DAGLAT presents: SEE LAU II part 3

Tuesday, June 21, 2011

Ikatlong Bahagi: /ee-kat-long/ - /ba-ha-gee/
I – II – III – IV

“Good Morning nay!” masayang bati ni Fierro sa nanay ni Martin isang umaga ng sabado.
“Good morning Fierro.” ganting bati ng ginang sa binata. “Si Martn? Tulog pa ba?” tanong pa nito.
“Opo eh.” sagot nito. “Sino poi yang bata nay an?” tanong pa ng binata sa matanda ng makita ang batang nakaupo sa sofa.
“Anak ko.” nakangitng sagot ng matanda.
“Anak? Kapatid ni Martin?” paninigurado ni Fierro na napakamot pa sa ulo.
“Hindi pa ba nasabi sa’yo ni Martin na may kapatid na siya?” tanong ng ginang. “Alam ko naman kasing hindi ninyo ako mabibigyan ng apo ni Martin kaya inampon ko na lang itong anak ng pinsan ko.” nakangiti pa nitong paliwanag.
“Sorry po nanay!” nalungkot na pahayag ni Fierro sa ina ng kasintahan.
“Para saan ang sorry mo anak?” tanong naman nito.
“Kasi ako po ang dahilan kung bakit hindi kayo magkakaapo.” sagot ng binata.
“Hay, ikaw na bata ka. Hindi mo kailangang humingi ng sorry, tandaan mo na mula nang tanggapin ko ang tungkol sa inyo ni Martin ay tinaggap ko ang lahat ng posibleng mangyari. Mas mahalaga sa akin kung papaano magiging masaya ang kaisa-isa kong anak.” paliwanag pa ng matanda.
“Nanay!” malambing na wika ni Fierro saka niyakap ang matanda.
“Kita mo ngayon, dalawa na kayong anak ko.” sabi pa nito. “Basta mahalin mo ang anak ko Fierro. Ipinagkakatiwala ko na sa iyo si Martin.” paalala pa ng matanda.
“May ano at yakap mo si nanay?” bati ng pupungas-pungas pang si Martin.
“Wala hijo!” sagot ng matanda.
“Asus! Si nanay, nakikiyakap lang kay Kuya Perry.” nakangising sabi pa nito.
“Kuya Martin!” sabi ng bata habang hinahatak ang short ni Martin. “Sabi kasi ni nanay kay manong ipinagkakatiwala ko na sa iyo si Martin kaya niyakap ni manong si nanay.” kwento pa ng bata.
“Ikaw Gelo ka! Kay bata mo pa chumichismis ka na.” namumulang sabi ni Martin sabay gulo sa buhok ng bata.
“Gelo hijo! Siya si Kuya Fierro mo, ang isa mo pang kuya.” sabi naman ng matanda kay Gelo.
“Siya po pala si Kuya Fierro.” sabi ng bata saka tumingin kay Fierro. “Mas gwapo nga siya kay Kuya Martin.” tumatawang sabi pa nito na halatang inaasar ang bagong bangon na si Martin.
“Kay aga-aga namumuwiset ka.” tugon ni Martin.
“Totoo naman eh!” sagot ni Fierro saka buhat sa batang si Gelo.
“Naku! Magkampi na kayo.” tugon ni Martin.
“Bilisan mo ang kilos Emartinio at baka malate tayo sa orientation ninyo.” paalala ni Fierro sa kasintahan.
“Hala! Nalimutan ko na ngayon nga pala iyon.” napakamot sa ulong wika ni Martin.
“Ngayon iyong briefing kaya dapat nandun ka.” sabi pa ni Fierro.
“Saan ba ang lakad ninyo?” tanong naman ng matanda.
“Gaganti lang po kay Martin.” nakangiting turan ng binata.
Sa orientation –
“Martin, ready ka na ba? Find your seat kasi ipinagreserve ko na kayo.” simulang bati ni Danielle kila Martin at Fierro.
“Thanks Dan.” pasasalamat ni Fierro sa dalaga.
“Okay guys!” simula ng head organizer. “It took us long period of time para i-conceptualize itong male pageant na’to, nahirapan din kaming makahanap ng mga candidates na sa tingin namin ay deserving maging unang title holder. Yeah, masalimuot ang pinagdaanan pero ito na, ang katuparan ay malapit na para sa kauna-unahang...” masayang paglalahad pa nito.
“What?!” malakas na reaksyon ni Martin hindi pa man natatapos sabihin ang pangalan ng patimpalak.
“Is there any problem Sir?” tanong ng organizer kay Martin.
“Can you please clarify things sir? Honestly, I’m clueless!” tugon ni Martin.
“Okay kiddo I’ll explain.” sabi pa ng organizer.
“What? Do I really need to do that? Goodness! Anung kalokohan naman ba itong pinasok ko?”patuloy na pag-iisip ni Martin na hindi kayang isipin ang kung anuman ang napasukan. “This can’t be! Malabo, quit na ako.” saad pa ng isip niya.
Napansin naman ni Fierro ang naging reaksyon ng kasintahan kaya naman agad niya itong tinapik at binulungan.
“Ayos ka lang ba?” tanong ng nag-aalalang si Fierro.
Isang matalim na titig ang ipinukol ni Martin dito bago magsalita –
“You have to explain!” madiin pa nitong sabi na nagpatahimik kay Fierro.
“Any questions?” paglilinaw ng organizer.
“Can I quit Sir?” tanong ni Martin.
“Martin!” nausal ni Danielle sa naging desisyon ni Martin. “He’s kidding Sir!” sabi naman ni Danielle sa head organizer.
“I’m serious Sir!” pamimilit ni Martin.
“Why?” tanong ng organizer. “Not to bother anyone but I can see you kid holding the title.” komento pa nito.
“For some personal reasons sir.” sagot naman ni Martin saka tumingin kay Danielle at Fierro.
“Okay, but If ever you changed your mind we are willing to accept you.” nakangiting sabi pa nito.
“Thank you for understanding.” balik na sagot ni Martin saka humakbang palabas.
“Martin!” habol ni Fierro sa katipan.
“Bakit mo naman hindi sinabi sa akin na ganito pala ang gagawin ko dito?” tanong ni Martin kay Fierro. “Do you think that nanay will be happy if she will see me under that spotlight?” tanong pa ni Martin dito.
“Sorry Martin.” sinserong paumanhin ni Fierro. “I just thought that you’re ready for this. Gusto ko lang ipakita sa lahat ang other side ng sweet, charming and loving Martin.” paliwanag pa ni Fierro saka hinawakan sa kamay si Martin.
“You’re forgiven! Pero sana mahal, huwag mo na akong pilitin na sumali dun.” pakiusap ni Martin kay Fierro na wari bang lumambot ang puso niya sa pakiusap ni Fierro.
“Swear!” nakangiting tugon ni Fierro saka niyakap si Martin.
Kinagabihan ay kila Martin ulit natulog si Fierro –
“Alam mo mahal, gusto ko ng magka-anak.” simula ni Fierro kay Martin.
“Loko!” sagot ni Martin saka binatukan si Fierro.
“Totoo! Gusto kong magka-baby.” pilit ulit ni Fierro. “Iyong papalakihin at aalagaan.”
May tila kurot kay Martin sa sinabing iyon ni Fierro. May isang bagay na wari niya ay sumampal sa kanya. “Eh di mag-ampon tayo.” tanging nasabi ni Martin.
“Gusto ko iyong ako talaga ang gagawa. Iyong sarili kong anak.” giit pa ni Fierro.
“Mag-asawa ka ng babae.” matamlay na sabi ni Martin na sa totoo lang ay may isang damdaming nais kumawala sa kanya.
“Ayoko rin! Maghihiwalay tayo pag-ginawa ko yun eh.” sabi pa ni Fierro saka niyakap si Martin.
“Naman! Ayokong may isang bata na naman na lumaking hindi buo ang pamilya.” sabi pa ni Martin.
“Magkano kaya ang bayad sa baby maker?” tanong na agad ni Fierro.
“Mangungunsinti ka pa ng masamang gawain.” sagot ni Martin na may pigil nang luha sa kanyang mga mata sa isiping may isang bagay na hindi niya kayang ibigay kay Fierro, isang anak.
“Forget about it Martin mahal!” sabi pa ni Fierro. “Tulog na tayo.” aya pa niya sa kasintahan. “Namiss kong yakapin ang asawa ko, kaya matulog na tayo.” saka hinigpitan ang pagkakayakap kay Martin at hinalikan sa noo.
Kinabukasan –
“Dude! This is it!” sabi ni Fierro kay Jules pagkadating sa opisina.
“Ready ka na ba?” tanong ni Jules kay Fierro.
“Matagal ko nang dapat ginawa to. This is it!” nakangiting sabi pa ng binata sa kaibigan.
“Goodluck bro!” saad ni Jules saka tapik sa balikat ni Fierro.
“Thanks!” sagot ni Fierro.
Samantalang si Martin –
“Miss nandiyan ba si Fierro?” tanong ni Martin sa isang saleslady na nasa loob.
“Si Sir Fierro po ba?” tanong ng dalaga kay Martin.
“Yeah, si Fierro nga.” nagtatakang sagot ni Martin.
“Nasa opisina po, dun sa taas.” sabi pa ng dalaga saka turo sa isang pintuang sa tingin niya ay may hagdan.
“Thanks!” sagot ni Martin saka tinungo ang lugar na sinabi sa kanya ng babae.
“Good Morning Sir Martin!” bati ni Jayson kay Martin saka sinabayan sa paglalakad ang binata.
“Magandang umaga Sir Martin!” bati ni Mark sabay sinabit ang smapaguitang hawak niya.
“Good Morning Sir Martin!” bati din ng guard kay Martin saka sinaluduhan ang binata.
Bumati din ang ibang empleyado ng mall kay Martin at bawat isa ay nagbibigay ng tig-iisang bulaklak, may rosas, orchids at tulips. Wala p;ang tao sa loob ng mall nang mga oras na iyon at sa tingin niya ay hindi pa ito nagbubukas.
Nakapila na ngayon lahat ng empleyado ng mall papunta sa pintuang tinuro sa kanya ng dalagang napagtanungan. Tila ba mga sundalo itong nagbibigay pugay sa kanyang pagdaan. Biglang may tumugtog, isang pamilyar na awitin.
“Only you can make this world seem right
Only you can make the darkness bright
Only you and you alone
Can thrill me like you do
And fill my heart with love for only you
Only you, only you can make this change in me
For it's true you are my destiny
When you hold my hand I understand
The magic that you do
You're my dream come true
My one and only you
Only you, only you can make this change in me
For it's true, oh baby you are my destiny
When you hold my hand I understand
The magic that you do
You're my dream come true
My one and only you”
Mula sa itaas ay may bumagsak na confetti na hugis puso at duon nakasulat ang mga titik na P.L.E. Naguguluhan at hindi alam ni Martin kung papaano magbibigay reaksyon. Pagkadatnig niya sa taas.
“Good Morning Mahal kong Martin.” bati ni Fierro saka inikot paharap ang swivel chair.
“Kuya Perry?” maikling tugon ni Martin na hindi alam kung papaano magbibigay reaksyon.
“I love you!” sabi ni Fierro na mabilis na nakalapit sa kinatatayuan ni Martin at saka ito ginawaran ng mainit na halik. “I love you!” ulit nito pagkabitaw sa maalab na halik na iyon saka niyakap ng mahigpit si Martin.
“Anung mayroon?” tila walang kaalam-alam na tanong ni Martin.
Isa-isang pumasok ang mga empleyado sa opisinang iyon ni Fierro. Tila isang koro na nagsalita – “Isang mensahe nang pagmamahal mula kay Percival Gutierrez para kay Emartinio Masungkal.” saka umawit ang mga ito.
“Ikaw ang pag-ibig ko
Ikaw ang buhay ko
Wala ng hihigit pa,
Sa makapiling ka
At makasama pa.
Ikaw ang pag-ibig ko,
Tanging ikaw ang buhay ko,
Wala ng mahihiling pa
Kung di panghabay buhay din
Ang pag-ibig mo.”
“Salamat dahil minamahal mo ako kahit na ano pa man ang naging katayuan ko sa buhay.” sabi ni Fierro. “Here, I’m sorry kung itinago ko sa’yo kung ano ang totoo. Alam kong hindi magtatagal at malalaman mo din ang lahat kaya bago mangyari iyon, uunahan ko na at aamin na ako sa’yo.” dagdag pa ng binata saka hawak sa pisngi ni Martin.
“What do you mean?” hindi magawang magalit ni Martin kay Fierro dahil mas lamang sa kanya ang saya dahil sa ginawa nito sa kanya.
“I love you and I will always love you!” sabi pa ni Fierro saka muling niyakap si Martin sa harap ng mga empleyado ng mall.
“Sir Martin! Wala bang sagot?” kantyaw ng mga empleyado.
Nakangiting napatingin si Martin sa mga ito at namumulang sumagot – “I love you too!”
Palakpakan ang lahat at saka matapos ang ilang minuto ay napag-isa sina Martin at Fierro.
“Sorry Martin! Sinadya ko ang lahat, mula nung unang araw na makita mo ako dito hanggang sa mga araw na hindi kita sinisipot, ang pagpapanggap ko.” simula ng paliwanag ni Fierro.
“Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa’yo mahal ko, pero mas lamang na masaya ako.” tugon ni Martin. “Tell me everything.”
“Hindi ako mahirap na umuwi ng Pilipinas tulad ng sabi ko sa’yo dati. Sa totoo lang ay pagmamay-ari ko na ang kalahati ng stocks ng mall na’to, may dalawang travel agency sa Manila at isang high class restaurant sa Tomas Morato. So far, biggest achievement ko ay nakuha ko na din ang construction company kung saan punung-puno ng alaala natin, ng ating kamus-musan dahil sa lugar na iyon bumabalik ang alaala ng batang pagmamahal ko sa iyo. Higit sa lahat, I want you to love me as Percival with nothing kaysa sa Percival with everything.”
“I don’t care kahit na ano pa man ang katayuan mo sa buhay, kung ano ang pagmamaya-ari mo. Mas mahalaga sa akin ang puso mo.” sabi ni Martin.
“I want to see if mabubuhay ko sa’yo ang dati mong pagmamahal sa akin kaya ilang beses kitang hindi sinipot.” paliwanag ulit ni Fierro na punung-puno ng sinseridad ang mga mata. “Pero higit pa, gusto kong masigurado kung pagmamahal ba tong nadarama ko bago ako tuluyang malulong sa damdamin ko. Kaya naman nang masigurado ko, hindi ko na pinalampas, kinausap ko na si nanay at humingi ng basbas.” kwento pa ni Fierro.
Napapangiti lang si Martin sa mga sinasabing iyon ni Fierro.
“Sa simula pa lang ay inalam ko na ang kilos mo, I hired an investigator to follow your daily activities, pinahanap kita at humingi ako ng tulong sa isang Philippine based background checker para subaybayan ka.” sabi ulit ni Fierro. “Patawarin mo ako Martin.” pagwawakas ni Fierro saka iniluhod ang isang tuhod sa harap ni Martin.
“I told you!” sagot ni Martin saka itinatayo si Fierro. “Mas lamang na masaya ako kaysa sa galit.”
“Talaga?” tanong ni Fierro.
“Opo!” sagot ni Martin. “Alam mo bang si Cris, iyong boss ko, nagpanggap din iyon na kunduktor para daw maging kaibigan ako.” sabi pa ni Martin. “Ewan ko, basta Percival, mahal na mahal kita.”
Ngiti lang ang reaksyon ni Fierro. “Si Cris? Ano ba talaga ang balak niya sa amin ni Martin? Bakit pa niya kailangan magpanggap at makipaglapit kay Martin! Hindi pa ba siya kuntento?” bulong sa isip ni Fierro.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP