Unexpected Love Chapter 18 (Jeffrey)

Tuesday, May 3, 2011

Guys.. heto na po ang next chapter ng UeL..

its all about Jeffrey.. some scenes are just a repeat sa mga past chapters but some are unique to his PoV.. sana magustuha ninyo...

dito na malalaman kung anu nga ba ni Jom si Jeffrey...

-3rd-
**************************************************


















Presenting
Mharveerick Reyes Garcia

as the Face of Jeffrey Orlene Micheal and Jeffrey Del Castillo
***********************************************************
Pagka labas ni Jam ng kwarto niya ay sinubukan ko siyag habulin pero wala na eh... tanging si manang na lang ang naabutan ko sa baba...
Manang: oh sir Jom kayo po pala... anu ginagawa ninyo diyan sa itaas?
Ako: ay sorry po, di po ako si Jom manang... bisita po ako ni Jam... ako nga po pala si Jeffrey Del Castillo...
Manang: ay ganun po ba? Kapatid nyu po ba si sir Jom?
Ako: hindi po... bakit nyu po natanong?
Manang: wala naman po.. pag pasensyahan nyu na po ha... sige po... mag aayos na ako dito at mamaya ay darating na sila Sir Anton at Mam Ana...
Ako: sige po, manang.. ahh.. eh... manang...
Manang: anu po iyon?
Ako: anung oras daw darating sila sir at mam?
Manang: ay di ko po alam.. pero siguro mamaya...
Ako: ganun po ba sige po... babalik na po ako sa taas...
Agad akong umakyat at nahiga sa kama ni Jam, doon ko napag masdan ng mabuti ito... maganda ito di tulad ng kwarto sa simbahan.. habang nag mu-muni muni ay doon narinig ko ang tunog ng busina ng isang kotse... siguro ay ang momy at dady na yun ni Jam.. agad naman akong bumangon para magpakita sa kanila...
Pag pasok nila sa bahay ay agad kong binati si sir anton ang dady ni Jam..
Ako: magandang hapon po Sir...
Anton: magandang hapon din hijo.. kailan ka dumating?
Ako: kanina lang po... madaling araw...
Ana: si Jam nakita mo ba?
Ako: opo.. siya po nag bukas sa akin. Gulat na gulat nga po eh...
Ana: asan na siya?
Ako: ay andun na po pumasok na...
Anton: oh isge.. diyan ka muna at mag papahinga lang kami ng asawa ko bago kita kausapin tungkl doon sa inaalok ko sayo...

Umakyat sa taas sina sir at mam, at ako namna ay di magkandamayaw sa tuwa dahil sa tulong sa akin ni sir anton ay dito na ako mananatili sa maynila at saka makakasama ko pa si Jam, sana lang ay matutunan niya akong mahalin.
Sa buong araw ay tinulungan ko si manang sa lahat ng gawaing bahay dahil sa sanay naman ako sa ganito, kahit na ayaw niya ay wala na siyang magagawa dahil sa nasimulan ko na. kaya sa buong araw ay iyon ang ginawa ko, inayos ko rin ang kanyang kwarto at naglagay ako ng mga surpresa sa kanyang kama para mamaya pag tulog niya ay malalaman niya at doon ako aakyat ng ligaw sa kanya.
Pero natapos na ang buong araw ay walang umuwing Jam, sinubukan kong siyang tawagan pero di sumasagot.. mag damag akong naghintay sa kanya pero wala parin.
Umaga na pero wala paring Jam.... nag aalala na ako sa kanya, di naman ganito ang Jam na nakilala ko sa simbahan. Kinausap ko na lang si manang para kahit papanu ay malibang ako habang nag hihintay sa kanya..
Ako: manang, ganito po ba yan si Jam...
Manang: anung ibig mong sabihin?
Ako: yung minsan di umuuwi..
Manang: minsan lang naman at alam na namin na kund di yan umuuwi si sir Jam ay nasa mga barkada niya iyon at doon natutulog or kaya naman ay andun yun kay sir Jom
Ako: sinong JOM?
Manang: best friend ni sir Jam, mula pag ka bata at sabay na nga sila halos lumaki..
Ako: di po ba nagagalit ang momy at dady niya lalo na di siya nag papa alam?
Manag: naku di na.... kilala nanaman kasi nila sir si sir Jom at talagang mabait na bata iyon..
Ako: ganun po ba? Teka manang malala ko...
Manang: an iyon?
Ako: bakit nyu po pala natanong saakin kahapon kung kapatid ko si yang Jom na yan?
Manang: kasi po kamuka niyo xa at pareho kayo ng apelyido kaya naisip ko baka kapatid nyo siya pero napag tanto ko ehh naiisang anak pala si sir Jom...
Ako: talaga po? Del Castillo din apelyido niya?
Manang: opo... at nag-iisang anak... iyon nga eh si mam anabeth na lang ang nag palaki sa kanya dahil sa iniwan sila ng kanyang ama noong siya ay batang bata pa...
Ako: ganun po ba... ako naman po ay iniwan ng aking papa sasimbahan sa tagaytay, nakita ako nila father na umiiyak at may hawak na sulat at doon na ako lumaki....
Manang: asan na ba ang iyon ama?
Ako: ewan ko po... patay na po siguro...
Manang: sige aali muna ako at mamamalengke... wala kasing kakainin mamaya sina sir baka mapagalitan ako..
Ako: sige po manang...
30 minuto pag kaalis ni manang ay narinig kong may kumatok sapintuan. Pag bukas ko ng pinto ay di ko alam kung anu ang gagawin ko... totoo ba itong nakikit ako sino ang kasama ngayon ni Jam at bakit ko siya kamukha? Di ako maka imik at narinig ko na lang na nag salita ang lalaking kasama ni Jam, at kita ko sa kanyang galaw ang pagiging sweet niya kay Jam di ko mapigilan ang mag selos dahil sa nikikita ko. Oo nakikit ako ang sarili ko sa kanya at ang pagiging sweet kay Jam pero iba ko at iba siya..
???: hi ako si Jom ikaw?
Ako: ako nga pala si Jeffrey Boyfriend ni Jam...
Di ko alam kung bakit ko iyon nasabi kahit na alam kong magagalit sa akin si Jam ay at least nasabi ko ang gusto ko, ang nararamdaman ko para sa kanya. Nakita ko rin ang pagkagulat sa kanilang dalawa pero mas ramdam ko ang galit na biglang bumalot sa taong kasama ngayon ni Jam, siguro ay nagseselos ito. Pero habang pinapakalma siya ni Jam at nagpapaliwanag ito ay bilaan nalang akong sinuntok ni Jom at saka pinag bantaan..
Jom: Hoy gago! Ayusin mo pananalita mo at di ako natutuwa sayo ha! Lokoloko ka, di mo kilala tinatalo mo.
Jam: Jom! Teka lang anu ba! Bakit mo yun ginawa?
Jom: Bkit Jam?! Totoo bang may relasyon kayo ng gagong ito?
Ako: Oo.. bakit?! Ikaw sino nga ba?
Jam: Jeffrey!! Gago ka ano ba sinsabi mo? wala tayong relasyon kaya huwag kang magsasabi ng ganyan lalo na sa harap ni Jom!!
Ako: Bakit Jam sino ba siya sayo?
Jam: boyfriend ko!! Bakit! Angal ka! anu gusto mo ako naman sumuntok sayo ngayon?
Nagulat ako sa narinig mula sa kanya, parang tinamaan ng daang daang sibat ang aking puso dahil sa kanyang mga sinabi. Tumaliko na lang ako at saka dalidaling umalis, di ko alam pero alam ramdam ko parang nag sisinungaling lang si Jam kaya nag pasya akong puntahan ang kanayng kwarto at ipagpatuloy parin ang aking planong sorpresa para sa kanya. Mula sa kanyang kwarto ay naririnig ko parang nagaaway ang dalawa, kaya naisip ko kung sila nga eh mukhang di magtatagal kaya desidido ako gagawin ko lahat mapasaakin lang si Jam at wala nang iba. Ilang sandali pa ay may narinig na lang ako na parang kung anu na tumama sa pader ng bahay siguro ay may ibinato or may natumba lang at sa pader ito tumama kaya di ko na ito pinansin pa, at kinuha ko na lang ang bouquet ng roses na itnago ko sa ref ng kanyang kwarto.
Naririnig ko na siyang umaakyat kay hinanda ko na ang aking sarili. Sa kanyang pag pasok ay hinubad ko ang aking damit pag itaas para akitin siya at saka ako lumuhod sa harap niya.
Ako: Jam, noong unang beses pa lang kitang nakita ay nahulog na loob ko sayo. Sorry kung nakagawa agad ako ng kasalana sayo, alam mong mahal na mahal kita kaya handa akong gawin lahat para lang sa iyo di ko nga inaasahang sa maikling panahon na pagkakasama natin sa simbahan ay aabot sa ganito ang naramdaman ko sayo. Naguluhan man ako sa una pero gnayon sigurado ako na ikaw ang isinisigaw nito (turo sa utak) at lalong lalo na nito (turo sa puso).
Ang buong akala ko sa sinabi ko mapapasagot siya ng isan gmatamis na OO pero bigo ako dahil wala siyang imik at nababakas ko sa kanyang mga mata ang poot at galit, alam ko parang ako ang may dahilan ng nararamdaman niyan iyon. Ilang sandali pa ay pumasok lang siya sa kwart na mistulang wala ako doon, di ako nakita at di ako narinig. Sa nasaksihan kong inasta niya ay para akong nanlumo at tinuhog ang ng libolibong sibat at karayom ang aking puso lalong lalo na nang marinig ko siyang nasisisgaw at umiiyak sa loob ng banyo.
Pag baba ko ay di ko na inabot pa si Jam, gusto ko sanang manghingi ng tawad sa nagawa ko. Masaba bang mag mahal? Ang nais ko lang naman ay magimaligaya kapiling siya , ilang taon na akong nangungulila sa pag mamahal pati ba naman ang sarili kong kaligayahan ay ipakakait pa sa akin. Kung di man lang mapapasaakin si Jam ay siguro naman ay di rin nararapat na maputa sa Jom na iyon si Jam.
Ilang minuto lang ay dumating na si manang at nakita niya ako, di ko na pinahalata sa kanya an gaking nararamadaman bagkus ay binigyan ko na lan gsiya ng pilit na ngiti at saka sinabiha siyang
Ako: manang, wag nyu na po akong isabay sa pagkain, busog po ako
Sabay akyat sa guest room at doon ako nag munmuni, malalim ang iniisip ko di ko inaakalang posibleng si Jom ang sinasabi sa sulat ni dady na kakambal ko na dapat kong hanapin pag dating na panahon. Sa tagal ng panahon halos 17 taon kinimkim ko ang galit sa aking dibdib dahil sa pag kuha niya sa akin at pag iwan sa akin sa simbahan ng walang pasabi na hanggang ngaon ay di ko na alam pa kung asan siya at kung buhay pa ba siya. Di ko na namanlayang nakatulog ako dahil sa kakaisip at nagising na lang ako mga halos alas 4 na nang hapon at pag baba ko ay inabutan ko si sir anton at si mam ana na naguusap sa may dinning area, di ko na sana sila gagambalain pa pero bago pa man ako malampas ay tinawag na ako ni sir anton..
Anton: Jeffrey, halika dito...
Ako: bakit po sir?
Anton: tungkol doon sa trabahong inalok ko sayo..
Ako: opo
Anton: pero bago iyon, may itatanong ako..
Ana: dady.. kailangan mo ba talgang tanungin iyan ngayon... tulungan na lang natin ang bata...
Anton: kailangan ana, para alam ko na bukas sa loob niya ang pag tanggap sa trabaho at di dahil may gusto lang siyang makuha..
Ako: anu po ba ibig ninyong sabihin sir?
Anton: Jeffrey mag tapat ka nga? Anung meron sa anak ko?
Nagulat ako sa tanong ni sir anton at di ko alam kung anu ang gagawin ko
Anton: mag tapat ka... kasi kanina may nakakita kay Jam na problemadong lumabas ng bahay samantalang ikaw lang naman daw ang andito kanina sabi ni manang.
Ako: kasi po..
Anton: anu?
Ako: pag uwi niya po kanina ay kasama niya po si Jom... tapos....
Anton: anu?!
Di ko alam kung itutuloy ko ang sasabihin ko ayaw kong masaktan si Jam pero ramdam ko na ang galit na unti-unting lumalabas kay sir anton
Anton: anu?! Sabihin mo!!
Ana: dady.... ang dugo mo....
Anoton: sabihin mo... kasi ang ayaw ko sa lahat ay ay sinungaling na naninirahan sa bahay ko!!!
Ako: si Jom po boyfriend daw siya ni Jam... pero sir... parang di naman po iyon totoo... pero sir ako po gusto ko po ang anak nyo sir at isa po iyon sa rason kung bakit ako pumayag sa alok ninyong trabaho kasi inisip ko po na makakasama ko siya, kaya po sir sasamantalahin ko na po ang pagkakataon sir pwede ko po bang ligawan ang anak ninyo?
Di na naka imik pa si sir anton at bigla niya nalang akong sinugod sinuntok sa mukha at saka kinuwelyuhan tapos pinagbantaan.
Anton: hoy lalaki, di mo alam yan pinag sasabi mo... isa pa lalaki ang anak ko kaya bakit ako papayag na ligawan mo siya?
Ako: sir... mahal ko po ang anak ninyo...
Anton: pwe!!! Mahal!!!! Punyeta!!!
Binigyan niya pa ako ng isa pang suntok sa sikmura saka binitiwan, natakot na ako sa kanya parang di na siya ang maamong dady na Jam na nakilala ko sa tagaytay ilang araw pa lang ang nakakaraan, umatras na ako at lumayo sa kanya dahil sa takot baka kung anu pa ang gagawin niya sa akin naupo ako sa gilid ng bahay kung saan di nila ako nakikita pero nakikita ko sila takot parin ang nasaloob ko nanginginig ang buong katawan ko, maya may lang ay nakita ko nang medyo kumalama na si sir anton at saktong dumating din naman si Jam kasama si Jom at isang magandang babae, di ko mapigilan pero nabihani ako sa ganda halos pareho sila ni Jam, halos pareho ang naramdaman ko nang una kong makita si Jam...
Bago pa man sila pinapasok ni manang ay lumipat ako sa sa may gilid ng dinig area at doon naupo, kahit na takot parin ako ay pilit kong di pinansin ang takot na iyon dahil mejo napapanatag ako na masmalapit ako ngayon kay mam ana. Pag pasok nila Jam ay agad siyang nagtaka kung bakit ganoon ang stado ng bahay at nag tanong
Jam: momy!! Anu nanyari dito?
Ana: kasi yang si Jeffrey sinabihan si Dady mo nang kung anu anu... pinagsasabi niyang mahal ka daw niya at nanghihingi siya ng permiso sa dady mo na ligawan ka... tapos sinabi pa niya na boyfriend mo daw si itong si Jom... at kung anu anu pang sinabi niya kaya hayun nandilim ang paningin ni dady mo at biglang nasapak ng dady mo...
Anton: anu totoo ba ang sinasabi nitong lalaking ito? Na gusto ka niyang ligawan at ang isa sa dahilan kaya ka niya hinatid sa atin sa doon sa tagaytay ay dahil manliligaw na sana siya sayo?
Napansin kong mahapyaw na tumitingin sa akin si Jam pero bakas parin sa mga mata niya ang galit sa akin, di ko alam kung bakit parang ako ang pinagbubuntungan ng sisi pero ako naman ay di ko rin naman sila masisisi dahil ako naman talaga ang nag simula ng gulong ito mula nang sabihin kong may gusto ako sa kanya. Di na ako muna sumasali sa usapan nila at nakikinig na lang ako.
Jam: ma....pa.... ang totoo niyan.... kasi......
Jom: tama ang sinabi niya tito... boyfriend ko si Jam....
Sa pagkakasabi ng Jom ng mga katagan iyon ay nanlaki ulit ang mga mata si sir anton at saka sinuntok nanaman ito at tulad ng ginawa niya sa akin ay binantaan niya rin ito.
Anton: Hoy!!!! Lalaki... pakatatandaan mo Lalaki ang anak ko!!! At di ako papayag diyan sa kahibangan ninyong iyan... kaya ngayon palang itigil niyo na iyan!!!!
Pagkatapos ng kanyang pagsasalita ay binigyan niya ulit ng isa pang suntok si Jom pero sa pagkakataong ito ay sinangga ni Jam ang suntok na iyon ng kanyang dady na kung saan ay siya na ang tinamaan sa mukha.
Jam: dady!!! Pwede ba!!! Makinig ka muna!!!!
Anton: makinig saan!? Sa kasinuganlingan ng lalaking ito?! Hoy Jom naturing ka pa namang kaibigan ng anak ko at syota ng pamangkin ko tapos ngayon sasabihin mong ang anak ko ang nobyo mo? anu ka bakla?
???: uncle! Makinig ka!
Gulat ang bumalot sa akin nang marinig ko ang boses ng babaeng kasama ni Jam, pinsan niya pala ito kaya naman pala magsinglakas ang kanilang appeal pero kung ako tatanungin mag gusto ko parin si Jam kesa sa aknyang pinsan. Pero di ko paring maiwasang makaramdam ng kakaiba ngayon.
???: tama ang sinasabi ni Jom... at alam ko ang lahat....
Anton: mga walang utang na loob!!!!
Aktong sasapakin din si sir anton ang kanyang pamangkin ay doon na ako nag lakas loob na pigilan siya
Ako: mawalang galang na ho... ok lang po sana sa akin na ako ang saktan ninyo... pero ang saktan niyo pa ang anak ninyo pati na ang pamakin ninyo ay di na po ako makakapayag niyan...
Anton: at sinong nagbigay sayo ng pahitulot na umalis sa kintatayuan mo? Haypo ka!!!
Jam: Dady!!! Tama na!!!!!
Buti na lang at napigilan ni Jam ang dady niya kundi ay alam kong ako nanaman ang uupakan niya, di ko miwaglit sa isip ko pero kahit papanu ay natuwa ako dahil alam kong mahala parin naman pala ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pag pigil.
Ako: dady..please let us explain... momy please....
Pag tingin ako sa mga oras na iyon kay mam ana ay doon ko napansin ang kanyang pagiyak pero nananatili lang siyang nakautlala at mistulang di na alam pa ang gagawin dahil sa mga nangyayari.
Muling nagsalit si Jam at pilit na dinepensahan ang kanyang sarili
Jam: dady.. alam ko po kung anu ako... noon at ayaw pilit kong iwinawaksi at itinatanggi sa sarili ko iyon... pero ngayon dad tanggap ko na... kaya sana naman po matanggap ninyo ako kung anu talaga ako at sana supportahan niyo na lang ako kung saan ako masaya...(sabay tulo ng mga luha )
At pagkatapos niyang magsalita ay doon ko nanaman ulit narnig ang matamis na boses ni mam ana per sa pagkakataong ito ay tila nagmamakaawa na ito
Ana: Jam.... huwag kang magsalita ng ganyan... nalilito ka lang.... anak.... alalahanin mo..... lalaki ka..... at di pwede yang relasyon ninyo ni Jom.... anak... pag isipan mo muna yang pinapasok mo... alalahanin mo... pwedeng ikasira ng pangalan natin yang gagawin mo...
pero di natinag si Jam mula sa kanyang paninidigan
Ako: momy... sorry po... pero ganito po ako eh... at kahit bugbugin ninyo ako... kahit bitayin ninyo ako ng patiwarik.... kahit patayin po ninyo ako ngayon din..... eh wala na pong mababago kasi ako ito... ang pakiusap ko lang po eh sana maging masaya kayo para sa akin..
Alam ko sa sarili ko tama si Jam, pero sa halip na intindihin siya ng kanyang ama ay mas lalo na nanggalaiiti ito sa galit
Anton: Hayop ka!!!!(sabay suntok sa aking tiyan) lumayas ka!!!!! wala akong anak na salot!!!! LAYAS!!!!! Huwag ka nang magpapakita pa sa amin dahil mula ngayon!!!.... wala na!!! wala na kaming anak!!!! Hindi ka na isang Del Rosario!!!!!
Ana: Anton... huwag ka namang padalos dalos.... di ko na kaya ang mawalan pa ng anak......
Nagitilan ako sa sinabi niyang iyon... ibig palang sabihin ay may kapatid din si Jam? Pero posibleng patay na ito kaya ganun na lang ang pagmamakaawa ni mam Ana sa kanyang asawa pero talagang sarado na ang puso’t isip ni sir Anton
Anton: Tumigil ka Ana!! Dahil ikinahihiya ko ang makaroon ng anak na... BAKLA!!!!! At ikaw Joana.... isusumbong kita sa dady mo!!!! makikita mo!!!
Jam: dady... please....
Anton: LECHE!!!Luamayas ka!!!! dahil kung hindi ka aalis ay ako mismo ang papatay sayo dito sa harap ng asawa ko!!!
Di ko lubos maisip kung kaya talaga niyang gawin iyon sa sarili niyang anak dahil lang sa ito ay nakipagrelasyon sa kapwa lalaki.. nang tatayo na ako at aktong kukunin ko ang mga gamit ko ay doon ko napansing kinuha na pala ito ni manang at inilagay sa kanto ng hagdaan tiningnan ko siya at may bakas ng kauting awa sa kanyang mga mata di ko alam kung para saakin ang awang iyon or para sa kanyang among si Jam dahil sa mga nangyayari. Mangiyak-iyak na umakyat si Jam sa kanyag kwarto di ko alam kung anu pa ang gagawin niya, doon ako nag desisyong lumabas na ng bahay gustohin ko man na manatili pa dito ay talagang di na pwede at ngayong wala na akong matutuluyan pa siguro kailangan ko nang bumalik ng tagaytay. Sa aking paglabas ay doon ko napansin ang pag tawag ulit saakin ni mam ana
Ana: Jeffrey!! Anak!!!
Nagulat ako sa kanyang sinabi at nilingon ko siya...
Ana: alam mo maging ako ay naguguluhan sa mga nangyayari ngayon pero sana intindihin mo ang aking asawa, wala akong tutol kung gusto mo ang aking anak basta ako susuportahan ko siya kung saan siya masaya pero sana ang hiling ko ay kung may nagmamayari na ng puso ng anak ko ay maging masaya ka na lang para sa kanya.. pwede ba yun?
Ako: sige po mam...
Ana: naku wag nang mam ang itawag mo sa aakin... tita na lang.. siya nga pala.. alam kong wala kang matutuluyan dito sa maynila at napagastos ka sa pag punta mo dito, sana matanggap mo ito...
Sabaya abot sa akin ng isang sobre na naglalaman ng isang papel di ko na ito tiningnan pa kung anu ito pero hula ko ito ang checke na gustong iabot saakin ni sir anton noon sa tagaytay na tinanggihan ko. Ilang minuto pa ay lumabas na si Jam na may dala-dalang bag at sa kanyang pag labas ay agad siyang sinalubong ni tita ana...
Ana: Anak.. please... give your dady some time to absorb everything... nabigla lang ang dady mo...
Jam: sige po momy... aalis po muna ako... pero momy... panu po ang pag aaral ko.. malapit na ang finals eh....
Ana: huwag kang mag alala.. ako bahala doon anak, makakpasok ka parin... paktandaan mo.. kahit anu ka pa... mahal kita.. anak kita eh.... pero kailangan muna nating maghiwalay ngayon... heto oh kunin mo... sige na...
Aalis na rin sana ako at di na sakanila pa sasabay dahil alam sa hiya ko na rin sa kanila sa gulong dinala ko sa payapa nilang buhay, pero nagulat ako nang tawagin ako ni Jam at ayaying doon na rin daw ako kina Jom magstay kung gusto ko. Nag dadalawang isip ako di ko kasi alam kung kaya kong harapin ang momy ni Jom na posibleng ang momy ko rin. Pag dating namin kina Jom ay sila na lang ang nagusapusap di na ako pumasok pa naupo na lang ako sa isang kanto at nagiisip ng malalim.
Nasasaktan ako sa lahat ng nangyayari ngayon ta buhay ng taong mahal ko.. dapat pala nakuntento na lang ako sa pag mamahal sa kanya bilang isang kaibigan.. tapos ngayon lalo pang gumulo ang buhay ko dahil sa taong si Jom sinu nga ba siya at bakit kami magkamukha... siya ba ang sinasabi sa akin ni dady noon bago niya ako iniwan sa simbahan na kapatid ko....
Napg pasyahan ko na lumayo para di na sila muli pang gambalain tutal nakita ko naman ang binigay saakin ni tita ana, checke nga nang lalaman ng 1.5 million pesos, tama na ito siguro para makapagsimula ako at makapaglayo sa kanila para di ko na magambala pa ang kanilang buhay. Pero di pa ako nakakalayo ng mabuti ay narinig ko ang aking cell phone na tumunog si Jam tumatawag..
Kabilang linya....
Ako: sorry Jam...
Kabilang linya....
Ako: sorry talaga per kailangan kong gawin ito para na rin sa ikatatahimik ng buhay mo at iaksasaya mo.. sorry kung nagulo ang buhay mo at nang dahil sa akin ay naitakwil ka ng iyon pamilya..
Kabilang linya....
Ako: Sorry tol, pero ayaw ko na talgang manatili pa muna jan... sorry din kung dahil sa akin ay nasaktan ka.. sana maging masaya kayo ni Jom..
Kanilang linya....
Ako: sino yun?
Kabilang linya...
Ako: Jam alam mong wala na akong momy simula pagkabata kaya anung pinagsasabi mo??
Kabilang linya...
Di na ako umimik pa sa kanyan sinabi alam ko sa sarili ko maging ako ay nagdududa na rin kung talagang kapatid ko nga si Jom, kinuha ko ang litraro ng momy ko na iniwan saakin ni dady na nakalakip sa sulat noon bago niya ako iniwan sa harap ng simbahan.. ito yung picture ng araw ng pagkapanganak ni momy kita ko dito na masaya sila dahil biniyayaan ng dalawan supling pero maaga akong nangulila dahil sa kinuha ako ni dady akala ko isasama nya ako yun pala gusto lang niyang saktan ang momy ko kaya niya ako iniwan sa simbahan... 17 taon akong nangulila sa yakap at pagmamahal ng mga magulang. Kaya siguro ito na ang panahon para kumpirmahin ko ang aking tunay na pag katao. Bumalik ako kina Jom at nang medyo naka malapit na ako ay doon ko nakita ang babae sa litrato na tumatakbo papalapit saakin sabay yakap at halik. Ramdam ko ang kanyang pangungulila at ako rin talagang hinanap ko ganitong yakap sa talang buhay ko..
Di ko maipaliwanag ang nararamdaman ko sa araw na ito hati ang aking puso, masaya ako dahil sa nahanap ko na ang aking tunay na pamilya pero nalulungkot din naman ako dahil sa nasaktan ko ang kaisa-isang taongminahal ko..
Pag pasok ng ng bahay ay agad akong pinaakyat ni momy sa aking kwarto na nagsilbi na palang guest room. At doon kami muling nag usap pero bago pa siya nakapag salita ay ipinakita ko na sa kanya ang litratong iniwan saakin ni dady bago pa niya ako iniwan sa simabahan..
Di na muling nakapagsalita pa si momy yinakap niya na lang ako ng mahipit at saka binulongan ako
Anabeth: alam ko ikaw ang anak ko.. nararamdaman ko sa puso ko.. at di ako nag kamali.. maraming salamat at muli tayong nagkita... mahal na mahal na mahal kita anak..
Ako: ahmmm.... pwede po bang momy na rin itawag ko sayo?
Anabeth: oo naman... ako momy kaya pwedeng pwede...
Ako: momy.... salamat po...... sorry po kung nasaktan ko si Jom pero momy mahal ko rin po kasi si Jam eh....
Anabeth: anak... ayaw kong masira ang pwedeng magandang magingsamahan ninyong magkapatid dahil lang kay Jam, pero sana intindihin mo na ang kapatid mo ang mahal ni Jam..
Ako: alam ko po iyon.. kaya nga po di na ako makikipag agaw pa at makukuntento na lang ako sa pagmamahal sa kanya bilang isang kaibigan..masakit man pero titiisin ko para lang makabawi ako sa kasalanang nagawa ko at para maayos na rin ang relasyon ni Jam at ng kanyang pamilya.
Tumango na lang si momy tanda ng pagiging masaya niya dahil sa aking naging desisyon.. maging ako ay kahit papanu ay napanatag din ang kalooban ko, naisip ko rin na ako ang nagsimula ng gulong ito, kaya handa rin akong gawin ang lahat para maayos ko ito para na rin sa kapatid ko at kay Jam...
Itutuloy....

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP