. Sh*t ano ba tong pinagsasabi ko? Nalason na ba ang utak ko? arrggghh!
Wala kang ginagawang masama,. You're doing great actually. hahaha.
Hindi naman siya nag-react. Phew! Buti na lang inignore lang niya. Lumipas ang ilang minuto at kumalas na rin siya sa pagkakayakap sa akin.
"T-thank you kuya ha?" sabi niya.
"Anytime, basta kailangan mo ng kausap or karamay, don't hesitate to call me." sabi ko na lang.
Nginitian naman niya ako. "Uwi na tayo?" tanong ko.
"Sige kuya." at hinatid ko na siya sa bahay nila. Pagkatapos ko siyang ihatid, umuwi na rin ako sa bahay namin. Hindi ko pa rin maialis sa isip ko yung time na niyakap niya ako. Ang saya sa feeling. Feeling ko na gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at hindi na pakawalan pa sa mga bisig ko. Waaaaa! ano ba toh? arrgghh hindi dapat ako nag-iisip ng ganito!
Ayiiieee!!! inlove siya! hahaha
Tumahimik ka nga!
Avie and Marco sittin in a tree, K-I-S-S-I-N-G!
at talagang nang-iinis ka huh! Dyan ka na nga!
Aba at tinulugan ako ng mokong na to.
Av Lopez
Hinatid ako ni kuya Marco pauwi ng bahay namin. agad akong tumuloy sa aking kwarto. Wala ang mga parents ko dahil may pinuntahan sila. Day-off naman ni manang ngayon kaya mag-isa lang ako sa bahay. Feeling ko, kung sinabi ko kay kuya Marco na mag-isa lang ako, sasamahan pa ako nun hanggang makarating sina mommy. Ganun kasi siya, thoughtful na tao. Lalo na nung simula ng malaman niyang nagkaroon kami ni kuya Van ng hindi pagkakaunawaan. Lagi siyang nandiyan para sa akin. Kumbaga parang hindi pa rin nawala si kuya Van.
O so si Marco na talaga ang bagong papa?
Tumigil ka nga! Nagmamalasakit lang yung tao nuh!
Hay nako,.if I know..may tinatagong pagmamahal yang Marco na yan, tignan mo na lang in the future.
Hayy nako. Ewan ko sayo. Humiga ako sa kama. Bigla namang nag-flashback ang mga nangyari kanina. Naalala kong niyakap ko pala si kuya Marco kanina. Teka bakit ko nga ba ginawa yun?
Ewan ko sayo.
Hmmm.ganun talaga siguro pag malungkot ka.
Bigla ko namang naalala yung sinabi niya sa akin kanina na "Sige, iiyak mo lang yan, nandito lang ako para samahan ka..wag kang mag-alala, hindi kita iiwan."
Napaisip ako. May meaning kaya yung sinabi niya? Sa sobrang kaka-moment ko dun nakalimutan ko ng mag-react.hmmm..
May gusto nga rin sayo yun!
Hindi! Lalaki yun, imposibleng magkagusto sa akin yun.
Eh bakit siya ganun sayo.
Nagmamalasakit lang yung tao no.
oh well, whatever.
"Mahal na mahal pa rin kita kuya Van. kahit gaanon kasakit ang ginwa mo sa akin, mahal pa rin kita.." tumulong muli ang luha ko.
Ipinikit ko ang mga mata ko at nakatulog na ako agad. Marahil ay dala ng pagod kakaiyak.
Ganyan naman lagi eh!
Van Romero
Nakahiga ako sa kama ko. Nakatingin sa kisame. Hindi ko maialis ang nakita ko kanina sa park:
Naglalakad ako pauwi at naisipan kong dumaan sa park. Gusto kong puntahan yung bench na lagi naming inuupuan ni Av. Ewan ko kung bakit, basta gusto ko lang siya mapuntahan. Medyo malayo pa lang ako sa bench, nakita ko na may nakaupo doon at kilala ko siya. Umiiyak siya. Gusto ko siyang lapitan para makausap siya, yakapin siya, halikan siya at humingi ng tawad. Wala pa rin kasi akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat.
