Mr. Sunshine Meets Mr. Gloom - 1

Tuesday, May 10, 2011


By Christian Erandio

Admin's Note: This story is written by our newest member in LOL, Christian Erandio. I am hoping that this would become his first step in developing his God given talent in scribing letters to express his feelings and innermost desires.

Welcome Christian!

-Admin Jayson
*************************

Isang normal na araw ito para kay nico ngunit wala siyang kaalam alam na ito ang simula ng kaniyang lovestory? O kalbaryo?. Nakaupo si Nico sa kaniyang favorite spot sa La Mia Taza at nagiisip ng mga bagong pakulo at recipe sa kaniyang restaurant. Si Nico ay nakapagtapos ng HRM at Culinary arts sa prestiyosong mga eskwelahan at sa edad na 22 ay meron na siyang sariling restaurant na ngayong namamayagpag sa mga tao. Hindi rin lingid sa kaniyang magulang ang kaniyang katauhan at dahil wala na siyang ama naintindihan ng kaniyang ina ang katayuan ni Nico. Wala rin siyang pakialam sa mga sasabihin ng tao sa kaniya. Physical feature ni Nico ay maputi medyo chubby my matangos na ilong at nakasalamin dahil na rin sa pagiging near sighted nito my konting balbas na maslalong nagpapagwapo sa kaniya at higit sa lahat masayahin.


Oh sige tama ng introduction balik tayo sa coffee shop.

“haiiiii” sabi ni nico sabay inat sa upuan.
“Aray!!!!” sabi ng tinamaan ni nico ng kanyang kamay sa pag inat.
“Ay Sorry” sabay ngiti.
“Anung sorry sorry?” tanong ng lalaki na nakakunot noo at nalilisik na mata.
“Sorry dahil tinamaan kita, anu pa ba?” natatawang sabi ni Nico
“Ganyan ka ba talaga ha! Nakatama ka na nga tumatawa kapa!! Sigaw ng lalaki
“Aba’t sinisigawan mo ba ako?” nakakunot noong sabi ni Nico
“Sa tingin mo?” sarkastikong tanong ng lalaki
“Anu ba tong coffee shop na ito nag papasok ng mga walang modong customer” parinig ng lalaki sa mga tao sa coffee shop at kay Nico
“Abat magaling rin tong magparinig ah” sabi niya sa kaniyang sarili kaya naman para di na rin sila makagawa ng malaking exsena ay gagamitin na niya ang kaniyang pagiging actor. Humugot siya ng isang buntong hinga at nagsalita.
“Am sir uulitin ko po SORRY dahil tinamaan ko kayo at SORRY rin po dahil napatawa ako sainyo” Nakangiti nitong sabi at with matching pacute.
“tsh....Pasalamat ka my gagawin pa ako at andito lang ako para uminom ng cape”
“Ah ganon ho! Ba? Ah sige po SORRY ulit” nakangiti pa rin nitong sabi
“Sige Sige” pagpapatawad ng lalaki
At lumabas ang lalaki sa La Mia Taza at naiwan si Nico na bwisit na bwisit sa lalaking iyon. At dahil sa bwisit niya hindi niya na pansin ang waiter na nakalapit sa kaniya.
            “Nakakabwisit yun na lalaking yon ah!” nalakas niyang sabi
            “Ok ka lang sir?” tanong ng waiter
            “ah eh ok lang ako. Isa na lang na latte.“ tarantang sabi nito
            “hai nico wag mo ng pansinin ang lalaking iyon at gawin mo na lang ang mga gagawin mo. Pro infeness gwapo siya at sa tingin ko yummy pa. Ay anlandi! Naku naman kinakausap ko nanaman sarili ko hai” sabay buntong hininga. Ganoon nga ang nangyari ipinagpatuloy niya ang kaniyang ginagawa.

Samantala sa ibang bahagi ng ating storya:
            “YOUR FIRED!” sigaw ni Mark sa kaniyang secretarya na nagkamali. Ito naman si Mark aka Mr. Gloom daw sahil sa sobra nitong gloomy, kinatatakutan ng mga empleyado sa companiya nila kaya naman pag sinabing andiyan na ang President lahat ng tao sa opisina ay todo gawa ng kanilang mga gawain. Si Mark ay ipinanganak na laki sa layaw mabait kung mabait ka saka niya Masama kung MASAMA. Hindi naman dating kaganiyan  si Mark infact napakabait niyang Presidente until takasan siya ng kaniyang fiancĂ© at sumama sa isa sa mga empleyado ng companya at simula noon nagi na siyang bugnutin at workaholic. Sa edad na 25 ay marami na siyang na accomplish sa companya meron na itong 5 five star hotel 10 resorts sa iba’t ibang summer spots at marami pang iba. Physical Features Gwapo kung Gwapo chinito magandang katawan at higit sa lahat killer smile dahil nga sa killer smile niya ay nagging model siya ng isang toothpaste.
Oh sige yan muna balik tayo sa mga nagyayari.
            “But sir I didn’t mean to forgot your coffee” naiiyak na sabi ng secretarya
            “No buts you’re fired I brought it myself and because of that I had a little quarrel with a fag and that’s your fault.” Sabi ni Mark
            “And oh before you go find a new secretary for me will you.” Sarkastiko nitong sabi
            “FIND A NEW SECRETARY YOURSELF SIR!” sigaw na sabi ng secretarya habang umiiyak
            “hahahahahahahahaha” tawa ng tawa si Mark paglabas ng babae
            “Ikaw talaga bes” sabi ng taong pumasok
            “Oh Alex” sabi nito habang tumatawa parin
            “Hoy nababaliw kana ata”
            “Hindi. Kung nakita mo lang sana mukha noon habang umiiyak pati ikaw matatawa”
            “Naku naman kahit kailan talaga bes sadista ka parin”
            “Baliw ka Alexander hindi no. Total andito ka na rin ikaw na maghanap ng bago kong secretarya gusto ko yung magaling ha!” sabi ni Mark
            “oh sige sana naman itong kukunin ko eh di na ma tangal. Dalawang araw pa lang ang secretaryang iyon wala na agad hay naku Mark kailan mo kaya makikita ang katapat mo?”
            “Katapat hay walang makakatapat sakin”
            “oh siya sige andito rin pala ako sayo dahil my pinapabigay si tito ramon”
            “Anu yun? Akin na dali” seryoso na ang mukha nito
“Oh ayan” sabay abot ni Alex ng folder. “Kausapin mo daw ang may ari niyan at mag invest nasa top restaurant rin ang restong yan . At dahil doon gusto ni tito ramon na mag invest dyan.” Pagpaliwanag nito habang si Mark naman ay binabasa ang nasa loob ng folder.
“An rami na naming negosyo ah bakit magdadagdag pa?” tanong ni Mark
            “Iba daw kasi yang restong yan. Yung ama ng may ari niyan ay Bestfriend niya daw gusto niya sanang tulungan and magandang investment rin daw yan.”
            “Oh siya sige kailan ang meeting nito?”
            “Wala pang date kasi naman wala ka na ngayong secretarya kaya wala ng gagawa niyan para sayo kaya ikaw mismo pupunta diyan at ikaw na rin mag set ng date.” Sabi ni Alex
            “Oh sige sige” naka ngisi nitong sabi
            “Andyan na rin yung telephone number at isa pa kahit anu pa daw magyari dapat maging ka sosyo ka ng restong yan sabi ni tito ramon. Aalis na rin ako dahil tapos na rin ang trabaho ko dito” sabi nito at lumabas na
            I denial niya ang cellphone number na nasa information na binigay ni alex. May ringback ang cp nito kaya naman mas naaliw siya at di niya namalayan may sumagot na
            “Hello?” tanong ng nasa linya
            “Ah Hello?” gulat na sabi ni Mark
            “What can I do for you?” tanong ng nsa kabilang linya
            “Is this the owner of the restaurant?” tanong ni Mark
            “Yes it is”
            “I’m the president of chua company. I’m interested to be a part of your restaurant. And for that I would like to set a meeting.”
            “Sure. It’s a pleasure meeting the president. When and Where?”
            “Tomorrow 8 am at La mia taza and could you also prepare a contract”
            “That would be a pleasure so tomorrow?”
            “Yes and goodbye”
            “Thank you and Goodbye”
            At naputol ang linya nila sa isa’t isa. Ngunit nagkaroon sila ng kutob na kilala na nila ang isa’t isa sa boses. At sabay silang nagsabi.
            “Parang kilala ko ang boses na yun”
            Pagkatapos na pagkatapos ay tinawagan niya ang kaniyang attorney at pinagawa ng contract sumang ayon naman ang attorney at sinabihan niya rin ito na pumunta sa meeting. Tinwagan din ni Mark si Alex ang attorney niya at sinabi ang gagawin tomorrow.
 Kinabukasan nagising si Nico ng 7 naghanda para sa meeting ganoon din si Mark. Naka polong Puti at Chaleco lng si Nico na nagpatingkad ng kaniyang pagkacute. Si Mark naman ay naka suit usual na gamit niya sa mga meeting at umalis sa bahay ganoon din si NIco. Nauna si Nico sa meeting place maya maya naman ay dumating na rin ang attorney nito at omorder siya ng black coffee dahil nakalimutan na niyang magkape sa condo niya at kumain ng conting cake. Mga 10 minutes ang nakalipas dumating na ang attorney ni Mark si Alex at nagpakilala.
            “Oh Hi I’m Attorney Alex attorney ng iyong cliente.” Sabay abo’t ng kamay kay Nico
            “Hi I’m Nico the owner of the restaurant” sabi ni Nico habang hawak ang kamay ni Alex
            “So Mr. Alex anung oras darating ang client ko?” nakasmile na tanong ni Nico
            “Soon andito na rin iyon “
            “Ah sige, want some coffe?”
            “No thanks, maybe later”
            “Ganoon ba. Mukha kasing hindi kapa nagaalmusal. Mr Alex masama yan, siguro naman alam mong pinaka importanteng meal ito sa araw” sabi ni Nico habang nagpapacute “Ang gwapo naman ni attorney gagamitan ko nga ang pacute hahahahhahaha” sabi ni Nico sa sarili na nagpatawa sakanya ng kaunti na napansin naman ni Alex.
            “Oh bakit ka natatawa?” tanong ni Alex
            “Ah wala, umoorder ka na kaya. Kahit coffee lang” At umepal si Bestfriend/Attorney
            “Oo nga naman alex hindi yan titigil si Nico sa kakapilit sayo. Ganyan yan maslalo na sa mga cliente kasi naman natural na maalahanin ito.” Pamimilit ng bestfriend/attorney ni Nico
            “Ah Ganoon ba attorney. Sandali anu nga palang pangalan ninyo nakalimutan kong magpakilala sainyo.” Ngayon pa lang na pansin ni Alex si attorney
            “Ah I’m Attorney Jamie Mendez, as you can see attorney ni Nico at bestfriend niya rin”
            “Oh I’m so sorry attorney di ko kayo na pansin”
            “Ok lang lagi naman tong nagyayari”
            “Ganoon ba?”
            “Oo, ito kasing si Nico sobrang liwanag kaya naman mga nasapaligid eh hindi na nakikita” tumatawang sabi ni Jamie. At umepal na rin si Nico dahil mukhang napapahiya na siya kay Jamie.
            “Anu ka ba, hindi anu. Wag mo ng pansinin sinabi ni Jamie oh siya oorder ka na ba?”
            “Sige na nga. Nagugutom na rin kasi ako, ayaw kasi ng boss ko na kumakain sa oras ng trabaho”
            “Wala pa naman siya at isa pa akong bahala sa kaniya, So alex na lang ang itatawag ko sayo. Hindi kasi ako masyadong sanay sa formalities eh”
            “Sige mas confortable nga ako nyan eh”
            “Ah sige” at tumawag si Nico ng waiter. Omorder si Alex ng Black coffee at ng Caramel cake. At hindi nila na, malayan ang oras na magaalas otso na ng umaga. Nasa kasagsagan sila ng paguusap ng mag bumukas ang pinto at ilinuwa nito si Mark. Hindi namalayan nila Nico ang paglapit ni Mark sa kanila kaya naman ng makita ni Alex si Mark ay nagulat ito.
            “Mark!” gulat na sabi ni Alex
            “Alex, asan na ang owner?” tanong ni Mark
            “Ayan siya” turu ni Alex. Nakayuko si Nico ng mga oras na iyon dahil sa sumigop ito ng cape. At tumayo si Nico inayos ang sarili at naka smile na humarap sa cliente niya at iaabot na sana ang kamay ng makita niya ito. Nanlaki ang mga mata ni Nico ganoon din si Mark
            “IKAW!” sabay nilang sigaw.

Itutuloy.......                                         

4 comments:

Anonymous,  May 11, 2011 at 8:19 AM  

hahaha!!! im eagerly waiting for the part2~~~ lolz... :)



good night!!!

Anonymous,  May 12, 2011 at 12:49 PM  

mapangahas ang pagamit ng literary device sa kwentong ito. Ang pag shift ng once setting to another ay nagiging ineffective kapag di nagamit ng wasto.

Maganda ang storya at sana ay may update na agad para nman di ako mabitin....

-dark angel

Anonymous,  May 15, 2011 at 7:32 PM  

i popost ko na ngayon...sna magutohan pa ninyo....XD

CHRISTIAN ERANDIO

iHateThisFeeling,  May 30, 2011 at 9:58 AM  

nice encounter . . .


hahahah . .


ang kulet ng story . . very interesting


:D

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP