KAHADLUKAN : Ang Matanda sa Bintana

Monday, March 21, 2011

Matagal ko nang iniisip ang pagsulat ng mga storya na hango sa totoong buhay. Isang storya ng kababalaghan. Alam ko na marami sa inyo ang hindi na naniniwala sa mga kwentong ito, ngunit kahit di kayo maniwala, may mga bagay talaga dito sa ating mundo na mahirap paniwalaan. Isang mundo na nababalot ng misteryo at mundo na akala natin ay napaglipasan na ng panahon. 

Ang series na ito ay pinamagatan kong "KAHADLUKAN" hango sa salitang bisaya na ang ibig sabihin ay nakakatakot at ang unang kwento na ibabahagi ko sa inyo ay kwento ng isang kaibigan mula sa Mindanao. 

*******************************
Ang Matanda sa Bintana

Ako si Jerry taga Brgy. Humilog RTR Agusan del Norte. Nasa tatlumpong taong gulang na ako at may dalawang anak. Napakatagal na panahon na ngunit di ko pa rin malimutan ang aking karanasan sa bahay ng aking mga magulang. 

Taong 1995, katorse anyos palang ako noon at nag aaral sa isang public school sa Cabadbaran. Madalang akong umuwi sa amin gawa ng daming activities at project sa school kaya nangupahan nalang ako sa isang boarding house. Isang araw ng sabado umuwi ako sa amin, syempre may sarili akong kwarto sa bahay namin at doon ako natulog. Ang bahay namin ay may dalawang palapag, gawa ito sa semento at matitigas na kahoy. Hindi pa ito tapos kung kayat walang jelousy ang mga bintana. Tanging kurtina lamang ang nakatakip sa bintana ng aking kwarto na nakaharap sa aking higaan. Di ako naniniwala sa mga multo at mga maligno kaya di ako natatakot na mag isa kahit pa laging sinasabi sa akin ng aking ate na nakakakita daw siya ng mga kaluluwa sa aming bahay. May third eye daw kasi siya. Hindi ko siya pinaniwalaan hanggang sa ako na mismo ang naka saksi ng isang kakila-kilabot na pangitain. Natutulog ako noon sa aking kwarto ng bigla akong magising kasi naiihi ako. Binuksan ko ang ilaw at halos mamatay ako sa takot ng may nakita akong matandang babae na nakapatong sa aking bintana. Ang isa niyang kamay ay nakahawak sa gilid ng bintana habang ang isa pa niyang kamay ay hinawi ang kurtina na akmang papasok talaga siya sa aking kwarto. Kulubot ang kaniyang mukha, nanlilisik ang kaniyang mga mata at napakahaba ng kanyang puting buhok. Di ako nakagalaw at di rin ako nakapagsalita. Nagtitigan kami ng matanda at ang aking pawis ay sinlaki ng butil ng bigas. Nanlamig at nanglambot ang buo kong katawan. Namalayan ko na lamang na may kumakanta sa may pintuan ng aming bahay "Amazing Grace, how great thou art.. that saved a wreched like me.." serenade pala kasi birthday nanay ko. Nang marinig ko ang kanta ay bigla kong natagpuan ang aking boses at sumigaw ako ng malakas. Magkatabi lang ang kwarto namin ng nanay at tatay ko kaya agad nila akong pinuntahan sa aking kwarto. Ngunit wala na ang matanda sa bintana. Ikenwento ko sa kanila ang aking nakita ngunit walang naniwala sa akin at sabi nila ay naalimpungatan lang daw ako sa aking pagtulog at guni-guni ko lang iyon. Ngunit alam kong totoo ang aking nakita. Hindi ko alam kung multo o aswang ang matanda basta alam ko kung ano ang totoo sa hindi. Tanging ang ate ko lamang ang naniniwala sa akin. 

Nang yumao ang aking tatay. Nilisan na namin ang bahay na iyon at pinagbili namin sa kaibigan ng nanay ko. Nagtayo kami ng munting bahay sa parehong baryo. Sa ngayon tuwing mapapadaan ako sa aming lumang bahay, kinikilabutan pa rin ako.

**********************
Note: Kung gusto po ninyong mag share ng inyong kwento, maari po lamang na mag email sa akin sa address na ito: king_sky92@yahoo.com

Pwede po kayong mag attach ng pictures o video. Maraming salamat po....

14 comments:

taski,  March 23, 2011 at 7:37 AM  

hi sir jay, ganda ng story mu. bka aswang ung nakita nya. excited na ko sa next chapter :)

Jayson March 23, 2011 at 9:29 AM  

taski......ang kwentong yan ay nangyari sa buhay ni Jerry hindi sa akin....pinadala niya lang ang kwento niya through email....

kung may karansan ka pwede mo ring ibahagi at i-post natin dito sa LOL....

tsilooh March 24, 2011 at 6:32 AM  

I am afraid to die,afraid of being alone, afraid of monsters, afraid to know my sickness, afraid of snakes..

jinky miyake March 24, 2011 at 6:33 AM  

I feared ghost, snakes, heights, dead person and most of all I am afraid when I'm alone.

vHeBz March 24, 2011 at 6:35 AM  

As a normal individual i could tell i have alot of fears.
i fear walking alone at night,i can imagine some elementals.
i fear seeing a very big full moon, i can feel my blood are rushing through.
i fear sleeping alone sometimes, i experienced travelling in a vast land with nowhere to go and eventually fin out i am sleeping.
i fear watching horror movies my consciousness is dectating me that in the midniight that elemmenta might visit me.
i fear my imagination for at the end of the day, i might find myself more scary that what i am conceptualizing in my mind.

carlo sangutan March 24, 2011 at 6:38 AM  

nakakatakot actually... pero ok lang
its very interesting not to experience that thing...

vHeBz March 24, 2011 at 6:44 AM  

i fear death, revenge, truth, rejection,MYSELF

vHeBz March 24, 2011 at 6:46 AM  

As a normal individual i could tell i have alot of fears.
i fear walking alone at night,i can imagine some elementals.
i fear seeing a very big full moon, i can feel my blood are rushing through.
i fear sleeping alone sometimes, i experienced travelling in a vast land with nowhere to go and eventually find out i am sleeping.
i fear watching horror movies, my consciousness is dectating me that in the midnight that elementals might visit me.
i fear my imagination for at the end of the day, i might find myself more scary that what i am conceptualizing in my mind.

ClydeKentaurus,  March 27, 2011 at 2:50 AM  

hehehe nakakatakot Kuya Jayson isinusulat ko na mga kwento ko puro nakakatakot marami akong karanasan sa ganyan na kahit ngayon di ko pa rin mapaniwalaan.

Anonymous,  March 27, 2011 at 9:02 PM  

hinihintay ko ang kwento mo clyde hehhehe....

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP