DAGLAT presents: SEE LAU II part 4

Friday, June 24, 2011

Ikaapat na Bahagi: /ee-ka-a-pat/ - /na/ - /ba-ha-gee/

Uno – Dos – Tres – Kwatro

“Please Martin! Pumayag ka na.” pamimilit ni Danielle kay Martn mula sa kabilang linya.

“Friend! Hindi ko kaya yun.” sagot ni Martin.

“Laki ng panghihinayang ni Boss sa’yo.” sabi pa ni Danielle.

“Friend, ganito, pag pumayag si nanay, go ako.” sagot ni Martin matapos lang ang usapan nilang magkaibigan.

“Sabi mo ‘yan friend ah.” tila naging maligaya ang tinig ni Danielle sa sagot nia iyon ni Martin.

“Martin Mahal, sino iyong tumawag?” tanong ni Fierro kay Martin.

“Si Danielle, pinipilit akong sumali dun sa contest nay un.” tugon ni Martin.

“I told you, sumali ka na kasi.” pamimilit ulit ni Fierro.

“And I told you na huwag mo na akong piliting sumali dun!” biglang simangot na sabi ni Martin.

“Asus!” sabi ni Fierro saka niyakap mula sa likod si Martin.

“Sama ka sa akin mamaya ah.” pakiusap ni Martin kay Fierro.

“Saan naman?” tanong ni Fierro na walang maalalang lakad ni Martin.

“Huwag ka nang magtanong basta samama ka sa akin mamayang gabi, 9pm at formal attire.” pamimilit ni Martin sa binata.

Kinagabihan –

“Ang tagal!” yamot na sabi ni Martin habang hinahantay si Fierro.

“Martin!” tawag ni Jayson mula sa likuran.

“Jayson!” sagot ni Martin. “Saan na si Fierro?” tanong pa ng binata.

“Sandali lang daw, saka maaga pa naman daw kasi.” sagot ni Jayson.

“Ganun ba? Pwede ko bang akyatin?” tanong ni Martin kay Jayson.

“Kaya nga ako pumunta dito kasi pinapasundo ka ni Sir Fierro.” nakangising turan ni Jayson. “Sabi niya din, huwag ka daw aakyat dun hangga’t hindi mo naisusuot itong pinadala niyang damit.”

“Loko talaga iyon.” sabi pa ni Martin.

Maya-maya pa at umakyat na nga si Martin sa tass kung nasaan ang Kuya Perry niya –

“Martin.” nausal ni Jayson na nanlalaki ang mga mata.

Inikot ni Fierro ang swivel chair niya paharap kay Martin nang marinig niyang tinawag ito ni Jayson.

“Martin.” laki nang paghangan na nasabi ni Fierro saka tumayo.

“Kuya Perry.” mas higit ang paghangang nasabi ni Martin.

“Tara na!” simpatikong aya ni Fierro kay Martin saka abot sa kamay nito.

“Let’s go!” sagot naman ni Martin saka inabot ang palad ng katipan.

Nakasuot si Martin ng puting coat na may lining na kulay itim at gray, na tinernuhan ng puting pantalon at ang panloob naman nito ay kulay pink na Chinese collared at may kulay brown na ribbon sa leeg. Bagong gupit at ayos na ayos ang buhok nito na bumagay sa itsura ni Martin, lalong tumingkad ang mala-anghel nitong mukha at kagwapuhan.

Si Fierro naman ay nakasuot ng kulay itim na coat na may lining na puti at may burdang kulay gray at tinernuhan din ng kulay itim na pantalon. Kulay pula naman ang panloob ng binata at kulay brown din na necktie. Tulad ng pangalan niyang Fierro ay napag-aalab din ang karakter ni Fierro sa suot niya at napag-alab din nito ang kagwapuhan ng binata. May naging simpatico at kaaya-aya ang anyo nito na mas naging kahali-halina.

“Wow! Nice couple!” maibulong ni Jayson sa hangin.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Fierro kay Martin.

“Puntahan mo na lang itong restaurant na’to.” komento pa ni Martin.

“Good evening Martin!” simulang bati ni Cris kay Martin pagkapasok nito sa loob ng Guilbert’s Place (Local Restaurant sa Plaridel, malapit sa Sta. Rita at Rocka).

“Sinong kasama mo?” tanong pa ng binata kay MArtin.

“Martin, tara na!” sabi naman ni Fierro na bagong pasok sa loob.

“Cris!” muling nasabi ni Fierro nang makita ang kausap ni Martin. Kita sa mukha nito ang pagkabigla ngunit pinilit niyang magpakapormal pa din.

“Fierro?” nagulat na sabi ni Cris. “Anung ginagawa mo dito?” tanong pa niya.

“Sabi mo kasi magsama ako, kaya sinama ko si Kuya Perry, hindi pwede si nanay kasi maaga ang pasok niya bukas kaya si Kuya Perry lang ang naisama ko.” salong paliwanag ni Martin kay Cris.

“Halina kayo.” walang nagawang sabi ni Cris na inaya ang dalawa papasok.

“Ma, Pa, I want you to meet Martin.” pakilala ni Cris kay Martin sa mga magulang niya.

“Martin, my parents.” sabi pa ulit ni Cris.

“Nice meeting you ma’am!” nakangiting bati ni Martin.

“Nice meeting you Martin.” sagot naman ng ginang. “Sino iyong kasama mo?” tanong pa nito sabay aninag sa nasa likurang si Fierro.

“I am with my brother, Fierro.” pakilala naman ni Martin.

“Good evening Uncle and Tita!” pilit pinatatag ang sariling turan ni Fierro.

“Percival!” madiing anas ng ginang.

“Yes Ma! Si Perry.” sabi ulit ni Cris.

“Wait, may ano?” naguguluhang singit ni Martin.

“Sorry Martin kung hindi ko nasabing half-brother ko si Cris.” pauna nang hingi nang paumanhin ni Fierro.

“So, another trick mula sa inyong dalawa?” pilit ang ngiting tanong ni Martin kay Fierro.

“Definitely not!” salo ni Cris sa tanong.

“Upo na muna kayo.” sabi pa ng matandang lalaki sa kanila.

Pilit na pinahupa ni Martin ang sariling emosyon saka may pilit na ngiting umupo. Samantalang si Fierro naman ay hindi alam kung papaano papakiharapan ang mga taong sanhi nang paghihirap nilang mag-ina. Hindi pa siya handa para makita ang mga ito at wala pa sa plano niyang makaharap ang mga ito.

Matapos ang ilang sandal –

“Excuse me for a while.” pasintabi ni Martin sa mga ito.

Sinundan naman siya agad ni Fierro –

“Martin, sorry, sasabihin ko din naman lahat sa’yo.” paliwanag ni Fierro kay Martin.

“Sorry Perry, pero teka lang, magmove-on muna ako sa kalokohan ninyo ni Cris.” sagot ni Martin.

“Please Martin pakinggan mo muna ako.” pamimilit ni Fierro kay Martin.

“Ano ba ba ang sasabihin mo? Ano pa ba ang hindi ko alam? Ano pa ba ang dapat kong malaman? Ano pa banag ang mga itinatago mo? Ano pa ang mga kasinungalingan ninyo?” tanong ni Martin na kita ang pagpipigil ng luha.

“Listen to me!” saad ni Fierro saka tinitigan sa mga mata si Martin. “All I need is your trust! Sasabihin ko din sa’yo lahat.” sinserong saad pa ng binata.

“Bakit hindi pa ngayon?” tanong ni Martin.

“Dahil hindi pa panahon.” sagot ni Fierro.

“Malalaman ko din naman yan, sasabihin mo din naman yan, bakit hindi pa ngayon?” tanong pa ulit ni Martin. “Ano to? Sa susunod mukha ulit akong tanga, tulad ngayon?” giit pa ulit ni Martin.

“Trust me Martin!” pakiusap ni Fierro.

“How can I trust you? Wala na akong reason para paniwalaan ka.” sabi ni Martin.

“You love me, right?” tanong ni Fierro.

Tango lang ang sagot ni Martin.

“That is enough para pagtiwalaan mo ako.” nakangitng sabi ni Fierro.

“Ewan ko Perry! Oo, mahal kita, pero nahihirapan akong kumuha ng dahilan para pagtiwalaan ka. Illogical and fallacious iyong sinsabi mo.” sabi pa ulit ni Martin saka iniwan s\mag-isa si Fierro.

“Martin!” tawag ni Fierro.

“Fierro.” tawag naman ni Cris kay Fierro pagka-alis ni Martin.

“Ano ba ang balak mo Cris?” singhal ni Fierro kay Cris.

“Sirain ang buhay mo!” sagot ni Cris dito.

“Gago ka! Hindi pa ba sapat na winalanghiya ninyo ang buhay namin ni Mama?” tanong ni Fierro dito.

“Hindi pa tol! Kung alam mo lang kung anung hirap ang nangyari kay mama nung ipagpalit kami ni Papa sa inyo!” paninisi pa ni Cris.

“Nasa inyo na si Papa di ba? Dapat masaya ka na.” sabi naman ni Fierro.

“Oo, ibinigay nga ninyo sa amin si Papa pero lantang gulay na siya nuon, hanggang ngayon langtang gulay pa din.” sumbat pa ulit ni Cris.

“Kaya ba ipinagpalit na ng mama mo si papa kay Tito Bobi?” balik panunumbat naman ni Fierro. “Malandi din iyang mama mo! Komo ba wala nang mapapakinabangan kay papa, lalandiin naman niya iyong kapatid ni papa?”

“Wala kang karapatang lapastanganin si mama!” sabi ni Cris sabay bitaw ng suntok kay Fierro.

“Puta! Ikaw! Kayo ang nagsimula nito!” ganting suntok ni Fierro na nagpabuwal kay Cris. “Ibinalik na namin sa inyo si Papa, kahit ipagpilitan naming kami na ang mag-aalaga ayaw ninyong pumayag! Ipinasara ninyo iyong eskwelahang minana ni mama sa lola niya at higit pa, ibinaon ninyo kami sa utang na kayo naman ang may gawa! Namulubi kami sa U.S., dahil sa inyo!” ganting sumbat pa ni Fierro.

“Mang-aagaw kasi ang mama mo!” sabi ni Cris. “Maninira siya ng pamilya!” sabi pa nito saka kinuwelyuhan si Fierro.

“Tandaan mo Cris! Mas matanda ako sa’yo at di hamak na mas nauna si mama kaysa sa mama mo! Nagkataon lang na malandi iyang nanay mo!” sagot ni Fierro saka tulak kay Cris palayo.

“Gago!” sigaw ni Cris saka muling sinalubong ng suntok si Fierro.

Nakailag si Fierro sa suntok na iyon kaya naman dumausdos si Cris pababa at tumama ang tagiliran sa dingding.

“Matakot ka na Cris! Mararanasan mo kung ano ang ginawa ng pamilya mo sa amin ni mama! Kukunin ko ulit si papa sa inyo. Humanda ka! Malapit nang magsimula ang lahat!” pagbabanta pa ni Fierro.

“Hindi mo magagawa iyan! Kukunin ko muna sa iyo si Martin!” ganting banta ni Cris sa kapatid.

Sa sinabing iyon ni Fierro ay nakaramdam siya ng takot para sa katipan. Oo, naalala niya, anung balak ni Cris kay Martin at dinidiskartihan ito ng kapatid.

“Tigilan mo na din kami ni Martin!” madiing pag-uutos ni Fierro.

“Simulan mo nang bumilang ng araw at baka paggising mo wala ng Martin sa tabi mo.” wika pa ni Cris saka isang nakakagagong tawa.

Agad na lumabas si Fierro saka tinungo si Martin. Hinablot niya ang katipan at wari ba na walang nakakakita.

“Martin! Halika na!” madiin n autos ni Fierro dito.

“Ano ba Perry!” tutol ni Martin.

Anumang pagpupumiglas ang gawin niya ay baliwala ito sa lakas ni Fierro kaya naman madali siyang naisakay nito sa kotse.

“Ano ba ang problema Perry?” galit na tanong ni Martin dito.

“Mag-resign ka na kila Cris! Sa akin ka na magtrabaho. Asikasuhin mo na lang iyong Construction Company natin.” utos pa ni Fierro.

“Bakit ko gagawin iyon?” sarkastikong tanong ni Martin.

“Basta! Huwag ka na lang magtanong!” galit na sigaw ni Fierro kay Martin.

Kahit umaandar ang kotse ay pilit itong binubuksan si Martin.

“What the hell are you doing?” tanong ni Fierro kay Martin.

“Just choose, you’ll stop the car and let me out or I’ll jump!” buo ang loob na tanong ni Martin.

“Sorry Martin!” paumanhin ni Fierro saka inihinto ang kotse. “Pag-usapan na lang natin muna to.” pagsusumamo pa ng binata.

“Mamaya na lang tayo mag-usap sa bahay. Hahanap muna ako ng dahilan para pagtiwalaan ka.” malungkot na sinabi ni Martin saka bumaba.

“Martin.” tanging nasabi ni Fierro na nangingilid na sa mga mata ang luha.

Alas-dose, ala-una, alas-dos, alas-tres, alas-kwatro, alas-singko, hanggang sa makatulog na ang kawawang is Martin ay wala pa ding Fierro na umuuwi sa kanila. Naka-ilang text na din siya sa katipan na nagsasabing umuwi na ito at nakakailang tawag na din siya dito subalit hindi sumasagot o nagrereply. Lungkot! Tanging damdaming may puwang kay Martin, isang pinaghalu-halong emosyon na sa pagsusuma ay lungkot ang sagot.

Ala-una na ng hapon nang magising si Martin subalit walang Fierro na nasa tabi niya, wala ding Fierro na nagtetext o nagpaparamdam sa kanya. Walang anu-ano ay tila may sariling buhay na tumulo ang luha sa kanyang mga mata. May kung anung damdaming nagtulak sa mga luhang iyon para kumawala sa kanya.

“Tinanghali ka na ng gising.” bati ng ina ni Martin sa kanya at sa kanyang pagkagulat ay may mga bisita sila.

“Hinintay ko pa kasi si Kuya Perry eh.” paliwanag naman ni Martin na tila walang pakialam sa mga bisita nila.

“Kuya Martin!” sabi naman ni Gelo na hinahatak ang shorts ng binata. “Isasali ka daw nila sa contest.” sabi pa ng bata.

Biglang lingon si Martin sa mga bisita nila at ngayon niya napagtanto na may isang pamilyar na mukha duon at ito ay ang head organizer ng contest na tinatanggihan niya.

“Danielle told me na kung papayag ang nanay mo, papayag ka na ding sumali.” sabi pa ng head organizer. “Gladly, kasasabi lang niya ng oo bago kau gumising.” nakangiti pa niton sabi.

“Huh!” biglang lingon si Martin sa ina at tumango lamang ang matanda.

“It’s final and official, you’re our 24th candidate.” sabi pa nito.

“Si Danielle?” agad na hinanap ni Martin ang kaibigan.

“Sabi niya may inaayos lang daw siya.” sagot ng head organizer.

Matapos sabihin lahat ng detalye at impormasyon tungkol sa contest ay umalis na din ang organizers ng Ginoong Lakambini sa bahay nila Martin.

Binuksan ni Martin ang binigay sa kanyang papel ng mga ito at binasa.

“A change of format in male pageantry, Ginoong Lakambini will showcase that Adam as a creation is not limited into the stereotyped casts. This will change the landscape of male pageantry that real men wore dresses and other female suites yet re-discovering the beauty not only in the physical but more off, the inner sanctity.” sabi sa Mission ng Ginoong Lakambini.

“Homosexuals, especially the cross-dressers are not allowed to join the contest.” ito ang nasa unang requirement kung papaano makakasali sa contest.

“Candidates must be willing to wear long gowns, dress, wig and other accessories that will make him look like a female.” ito ang nasa ikalawang requirement.

Itutuloy pa sana ni Martin ang pagbabasa ng dumating si Fierro sa kanila. Agad siyang niyakap ng kasintahan at siniil ng halik sa mga labi.

“I love you Martin!” sabi ni Fierro na naluluha.

“I love you more!” sagot naman ni Martin na walang pagsidlan ang kaligayahan at tuwa. Muli niyang naramdaman ang kapanatagan sa nakitang ligtas at kasama na niya muli si Fierro.

1 comments:

Jayson June 24, 2011 at 10:19 PM  

weeeh more to come.....hehe

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP