MY LIFE'S PLAYLIST (chap 7)
Wednesday, July 27, 2011
Author's note: Sorry lang po kung maikli yung huling update. Medyo nablanko kasi ako kasi iniistorbo ako ng ubo ko sa paggawa. Hehehehe pero ok lang at least alam kong may bumabasa. Salamat kay bagyong Juaning at nagkaoras ako. Ahehehe tama ba naman yun matuwa sa bagyo. Well ganun talaga pag student. Ewan ko nga lang bakit ba akala ng CHED waterproof ang college studets, super late ang declaration ng walang pasok at lagi pang university ang napagpapasahan ng desisyon. Tsk tsk tsk... Ay sorry kung napalitanya ako hehehehe. Sorry lang. Pwede mag-sorry di ba. JOKES!!!
Salamat sa readers...
Ito nga pala ang si Rex.
(Back to what happened)
Ayoko na sanang imulat mata ko sa sandaling yun dahil sa pinaghalong kaba at kahihiyang nararamdaman ko. At obviously sa pagka-OA kong ‘to we accidentally kissed dahil sa pagkakadulas ko at paghawak ko sa kanya para pigilan ang pagtumba ko.
Pero teka teka bakit naman ang tagal nyang umalis sa ibabaw ko?!
Sinubukang kong imulat na ang mata ko at nakita kong nakapikit rin sya. At pagkakatapos ng onting seconds namulat na rin ang kanyang mata. Halata sa parehong mata namin na may gulat. Umikot sya hanggang bumagsak sya sa gilid at sinubukan na nyang tumayo from that point. At tumayo na rin ako. Inayos namin ang aming mga gamit at nagyaya ako na “Tara kain muna tayo”.
(ahehehe parang ang takaw nung karakter ko noh?! Ahahaha parang based on last chapter few hours palang ang nakalipas pero kain mode ulit hehehe)
----------------
(Sa Mcdo)
“Well that was awkward hehehehe..” ang natatanging nasabi ko habang kumakain kami sa Mcdo.
“Sus kalimutan na yun ...” ang sagot ni Rex.
Sa totoo lang in the back of mind I’m screaming:
“Loko! Never na never kong malilimot ang aking second kiss! Lalo na’t ang kiss na ‘to pa ay fully aware ako, walang influence ng alak, maliwanag at in public”
But then again I really should just keep it in my mind.
“Hmmm bakit nga ba ikaw nagyaya na mag-mall?”naitanong ko na lang.
“Ahhh oo ng apala di ko pa nasabi sa ‘yo may family reunion kasi kami this weekend at kailangan ko ng bagong pamporma. Syempre kailangan medyo formal pero may kakaibang angas or kung anu man basta!” halatang medyo super pinag-iisipan nya kasi parang pressured sya or something.
Dahil nakapaglunch naman ako kaya choco fudge sundae lang ang kinakain ko at sya naman ay quarter pounder burger, large fries at naka-mcfloat pa.
In my mind: “saan ba talaga sa katawan nitong mokong na ‘to napupunta ang pagkaing kinakain nya. Ako kasi kung di ako magkaroon ng automatic taba sa tyan eh nagiging pimples eh. Haist ang inggetero ko. “
Since isip ako ng isip habang kumakain at di ko na naiintindihan ang ibang sinasabi nya sa akin. Nagulat na lang ako nung napagtanto kong kumakaway sya sa akin at ako naman ay nakikaway gamit ang teaspoon ng ice cream. Nagtataka pa rin talaga ako kung anung nangyayari. Maya maya sumenyas sya ng kung anu at tumuturo sya sa akin at sa lips nya.
Wah nagpanic ang utak ko!
Anu yun nagyayaya ba sya ng kiss?
Eh di naman kami ah?
So may feelings ba sya sa ‘kin?
So bi ba sya?
So pipiliin ko bang maging kami kung bi sya at may feelings sya sa akin?
Takte bakit andaming tanong na umandar sa utak ko?
Baliw na talaga ako!!!
“Sabi ko may kumalat na ice cream sa tabi ng labi mo!” pagkakasabi ni Rex na medyo natatawa pa.
“huh?! Saan?” ang pagtatangka kong alisin ang kung anuman ang meron sa mukha ko.
He picked up a tissue on the table binasa ng konting water at ipinunas nya sa baba ko. Honestly sobrang nababagabag na ang utak ko sa mga pangyayari. Tapos super kabado pa ako kaya para akong nilagyan ng sampung battery kaya super charged ako. Tipong onti na lang mage-emit na ako ng kuryente.
“ah salamat!” ang tangi kong nasabi sa kanya.
“uy ang galing oh ampula ng cheek mo!” parang tuwang tuwa nyang sinabi.
Hohemgeee so nabublush na naman pala ako takte talaga 'tong blushing na 'to. Pwedeng bang ipa-trade ang pisngi?!
“At yung lips mo oh ang galing pantay yung kulay ng taas at baba! Bat ganun yung sa akin hindi?!” pahabol nya pa. Sa isip isip ko tuloy baka napagtitripan lang ako nitong mokong na ‘to. At hello na-insecure pa ata 'to sa lips nya eh ang cute kaya ng lips nya. Hala what am I saying.
“weh di nga?! Tapusin mo na nga lang yang kinakain mo!” pabirong sagot ko sa kanya.
"Sus nabati lang eh. Tingnan mo kaya 'tong lips ko ang dark nung taas kaysa sa baba as in malayo ang kulay" complain ni Rex.
Sa totoo lang ito yung tuwang tuwa ako sa kanya eh. Yung tipong parang ang perfect na nya kung ibabase mo lang sa mayaman, pogi, mabaet at matalino checklist pero ang dami nya pa palang parang nae-insecure sya. Ang cute talaga. Hala ayan na naman ako sa ang cute. Kirk ano ka ba talaga?!
Tinuloy na lang namin ang pag-ubos ng pagkain dahil maghu-hunting pa sya ng susuotin nya for his family reunion.
------------------
“Bagay ba sa ‘kin?” tanong nya suot ang polo-shirt na sinukat nya.
“Hmmm mas bagay yung blue polo kanina.” Suggest ko sa kanya.
“Ah ganun ba… ok” bumalik ulit sya at nagpalit ng damit.
"Eh eto? ok ba 'to" tanong nya ulit sa akin this time naka-gray na long sleeves sya.
"basta pinaka-ok na para sa akin yung blue kanina!" ang medyo napataas ko nang boses na sagot sa kanya. I guess napagod na rin binti ko kakalibot sa mall.
Honestly nakakabadtrip kasi parang lahat ng sinukat nya eh bagay sa kanya. Tipong parang bawat shirt na sinukat nya eh nakasakto ang measurements sa shoulder, waist at chest nya. Yung blue nga lang kanina eh iba talaga ang dagdag sa looks nya.
After a few moments naka-bag na ang binili nyang damit.
“Oh anu treat ko sa ‘yo?” tanong nya sa akin.
“Sus never mind it. Wala lang yun.” Sagot ko sa kanya.
“Hmmm ganito na lang, gusto mo isama kita sa reunion?” nakakagulat na tanong nya sa akin.
“Eh di ba mas matagal mo nang katropa sina Jon, Mackie, Troy, at yung iba pa nating katropa not to mention yung iba pang nagshift na katropa mo at basta marami kang friends di ba!” medyo kabado kong sagot sa kanya.
“So ayaw mo?” ang maikli nyang sagot na patanong.
“Di naman sa ayaw ko kaya lang di ba parang dapat ang sinasama mong katropa eh yung kilala na ng parents mo?”
“Eh ganito kasi yun.. Ahhh basta… Kung ayaw mo eh di wag” sagot nyang medyo bwisit.
“Sige sasama na po! Kaya lang hindi ba dapat medyo formal wear dun?”
“Eh di ba marami ka namang medyo formal na porma”
Hmmm oo nga no, marami nga naman akong formal na porma. Ewan ko ba kung bakit. Yun talaga ata trip ko eh.
“Sabagay”
“Saturday after class at dota sama ka na sa akin. Magdala ka na rin ng extra damit para pwede kang makitulog na lang. Ok?”
“Yes boss!” ang tangi kong nasagot. Haist what did I got myself into.
-------------
8:45pm on the clock ng cityhall.
Saturday.
“Brrrmmmmm”
Paglingon ko sa parking ng mall nakita ko ang isang lalaking naka red and maroon na desing na jacket at helmet sakay ng isang red and black na motorcycle. Sumenyas sya na lumapit ako.
At yun nga anu pa nga ba eh di lumapit. Parang slowmo ang galaw ng paligid. Dahan-dahang tinananggal ni kuya nakamotor ang helmet nya at bumungad sa akin ang mukhang nagpaingay na naman ng drum sa dibdib ko.
“Wah! Marunong kang magmotor!” ang parang engot kong nasabi.
“Hindi, hindi trip trip lang ‘to di talaga ako marunong! Adik ka talaga! Sakay na, eto helmet mo.” Naka-happy mood face na sagot ni Rex.
Hala naalala ko na naman si Kian. Yung pagmomotor. Yung accident nya. Yung naging feelings ko sa kanya. Yung heartaches. Wah!!!
Baliw baliw talaga ako. Erase erase erase na ang past. Past is past.
“Hello balik ka muna sa earth Kirk mamaya na lakbay sa kawalan!” pagtawag sa atensyon ko ni Rex.
“Ha!? Ah eh sorry lang po!” naisagot ko kay Rex habang tinatanggap ko ang helmet.
“Dali sakay na”
“Yes boss!”
Agad agad akong sumakay sa likod nya sa motorcycle. Helmet, Check! Nakasuot ng maayos ang bag, Check! Soundtrip, Check!
Kinuha ko ang earphone ko. Isang tenga ko lang ang nilagyan ko para aware din naman ako ingay sa paligid ko.
“Humawak ka sa ‘kin ng mahigpit. Bibilisan ko na pagpapa-andar para makarating agad tayo sa amin. Tagaytay pa yun!”
Humawak ako sa balikat nya bilang pinaka-safety ko sa pagsakay.
“Sus nahiya pa!” sinabi nya at kinuha nya ang dalawang kamay ko at iniyakap ‘to sa kanya.
“Ganyan! All set na tayo huh. Wag mong subukang luwagan yang kapit mo at baka mahulog ka dyan!” ang warning nya sa akin.
“Sir, Yes Sir!” ang pagsagot ko sa kanya na parang ginagaya ang pagsagot sa military.
“Brrrrrmmmmmmm!!!” biglang pagharurot ng motorcycle ni Rex. Napakapit lalo ako ng mahigpit sa kanya. Mas domoble ata ang kaba ko dahil sa motor. Honestly 2nd time ko palang ‘to na nakakasakay sa motorcycle. Yung una eh nung hinatid ako ni Kian na di na naulit pa.
Habang umaandar ang motor mukha akong tanga na todo yakap sa likod ni Rex habang saradong sarado ang mata.
“Hoy di ako makahinga ng maayos! Wag masyadong makayakap, pwedeng pwede mo kong yakapin kahit wala na sa motor kaya onting luwag lang po.” ang sabi ni Rex habang tinatapik nya ang kamay ko.
“Hehehehe sorry lang pre, second time ko pa lang sumakay sa motor kaya medyo alam mo na. Kabado.” ang medyo napahiyang sagot ko sa kanya.
“Huy wag naman sobrang luwag! Baka naman mahulog ka nyan! Yung sakto lang…” pagbawi ni Rex sa nauna nyang sinabi.
“Hmmm ok”
----------------
----------------
Di ko maialis sa isip kong ikumpara ang konting similarities ni Kian at Rex sa ugali.
Kung sabagay pareho silang bunso ng pamilya nila. Parehong makulit. Ang big difference nga lang siguro nila eh sa looks. Koreano ang itsura nito ni Rex while pinoy na pinoy naman ang looks ni Kian.
“Bbrrrrrrr........”
Medyo lumalamig na pala. Di ko napansin agad medyo foggy na ang paligid at marami nang puno.
Pag naglalakbay talaga ang utak mo you tend to forget your surroundings. Akalain mo yun, manila to tagaytay di ko man lang napansin. Ahahahaha!
Siguro kumportable lang ang pakiramdam dahil sa lamig ng byahe at habang nakasandal at nakayakap ako ng onti kay Rex, I feel relaxed, calm, happy and peaceful. Kahit na marami akong iniisip parang ok lang kasi ‘tong byahe palang nakakaubos na nang stress. But then again medyo nangangalay na ako. Malayo pa ba kami or malapit na. Bakit kaya di ko na lang itanong di ba. heheheheh...
“Rex, malapit na?” ang tanong ko sa kanya.
“Yup! Onti na lang. Kala ko tulog ka na kaya di na kita inistorbo. Parang masarap ang sandal mo sa likod ko eh.” Biro ni Rex.
“Wew adik! Di naman. Medyo na-relax lang din ako. Ang lameeeeegggggg na eh!” medyo giniginaw na ako ko kaya medyo nginig na rin ang pagsagot ko.
After a few left turn, right turn at daan sa kung anu anong streets eh ‘to na.
“Ayun ang bahay namin!” proud na pagturo ni Rex sa magandang bahay na kulay beige.
As expected sa rich kid na ‘to malamansyon ang bahay. Di na ako nagulat.
“Manong pakibuksan yung gate.” Sigaw ni Rex habang nakatigil ang motor sa harap ng malaking gate.
“Opo master Rex.” Sagot ng tao sa kabilang side ng gate.
Wow panalo sya huh ‘master rex’talaga?!
“Yaman mo pala pre! Master talaga tawag sa ‘yo ng helper nyo.” Ang sabi ko sa kanya na may halong pangungulit.
“Hindi naman. Nasanay lang yan si manong sa pagtawag nya sa akin nyan. At sya ang nagpumilit na tawagin ako ng ganun.” Sagot ni Rex.
Pagkakapasok sa loob, diretso sa garahe tapos baba na kami ng motor. Lakad papuntang front door kami.
Gabi na kaya sabi ni Rex sa harap na lang kami dumaan kaysa sa likod pa. At least daw mai-tour nya daw ako sa munting bahay daw nya! Sarcastic much?!
Nilalagay pa lang ni Rex ang susi ng biglang bukas ang pinto.
May isang matangkad na lalaki ang nasa loob ng bahay.
“Hmmm Rex! Sino yang kasama mo? Parang di ko pa nakikita yan huh…” pag-uusisa ng lalaki na nakabantay sa pinto.
“Uncle boyfriend ko!” sagot ni Rex.
At ako naman ay muntikan nang mawalan ng malay. Di ko alam kung lilipad ang kilay ko patas ng bubong o babagsak ang panga ko papuntang basement sa narinig ko. Potek yan na naman si heartbeat kala mo abno. Haist nakakapraning lang talaga. Waaaaaahhhhhh anu ba talaga ‘tong pinasok ko?!
0 comments:
Post a Comment