STRATA presents: Kulay ng Amihan - Part 4

Saturday, March 12, 2011

PART 4 – BAGO ANG KATAPUSAN

THREE YEARS – tatlong taon na ang nakakalipas nang mangyari ang tagpong iyon sa pagitan nila JC at Marco at patuloy pa ding dumadaan ang mga araw na kasama nila ang isa’t-isa. May nagbago! Katulad ng pagdaan ng araw at paglipas ng oras at panahon ay kasabay nitong may nagbago sa dalawa.
“Lagi namang ganyan Marco eh!” asar at galit na paninita ni JC sa kasintahan.
“Ako na naman!” angil ni Marco. “Ako na naman ang nakikita mo!” habol pa ng binata.
“Lagi naman kasing gayan ang ginagawa mo! Sino ba namang matutuwa kung lagi at lagi ka na lang ganyan!” tugon ni JC.
“Matagal na akong ganito! Nag-iinarte ka na naman kasi!” asar na bulyaw ni Marco kay JC.
“Sige ako na ang mali! Ako na ang may diperensiya! Sorry ah!” sarkastiko at satirikal na tonong pahayag ni JC.
“Kita mo na!” sigaw pa ulit ni Marco.
“Ewan ko!” pagkasabi ay lumabas si JC sa boarding house ni Marco at saka mabilis na naglakad papuntang sakayan pabalik sa dormitoryo niya.
“JC ko! SORRY na po!” hindi pa man nagtatagal ay text kaagad ni Marco kay JC.
“Okay!” tanging reply ni JC dito.
“Ingat ka po! Labyu! Mishu!” text ulit ni Marco.
“Okay!” matipid ulit na reply ni JC.
“Sige ganyanan na!” reply naman ni Marco.
“Pasalamat ka nga nirereplayan pa kita!” asar na saad ni JC sa sarili.
J” reply ni JC kay Marco.

“SORRY na kasi!” pang-aamo ni Marco kay JC.
“Ikaw kasi!” sisi ni JC dito.
“Promise hnd na tlga aq uulit!” pangako pa ni Marco.
“Minsan kxe nakkaswa ng umasa sa pangko mo!” reply ni JC sa katipan.
“Swear JC! 22pd na aq.” sagot pa ni Marco.
“Pnapygan nmn ktang magala pro sana nmn wag kng makalmt mgtxt! Alm mo nmng ng-aalala aq sau eh!” reply ulit ni JC.
“Pls JC! Ptwarn mo na ako.” panunuyo pa ni Marco kay JC.
“Gue na bsta sa susunod ah!” reply ni JC.
“Sige na, sa susunod kalimutan mo naman iyang pangako mo!” ito ang tunay na laman nang manhid nang si JC sa mga pangako ni Marco.
“Yey! Hnd n glt ang mahal qng si JC.” reply ni Marco na kita ang kaisyahan sa text nito.
“I LOVE YOU! I MISS YOU!” habol pa ulit ni Marco.
“labyu more!” reply ni JC.
“Hay! I love you? Wala nang espesyal sa salitang I love you. Immune na ako sa salitang I love you na iyan. Immune na ako lalo na kung hindi ko na nararamdamang bukal sa loob na sinasabi ang salitang I love you. Immune na ako kasi hindi ko na nararamdamang mahal mo nga ako Marco.” naluluhang wika ni JC sa sarili bago tuluyang bumaba ng taxi na sinakyan niya pauwi.
“Mahal na mahal kita Marco, sa sobrang pagmamahal ko sa’yo nagagawa kong alalahanin ka buong buhay ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa’yo, nawalan na nang halaga ang salitang I love you, namanhid na ang puso ko sa kung ano pa mang matatamis na salitang galing sa’yo. Sa sobrang pagmamahal ko sa’yo, kahit na kapirasong oras mo pilit kong isinisiksik at nililimos pa sa’yo. Sa sobrang pagmamahal ko sa’yo, iba na ang ikot at galaw ng mundo ko. Marco! Hindi mo ba nakikita ang mga tagong luha at hinanakit ko? Hindi mo ba pansin ang nakakubling lungkot at alalahanin ko? Hindi mo ba batid o ayaw mo lang talagang pansinin?” matatalinhagang pagpapahayag ni JC na saloobin sa sarili.
Ano nga ba ang nangyari sa loob ng tatlong taon? Oo, sa unang taon ay ramdam na ramdam pa ang pagmamahal nila para sa isa’t-isa. Madaling makita at maiparamdam, madaling ipakita at iparamdam ngunit tila ba ang lahat nang ito ay may hangganan dahil sa paglipas ng araw, sa bawat pag-ikot ng mundo, ang tamis ay unti-unti nang tumatabang. Si JC ay wari bang nagnanais sa isang perpektong Marco na kayang ibigay ang simpleng bagay na nais niya, ang paglaanan siya ng oras ng binata na dati nitong ginagawa sa kanya. Si Marco naman ay dumating sa puntong naiba ng direksyon, mas nadikit sa barkada at kung dating maraming oras ang binata kay JC ay ngayon ay unti-unting nababawasan. Gayunpaman ay mahal na mahal ni Marco si JC, hindi man ito katulad ng dati niyang pagmamahal dahil sa bawat araw ay higit niyang minamahal ang kasintahan. Gaano man niya kamahal si JC ay tila mapait ang tadhanang hindi niya magawang iparamdam ito ng buong-buo at hindi niya maibigay ang simpleng bagay na hinihiling nito sa kanya.
“Marco! Tanggap ko na! Matagal ko nang tinanggap ang katotohan sa kabila ng mga ilusyong ginawa ko. Matagal ko nang tinanggap ang katotohang ipinaramdam mo sa akin. Matagal ko nang natanggap ang katotohan sa tulong mo na din. Alam kong magtatapos din ang ilusyong nasa likod ng matatamis nating pangako, ang pangakong magsasama tayo habang-buhay, alam ko na darating din ang hangganan nang pagmamahalan natin.” tuluyan nang kumawala ang mga luha ni JC pagka-upo ng binata sa higaan niya.
Tuluyang humiga si JC at lagpas kisame niyang tinitigan ang itaas na warfi bang nasa isang malalim na pag-iisip.
“Kahit alam kong ilusyon lang ang lahat at kahit tanggap ko sa sarili kong walang pag-asa ang relasyon nating ito, hindi ko magawang iwanan ka. Wala pa akong lakas ng loob para mawala ka sa piling ko Marco. Hindi ko pa kayang isipin paano na ang mawala ka sa akin.” mas pinag-alab ang kalungkutan sa kaibuturan ni JC nang mga sandaling iyon.
“Mahal na mahal kita Marco at hindi ko kayang isipin ang mawala ka. Masisis mo ba ako kung mag-isip ako ng ganito? Hindi ko lang alam kung papaano pa ako hahawak sa paniniwalang aabot tayo ng habang-buhay kung unti-unti mo na naman akong nabibitawan. Masakit na masakit para sa akin! Masakit na masakit Marco!” at pinikit ni JC ang mga mata.
Sa loob ng tatlong taon, naging tapat ang dalawa sa pangako nila. Madalas na may tampuhan at awayan na normal na sa isang relasyon at naayos din naman kaagad. Sa kabila ng lahat ay may isang bagay pa din ang pinakamalaking hadlang para isigaw nila sa mundo ang sarili nilang disposisyon sa buhay. Hindi nila maipagsigawang mahal nila ang isa’t-isa dahil sa takot na ang nasa paligid nila ang maglayo sa kanila at maging sanhi nang kanilang paghihiwalay, isang takot na hanggang ngayon ay hindi pa nila kayang harapin at talunin.
“Mahal na mahal kita Marco at habang-buhay kitang mamahalin! Pero dapat kong tapusin na ang ilusyong pinaranas mo sa akin.” wika ni JC at saka tuluyang nakatulog na may mumunting luha pa ding nakasungaw sa mga mata.
Kahit gaano man nila kamahal ang isa’t-isa, hindi maikakailang naging biktima din sila nang panahon at pagkakataon. Gaano man nila kamahal ang isa’t-isa sa oras na mapabayaan nila ang tanging bagay na pinanghahawakan ay tila isang sunog na aabuhin ang lahat nang pinaghirapang ipundar. Gaano man nila kagustong magsama ng habang-buhay ay tila may sariling panulat ang panahon para baguhin ang naitadhana ng kapalaran at pagyelohin ang dati’y nag-aalab na pagtitinginan.
Mahal nila ang isa’t-isa at higit man nilang mahalin ang isa’t-isa ay anong halaga at saysay pa nito kung hindi naman kayang ipakita sa gawa. Walang taong nabubuhay sa puro isip at salita lamang, dahil ang tao ay may kakayahang kumilos at gumalaw. Walang silbi at mananatiling walang kahulugan ang salitang MAHAL KITA kung hindi naman ito kayang bigkasin nang mga kilos at gawa.
Mahal nila ang isa’t-isa ngunit hanggang saan lang nila kayang ipakita? Mahal man nila ang isa’t-isa subalit walang kumikilos para punan ang mga pagkukulang. Nakakalungkot, dahil sa totoong buhay, madami ding JC at Marco na nabubuhay sa mundo, iba man ang katauhan at pangalan subalit parehong pasanin at dinadala.
Totoo, hindi lahat ng bagay ay tumatagal ng habang-buhay dahil karamihan sa mga ito, pag hindi naalagaan at napabayaan, siguradong sa isang iglap lang ay tuluyan nang liliparin na tila siang dahong tinangay ng hangin papunta sa wlang kasiguraduhang landasin.
Walang anu-ano ay nagising na si JC. Nagising si JC na may mga luhang pilit na kumawala mula sa kanyang kaibuturan. Naisiin man niyang umiyak ay wala na siyang magagawa kung hindi ang harapin ang katotohanan.
“You’re the man JC! Kaya mo ‘yan!” pagpapalakas ng loob ni JC.
“JC!” tawag kay JC nang nanay niya sabay katok sa kanyang kwarto. “Bilisan mo nga at luluwas na tayo! Dadaanan pa natin ang tita mo bago tayo pumunta sa graduation mo.” paalala pa ng ina.
“Opo nay!” sagot ni JC saka pinahid ang mga luha sa mata niya.
Bago tuluyang bumangon ay tulad ng nakagawian ay kinuha niya ang cellphone at nagtext kay Marco.
“Guten morgen!” text niya sa katipan. Tulad ng nagdaang araw, hindi na siya umaasa pa sa reply nito at mamumuti lang ang mata niya kung aasahan niyang magtetext din ito sa kanya.

0 comments:

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP