Terrified 12

Thursday, June 16, 2011

Author:Rovi/Unbroken
FB:iheytmahex632@gmail.com
BLOG:http://strangersandunbrokenangels.blogspot.com/

NOTE:Last chapter coming up!


Di ako mapakali sa mga narinig. Para bang napakalaking coincidence ng mga sinabi ni Mikey. Alam kong malaki ang mundo, maraming tao, maraming magkakapangalan, pero I wonder bakit parang iba ang dalang kilabot sa akin ng aking mga nalaman.

Patuloy ang aking pakikipagbuno sa aking walang labang kama. Hindi ko alam. Ramdam ko na mulat na mulat ang aking diwa dahil na rin sa jamming kanina. Di rin maitatanggi ang confusion na aking nararamdaman dahil sa mga nasabi ni Mikey tungkol sa kasong hinahawakan ng kayang barkada. Hindi ko na alam.

Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag sumama ako kay Raf bukas. I don't know kung tama ba, pero ang alam ko ay gusto kong gawin ang mga bagay na ito, para na rin sa aking sariling kaligayahan. Kaligayahan na alam kong hindi mabibigay sa akin ng iba, kundi si Raf lamang.

Patuloy ako sa pagiisip ng mga bagay-bagay. Pinipilit kong ayusin ang mga bagay na nakakapagpagulo sa aking isipan. Hindi ko alam, alam kong malaking confusion ang dala sa akin ng aking mga nalaman pero alam kong dapat ko pa ring ituloy ang aming mga plano para na rin sa aking kaligayahan, isang kaligayahang pangmatagalan.

Unti-unti, naramdaman ko ang pagbigat ng aking mga mata. Muli, ako ay nilamon ng walang hanggang kadiliman.





Nagising ako ng bandang 6 ng gabi. The usual thing na ginagawa ko pagkagising, agad kong tinignan ang aking cellphone. Nakita ko ang 6 missed calls ni Raf sa akin. Nakaramdam ako ng kakaiba, malamang ay emergency kaya nakailang beses sya ng tawag sa akin. Nabasa ko rin ang ilang mga mensaheng nagmula sa iba-ibang tao.

Isa kay Kath:

“I hope we could still fix some things. Sana naman di natin hayaang mawala ang relasyon natin. Ilang taon din yun. I hope we could fix things. If not, sana lang bigyan mo ako ng isang matinding dahilan Jared. Mahal na mahal pa rin kita.”

Upon reading the message, nakaramdam ako ng guilt na kumurot sa aking puso. Alam ko ang lahat ng pinagdaanan namin. Sa t'wing nagbabalik tanaw ako sa aming mga nakalipas, naiisip ko na hindi makakailang si Kath nga ang isang babaeng dapat mong mapangasawa. 

Ako ay napabuntong-hininga.

Nanatili akong nakatitig sa kanyang mensahe. Di ko alam ang aking gagawin. Magrereply ba ako? O buburahin ko nalang? Ramdam ko ang dahan-dahang pagbigat ng aking dibdib. Tumulo ang luha ng pagsisisi. Alam kong nasaktan ko ang babaeng nagparamdam sa akin ng tinatawag na “unconditional love”. 

Sino ba dapat? Sino ba talaga? Pag pinili ko ba si Kath magiging masaya ako? O si Raf talaga ang makakapagpasaya sa akin? Hindi ko alam.

Ilang segundo pa, ramdam kong unti-unti ng gumagana ang aking reflexes. Namalayan ko nalang na dina-dial ko nalang pala ang numero ni Kath. Narinig ko ang ring ng kanyang cellphone, mas lumakas ang kabog ng dibdib ko. 

Nakakailang ring na pero wala pa ring sumasagot. Hindi ko alam kung ibaba ko na o hindi. 

“Hello?”

“Ka-Kath.”

“Jared.”

Ramdam ko ang lungkot sa boses nito. 

“Sorry sa lahat.”

“Di na ba talaga kaya? I mean di mo na ba talaga ako mahal?”

I felt despair sa kanyang mga salita. Di ko maiwasang hindi lalong ma-guilty. Alam kong sa loob ng ilang taon ay sa akin nya lang pinaikot ang mundo nya.

“Kath. I really love you. Pero I think this has to end.”

Nakarinig ako ng mabagal na hininga sa kabilang linya. Alam kong iiyak si Kath. Alam ko.

“Bakit Jared? Pwede mo bang sabihin kung bakit? Pwede ko bang malaman? Ilang taon tayo Jared. Ilang taon.”

Dinikdik nya ang “Ilang taon” sa aking tainga. Alam ko, pero hindi ko alam kung bakit nagawa ko pang magloko.

“Kath, I'm giving you the greatest respect. Sinasabi ko sayo na nakikipaghiwalay ako ng maayos. Mahal kita pero di ko na gustong magpakasal pa tayo.”

Rinig ko na ang marahang paghikbi nya sa kabilang linya.

Bumigat ang dibdib ko. Pinipigil kong umiyak.

“Kath, para din sating dalawa ito.”

“Hindi eh, sa nakikita ko para sayo lang to Jared. Selfish ka! Selfish! Paano ako? Pinaikot ko ang sarili ko sayo. Hindi ako nagloko Jared. Tapos sasabihin mo sakin ngayon na ayaw mo na magpakasal sa akin?” umiiyak nitong sabi

“Maniwala ka sakin, para na rin sa ikabubuti natin to.”

“Sabihin mo sakin ang dahilan.”

Tahimik.

Humugot ako ng isang malalim na hininga. Hindi ko alam kung ito ba ang tamang oras o panahon para malaman nya ang lahat. Pero parang pagkakataon na rin ito.

“Jared, tell me.”

“Kath. I'm in love with someone else.”

“Jesus Christ.”

Tila bombang sumabog, ramdam ko ang pagmumura ng kanyang sugatang puso.

“Ka-kanino?”

“Someone you don't know Kath.”

“Let me know her.”

Ramdam ko ang sakit, desperasyon at galit sa kanyang tono. Parang kape, 3-in-1.

“Him.”

“Ha?”

“Yes. Him.”

“I can't believe it.”

Patuloy ng humagulgol si Kath sa kabilang linya. Tinapos ko na ang tawag. 

Muli, binagsak ko ang aking katawan sa kama.




Isang mensahe ay nagmula kay Mikey:

“Kuya, I miss you. Ingat ha? Alam mo na ang panahon ngayon. Sorry nga pala kung napaalala ko pa sa'yo yung Raf na yon ha? Curious lang naman ako ng husto. Magkita tayo mamaya. Let's have some coffee.”

Mikey never failed to make me smile every time. Ang pagiging malambing nya ang isa sa mga bagay na nagreremind sa akin na mayroon akong pamilya. Agad akong sumagot sa kanyang mensahe.

“Mikey, I might not see you for a while. May mga aayusin lang. Mag-iingat lagi. Let's keep communication constant.”

Lumipas ang ilan pang minuto, wala syang reply.


I scanned messages again at nakita kong may isang mensahe si Raf:

“I'll be selling this phone so wag ka ng magrereply. Aasahan kita mamaya sa napagusapan nating lugar. Same time, 12:30 ng madaling araw. Sa crossing. Humanap ka ng lugar na di tayo agad makikita. Aasahan kita Jared. Mahal na mahal kita.”

Nataranta ako pagkabasa ko ng mensahe. Bakit kailangan nyang ibenta ang phone nya? Anong meron? At bakit parang ang weird ng dating ng kanyang mensahe sa akin? Alam kong normal na mensahe lang naman. Pero? Weird.





7pm. Di ako mapakali. Palakad-lakad ako. Di ako mapalagay kakaisip. 

Naisip ko lang, mula ng bumalik si Raf, hindi sya nagpaliwanag kung saan ba sya nagpunta. Tinanong ko kung ano ba talaga, pero wala syang paliwanag na binigay. Hindi ko alam kung bakit parang hinayaan kong di masagot lahat ng tanong ko. May karapatan naman akong magtanong, pero parang ang lakas ng boses nya, masyado nya akong nauunder. Ganoon ako katanga pagdating sa kanya. Para syang demonyong nagdidikta sa uto-utong tulad ko.

Maraming mga katanungan sa isip ko. Pero I never dared ask him any. Ang alam ko lang ay masaya akong nagbalik sya at naituloy namin ang mga dapat ituloy. Alam kong mali, pero hindi ko alam kung susunod ako. Ganoon ba ang pagmamahal?




9pm. Nagdadalawang-isip ako sa plano. Ano ba ang dapat kong gawin? Tutuloy ba ako o hindi? Half-hearted.

Ilang segundo pa ay narinig kong nagriring ang aking cellphone. Nakita kong landline ang tumatawag.

I instantly grabbed it.

“Hello?”

“Jared? Nasaan ka?”

I tried to identify kung sino.

“Jared?”

Si Raf. 

“Raf? Nasa bahay. Bakit?”

“Pumunta ka na ngayon?”

“Ha? Akala ko ba 12:30 pa?”

“I said now.”

“Ha? Bakit ganoon? Akala ko ba 12:30? Di pa ako nakakapagayos.”

“Wala akong pakialam. Ang sabi ko ngayon. Kaya whether you like it or not. Pupunta ka dito.”

“Raf naman!”

Bigla nyang pinutol ang aming usapan.

Napatingin ako sa aking cellphone. 

Isang malalim na buntong hininga.


I T U T U L O Y. . .

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP