Chapter 22 : Task Force Enigma: Rovi Yuno
Tuesday, January 18, 2011
Hindi niya alam kung paanong babawiin ang lahat ng nasabi niya kay Rovi. Kung bakit naman kasi nagpadala siya sa inis. At kung bakit din naman kasi pagkataray-taray nitong si Rovi. Gusto lang naman niyang makipaglapit at makipag-usap pero parang ang layu-layo nito. Wala naman siyang malaman na dahilan kung bakit niya gustong gawin iyon. Ang alam lang niya ay gusto niyang mapalapit dito. Iyong sa mas kumportableng lebel.
Kumportable? Utog lang yan Bobby!
Napabugha na naman siya ng hangin. Napapadalas ang pagbuntong-hininga niya ng dahil kay Rovi. Hindi pa siya nakaranas ng mga ganitong pakiramdam sa ibang tao kaya nalilito siya. Totoo yung sinabi niya dito kanina na gusto niyang maulit ang nangyari sa kanila. Hindi dahil sa anupamang dahilan kaya gusto niyang maulit. May gusto lang siyang patunayan.
Ipokrito.
Naiinis na tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa may barandilya ng safe-house. Ang dami-dami ng gumugulo sa isip niya ngayon. Ang sitwaysyon na kinasuungan niya, si Monday, at si Rovi. Hindi niya balak mamili ng problema ng sabay-sabay, pero parang ganoon ang nangyayari.
Malala na yata ito.
Naagaw ang pansin niya ng isang paparating na sasakyan mula sa malayo. Nanlaki ang mata niya sa pagkataranta kaya naman hinanap niya agad si Rovi. Mabilis niyang tinakbo ang likod-bahay. Sa pagmamadali niya ay nasabit ang isang paa niya sa nadaanang lamesita na naging dahilan para ma-out balance siya.
Ang maling pagtantiya niya ng babagsakan at pagbawi sa bigat ay mas lalong nakasama sa kanyang pagbagsak. Napapikit na lang siya at hinintay ang pagbagsak sa sahig ngunit hindi nangyari ang inaasahang paglagapak niya. Naramdaman niya ang malalaking braso na nakapalibot sa katawan niya. Agad ang pagbalot ng pamilyar na init sa kanyang kabuuan ng dahil sa pagkakadaiti nila ng tagapagligtas niya sa takdang pagsemplang.
Pasimple siyang lumingon sa nasa likuran niya. Hindi nga siya nagkamali. Si Rovi nga ang sumagip sa kanya. Kung paano niyang nalaman na ito iyon ay ewan na lang niya. Basta kilala niya ang reaksiyon ng katawan niya kapag malapit ito.
"Okay ka lang?"
Mataktika niya itong hinatak para pareho silang tuluyang bumagsak. Marahil ay nagulat kaya't hindi napaghandaan ni Rovi ang balak niya. Plastado itong bumagsak sa ibabaw niya. Bahagya mang nasaktan ay hindi niya ininda iyon. Ang mahalaga, nakorner niya ang masungit na sarhento.
"Wala ka ng kawala ngayon." nakangising wika niya.
"Baliw. Sinadya mo ito no?"
"Halata ba?"
"O, anong plano mo ngayon?"
"Wala, ginugulo mo ang utak ko eh."
"Sira ka talaga."
Akmang tatayo na ito kaya pinigilan niya. "Hep, hep! Wag ka munang gumalaw. Hindi pa ko nakakaganti sa'yo eh. Di ba sabi ko humanda ka?"
"Ano bang laro ito Bobby? At anong ganti ang sinasabi mo?"
"Ito lang naman." Aniya bago kinabig ang batok ni Rovi para ibigay ang kanyang "ganti". Hindi agad ito nakahuma kaya naman anong tuwa niya. Katulad ng inaasahan, agad na nagningas ang kanina pa nag-iinit na damdamin niya.
Dama niyang ganoon rin si Rovi. Halata lang ang pagpipigil nito sa sarili kaya naman siya na lang ang nagsimulang kumilos. Baka kasi aabutin pa sila ng siyam-siyam bago mangyari ang gusto niya.
Nagpipingkian na ang kanilang mga dila at busy na sa paglalakbay ang kanilang kamay sa katawan ng isa't-isa ng gambalain sila ng isang tinig.
"Uy may live show!"
Agad ang pagbalikwas nilang dalawa para harapin ang bagong dating.
"Langya naman pare. May kwarto naman ah. Hindi na ba kayo makapagpigil at hanggang dito sa sala ay nagagawa niyong maglingkisan?" Pang-aasar ng kadarating lang na si Jerick.
"Ungas!" Ang tanging nasambit ni Rovi dito.
Pahiyang-pahiya naman ang pakiramdam ni Bobby ng mga sandaling iyon. Kung bakit naman kasi nakalimutan niyang may paparating nga pala ay saka naman niyang naisipang sunggaban si Rovi. Nahuli tuloy sila habang "in action". Naiiling na tumayo siya.
"Okay lang yun Bobby. Kasama sa paglaki yan." Nakangising sabi ni Jerick.
"Bakit ka nga pala narito?" si Rovi.
"Ah, pinapunta ako ni Rick. Nakausap ko na kasi iyong kaibigan nitong si Bobby. Kung tama ang hinala natin na siya ang dahilan kung bakit kayo natunton doon sa Calatagan eh lalaruin natin ang laro nila. Wais kaya ini." nagtaas-baba pa ang kilay nito na para bang balewala lang ang gagawin na "pakikipag-laro".
"Ganun ba? Anong plano?" seryoso pa ring sagot ni Rovi.
"Later na. Magpapalit lang ako ng damit at nangangati na ako. Tuloy niyo na muna ang labing-labing niyo." Humagikgik pa ang kumag pagkatapos tuksuhin si Rovi at tapunan siya ng ampanudyong tingin.
"Ulol."
"Thank you ha." ngisi lang nito sa pagmumura ni Rovi.
Nang maiwan silang dalawa ay naghari ang katahimikan sa pagitan nila.
Naiilang na siyang hawakan ulit si Rovi lalo na at may nakasaksi ng paglalambutsingan nilang dalawa. Kung matatawag ngang ganoon iyon.
Napatingin siya rito ng humakbang ito patungo sa pinto.
"S-san ka pupunta?"
Huminto ito. "Bakit mo ginawa iyon?"
Huminga muna siya ng malalim. "Katulad ng sinabi ko, hindi ko rin alam."
"Pwede ba iyon Bobby?" tanong nito.
"Siguro. Ewan ko."
"Lagi kang ganyan. Alam mo bang nakaka-inis pakinggan ang mga ganyang sagot?"
"Alam mo bang nakakainis ka ring sumagot?"
Umangat ang balikat nito. Halatang natawa ng pasarkastiko.
"Ako ito Bobby. Kung babaguhin ko ang sarili ko para lang sa'yo, hindi na ako magiging ako. Isa pa, kung ayaw mo sa ugali ko, huwag mo akong kausapin."
"Pero gusto nga kita." Nabigla niyang sagot.
Halatang natigilan ito. Parang naging estatwa sa pagkakatayo. Sinamantala niya iyon para harapin ito. Nagpunta siya sa harapan nito.
"Gusto kita, Rovi. Hindi ko alam kung paanong nangyari, pero gusto kita. Gusto na kita."
Tumaas ang isang kilay nito. "Unli?"
"Huh?" Nalilito niyang sambit.
"Pauli-ulit? Naka-unli ka?"
Saka niya naunawaan na nang-aasar ito.
"Sige. Diyan ka magaling. Sa tuwing lumalapit ako sa'yo, lagi mo akong binabara. Hindi ka ba naaawa sa akin? Talong-talo mo nga ako oh."
"At paanong nangyari iyon?" nakasimangot nang sabi nito.
"Rovi, hindi mo lang alam kung paanong umiikot ang puwit ko sa kakaisip sa'yo nitong mga nakaraang araw. Simula ng gabing iyon, hindi ka na nawaglit sa isip ko."
"I didn't know that giving head..."
"Tigil!" awat niya rito. "Sinabi ng hindi ako gaanong nakakaintindi ng ingles. Nasa Pilipinas ka, magtagalog ka na lang." naiirita na niyang sabi.
Last na kasi ito. Kapag di pa sila nagkalinawang dalawa eh titigilan na niya ang kumag na ito. Ngayon lang siya naghabol no? Sa isang lalaki pa.
"Okay. Ano bang gusto mong sabihin?" tinatamad na sabi ni Rovi.
"Makinig ka. Please? Ipangako mo."
"Pinky swear." Nagmuwestra pa ito ng hinliliit. Binalewala na lang niya iyon.
"Kagaya nga ng sabi ko, hindi ko alam kung paanong nangyari pero nagustuhan kita. Iyong gusto na parang sa isang lalaki sa isang babae. Ewan ko, pero ang tanging alam ko ay hindi masu-solusyunan ang nararamdaman ko kung hindi ko ito sasabihin sa'yo. Kaya sana maniwala ka. Nakaka-inis nga na wala akong magawa kasi ang sungit-sungit mo. Hindi kita makausap ng hindi ko iniisip kung tama ba ang mga sasabihin ko. Lagi akong nangangapa kapag ikaw ang kaharap ko. Ano bang ginawa mo sa akin, ha, Rovi?" tuloy-tuloy na buhos niya ng niloloob.
Si Rovi naman sa isang banda ay tila natulala na lang sa sinabi niya. Parang isang masamang balita ang natanggap nito mula sa kanya. Nanlulumong napayuko na lang siya at nagpatuloy magsalita. Tutal naman, kahiyaan na.
"Rovi naman, sana magsalita ka kahit konti. Hirap na hirap na kaya akong magpa-impress sa iyo. Hindi mo ba napapansin simula ng dumating ka puro pagpapa-cute na lang ang ginagawa ko sa'yo?"
"Magpa-impress?" sa wakas ay sambit nito na nagpa-angat ng mukha niya. Sinalubong siya ng nakakunot-noong hitsura nito.
"Oo. Halos maglakad na nga akong naka-burles sa harap mo. Napapagalitan pa ako ni Tiyang ng dahil sa iyo pero binabalewala ko lang. Ang sabi ko kasi, kailangan kong makuha ang atensiyon mo."
"Hindi mo kailangang gawin iyon. Hindi ko kailangan ng pagpapa-impress mo." Galit na sabi ni Rovi.
Nagtataka man kung bakit ito nagagalit ay nagtanong siya.
"Bakit? H-hindi ba at..."
"Don't try to impress me with your looks Bobby. Not even with your stuff. You might have something between your legs but the one I'm after is the one between your ears." galit na galit na bulalas nito sa kanya kaya't hindi na siya nakahuma. Nagtuloy-tuloy din ito sa kwarto na pinasukan ni Jerick. Nakahiyaan na niya tuloy itong sundan kahit pa gustong-gusto niyang malaman ang dahilan ng biglaang pagkagalit nito.
Nagpupuyos ang kaloobang ibinagsak pasara ni Rovi ang pintuan ng silid pagkapasok na pagkapasok niya. Nagagalit siya sa mga pinagsasabi ni Bobby sa labas. Gusto na sana niyang magtatalon sa tuwa ng malamang gusto siya nito pero ng marinig niya ang katagang nagpapa-impress ito ay nairita talaga siya ng husto.
Mukha ba akong pakipot ng husto at kailangan pa niyang gawin ang bagay na iyon? Anang kalahating bahagi ng isip niya.
Ang taray mo teh? Ikaw na ang sinusuyo, ikaw pa ang galit? Tampuhan ba ang manok? Maraming palay sa paligid. Sabi naman ng natitirang bahagi.
"Hindi mo naiintindihan!" napapalakas na sabi niya. Hala! Mag-monologue ka diyan!
"Hindi ko talaga maintindihan 'tol." Natatawang sagot ni Jerick na nakalimutan niyang nasa silid nga rin pala. Kalalabas lang nito ng banyo.
"Shut up pare!"
"Sorry. Hindi kasama iyan sa bokabularyo ko." pang-aasar pa nito.
"Ano bang problema niya?" naiinis na sambit niya na ang tinutukoy ay si Bobby.
"Ang tanong diyan 'tol, anong problema mo?"
"What do you mean?" matalim ang matang tiningnan niya ito.
"Huwag mo akong pandilatan diyan Rovi. Ang akin lang, anong problema kung magkagustuhan kayong dalawa? Palayain mo na ang sarili mo sa nakaraan. I'm sure, hindi matutuwa si Allan kapag nakita ka niyang ganyan ka-miserable."
"Huwag mong idamay si Allan dito. Nananahimik na siya."
"I know right."
"O bakit binabanggit mo pa?"
"Para matauhan ka. Ayan si Bobby 'tol. Buhay. Pumapalag at mukhang palaban pa. Tell me, nagside-trip ka na sa isang iyan no?"
"Baliw." Paiwas niyang sagot.
"Ikaw iyon. Hindi ako ang nakakulong sa nakaraan. Palayain mo na ang sarili mo. Ang tagal na kaya nun. Move-on pare."
Pangalawang beses na niyang narinig ang mga katagang iyon sa araw na ito. Wala pang isang oras. Ano nga ba ang pinanghahawakan pa niya sa nakaraan? Hindi naman na niya iyon maibabalik pero bakit ang higpit ng hawak niya.
"I know pare, ang pinakamasakit na uri ng love story ay iyong hindi nagkaroon ng katuparan."
Aray!
Wala siyang masabi doon kasi bull's eye siya sa puso. Nalaman kasi niyang gusto siya ni Allan pero huli na. Nasawi na ito ng dahil sa pagiging malapit sa kanya.
"Hindi mo naman kasalanan na namatay si Allan dahil nagkaroon ng kaaway ang tatay mo noon eh. It could happen to anyone. Nataon lang na si Allan ang naroroon. Huwag mong solohin ang kredito. Hindi kayo ni Allan ang target ng mga namaril noon, kung hindi ang tatay mo."
Aray again!
Napapantastikuhang nilingon niya si Jerick na matamang nakatingin sa kanya.
"I know, I know. A simple thanks will do. Alam ko namang alam mo na tama ang mga sinasabi ko."
Napailing siya.
"Langya ka 'tol. Mangbabasa ka ba ng isip?"
Jerick chuckled. "Obvious lang masyado na iyon ang iniisip mo 'tol."
"Ganoon ba?" Nahihiyang sabi niya.
"Oo. Sabi nga sa kanta. It's written all over your face." nag-hum pa ito.
"Ungas ka talaga."
"Sige na. Puntahan mo na iyong kumag at baka magbago ang isip nun."
"Huwag naman sana." may pangambang anas niya.
"Pero bago ang lahat. Tingnan mo ang cellphone mo. Na-i-send ko na ang plano na naisip ni Rick. Tinatamad na akong dumaldal eh."
"Napapagod ka pala? Hindi halata ah."
"Oo naman. Mukha na ba akong robot?"
"Hindi. Mukha ka lang database."
"Ulol."
"Si Unabia?"
"Alaws pa rin. Pero na-track ko na yung device niya. Ang putsa, ibinalot sa chewing gum. Siguro may nakaapak kaya nabuksan. Nasa building na nakadestino sa kanya nung oras ng buy-bust natin."
"O anong balita?"
"Aalamin ko pa. Pero duda ko, nakuha iyon ng kalaban natin. May trace ng panlalaban ni Cody eh."
"Sige. Update mo lang kami 'tol. Lalabas na ako."
"Sige 'tol. Goodluck sa panunuyo mo kay Bobby."
"Gago!"
Paglabas niya ay hinanap niya agad ang pakay. Wala ito sa sala. Paglabas niya ay nakita niyang naka-upo ito sa kawayang papag. Nakatingin sa malayo.
"Bobby..." anas niya.
Lumingon ito. Alanganing ngiti ang ibinalik niya sa sulyap nito. Tumayo si Bobby pero walang emosyong nakikita mukha. Inilang hakbang nito ang pagitan nila at tumigil sa mismong harapan niya. Halos pigilan niya ang paghinga sa pagkakalapit nilang iyon.
"B-bobby..."
"Tama na ang pagpapanggap Rovi. Napapagod na ako." wika nito sabay sakop sa kanyang nanginginig na labi.
ITUTULOY
0 comments:
Post a Comment