DAGLAT presents: TEE LA OK part 1
Thursday, July 7, 2011
iam.emildelosreyes@yahoo.com
annexb.wordpress.com
NARITO NA PO ANG IKALAWANG HANDOG NG DAGLAT SERIES: ANG TEE LA OK
Sana po ay tangkilikin ninyo ang kwento ni Harold ang ang kanyang mundo.
SALAMAT PO!
Unang Bahagi: /oo-nang/ - /ba-ha-gee/
Letter A
“Bayan, bayan, bayan ko!
Hindi pa tapos ang laban mo!” sama-samang kinakanta ng mga rallihista sa labas ng FabConCom.
“Mga kasama, papayag ba kayong busabusin at ituring na tila hayop ng pamunuan ng FabConCom?” tanong ng tila lider ng mga rallihista.
“Hindi!” korong tugon ng mga ito.
“Ipaglaban ang karapatan ng mga inaapi’t inaalipusta!” sigaw pa ulit ng kanilang lider.
“Makibaka! Huwag matakot!” korong sagot ulit ng mga ito.
“Huwag na huwag tayong papayag na api-apihin at pagkaitan ng karapatan!” biglang singit ng isang lalaki.
“Ipaglaban ang karapatan ng mga mangagawa ng FabConCom!” sabi pa ulit ng lider nila.
“Easy lang Rold! Huwag masyadong agit (agitated)!” sabi ni Sean sabay tapik kay Harold.
“First time tol eh!” nakangiting tugon ni Harold dito.
“May next time pa!” sabi pa nito.
Mataas ang sikat ng araw na tila ba ay nagngangalit ito sa galit. Sa unang pagkakataon ay sumama si Harold sa mob (mobilization/rally) kasama ang mga kapwa niya kabataang mag-aaral upang tugunan ang hiling nga mga kasama nila sa loob ng Fabregas Construction Company.
“Iitim ka na n’yan!” komento pa ni Sean sa kaibigan.
“Ayos lang na umitim basta ba’t alam kong may maganda akong naitutulong sa ibang kasama.” sagot ni Harold.
“Huh! Maniwala ako sa’yo! Malamang hindi ka na sasama ulit sa amin.” sabi pa ni Sean.
“Gusto ko ngang maranasan iyong kinukwento ninyo dati eh!” birong tugon pa ni Harold.
“Loko ka! Akala mo bang biro ang mabatuta at mabomba!” sabi ni Sean.
“Basta para sa bayan! Handa akong masaktan!” punung-puno ng siglang saad ni Harold.
“Ganyan nga boy!” nakangiting tugon ni Sean.
Samantalang sa loob ng FabConCom –
“Sir Gabby, hindi pa din po natitinag ang mga aktibista sa labas.” sabi ng Joel.
“Naimpluwensyahan na naman ang mga aktibista ang mga utak ng trabahador natin.” sabi naman ni Gabby.
“Halos wala na pong natira sa mga trabahador natin Sir.” pagbabalita pa ni Joel.
“Tanggalin ang mga nalason ng mga aktibistang iyan then find new workers!” utos ni Gabby.
“Pero Sir, papaano po iyong pamilya nilang sa kanila umaasa?” tanong ni Joel.
“If they care for their families, then they should not involved themselves with those stupid activists.” konklusyon ni Gabby.
“Pero Sir!” pagtatanggol pa sana ni Joel sa mga trabahador.
“If you will question my decision, include yourself to those who will loose their job.” sabi ulit ni Gabby.
“Sorry Sir!” paumanhin ni Joel sa amo.
“Duon tayo dadaan sa likod.” utos ulit ni Gabby. “I don’t want to be late with my meeting.” sabi pa nito.
“Yes Sir!” wika pa ni Joel saka yuko sa ama.
“Hurry up!” pasigaw nitong utos.
“Yes Sir!” tila natatarantang tinawagan ni Joel ang driver ng amo at mabilis na kumilos pababa.
Samantalang sa labas –
“Para sa ating pamilya, sa maayos na pamumuhay! Ipaglaban natin ang mataas na sahod na sasapat para sa araw-araw! Sahod na katumbas sa maghapon nating pagbibilad sa init, usok, alikabok at ingay! Huwag tayong papayag na mamatay sa gutom habang sila na mga ganid ay nagsasayang lang ng pagkain!” sigaw naman ng isang trabahador na kasama sa rally.
“Ipaglaban!” koro ulit nitong tugon.
“May inside scoop ako!” sabi ni Sean sa mga kasama.
“Ano iyon?” tanong ni Kenneth na tumatayong lider ng kilusan.
“Paalis na daw ang may-ari ng FabConCom at sa likod ang daan.” sabi pa ni Sean.
“Saan ang likod?” tanong ni Harold sa mga kasama niyang nakakaalam. Hindi nga nabigo si Harold at patiuna siyang tumakbo papunta sa likod kasama ang grupo ng mga kabataan.
“Mga kasama! Tatakasan na tayo ni Senyor Fabregas! Papayag ba tayong hindi marinig ang mga daing natin?” sabi ulit ng trabahador na nagsasalita.
“Hindi!” sabi ng mga ito.
Sa likod ng FabConCom –
“Make sure na hindi ako maaabala sa lakad ko!” wika ni Gabby na punung-puno ng kapangyarihan.
“Yes Sir!” sagot ni Nick, driver ni Gabby.
Mga kasama, ayun oh!” sigaw ni Sean sabay turo sa papasibat ng si Gabby.
“Paano na yan Sir! Andito na sila!” sabi ni Joel saka lingon kay Gabby.
“Once na abutan tayo ng mga iyan, last day mo na ngayon.” madiing sabi ni Gabby.
“Opo Sir!” takot na takot na sabi ni Nick saka lalong pinaharurot ang kotse.
“Mga kasama, bilisan ninyo para hindi makalayo!” sabi pa ni Kenneth.
“Saan kayo pupunta?” walang takot na hinarang ni Harold ang kotse kahit na anung bilis pa nito. Nang mapansin ng binata na paparagasa ito ng takbo ay agad siyang humiwalay sa hanay at saka naghintay na sapitin ang lugar na kanyang kinalalagyan upang duon ito harangin.
Biglang napapreno si Nick dahil sa ginawang harang na iyon ni Harold. Halos mapasubsob si Gabby sa harapan dahil sa lakas ng impact.
“Bakit ka huminto?” puno ng galit na sigaw ni Gabby kay Nick.
“Sir! May humarang po kasi, baka makapatay pa ako.” katwiran ni Nick.
“Hindi mo na kasalanan kung mamatay man iyang humarang na yan! It’s his choice! Hayaan mo siyang mamatay!” sabi pa ni Gabby.
“Hindi kayo makakatakas!” sabi pa ng pawis na pawis na si Harold na walang mababakas na takot sa mga mata kahit na nga ba humaharurot ang kotse. Hawak na ngayon ng binata ang harapan ng sasakyan habang tumutulo dito ang kanyang pawis na agad din namang natutuyo sa tuwing malalaglag sa kotse.
Puno ng determinasyon ang mga mata ng binata at tila ba nanghahamon pa ito.
“Sino ba iyang humarang na iyan! Sagasaan mo na!” utos pa ni Gabby saka pinagtuunan ng tingin ang lalaking nasa harapan ng kotse nito.
Nagbitiw ng isang mayabang na ngiti si Harold na lalong nagpasingkit sa mga mata nito.
“What a beautiful eyes!” natulalang naisip ni Gabby nang makita si Harold.
“Sir!” sabi ni Joel sabay tapik kay Gabby.
“Bakit mo ba ako tinatapik!” galit na anas ni Gabby ng maputol ang pagtitig niya sa mukha ng binata.
“Palapit na po iyong iba pa!” sagot ni Joel.
“Get him!” utos ni Gabby kay Joel.
“Ano Sir?” tanong ni Joel.
“Tanga ka ba?” tanong ni Gabby. “Sabi ko get him!” nanggigil na utos ni Gabby. “Hay!” napabuntong-hininga pa ang binata.
“Yes Sir!” saka lumabas si Nick at Joel at saka sapilitang isinakay si Harold sa loob ng kotse.
“Hey! Bitiwan ninyo ako!” nagpupumiglas na tutol ni Harold.
“Please makisama ka naman! Kami ang malilintikan nito!” pakiusap ni Joel kay Harold.
“Saan ba ninyo ako dadalin?” tanong pa ni Harold habang patuloy sa pagwawala.
Hawak ni Joel ang upper body ni Harold samantalang si Nick naman ay ang lower body.
“Bilisan ninyo!” pasigaw na utos ni Gabby sa dalawa.
“Please naman tol! Makisama ka! Tutal, ikaw naman ang humarang sa daan.” sabi pa ni Joel.
“Shit!” mahinang naiusal na lang ni Harold at tuluyan na siyang naisakay sa kotse.
“Mga kasama! Hinuhuli nila si Harold!” sigaw ni Sean na agad nabalisa para sa kaibigan.
Mabilis na tumakbo si Kenneth na nakaramdam ng higit na pag-aalala para kay Harold. “Gago kang Harold ka!” mura ni Kenneth sa sarili.
“Bilisan mo ang patakbo!” utos ni Gabby kay Nick.
“Opo Sir!” tarantang sagot ni Nick saka pinaharurot ang kotse.
“Harold!” sigaw ni Kenneth na hindi na naabutan pa ang kotse.
“Harold!” sigaw pa ni Sean.
“Sinong ka-buddy ni Harold?” galit na tanong ni Kenneth sa grupo.
“Ako!” nag-aalalang taas ang kamay ni Sean.
“Di ba may buddy system tayo at alam kong alam mo iyon?” tanong ni Kenneth kay Sean.
“Sorry, hindi ko nabantayan si Harold!” paumanhin ni Sean.
“Saan natin hahanapin si Harold ngayon?” tanong pa ni Kenneth.
“Sorry talaga!” paumanhin ni Sean.
“Kasalanan ko din ito! Hindi ko masyadong nasabihan si Harold! Naging kampante akong magtitino kasi.” paumahin din ni Kenneth.
Sa kotse –
“Shitness! Pwede ba pababain na ninyo ako! Malayo na naman kayo sa mga kasamahan ko ah!” inis na sabi ni Harold. Bagamat punung-puno ng takot ay pinilit niyang magkunwaring matapang para sindakin ang mga kasama niya sa sasakyan.
“Alam mo bang pwede ka naming kasuhan dahil sa ginawa mo? Kaya please manahimik ka na lang muna!” pang-aasar na sagot ni Gabby kay Harold.
Nasa gitna naupo si Harold. Sa may kanan niya si Gabby samantalang nasa kaliwa si Joel.
“Gullible! First time ko na nga lang sumama mahuhuli pa ako ng ganito!” lalong kinabahan na wika ni Harold sa sarili. Kahit aircon ay nanlalagkit sa pawis ang binata at lalong pinawisan dahil sa sinabi sa kanya ni Gabby.
“This is an expression of speech freedom! Kaya wala kang pwedeng ikaso sa akin! It is written in the Philippine Constitution revised during the term of President Cory Aquino and thus, I am rightfully and legally enjoying it!” sagot ni Harold na pilit pa ding nagmamatapang.
“So, dapat alam mo na hindi na sakop ng sinabi mong freedom ang mangharang ng kotse at mandamay sa pagpapakamatay mo. Besides, nasa loob ka ng compound ng FabConCom ng walang permiso, it is a valid ground for trespassing bukod pa sa iba pang pwede kong ikaso sa’yo.” sabi ni Gabby.
“Kainis! Ayokong magkarecord sa police station nito!” sabi ni Harold. “Remember, wala kang proof na pumasok ako sa loob ng compound ng FabConCom. Nakalabas na ang kotse mo sa gate ng harangin ko kayo, kaya trespassing is definitely invalid na.” katwiran pa ni Harold.
“Hayst!” asar na tugon ni Gabby. “Pag hindi ka tumahimik papakulong talaga kita!” papalatak pang tugon ng binata. “Pasalamat ka nga hindi pa kita pinatuluyan! Pwedeng pwede ko namang sabihin sagasaan ka na! Ikaw naman kasing humarang at ayaw tumabi.” sabi pa ulit nito.
“And it means pwede kang kasuhan ng homicide sa gagawin mo!” sagot ni Harold. “Don’t forget na aktibista ang mga kasama ko kaya hindi iyon papayag na hindi ka makasuhan.” sabi pa nito.
“But I have the means para makalabas at pwede kong mapabaliktad ang kaso.” sagot ni Gabby.
“Damn! Oo nga pala! He got the means, money, power, wealth.” bulong ni Harold sa sarili.
“Pasalamat ka na lang at kahit nanlilimahid ka, sinakay pa din kita dito at kahit na nanggulo ka kanina, hindi kita kakasuhan.” sabi pa ni Gabby.
“Pasalamat ka na lang at mayaman ka!” bulong ni Harold.
“Are you saying something?” tanong ni Gabby. “By the way, I’m Gabby.” pakilala ng binata saka abot sa kamay niya.
“Tinatanong ko?” sarkastikong tanong ni Harold sa binata.
“Hayst!” napabuntong-hininga ulit na sabi ni Gabby. “Ako na nga itong nag-aaproach sa’yo tapos gaganyan ka pa. Dapat nga pasalamat ka pa kasi ang gaya kong ito ang naunang magpakilala sa’yo at nag-aabot ng kamay.” sabi pa ni Gabby saka sapilitang kinuha ang kamay ni Harold para makipagkamay sa kanya.
“Naman! Baka mabahiran ako ng bacteria ng pagkaganid mo!” sabi ni Harold saka ipinunas sa damit ni Joel ang kamay.
“Bakit ako nadamay!” kontra ni Joel na kanina pa nakatahimik.
“Shut up Joel!” sabi ni Gabby saka muling nagsalita. “At ako pa ngayon ang may bacteria!” mataas na sabi pa ng binata.
“Ano gusto mong gawin ko? Halik-halikan ko iyang kamay mo at magpasalamat?” sarkastikong sabi ni Harold. “Salamat Sir Gabby, pwede na akong mamatay kasi nakilala na kita nahawakan ko na ang kamay mo.” saad ni Harold na nasa himig ng pang-aasar kay Gabby.
“Better! Bakit hindi? Pwedeng pwede, dahil sa mundo ngayon, karangalan na ang mahawakan ako.” mayabang na sabi ni Gabby.
“Hindi ka Diyos para sa ganun!” pangwawakas ni Harold.
“Aba at sasagot ka pa!” sabi ni Gabby.
“Sino ba kasing maysabing isakay mo ako dito?” tanong ni Harold. “Ibaba mo na lang ako nang matahimik iyang mundo mo.” sabi pa nito.
“Sorry, pero hindi ka makakalabas dito hangga’t hindi mo sinasabi ang pangalan mo.” sabi ni Gabby.
“Ganun!” sabi ni Harold saka pinuwersa si Joel para mabuksan niya ang pinto.
“Di gumagamit ng utak! Para naman kaya mong makalabas ng ganyan.” nang-aasar na sabi ni Gabby saka kinapa ang bulsa ni Harold.
“Anung ginagawa mo?” tanong ni Harold.
“Naghahanap ng ID mo.” sagot ni Gabby. “Ayaw mo naman kasing magsabi ng pangalan eh.” sabi pa ng binata.
“Tigilan mo nga ako.” sabi ni Harold saka inawat ang mga kamay ni Gabby.
“Nick! Iliko mo na nga lang sa pinakamalapit ng presinto. Malamang naman pag kinasuhan nay an duon magsasabi ng pangalan iyan.” suhestiyon ni Gabby na kita na ang pagka-inis nito.
“Shit! Nang dahil sa pangalan makukulong ako.” sabi ni Harold sa sarili. “Napaka-illogical naman pag ganun!”
“So, mamili ka na lang, sasabihin mo ba sa akin ang pangalan mo o sa presinto mo sasabihin?” tanong ni Gabby.
“Bakit ba interesado ka sa pangalan ko?” tanong ni Harold.
“Alam mo, huwag ka ng maarte, sa ibang tao wala akong pakialam sa pangalan nila, ni hindi ko na nga inaalam. Maswerte ka kasi tinatanong kita. Hindi mo ba alam na halos mamatay sila pag hindi ko matandaan mga pangalan nila. To think the fact na mga mayayaman sila.” sagot ni Gabby.
“Out of context ka! Hindi mo sinagot tanong ko.” sabi ni Harold. “Hindi ko sasabihin pangalan ko pag hindi mo ako nabigyan ng three valid reasons.” saad pa ng binata.
“Nick! Sa pinakamalapit na presinto.” utos ni Gabby kay Nick. “Joel, tawagan mo si Atty. Castro.” baling pa nito kay Joel.
“Okay! I’m Christian!” sabi ni Harold.
“Is that your real name?” tanong ni Gabby.
“Oo naman!” pagsisinungaling ni Harold.
“Then, bakit Harold iyong naririnig kong tawag sa’yo?” tanong ni Gabby.
“Ah, eh…” hindi alam ni Harold kung papaanong sasagutin ang tanong ni Gabby.
“Don’t fool me! What’s your real name?” tanong ni Gabby saka tiningnan sa mga mata si Harold.
“Shit! Paano ako lulusot!” tanong ni Harold sa sarili. “Alam mo naman pala ang pangalan ko nagtatanong ka pa!” sabi ni Harold.
“Just want to be sure, so, Harold nga ba?” tanong ni Gabby.
“Sige, I’m Harold!” sagot ni Harold.
“Nice meeting you Harold!” nakangiting sabi ni Gabby saka abot ng kamay kay Harold.
“Pwede na ba akong bumaba?” tanong ni Harold kay Gabby.
“Hay!” sabi ni Gabby saka inabot ang kamay ni Harold. “Ayan! Ganyan ang tamang pakikipagkilala.” sabi ni Gabby na hindi pinansin ang sinabi ni Harold.
“Kay arte! Pwede na ba akong bumaba?” tanong ulit ni Harold.
“Sige na pababain na si Harold.” utos ni Gabby kina Nick at Joel.
“Yes Sir!” sabi ni Nick saka inihinto ang sasakyan at si Joel naman ay naunang bumaba para makababa si Harold.
“Wait!” awat ni Gaby kay Harold.
“Ano na naman!” asar na wika ni Harold.
“I’ll take a picture.” sabi ni Gabby pagkaharap ni Harold saka kinuhanan ng picture ang binata.
“Tsk!” napapalatak na lang si Harold saka bumaba sa kotse.
“Sir! Parang kakaiba kayo ngayon ah.” komento ni Joel.
“Sinabi ko bang pakialaman mo ako?” tanong ni Gabby.
“Sorry Sir!” sagot ni Joel na labis na nagtataka.
Samantalang –
“Talaga nga namang pag-minamalas ka!” sabi ni Harold. “Nasaang lupalop ba ako ng daigdig?” tanong pa nito sa sarili saka kinapa ang cellphone niya.
“Naman oh! Pagka nga naman tinamaan ka ng kamalasan!” usal ulit ni Harold. “Naiwan ko pa ata dun sa kotse ng mokong na iyon iyong cellphone ko!” sabi niya sa sarili.
“Shitness all the way!” sabi pa ni Harold.
Balikan ulit si Gabby –
“Sir, todo ngiti ka po ata!” sabi ni Joel kay Gabby.
“Tatahimik ka ba o tatanggalin kita sa trabaho!” asar na sabi ni Gabby kay Joel.
“Sorry po Sir!” paumanhin ulit ni Joel.
“C’mon hold my hand
I wanna contact the living
Not sure I understand
This role I’ve been giving
I sit and talked to God
And he just laughs at my plans
My heart speaks a language
I don’t understand.”
“Kaninong phone iyon?” tanong ni Gabby.
“Hindi sa akin iyon Sir!” sabi ni Joel. “Baka po kay Nick.” sabi pa ni Joel.
“Naku, hindi din sa kain iyon.” sabi naman ni Nick.
“Di ba sir, kayo ang mahilig sa Robbie Williams song?” tanong ni Joel kay Gabby.
“Hiningi ko ba ang opinyon mo?” tanong ni Gabby saka hinanap ang cellphone.
“Sir, naiwan po ata ni Harold!” sabi ni Joel ng makita kung nasaan ang cellphone.
“Ako na ang sasagot.” sabi ni Gabby.
“Harold!” sabi ng nasa kabilang linya.
“This is Gabby and not Harold.” mayabang na sagot ni Gabby sa cellphone.
“Nasaan na si Harold?” asar na tanong ulit ng lalaking kausap ni Gabby.
“I left him at Ayal Avenue.” sagot ni Gabby.
“Bakit nasa iyo phone niya?” tanong pa ulit ng lalaki.
“Sino ka ba?” tanong ni Gabby sa kausap na tila naiinis na.
“Hindi ba nag-appear ang pangalan ko d’yan para hindi mo makilala?” sarkastikong tanong ng lalaki.
“Sorry ah, pero I really don’t care sa kung sino ang kausap ko!” sagot ni Gabby.
“Bakit nagtatanong ka pa?” tanong ulit ng lalaki.
“You don’t care.” sabi pa ni Gabby.
“Tangina! Pag may nangyaring masama kay Harold babalikan kita!” pagbabanta pa ng lalaki.
“Well, malaki na iyon so malamang pauwi na iyon d’yan.” sagot naman ni Gabby.
“Sana nga kung alam niya ang Ayala, pero I doubt kung makakauwi iyon.” sagot ulit ng lalaki saka binaba ang tawag.
“Hayst!” napabuntong-hininga sa asar si Gabby. “Asar naman! Ang bastos ng lalaking iyon!” sabi pa niya saka tiningnan kung sino ang tumawag. “Kenneth pala ang pangalan niya.” sabi ulit niya.
“Sir! Ayos lang kayo?” tanong ni Joel sa boss.
“Sabi ko bang pakialaman mo ako?” sarkastikong tanong ni Gabby. “Joel, please cancel my meeting and Nick, balikan mo si Harold! Hanapin mo pala!” utos na ni Gabby.
Parehong nagtaka ang dalawa sa utos na nakuha kay Gabby.
“Bilis!” sabi ulit ni Gabby nang makitang parehong tulala ang dalawa.
Samantalang –
“Sean, magsama ka ng isa para hanapin si Harold sa Ayala Ave at ako na sa may Buendia area.” sabi ni Kenneth sa mga kasamahan. “Iyong iba, ituloy lang ninyo mga ginagawa ninyo.” sabi pa nito.
At si Harold –
“Makita ko lang ang MRT Station masaya na ako.” sabi ni Harold na pagod na pagod at nanggigitata na ulit sa pawis.
“Beeeeep!” natigilan si Harold sa narinig.
“Harold!” habol ng lalaki kay Harold. “Sakay ka na, ihatid ka na namin pauwi.” sabi pa ng binata.
“Ikaw!” nasabi ni Harold.
“Please lang, trabaho ko nakasalalay sa’yo kaya sumama ka na ulit sa amin.” pakiusap ng lalaki.
“Sige na nga, kung hindi lang ako naawa sa’yo kasi may demonyito kang boss hindi ako sasama.” sabi ni Harold saka payapang sumama kay Joel.
“Here, eto iyong phone mo!” sabi ni Gabby pagkasakay ni Harold.
“Salamat.” abot ni Harold.
“You should pay me sa gagawin kong pabor. I cancelled my meeting with a very important client plus iyong gas na uubusin ko sa paghahatid sa’yo.” sabi ni Gabby.
“Sabi ko na nga ba, lahat ng bagay may katapat ng pera sa mga kagaya mo.” sabi ni Harold.
“Well, ikaw, sumakay ka kasi eh. So, responsibility mo nang bayaran ako sa utang mo.” sabi pa ni Gabby.
“Bababa na ako!” sabi ni Harold saka sikad kay Gabby.
“Awww” dagling reaksyon ni Gabby. “Do you really think na hahayaan kitang makababa? Laki na ng nalugi ko sa’yo. Kung tutuusin, para ka ng investment and this stupid na pagkaka-good Samaritan ko. I deserve more sa pagtulong ko sa’yo.” sabi pa ni Gabby na hawak ang binting sinikaran ni Harold.
“Takte! Magkano ba at bayaran na kita?” may pagkayabang na sabi ni Harold.
“The supposed to be meeting costs a deal of 20million pesos and iyong gas natin dahil traffic pagpalagay na nating 1thousands, I don’t really care about my gas expenses kaya hindi ko alam.” pagyayabang pa nito.
“And do you think na mababayaran ko yan? Choice mo namang i-cancel ang meeting and the blame should not be put on me.” katwiran ni Harold.
“Okay fine! Just give me 10thousand para sa total damage.” sabi pa ni Gabby.
“10 thousand for that stupid gas and damage kuno?” sabi ni Harold.
“Yeah! Kulang pa nga ang 10K para sa total damage.” sabi ni Gabby. “Pero kung wala ka namang pambayad, pwede ka ng maging staff ko. You will work for me.” sabi pa ni Gabby.
“Wait lang!” medyo alangang sabi ni Harold saka kinuha ang wallet. “Pwede bang sa susunod na lang ang 4k?” tanong ni Harold. “6k na lang pala ang pera ko.” paliwanag pa ng binata.
“Sige, akin na number mo para masigurado kong hindi mo ako tatakasan.” sabi pa ni Gabby.
“Kakaiba ka din sa lahat ng businessman ano! Sa iba barya na lang ang 10k at hindi pinapansin pero ikaw kahit mamatay ata ako sisingilin mo pa ako.” sabi naman ni Harold.
“Yeah!” sang-ayon ni Gabby. “Kakaiba talaga ako sa kanila ang I love being different.” sabi pa ng binata.
“May naisip ako!” sabi ni Harold. “I will give you 10k without gaining anything from you. Parang napaka-stupid ko kung papayag ako sa ganitong deal.” sabi pa ng binata.
“So?” nagtatakang sabi ni Gabby.
“I should get something from you na worthy ang 10k ko dahil sa stupid damage na sinabi mo.” sabi ni Harold.
“What is that?” tanong ni Gabby.
“Simple! Ano ba ang dahilan at hinarang ko kayo? That’s my answer. You should listen to your workers then study their demands and that’s the deal.” sabi ni Harold.
“You know what, kulang pa ang 10k sa gagawing pabor ko.” tutol Gabby.
“At kulang ang 10k ko sa pagkakait mo sa kanilang mamuhay ng matino at maayos.” sagot ni Harold. “I should not be doing this, itong makipag-deal sa isang gaya mo lalo na sa ganitong matter. Pero dahil nga I need to pay you 10k for the reason I don’t know I should be getting something and this is one thing na alam kong mapapakinabangan ng mas madami.” sagot ni Harold.
“Are you really sure na hindi sila nakakapamuhay ng matino at maayos?” tanong ni Gabby kay Harold.
“How sure are you na maayos at matino silang nakakapamuhay?” balik na tanong ni Harold. “You will never understand their plea unless you experienced it and you will never know their hunger if you’re not in their place.” sabi ni Gabby.
“Just to end this, sige payag na ako.” sabi ni Gabby. “Let me have your number first.” sabi pa ni Gabby.
“Is this for real na ba?” paninigurado ni Harold.
“Yeah! Kaya ibigay mo na sa akin ang number mo.” sabi pa ni Gabby saka kinuha kay Harold ang cellphone nito.
“Please, sa ating dalawa na lang itong usapan na’to. For sure mapapagalitan ako pag nalaman nila ito. This is a challenge to our principles, nagkataon na lang na I haveno choice but to do this.” sabi pa ni Harold.
“Joel, pakitawagan ang Presidente ng union na they will be having a meeting with me tomorrow.” utos ni Gabby kay Joel at agad naman itong sinunod.
“Wait! Ihinto mo!” sabi ni Harold kay Gabby.
“But why?” nagtatakang tanong ni Gabby.
“Sina Sean ata iyon.” sagot ni Harold.
“Nick, pakihinto na lang sa tapat nung tinuturo ni Harold.” utos ni Gabby.
“Sean!” sabi ni Harold pagkababa ng window.
“Harold!” masayang tugon ni Sean. “Sino iyang kasama mo?” tanong ni Sean sa binata sabay nguso kay Gabby na nasa kabilang dulo.
“Mamaya ko na sabihin pagkababa ko.” sagot ni Harold saka nagpasintabi kay Joel na pagbuksan siya.
“No!” tutol ni Gabby. “Hindi ka bababa at kami naghahatid sa’yo.” sabi ni Gabby. “Nick, paandarin mo na.” utos pa niya sa driver.
“What the!” nasabi ni Harold. “Hayaan mo na akong bumaba!” sabi pa ni Harold.
“Pag ba bumaba ka akal mo nababawasan ang utang mo?” tanong ni Gabby.
“Hindi pero ayaw mo nun mawawala na ang maingay mong kasama.” sabi pa ni Harold.
“Remember, ang usapan natin ihahatid kita hanggang sa inyo. Pag bumaba ka ngayon, sinira mo ang usapan and it means, pwede ko nang hindi ituloy ang meeting bukas.” pananakot pa ni Gabby.
“Talaga nga namang napakamalas na araw ang mayroon ako!” sabi ni Harold saka nagkibit-balikat na lang para matapos ang usapan.
Sa dorm inihatid ni Gabby si Harold. Dala ng traffic at rush hour, ay inabot din ng dalawang oras ang byahe ng mga ito.
“Hindi mo ba ako patutuluyin muna?” tanong ni Gabby kay Harold.
“Sorry! Bawal pumasok ang mga bwisit sa buhay ko dito.” sabi ni Harold saka pinagsarhan ng pinto si Gabby.
“Hoy! Iyong usapan natin!” pasigaw na sabi pa ni Gabby.
“Oo!” sumilip sa bintanang sagot ni Harold na nataon namang nakaakyat na sa second floor ng dorm niya.
Ilang sandali pa at natahimik na ang buong paligid.
“Hay nadali ang anim na libo ko dun ah!” sabi ni Harold saka kinuha ang ATM para mag-withdraw sa panggastos niya.
Pagkatapos mag-withdraw ay diretso siya sa opisina ng organisasyong kinabibilangan. Duon ay inabutan niya sila Kenneth, Sean at iba pang mga kasama.
“Sino bang may sabing harangin mo iyong kotse?” tanong ni Kenneth kay Harold.
“Sorry!” paumanhin ni Harold na hindi alam kung papaanong haharapin ang kahihiyan at pag-aalalang naidulot.
“Sa tingin mo ba iyang sorry nay an maririnig pa namin kung may nangyaring masama sa’yo? Paano na lang kung haling ang kaluluwa nun at sinagasaan ka? O kaya naman ay hindi ka na ibinalik dito o pinakulong?” tanong ni Kenneth.
“Paumanhin mga kasama! Hindi ko na uulitin sa susunod.” sabi ni Harold.
“Sige! Bilang ka-buddy mo at senior mo ako na ang magmomonitor at mag-oobserve sa disciplinary measure sa’yo.” sabi naman ni Sean.
“Kasama ka Sean sa under ng disciplinary measures. Ikaw ang ka-buddy kaya may responsibility ka din sa pagkawala niya.” sabi ni Kenneth. “Ako na ang magmomonitor sa inyo.” sabi pa nito saka lumabas ng opisina.
“Sorry Sean!” paumanhin ni Harold kay Sean.
“Ayos lang yun tol!” sabi ni Sean saka akbay sa binata.
“Guilty tuloy ako kasi pati ikaw nadamay.” sabi pa ulit ni Harold.
“Hindi din yan! Basta sa susunod, pakatino ka na.” sabi pa ni Sean.
“Sa susunod talaga!” pangako ni Harold.
“Naiintindihan naman kita eh! Four years ka na din kasi sa samahan pero first time mong sumama ng mob sa labas.” pagpapa-alis ni Sean ng guilt kay Harold. “Basta, next time, huwag kang lalayo sa akin ah.” sabi pa ulit ng binata. “Alam mo naman kung gaano ka ka-espesyal sa akin!” habol pa nito saka nginitian si Harold.
“Oo, alam ko!” sagot ni Harold. “Alam kong ako ang kapatid mo dito, sabay tayong nagsimula sa samahan, madami na tayong pinagsamahan, at ako ang tinuturing mo na bunso kahit magka-edad lang tayo.” litanya pa ni Harold na ginantihan ng ngiti si Sean.
“Very good!” sabi ni Sean saka inakbayan ang kaibigan at hinatid na pauwi ng dorm nito.
Samantalang si Gabby –
Malalim na pag-iisip ni Gabby habang nasa veranda ng kanyang bahay at umiinom ng red wine. Sa isa niyang kamay ay hawak ang cellphone at nakatitig sa larawan ni Harold -
“My little star that started shining out,
Why did you open up my heart,
For a stranger that’s not in my set,
And he shines brighter than my cut.” sabi ng binata sa sarili.
“Hay!” napabuntong-hiningang sambit ni Gabby. “Kainis!” sabi pa niya habang nakatitig pa din sa larawan ni Harold.
“I know I’m not serious,
And I can’t but to believe,
That you and I were meant,
To share this love til end.” bulong ulit ni Gabby sa sarili.
“Alam mo naiinis na ako sa’yo!” sabi pa ulit ni Gabby saka dinuro ang picture ni Harold. “Bakit ba ginanito mo ako?” tanong pa ng binata sa waring nagsasalitang picture. “Yeah, I’m dual with my sexuality pero bakit sa tulad mo pa?” inis na tanong pa rin ni Gabby.
Agad na di-nial ni Gabby ang cellphone at –
“Harold!” sigang simula ni Gabby.
“Naman! Dis oras ng gabi nang-aabala ka!” sagot ni Harold.
“Magkita tayo bukas bago ako mag-meeting.” sabi pa ng binata.
“Pero…” kontra sana ni Harold.
“Pag hindi ka pumunta, walang meeting! 1pm, hintayin mo ako sa gate!” sabi pa ni Gabby saka pinindot ang end call.
“Gagong Gabby!” sabi ni Harold saka muling ipinahinga ang pagod na pagod niyang katawan.
“Harold! Harold! Harold!
The man with golden wings,
That I want to fly with,
And soar outside the universe.” sabi pa ni Gabby pagkababa ng tawag.
2 comments:
mukhang may aabangan na naman ako nito....hmmmmp pero hihintayin ko pa rin ang Boood heeee
OMG.....i can see the faces of harold and gabby in my mind......ang ganda emil....
Post a Comment