chapter 2 : Catch Me Irwin

Tuesday, March 8, 2011

by JoshX

Binuklat ni RJ Santos ang kaniyang iniingatang photo album. For his eyes only ito na naglalaman ng mga photos niya kasama ang mga lalaking dumaan sa buhay niya.


Sa unang pahina ay larawan nila ni Wilbert, kuha nila 8 years ago, pareho silang 16 noon, nakaakbay sa kaniya ang binata during their high school prom night. The following month, iniwan na lang siya basta simply telling him hindi-ikaw-nasa-akin-ang-problema fucking reason.

Next page is a naked picture shot of him and Vince in a motel room. College BF niya si Vince for five years. Akala niya, happily-ever-after na sila but after graduation bigla na lang siyang sinabihan na gagawin siyang Best Man sa nalalapit nitong kasal. Fuck him for that.

Next page is Kian, nakayakap ito mula sa likuran niya. Kuha nila sa isang beach resort, sa dalampasigan habang papasikat ang araw. Unang lalaking naging live inn partner niya, pero after one year, pinalayas niya ito sa kaniyang tinitirhang condo unit. Sobrang tanga naman niya kung hahayaan na lang niya si Kian na magdala ng mga kung sino-sinong nakakasex na lalaki tuwing wala siya sa condo.

Next several pages ay ganoon din, mga lalaking naging ka-fling niya, naka-one night stand, nakilala sa chatroom sa internet at sa kung saan-saan pang cruising venues. 

Ang lahat ng iyon ay parang hangin lang na dumaan sa kaniyang kandungan dahil ayaw na muna niyang makipagrelasyon. Nagpahinga muna siya sa sakit na idinulot ng tatlong lalaking nagdaan sa buhay niya.

Nag-enjoy muna si RJ sa pagiging single. Nagpakasaya sa kaniyang new-found freedom at sinabihan ang sariling stop muna talaga siya sa pakikipag-relasyon at paghahangad ng isang fairy tale ending.

Pero muli siyang sinubok ng tadhana nang makilala niya si Saldy, ang picture sa susunod na pahina. Gaya ni Kian, pinatuloy niya ito sa condo. Parang sa isang fairy tale na naging masaya sila but not ever after.

Dumating ang isang araw, sinabihan siya ni Saldy na nakabuntis ito ng babae, Si Cheska. 

Iniwan siya ni Saldy. At gaya dati, muling nagulo ang buhay niya. Walang direksiyon, walang patutunguhan at parang wala ng kabuluhan.

Pero iba nga siguro si Saldy dahil binalikan siya nito after six months. Hindi niya alam kung matutuwa siya sa pagbabalik nito. Pero iba nga talaga ang karisma ng isang sanggol, dahil wiped out lahat ng galit niya kay Saldy the moment he set his eyes on baby boy Keno.

Si Keno ang anak ni Saldy kay Cheska.

Nalaman ni RJ na hindi pala alam ng mga magulang ni Cheska ang tungkol sa kanila ni Saldy. Nagalit ang mga ito nang malaman at ikinulong si Cheska. Hanggang dalhin ito ng mga magulang sa ibang bansa ay hindi na muling nakita ni Saldy ang babae. Naiwan kay Saldy ang bagong silang na si Keno.

Piniringan ni RJ ang mga mata nang kupkupin niya ang mag-ama. Mula sa isang devastated na buhay, naramdaman niya ulit ang mabuo ang sarili. Bumuo ulit ng mga pangarap. Naging masaya siya sa kabila ng hirap sa pag-aasikaso kay Keno. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya kung paano maging isang ina...este ama pala.

Masarap na mahirap. Masarap dahil sa tuwing ngingitian siya ni baby Keno, alis lahat ng pagod at problema niya. Mahirap dahil after two months umalis si Saldy sa condo at hindi na muling bumalik.

Nag-alala siya ng sobra, naisip niya baka kung ano na ang nangyari dito. At naiyak siya ng sobra nang sulatan siya ni Saldy na huwag na muna siyang hanapin dahil kahit sarili nito ay hindi rin matagpuan.

Inalagaan niya mag-isa si Keno, itinuring na sariling anak. Saka na-realize ni RJ kung gaano kahirap magpalaki ng anak. Paghihirap na naranasan din ng kaniyang ina nang mag-isa itong pinalaki siya at iginapang ang kaniyang pag-aaral.

Dalawang taon na ubod ng saya at sakripisyo ang dumaan na naging ayos ang buhay nila ni Keno. Sabi nga ng kinuha niyang yaya ng bata na nag-aalaga dito sa tuwing nasa trabaho siya, sumunod na daw ang hitsura ni Keno sa kaniya. Wala daw makapagsasabi na hindi niya anak si Keno.

Fulfilled na talaga ang feeling niya. Buo na ang mga plano niya para sa kanilang dalawa ni Keno. Everything is in place until last month, parang isang bangungot na dumating si Saldy kasama si Cheska at kukunin na daw nila si Keno.

Pinagsarhan niya ng pintuan ang dalawa. Saka niya patakbong pinuntahan sa silid si Keno, niyakap ng mahigpit habang naiiyak sa sobrang takot sa posibleng mangyari.

Nagpunas ng mga luhang bumalong sa pisngi si RJ. Ang mga huling larawan sa album ay mga kuha nilang dalawa ni Keno.

Tinanggal niya ang mga iyon sa pahina saka isinuksok sa kaniyang travelling bag.

Nakabibingi na ang katahimikan na naghari sa kaniyang condo nang isara niya ang pinto. Dala ang tarvelling bag at isa pang maleta ay tinungo niya ang elevator pababa sa ground floor.

Tinulungan pa siya ng guard sa paglalabas ng kaniyang maleta hanggang sa waiting area ng taxi. Mataas na ang araw sa labas at medyo mahapdi na rin sa balat ang liwanag. Lampas alas-diyes na kasi ng umaga.

"Paalis ka ba, RJ? Saan ka pupunta?"

Sobrang pamilyar ang boses ng nagsalita na kahit hindi niya tingnan sigurado siya kung sino. Naramdaman ulit ni RJ ang panginginig ng mga tuhod. Nilukuban na naman ang puso niya ng galit, gaya noong araw na kuhanin sa kaniya ng lalaki si Keno. Ang araw na wala siyang magawa kundi ang ibigay si Keno dahil ang kalaban niya sa custody ng bata ay ang mga tunay nitong mga magulang.

Hanggang ngayon parang dinig pa rin niya kung paano pumalahaw si Keno. Ayaw nitong sumama kina Saldy. Halos maglupasay sa lupa na tinatawag siya. Nagmamakaawa ang bata na hindi na gagawa ng bad basta huwag lang itong ipamigay.

Pinilit niyang bawiin ang composure sa sarili bago siya bumalikwas paharap kay Saldy. "Ano pang kailangan mo?" Pigil pigil niya ang sarili na umiyak.

'Tangina. Ang kapal naman ng mukha niyang magpakita pa ulit sa akin.

Medyo aburido ang hitsura ni Saldy. Parang restless kaya tingin niya tumanda ang hitsura nito pero naroon pa rin ang taglay na kagwapuhan. "Mamaya ng gabi ang flight namin papuntang LA."

Napaluha na ng tuluyan si RJ. Wala na talagang pag-asang maibalik pang muli sa kaniya si Keno. "A-anong gusto mong sabihin ko?" Nag-crack na ang kaniyang boses.

Lumungkot ang mukha ni Saldy. Alumpihit nang magsalita, "Gusto ko sanang magpasalamat sa iyo at humingi na rin ng tawad sa nangyari."

Nagsisikip na ang dibdib ni RJ sa sama ng loob. "This is not the right time Saldy. Masyado pang masakit para sa akin ang lahat."

Napatango ito. "I know..."

Puta ka! Alam mo naman pala, anlakas pa ng loob mong humarap sa akin at ipamukha ang iyong ginawa.

Huminga siya ng malalim saka pinahid ang luha sa pisngi. "Alagaan niyo na lang mabuti si Keno...pag nagawa ninyong dalawa iyon. Baka sakaling mahanap na ng puso ko ang magpatawad."

Niyakap siyang bigla ni Saldy. Gusto din niyang gantihan ang yakap ng lalaki kahit man lang sa huling pagkakataon. Pero para ano pa? Para saan pa? Lalo lamang niyang sasaktan ang sarili. 

Halos pagtinginan na sila ng mga nagdaraang tao sa paligid. Mga tinging nangungutya, mga tinging nandidiri at may ilang natatawa. Fuck these narrow-minded people. The hell I care on what they think.

Nagpumiglas siya. "Let go off me!"

Ilang segundo din siyang niyakap ni Saldy bago siya tuluyang pinawalan. "Sorry talaga RJ."

Parang wala siyang narinig. Iniabot niya ang maleta at bag sa driver ng nag-aabang na taxi saka walang lingon na pumasok sa loob ng kotse.

Pinigil niya ang sariling tumingin kay Saldy nang tumakbo na ang sasakyan saka mabilis na pinahid ang mga luhang patuloy sa pag-agos sa kaniyang mga pisngi.

"Saan po tayo Sir?"

Pwede ba sa langit manong? 

Matagal siyang nanahimik. Tama na nga rin siguro ang desisyon niya na imbes tatlong araw lang na bakasyon, ang hiningi niya sa opisina ay buong dalawang buwan. 

More than enough na iyon to pick up the shattered pieces of his life and move on.

"Sa Manila Yacht Club po."



AFTER AN HOUR HUMINTO ang taxi sa harap ng Manila Yacht Club na nasa kahabaan ng Roxas Boulevard, katabi ng Philippine Navy General Headquarters at katapat ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Nasa labas naman ang crew personnel na si Anton na naghihintay sa kaniya. Kinuha nito sa kaniya ang maleta at sinamahan siya papasok ng gate.

First time pumunta ni RJ sa lugar kaya as usual inililibot ang mga mata sa dinaraanan.

Sa may kaliwa nakita niya ang entrance ng Club Dining Area at sa harapan ang mga naggagandahang mga yate na naka-anchor sa floating dock berthing. May mga ibang yate din na wala sa tubig ng Manila Bay kundi nasa dock area mismo at suportado ang ilalim ng mga round pipes serving as stand habang nire-repair.

"Ngayon lang ho ba kayo sasakay sa yate, Sir?" tanong ni Anton. 

May dating ang cabin crew ng kaniyang half-brother. Sa tantiya niya ay nasa 22 years old lang ito, mas maitim sa moreno ang kulay ng balat nito at medium built ang pangangatawan.

"First time," tugon ni RJ sa kaniya. Napatingin siya sa may di-kalayuan.

Tinunton naman ni Anton ang kaniyang tingin. "Breakwater po iyon, inilagay sadya ng Manila Yacht Club para protektahan ang mga yate laban sa malalakas na hangin at mga alon.

Napatango lang siya. "Nasaan na ang yate ni Kuya na sasakyan ko papuntang resort sa San Juan, Batangas?"

"Ang Mir-a-Mar? Nasa banda roon po. Sumunod po kayo sa akin," magalang nitong sagot. Binuhat na nito ang hawak na maleta nang magsimula na silang umapak sa nakalutang sa tubig na pantalan na mahigit isang metro ang lapad at gawa sa PVC plastic na kulay orange. Ito ang daanan para matunton ang mga yate na nakadaong sa nakatalaga nilang espasyo.

Parang natakot pa si RJ noong una dahil nagalaw ng bahagya ang floating dock sa kanilang paglalakad.

"Pag babago kayo dito,hindi ganoon kaaya-aya sa pang-amoy ang hangin."

"Oo nga," sang-ayon ni RJ. 

Kanina pa naman niya naamoy ang mabahong tubig ng Manila Bay pagpasok pa lang nila sa gate ng MYC. Maitim din ang tubig pero at least wala itong basura kumpara sa ibang parte ng look. Siyempre dahil kasama ito sa regular clearing ng MYC para sa mga miyembro nito.

Bawat daanan nila na yate ay sinasabi ni Anton kung sino ang may-ari na karamihan ay kilalang pulitiko, negosyante at ilang artista. Noon lang na-realize ni RJ na pawang mayayaman lang pala talaga ang miyembro ng Yacht Club. Sabagay mayaman naman talaga ang pamilya ng kaniyang half-brother kaya hindi na nakapagtataka na magkaroon ito ng mga yate.

Huminto si Anton. "Ito na po ang Mir-a-Mar." 

Saka nalaman ni RJ na iyon pala ang pangalan ng yate dahil iyon ang nakasulat sa isang karatula sa likuran nito na siyang nakalapit sa floating dock.

Napahanga siya sa ganda ng Mir-a-Mar. Matingkad na puti ang kabuuang kulay at puro stainless ang mga parte na bakal.

Naalalang bigla ni RJ ang kaniyang half-brother. Napakarangya talaga ng nakamulatan nitong buhay samantalang siya, mahirap pa sila sa daga ng kaniyang Mommy. Pero masaya naman silang mag-ina not until nagkasakit ng malubha ang ina at tuluyan itong binawian ng buhay on the day of his college graduation.

Sa lamay na ng ina nakilala ni RJ ang totoong ama pati na ang kaniyang half brother. Nalaman din niya na matagal na pala silang hinahanap ng kaniyang Daddy. The day before his Mommy passed away, tinawagan pala nito ang Daddy niya para ihabilin siya.

Well mabait naman ang kaniyang Daddy pati na rin ang kaniyang half-brother. Wala rin siyang naging problema sa kaniyang stepmom dahil namatay na rin ito a few years back. 

With open arms siyang tinanggap. Pero dahil hindi naman siya nasanay na kasama sila kaya nag-decide siyang mamuhay ng nakabukod. Tinanggap na rin niya ang binibigay na monthly allowance ng kaniyang Daddy dahil kailangan rin naman niya and he's entitled to it. Pero sabi nga, sa laki noon, kahit hindi na siya mag-work, mabubuhay na siya ng maayos sa condo unit.

Last year namatay ang kaniyang Daddy sa isang yacht racing accident. Kaya sila na lang dalawa ng halfbro niya ang natira.
  
And now, a year after siya na lang ulit mag-isa.
  
"Ito rin ba ang ginamit nila Kuya 2 months ago?"
  
Biglang nabahiran ng lungkot ang mukha ni Anton. "Hindi po Sir. Hindi po itong Mir-a-Mar. Ito pong katabi, ang ANTALYA."
  
Tumingin si RJ sa itinuro nitong yate. Mas malaki ito at mas maganda.

"Under inspection pa po kasi iyan kaya hindi pa pwedeng pumalaot."

Napatango lang siya. "May balita na ba kung natagpuan na ang bangkay ni Kuya?"

Umiling ang lalaki. "Wala pa pong balita galing sa Coast Guard. Ngayong dalawang buwan na ang nakalilipas, ipinagpapalagay na po nilang patay na ang kuya ninyong si Sir Edrick at ang kaniyang asawang si Ma'am Antalya."

Namilog ang kaniyang mga mata. "May asawa na si Kuya Edrick?"

"Hindi niyo po alam?"

Natameme namang bigla si RJ. Nakaramdam ng hiya at wala man lang siyang kaalam-alam sa naging buhay ng Kuya Edrick niya simula ng mamatay ang kanilang ama.

"Matagal na kasi kaming hindi nakakapag-usap."

"Mga ilang buwan na rin po siguro pero wala pa namang isang taon mula nang ipakilala sa amin ni Sir Edrick ang kaniyang asawa. Sa katunayan, binili po ni Sir ang yateng 'yan at iniregalo kay Ma'am at isinunod ang pangalan."

Kaya pala mas maganda ang ANTALYA dahil bago lang ito.

"Iyan sana ang gagamitin natin Sir kaya lang under inspection pa talaga."

"Kasama ka ba nila nang maganap ang insidente?"
  
Mabilis na tumugon si Anton. "Hindi po Sir. Magkaiba po ang Captain at cabin crew ng Mir-a-Marat ng ANTALYA. Buti na nga lang po at hindi. Kung nagkataon, hindi ako ang kausap ninyo ngayon."

"Bakit naman?"

"Bukod po kasi sa nawawalang bangkay ng kapatid ninyo at ng asawa niya, nakita po sa loob ng yate ang mga walang buhay na katawan ng Kapitan at dalawang cabin crew."

"Napatunayan na ba nila na mga pirata ng dagat ang may kagagawan?" Iyon kasi ang feedback na narinig niya mula sa Coast Guard.

Natigilan si Anton, parang may kung anong naisip. "Iyon po ang sabi ng coast guard, pero..."

"Pero..." ginaya ni RJ ang intonasyon nito.

Napailing ang lalaki. "Iba po kasi ang nakita namin nina Jigo sa loob ng ANTALYA nang idaong ito dito." Si Jigo ang Kapitan ng Mir-a-Mar.

Parang may pumukaw na interes sa kaniya. "Anong iba?"

Matagal na katahimikan bago nagsalita si Anton. "Namatay kasi sila na walang kasugat-sugat sa katawan kundi puro malalaking pasa."

"Iniisip ninyo ni Jigo na hindi pirata ang pumatay sa kanila?"

Tumango si Anton. Halos pabulong nang muling magsalita. "Opo Sir. Lalo na nakakita kami ng mga malalaking kaliskis ng isda na nagkalat sa loob ng yate."

"Kaliskis ng isda?"

"May hinala kami kung ano ang pumatay sa kanila."

Napukaw ang pansin ni RJ ng dalawang seagull o tagak na magkatabing nakadapo sa tuktok ngANTALYA. Kanina pa niya napapansin na animo'y mga taong nakatingin at matamang nakikinig sa usapan nila ni Anton.

"Baka hindi po kayo maniwala kapag sinabi ko sa inyo," pag-aatubiling sabi ng crew.

"Ano bang hinala ninyo?" nawala na ang focus ni RJ sa usapan. 

Weird ang feeling pero sa kanila talaga nakatingin ang dalawang tagak.

Napansin yata ni Anton ang ikinilos niya. "Sir RJ...may problema po ba?"

Itinuro niya ang dalawang puting ibon. "Kakatwa ang dalawang iyon."

"Parang nakikinig po sila sa atin."

Napatingin siya ng diretso kay Anton. "Ramdam mo rin?"

"Simula po nang i-dock dito ang ANTALYA, palagi ko ng nakikita ang dalawang 'yan diyan sa tuktok na parang nagmamanman."

Natawa si RJ ng bahagya sa daloy ng kanilang usapan. Nakakatawa kung paano nila bigyan ng pakahulugan ang gesture ng dalawang ibon.

Napailing siya. Iwinaksi sa isip ang dalawang ibon. "Ano nga ba iyong sasabihin mo sa akin na hinala ninyo ni Jigo?"

"Baka hindi ho kayo maniwala..."

"Try me," nakangiting sabi ni RJ sa lalaki para i-encourage na sabihin ang nasa isip.

At mukhang tama nga si Anton dahil halos matawa talaga si RJ sa sinabi nito, "Inatake po sila ng mga sirena."

Hindi niya alam kung paano magre-react nang hindi niya mao-offend si Anton. Mabait pa naman ang pakikitungo nito sa kaniya at sila ni Jigo ang makakasama niya papuntang Resort ng kaniyang Kuya Edrick.

"Uso pa ba ang sirena sa panahon ngayon na napaka-advance na ng ating technology?"

"Ang karunungan lang Sir ang umusod sa atin pero ang mga kakaibang nilalang na nabubuhay kasabay natin ay nananatiling nariyan pa rin."



MAKATANGHALI NA NANG magsimulang pumalaot ang Mir-a-Mar.

"Hindi ba Jigo malapit lang naman sa Manila ang San Juan, Batangas?" Tanong niya kay Jigo na katabi niyang nakaupo sa enclosed flybridge ng Mir-a-Mar.

Tumango si Jigo matapos i-check ang mga nasa operation panel kalapit ng kulay brown na steering wheel. Guwapo din ang Kapitan ng Mir-a-Mar. Matangkad ng kaunti kay RJ sa height niyang 6', moreno at skin head. Sa tingin niya's nasa early 30's ang edad nito. "Yes, Sir, mga apat na oras hanggang sa kabayanan."

Puro dagat na ang makikita sa paligid at ang matingkad na asul na kulay ng tubig na nire-reflect ng alon ang sinag ng araw at tumatama sa kaha ng yate.

"Dapat pala by-land na lang akong bumiyahe papunta doon. Sayang naman ang krudong makokonsumo nitong yate. Siguradong malaking matitipid."

Pigil ang pagtawa ni Jigo. "Pwede rin po Sir RJ. Ang problema lang, wala pong susundo sa inyo. Tanging si Yaya Dolor lang ang nasa malaking bahay sa resort. Malayo rin po iyon sa kabayanan at hindi naaabot ng mga pampasaherong dyip o tricycle. Ang mga pumupunta roon ay mga private vehicles lang. Usually mga kilalang tao sa lipunan at kaibigan ng inyong Daddy."

"Ibig sabihin, mabilis lang pala tayong makakarating sa resort?"

Tumingin ulit si Jigo sa dinadaanan ng yate, may pinindot na button na hindi alam ni RJ kung para saan bago ito nagsalita. "Supposed to be, Yes Sir. Kaya lang, magbabago tayo ng route. Iiwasan natin iyong daan kung saan nangyari ang insidente."

"May mga pirata ba sa ganitong oras?" Wala sa loob na naitanong niya.

Kumpiyansa si Jigo sa sagot. "Sir RJ, hindi po pirata. Mga sirena po ang kailangan nating iwasan."

Nakita ni RJ sa may stainless hand rails sa may side ng main deck ang pagdapo ng dalawang seagull. Balewala sa mga ito ang paghampas ng sea breeze. Pakiramdam niya ang mga ito rin iyong dalawang tagak kanina sa may MYC. 

Pero posible rin namang mali siya at masyado na lang siyang nadadala sa sinabi ni Anton kanina at ngayon naman ay si Jigo.

"Sirena...?"

"Alam kong mahirap paniwalaan lalo na sa mga kagaya po ninyong madalang lamang bumiyahe sa dagat. Pero Sir, totoo ang mga sirena."

Sa walang mahagilap na sasabihin pinili na lang manahimik ni RJ. Hindi naman siya pwedeng makipag-argumento sa Kapitan ng Mir-a-Mar kaya mabuti na lang ang ganoon.

"Kita po ninyo ang dalawang iyon?" sabay turo sa dalawang tagak.

Tumango siya.

"Mahirap ipaliwanag kung bakit mula nang maganap ang insidente ay palagi na lang nakatanghod ang mga ibon na iyan sa ANTALYA at nang lumaon ay pati na rin sa Mir-a-Mar. Para silang nagmamanman."

"Pwede namang coincidence lang," sabi ni RJ pero kahit siya'y nagtataka rin sa mga tagak na iyon. Kakatwa ang mga kilos ng mga ito.

Napailing si Jigo. "Ewan ko Sir...but I have this feeling na parang binabatayan nila ang bawat kilos ng cabin crews ng yateng ito."

"Sinubukan ninyo na bang paalisin?"

"Maraming beses na. Aalis sila saglit pero maya-maya lang nandiyan na ulit."

"Kahit sa ganitong pagpalaot ninyo kasunod sila?"

"Ngayon pa lang naman kami lumayag Sir. Kayo lang naman kasi ang magiging pasahero namin simula ngayon."

Magsasalita pa sana si RJ nang biglang pumasok sa enclosed flybridge si Anton at hangos sa pagsasalita. Halos sabay sila ni Jigo na napalingon sa lalaki.

"Sir RJ..."

Tumayo siya sa pagkakaupo sa adjustable Stidds helm chair saka humarap sa lalaki. "Ano 'yon Anton?"

Habol-habol pa rin nito ang paghinga sa mabilisang pag-akyat mula sa main deck. Ibinalik naman ni Jigo ang atensiyon sa main control panel.

"Kailangan po ninyong sumama sa akin sa baba, sa may fishing deck."

Napakunot-noo si RJ. "Anong meron?"

Kinuha ni Anton ang kaniyang kamay saka hinila palapit sa hagdan. "May kailangan po kayong makita."

Sumunod na lang siya sa pagbaba saka magkasabay silang lumabas sa fishing deck ng yate.

"Ayun po," turo ni Anton.

Napaawang ang mga labi ni RJ sa nakita...



Itutuloy

1 comments:

Anonymous,  March 8, 2011 at 5:45 AM  

always looking forward to read your stories... alwyn, rhon... of course i remembr brando.. ")

Post a Comment

Enter your comments here!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

  © Blogger template Brownium by Ourblogtemplates.com 2009

Back to TOP