Lalapitan ko ba siya?
Lapitan mo na! baka mawala pa yan! sige ka maunahan ka pa ng iba!
Argghh! bahala na!
Papalapit na ako sa kanya ng makita kong may isang lalaking lumapit sa kanya. Si Marco.
Anong ginagawa ni Marco dun?
Oh ano? sabi ko sa'yo diba? Ang bagal mo kasi eh! naunahan ka tuloy!
Nakita kong umupo si Marco sa tabi ni Av. Nag-usap sila at nakita ko na lang na niyakap ni Av si Marco. Parang tinusok ng 100 times ang puso ko sa nakita ko.
Teka lang Van, mali ang iniisip mo, hindi naman siguro sila ni Marco.
Malay mo!
Tumahimik ka nga!
Ok ok.Chill! ang hot mo masyado eh.
Kahit paanong ipasok ko sa utak ko na hindi sila ni Marco, nakakaramdam pa rin ako ng matinding selos sa nakita ko. Laking gulat ko ng nakita kong inakap na rin ni Marco si Av. Parang sasabog ang ulo ko sa selos. Parang gusto kong sugurin silang dalawa.
Hep hep!!
O bakit na naman?!
Nakalimutan mo na ba? Wala na kayo ni Av. kaya wala ka na ring karapatan sa kanya. Wala kang magagawa kung ano man o sino man ang piliin niya ngayon. Nakalimutan mo na ba yon? at sigurado ko, na ikaw ang dahilan ng pagluluksa niya ngayon. Sa tingin mo ba mas magiging masaya siya kung makikita ka niya ngayon?
Tama ang sinabi ng boses sa utak ko. Wala na akong karapatan sa kanya. Pero kahit anong mangyari, mahal ko pa rin siya. at ipaglalaban ko iyon. Wala akong pakielam kung sino man ang haharang sa amin, basta ang mahalaga, ang makuha ko siyang muli. Dahil alam kong mahal pa rin niya ako.
Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin siya. "Mahal na mahal kita Av. Gagawin ko lahat, makuha lang kita muli. Alam kong mahal mo pa rin ako..kailangan ko lang makaisip ng paraan kung paano kita kakausapin at ipapaliwanag sa'yo ang lahat...sana maintindihan mo ako..I love you Av." naramdaman kong pumatak ang luha ko.
Mahal na mahal mo talaga siya no?
Oo, kahit buhay ko itataya ko para sa kanya. lahat gagawin ko para mapatawad lang niya ako at maging kami muli.
O sige, tutulungan kita, i got your back bro.
At nakatulog na ako..
-------------------
Until the next episode,
Av, Van and Marco.
:).
6 comments:
REMINISCING THE MEMORIES!
The worst way to miss someone is when they are around yet you know you can never have them.
T_T
Go for the goal kua Van!
You have done the right thing in giving Vince space to think about everything that happened to him . . .
Thank you kua Marco aa . . sana lagi kang andyan para sa author este kay kua Av este kua Vince pala . .
Ü
i don't like how you write the story this time. season one was written better. can you do that this season? Lessen the second voices. And do it in one's perspective muna. Ibang season na lang yung different perspective. Kay Av na muna.
NABITIN AKO!!!!! X3
thank you for finishing this bunso :)
wahahaha kaloka ang mga thoughts nila
sana may ganyan din ako. para akong loko nakikipag talo sa sarili ko ^____^
maganda naman din ang ganito na style sa pagsulat at least you're trying something new.
Thanks po kuya coffee and kuya ace :)
sorry kuya kenji kung nabitin ka po hahaha.
thanks din kay anonymous hahaha.
ciempre thanks din kay kuya ko <3 :)
anyway, about the next part, I think maloloka kayo at babatukan ako sa pag-kaabnormal ko hahah. Pero I think masisiyahan ang isa jan dahil mapagbibigyan ko ang hiling niya :).
I will "try" (lol) to update it tomorrow.
again thanks po ulit!
Post a Comment