The Letters 4
Wednesday, July 13, 2011
WRITER:Dhenxo Lopez
Unbroken's Blog:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/
Dhenxo's Blog:http://angbuhaynidhenxo.blogspot.com/
Ang pagkakapareho ng mga pangalan at pangyayari ay parang conincidental lamang.
March 17, 2009
Dear mister lappy,
Bakit ganun? Anong nangyari kay Chris? Pangit ba ang gising niya kanina o sadya lang talagang galit siya sa mundo? Hay ewan! Bahala na nga siya sa buhay niya. Matanda na siya and besides bakit ko ba iniisip yung incident kanina eh lagi naman na may nangyayaring ganun. Yun nga lang this time, sa akin nangyari and si Chris ang may gawa. Haist, what a life!
Naguguluhan ka na naman ba huh lappy? Kailangan na ba kitang i-upgrade ulit? Bumabagal na pick-up mo eh. Mukhang tanga lang eh! Sige ibunton mo pa sa laptop mo tutal hindi naman yan magre-react eh loser!! Letse, umarangkada na naman ang buwisit.
* * *
Nag-alarm na pala yung phone ko hindi ko man lang narinig. Ano ba nangyayari sa akin? Okay lang ba ako? Time check, 11am. Maaga pa pala. Teka, nagrereklamo na sikmura ko. Dali akong nagtimpla nang kape. Teka, nasaan ang creamer ko? Nasaaaaaaaaaaan? Buwisit naman na araw to. Hindi ako umiinom ng kape na walang creamer.
Nakita kong nagappear ang pangalan ni Joy sa phone ko. I grabbed it and answered her call.
“Babe.” Malamig kong tugon sa kanya.
“Sorry babe. Mali lang gising ko kanina tsaka naubusan na pala ako nang creamer.”
“Babawi ako sa’yo. Okay? Sunduin kita maya.”
“Sure, bili lang ako muna nang creamer huh. Love you babe!”
“Kiss ko nasaan?”
“How sweet!”
At tuluyan ko nang pinutol yung connection.
Bumaba na ako sa tinutuluyan ko at tuluyan ng bumili sa tindahan ng creamer. Matapos makabili ay bumalik na ako sa bahay at gumawa na ng kape.
Hay naku, ang aga-aga nag-iinarte! Pwede naman na uminom na lang ng chocolate drink meron namang stock dun. Tumahimik ka nga kung ayaw mong mabulyawan. Makaligo na nga lang.
* * *
“Hi babe!”
“Hi babe! Miss you!” At yumakap sa kanya. “Kumain ka na ba?”
“Hindi pa eh. Nagmadali kasi ako kanina.”
“Tsk. Tsk. Kaw talaga o siya tara daan muna tayo sa Megamall. My treat.”
“Sure!”
Bumabawi ba ako kay Joy? Hindi naman siguro. Ang sabihin mo, nagi-guilty ka kasi unti-unti ka nang nagkakagusto diyan sa Chris na yan. Ewan.
Matapos kaming kumain ay lumibot muna kami sa mall dahil 12:00pm pa lang naman. Pasok sa isang stall, sa kabila, sa isa pa hanggang sa halos maubos na ang oras. Time check, 1:00pm.
“Ah babe, tara na. 1pm na rin kasi baka mahuli pa tayo.”
“Oo nga. Di bale mabibili rin kita!” Sabay turo sa isang damit.
Natawa naman ako sa tinuran niya.
Lumabas na kami ng mall at naglakad papunta sa building ng pinagtatrabahuan ko. Nakakatuwang isipin na heto kami, nasa intersection nag-hihintay na magpalit ng kulay yung traffic light para makalakad na kami at ini-enjoy ang bawat sandali na magkasama kami ni Joy.
“Babe, sorry hindi kita maihahatid sa office niyo. Bawi ako sa susunod okay? Nagtext kasi TL namin eh bawal raw ma-late. Pasensya na.” Nasa may Rufo’s na kami sa baba ng building.
“Ano ka ba, siyempre okay lang yun. Ayoko naman na maging reason na mapaalis ka sa work mo. Kabago mo pa kaya. Saka na pag tumagal ka na dyan.” At tumawa siya.
“Kaya kita mahal na mahal eh.”
“Love you more babe!”
Ginawaran ko siya nang masuyong halik sa labi. Di nagtagal ay pinara ko sya ng taxi para siya naman ay makarating na sa work niya. Pagtalikod ko ay nakita ko naman si Chris na nag-aabang sa pagbaba nang elevator.
“Hi Chris!” sabi kong nakangiti sa kanya nang malapitan ko siya.
Tahimik lang siyang tumingin sa akin. Ni wala man lang hi or kung ano man pero agad itong nagbawi nang tingin. Feeling ko nabastos ako. Nakakagago lang.
“Chris! Bakit mo ko inirapan?” sabi ko ulit.
Hindi pa rin ito sumagot. Para bang hangin lang ako na di nakikita.
*Ting!*
Bumukas na ang elevator. Being a true gentleman, pinauna ko siyang pumasok and with a snap sumara ang pintuan ng elevator. Napanganga ako sa nangyari. Hindi ko naihanda ang sarili sa ganito.
Badtrip na badtrip akong nagpipipindot ng down button pero mukhang matatagalan pa kaya naman hangos akong pumunta sa emergency exit ng building at nagpasyang maglakad na lamang. Ay hindi, tumakbo pala.
‘You’ll pay for this Chris!’ Asik ng kalooban ko.
Of all people ba naman na maaaring gumawa sa akin nun, siya pa. Letseng buhay talaga to! Nang marating ko ang 20th floor, grabeng hingal at pawis ang inabot ko. Naghihimagsik pa rin ang kalooban ko sa ginawa niya. Gusto ko na siyang komprontahin at sapakin pero hindi. . .
Hindi ito maaari. Nagha-hyperventilate ako.
* * *
“Are you alright?” Tanong ng isang matandang babaeng nakaputi.
“Nasaan ako?”
“Andito ka sa clinic ngayon.”
“Huh?” At kusang nag-rewind yung memory ko para maalala ang mga nangyari. Oo. Nag-hyperventilate nga pala ako dahil nagmamadali akong makarating sa floor namin.
Nanlisik agad ang mga mata ko ng maalala ang dahilan ng pagmamadali ko na iyon. Bumangon ako agad at kinuha yun bag ko.
“Thank you ma’am sa pag-aalaga sa akin.” At tuluyan ng naglakad palabas ng clinic.
Nakakuyom ang palad ko. Dala-dala ko ito hanggang sa floor namin. Nang maka-time in ay agad akong tinawag ni TL. Konting tanong at explain lang eh settled na ako. May isa na lang ang hindi pa. Kay Chris!
Nakita ko siyang busy na sa harap ng computer. Nakita kong wala pa pala yung katabi ko. May naisip akong idea. Bumalik ako kay TL at nakiusap na sana ay ilipat ako ng cubicle since absent naman iyong teammate ko na katabi ko. Mahabang diskusyon at napapayag ko naman siya.
Dumiretso na ako sa station “ko”. Ibinagsak ko sa lamesa ko ang bag at ipinaramdam presensya ko sa kanya. Napatigil siya saglit sa ginagawa niya. Tuluyan na akong umupo at nag-lecture.
Sa buong oras ng shift naming dalawa ay ramdam ang tension at ang pagiging heartless monster ko sa kanya. Gumaganti lang ako kaya I’m giving him my gratitude, coldness. Bahala na kung isipin ng iba na snob ako, the hell I care.
Humanda siya sa mga susunod na araw.
So lappy see you again next time! Good night!
George >:(
0 comments:
Post a Comment