Hiling Chapter 6
Monday, July 4, 2011
Heto na po ang Chapter 6 ng Hiling... hehehe pasenxa na po kung natagalan ang pag udpate ko... mejo mahirap kasi eh... pag-pasensyahan nyu na kung may mga mali akong facts and pointers about this chapter... yan ay dahil sa hula-hula ko lang naman po yan di ko po kasi kinaya ang mag research pa.. ang lalalim kasi ng mga terms, putok ang ugat ko sa ulo.. hahahaha pero at least eh nairaos ko ang chapter na ito...
again maraming salamat sa mga nag comment na sina
Gel
Erick vladd
MJ
matyu
mars
emray08
Erick vladd
MJ
matyu
mars
emray08
Ymma
patrick
patrick
Kuya Jayson
Nikkos
anonymous (OFW frm SG)
coffee prince
wastedpup
MC
mico
mcfrancis
flashbomb
wastedpup
Jay
Zenki
ash
roan
marclestermanila
wyne
Aerbourne14
Nikkos
anonymous (OFW frm SG)
coffee prince
wastedpup
MC
mico
mcfrancis
flashbomb
wastedpup
Jay
Zenki
ash
roan
marclestermanila
wyne
Aerbourne14
weee dumadami na kayo... sana wala akong nakalimutan ha... thanks sa inyong feed back sa previous Chapters ng Hiling, kayo ang nag tutulak sa akin para ipagpatuloy ko ang pagsusulat kahit na wala akong nakukuhang kapalit or anything. your comments is everything that i need.... so maraming...maraming...maraming salamat sa inyo..
and siyempre di ko din makakalimutan ang mga silent readers ng Hiling... salamat at kahit na silent kayo eh patuloy nyu parin akong sinusoportahan...
at siya nga pala i know most of you are also naging readers ng UeL kaya let me give you may BIG THANK YOU sa pagbabasa at patuloy na pag suporta sa ninyo sa mga sinulat ko...
so here is the Chapter 6.. enjoy reading....
Blog: http://thirdsillusion.blogspot.com/
FB: http://www.facebook.com/rojer.sawada
FB: http://www.facebook.com/rojer.sawada
-3rd/Roj-
___________________________________________________________________________
Hiling Chapter 6: The Lost Son
Aelvin Cruz
Nang nalaman ko mula kay Tyrone ang nangyari kay Felix ay agad kong tinungo ang opisina ni Prof. Mendez. Buti na lang at nakita ni Tyrone si Felix na nakahandusay sa may kalsada, walang malay, duguan kasama ng isa pang istudyate na mistulang pinipigilan ang pag-dugrugo ng kanyang mga sugat. Di niya kilala kung sino ang studyanteng iyon pero base sa suot niya ay taga Archi. department ito.
Habang papunta ako sa opisina ni Prof. Mendez ay tinawagan ko rin si Anton, mejo nag hihinala na kasi ako na si Felix ang anak ni Anton kay Serina. Di naman kasi ginusto kahit kanino sa kanila ang magka-anak kaya nag desisyon si Serina na iiwan ang bata sa isang ampunan na malapit daw sa kanilang probinsya. Simula nang nalaman iyon ni Anton ay iyon agad ang kanyang unang ginawa ni din a nga niya nabibigyan pa ng pansin ang sarili niyang buhay noon dahil sa pag hahanap sa bata hanggang sa nawalan na siya ng pag-asa na mahahanap pa niya ito. Ang tanging katibayan lang niya ay ang kapirasong papel na iniwan ni serina sa kanya na nagsasabi ng “patawarin mo ako anton kung di ko agad sayo sinabi ang tingkol sa bata, alam ko kasing ayaw mo rin sa bata pero di ko kasi talaga kayang kumitil ng buhay ng isang batang walang kinalaman sa ating naging kasalanan. Iniwan ko ang bata sa isang ampunan na malapit dito sa amin. Muli akong humihingi ng tawad sa nagawa ko... Serina De Guzman” 3 araw mula nang matanggap naming ang sulat na iyon ni serina ay agad naming sinuyod ang lahat ng ampunan na malapit sa kanilang probinsya, pero bigo kami dahil sa wala kaming kahit na anu mang bagay na pwede naming masabi para sa pagkakakilan-lan ng bata. Umabot ng 5 taon ang paghahanap namin sa bata pero lagi kaming nabibigo. Nawalan na lang ng pag-asa ang si Anton at ako na lang ang nagpapatuloy sa paghahanap sa bata hanggang ngayon. Kung tama ang pagkaka-alam ko ay kasing edad na siya ngayon ni Felix.
Nang nakilala ko si Felix ay para akong nabuhayan ng loob tungkol sa paghahanap sa nawawalang anak ni Anton, kasi sa tuwing tinititigan ko sa mata si Felix ay parang si Anton din ang kaharap ko dahil sa Metal Grey niyang mata. Palihim kong inimbistigahan ang lahat ng bagay tungkol ay Felix at una kong tinanong doon ay si Prof. Mendez, ang alam ko ay para na rin kasing anak ang turing niya dito tulad ng pag trato niya sa aming magbabarkada noon.
Hanggang ngayon ay di ko pa tapos ang aking pag iimbistega sa katauhan ni Felix pero unti-unti ko nang nabubuo ang puzzle. Ang tanging kailangan ko na lang ngayon ay ang katibayan na magpapatunay na si Anton nga ang ama ni Aelvin.
Noong una ay pina-alam ko pa kay Anton ang tungkol sa bagay na ito pero sa halip na matuwa siya ay nagalit pa siya sa akin at pinagsabihan pa akong itigil ko na daw ang paghahanap sa isang tao na kalian man ay di na naming mahahanap pa.
oO0-Memory Flashback-0Oo
“beh... may sasabihin ako sayo..” ang panimula kong sabi sa kanya, sabay yakap sa kanyang leeg mula sa likod.
“hmm.. anu yun... bat parang may gusto kananamang gawing kakaiba ha?” ang naging sagot niya habang patuloy parin sa pagbabasa ng dyaryo .
“beh... ang tunkol kasi ito sa anak mo.... may bagong clue akong nakuha kung saan siya mahahanap at kung anu ang posbileng pangalan niya...” ang diretcho kong sabi sa kanya, di parin ako kumalas sa pagkakayakap sa kanya dahil sa alam kong wala siyang magagawa pag nasa ganito kaming ayos. Di siya basta-basta magkakapag react.
“ohh.. ayan nanaman... diba ang sabi ko sayo tigilan mo na ang paghahanap sa taong ayaw magpahanap... beh... kung merong dapat gumawa niyan eh ako yun dahil ako ang ama, pero beh naman... 20 taon na simula nang iniwan siya sa ampunan, sa tingin mo ba eh nasa-ampunan pa yun... kaya please beh.. huwag mo nang pahirapan pa ang sarili mo... please.. itigil mo nay an.... ako na nakiki-usap sayo.... masasaktan lang kasi ako pag nalaman kong napapabayaan mo na sarili mo dahil diyan... kaya please... Itigil mo na yan” ang sunod-sunod niyang sabi at paki-usap sa akin, alam ko kahit na halos magpakumbaba na ang kanyang mga boses ay ma bahid parin ito ng pagkainis dahil sa ilang beses na naming itong pinagtalunan.
“pero beh.. panu kung sabihin ko sayong nakita ko na ang anak mo, at konti na lang beh... so please... pagbigyan mo na ako beh...” ang pagmamakaawa ko sa kanya
“oh sige pero last na ito ha.. at huwag kang magpapakita sa akin na bagsak ang mukha mo dahil maling tao nanaman ang nahanap mo...” ang bulyaw niya sa akin sabay alis ng mga kamay kong nakayakap sa kanya at naglakad palabas ng bahay.
Hawak ko ngayon ang sulat noon si serina na iniwan niya kay Anton at ang sulat na iniwan kasama sa lampin ni Felix at ay initials itong “S. De Guzman at A. Lim” kaya daw nagpasya ang mga madreng pangalanan ng Felix Lim ang bata dahil sa sulat na iyon...
oO0-Memory Flashback-0Oo
pagkasagot niya ng kanyang telepono ay agad akong nagsabi ng “beh... may pupuntahan lang muna ako, kasama ko si Prof. Mendez baka magpasundo na lang ako sayo.. ill text you later kung asan ako ha... bye i love you...” sabay pindot ng end call, alam ko kasing magtatanong at magtatanong agad siya kaya mas maigi na lang na kumpirmahin ko muna iyon bago ko siya papuntahin.
Marahil ay ito na ang pinagakamagadang pagkakataon para makumpirma ko ang tunay na katauhan ni Felix ang kailangan ko na lang gawin ay makakuha ng DNA sample ni Felix at ni Anton para mas tumibay ang aking pruweba na siya nga ang nawawalang anak ni Anton.
Sa agad na pag pasok ko sa opisina ni Prof. Mendez ay agad kong nakita si DJ sa loob kasama ang dalawa pang studyante, di ko na muna sila pinansin dahil nga alam ko seyoso ang situwasyon ngayon at mahalaga ang bawat segundong lumilipas.
“Sir!!! Si felix po may nag tanka sakanyang buhay at nasa ospital daw siya ngayon sabi ni Tyrone” ang gad kong bungad sa kanya.
“Ha?! Naku iho wag kang mag bibiro ng ganyan at masama yan” ang sagot niya sa akin.
“Sir.. tama po si Prof. Cruz, kaya nga rin po kami nandito ay dahil doon.. di lang po naming alam kung papanu sasabihin sa inyo..” ang sagot naman ni DJ
“aba.. eh.. tara na!! Saan ospital daw siya dinala? Naku sana ok lang ang batang iyon...” ang tanong niya sa akin..
“di ko pa po alam pero bakit pa po tayo maghihintay sir.. every second is important kaya kahit suryurin po natin lahat ng ospital pwede po nating gawin...” ang sagot ko naman sa kanya
Agad kaming umalis para pumunta sa pinakamalapit na ospital ay doon ko lang namalayan na ang inaanak kong si EJ at ang kapatid niyang si JJ pala ang mga kasama ni DJ. Doon na rin nakatanggap ng isang text si JJ galing daw sa kanyang pinsan kung saan ang ospital na pinagdalhan nila kay Felix.
Tinanong ko na lang sila kung sino ang pinsan nilag iyon na sinasabing unang nakakita kay Felix.
“EJ.. pwede ko bang malaman kung sino ang pinsan ninyong iyon na sinasabing unang nakaita kay Felix?” ang tanong ko
“ninong si KM po ang taong iyon, ang anak po nila uncle Jom at uncle Jam” ang sagot niya sa tanong ko
“kalian ba sila dumating??” ang muli kong tanong sa kanya
“kahapon lang po...” ang muling sagot sa akin ng aking inaanak, samantalang ang kanyang kapatid na si JJ ay nananatiling tahimik sa loob ng sasakyan habang nag dadrive si Prof. Mendez patungo sa nasabing ospital.
Pagkadating naming sa ospital ay agad naming nakita si KM na naka upo at duguan din ang suot na uniporme pati si Tyrone na tahimik na nakatayo sa isang kanto at maybahid din ng konting dugo ang kanyang suot.
Makalipas ang ilang minuteo ay lumabas na ang doktor at saka sinabing “the patient is still in critical condition.. 3 stab wounds ang kanyang tinamo at malalalim ito kaya halos tumagos ito sa kanyang internal organs. As of now eh kailangan niya ng dugo para maisalba ang kanyang buhay, we need the blood as early as possible ang problema nga lang eh masyadong rare ang kanyang blood type... and kulang na ang stock ng ganoong blood type so we still need some donor.. para mas masiguardo natin ang survival ng pasyente” ang sabi ng duktor sa amin.
Parang biglang nanlumo si Prof. Cruz dahil sa narinig niya. Agad din naman akong nag volunteer kasama sina Prof. Mendez, EJ, DJ, KM at Tyrone para makapag donate ng dugo. Agad din kaming pumunta ng laboratory para makuhanan ng sample at para matest kung sino sa amin ang pwedeng makapagdonate ng dugo, matapos kaming kunan ng sample ay agad din kaming bumalik sa waiting area para malaman naming ang result.
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na ang resulta at sa kasamaang palad ay wala ni isa sa aming ang pwedeng makapag donate ng dugo, masyado daw kasing reactive ang dugo ni Felix na pati ang dugo ni KM na O- na kung tutuusin ay universal blood type ay nagkaroon ng reaction. Kahit na ang mga laboratory analyst ay nagtaka kung bakit nagkaganoon.
Agad kaming kinausap tungkol dito pero ayaw na naming makipagsapalaran pa kaya wala ni isa sa amin ang nakapag donate ng dugo para kay Felix.
Anton Lim
30 minutes after his last text nakarecieve ulit ako ng text galing kay Aelvin.
“beh... andito po ako ngayon sa ****** Hospital, puta ka po dito ngayon... please” ang text niya sa akin.
Its 10:30 am, di pa dapat ako mag out pero nag paalam na lang ako sa aming boss at sinabi kong emergency kaya agad akong nakalabas. Natataranta ako kung anu at kung bakit siya nasa ospital kaya medyo balisa ako habang nag dadrive patungo sa nasabing ospital.
Pag dating ko doon ay nakita ko siya sa labas ng ER na tila balisa at may mabigat na dinadalang problema. Doon ko din nakita ang isa niyang studyate na si DJ, si Prof. Mendez at nabigla ako nang makita ko rin ang inaanak kong si JJ kasama ang kuya niya.
Takang taka ako kung sino ang nasa ospital doon ko rin napansin ang dalawa pang studyante na may mga bahid din ng dugo ang kanilang mga suot.
“beh... sino ba ang andito at tila lahat kayo ay nandito???” ang agad kong tanong sa kanya
“beh... naalala mo ang isang studyante na naikuwento ko sayo.. si Felix... may nagtangka kasi sa kanyang buhay at kasalukuyang nag aagaw buhay siya ngayon.. sabi ng duktor ay kailangan niya daw masalinan ng dugo para mabuhay siya.. pero ni isa amin dito ay walang pwedeng makapag donate dahil sa walang nag match sa amin.” Ang sabi niya sa akin
“beh..... im willing to help.... just tell me what can I do....” ang sabi ko sa kanya na napansin ko ang biglang pag liwanag ng kanyang mukha.
Aelvin Cruz
Agad kong sinamahan si Anton sa Laboratory para makuhanan siya ng sample. Paglaipas ng ilang minuto ay agad ding lumabas ng resulta ng laboratory test.
“Mr. Lim.. its a perfect match.. pwede po kayong makapagdonate ng dugo para sa pasyente...” ang sabi ng laboratory technician sa amin
Agad din naman kaming nabuhayan ng loob dahil sa magandang balitang iyon. Sumunod din agad si Anton sa isang nurse para makuhanan na siya ng dugo, at makalipas ang ilang minuto ay nakuhanan na rin siya ng dugo at natuloy na ang gagawing operasyon kay Felix para maisara ang mga sugat niya. Umabot ng halos buong araw ang nagyaring operasyon at makalipas ang ilang oras na paghihintay ay nakatanggap na kami ng isang magadang balita
“ligtas na ang pasyente... mabuti na lang at nakahanap kayo ng donor... may isang concern lang ako na nais kong iparating sa donor..pwede ko ba siyang makausap?” ang sabi ng doktor sa amin
“ako po yun dok... anu po ba iyon???” ang tanong ni Anton sa kanya
“mr. Lim... ayaw ko pong maki-alam sa personal mong buhay.. pero maari kop o bang malaman kung kaano-ano mo ang pasyente?” ang tanong niya kay anton
Mukhang eto na nga ang pinakhihintay kong pagkakataon at parang lahat ay naayon sa aking hula.
“anu po ba ang ibig ninyong sabihin dok?” ang muli niyang tanong sa doktor
“Mr. Lim.. aside from having the same surname... eh nagtataka lang kami kung bakit 99% match kayo...” ang sabi ng doctor
“diba ho dok ang sabi ninyo ay kailangan ng blood donor... anu po abg ibig ninyong sabihin na 99% match?” ang sagot niya dito sabay tanong ulit sa doktor
“it’s not just the compatibility ng dugo ang ibig kong sabihin mr. Lim what am I saying is.. your DNA is 99.9% match sa DNA ng pasyente ang sabi ng laboratory analyst.. kaya nag tataka kami kung in any case eh kamag-anak ninyo ang pasyente.. Kasi po dalawa lang yan it is either kapatid mo siya kaya kayo nag match or anak mo ang pasyente.” Ang dieretsahang sabi ng doktor sa amin...
Lahat kami ay nabigla sa sinabing iyon, pero di na ako masyadong nabigla dahil nga halos inaasahan ko na rin iyon. Di na muli pang nakapag-salita pa si Anton sa sinabi ng doktor kaya nag pasya na lang ang doktor na bigyan kami ng oras para ma-absorb ang rebelasyong iyon.
Di ko na matiis kaya ako na mismo ang bumasag ng katahimikan “beh... remember the time na binalita ko sa iyo na may bago akong lead tungkol sa nawawala mong anak??” ang pangbasag ko ng katahimikan, pero di parin siya sumagot maging si Prof. Mendez ay tulala parin di makapaniwalang si Anton ang ama ni felix, alam kais niyang matagal na rin kaming naghahanap at gayun din si Felix na matagal na rin daw nag hahanap sa kanayang mga magulang.
Di parin umiimik si Anton kaya nag pasya na lang kaming umuwi na lang muna para mahimas masan, gustung gusto ko na talagang sabihin sa kanya ang lahat pero di ko alam kung anu magiging reaction niya pag nalaman niyang halos alam ko na ang lahat. Simula sa pagkakasabi ko sa kanya kanina sa ospital ay di ko pa talaga sinasabi ang lahat sa kanya.
Anton Lim
Nabigla ako sa naging balita sa akin ng doktor kanina, pumunta ako ng ospital para sunduin ang taong mahal ko, pero ang kinalabasan ay nakapag-donate ako ng dugo sa taong di ko kilala. Akala ko hanggang dun lang ang mangyayari iyon pala ay uuwi akong di ko alam ang gagawin lalo na anak ko pala ang taong napagbiyan ko ng dugo ko.
Alam ko sa loob ko masaya ako dahil sa wakas, after 20 years of searching nahanap ko rin ang anak k okay Serina pero di ko alam kung anu ang magiging reaction ko lalo na matagal na palang alam ni Aelvin ang tunkol dito.
Oo aminado ako nawalan na ako ng lakas ng loob noon na mahahanap ko pa ang anak ko, pero kahit minsan ay di siya nawala sa isip ko. Alam kong nararamdaman iyon ni Aelvin kaya di siya tumigil sa paghahanap.
Wala kaming imikan ni Aelvin habang nasaloob kami ng sasakyan. Siya na ang nagdrive, mejo naghihina din naman kasi ako dahil sa nawalang dugo sa akin. Tahimik kaming nakarating ng bahay at sa loob g kwarto ay di ko na kinaya pa ang kanyang pananahimik kaya ako na ang nagsimulang mag tanong sa kanya.
“beh... kalian mo pa ito alam?” ang tanong ko sa kanya
“3 weeks beh... noong nakilala ko si felix ay naghinala na ako, kaya sinabi ko ito sayo pero gusto mong itigil ko ito. Ayaw kong tumugil beh dahil sa malakas ang kutob kong si Felix nga ang anak mo....” ang sagot niya sa akin.
“saan ka naman nakuha ng lead mo tungkol sa kanya?” ang muli kong tanong gusto ko lang talagang malaman ang lahat ng nalalaman niya, naiinis kasi ako sa sarili ko kung bakit sa dinami-dami ng tao eh ako pa ang sumuko sa paghahanap sa anak ko.
“nung una be sa mga mata.. parehong pareho kayo ng mata ni Felix... so i double checked his records... doon ko nalaman na lumaki siya sa isang ampunan malapit lang dito. Kaya agad ko itong pinuntahan at doon ko ito nakuha.” Sabay pakita sa akin ng isang papel na may nakasulat na “S. De Guzman and A. Lim” nakupmpirma ko rin na sulat kamay iyon ni Serina.
Agad akong lumapit sa kanya at saka sinabing “patawarin mo ako beh... sana di ako nawalan ng tiwala sayo...” sabay yakap at halik sa kanyang mga labi.
Wala nang mapagsisidlan pa ang kasiyahan ko sa gabing iyon, halos kumpleto na pagkatao ko. Nahanap ko na ang anak ko at meron pa akong isang taong handang gawin ang lahat para lang mapasaya ako.
Agad din kaming nagbihis at saka bumalik sa ospital para mabantayan si Felix, alam ko mabibigla din siya pag nalaman niya ito kaya, dapat ay ako na mismo ang makapag sabi sa kanya tunkol sa tunay niyang pagkatao.
Nag file ako ng indefinite leave sa pinagtatrabahuan ko para mas mabantayan ko si Felix at para narin makabawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sa kanya. Mahaba-haba ang pupunan ko dahil sa 20 taon na lumaking walang mga magulang si Felix. Di ko alam kung saan ako magsisimula pero desisdido ako.
Una kong ginawa ay ang pormal na pagpapa-DNA test sa amin ni Felix para mas makumpirma ko iyon. Agad din naman akong nag bigay ng sample ko at kinuhanan din si Felix ng sample tissue niya.
3 days after ay lumabas na ang resulta ng DNA test at yun, it was confirmed... ako nga ang ama ni Felix no doubt. Wala paring malay si felix, si Aelvin naman ay nahahalata ko nang nag-aalala na siya sa akin dahil umuuwi lang ako para maligo at kumuha ng mga gamit at saka agad na babalik sa ospital. Halos araw-araw din namang bumibisita sina DJ, KM, EJ, JJ, Tyrone, Prof. Mendez at si Aelvin. Di parin maalis ang pag-aalala ni Prof. Mendez lalo na itinuring na niyang anak si Felix. Doon ko napag-alaman na si Prof. Mendez pala ang gumabay kay Felix kahit na nasa ampunan pa ito. halos ampunin na niya ito noon pero ayaw sumama ni Felix dahil daw sa hinihintay niya ang mama at papa niya. Hanggang sa mag-aral ito simula Elementary hanggang sa College ay Prof. Mendez parin ang sumusustento dito.
A week after the incident eh nagkamalay na si Felix, at walang mapagsidlan ang tuwa at sayang naramdaman ko.
Sa pag mulat niya ng kanyang mga mata ay maslalo pang umapaw ng kaligayahan ko ng marinig ko ang unang salitang binigkas niya
“papa?” ang tanong niya sa akin
Felix Lim
Di ko na alam pa kung anu na ang nagyari sa akin basta ang huli kong natatandaan ay nasa kaslasada ako malapit sa guard house ng University. Pag mulat ng mata ko ay isang tao na pamilyar ang mukha ang agad kong nakita, di ko alam kung anu ang nag udyok sa akin pero maging ako ay nagulat din ng bagitin ko ang salitang “papa?” di ko alam pero parang ang gaan agad ng dugo ko sa kanya. Nabigla naman ako ng napansin kong tumulo ang kanyang luha at saka nagsalita
“anak... thank god ligtas ka.... sorry anak.... sorry kung nawalan ako ng pag-asang mahanap ka... sorry... talaga siguro kung noon ko pa pinagpatuloy ang paghahanap siguro ay di ito mangyayari...” ang sunod-sunod niyang sabi sa akin sabay yakap.
Natulala na rin ako at walang magawa maraming katanungan na tuloy ang pumasok sa ulo ko, pero ang naging reaction ng katawan ko ay ang pagsagot sa kanyang yakap. Ngayon ko lang talaga ito naramdaman, yung ganitong klaseng yakap. Yakap na puno ng pangungulila at pagmamahal sa anak.
Ang sumunod kong namalayan ay ang pagtulo ng aking mga luha, di ko rin alam kung bakit dahil gulong gulo ang isip ko. Di ko kilala ang taong nasaharap ko ngayon pero anak ang tawag niya sa akin and something about him is too familiar for me. Di ko lang talaga matukoy kung anu iyon pero alam ko sa loob ko kilala ko ang taong ito.
Makalipas ang ilang minuto ay kumalas na siya sa kanyang pagkakayakap at saka doon kami nakapag usap ng matino.
“anak.... sorry kung naging mabilis ako, pero natutuwa lang talaga ako na ligtas ka.... pero bago ang lahat alam ko nag tataka ka kung bakit kita tinawag na anak.... pero maniwala ka sa hindi ay ako ang tunay mong ama. Heto ang proweba..” ang sabi niya sa akin sabay pakita ng isang laboratory result na kung saan doon nakasaad na 99.9% match ang aming DNA test result
Dahil sa natuklasan ko ay di ko alam kung magagalit ako sa kanya dahil sa loob ng 20 taon nangulila ako sa kanila pero iniwan nila ako sa isang ampunan. Nagsumikap ako para mapatunayan ko sa kanila na kaya kong mabuhay kahit na wala sila tapos ngayon heto siya humaharap sa akin at nanghihingi ng tawad dahil doon.
Pumatak na lang ang luha ko at nag-ngingitngit ako sa galit at sa inis ko sa kanila kung bakita nila iyon sa akin ginawa. Gusto kong magwala sa mga oras na iyon pero natigilan ako dahil sa mgahapding naramdaman ko sa aking tiyan. Doon ko lang muling naalala na may nagtangka palang pumatay sa akin.
“sana namatay na lang ako, kung ikaw lang naman pala ang agad kong makikita! Napaka walang kwenta mong ama!! Bakit mo iyon nagawa!! 20 taon!! 20 taon akong naghintay sa labas ng ampunan sa pagdating mo.. halos araw araw ay naghihintay ako hanggang sa maka-alis ako ay patuloy parin akong bumabalik doon nagbabakasakaling baka hinanap mo ako!! Pero wala!!” ang bulyaw ko sa kanya sabay iyak. Ang galit, inis at pangungulilang naramdaman ko sa loob ng 20 taon ay nailabas ko na rin sa wakas. Alam ko ito na ang simula ng pagbabago sa buhay ko ngayong andito na ang papa ko.
Patuloy parin ako sa pagiyak kaya muling bumuka at dumugo ang sugat ko.
Anton Lim
Para akong isang taong pinagkaitan ng tadahana dahil sa mga narinig ko sa sarili kong anak, pero alam ko di ko siya masisi dahil sa alam ko may karapatan din naman siyang magalit sa akin. Pero ang isipin niyang di ko siya hinanap ay nagkakamali siya.
Im willing to start from the very beginning para makabawi ako sa kanya.
Umiiyak parin siya ng muli kong naaninag ang pag pula ng komot sa kanyang bandang tiyan. Nataranta ako dahil sa nagyari kaya agad akong tumawag ng duktor. Muli palang bumuka ang kanyang mga sugat, at sa ngayon alam ko kasalanan ko na iyon.
Simula sa araw na iyon ay minabuti ko na lang na si Aelvin ang humarap sa kanya, pero hindi niya dapat malaman na may relasyon kami ni Aelvin, di ko kasi alam kung ano ang magiging reaction niya kapag nalaman niyang ang kanyang ama ay isang taong nakipagrelasyon sa kapwa lalaki.
Halos 2 linggo pa ang inilagi ni Felix sa ospital, after that eh nabigyan na siya ng clearance ng doktor para makalabas, di pa talaga magaling ang kanyang sugat kaya kailangan parin siyang bantayan ng maigi. Ang tanging bilin ng doktor sa kanya ay bawal ang mag stress at maputayat para mabigyan ang kanyang katawan ng pahanhon na hilumin ang mga sugat na iyon.
Sa bahay na naming si Felix umuwi at ipinalabas ko na lang na house mate ko si Aelvin, alam ko masakit iyon para sa kanya at masakit din naman iyon para sa akin, pero kailangan ko lang iyon gawin, konting tiis lang para sa ikabubuti na din ng aking anak.
Naging maayos naman ang pakikisama ni Aelvin kay Felix lalo na dahil sa studyate niya ito pero napansin ko ang panlulumo ni Felix dahil sa hindi siya nakasama sa inaasam niyang Scholastics Decathlon. Si DJ at si EJ ang naging school representative sa taong iyon samantalang siya ay nasa audience lang at nanunuod. Alam ko nakararamdam siya ng selos sa oras na iyon, selos dahil sa dapat siya ang nasa taas ng entablado at nagrepresent sa kanyang University pero hindi.
Sa kalagitnaan ng Competition ay nakita ko ang ngiti ni DJ nang makita niya si Felix, kakaibang ngiti iyon. Iyon ang tipo ng ngiti na nakita ko palang sa mga labi ni Aelvin para sa akin at sa labi ni Jom para kay Jam. Doon na ako nagsimulang magduda sa nararamdaman ni DJ para sa anak ko.
Itutuloy....
P.S.
Serina De Guzman-Merioles (ang present full name ng mother ni Felix)
5 comments:
WOAH!! Grabe po talaga kayo kuya third :)) Sobrang ganda po talaga ng story niyo... Isa sa mga element na nagustuhan ko dito ee ung inter relationships between the chracters... mama po ba ni rina merioles un? Grabe talaga.. parang It's a small world after all.. :)) Hahahahaha ...
Keep up the good work po Mr. Author..
In-add ko na po pala kayo sa fb and thankfully, inaccept niyo naman.. :)) hehe
Gwapo niyo po.. hehehe :))
-patrick :))
ang galing naman...lalong humuhusay ka ata Third ah....hmmmm..keep it up...
NICE kua third . .
ATLAS! nakasama na rin ni Anton c Felix . .
sana maging maganda na relationship nila . . Ü
regarding naman dun sa nanay ni Felix . .
dba Merioles ang surname ni Rina?
edi ibig sbhin . . HALF-SISTER ni Felix c Rina . . YUCK! i can't take it . .
a very stubborn and evil girl is not suited to be a sister of a hardworking guy like Felix . .
WAITING FOR THE NEXT PART! THANKS! kua 3rd . .
[FLYING KISS]
thanks for the support guys....
wow.this story is so beautiful,.napakagaling nmn ng author nito..
i'll be waiting for the next parts. :)
keep up the good work. :D
Post a Comment