The Best Thing I Ever Had - (Part 10) Life Is Just Unfair

Tuesday, August 2, 2011

Note: Sorry po sa last update ko, feeling ko ang pangit pangit ng last update ko grabe. that was an epic failure. :( .anyway.eto na po ang part 10. enjoy reading! thank you thank you po sa lahat!




-------------------------------------------------------

So ayun na nga, kami na. Akala ko tuloy tuloy lang ang saya. akala ko magiging okay lang ang lahat. Pero mali ako. 5 days later after all the good things that happened in my room. Okay na naman ang pasa ko sa noo, magaling na siya.


It was a hot summer afternoon. Pupunta ako sa grocery para bumili ng ice cream. Ang pinsan ko lang ang kasama ko. Ayaw kasi akong samahan ni Macky. 

Ang tamad tamad talaga ng babaeng yun. Pero kapag alam niya na maraming gwapo't cute sa pupuntahan namin, mas mabilis pa yan sa kahit anong kabayo

Si kuya Marco naman, may pinuntahan daw. Hindi naman ako pwedeng magpasama kay Coleen dahil nasa kabilang baranggay pa yun bahay nun. Ang lakas naman siguro ng tama ko kung tatawagan ko siya at papupuntahin sa bahay namin para lang magpasama sa grocery na nasa kanto lang, diba? Para lang akong tanga.

Ayy bakit? hindi ka pa ba tanga ngayon? hahaha

Ang mean mo naman! 

Joke lang teh! eto naman.

Anyway. So naglalakad kami ng pinsan ko. Napansin kong nakatingin sa akin ang mga taong nadaraanan namin. Bata, matanda, lalaki, babae, gwapo,cute, pangit,(joke). Feeling ko nasa isa akong reality show. Lahat ng mata nakatutok, grabe.

"Grabe kuya, mukhang ikaw na ang bagong headline sa tabloid dito sa lugar natin ah." sabi ng pinsan ko.

"Ano? bakit mo naman nasabi yan?" tanong ko.

"Kasi tingnan mo o, ikaw ang tinitingnan ng mga tao. Sikat ka na! Ikaw na ang headline sa dyaryo!" sabi niya.

"Tigilan mo nga ako Charry!" sabi ko na lang sa kanya na natatawa ng konti.

Which makes me think, bakit nga ba nakatingin sa akin ang mga taong to? May dumi ba sa mukha ko? May mali ba sa suot ko? O baka naman sobra silang nas-stun sa kakyutan ko.haha

Grabe ang kapal mo talaga teh!

Eh bakit ba kasi sila tumtitingin?

Ewan ko, bakit hindi sila tanungin mo?

Hello? As if naman na lalapit ako sa kanila para magtanong kung bakit sila tumitingin. Hindi ba parang awkward yun?

Anyway,. "Bakit sino ba ang headline dati?" tanong ko naman.

"Marami na." sabi niya.

"Like?" tanong ko

"Hmmm. Ayan si Joana, nabalitaan kong nabuntis! Pero hindi ng boyfriend niya. O bongga diba? Tapos ayan namang si aling Susan, hiniwalayan ng asawa niya dahil nahuling may kalaguyong ibang lalaki. Tapos yang si Jeng, napag-alaman kong ampon lang pala yan." sabi niya.

"Wow, bakit hindi ko alam yan?" sabi ko.

"Eh pano nga kaya, nagkukulong ka lang sa bahay niyo. Lalo na nung may pasok pa, buti na lang at lumabas ka ngayong bakasyon. Para naman masikatan ka ng araw. Daig mo pa yung mga totoong nakakulong eh." sabi niya sabay tawa.

Oo nga naman. Hindi kasi ako mahilig lumabas ng bahay. Ngayon lang bakasyon ko naisip lumabas.

Habang nagkkwento siya, biglang nag-ring ang cellphone ko. Tumatawag sa akin si Macky.

"O Max! napatawag ka?" sabi ko.

"Uhhhmm Vince, may sasabihin ako sa'yo." ang mahinang boses ni Macky.

Bigla akong kinabahan. kapag kasi may masamang balita si Macky, hindi niya ako tatawaging Av. Vince ang itatawag niya sa akin. Napansin ko iyon dahil nga everytime na may bad news siya, Vince ang tawag niya sa akin.

"B-bakit Macky? Anong nangyare?" ang kabado kong tanong.

"Promise me you won't be mad okay?" 

"Macky ano ba yun? kinakabahan ako sa mga sinasabi mo eh.," nag-papanic na ako ng bonggang bongga.

"S-si Jenny.." sabi niya.

Kinabahan ako bigla. hindi ko alam kung bakit pero, basta."O anong meron kay Jenny?" 

"Buntis siya Vince." 

"What does that has to do with me?" ang tanong ko.

"Si Van ang ama ng bata Vince!!!!"

Parang gumuho ang mundo ko nung narinig ko ang sinabi niya. Napahinto ako sa paglalakad. Nagulat naman ang pinsan ko sa bigla kong paghinto, tiningnan nila lang ako nag may pagtataka. Si Macky lang at si Coleen ang may alam ng relasyon namin ni kuya Van, silang dalawa kasi ang talagang pinagkakatiwalaan ko at confident ako na kapag sa kanila ko sinabi nag isang secret, it will remain as a secret.

"P-pero, ang sabi sa akin ni kuya Van, w-wala naman daw silang relasyon ni Jenny.." sabi ko.

"Ano?? Matagal na sila. Ngayon ko lang nalaman to Vince. Si Jenny mismo ang nagsabi sa akin, kanina lang." malungkot ang boses niya.

So ibig sabihin, hindi totoong palabas lang ang lahat?..Ibig sabihin..

Hindi ko na mapigilan at pumatak ang luha ko. 

" OMG, ok ka lang kuya? bakit? anung nangyari??" ang pag-aalalang tanong ni Charry.

Hindi ako makapagsalita. 

"Vince? Vince? andyan ka pa ba?" narinig kong sabi ni Macky sa kabilang linya. Pinatay ko ang cellphone ko. 

Agad kong pinahid ang pumatak na luha ko. at tumakbo papauwi. Ayokong may makakitang umiiyak ako sa gitna ng daan. Tumatakbo lang ako at tuloy pa rin ang daloy ng aking luha. Hindi ako nakatingin sa dinadaan ko. May nabangga ako. Hindi naman kami tumumba. Nakita kong si Ram pala ang taong nabangga ko.

"S-sorry." sabi ko na lang. Nakita ko ang mukha niya na puno ng pag-aalala ng makita niyang umiiyak ako. Bigla akong tumakbo at hindi na hinayaang magtagal pa doon. 

"Av sandali!" tinatawag niya ako pero hindi ko ito pinansin.

Narating ko ang bahay namin at agad umakyat sa aking kwarto. Ini-lock ko ito agad. At doon, humagulgol na ako. 

"Bakit?! bakit niya nagawa sa akin to? anong ginawa ko sa kanya para saktan niya ako ng ganito?!" sigaw ko habang walang humpay ang pagpatak ng luha ko. "Bakit niya kailangang magsinungaling? Pinaniwala niya akong mahal niya ako..Ginawa niya lang akong tanga!! AAAAAAAAAAARGGGGGHHH!" at patuloy ang pag-iyak ko.

May kumatok sa pinto. "Anak? Anong nangyayare? Anak? Buksan mo ang pinto." ang alalang sabi ng mommy ko.

Hindi na ako sumagot. Nakaupo ako sa sahig at nakatingin sa kisame. "Lord, bakit kailangan mong gawin to sa buhay ko? Oo, inaamin kong nagsisinungaling ako ng maraming beses. Eto na ba ang parusa ko? ang masaktan ng taong pinakamamahal ko? Ng taong inakala kong mahal ako? Sana kinuha mo na lang ang buhay ko. Para hindi ko na nararamdaman ang lahat ng to." patuloy ang daloy ng luha ko.

Nakatulog siguro ako dahil sa sobrang pagod ko kakaiyak. Naalimpungatan na lang ako ng maramdaman kong may bumubuhat sa akin. Tiningnan ko kung sino iyon. Si kuya Van. Bigla akong nagpumiglas at dahil don, nalaglag ako sa sahig. Sinubukan niya akong itayo pero inilayo ko ang kamay niya.

"Ano bang problema mo?!" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot. Umupo ako sa sahig ng nakayuko.

"Bunso, ano bang nangyayare? sabihin mo naman kay kuya o. Nag-aalala na ko sa'yo, pati sila tita. kaya nung tumawag sa akin si tita, agad akong pumunta dito. Ano bang problema?" ang panunuyo niya sa akin. umupo siya sa harap ko at hinawakan ang magkabila kong balikat.

Tiningnan ko siya. Pumatak ang luha ko. "M-mahal mo ba ko?" tanong ko sa kanya.

"Oo naman, mahal na mahal." sabi niya.

Sinampal ko siya. Nagulat siya sa nangyari. "Bakit mo ko sinampal?!"

"Wag kuya..wag mo na ko mahalin..please.." sabi ko at umiiyak na naman ako.

"Ano bang pinagsasabi mo?!" sabi niya na medyo mataas ang boses.

"Alam ko na ang lahat...ang lahat sa inyo ni Jenny.."

Nanlaki ang mga mata niya at hindi makapagsalita.

"Bakit kuya? Bakit ka nagsinungaling sa akin?? Bakit kailangan mong gawin sa akin to?? Bakit hindi mo na lang sinabi sa akin ang totoo?" tanong ko.

"Av..kasi.."sabi niya.

"KASI ANO?!" sigaw ko.

"k-kasi. ayaw kong masaktan ka.."

"Ayaw mo kong masaktan?! Ano sa tingin mo ang nangyayari sa aking ngayon?!? Natutuwa sa mga nangyayari?!" sigaw ko sa kanya.

"Av..l-let me explain.." hinawakan niya ang mga kamay ko.

"Wala ka nang dapat pang ipaliwanag..malinaw na sakin ang lahat.." Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko. "Please kuya..umalis ka na.."

"Av." sabi niya.

"Umalis ka na!" sigaw ko sa kanya.

"Van, anak, please,." sabi ni mommy. Nagulat ako dahil nasa pinto lang pala sila mommy at daddy. Sa tingin ko'y narinig nila ang lahat. Tumayo si kuya Van at nakita kong pumatak ang luha niya. 

"Lagi mong tatandaan, mahal na mahal kita." sabi niya at lumabas na siya ng kwarto.

Humagulgol ako. Nilapitan ako ni mommy at niyakap niya ako. "Sige anak, ilabas mo lang lahat yan. Nandito lang ang mommy,." pumatak na rin ang luha ni mommy.

"Mommy, i'm sorry." 

"Shhh.wala kang dapat ipa-sorry. nagmahal ka lang. walang masama sa ginawa mo." sabi ni mommy.

Umiyak lang ako. "Simula ngayon, hindi ka na pwedeng makipag-kita pa jan kay Van. Hindi na rin siya pwedeng pumunta dito. Kapag nalaman kong sinaktan niya ulit ang anak ko, humanda siya sa akin." ang matigas na boses ni daddy.

"I-I'm sorry daddy. sorry po kung ganito ako..I'm really really sorry." tumayo ako at niyakap ko si daddy.

Hinaplos niya ang ulo ko. "Wag kang mag-sorry anak. hindi mo kasalanang mahalin yung gago na yun." sabi ni daddy.

"Hindi po kayu galit sa akin?" tanong ko sa kanya. Humarap ako sa kanya.

Pinunasan niya ang mga luha ko. "Eh ano pa bang magagawa ko?? Mahal kita anak. kaya kung saan ka magiging masaya, iintindihin kita. Kahit mahirap,.kasi mahal na mahal ko ang anak ko..pero anak, kung ganyan lang din ang mangyayari sayo,."

hindi ko na pinatapos si daddy sa sasabihin niya, "Wag po kayong mag-alala daddy, pangako, hinding hindi na ko magmamahal ng isang taong sasaktan lang din ako."

"Anak, hindi mo maiiwasan yon, lahat ng tao diyan, sasaktan at sasaktan ka rin nila. Kaya pag nagmahal ka, wag mong ibibigay ang lahat. don't give up everything for that person. Magtira ka para sa sarili mo. Kasi kapag dumating ang araw na iwan ka nila, anong natira sa'yo? edi wala. kaya anak,.please..wag kang gagawa ng makakasakit sa sarili mo. dahil kapag nasasaktan ka, nasasaktan din kami ng daddy mo." sabi ni mommy habang hinahaplos ang ulo ko. Niyakap nila kong dalawa. Ang sarap ng feeling na niyayakap ka ng mga magulang mo. Kasi alam mong safe ka. At alam mong nababawasan yung sakit na nararamdaman mo dahil alam mong nandiyan lang sila sa tabi mo na karamay mo..

Ngayon, kailangan ko na siya kalimutan. Pero paano? Mahal na mahal ko siya.

Mahirap yan.pero kailangan mong gawin.para sa sarili mo. siyempre kailangan mo ring mabuhay.hindi ka naman mamamatay kung wala na siya. kaya kalimutan mo na siya. he doesn't deserve a person like you.

Tama ang boses. kailangan ko na nga talaga siyang kalimutan.

(This poem is my original composition)



Kahit na ganoon ang kinalabasan ng lahat, I can say, that he's THE BEST THING I EVER HAD.

----------------------------
Next episode?????
Av....just Av.. :'(

4 comments:

kenji,  August 2, 2011 at 11:13 AM  

AAYY umiyak rin si fafa VAN!!!! X3

Coffee Prince August 2, 2011 at 6:45 PM  

T_T

naawa ako kay kua Van, umiiyak rin cya . .

huhuhuh . .


subconscious: i'm pretty sure that there's a reason behind that . .

AKO: sana nga para may next episode pa Ü [TWINK]


Thanks kua Vince . .

Anonymous,  August 3, 2011 at 5:18 AM  

when's the next episode?

Anonymous,  August 5, 2011 at 11:47 PM  

i like the poem. kawawa naman si Av. :(
Pero dapat Av let Van explain his side. Siikke!!

-SLUSHE_LOVE-

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP