Daglat Presents: TEE LA OK part 3

Friday, July 22, 2011

blog: annexb.wordpress.com

facebook and ym: iam.emildelosreyes@yahoo.com

----------------------------------------------------------------------

dahil sabado na bukas, eto na ang update ng TEE LA OK!

Sa mga nag-cmment naman sa aking Pag-ibig nang Walang Muwang na sina:

---

At sa nagcomment naman sa Part2 ng TEE LA OK 1:


MARAMING SALAMAT PO SA INYO!


Daglat Series presents

Tee – La - Ok


Ikatlong Bahagi: /ee-kat-long/ - /ba-ha-gee/

Letter C

“Harold?” simula ni Gabby. “Gabby?” naguguluhan nitong ulit.

“Harold?” sabi naman ni Harold. “I’m Harold pero what the!” anas ni Harold saka tumakbo palabas.

“Oy! Saan ka pupunta?” tanong ni Gabby na nasa katawan ni Harold.

“Ahhhhhhhhhhhh!” maya-maya pa ay sigaw ni Harold pagkakaita sa repleksyon sa salamin. “Taragis!” usal pa ni Harold saka nilingon si Gabby.

“Harold! Este Gabby! O kung sino ka man!” sabi ni Harold. “Pakisapak naman ako.” utos pa nito saka kinuha ang kamay ng kaharap.

“Move out my way!” utos pa ni Gabby saka siningitan si Harold sa salamin. “Haah!” sabi ni Gabby saka hinimas-himas ang mukha.

“This is only a dream!” sabi ni Gabby saka inalog-alog si Harold na nasa katawan niya.

“Oo, panaginip lang to!” sabi ni Harold. “Tulog na ulit tayo, para magising na tayo.” magulong suhestiyon pa ng binata.

Muling bumalik sa higaan ang dalawa – biling dito, ikot duon, usad sa kabila at kung anu-ano pa.

“It’s not working!” sabi ni Gabby na nasa katawan ni Harold saka bumangon.

“Haah! Ang sama kasi ng ugali mo kaya ganito nangyari sa atin!” sabi ni Harold na nasa katawan ni Gabby.

“Be careful with your words! Remember nasa katawan ka ng isang super gwapo at super yaman na bachelor!” paalala ni Gabby kay Harold.

“Well, wala akong pakialam!” sagot ni Harold. “Ikaw ang may kasalanan nito!” sisi pa nito.

“Paano ko namang naging kasalanan?” tanong ni Gabby. “Don’t make accusations without sufficient evidences.” habol pa ng binata.

“Tigilan mo ako Gabby! Bakit naman pati ako dinamay mo!” sabi ulit ni Harold.

“Pwede ba, wag nang magsisihan! Let’s find ways kung papaano babalik sa dati.” suhestiyon pa ni Gabby.

“Tell me! Ano naman ang naiisip mo?” tanong ni Harold. “Si lolo!” biglang naisip pa ng binata.

“So, do you think na papaniwalaan tayo ng matanda?” tanong ni Gabby kay Harold.

“Malay mo, may alam si lolo!” kontra ni Harold saka tumakbo palabas.

“Please don’t run like that! Ang sagwang tingnan! Hindi bagay sa katawan ko!” sabi pa ni Gabby na hinabol si Harold.

“Lolo!” sigaw ni Harold. “Lolo!” mas malakas pa nitong hiyaw.

“Parang wala na si lolo kaya tumigil ka na sa kahihiyaw mo!” komento ni Gabby.

“So? Ano na ang balak mo?” puno ng pag-aalalang tanong ni Harold kay Gabby.

“For sure temporary lang to!” buong kumpyansang sagot ni Gabby.

“Dahil sa hindi kapani-paniwala ang nangyari, malamang isang extra-ordinaryo din ang solusyon.” sabi ni Harold.

“So what is that?” tanong ni Gabby kay Harold.

“May kilala akong albularyo, for sure matutulungan tayo nun!” sabi pa ni Harold. “Malay mo nakatuwaan tayo ng mga maligno kagabi? Or baka may isang may galit sa’yo at pinakulam ka.” dugtong pa ng binata.

“Ang laki-laki mo na naniniwala ka pa sa maligno at kulam! Hoy Harold! Nasa katawan kita kaya hindi bagay ang superstitious beliefs mo!” sabi pa ni Gabby.

“Hay!” anas ni Harold. “Ang sama-sama kasi ng ugali mo! Mamaya isa sa mga kaaway mo o kaya sa mga trabahador mo ang may kagagawan nito.” sabi pa ng binata.

“Ewan ko sa’yo Harold!” sabi ni Gabby saka tumawa ng malakas.

“Sige nga! Paano mo ipapaliwanag itong nangyari sa atin? Ano sabi ng science dito? Ano ang sabi ng technology mo dito?” tanong ni Harold. “Ano ito? Instant transformation? Quick change? Di ba ang science puro process iyan? Long term process na hindi residual overnight?” paliwanag ni Harold.

“So?” sarkastikong tanong ni Gabby. “Malay mo naman isang extra-ordinary phenomena ang nangyari sa atin? Isang scientific process na hindi pa nadidiscover?” giit ni Gabby.

“So, huwag mong sabihing iyong mga cells natin at atoms ay nagkaroon ng change of movements kaya tayo nagkaganito?” sabi ulit ni Harold. “Sa isang extra-ordinaryong phenomenang tulad nito, ay kailangang isang extra-ordinaryong solution!” giit nang hindi patatalong si Harold.

“Okay! Fine! Got your point!” sagot ng binata. “So, may kilala kang albularyo?” tanong ni Gabby.

“Slow poke ka talaga!” sabi ni Harold. “Nasa katawan kita kaya bawal ang slow poke!” sabi pa nito. “Kasasabi ko lang di ba kanina!” ulit ni Harold.

“Sorry!” sagot ni Gabby sa mataas na tono. “So, kailan tayo pupunta sa albularyo mong kilala?” tanong pa nito.

“As soon as possible!” sagot ni Harold. “Ayoko kayang ma-trap sa katawan mo habang-buhay!” sarkastikong habol pa ng binata.

“Aba!” pikong tugon ni Gabby. “Do you think na gusto ko ding ma-trap sa katawan mo? Be thankful at ang gwapo ng nalipatan mo.” pagyayabang pa nito. “Kesa naman sa akin? Gusgusin!” sabi pa nito.

“Yabang!” mahinang usal ni Harold.

“Maliligo na ako!” sabi ni Gabby.

“Wait!” naalarmang awat ni Harold.

“Bakit?!” asar na tanong ni Gabby.

“Huwag kang maliligo.” alangang utos ni Harold.

Nakuha naman ni Gabby ang nais sabihin ni Harold kaya –“Don’t tell me magtitiis ako ng baho habang nasa katawan mo ako!” sabi pa ng binata. “Ito ba ang dahilan?” tanong pa ni Gabby saka sapo sa ari ni Harold. “To think the fact na mas malaki pa ang sa akin kaysa dito, tapos para ito lang ayaw mong makita ko pa!” sarkastikong sabi pa ni Gabby saka silip sa ari ni Harold.

“Huwag sabi!” biglang awat ni Harold kay Gabby.

“Wala na nakita ko na!” sabi ni Gabby. “So, ano pwede na ba akong maligo?” tanong pa ng binata saka pumunta sa banyo at ni-lock ang pinto.

“Hoy!” sigaw ni Harold saka katok sa banyo. “Huwag mong aabusuhin iyang katawan ko!” utos pa nito.

“Walang halong pantasya ang pagkakagusto ko sa’yo kaya huwag kang mag-alala!” sagot ni Gabby kay Harold sabay bukas sa pinto at hatak kay Harold sa loob.

“Anung gagawin ko dito?” kinakabahang tanong ni Harold.

“Nasa katawan kita kaya please! Maligo ka! Huwag kang bibyaheng hindi pa nakakaligo!” sabi ni Gabby saka binuhusan ng tubig si Harold.

Matapos makaligo –

“Anung ginagawa mo?” tanong ni Gabby kay Harold.

“Gagawan ko muna ng sulat si lolo! Pasasalamat lang ako kasi tinulungan niya tayo kagabi!” sagot ni Harold.

“Bilisan mo na lang at puntahan na natin iyong sinasabi mong albularyo.” aya ni Gabby kay Harold.

Pagkaalis ng dalawa –

“Lolo! Salamat po sa tulong ninyo kagabi. Mag-iingat po sana kayo lagi. Harold and Gabby.” sabi sa sulat ni Harold sa matanda na agad nitong binasa pagkaalis ng dalawa.

“Pagpasensyahan na sana ninyo ako mga apo! Kailangan kong gawin ito para matutunan ni Gabby ang mabuhay ng simple at ng hindi na niya magawa pa ang nagawa ng lolo niya.” mahinang usal ng matanda. “Pagpasensyahan mo na ako Rold! Ikaw lang ang nakikita kong sagot para kay Gabby.” sabi pa ng matanda.

Ilang oras din bumiyahe ang dalawa –

“Bakit ang tahimik mo?” puna ni Gabby kay Harold.

“Tsk!” tanging sambit ni Harold.

“Pinag-iisipan mo na ba kung ano ang una mong gagawin sa katawan ko?” nakangising tanong ni Gabby kay Harold. “Sige! Iyong-iyo na muna iyan, gawin mong lahat ng gusto mo.” sabi pa nito.

“Pwede ba Gabby! Wala akong oras para sa kalokohan mo!” sagot ni Harold. “Hay! Sa dami-dami naman ng katawan, bakit sa topak pa na’to.” angal ni Harold.

“Huwag ka ngang magreklamo! Kung tutuusin mas may karapatan akong magreklamo.” sabi ni Gabby.

“Hay!” napabuntong-hininga si Harold. “Bakit ba kasi ayaw mo akong tantanan! Ilang araw mo na ba kasi akong ginugulo!” sabi pa nito.

“Huwag ako ang sisihin mo! Dapat ang sarili mo!” sabi ni Gabby. “Kung nakinig ka lang sa sinasabi ko sa’yong huwag kang maglaro sa utak ko sana hindi kita kinukulit!” sagot ni Gabby.

“Huh?!” nagtatakang tanong ni Harold. “May topak kang talaga!”

“Ang kulit mo kasi!” sabi pa ni Gabby. “Ilang beses kasi kitang pinigilan na maglaro sa utak ko pero ayaw mong tumigil.” reklamo pa ulit ni Gabby na animo’y alam na alam ni Harold ang pinagsasabi niya.

Ilang oras din ang byahe hanggang sa makarating na sila sa pupuntahan. Pagkadating nila ng Banahaw ay siya naman nilang akyat sa bundok para mapuntahan ang bahay ng kakilala ni Harold.

Si Gabby na nasa katawan ni Harold ay lawit na ang dila dahil sa mahabang paglalakad na iyon.

“Tao po! Tita Inday!” tawag ni Harold habang kinakatok ang bahay sa taas ng bundok.

“Sa wakas!” sabi ng nagrereklamong si Gabby.

“Ayan kasi! Hindi ka kasi sanay sa akyatan! Lagi na lang kasi ang bulsa mo ang healthy!” komento ni Harold kay Gabby.

“Sinong kailangan nila!” tanong ng babaeng nagbukas sa pintuan.

“Tita Inday!” bati ni Harold na nasa katawan ni Gabby. “Nandiyan po ba si Tito Ronnie?” tanong ni Harold sa babae.

“Sino ka hijo? Bakit mo ako kilala?” tanong ulit ng babae.

Hindi alam ni Harold kung sasabihin ba niya sa babae o kung hahayaan na lang niyang ang Tito Ronnie na lang ang makaalam. “Sinabi po kasi sa akin ni Harold.” sagot ni Harold saka tulak kay Gabby na nasa katawan ni Harold.

“Hello po!” pagod na pagod na sagot ni Gabby.

“Ikaw pala iyan Harold!” nabiglang sabi ng babae. “Wala ka man lang pasabing dadalaw ka.” nakangiting sabi pa nito. “Wala ang tito Ronnie mo! Umakyat pa sa taas ng bundok, sa susunod na lingo pa ang balik.” sabi pa ng babae.

“Ganuon po ba? Sige po alis na po kami!” si Harold na nasa katawan ni Gabby na ang sumagot.

“Bakit aalis na agad kayo?” tanong ng babae.

“Kasi po may lalakarin pa si Harold!” sagot ni Harold saka hinatak si Gabby.

“Ingat kayo!” sabi pa nito kahit nagtataka sa kinikilos ng dalawa.

Sa kotse habang pauwi na sila ng Maynila –

“Bakit ba naman umalis tayo kaagad?” tanong ni Gabby kay Harold.

“Baka kasi kung anung kalokohan ang gawin mo dun!” sagot ni Harold. “Hindi pwedeng malaman ni Tita Inday na nagkapalit tayo!” habol pa nito.

“Bakit naman hindi niya pwede malaman? Di ba kilala naman niya iyong Tito Ronnie na sinasabi mo?” tanong ni Gabby.

“Oo nga! Pero pag nalaman ni Tita Inday, baka magpumilit siyang siya ang gumamot sa atin eh lalo lang tayong mapasama.” sagot ni Harold.

“Hayst!” inis na reaksyon ni Gabby.

“Ano ng balak mo?” tanong ni Harold kay Gabby.

“We have no choice but to switch lives!” sabi ni Gabby. “Dun ka matutulog sa bahay ko and ako sa dorm mo!” dugtong pa ni Gabby. “You will go in my office everyday, attend meetings and pretend that was me. Ako, will do your responsinbilities, school, dorm, school!” sabi pa ulit ng binata.

“Huh?!” tanong ni Harold. “Kulang pa! Pag-aaral, pagkilos, pakikibaka at pagsamba!” paglilinaw ni Harold.

“Hay!” tutol ni Gabby. “School, dorm, night out! Iyan lang ang dapat mong atupagin!” pamimilit ni Gabby.

“Okay! Sige! Ako papasok lang ako sa office mo pero hindi ako aatend ng meetings and other commitments mo.” sagot ni Harold.

“Hayst!” reklamo ni Gabby. “Sige! Gagawin ko na iyong sinabi mo!” walang magawang pagpayag ni Gabby.

Napangiti lang si Harold sa sagot na nakuha mula kay Gabby.

“Sa phone lang tayo pwedeng makipag-usap sa mga kaibigan at kakilala natin. Hanggang text lang, bawal ang tawag.” paglilinaw ni gabby.

“Okay!” maikling tugon ni Harold.

Inihatid na ni Gabby si Harold sa bahay niya at iniwan duon makalipas lang ang ilang sandali –

“Iyong usapan!” sabi ni Gabby saka sumakay sa isa pa niyang kotse.

“Opo!” sagot ni Harold. “Anung gagawin mo d’yan?” tanong pa nito.

“Dadalin ko!” sagot ni Gabby.

“Paano mo naman naisip na pwede mong dalin yan?” tanong ni Harold. “Nakita mo naman di ba iyong dorm ko! Saan mo isisiksik iyan?” tanong pa nito. “Hindi nagkokotse at walang pambili ng kotse si Harold!” paglilinaw pa ng binata.

“Hayst!” reklamo ni Gabby at labag sa loob na ginarahe ulit ang kotse niya. “Dito na lang ako matutulog!” sabi pa ng binata.

“Hindi pwede! May dadalaw sa’yo mamayang mga kasama! Kaya dapat nasa dorm ka!” sabi ni Harold.

“Sabihin mo bukas na lang sila pumunta!” reklamo ni Gabby.

“Hindi pwede! Tandaan mo ikaw na si Harold ngayon!” giit pa ni Harold.

“Sige na!” anas na sabi ni Gabby saka lumakad palabas ng subdivision.

Si Harold sa katawan at bahay ni Gabby –

“Wow!” manghang-manghang reaksyon ni Harold sa nakikita. “Ang laki!” naibulalas pa nito sa paghanga habang nililibot ang buong bahay.

Lalo siyang napahanga sa napakalaking library ng binata na punung-puno ng libro.

“Oh! Reader din pala siya ni Marx, may Heidegger pa! Oy, at may Sartre pa! Pati si Schopenhauer! May Lenin pa!” sabi ni Harold na labis na humahanga sa nakikita. “Ayn Rand to ah!” sabi niya ulit saka hawak sa isang librong nakapatong sa table. “Binabasa din pala niya si Mao! Derrida naman to! Habermas, philosopher ko ta ah!” sabi pa ng binata. “Pati si Bourdieu at Voltaire!” labis na paghanga ni Harold. “Reader din pala ang mokong ng Nietszche, Levinas at Husserl.”

“Halos pareho lang naman kami ng binabasa ah!” sabi ni Harold sa sarili. “Pero ibang-iba siya sa akin!” dugtong pa ng isip niya. “Malamang, may iba siyang interpretasyon at iba din ang pananaw niya sa mundo. Iba ang dinidigest niya at iba ang pinapaniwalaan niya base sa environment niya. Iba ang pag-unawa niya sa mundo dahil magkaiba kami ng kapalaran.” nasa isip pa ng binata. “Parang ako lang din siguro si Gabby. I find Ayn Rand na interesting but I hate his capitalist bias, tapos iyong hell is other people ni Sartre, iyong God is dead ni Nietzsche na hanggang ngayon hindi ko maintindihan, pati na din iyong pessimist view ni Schopenhauer na this is the worst possible world.”

“Puro business books na ang ibang laman ng library niya ah.” sabi pa ni Harold.

May isang pwesto sa library ang nakatawag ng pansin kay Harold, agad niya itong nilapitan.

“Fairytales?” nagtatakang tanong ni Harold na may kung anung nagpangit sa kanya. “Si Cinderella!” sabi pa niya pagkakuha sa isang librong nakalabas.

“Cinderella, may Cinderella kaya in real life? Parang impossibleng magkaroon ng Cinderella in real-life! Rich people socializes with rich people, kaya paano nila makikilala ang isang mahirap? Wala namang ability ang mga mahihirap na pumunta sa hang-out ng mga mayayaman and wala namang time ang mayayamang tumambay sa kuta ng mga dukha!” sabi ni Harold sa sarili. “Cinderella is extremely a fantasy! Impossible!” lahad pa din niya sa sarili saka muling inilapag ang libro.

Pagkalibot sa bahay ni Gabby ay naligo si Harold at saka humiga sa malambot na kama ni Gabby. “Hay! Makakatulog kaya si Gabby sa higaan ko?” tanong ni Harold sa sarili. “Sanay kaya siyang mahiga sa higaan ng mga dukha?” tanong pa ni Harold.

Bumalik na si Harold sa silid ni Gabby, nahiga at ipinikit ni Harold ang mga mata at pinilit namakatulog. Inaalala niya ang kalagayan ni Gabby kung makaktulog ba ng maayos ang binata kasama ang simple niyang buhay na malayo sa nakasanayan nito.

Samantalang si Gabby –

“Shit!” simulang nasabi ni Gabby pagka-akyat sa dorm ni Harold. “Dorm na ba talaga to?” tanong pa ng binata habang maingat na umaakyat sa makipot na hagdan.

Dahan-dahan niyang inilapag ang gamit sa higaan at saka tila nandidiring umupo sa gilid nito.

“Ito ba ang dorm na sinasabi?” tanong ni Gabby saka pinisil-pisil ang kutson. “Shit! Ang tigas! Parang tabla ang hihigan ko!” reklamo pa ng binata. “Ang liit, baka kaya mahulog ako nito mamaya.”

“Awts!” sabi ni Gabby dahil sa biglang kirot ng mga pasa at sugat ni Harold sa katawan.

“Bwisit na Harold iyon! Nagpabugbog pa kasi!” sabi ni Gabby na damang-dama ang sakit ng katawan.

“Makaligo nga muna!” sabi pa ng binata saka pumasok sa maliit na kasilyas kung saan nakasabit pa ang mga pinaggamitang brief ni Harold. “Walang shower? Ang daming banderitas! Ano to? Paano ako maliligo?” tanong ni Gabby saka kinuha ang cellphone at tinext si Harold –

“Hoy! Paano ako maliligo nito? Walang shower.” tanong ni Gabby sa text.

“Gumamit ka ng tabo!” reply ni Harold kay Gabby.

“Tabo?” agad na hinanap ni Gabby ang tabo at nagbuhos. Nanginig sa lamig si Gabby.

“Wala bang hot bath?” reklamo ulit ni Gabby. “Bwisit namang buhay to! Bakit ba kasi nagtitiis si Harold sa ganitong buhay!”

Matapos makaligo at magbihis, dumungaw sa bintana si Gabby at saka tumingin sa langit.

“Harold! My brightest star from above!

Your life is so plain and complicated

That is so disastrous for elite like me

Don’t know to handle you life so strained.” sabi ni Gabby sa isip.

“Harold! Nasa katawan mo na nga ako pero ikaw pa din ang naglalaro sa utak ko!” sabi ni Gabby sa sarili. “Nang-iinis ka ba talaga? Bakit ba lagi mo akong ginugulo!” wika pa ng binata.

“Harold! Harold! My simple Harold!

I’m your knight in shining armor!

Let me be the Prince in your world

Let our own Cinderella be known! tugmang naglalaro sa isip ni Gabby.

“Ay! Harold! Tinamaan na nga ata ako sa’yo!” komento pa ni Gabby saka umupo sa bintana. “Seryoso na nga atang talaga ako.” sabi pa ng binata.

“I can go with struggles

Experience so many pains

Can climb any mountains

Just to have a priceless you.” tugmang patuloy na umuukilkil sa isipan ni Gabby.

Ilang sandali pa at nahiga na din ang binata, nakailang biling din siya subalit tila mailap na makatulog siya kahit na nga ba antok na antok. Hindi siya sanay sa mainit na silid na iyon, kulang sa kanya ang lamig na binigay ng electricfan at lalong nananakit ang likod niya sa tigas ng higaan.

Kinaumagahan –

“Walanghiyang Harold iyon! Sabi niya may bisita siya kagabi!” naiinis na wika ng walang tulog na si Gabby.

“Gabby, me miting aq mamya w sean and ken aftr ng klase q. bwl ang l8, dhl nevr nalal8 c Harold!” text na bumungad kay Gabby.

“Yeah! I know, nklgy s calendar mo. C joel ang nakalam lht ng lkd mo, so trust him. C joel nd nick k lng mgtiwla.” reply ni Gabby saka naligo.

Sa eskwelahan –

“Rold?” nagtatakang tawag ni Sean kay Harold. “Ikaw ba talaga yan?” tanong pa ni Sean kay Harold pagkadating niya sa sinasabing lugar ng pagmimitingan.

“Yeah! Isn’t obvious?” asar na sagot ni Gabby.

“Bourgeoisie na bourgeoisie ang bikas mo ah!” komento pa ni Sean.

“I can’t think myself wearing my old-fashioned sluggish clothes so I bought new sets this morning.” nakangising sabi ni Gabby. “I spent 7thousands just for this pair.” sabi pa ng binata saka pakita sa suot niya mula ulo hanggang talampakan.

“So, habang ang madami nagugutom at walang maisuot, ikaw naman gumastos nang napakalaki sa suot mo?” medyo naninibagong tanong ni Sean.

“It’s my money!” tugon ni Gabby. “I can spend it anyway I want it. 7thousand is very cheap.” sabi pa nito.

“Lalo mo lang pinalayo ang agwat ng mahihirap at naghihikahos sa ginawa mo!” singit ng nakikinig palang si Kenneth sa usapan ng dalawa.

“It’s their destiny! Wala akong magagawa kung iyon ang nakalaan sa kanila.” tugon ni Gabby.

“Iyon ang destiny nilang ipinaglalaban nating mabago.” giit ni Kenneth.

“You can’t change it! Accept the fact that Marxist communism is impossible!” gigil na tugon ni Gabby.

“Rold buddy ikaw ba talaga yan?” nag-aalalang tanong ni Sean saka hinipo si Harold.

“Who do you think am I, if I’m not Harold?” sarkastikong tanong ni Gabby.

“Naninibago lang ako!” komento pa ni Sean.

“Pinupuna kita kasama! Hindi na naayon sa pinaglalaban natin ang sinasabi mo!” pamumuna ni Kenneth kay Harold. (Pinupuna, ginagamit na salita para ilarawan ang pagpansin sa isang maling gawain upang maitama.)

“Pinupuna?” tanong ni Harold na wari ba’y hindi maintindihan ang sinasabi ni Kenneth.

“Iwan na muna ninyo kami ni Harold!” utos ni Kenneth sa mga kasama.

“So, what’s your reason?” simulang tanong ni Gabby pagkalabas ng mga tao.

“Ano ba ang nangyari sa’yo?” puno ng pag-aalalang tanong ni Kenneth subalit hindi niya ito ipinahalata kay Harold.

“Wala.” sagot ni Gabby.

“Bakit ka nagkaganyan?” tanong ni Kenneth. “Hindi mo ba kaya ang sakit nang mapukpok kaya nag-iba ka na ng paniniwala?” tanong pa nito.

“I don’t know what are you saying.” sagot ni Gabby.

“Please Harold! Magtapat ka! Anung tinatago mo sa amin?” tanong ni Kenneth saka hinawakan sa balikat si Gabby.

“Magtapat ka nga!” sabi ni Gabby. “May gusto ka ba kay Harold?” tanong pa nito. “Este sa akin pala!” pagbawi ng binata.

Natigilan si Kenneth sa tanong na iyon ni Gabby na nasa katawan ni Harold.

“Alam mo, siguro may pagkamanhid si Harold but not me! I mean, siguro manhid nga ako minsan pero this time I can sense it! Wala namang mawawala kung aamin ka!” sabi pa ni Gabby. “Well, I can appreciate it!” habol pa ng binata. “But, to tell you frankly, mukhang impossibleng may gusto din sa’yo si Harold! Ako pala, kaya sorry!” sabi pa ni Gabby saka lumabas ng opisina at naiwang natitigilan si Kenneth.

Pakiramdam ni Kenneth ay isang malaking sampal sa kanya ang ginawa ni Gabby na sa buong akala niya ay si Harold talaga. Hindi niya alam kung iiyak ba siya o hahabulin si Harold at aamin na sa tunay niyang nadarama.

Sa labas –

“Oh ano?” pangangamusta ni Sean na naghihintay sa paglabas ni Harold.

“Ayun! Damayan mo na iyon!” suhestiyon pa ni Gabby.

“Baka ikaw ang dapat damayan!” sabi ni Sean na natatawa. “Kamusta na ang sugat mo?” tanong pa nito.

“Masakit pa din!” sagot ni Gabby.

“Tara, lagyan natin ng gamot.” aya pa ni Sean dito.

“May gusto ka rin ba kay Harold?” diretsang tanong ni Gabby.

“Harold? Di ba ikaw si Harold?” nagtatakang tanong ni Sean.

“Sorry, may gusto ka ba sa akin?” ulit na tanong ni Gabby.

“Ano ba ang pumasok sa isip mo at naisip mo iyan?” tanong ni Sean.

“Manhid nga siguro ako minsan pero minsan lang naman! Kaya nga tinatanong na kita ngayon!” giit ni Gabby.

“Alam mo namang special ka sa akin di ba?” simula ni Sean.

“I don’t need your story! Answer me directly!” utos pa ng binata.

“Wala!” sagot ni Sean. “Paano naman ako magkakagusto sa’yo?” tanong pa nito.

“Mabuti! Hindi din kasi kita type!” sagot ni Gabby saka iniwan si Sean.

“Buddy!” habol sana ni Sean.

“Hayaan mo na muna siya!” awat ni Kenneth.

“Kenneth?” tanong ni Sean na pansin ang kakaibang lungkot sa binata.

“Alam mo, may dalawang klase ng pakikibaka, para sa sarili at nakakarami. Madalas mo akong makita na lumalaban para sa iba kaya lagi kong naiisaisantabi na may sarili din akong laban. May sariling laban ang puso ko na hindi ko nabibigyan ng solusyon.” sabi ni Kenneth. “Pero hindi ko naman inaasahang ganitong kabilis na biglang magiging bangungot ang lahat.” pagwawakas ni Kenneth.

“Kenneth!” tanging nasabi ni Sean habang tinitingnan ang palayong si Kenneth.

Samantalang si Harold na nasa katawan ni Gabby –

“Tara na!” nakangiting bati ni Harold kay Nick at Joel.

“Aba si Sir Gabby! Nakabuti ata sa inyo ang bakasyon sa Baguio ah!” komento ni Joel.

“Bakit? Hindi ba ako ganito dati?” tanong ni Harold dito.

“Kasi Sir Gabby, laging salubong ang kilay ninyo pag-umaga. Tapos lagi kayong sumisigaw!” sabi pa ni Joel.

“Ganuon ba ako?” tanong ni Harold.

“Opo Sir! Tapos ayaw din ninyo ng may nag-uusap pag bumibyahe tayo.” sabi naman ni Nick.

“Ganuon ba? Ang boring pala ng buhay ni Gabby.” bulong ni Harold.

“May sinasabi po ba kayo Sir Gabby?” tanong ni Joel.

“Wala.” sagot ni Harold. “By the way, nice tie!” sabi ni Harold saka inayos ang necktie ni Joel.

“Salamat Sir!” tugon ni Joel.

“Ano ang schedule ko ngayon?” tanong ni Harold kay Joel.

“Kailangan po ninyo umatend nang meetings ngayong araw kay Mr. Aguirre this morning, Mr. Gutierrez this afternoon and kay Dr. Mendoza this evening.” sabi ni Joel.

“Haay!” napabuntong-hiningang sabi ni Harold. “Ang dami ko pa lang gagawin.” reklamo pa nito.

“Sir, kaunti pa nga po iyon compare sa naging lakad ninyo last week.” sabi ni Joel.

“Hayaan mo na, basta remind mo na lang ako lagi.” pakiusap pa ni Harold kay Joel.

“Si Sir Gabby, parang may sakit kayo ah!” birong tugon ni Joel.

Sa meeting –

“That’s our proposal!” sabi ni Cris, na presidente ng AGC Ice Cream Factory.

“Well, pwede na.” sagot ni Harold. “But, can’t you make it simpler? Hindi na kasi realistic iyong gusto ninyong mangyari eh! Paano ninyo idedevelop iyong construction company sa Pulilan sa ganyang paraan?” tanong pa ni Harold. “Magastos masyado and sobrang bongga to think na madaming Pilipino ang nagugutom ngayon then so much accessories na hindi naman importante ang ilalagay mo.” komento pa ni Harold na hindi satisfy sa ginawa ni Cris.

“But?” tutol sana ni Cris.

“Better prepare a new plan!” sabi ni Harold.

Pagkatapos ng meeting –

“Sir, dati amaze kayo sa proposal ni Mr. Aguirre.” nagtatakang puna ni Joel kay Harold.

“Ikaw ba maatim mo na habang maraming Pilipino ang namamatay sa kahirapan eh gagastos ka ng malaki para sa mga no use expensive materials? Masyadong unrealistic iyong development plans nila dun kaya bakit ko sa kanila ibibigay ang lupa and kontrata.” sabi ni Harold.

“Pero pinakamataas ang bid nila Sir?” tanong ni Joel.

“Kahit gaano kataas ang bid nila, kumita nga ako, madaming tao naman ang nalugi!” sagot ni Harold.

Napangiti na lang si Joel sa inaasal ni Gabby ng mga oras na iyon. Sa buong akala talaga niya ay si Gabby ang kaharap.

“Kain na muna tayo!” sabi ni Harold saka nagpababa sa isang fastfood chain.

“Sure kayo Sir?” tanong ni Joel.

“Nagugutom na ako eh.” sagot ni Harold.

“Sure kayong dito tayo kakain?” paninigurado ni Joel.

“Oo naman!” sagot ni Harold.

“Okay!” sagot ni Joel.

“Tawagin mo na si Nick para tayong tatlo na ang sabay-sabay na kumain.” Aya pa ni Harold.

Ang utos na iyon ang labis na nagpakataka kay Joel dahil kabaligtaran ng Gabby na kilala nila ang kaharap.

Sa meeting kasama si Mr. Gutierrez.

“I flew away from states just to grab this opportunity of meeting you Mr. Fabregas.” simula ni Mr. Gutierrez. “I’m Fierro Gutierrez and I am really interested with your land at Pulilan.” sabi pa ng binata.

“I’m Gabby Fabregas!” sagot ni Harold saka abot sa kamay ng binata.

Matapos ang presentation –

“Perfect!” nasabi ni Harold. “Very simple pero talagang ma-uutilize ang buong area. Hindi siya ganuong kagastos ang everything’s very unique and simple. Hindi na kailangan ng mga non-sense na bagay dahil ito na mismong use niya ang expanded!” komento ni Harold.

“Thank you Mr. Fabregas.” sagot ni Fierro.

“I think, you won the land and the deal!” sabi ni Harold saka abot sa kamay ni Fierro.

At natapos nga ang maghapon kila Gabby at Harold.

“ken, medyo weird b q neun? Pagpaxnhan mo nlng kasi bka matgalan pa aqng ganun.” text ni Harold kay Kenneth.

“buddy, nagng weird nd s2pd b aq mghpon?” text naman ni Harold kay Sean.

“Aus lang iyon!” unang nagreply si Kenneth kay Harold.

“Salamat! Please, huwag na lang ninyo akong pansinin.” textback ni Harold kay Kenneth.

“Sabi mo eh!” reply ni Kenneth.

“Oo buddy! Sobra!” sa wakas ay reply ni Sean sa kanya.

“Ganun b? Wg mu nlng aqng pancnin muna qng medyo s2pd aq, mattgln pa cgro aqng ganun.” reply ni Harold.

“Lam mo bud, s2pd nd weird k nmn tlga, peo ibng levl k kanna.” reply ni Sean.

“Ganun?! Bsta, extend ur patience nlng.” pakiusap pa ni Harold.

“Lagi nmn! Ksi nga special ka skn!” reply ni Sean.

“Asus! Opo na!” reply ni Harold.

Inihiga muli ni Harold ang katawan sa malambot na higaan ni Gabby.

“Hay! Kamusta na kaya si Gabby?” tanong ni Harold sa sarili saka tinawagan si Gabby.

“Hello?” bati ni Harold kay Gabby.

“Hay Harold!” simulang reklamo ni Gabby kay Harold.

“Bakit na naman?” tanong ni Harold.

“Alam mo bang hindi ako nakatulog kagabi? Ang tigas ng higaan mo, tapos kadiri sa dorm mo!” reklamo ni Gabby.

“Magtiis ka! Ikaw ang may kasalanan nito.” sabi ni Harold.

“Ako na naman ang sinisi mo!” sabi ni Gabby.

“Talaga naman kasi!” giit ni Harold saka pinindot ang end call.

“Hay!” reklamo ni Gabby. “Binabaan na naman ako!” sabi pa nito saka nahiga sa matigas na kama ni Harold.

“My sweet little serendipity that comes from the night so dark

The glittering glory from your wonderful big bright spark

Answer to my prayers for God sent by the high flying lark

Got nothing to ask but to capture your fast beating heart.” muling paglalaro sa isip ni Gabby.

“Your sweet caress that sleeps beside my fantasy

You’re little nimble that quickly tease me unhesitantly

Your breath-taking aroma that killed my spirit free

You’re beautiful to touch, to embrace to hold on spree.” huling laman ng isip ni Gabby bago tuluyang maihimbing ang pagod niyang katawan.

Samantalang –

“Is there any chance na ang isang katulad kong sanay sa simpleng buhay ay masasanay sa buhay na mayroon si Gabby? Posible nga kayang mabago ang takbo ng buhay ko dahil sa kanya? Ang hirap, kung aaminin kong may gusto ako kay Gabby, parang umibig na ako sa kaaway. Feeling ko tatalikuran ko ang ipinaglalaban ko kung tatanggapin ko si Gabby sa buhay ko.” mga kaisipang gumugulo kay Harold habang nakahiga sa higaan ni Gabby. “Siya kaya? Maintindihan kaya niya ako pag nasa kalagayan ko na siya?”

“Ay mali! Same sex na nga kami tapos Cinderella story pa! Anak ng tinalupang biik! Ang daming dilemma! Same sex, isang problemadong relasyon, tapos Cinderella story na isa pang ambisyosong kwento ng buhay. Pusang pagala-gala! Bakit pa ang hirap! Pwede naman si Sean o kaya si Kenneth, pero bakit kay Gabby pa!” sisi ni Harold sa sariling damdamin.

“Nothing to worry! Lilipas din yan! Sa oras na bumalik ang lahat sa dati, make sure namabayaran mo na ang 14thousand at nang hindi na kayo magkita!” pagwawakas ni Harold saka pinilit makatulog.

Kinaumagahan –

“Ready ka na ba Harold?” masayang bati ni Sean sa kabuddy.

“Saan?” tanong ni Gabby kay Sean.

“Di ba may mass work tayo ngayon?” pagpapaalala ni Sean sa kaibigan. (mass work, ito iyong activity kung saan actual na nakikipamuhay sa mga mahihirap at sa iba pang mababang antas ng lipunan)

“Huh?” naguguluhang tanong ni Gabby.

“Basta!” sabi ni Sean saka hinatak si Gabby.

“I don’t have any clothes.” tutol ni Gabby.

“Hindi mo na kailangan ng mga damit! Bilis mo atang makalimot.” saad pa ni Sean.

Nang katanghaliang iyon ay pumunta nga sila sa isang squatters’ area sa tondo kung saan kabila’t kabila ay puno ng basura at tagpi-tagping mga bahay.

“Aw!” reklamo ni Gabby nang mababa sa sasakyan at unang naamoy ang baho sa paligid. “Are you sure we are staying here?” tanong ni Gabby.

“Di ba mass work ang gusto mo sa lahat?” tanong ni Kenneth kay Harold na si Gabby naman talaga.

“Sinabi ko ba iyon?” tanong ni Gabby.

“Nagdududa na ako sa’yo.” pagtatapat ni Kenneth kay Gabby. “Ikaw ba talaga si Harold?” tanong ulit nito.

“Oo naman!” sagot ni Gabby.

“What the?” sabi ni Harold nang may nga batang hubo’t-hubad na madudusing ang nagtatakbo at paikot-ikot sa kanila.

“Manong!” sabi ng isang bata saka hatak sa damit ni Gabby.

“Don’t touch me! Do you know how much it costs?” sabi pa ni Gabby saka tumingin sa damit.

“They don’t know the price but they are sure na mahal. Imagine, look at this place, walang nakasuot ng gaya sa’yo!” sabi ni Kenneth. “They all live simply, no not simply, they all live exaggeratedly simple. Sa piraso ng damit mo na iyan, they can have a year supply of food or 100 pairs of clothes.” sabi pa ng binata.

“It’s not my fault! It’s theirs! Tatamad-tamad kasi sila!” pangangatwiran ni Gabby na kahit papaano ay may guilt na naramdaman.

“Nope! Wala lang talagang opportunity na tugma sa kanila at sa buhay bang mayroon sila at sobrang pang-aabusong mayroon sa lipunan natin, come to think how can they fight the world if money is equivalent to power? Who are powerful in our society? Di ba the rich ones?” sabi ulit sa paliwanag ni Kenneth.

“Pero hindi naman lahat ay oppressive.” pagtatanggol ni Gabby.

“Yeah, may ilang hindi nga oppressive pero it’s no use kung sobrang ganid nung iba.” sagot ni Kenneth.

“Ako ba? Isa ba ako sa sanhi ng kahirapan ng mga taong nasa harap ko?” biglang taong ni Gabby sa sarili.

“Hey guys!” sabi ng isang hindi pamilyar na tinig. “Kamusta na?” tanong pa nito.

“Harold!” naibulalas ni Gabby na nasa katawan ni Harold. “I mean Sir Gabby!” paglilinaw ng binata.

“Sino ka?” tanong ni Kenneth sa bagong bisita.

“I’m Gabby! Harold’s friend. Ininvite niya ako para makasama sa inyo.” sabi ni Harold.

“Hindi ah!” tanggi sana ni Gabby.

“Nahihiya ka pa!” sabi ni Sean. “Ikaw, isasama mo pala iyong may-ari ng FabConCom hindi ka nagsasabi.” sabi pa ni Sean saka tapik kay Harold na si Gabby naman talaga.

“Kamusta na?” tanong ni Sean. “I’m Sean!” pakilala pa nito saka abot ng kamay kay Harold na nasa katawan ni Gabby.

“Ayos lang naman ako buddy!” sagot ni Harold na kita ang kagalakan na makita ang mga kasamahan.

“Nice to see you again!” sabi pa ni Harold saka baling kay Kenneth.

“Anung ginagawa mo dito?” tanong ni Gabby kay Harold.

“Free naman ang schedule mo ngayong araw di ba? Saka ito ang favorite ko sa lahat, ang mass work kaya hayaan mo na ako!” sabi pa ni Harold.

“Bakit ganyan ang suot mo?” tanong pa ni Gabby kay Harold.

“Alam mo naman di bang squats area to!” sagot pa ni Harold na magpapaliwanag pa sana.

“Pero tandaan mo presidente ako ng kumpanya tapos mukhang basahan ang suot mo.” sabi ni Gabby.

“Wala sa damit ang paggalang ng mga tao dito! Nasa nagagawang tulong sa kanila ang binibigay nilang respeto!” sagot ni Harold saka muling binalikan ang umpukan nila Sean at Kenneth.

Kinagabihan ay nagdaos ng programa ang grupo ni Kenneth –

“Para bigyan tayo ng isang awitin narito si kasamang Harold.” tawag ni Kenneth kay Harold.

“Anong gagawin ko?” tanong ni Gabby kay Harold.

“Ako na lang ang kakanta para kay Harold!” suhestiyon ni Harold saka tumayo.

“Sige nga! Tingnan ko kung gaano kagaling ang bagong recruit ni buddy!” nakangiting tugon ni Sean.

“Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan

Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan

Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira

Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira

Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong

Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong

Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato

Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito

Ay bahay

Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata

Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta

Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman

At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam

Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko

At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo

Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulpito

Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito

Ay bahay

Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig

Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig

Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay

Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mga patay

Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw

Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw

Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya

Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha

Ay bahay”

(Bahay, by Gary Granda)

Isang malakas na palakpakan ang ibinigay kay Harold matapos ang awitin niya.

Sa oras ng pagtulog –

“Wala bang electricfan?” inis na tanong ni Gabby kay Kenneth.

“Kailan pa nauso ang electricfan sa ganito?” tanog ni Kenneth kay Harold.

“Ang init tapos malamok pa! Alam mo bang hindi ako kinakagat ng lamok sa bahay.” sabi pa ni Gabby.

“Magtiis ka! Ganyan ang buhay dito.” sagot ni Kenneth.

“Sino ba kasing may sabing isama ninyo ako?” asar na tugon ni Gabby.

“Sorry Sir Kenneth!” paumanhin ni Harold na nasa katawan ni Gabby kay Kenneth. “Wala lang po sa tamang katinuan si Harold!” sabi pa nito saka hatak kay Gabby palayo kay Kenneth.

“Ano bang ginagawa mo?” tanong ni Gabby kay Harold.

“Gago ka ba?” hindi naman ganyan si Harold.” sabi pa ni Harold.

“Hay!” reklamo ni Gabby. “Bakit ba kasi ganitong buhay ang pinili mo!” reklamo pa nito.

“Wala kang magagawa! Iyan ang gusto ko! Isang mapagpalayang buhay!” sagot ni Harold.

“Gabby!” tawag ni Sean mula likuran.

“Bakit buddy?” tanong ni Harold kay Sean.

“Pwede ba taoyng mag-usap?” tanong ni Sean kay Gabby.

“Sige ba.” nakangiti nitong tugon.

Sa may di-kalayuan –

“May alam ka bas a nangyayari kay Harold?” tanong ni Sean kay Gabby.

“Bakit mo naitanong?” tanong ni Harold.

“Kasi, sobrang weird ang kinikilos niya. Nag-aalala na ako.” sagot ni Sean.

“Listen to me!” sabi ni Harold saka hawak sa balikat ni Sean. “Don’t be confused! Maayos din ang lahat!” saad pa ng binata.

“Pero!” sabi ni Sean. “Baka malayo sa akin si Harold!” lumungkot na sabi ni Sean.

“Hindi malalayo si Harold sa’yo!” tila paninigurado ni Harold kay Sean.

Isang ngiti lang ang sinagot ni Sean sinabing iyon ni Gabby.

“Alam ko naman kung gaano ka-espesyal si Harold sa’yo at espesyal ka din sa kanya kaya wala kang dapat ikatakot na baka lumayo sa’yo si Harold.” sabi pa ulit ni Harold.

“Salamat Gabby!” sagot ni Sean.

“May konting pagbabago lang kay Harold ngayon, pero don’t worry, babalik din ang lahat sa dati.” sabi pa ni Harold.

1 comments:

Joseph July 24, 2011 at 12:40 AM  

inabangan ko talaga ito...thanks sa update Emil....pwede o magtanong kung may update ang boood heee?

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP